Tumgik
#gintong-hangin
Text
http://culturalcenter.gov.ph
http://culturalcenter.gov.ph
GINTONG HAKBANG PARA SA MAGANDANG KINABUKASAN
Ni: Me-an C. Bongue
Pagmasdan niyo ang ating paligid, ang mundo’y kay laki na ng pinagbago. Hindi ba kayo nangangamba sa posibleng mangyayari sa kinabukasan? Ang ating kalikasan, wala na ang dating kulay at ganda, naglaho na ang preskong hangin dahil napalitan ng mga usok ng sasakyan na nagdudulot ng polusyon, paubos na ang mga puno kaya palaging nararanasan ang mga pagbaha. Ang mga kabataan na itinuturing ni Rizal na “Pag-asa ng Bayan”, nasaan na sila? Karamihan ay nalulong sa mga bisyo tulad ng droga, nagpapabuntis ng maaga at nagbebenta ng aliw sa mga ibang lahi. Ang dating magalang kung manalita at maayos kung manamit ngayo’y puro na pagmumura ang maririnig maging ang mga kasuotan ay tila ba makita na pati ang kaluluwa. Paano na ang kinabukasan kung hindi natin aagapan ang kasalukuyan? Mag-isip tayo ng mga hakbang upang maisalba ang natitirang pag-asa ng bayan.
Una, pangalagaan natin ang ating kalikasan. Itapon natin ang mga basura sa tamang lalagyan at itigil ang illegal na pagpuputol ng mga kahoy. Palitan ng bago an mga punong kailangang putulin at maglaan ng panahon sa paglilinis ng mga kanal. Limitahan ang paggamit ng mga sasakyan na nagbubuga ng masasamang usok nang sa gayun ay mabawasan ang pulusyon sa hangin. I-recycle ang mga basurang nagagamit pa at huwag susunugin ang mga plastik para makaiwas sa climate change. Tumulong tayo upang mapaganda ang kalikasan nang sa gayun ay masilayan pa ito ng mga susunod na henerasyon. Tayo ang may kakayahan na pangalagaan ang kalikasan, huwag nating hayaang masira ito nang tuluyan.
Ikalawa, ituro sa mga kabataan ang magagandang kaugalian at tamang pananamit. Sa loob man ng tahanan o sa paaralan ay kinakailangang ituro sa mga kabataan ang kagandahang asal at paggalang sa kapwa. Bata pa lamang sila ay kailangan nang mahubog ng maayos nang sa gayun ay lumaki silang disiplinado at matuwid. Sa kanilang mga kamay nakasalalay ang hinaharap kung kaya't nararapat silang maturuan ng magagandang asal. Maging modelo tayo sa kanila at ipakita sa kanila ang hulma ng bagong kabihasnan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
acsiennt · 5 months
Text
Chapter 3: Of Half Bloods
KASDEYA ARGYROS' Point of View
I choke on air as if I'm being strangled.
Lumakas ang tibok ng puso ko. Wala akong narinig. Wala akong napansin. The next thing I know, there is a dull, metallic sound swishing from behind me and passing my right ear. Napalunok ako. Hindi ko na kailangang tumingin sa gilid para malamang may espada na nakadiin sa leeg ko.
Dahan-dahan kong sinilip ang taong nasa likuran ko pero mas lalo lang dumiin ang pagkakalapat ng patalim sa aking balat. I can feel my skin breaking. One forceful swing, and I'll be beheaded.
"I said, don't move."
Mariin akong pumikit. I don't have to follow him. Kailangan kong mag-isip ng paraan para makatakas. Hindi ako papayag na mahuli muli. I ran for a whole year, I won't let my efforts go to waste.
Hindi ko namalayan ang panunuyo ng lalamunan ko kung hindi lang ako napalunok ng laway. I open my trembling lips, toughening my voice to seem fearless. "Why should I listen to you?"
He withraws his sword in a flash. Nagawa kong makahinga nang mawala ang mariing patalim sa leeg ko. I swiftly turn to look at him. I expect another one of those demigods in uniform, but I'm left in stunned silence.
Nakasuot siya ng isang kulay itim na cloak na may gintong clasp. My eyes drift to his covered body and I can say with certainty that he's not wearing the uniform. His eyes are hidden, but I can see tips of his white hair sticking out of the hood.
Sa likod niya, tila lumiwanag ang buwan na sinisikatan ang kaniyang ituktok. It's hard to ignore it now, especially when it screams. Parang sinasabihan ako nito na kahit anong gawin ko, hindi ako makakatakas.
I know it's an illusion, but it's still terrifying. Parang gusto ko nalang mahimatay dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
The faint wisps of moonlight piercing through the forest leaves fall in a halo around the lean and tall build of the cloaked person in front of me.
"Sino ka?"
Mukhang hindi niya kasama ang mga humahabol sa akin. Other than the different outfit, this guy seems too detach from everything around him. But it doesn't make sense. Parang wala siyang paki, pero nararamdaman ko ang pagkailap niya sa paligid.
Binitiwan na niya ako. I can run away from here, but something's telling me not to. What if he doesn't need to pay attention to stop me?
I hear a small exhale come out from him as if he's trying not to sneer. Kuminang sa dilim ang ginintuan niyang espada bago ito maglaho sa hangin. I stifle a gasp.
"I should be asking you that question." Even weaponless, he seems more... threatening.
His voice, as sharp as uncut gemstones and as deep as the echoes of darkness, causes the fight or flight instinct to drive my motors again. Nawala ang kutsilyo ko nang sinaksak ko ang dalawang demigod kanina. Kung hindi ako magmamadali, siguradong mahuhuli nila ako.
Sinamaan ko ng tingin ang lalaki. "Wala akong oras para sa mga katulad mo."
Tumalikod ako para tumakbo paalis pero hindi pa man ako nakakahakbang ay nasa harapan ko ulit siya. I stumble back, and he uses that opportunity to step forward.
Anong nangyari? Who on Earth is this guy?
Bahagya siyang nagtaas ng ulo. Walang lumabas sa bibig ko pero napaawang ito. He glares at me under the hood, one grey eye glowing menacingly amidst the fabric as if it's a wolf's eye. Soft locks of white hair poke his eyelids, and a golden spark appears in his left ear.
