Tumgik
#palaboy
johnegbert · 8 months
Text
glad filipino homestuck hcs seem to be having a renaissance. can we talk about how john and jake would absolutely be earth-c's moymoy palaboy.
6 notes · View notes
chiifreyame · 3 months
Text
Tumblr media
It's my 10 year anniversary on Tumblr 🥳
10 years na pala akong palaboy laboy sa tumblr. 😂
0 notes
biggirlsky · 5 months
Text
PALABOY NA AMERICAN BULLY SINAGIP MGA TUTA NAKAKAIYAK
youtube
0 notes
bdsrsated · 6 months
Text
Tumblr media Tumblr media
#IdolReporter #Idol Ma'am Izzy Lee From ABS CBN Journalist One of My Favorite Reporter From ABS CBN VIRAL: ABS-CBN reporter niyakap ng palaboy habang nag-uulat | ABS-CBN News @_izzylee @abscbnnews @abscbn @abscbnlifestyle
1 note · View note
kuyabonoforyou · 6 months
Text
DEVIN'S STORY
Dear Kuya Bono,
          May pagkakataon sa buhay ko, tatlo o apat na taon na ang nakararaan, naiihalintulad ko ang sarili ko sa puno ng Mangkono, dahil matibay ako.
          Pero akala ko lang pala yun. Dahil kapag nagsimula kang magbago, magpakabuti, lalambot din ang puso at buong pagkatao mo.
          Sabi ko din noon, sarado na ang mundo ko. Titigil na ako. Dito na lang ako, mamumuhay na parang isang punong kahoy na nakatayong magisa. Makikita mo, malalapitan mo, mapapakinabangan mo, puwede mong gawing kaibigan pero, dito lang ako. Gaya ng puno, hindi na ako aalis dito.
          Ako si Devin, dating Devin the Devil. Pero nagbago na ako. Napakalaki na ng pinagbago ko. Yung nakaraan ko, masusulasok ka sa kapangitan nito…pero itong buhay ko ngayon, gusto kong ibahagi sa inyo, kaya sana pakinggan niyo ang aking kuwento.
PLAY>S1
DKB-2
          Yang intro na yan Kuya Bono ay kay tagal kong pinagisipan kaya palakpakan niyo naman. Mautak kasi ako pero hindi ako matalino. Hindi rin ako native na tagalog. Marunong lang akong magsalita pero hindi ako dalubhasa sa pagsusulat kaya alam kong marami kang makikitang sablay sa mga spelling ko. Pakitama at pakiayos na  lang Kuya Bono.
          Ayon sa mga source, isinilang ako sa San Jose, Occidental Mindoro. Subalit lumaki ako dito sa isang bayang nasasakupan ng Isla ng Palawan. Hindi ko na lang babanggitin ang lugar dahil, parang nagtatago pa rin ako.
          Pinalaki ako ng isang teacher na bakla kaya siya ang nakagisnan kong magulang. Noong Grade 4 na ako, inamin niya sa akin ang totoo na, hindi siya ang ama ko kundi, kaibigan lang niya dati ang Nanay ko na siya ring parang katulong niya. Nagkasama daw sila ng matagal sa Mindoro. Nabuntis sa pagkadalaga ang Nanay ko pero wala siyang kakayahang arugain ako kaya’t ang ending, pinaampon niya ako sa baklang teacher na itago na lang natin sa pangalang Papa Loy.
          Mula pa noong tumuntong ako sa elementarya, nakaranas na ako ng pambu-bully dahil kay Papa Loy. Hindi lang dahil sa isa nga siyang bakla kundi dahil, talagang maaskad ang kaniyang itsura. Hindi sa pamimintas dahil mali na pintasan ko siya kasi marami akong utang na loob sa kaniya, pero maraming bata noon ang natatakot sa mukha niya. Yung baklang Diego sa Bubbleng Gang, malayong mas maganda pa yun kesa kay Papa Loy. Liban sa maitim, pandak pero malaki ang katawan, mataba pa ang ilong, makapal ang bibig at matapang ang mga mata.
          Hindi ko itatanggi Kuya Bono na, kinasuklaman ko ng sobra ang mukha ni Papa Loy at ang buong pagkatao niya dahil, binaboy niya ako.
>>> 
          Una noong Grade 5 ako. Ginawa niya iyon habang tulog ako. Nagising akong sakmal-sakmal niya ang patotoy ko. Naglayas ako noon, naging palaboy ng tatlong araw.
          Nahanap niya ako at dahil nanghihina na ako noon sa gutom ay nagawa niya akong i-uwi. Nangako siya na hindi na niya uulitin ang ginawa niya.
