Tumgik
#dibuho
mahikamihan · 1 day
Text
Tumblr media
I've been thinkin' 'bout you all damn day While you worried, love, you know that I'm gon' stay
160 notes · View notes
stellato-17 · 11 months
Text
Tumblr media
I had this drawing completely ABANDONED SINCE LAST YEAR! TwT
(21/?)
5 notes · View notes
luztdl456 · 15 days
Text
Tumblr media Tumblr media
el dibuho es de @saavanah08
20 notes · View notes
Link
Check out this listing I just added to my Poshmark closet: 🎁NWT🎁 PHILLIPINES 💛 dad hat Dibuho handcrafted 🎁.
0 notes
onwardop · 8 months
Text
PALIHAN 2022: Ikatlong Araw
TINGNAN: Tampok ang pagkuha ng larawang pampahayagan, pagsulat ng editoryal, at kartuning sa ikatlong araw ng Palihan 2022 na pinangunahan ni G. Erwin Calilap, tagapayo ng publikasyon sa wikang Ingles, Huwebes, Agosto 10.
Tinalakay ni G. Calilap ang importansya ng larawan at kapsiyon sa isang balita at tinuro ang tamang pagkuha ng retrato. Binigyang-diin niya na mahalaga ang retrato sa isang pahayagan sapagkat nagpapahayag ito ng isang kwento.
Bukod dito, ibinihagi din ng guro ang kanyang mga kaalaman hingil sa pagsulat ng editoryal tulad ng uri at estruktura nito. Ipinaliwanag niya na hindi lang kritisismo at purong opinyon ang editoryal sapagkat marapat na patas, makatarungan, masusing pinag-aralan ang pananaw ng manunulat. Idinagdag niya na maaring makapagbigay rin ng suhestiyon ang awtor sa isang isyu.
Ayon pa rin kay G. Calilap, sinusuportahan ng isang kartun ang isang editoryal. Lahad niya, ang kartun ang larawan ng isang pangulong tudling na kumukuha ng atensiyon ng mga mambabasa at nakapagpapagaan sa mabigat na pakiramdam ng editoryal. Nabanggit din ang ilan pa sa mga konsepto at dibuho bilang mga elemento ng kartuning na dapat isaalang-alang.
Ilang mga aktibidad naman ang ipinagawa sa palihan na sumubok sa kaalaman at kasanayan ng mga batang mamamahayag sa mga nasabing kategorya.
Abangan ang mga paksa at mga aktibidad na magaganap sa huling araw ng #Palihan2022 bukas.
#SulongDominikano
#SulatDominikano
Tumblr media
0 notes
southlakethreads · 1 year
Link
Check out this listing I just added to my Poshmark closet: VTG Dibuho Manila Philippines Hand Painted T-Shirt.
0 notes
belle1485 · 2 years
Text
Trivia # 4
Isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.
0 notes
akocomyk · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
• • • • •
Sulyap
Likha
Lakad
Bighani
Sayaw
Yakap
Nais
Dulog
Dilim
Awit
Dibuho
1 note · View note
fabianfucci · 6 years
Photo
Tumblr media
Mi participación al Character Design Challenge, tema piratas del espacio // My space pirate entry to the Character Design Challenge on FB. Fear the cute.
1 note · View note
issymalabudja · 7 years
Photo
Tumblr media
145 notes · View notes
mahikamihan · 11 hours
Text
Tumblr media
what can survive the anti-life? well, lightbringer, what is it that kills hope?
82 notes · View notes
guniguning-munimuni · 3 years
Text
isinumpang pag-ibig
Tumblr media
sukuna x mangkukulam!reader
cw: kinda toxic relationship, violence, op!reader
note: thanks for @lumpiang-toge for hosting this event! first time ko magsulat ng readerfic in filipino so pasensiya if medyo awkward yung ibang pangungusap. thanks for reading!
you can check out other works in the masterlist here.
__________
Kagaya ng ibang mga kuwento, nagsimula ang lahat sa hindi ordinaryo. Nagsimula sa iyo, sa kanya, noong ilang dekada na ang nakakaraan.
Kung iisipin, halos lahat ng mga mito at alamat sa iba't-ibang panig ng mundo ay may pagkakapareho. Siguro dahil nasa iisang ninuno lang tayong pinagmulan. Siguro dahil may pagkakapareho tayo ng kalikasang nilakihan--iisang saribuhay na nagbibigay sa'tin ng kabuhayan.
Isa lang ang sigurado. Saanmang lupain o kailan mang panahon, hindi mawawala ang hidwaan sa sangkatauhan. Mga negatibong emosyon na nagbibigay buhay sa mga puwersa na akala natin ay guni-guni lang. Mga puwersa na nabubuhay sa galit, sakim, kurapsyon—mga sumpa.