Hindi ko pa rin makita ng mabuti ang mukha niya, ngunit sapat na iyon para matumba ako sa lupa. I flinch when my legs tangle with each other like a pair of unruly shoelaces.
The man towers over me like how a god would stand in front of a mortal. Napalunok ulit ako.
"Answer my question or I'll let them find you here lifeless." He threatens.
Kahit ayaw gumalaw ng katawan ko, nginisihan ko siya. "You didn't ask anything."
Bigla siyang lumuhod sa gilid ko. One knee settles on the ground as he brings his head down, the hood obstructing his face even more.
"Who are you and why are they following you?"
Alam kong kulang na ako sa oras. Ilang segundo nalang ay mahahanap na ako nung demigods at ng mga kasama nila. I don't want to get eaten by stymphalian birds, nor do I want to die in the hands of my own kind.
But most of all, for some reason, I don't want to stay here with this stranger.
Kaya sumagot ako kahit labag sa loob ko. "I'm nothing but an orphan. Basta basta nalang nila akong hinabol at sinaktan nila ang kaibigan ko. I had to run away so they won't catch me, so please..."
Huminga ako ng malalim. I try to search beneath his cloak. Kahit na alam kong hindi ko makikita ang mukha niya, kailangan kong magmukhang kaawa-awa.
"Let me go. I don't want to get caught," And as if they are trigger words, memories flash at the back of my mind. Events from what happened from a year ago, those days that I've been trying to forget.
The scars are gone, but I can still feel them throbbing against my skin. "I don't want to go back there... Ayokong nang balikan ang mga nangyari dati."
Naging tahimik ang lalaki sa harapan ko. Though, he seems so silent even before. Bumaba ang tingin ko sa marumi at luma kong mga damit. If he's not going to let me run, I already plan to distract him long enough to get out of here.
And then he stands up. Sumunod ang tingin ko sakaniya bago ito bumagsak sa kamay niyang nakalahad para sa akin.
"Get up." It takes me several seconds to hide my surprise. Huminga ako ng malalim bago ito kunin. When our hands touch, he quickly pulls me up from the ground.
I can feel the roughness of his palm, even the residues from healed wounds. Nang magawa ko nang makatayo mula sa lupa, rinig ko ang bulong niya. "Your hands are rough."
Bumitaw siya, leaving my hand cold and empty. "I can say the same thing to you."
Hindi na siya sumagot at tinalikuran na ako.
"If you want to escape your pursuers, then get out of the forest now. They have every place surrounded which means you have to sneak your way out of their forces." Sabi niya sa akin habang naglalakad palayo.
Akala ko yun ang huli niyang sasabihin ngunit tumigil siya at lumingon sa akin. I see the smirk in his face, but it's astute and mocking. "But you can handle yourself, can't you? You managed to wound Acropolis' best soldiers."
"You know them?"
He turns away from me again, not bothering to answer me. "If you get caught, don't expect me to come and help you. Pray to whichever god you want that this is the last time we meet each other."
Kumurap ako, at sa pagdilat muli ng aking mga mata, nawala na ang lalaki sa harapan ko.
I clench the palm he held to pull me. The texture of his hand suddenly feels like rigid templates on my skin.
Mariin ako kumurap bago huminga ng malalim. A fire was lit inside my system, and I douse it with whatever calming breeze is left in me.
"I don't need your help or the mercy of any god."
Tumalikod na ako sa direksyong tinahak niya bago tumakbo paalis sa gubat.
Kung totoo ang sinabi ng lalaki kanina, ibig sabihin ay napapaligiran ang buong gubat. I don't know if my pursuers are only two demigods and a battalion of Ancient Greek creatures, but whatever the answer is, it's generally bad.
Nagawa kong sugatan ang dalawa kanina pero aaminin ko na sinwerte lang ako. I perfected the act to seem like a harmless and clueless girl to surprise my enemies. Unfortunately, I can only use that trick once.
If I accidentally run into them again, there won't be a way out.
But if it's just creatures we're dealing with, I can handle them perfectly. The problem is, is luck on my side? Or have I ran out of it?
Sinikap kong magtago sa mga anino ng puno habang gumagalaw sa loob ng gubat. I close my eyes momentarily at intervals, seeing if I can sense the creatures following me. Nakakarinig ako ng mahinang yapak mula sa malayo.
The sounds are pounding and harsh, like the gallops of hooves.
I reach for a low branch to pull myself up. Tumalon-talon ako sa mga malalapad na sanga para mas lalong maitago ang katawan ko. Sumulyap ako sa langit pero wala akong makita dahil sa mga dahon.
Napatigil ako sa isang malaking puno nang makita ko ang boundary ng gubat. Like what the cloaked man said to me, there is a camp of creatures guarding the border. Napasinghal ako.
Huminga ako ng malalim bago tumalon ng ilang punong malapit sakanila. Not beside them, but close enough to hear what they're saying.
"Naitanim niyo na ba?" Rinig kong tanong ng isang lalaking naka-shades at black suit sa kasamahan niya. I look down and notice cloven hooves sticking out of their long slacks. Satyrs- half-man, half-goat creatures.
I squint my eyes. I knew it. There's more than a hundred of them trying to catch me.
Tumango ang kaniyang kausap. "We're relaying the message to Mr. Canver. Marami tayo, kaya siguradong sakop ang buong gubat."
"It shouldn't have come to this. Bakit hindi napigilan ng iba si Ms. Argyros?"
Napangiwi ako nang banggitin nila ako.
"The other satyrs were way behind the two Hellenes. At mukhang marunong gumamit ng sandata si Ms. Argyros."
"What? How did a former prisoner know how to fight?"
Kumapit ako sa sanga bago tingnan ang punong nasa itaas ng camp nila. If I can make that jump, I can get away.
Umabante ako ng bahagya bago sinubukang tumalon. Ngunit sakto ng aking paglipad sa ere ay ang isang malakas na tunog.
"Hello? One, two, three." A voice booms. "If you can here me, Ms. Argyros, then stop moving."