          Pero totoo yun dahil noong First Year na ako sa High School, nabuksan pa rin niya ang pinto ng kuwarto ko at nagawa niyang ulitin ang kahayukan niya. Noon na ako naglayas ng tuluyan. Isinumpa kong hindi na ako babalik sa poder niya. Hindi ko pa rin alam noon kung paano ako mabubuhay pero sabi ko noon sa sarili ko, bahala na!
PLAY>S2
DKB-3
          Noong palaboy ako, hindi nawawala sa isip ko yung pag-aasam na sana,  makita ko ang Nanay ko. May pagkakataon kasi noon Kuya Bono na, ginusto ko ulit ang mag-aral. Nasa Puerto Prinsesa ako noon. Nakarating ako doon sa paglalakad at pasabit-sabi lang sa mga sasakyan. Malayo kasi ang pinanggalingan kong bayan.
          Iniisip ko noon, kung makikilala ko ang Nanay ko. Siya ang pupunta kay Papa Loy upang kunin ang card ko. Matalino kasi ako noon Kuya Bono. Mula Grade 1 hanggang Grade 4, ako ang First Honor. Tinutukan kasi ako ni Papa Loy na isa ngang teacher kaya’t naging bibo ako. Nagsimula lang akong tamarin mula noong ginawan ako ng masama ni Papa Loy. Inilayo ko ang sarili at loob ko sa kaniya mula noon.
>>> 
          Sa Puerto Prinsesa nahubog ang katatagan ko bilang isang tao. Noong una, kung saan-saan lang ako natutulog hanggang sa kupkupin ako ng ni Tatay Baldo na isang tindero ng isda sa palengke. Mabait siya pero hayup ang asawa at mga anak niya, lalo na ang panganay na si Kuya Mike. Si Kuya Mike ang unang taong nasaktan ko ng pisikal dahil hindi ko natiis ang kalupitan niya. Isang araw ay nilabanan ko siya pero may hawak akong tubo kaya, kahit malayong mas malaki siya at tumumba siya at duguan.
          Lumayas ulit ako noon. Bumalik sa lansangan hanggang sa may naawa ulit sa akin at kinupkop ako. Sa suma tutal Kuya Bono ay pitong tao ang sinamahan ko, pero napakaraming sumubok, karamihan sa kanila ay mga bakla pero ni isang bakla ay wala akong sinamahan dahil, masama ang tingin ko sa kanila. Alam ko na kasi kung ano ang motibo nila.
          Hindi kasi sa pagyayabang, pogi ako noon. Likas akong maputi at maganda ang partes ng mukha at katawan ko, at pati si Manoy ay may kalakihan din. Ayon kay Papa Loy, minana ko daw yun sa Tatay kong Aleman, kaya ako ay kalahating Pinoy, Kalating Aleman.
          Hindi ko pa alam kung ano ang Aleman noon at namali pa nga ako ng bigkas. Anemal po?
          “Hindi! Aleman…” Pagtatama ni Papa Loy.
          “Ano po ba yun?”
          “Ang Aleman ay tagalog ng German…..”
PLAY>S3
DKB-4
          Maliit pa ako’y nakikita ko na rin na iba ang itsura ko kumpara sa ibang bata. Kahit kasi itim din ang buhok ko ay matangos ang ilong ko at mapusyaw ang balat ko. Hindi rin ako tinuruan ni Papa Loy na magsalita ng Cuyonon. Tagalog ang salitang kinalakhan ko, tamang tagalog at malalalim pa dahil pinerpek ni Papa Loy noon ang pagtatagalog dahil siya nga ay Filipino Teacher na bisaya.
          Challenge daw noon sa kaniya bilang isang Bisaya ang pagtatagalog kaya siya kumuha ng kursong Teacher major in Filipino.
          Kaya maliit pa ako’y nakamulatan ko na ang tagalog at habang lumalaki ako ay nagkakaroon ng impresyon ang ibang tao na, laking Maynila ako. Kasi nga Cuyonon ang salita nila na hindi ko naiintindihan at ako naman ay tagalog.
>>> 
          Pero liban sa itsura at pananalita ay masipag din ako at magalang sa mga taong kagalang-galang. Pero ang kagalang-galang para sa akin ay hindi yung propesyunal ang dating. Malinis manamit, mayaman. Hindi. Ang kagalang-galang para sa akin noon ay kagaya nina Tatay Baldo na siyang unang umampon sa akin. Kahit simple lang siya, pangit din at laging mabaho, saludo ako sa kaniya dahil mabuti siyang taon. Ganon din si Tatay Roko, Nanay Pilar at Tita Anya na ilan sa mga kumukop din sa akin noon. Kahit mga simpleng tao lang sila, kagalang-galang at karespe-respeto sila para sa akin dahil mabubuti silang tao.