Anong gagawin mo kung makita mo ang sarili mong magkaroon ng kakayahang kontrolin ang mga negatibong emosyon, hanggang sa makahulma ng puwersa—ng kapanyarihang kakaiba sa ordinaryo?
Bulong-bulungan sa bayan ang iyong kakayahan. Pinili mong manirahan sa pinakaliblib na lugar sa kabundukan upang lumayo sa mga tao, sa takot na baka makasakit ka nang hindi mo sinasadya.
Sabi nila, isa kang mangkukulam. Kaya mo raw kumontrol ng sumpa.
Ngunit ikaw nga ba ang kumokontrol ng sumpa o ang kinokontrol nito? Ikaw nga ba ang nagsusumpa, o ang isinumpa?
Mainit ang haplos ng sinag ng araw sa iyong pisngi. Parang mabigat na buhos ng ulan ang pagbagsak ng tubig mula sa malapit na talon. Nakaupo ka sa malaking bato sa gilid ng ilog, nagbababad sa init ng araw.
Payapa. Tahimik. Tanging huni lang ng mga ibon at wagaspas ng mga dahon ng mga puno't halaman. Parang ang hirap na ulit bumalik sa sibilisasyon kapag nasanay ka na sa sarili mong presensiya.
Kaya naman mabilis mong napansin ang isa pang presensiya mula sa kalapit na puno, nagtatago sa lilim nito.
Rinig mo ang yapak ng pares ng bakya, tunog ng kawayan sa bato. Magaan lang na parang dumaang hangin. Hindi mapapansin na may ibang presensiya kung hindi dahil sa anino na humarang sa sinag ng araw na binibiladan mo.
"Napakarami ko pang pinuntahang lugar, dito lang pala kita matatagpuan."
Ilang segundo ang lumipas bago mo maproseso ang sinabi niya. Ibang lengguwahe. Kung hindi dahil sa serye ng mga sumpang nakapinta sa hulma ng iyong mukha, hindi mauunawaan ng iyong isipan ang kanyang mga kataga.
Hindi ka gumalaw sa pwesto mo. Nakaharang pa rin siya sa araw. Dahan-dahan kang dumilat.
"Hindi ka tagarito."
"Marunong ka pala mag-Nihonggo? Pero hindi sabay sa hulma ng bibig mo ang—ah." May kislap sa mata ng nilalang na kaharap mo noong mapagtanto niya ang isinumpang teknik. "'Yun pala 'yon."
"Naliligaw ka ba?"
"Hindi mo 'ko kilala?" Noong hindi ka agad nakasagot, umupo ito upang maging kapantay ang iyong mga mata. Direkta ka niyang tinignan—na parang ngayon lang siya nakakita ng kagaya mo. "Hindi ka sisigaw? Hindi ka natatakot?"
Dalawang pares ng kamay at paa. Hugis at kurba ng isa pang bibig sa tiyan. Napansin mong nakatali ang manggas ng kasuotan nito sa kanyang bewang. Tumutulo ang pawis mula sa kanyang dibdib pababa sa tiyan, siguro dahil sa init ng araw. Hindi siguro siya sanay sa ganitong panahon.
Unang ramdam mo palang sa presensiya ng nilalang na ito, alam mo nang hindi ito ordinaryo. Makapanyarihan at mabigat sa pakiramdam. May halong amoy ng dugo at karahasan.
Hinahanap ka niya. Tinutugis ka niya. Sa anong dahilan, hindi mo alam. Sinabi niyang nanggaling siya sa iba't-ibang lugar para lang matunton ka.
Kung bababa ka ng bundok upang kumustahin ang mga munting mga tirahan doon, may madadatnan ka pa ba?
"Hindi ba dapat mas matakot ka dahil kailangan mo pang tumawid ng karagatan para makabalik sa teritoryo mo?" Wala siyang takas. Kung sinuman itong dayuhang nilalang na ito, wala siyang ibang matataguan kung gugustuhin mo siyang patayin.
"Nakakabagot."
"Nandito ka ba para patayin ako?"
Ngumisi siya. "At kung oo?"
Naramdaman muna ni Sukuna ang pagtaas ng temperatura. Pagpikit niya, nakabuwelo ka na ng puwesto. Nakaatras ang isang paa at may hawak na kampilan. Pagdilat niya, binati siya ng malakas na hanging nagdulot ng sandamakmak na hiwa sa kanyang balat.
Mabilis itong gumaling.