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla akong bumagsak sa harap ng mga satyrs. No, hindi ako na-distract sa boses. Hindi ko nagalaw ang katawan ko.
Nagulat ang mga satyrs, pero agad rin silang lumapit sa akin. Before I can move away from them, the voice speaks again. Wala sa paligid, pero rinig na rinig. It's like someone's talking from a loud speaker.
Naalala ko bigla ang sinabi ng satyr kanina. "Naitanim niyo na ba?"
Damn it... Don't tell me they planted speakers all over the forest just to make me come out?
"Don't move unless I say so."
And as if my body's under Medusa's curse, I freeze like a statue. "We found her!" Sigaw ng isang satyr kanina. "Tawagan sina Mr. Canver! We've captured Ms. Argyros."
Nawala ang malakas na boses. Inakay ako ng mga satyrs at sinandal sa isang sasakyan. Pinaligiran nila ako kaya hindi sila nakatakas sa masama kong tingin.
"Sino ba kayo? What do you even want from me? Wala akong mabibigay sainyong mahalaga."
A satyr stands in front of me. "I'm sorry, Ms. Argyros, pero kailangan ka muna naming dalhin sa Acropolis bago magpaliwanag sa'yo. We don't want to hurt you, so please cooperate with us."
"Don't want to hurt me?" I hiss. "You shot my friend with an arrow!"
"Relax, Madame, we already had our men bring the pretty boy to the hospital." Napalingon kaming lahat sa bagong boses. The red-head and the short-haired girl strut towards me. May mga gauze sila sa mga parteng sinaksak ko.
Tinaasan ako ng kilay ng babae. "You stole this, right?" Angat niya sa plastic bag na laman ang kutsilyong naiwanan ko. "This isn't even yours pero ginamit mo pa parang manaksak ng tao."
Binigyan ko siya ng isang nakakaasar na ngisi. "It's not my fault you're bad at dodging."
She mirrors my smirk. "You're right, she is feisty." Sabi niya sa kasama.
"Ngayon mo lang napansin? Sinaksak na nga tayo eh."
"Whatever." Pumalakpak ang babae na nakakuha ng atensyon ng mga satyrs. "Let's go and bring her to the Acropolis."
The guy nods. "Kanina pa ako nangangati sa mga damo. So kadiri and madumi."
I gasp when two satyrs come and hold my arms before leading me inside a car.
Sinubukan kong kalasin ang hawak nila pero humihigpit lang ito. When I catch glimpse of the small wooden pipes tied to their waists, I realize they are showing me mercy.
Kumuyom ang kamao ko. I want to run away from them so much, but I know I can't do anything. I'm not strong enough and I have no advantages to turn the favors on my side.
I don't have other choices, I'm out of luck. I can't run away anymore.
The moment they make me sit down on the backseat like some kind of criminal, everything comes crashing down at me with abstract impact.
The desperate clawing of the word normalcy to be written on my skin is so close, but it becomes even further than before.
Napakagat ako ng labi. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa'kin ngayong nakuha nila ako. Sinubukan kong ipakita na hindi ako naapektuhan, pero sobrang bigat ng dibdib ko.
I fought for my life for a whole year. But all my efforts and dreams to hide are crumbling right in front of me. That's when I decided to give up.
Napuno ako ng kaba sa paggalaw ng sasakyan. I don't know what to expect. All of it is so sudden, akala ko ay magiging normal na araw ito pero sa isang gilap ay may kasama na akong satyrs at dadalhin nila ako sa isang lugar na hindi ko alam.
I look outside the window and watch the trees blur pass me. Wala akong mahawakan ng mabuti kundi ang shorts ko. The only thing with me is Ryo's gift and the box from Ms. Amanda.
Nothing for me to use as a means of escape.
Gods, I feel so defeated.
Hours pass. We go deeper into the forest until I see the car climb up a mountain.
Pumikit ako nang maalala ang mga nangyari kanina. Yung kalabog sa attic, the failed surprise party, pati ang bulong kanina at ang pagtakas namin ni Ryo. All of it already feels so distant.
Alam kong simula ngayon, magbabago nanaman ang buhay ko.
I clench my fist to calm myself. Ilang oras na kaming bumabyahe at kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko. I can't even sleep.
The skies slowly shifts from the canvas of the moon and stars to the curtains of morning light. I can see the sun peeking slowly from the corner when the moon finally disappears from sight.
I couldn't help but bitterly smile, the boulders of defeat balancing on my slumped shoulders.
When something bad happens, the full moon is always there to witness.
The entire trip is silent and dreadful, pero hindi ko pa rin mapikit ang mga mata ko sa takot na may gawin silang masama sa akin.
Napatingin ako sa harapan namin nang maramdaman ko ang pagbagal ng kotse. Umawang ang labi ko sa nakita.
In front of us is a stone gate made of Ionic columns. It's massive in size, at least thirty-nine meters tall. A tall wall surrounds it and beside the gate are statues of two gods I barely look at. Parang isang malaking templo ang papasukin namin.
We stop in between the stone statues. Hindi pa kami pumapasok, but I can see the tops of the castle-like buildings inside and the iridescent light bouncing off the roofs.
The satyrs next to me hop off the car, opening the door for me. Nag-alanganan pa ako bago lumabas. Yumuko ako ng bahagya hanggang sa makahakbang ako sa lupa.
Nilibot ko ang tingin sa labas. There are people- years younger and older than me- walking around the entrance and through it. Binabantayan ng satyrs ang gate, at may mga nymphs na nakatambay at naglalaro malapit sa mga estatwang sa harapan.
Naputol ang iniisip ko sa pagbanggit ng isang pangalang sobrang pamilyar sa akin, pero hindi ko na naririnig ng ilang taon.
"You are Zyiam Argyros' daughter, correct?"
Napatingin ako sa harapan ng gate. The moment I turn, I see a man in his mid-thirties wearing a formal suit walking towards me. His blond hair is slick and combed back, giving him a prim yet approachable look.
Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang kulay ng kaniyang mata. It's muted purple, a color that doesn't pass as normal. He's a demigod just like me.
"How do you know my father's name?"
Isang ngiti ang binigay niya sa akin.