          Si Tita Anya ang huling kumukop sa akin. Nagtitinda rin siya dati ng sa palengke. Isa siyang tomboy pero namatay siya sa sakit na Breast Cancer.
          Matagal ko siyang nakasama pero hindi ko alam na may malala pala siyang sakit dahil, napakamasayahin niya. Ang daming tawanan, kulitan, asarana kapag nasa mood siya. Ang dami kong jokes na natutunan sa kaniya.
          Kahit nga nasa ospital siya noon bago siya mawala, nag-joke pa siya sa akin. Ang sabi niya;
          “Devin, ibibilin ko sa yo ang binilin sa akin ng taong umampon sa akin noon. Matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa…”
          Alam mo ba Devin, sinagot ko siya noon. Ang sabi ko;
          “Eh kanino po bang paa itong naka-kabit sa akin? Hindi ko ba sariling mga paa ito?”
          Nagtawanan pa kami noon kahit na alam kong nanghihina siya at nilabanatan lang niya ang sakit sa katawan niya.
          Hindi siya ma-drama Kuya Bono pero matindi kung magalit. Marami akong dinanas na sakit ng katawan kay Tita Anya pero, siya lang ang hindi ko nilayasan ng tuluyan. Nilayasan ko siya ng ilang beses pero, binabalik ko din. Hindi lang dahil hindi  niya ako hinahanap kundi, iba kasi siya Kuya Bono. Noon din kasi ay nagsisimula na akong maging mas mature at nauunawaan ko na na, kaya niya ako napagbubuhatan ng kamay dahil, kasalanan ko din. Kaya kapag hindi na ako galit, bumabalik ako sa kaniya.
          Sa madaling salita, kay Tita Anya ko naramdaman yung pagmamahal at pagpapahalaga. Nawala yung yabang o pride ko sa kaniya. Kaya kahit bugbugin niya ako noon, hindi ako lumalaban, lumalayas ako pero binabalikan ko siya at nagso-sorry pa ako na parang bata. Siya lang sa lahat ng umampon sa akin ang nilalayasan ko pero  binabalikan din, pero yun nga…siya naman ang nang-iwan sa akin.
PLAY>S4
DKB-5
          Matapos ang libing ni Tita Anya, umalis din ako dahil ang bahay niya ay pinag-interesan ng mga kapatid niya. 16 na ako noon at matikas na ang pangangatawan ko. Nakapasok na rin ako sa iba’t-ibang klaseng trabaho. Carwash, Gasoline Boy, Tindero, Pahinante at kung ano-ano pang trabaho. Hindi kasi ako makapasok sa mas disenteng trabaho dahil ni ID ay wala ako. Natanggal nga ako sa Gasoline Station dahil hinanapan ako ng kung ano anong dukumento.
>>> 
          Edad disi-otso Kuya Bono ay, nalulong ako sa isang babae. Siya Karlen. Ang babaeng masasabi kong una kong inibig. Pero hindi siya ang una kong girlfriend dahil kahit noong dose anyos pa lang ako ay nagka-GF na ako. Ganon din noong palaboy pa ako sa Puerto Princesa, kahit madungis ako noon ay may mga nagkakagustong babae sa akin. Suma tutal, mula noong dose anyos ako hanggang maging kami Karlen ay trese na babae muna ang dumaan sa buhay ko. Pero kay Karlen talaga ako nagseryoso dahil sa tingin ko noon ay nasa kaniya ang lahat ng kalidad ng babaeng gusto ko.
          Wala ding pamilya si Karlen. Isa siyang sales lady noon kaya’t inalok ko ang sarili ko para maging katuwang niya sa buhay. Nagsama kami sa isang paupahang kuwarto at dahil sa kagustuhan kong bigyan siya ng maginahawang buhay ay napasama ako sa masasamang elemento. Noon na ako natawag na Devin the Devil dahil, naging masama talaga ako.