"Gusto mo palang makipaglaro." Ngumisi ang nilalang. "Pagbibigyan kita."
Tumblr media
Hindi mo na maalala kung sino ang nanalo sa una niyong duwelo. Ang naaalala mo lang ay ang pagyanig ng lupa (nabawasan yata ng taas ang bundok matapos ang laban niyo) at ang pagbuhos ng ulan (nagkaroon ng epekto ang mga kapanyarihan niyo sa klima ng bundok).
Naaalala mong may talon malapit sa tirahan mo, pero ngayon naging tuwid na ilog nalang ito.
Napilitang umatras ang nilalang noong mapagtanto na hindi lang ikaw ang kalaban niya rito—pati ang mismong lupain kung saan ka ipinanganak. Kahit ang kalikasan ay nilalabanan siya. Ang hangin, lupa, halaman, mga puno, at kahit mga hayop—lahat ay kumokontra sa nilalang.
Pagbalik mo sa tirahan mo, isang munting bahay-kubo na ikaw lang ang nagtayo—halos manlumo ka noong makitang gumuho na ito. Inabot ulit ng isang linggo bago ka muling magkaroon ng bubong sa ulo.
Alam mo sa sarili mong babalik ang nilalang. Hindi mo lang alam kung kailan.
Hm, kung iisipin—hindi mo naitanong ang pangalan niya.
Bumaba ang mata mo sa iyong mga kamay. May gasgas ang daliri mo mula sa laban niyo. Ngayon ka nalang ulit nakaramdam ng ganitong kasabikan.
Minsan ka nalang makaramdam ng paglukso ng dugo sa isang laban. Madalas, ang mga pinapadalang tauhan para tumugis sa'yo ay masyadong mahihina, o masyadong ordinaryo. Kalupitan na kung papatulan mo pa sila.
Sa una niyong pagtatagpo, naglaban kayo sa puntong muntik niyo nang mapatay ang isa't-isa. Dumanak ang dugo. Nadurog na buto. Gumunaw na bundok. Dalawang makapanyarihang nilalang na may magkaibang pinagmulan.
Sa pangalawang pagkakataon, nagliyab ang lupa. Sinunog niya ang kagubatan mo—at kapalit, pinabagsak mo ang kalangitan sa kanya. Literal na nadaganan ang nilalang ng bigat ng mundo—hanggang sa mabaon sa lupa.
Oras ang lumipas bago niya muling mahukay ang sarili pabalik sa tuktok. Pagbalik niya, nandoon ka na at naghihintay. Nakaupo katabi ng ilog, nasa tabi ng hita ang kampilan, at may dalawang tasa ng tsaa.
Ibinigay mo ang pangalan mo at ibinigay niya ang kaniya.
Sukuna.
Sa puntong 'to, hindi na ito pagkakataon. Naging lima ang dalawa. Naging sampu. Hanggang sa hindi mo na binilang dahil parang wala na namang katapusan. Ganoon ba ka-nakakabagot sa lugar niya kaya lagi itong naghahanap ng pagkakainteresan?
"Hindi ka napapagod?" tanong mo matapos ang isa sa mga duwelo niyo. Nagsisimula nang gumaling ang mga sugat na iniwan niyo sa katawan ng isa't-isa.
Bilog ang buwan, nagkalat ang mga bituin sa karimlan na parang talsik ng pinta sa isang dibuho. Madilim sa bakuran ng iyong tirahan, tanging ang ningas lang sa lampara ang nagbibigay ng liwanag sa pagitan niyong dalawa ni Sukuna.
"Kaya kong gumalaw simbilis ng liwanag. Paano ako mapapagod?" Ngumiti si Sukuna. Matalas ang mga ngipin nito, parang kayang-kaya ngumuya ng sariwang laman. "Bakit? Ayaw mo na ba 'kong makita?"
"Sa bawat laban natin, laging nagkakaroon ng sakuna. Iniisip nila na ako ang may dahilan nito. Na sa sobrang galit at poot ko, isinumpa ko na ang buong lugar. Dumarami ang mga tumutugis sa'kin."
May kung ano sa mga mata ni Sukuna na hindi mo matukoy. Gaya ng nakita mo noong una mo siyang nakatagpo. Mabigat na presensiya at amoy ng dugo't karahasan.
Siguro sa liwanag lang ito ng lampara. Hindi mo ito pinansin.
"Dumarami na ang gustong pumatay sa'yo."
Tumawa ka. "Hindi ba't gano'n rin ang gusto mo?"
Nagulat ka noong bigla niyang inilapit ang mukha sa iyo.
"Hindi mo alam kung anong gusto ko."