"My name is Adonis Castello, I'm the Deputy Commander and one of the Higher Ups of the Acropolis of Half Bloods. Welcome, Kasdeya Argyros."
. . .
*The Acropolis of Half Bloods is a fictional Acropolis created to serve the purpose as the main location in the series. It is inspired by the Acropolis of Athens. A map will be included on the next chapter.
0 notes
angmgatulanijcdj · 1 year
Text
Tumblr media
Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa at ako'y lilipad hanggang kay Bathala... Maiisipan ko'y mga malikmatang sukat ikalugod ng tao sa lupa; malikikha ko rin ang mga hiwaga, sa buhay ng tao'y magiging biyaya.
Ano ba ang sagwang sabay sa pagtahak kundi siyang pakpak ng bangka sa dagat? Ano ba ang kamay ng taong namulat kundi siyang pakpak ng kanyang panghawak? Ano ba ang dahon ng mga bulaklak kung hindi pakpak din panakip ng dilag?
Ang lahat ng bagay, may pakpak na lihim, pakpak na nag-akyat sa ating layunin, pakpak ang nagtaas ng gintong mithiin, pakpak ang nagbigay ng ilaw sa atin, pakpak ang naghatid sa tao sa hangin, at pakpak din naman ang taklob sa libing.
Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa, at magagawa ko ang magandang tula; bigyan mo ng pakpak tanang panukala't malilipad ko hanggang sa magawa; bigyan mo ng pakpak ang ating adhika, kahit na pigilan ay makakawala...
O ibon ng diwa, ikaw ay lumipad, tingnan mo ang langit, ang dilim, ang ulap, buksan mo ang pinto ng natagong sinag, at iyong pawalan ang gintong liwanag, na sa aming laya ay magpapasikat at sa inang bayan ay magpapaalpas.
Tumblr media
Ang tula ni Jose Corazon de Jesus na "Pakpak" ay naglalahad ng kanyang pananaw tungkol sa pagkakapantay-pantay at pagkakapariwara ng tao. Sa tula, tinutukoy ng manunulat ang kanyang pagkadismaya sa kalagayan ng lipunan na hindi lahat ay may kapantay-pantay na pagkakataon sa buhay. Sa tula, ginamit niya ang imahen ng pakpak ng ibon upang ipakita ang kanyang ideya na ang tao ay hindi dapat mapantay-pantay sa isa't isa dahil ang bawat isa ay may kanyang sariling mga pagkakakapantay-pantay na dapat pagtuunan ng pansin.
Ang layunin ng tula ay upang magbigay ng pasensya sa mga taong hindi nakakamit ng kanyang mga pangarap dahil sa kanyang kalagayan sa buhay. Sa tula, tinutukoy ng manunulat ang kanyang pagkadismaya sa katotohanan na ang mga tao ay hindi lahat may kapantay-pantay na pagkakataon sa buhay, at na ang mga tao ay hindi dapat hinahayaang hindi makamit ang kanilang mga pangarap dahil sa kanilang kalagayan sa buhay.
Tumblr media
Ang tula na "Pakpak" ni Jose Corazon de Jesus ay isang pagpapahayag ng kanyang pagkadismaya sa kalagayan ng mga Pilipino sa panahon niya. Sa tula, inihahambing ng manunulat ang mga Pilipino sa mga ibon na walang direksyon at walang layunin sa buhay. Ang mga ibon ay tinutukoy na hindi alam kung saan sila papuntahan, at hindi sila nag-iisip sa kanilang ginagawa. Sa ganitong paraan, nagpapakita ang manunulat ng kanyang pagkadismaya sa kalagayan ng mga Pilipino na hindi nila alam ang kanilang layunin sa buhay at hindi sila nag-iisip sa kanilang mga gawain.
Ang mensahe ng tula ay ang pagpapahalaga sa layunin sa buhay at sa pag-iisip sa mga gawain. Ang manunulat ay nagpapahayag ng kanyang pagkadismaya sa mga Pilipino na hindi nila alam ang kanilang layunin sa buhay at hindi sila nag-iisip sa kanilang mga gawain. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa layunin sa buhay at sa pag-iisip sa mga gawain, inaasahan ng manunulat na magbabago ang sitwasyon ng mga Pilipino at magiging mas matatag sila sa kanilang paglalakbay sa buhay.
0 notes
Text
Pakpak
Tumblr media
ni Jose Corazon de Jesus
Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa at ako'y lilipad hanggang kay Bathala... Maiisipan ko'y mga malikmatang sukat ikalugod ng tao sa lupa; malikikha ko rin ang mga hiwaga, sa buhay ng tao'y magiging biyaya. Ano ba ang sagwang sabay sa pagtahak kundi siyang pakpak ng bangka sa dagat? Ano ba ang kamay ng taong namulat kundi siyang pakpak ng kanyang panghawak? Ano ba ang dahon ng mga bulaklak kung hindi pakpak din panakip ng dilag? Ang lahat ng bagay, may pakpak na lihim, pakpak na nag-akyat sa ating layunin, pakpak ang nagtaas ng gintong mithiin, pakpak ang nagbigay ng ilaw sa atin, pakpak ang naghatid sa tao sa hangin, at pakpak din naman ang taklob sa libing. Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa, at magagawa ko ang magandang tula; bigyan mo ng pakpak tanang panukala't malilipad ko hanggang sa magawa; bigyan mo ng pakpak ang ating adhika, kahit na pigilan ay makakawala... O ibon ng diwa, ikaw ay lumipad, tingnan mo ang langit, ang dilim, ang ulap, buksan mo ang pinto ng natagong sinag, at iyong pawalan ang gintong liwanag, na sa aming laya ay magpapasikat at sa inang bayan ay magpapaalpas.
“Ang lahat ng bagay, may pakpak na lihim, pakpak na nag-akyat sa ating layunin,…” - Jose Corazon de Jesus
Ang tulang “Pakpak” ay tulang nagbibigay pugay sa mga tao, bagay, o pagkakataon na nakapagbigay sa atin ng lakas o inspirasyon para makamit ang ating mga pangarap. Sa tulong ng iba, nakakamit natin ang mga bagay na ating pinapangarap. Kung hindi dahil sa mga nagmagandang-loob ay hindi tayo makakarating sa ating pinaroroonan. Ang tulang ito ay nag-aanyaya na gamitin itong nalikom na sigla para pagbutihin ang ating sarili, magsumikap, at ipaglaban ang sariling bayan.