Ramdam mo ang pagkabog sa iyong dibdib. Siguro matagal ka nang hindi nakakaranas ng presensiya ng ibang tao kaya kinakabahan ka. Kinakabahan ka ba talaga? Bakit parang ang sikip yata bigla ng puwang sa pagitan niyo? Bakit parang mas lalong lumalapit ang mukha niya sa'yo?
"Ano bang gusto mo, Sukuna?"
"Tama ka, nakakapagod nga." Nangunot ang noo mo sa biglang pagliko niya ng usapan. Bumaba ang mata ni Sukuna sa mukha mo, pababa papunta sa iyong kamay. Inilapit niya ang mga daliri niya sa iyo. Ramdam mo ang init at gaspang ng kanya sa iyong balat.
"Sumama ka sa'kin."
Nanlaki ang mata mo. Hindi mo inaasahan ang bigla niyang imbita. Nakatitig pa rin siya sa'yo, naghihintay ng iyong sagot. Pinagmamasdan ang pagtataka at kaguluhan sa iyong mukha. Ramdam mo pa rin ang haplos ng daliri niya sa kamay mo, nag-uudyok ng iyong sagot.
Sumama kay Sukuna?
"...Bakit?"
"Bakit hindi?" tugon niya. "Wala ka namang maiiwan dito. Mag-isa ka lang rito sa bundok maliban nalang sa mga bumibisita sa'yo para patayin ka—"
"Gaya mo?"
"—Iba 'yon. Iba ako. Masyado kang makapanyarihan para makulong sa ganitong lugar. May potensiyal ka."
"Potensiyal? Anong potensyal?"
"Wala ka bang ambisyon?" Umangat ang haplos ng daliri ni Sukuna papunta sa iyong braso. Hinawakan ng kabilang kamay mo ang kamay niya, ngunit hindi mo pinigilan ang mga haplos niya. "Dito ka nalang buong buhay mo? Nagtatanim ng kung ano-ano, nag-iikot-ikot sa gubat para mamitas ng prutas at gulay?"
Pinigilan mo ang paghaplos niya. "Hindi ko alam na ang baba pala ng tingin mo sa'kin."
"Kung mababa ang tingin ko sa'yo, hindi na kita pupuntahan rito linggo-linggo para lang makita ka."
"Kung sasama man ako sa'yo, anong naghihintay sa'kin doon?" Hindi mo mapigilang itanong. "Anong kailangan mo sa'kin, Sukuna?"
"Malakas ka. Malakas ako," sagot niya. "Kaya nating mapasakamay ang mundo."
Naalala mo ang itsura lagi ng lugar pagkatapos niyong maglaban ni Sukuna. Parang nagkaroon ng malalang sakuna. Laging may nasisira. Laging may nadudurog. Laging may nasusunog.
Ano kayang itsura ng mundo na ihuhulma niya?
Gaano katatag ang sikmura mo sa mundo ng karahasan at dugo?
Anong mangyayari kapag tumanggi ka?
Tinitigan mo si Sukuna. Mala-halimaw na anyo. Malakas. Makapanyarihan. Uhaw sa dugo at laging nakikipaglaban. Ngunit sa sandaling ito, payapa siya sa tabi mo. Nakatingin sa'yo na para kang mga bituin sa langit.
Inilapat mo ang palad mo sa magkabilang pisngi ni Sukuna. Nanlaki ang mata niya, hindi inaasahan ang biglang haplos ng iyong daliri sa kanyang mukha. Sa mga linyang nakapinta sa kanyang balat—sa pisngi, pababa sa labi.
Inilapit mo ang mukha mo sa kanya. Nakatitig siya sa'yo na parang hindi ka niya maalis sa paningin. Na parang ikaw ang nag-iisang tanawin na kaharap. Na parang kabigha-bighaning larawan.
Sa puntong 'to, alam na ni Sukuna na hindi ka niya papakawalan.
Ramdam ni Sukuna ang labi mo sa kanyang tenga.
At doon, ibinulong mo ang iyong sagot.
19 notes · View notes
Text
Likhang Sining by | Unpublished Inkstains 🪶
Sa mga araw na dumaan, unti-unting bumabalik ang bawat piyesa ng aking sarili.
Sa bawat minuto at bawat segundo, sa bawat likhang sining at dibuho...
bumabalik at nahahanap ang pagkatao.
25 notes · View notes
Link
Check out this listing I just added to my Poshmark closet: 🎁NWT PHILLIPINES 💛 dad hat Dibuho handcrafted 🎁.