Tumblr media
Isa sa mga taong nagsilbing 'pakpak' para sa marami sa atin ay ang ating mga magulang. Sila ay ating tagapag-alaga, tagagabay, at tagapagtanggol sa buhay.
1 note · View note
l-st-and-found · 1 year
Text
o yeah!
sabi ni pare mayabang daw ako,
kase alam mo yon, ganon yon, malas daw kase maangas kase matalas, ang hangin ko daw ,kase basta me masabe lang,
teka sino ka ba para magpapogi ako?
tangga ikamo, aminado ako sasabihin ko sayo kung sigurado ako;
pasensya ka na kung may masabe ako at kung hindi kinaya ng utak mong salbabidang konting pitik singaw ang pananaw.
mahiya pa daw ang may alam, baket para sumabay sa iyong kamangmangan,
kontrabida pa ako na dapat binoboga tinotodas kase may konting agham?
kasalanan ko ba kung naniwala ka sa mga "daw"
"Yo si pare yumaman daw sa kakatapak ng tae ;bwenas daw ang maiputan sa ulo kaya mo ba sinasalo?alam ko
bwenas ang mabasag ng tannga kase alam mong di mo sila magiging tropa
hasyenda de salapi mo muka mo,
ginto?pasensya di ako naaakit , ows solido ka(daw) at gamay na gamay mo na, at ang mga hampaslupa na alipores mo daw ,ay mas maabilidad pa sayo,
at pinagpalit nila ang tae sa gintong minomodelo mo at ang lupa mong pinagmamalake ay pinalitan din ng tae na nalaman mo pero ayaw mo pang aminin.
pasensya na naparap lang ako
to the
beat
yo!
para lang me masabe yo
hahahahaha
(itago natin sya sa pangalang eddie na hindi nya din totoong pangalan)
#oldpost
#wraperka
0 notes
bd-steelyfam · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Steely Dan: “I’m not the type of person to play favorites, y’know. I think the closest answer to your question is you, because you were there with me from the start! But still, I love you and your siblings equally.”
Steely Dan: “Also, please put your stand away.”
@dancing-mirror-man
81 notes · View notes
askrohan · 5 years
Note
It's funny how you dont like clowns when you're the biggest clown in the room right now - dancing-mirror-man
Tumblr media
i dont deserve this
69 notes · View notes
Note
31. Friendly hug, please. I'm sorry about last time, I hope I didn't scare you as much. I understand if you're still scared though, I won't hold it against yah, don't worry. - dancing-mirror-man
Tumblr media
@dancing-mirror-man
36 notes · View notes
bd-book-detective · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
@dancing-mirror-man
20 notes · View notes
Note
HNNG thanks for giving us daily Zucchero/Sale post, you are a blessing uwu 💕 💕 💕
I wouldn't call it -daily- lol but thank you anyways 💓🦀 these losers deserve happiness
Tumblr media
47 notes · View notes
sometimes-icecream · 5 years
Note
Ackkk, dude;;;;;; ;'^((( I'm bawling your art is so fricking good and amazing like??? Woahh dangg holy heckk, so nicee ahhHHH!! Also I really, really like the way you portray Sorbet and Gelato!! I find it really nice and I like how much character you have given them!! Hihi! Hope you have a great day!! :^DD
Tumblr media
MY DUDE,,, THANK YOU SO MUCH!!! I'M SO GLAD YOU LIKE THE STUFF I MADE!
And thank you so much!!! I hope you have a fantastic week!
16 notes · View notes
bunnylunelune · 5 years
Note
AHH!!! DUDE!! Your art!! Is so wonderful and amazing!! I love how much detail you've placed into it all. And thE COLOURS!! Gosh I love it!! Also the way you draw Giorno and Mista?? bLESSED!!! THANK YOU FOR MY LIFE!!! I hope you have a great day man!!
Tumblr media
Thank you so much! ❤️ 💕💖 I'm so happy you like my art, I wish you a wonderful day as well!! 🐰
2 notes · View notes
toffee-arts · 5 years
Note
HNNNGGG!! AHHH I found your art on twitter and I just,,,,, hNNGG IT'S SO FRICKING GOOD AND AMAZING AND AHHHH!!! Man, dude, your art just makes me all 💕💕💕 inside niefonifoe eeeee!! Sorry for rambling but urggg!! It's really, really amazing!!
TToTT  Thank you!! ahh
9 notes · View notes
nihaalart · 5 years
Note
Found out about you cause that anon mentioning Gio's age was recommended in the GioMis tag aHAHA and honestly?? Oh my gosh, I'm so glad I checked your profile cause wOAHH!! Your art is so amazing dude!! I love it so so much, keep on creating!! I hope yah have a great day :^Dcc
so at least one good thing came out of that anon stupidy! im verry happy you like my art~
5 notes · View notes
oikaw-ugh · 4 years
Text
Silip (f!Reader x Filipino!Haikyuu)
A/n: Why? Just because. Also, please don't come for me if my words are inaccurate ;-; I don't use Tagalog on a daily basis c:
Pagpapares: Kuroo x f!reader
Buod: Inaasahan mong may mga panauhin ang iyong Ama sa araw na ito. Ang hindi mo inaasahan ay ang pagsilip mo mula sa iyong bintana, dahilan upang masilayan mo ang binatang kailanman ay hindi mo nakita.
Paalala: Hindi akmang paggamit ng mga salita, haciendera!Y/N, haciendero!Kuroo
"Binibini, magandang umaga," pagbati ng iyong tagapagsilbi habang binubuksan ang iyong nakasarang bintana, dahilan upang makapasok ang haring araw sa iyong silid, ang sinag ay tumatama sa iyong mga mata dahilan upang mapamulat ka nang mabilis.
Hindi ka umimik. Sa halip, umupo ka mula sa pagkakahiga. Ang iyong buhok ay bahagyang magulo at masisilayan pa rin ang antok sa iyong mga mata.
"Tila hindi maganda ang iyong tulog, Binibini. Maayos ba ang iyong pakiramdam?" Tanong ng iyong tagapagsilbi na ngayo'y sinusuklay ang magulo mong buhok.
Umiling ka, wala pang sapat na enerhiya upang magsalita.
"Maya-maya'y kailangan niyo na pong maghanda't mag-ayos sapagkat ngayon ang dating ng mga panauhin ng Don na nagmula pa sa kabilang bayan," malumanay na paliwanag ng iyong tagapagsilbi.
Tumango ka, "Ang mga panauhin..." mahina mong sambit.
Minsan nang naibahagi ng iyong Ama na may mga panauhin siyang inaasahan mula sa karatig-bayan. Hindi mo ganap na nauunawaan ngunit alam mong tungkol sa negosyo ang pakay ng mga panauhing ito.
Kung sino man sila, hindi mo batid ang kanilang mga wangis o ang kanilang pagkakakilanlan at wala kang balak na malaman pa. Sa katunayan, mas nanaisin mong maglagi sa iyong silid at ipagpatuloy na lamang ang binuburda mong kurtina. Ngunit alam mong hindi nanaisin ng iyong Ama na salubungin sila na wala ang kaniyang unica hija.
"Binibini?" Ang boses ng iyong tagapagsilbi ang nagsilbing punyal na pumutol sa hibla ng iyong isip. Nilingon mo ang iyong tagapagsilbi na ngayo'y nag-aabang sa iyong pintuan.
Huminga ka nang malalim bago tumayo at naglakad na rin palabas.
Tumblr media
Nakapanlumbaba ka habang nagmamasid sa labas ng iyong bintana. Ang kalangitan ay napinturahan ng kahel, na sa iyong palagay ay ang pinakamagandang anyo ng langit. Samahan pa ng mumunting ibon na pumapagaspas, wala ka ng maaaring hilingin pa.
Ang iyong nakatirintas na buhok ay nakahiga sa iyong kaliwang balikat, ang iyong mga mata'y nag-aatim na pumikit lalo na't nagsusumamo ang malamyos na hangin. Malapit nang sumapit ang gabi ngunit hindi mo pa naririnig ang iyong mga tagapagsilbi sa baba na nagkukumahog at wala ka pang naririnig na ingay na tanging mga calesa't kabayo lamang ang nakakagawa.
Wala pa ang iyong mga bisita. Isang katotohanan na naging binhi para sa iyong umuusbong na galit-
"Sa aking palagay, mas mainam kung magtataguyod na rin tayo ng pagawaan sa bayang ito. Nang sa gayun, hindi na kakailanganin ng mga trabahador na maglakbay pa."
Napamulat ka. Inayos mo ang iyong tindig at napalingon sa iyong kapaligiran. Nais mong isipin na pinaglalaruan ka na ng iyong isipan ngunit alam mo ang totoo: may narinig kang banyagang boses at napatunayan mo ito nang lumingon ka sa baba.
Isang binata. Tantiya mo'y kayo ay magkasing-edad. Kausap niya ang isa sa inyong mga trabahador, kapwa nakatalikod sa iyong pananaw sapagkat nakamasid sila sa inyong mga pananim na rosas.
Ang kaniyang tindig ay maituturing na napaka-Ginoo. Ang kaniyang camisa de chino ay hapit na hapit sa kaniyang katawan, dahilan upang makita ng iyong mga mata - na tila ba'y sa isang agila sa talas - kung gaano nito kumapit sa kaniyang katawan, dinidiin sa mga tumitingin kung gaano kalapad ang kaniyang mga balikat.
Napasinghap ka. Sino ba ang binatang ito? Bago ba itong trabahador sa inyong hacienda? Masyado siyang gwapo upang maging trabahador lamang. Tunay ba ito?
Unti-unting nabubuhay ang iyong isipan ngayong pilit mong nilulutusan ang misteryong bumabalot sa Ginoo.
Ramdam mo ang mga sanga ng iyong haka-haka na unti-unting umuusbong ngunit kaagad ding naputol nang napalingon ang binata sa iyong gawi.
Napatuwid ka ng upo. Ang iyong mga mata'y namimilog at napaawang ang iyong labi sapagkat nahuli niya ang iyong paninitig!
Napakamapusok, Y/N!
Nais mong isara ang bintana, o takpan na lamang ang iyong mukha ng iyong binuburdang tela o kahit ng iyong mga palad. Ngunit sa hindi malamang dahilan, nanigas ka sa iyong inuupuan. Animo'y natunaw na kandilang lumuha at tumigas sa kung saan ito lumandas.
Ang inyong mga mata'y kapwa nakatali sa isa't-isa. May kalayuan man sa pagitan ng ninyong dalawa at may kakulangan man ng liwanag upang makita mo nang buo ang kaniyang pagmumukha, hindi maipagkakaila na ang Ginoong ito ay may kakisigan.
"Binibini, narito na ang mga bisita!"
Napatalon ka sa gulat, ang kamay ay nakasapo sa iyong dibdib ngayong nasa pintuan mo na ang iyong mga mata. Mahabaging langit, nais mong dakmalin ang tagapagsilbi.
"Binibini, nagulat ba kita? Paumanhin," natatakot na sambit ng iyong tagapagsilbi bago yumuko.
Huminga ka nang malalim, iwinawaksi ang inis na namumuo sa iyong dibdib. Kalmado na, tumango ka sa kaniya, "Ayos lang."
Lumingon ka muli sa labas, nakapintura ang dismaya at kalungkutan sa iyong mukha ngayong ang ginoong katitigan mo kani-kanina lang ay naglaho na.
"Tagapagsilbi," tawag mo sa iyong kasama sa iyong silid, "May...may bago ba tayong mga trabahador?" Tanong mo, ang pisngi'y unti-unting umiinit dahil sa kahihiyan, "Mga...binata," dagdag mo sa iyong naunang sinambit.