0 notes
onwardop · 8 months
Text
TATLONG ARAW NA LANG, PALIHAN 2022 NA!🥳
Mga Dominikano, ihanda na ang inyong mga papel at panulat dahil tatlong araw na lang, Palihan 2022 na! 😍
Tara na at matuto sumulat ng mga artikulo, gumuhit ng mga dibuho, at kumuha ng mga retrato. Malay mo, dito mo na madiskubre at mahasa ang inyong mga talento. 😉
📢 Nakapagpalista na ba kayo mga Dominikano?
Huwag ng magpatumpik-tumpik pa dahil ang pagpapalista ay bukás lamang hanggang sa linggo, Agosto 7.
📢 Muli, ito ay LIBRE at bukás sa lahat ng mag-aaral ng St. Dominic Academy of Pulilan Inc. Kung kayo ay interesado, mangyaring sagutan ang aming inihandang Google Form sa pamamagitan ng pagpindot ng link sa ibaba.
✅ Link: https://bit.ly/Palihan2022
Halika na, Sali na! Sulat tayo! ✍
Kita-kita tayo, mga Dominikano! 😉
#Palihan2022
#SulongDominikano
#SulatDominikano
Mga Dominikano, ihanda na ang inyong mga papel at panulat dahil tatlong araw na lang, Palihan 2022 na! 😍
Tara na at matuto sumulat ng mga artikulo, gumuhit ng mga dibuho, at kumuha ng mga retrato. Malay mo, dito mo na madiskubre at mahasa ang inyong mga talento. 😉
📢 Nakapagpalista na ba kayo mga Dominikano?
Huwag ng magpatumpik-tumpik pa dahil ang pagpapalista ay bukás lamang hanggang sa linggo, Agosto 7.
📢 Muli, ito ay LIBRE at bukás sa lahat ng mag-aaral ng St. Dominic Academy of Pulilan Inc. Kung kayo ay interesado, mangyaring sagutan ang aming inihandang Google Form sa pamamagitan ng pagpindot ng link sa ibaba.
✅ Link: https://bit.ly/Palihan2022
Halika na, Sali na! Sulat tayo! ✍
Kita-kita tayo, mga Dominikano! 😉
#Palihan2022
#SulongDominikano
#SulatDominikano
Mga Dominikano, ihanda na ang inyong mga papel at panulat dahil tatlong araw na lang, Palihan 2022 na! 😍
Tara na at matuto sumulat ng mga artikulo, gumuhit ng mga dibuho, at kumuha ng mga retrato. Malay mo, dito mo na madiskubre at mahasa ang inyong mga talento. 😉
📢 Nakapagpalista na ba kayo mga Dominikano?
Huwag ng magpatumpik-tumpik pa dahil ang pagpapalista ay bukás lamang hanggang sa linggo, Agosto 7.
📢 Muli, ito ay LIBRE at bukás sa lahat ng mag-aaral ng St. Dominic Academy of Pulilan Inc. Kung kayo ay interesado, mangyaring sagutan ang aming inihandang Google Form sa pamamagitan ng pagpindot ng link sa ibaba.
✅ Link: https://bit.ly/Palihan2022
Halika na, Sali na! Sulat tayo! ✍
Kita-kita tayo, mga Dominikano! 😉
#Palihan2022
#SulongDominikano
#SulatDominikano
Tumblr media
0 notes
lostvirtuoso · 4 years
Text
PARA SA MAKATA'T MANDIRIGMA
Pula ang tintang ipinunla sa puting kapatagan
tangan ang tingga't katawang nanlilimos ng katarungan
Balangkas ang serye ng panlilinlang at ilusyon
Gumuhit at umukit ng galit, martsa ng pagbangon.
Ubos-kayang ikinakasa'ng mga titik sa armas ng pakikidigma—
hinding-hindi matatakot; hindi matutumba.
Sa bantang pagsulyap ng nakaraang giyera
Selyuhan ang pakikibaka, sandigan ng masa.
Walang espasyo ang pagtalikod sa sinumpaang kredo.
Sa panahong paglaban ang syang dapat manalaytay sa sinisiil na puso.
Pakinggan ang naratibong pinanday ng peryodismo:
'pagkat ang lipunang gagap sa paglaya ang siya lamang makadudurog sa estado.
Pagliyabin ang sulô ng natatanging katotohanan, na siyang
gabay sa daan tungo sa paglaya ng bayan.
Dahil sa sandaling mahinog na ang panahon,
Apoy ng pagtindig ang mitsa ng rebolusyon.
________________________________
Sa panulat nina John Carl Michael Emala at Kyle Umipig
Dibuho ni Kenneth Leo Pamlas
#DefendPressFreedom
#StandWithJournalists
Tumblr media
23 notes · View notes