Ang titig ng iyong tagapagsilbi ay nag-iba, napupuno ito ng malisya, "Mayroon, Binibini. Madalas ay mga anak ng mga luma ninyong trabahador. May nais ka bang...makilala sa kanila?" Malisyosa nitong tanong.
Mas umusbong ang hiya sa iyong sistema, pinikit mo nang mariin ang iyong mga mata, taimtim na humiling sa Maykapal na nawa'y tulad ng dagat, tangayin na kamo ng mga alon ang pangyayaring ito.
"Wala. Kalimutan mo ang aking sinambit," nagmalas ka ng masungit na tingin upang matakot ang iyong kausap.
Tumayo ka nang matuwid, pinagpagan ang iyong saya bago naglakad, "Bumaba na tayo."
Tumblr media
Nasa hagdanan ka pa lamang ngunit dinig na dinig mo na ang masiglang halakhak ng iyong ama, kasama nito'y halakhak na hindi mo pa narinig kailanman. Maaaring sa panauhin. Isip mo.
"Magtungo po tayo sa hardin. Ninais ng iyong Ina na doon na lamang maghapunan," wika ng iyong tagapagsilbi bago ka iginiya papunta sa hardin.
Nakita mo kaagad ang mesang nakahanda sa inyong hardin, ang paligid nito ay napupuno ng mga kandilang nakatirik, ang mga kasambahay ay labas-masok sa kusina upang ihain ang mga putahe para sa inyong hapunan. Kitang-kita mo ang iyong ina na nakikipaghalakhakan sa isang estranghero na nasa kabisera nakaupo. Sa kabilang kabisera naman ay ang iyong ama na pinaglalaruan ang alak sa kaniyang mga kamay.
Napalingon ang iyong ina sa iyong gawi, ang mga mata'y mas sumigla pa nang nakita ang iyong wangis, "Y/N!" Matamis ang ngiting tawag niya sa iyo bago umahon sa silya.
Pinamalas mo ang mahinhing ngiti na noon pa ma'y tinuro na ng iyong ina. Ang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa nakatiklop na abaniko habang unti-unti kang naaasiwa ngayong tumigil sa pag-uusap ang iyong ama sa panauhin.
"Ina," bati mo sa ina. Kumapit ka sa kaniyang braso hinalikan siya sa pisngi.
"Ito na ba, kumpadre?" Bungisngis ng estrangherong panauhin habang nakatingin sa iyong gawi, "Si Binibining Y/N?" Tanong niya.
"Siya nga, kumpadre," puno ng pagmamalaki ang boses ng iyong lasing na ama. Malaki ag ngisi habang nakatingin din sa iyong gawi, "Ang aking unica hija."
Tumayo ang panauhin, isang hudyat na lumapit ka at yumuko sa kaniyang harap upang magbigay-galang, "Magandang gabi ho, Don. Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa inyong ligtas na pagdating dito sa aming bayan," wika mo.
Humalakhak ang panauhing kasinglasing na ng iyong ama, ang kamay na napupuno ng gintong mga alahas ay nagpapahinga sa kaniyang tiyan, "Gusto ko ang iyong anak, kumpadre! Bukod sa marikit, magalang pa!"
Ramdam mo ang tapik ng iyong Ina, nasisiyahan sa magandang asal na iyong pinamalas.
"Bukod pa roon, kasingtanda niya ang aking hijo!" Kumunot ang bisitang Don, "Nasaan na ba ang isang 'yon?"
"Nakita ko kanina't kausap ang iilan naming trabahador," singit ng iyong Ina, "Mabuti naman at mukhang interesado ang iyong binata sa negosyo," dagdag niya.
Sa gilid ay narinig mo ang iyong ama na pinapahanap ang isa pang bisita sa isang tagapagsilbi. Ang panauhin sa iyong tapat ay ngumisi.
"Nako! May hilig iyon sa negosyo! Sa katunayan, madalas ay nauuna pa iyon sa aming mga taniman at mas kilala pa ang aking mga magsasaka!" Ang kaniyang mga mata'y lumagpas sa iyong likuran. Mas lumapad ang ngiti.
"Oh, naroon lang pala siya!" Wika niya bago inagat ang kamay, "Kuroo! Dios mio kung saan-saan ka napapalagi, eh, hindi mo ito tahanan!" Pangangaral ng panauhin ngunit bakas naman ang tuwa sa tinig.
Napalingon ka sa iyong likuran at muli, ay nanigas sa iyong kinatatayuan. Sapagkat ang binatang katitig mo ngayon ay ang parehong binata na iyong katitigan kanina sa iyong bintana.
Napasinghap ka, ang iyong puso ay bumilis ang tibok, tila ba'y hinahabol ka ng 'di kanais-nais na nilalang ngunit ang totoo'y, nakatitig ka lamang sa isang makisig na binata.
Kamangha-mangha, puri mo sa iyong isip. Sapagkat umaapaw ang kaniyang kakisigan noong nasa bintana ka pa lamang ngunit ngayong ilang hakbang lamang ang layo mo sa Ginoo, walang sisidlan ang iyong nararamamang...tuwa?
Kung gulat ka, maaari mo na ring sabihin ganoon din ang nararamdaman ni Kuroo. Sandali lamang ang inyong titigan ngunit naglalaro pa rin sa kaniyang isipa ang iyong wangis. Walang binatbat ang mga rosas na kaniyang unang minanghaan nung ikaw ay nasilayan niya. Ang iyong mga mata'y kasingsigla ng bagong gising na araw, ang nakaawang mong labi ay mapupula. Karumaldumal at napakamapusok ngunit sandali niyang ninais na sana'y inakyat niya ang iyong bintana upang hagkan ka nang marahan.
Ngayong ikaw ay nasa malapitan, ang umuusbong na kalungkutan ay tuluyang napugsa ng kagalakan. Dama ni Kuroo ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso, aakalaing siya'y hinahabol ng sigbin sa lakas. Ang kaniyang mga kamay ay nais lumipad papunta sa iyong mga kamay na tila'y kasinglambot ng bulak sa anyo.
"Hijo, saan ka ba nagtungo?" Inis man ang tinig, hindi naman maitatangging nagagalak pa rin ang kaniyang ama, marahil ay dulot ng alak.
"Paumanhin, Ama," ang tinig ng Ginoo ay malalim ngunit mahihimigan ang kaaliwan nito, "Hindi ko namalayang napasarap ang aking kuwentuhan sa iilang trabahador ni Don (F/N)," paliwanag ni Kuroo.
Nagagalak na sumagot ang iyong ama, "Mabuti at kasundo mo ang iilan sa aking mga trabahador. Maliit man ngunit maituturing na malaki ang magiging bunga ng magandang kaugnayan sa iyong mga manggagawa," asik ng iyong ama.
"Nga pala, hijo, naipakilala mo na ba ang iyong sarili sa dalagang ito?" Tanong ng kaniyang ama at tumititig sa iyo.
Ramdam mo ang marahan na tulak ng iyong ina, iginigiya kang humakbang at iyon nga ang iyong ginawa. Iniklian mo ang distansyang namamagitan sa inyong dalawa ng binatang si Kuroo.
Ang iyong palad ay namamawis ngayong napupuno ng hiya ang iyong isip, sapagkat minsan mong inisip na isa siyang trabahador. Napakamalisyosa! Napakakitid ng utak, Y/N!
"Ma...Ma..." Huminga ka nang malalim bago nilipat ang nakatupling abaniko sa iyong kanang kamay, nagdarasal na nawa'y makuha ng Ginoo ang nais mong ipahiwatig, "Magandang gabi, Ginoong...Kuroo...Nagpapasalamat ako sa Diyos sa ligtas mong paglalakbay dito sa aming bayan," at ipinamalas mo muli ang ngiting minana mo sa iyong ina.
Hindi mo man batid ngunit ang mga nakakatanda sa inyong kapaligiran ay naghahagikhikan. Marahil ay mayroon silang nakikitang kapwa hindi niyo nakikita. Ito ba ang tinatawag nilang...pag-uusbong ng bagong pagmamahalan?
"Salamat, Binibini," hindi maitatangging bakas ang tiwala sa sarili sa tinig ni Kuroo. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, namamawis na ang kaniyang likuran kahit na malamig ang simoy ng hangin. Ang mga labi'y nakangiti nguni't ramdam niya ang panginginig, pinipigilan din ang dilang ibigkas pa ang mga diwang hindi kanais-nais isatinig sa harap ng mga nakakatanda.
"Maaari ko bang..." Kumurap si Kuroo, ninanamnam ang iyong karikitan, "Maaari ko bang makuha ang iyong ngalan?" Nagbabakasakali niyang tanong.
Mas lumasak ang iyong ngiting binudburan ng asukal. Bahagyang kang tumango, bago pinagbigyan ang hiling ng binatang minsan mong katitigan kanina, "Ang aking ngalan ay Binibining Y/N."
Y/N. Ngalan na naaakma lamang sa iyong kagandahan. Puna ni Kuroo.
"Ikinagagalak kong makilala ka, Binibining Y/N," wika ni Kuroo bago hinagkan ang iyong kamay.
Tumblr media
Paalala: Ayon sa wika ng abaniko, kung marahan niyang igigiya pababa ang abaniko gamit ang kanang kamay, ang nais ipahiwatig ng isang Binibini ay walang nagmamay-ari ng kaniyang puso't handa siyang kilalanin ka.
Haciendero/Haciendera: Plantation owner
64 notes · View notes
bittergoard · 3 years
Text
Tumblr media
Ang mga taong pinakahinahangaan ko.
Sa loob ng maraming taong pamumuhay ko sa mundo, Maraming bagay ang lubos na nagpapasaya sa akin.
Una, Si Edgar Allan Poe, isang kilalang manunulat na nanggaling sa Estados Unidos. Minukat ako ng taong manunulat na ito na ang buhay maraming daan at maraming talahib ang iyong dadaanan ngunit kapag ika'y nakalampas sa lugar na ito mararamdaman mo ang ginhawa at sarap ng hangin sa taas ng bundok.
Pangalawa, ang patimpalak para sa sansinukob, isa ito sa bagay na nakapagpapasaya sa akin sapagkat bukod sa nabibigyan ng panlabas na pagkakakilanlan ang ating bansa binibigyan ng patimpalak na ito ang mga kababaihan na magkaroon ng boses at gamitin ang kanilang kakayahan upang ma-iangat ang kompiyansa ng kanilang kapawa babae at kapwa tao na huwag matakot at huwag hayaang may taong magpapatahimik at mananakot sa atin sapagkat kahit ano ka pa at sino ka pa may karapatan ka at may boses. Binibigyang pansin din ng patimpalak na ito ang pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian at pagpapalaganap ng kabutihan sa mga taong nangangailangan ng bukal sa puso.
Pangatlo, Nelson Mandela, ang taong ito ang nagtulak at nagmulat ng aking munting kaalaman na diskrubrihin at mahalin ang Kasaysayan at Politika dahil sa kanyang impliwensiyal na pagpapakahulugan sa simpleng bagay dahil dito iniidolo ko siya at isa sa mga pangarap ko na maging katulad niya sa hinharap. Hinangaan ko rin siya ng wasakin niya ang kaisipan ng mga tao ukol sa kanilang lahi at lipi, Niresolba niya ang Apartheid (paghihiwalay ng nga itim sa puti) at bigyang pansin niya ang mga katulad niyang itim na magkaroon ng pantay na pagtingin, karapatan, at pagturing bilang tao.
Pang-apat, Wolfgang Amadeus Mozart, isang Australianong manunulat ng kanta at pianista. Hinangaan at minahal ko ang gintong talento ni Mozart sapagkat kapag naririnig ko ang kanyang tugtog tila baga dinadala ako nito sa ibang dimension na tila baga ako'y nasa langit kasabay nito ang pakiramdam na dadalo ako sa isang pagdiriwang na sopistikado. Hinangaan ko rin siya dahil sa mahalagang kontribusiyon niya sa Classical Era (Ginintuang Panahon ng Musika.) Siya ay lumikha ng Sonata, Opera, at mga Oratorio upang ipalaganap at ipamalas ang kanyang kakayahan sa pagtugtog ng kanyang Violin at Piano.
1 note · View note