>>> 
          19 na ako noong mapasabak kami sa isang krimen na naging dahilan para magtago kami ng ilang Lingo dahil wanted kami sa Pulis. Nung OK na, umuwi na ako pero hindi ko nagawang magsinungaling kay Karlen dahil mahal na mahal ko siya at alam kong dapat akong maging matapat sa kaniya. Nagalit siya noong malaman niyang involved ako ganon. Makaraan ng isang Lingo, inaya akong lumipat ni Karlen sa Coron pero ginuwardiyahan niya ako kaya hindi na ako nakagaya ng masama. Nagtrabaho ako pero barya barya ang kita, hanggang sa inaya na niya akong umuwi na lang sa kanila sa San Jose, Mindoro Occidental. Gustong-gusto ko naman dahil alam kong  tagaroon ang Nanay ko at hanggang  noon ay hindi pa rin nawawala yung pag-asam kong makita at makasama siya.
>>> 
          Hati ang pamilya ni Karlen sa pagturing nila sa amin. May mga gustong-gusto ako, meron din ayaw sa akin. Ang masaklap, Nanay ni Karlen ang numero unong ayaw sa akin dahil lang sa, wala akong tinapos at wala akong trabaho. Pero ang Papa ni Karlen, hindi nagsasalita at hindi rin nagpapakita ng maganda o pangit sa amin. Parang wala siyang pakealam.
          Malaki ang pamilya ni Karlen. Nakisiksik lang kami pero ayos lang sa akin yun kasi, sa langsangan nga dati nakakatulog ako. Sa bahay pa kayang may dingding at bubong?
          Masakit magsalita ang Nanay ni Karlen. Almusal namin noon ang bunganga niya pero tiniis ko dahil kay Karlen. Nagtrabaho na lang kami ni Karlen noon para magkaroon kami ng sarili naming pera at makapag-abot din ng ambag sa Mama niya. Gusto ko ding mag-ipon noon dahil kahit 19 pa lang ako ay gusto ko na talagang magkaanak kami ni Karlen, pero lingid sa kaalaman ko ay nagpi-pills pala si Karlen. Nagalit ako sa kaniya noong malaman ko iyon. Nagaway kami pero dahil mahal na mahal ko siya ay walang siyang sinasabi na hindi ko tinatanggap o inuunawa.
          Tapos biglang sumulpot si Terrence na matagal na daw may gusto kay Karlen. Pitong taon  ang tanda ni Terrence kay Karlen. Isa siyang Mining Engineer nagtatrabaho sa Africa. Wala siyang itsura pero sa pustura pa lang, makikita mo agad na mapera siya.
>>> 
          Tiwala naman ako kay Karlen noon na hindi niya ako ipagpapalit kay Terrence kahit na construction boy lang ako noon. Kaya lang ang Nanay ni Karlen, kahit nakaharap ako ay sinasabi niya kay Karlen na, si Terrence daw ang asawahin nito dahil mabibigyan daw siya ng buhay na maalwan at masagana.
          Sumasama ang loob ko noon. Napabilang ang Mama ni Karlen sa mga taong kinasusuklaman ko. Kung puwede ko nga lang siyang  bugbugin noon, ginawa ko na.
          Pero natuwa ako kay Karlen noong sabihin niyang;
          “Umuwi ka kasi sa inyo. Kunin mo ang birth certificate mo, lahat ng papeles mo…para makapagpakasal tayo…”
>>> 
          Nag-ipon ako ng pera Kuya Bono para makauwi kay Papa Loy at nang makuha ko ang mga documento ko. Pero ang paguwi ko palang iyon ay magdudulot lang sa akin ng dahilan upang muli ay magiging animal na naman ako.
PLAY>S5
DKB-6
          Sinasadya kong huwag idetalye ang mga nagawa kong masama Kuya Bono dahil, hangga’t maari talaga ay ayaw ko nang maalala kahit na, matagal ko na ring nahingan ng kapatawaran.
Kung iyong iba, ipinagyayabang pa ang katapangan at kahalangan ng kaluluwa nila, ako hindi. Dahil bawat isang masamang nagawa ko ay sumasampal sa akin ngayon ng katotohanang wala akong kuwentang tao.
>>> 
          So noong paguwi ko kay Papa Loy, nataon pang birthday pala niya, marami siyang bisita na karamihan ay mga baklang kagaya niya….at akala niya’t umuwi ako para isurpresa siya. Sinalubong ako ng yakap pero tinulak ko siya at dahil sa liit niya’y tumalipon lang siya.
          Yung mga kaibigan niyang nagmamalasakit sa kaniya ay nagalit sa akin. Tinangka pa akong sampalin nung isa pero suntok kong malakas ang dumapo sa mukha niya. Napakinit ng dugo ko noon sa mga bakla ko Kuya Bono. Noong palaboy ako, napakarami nilang lumapit sa akin at inaalok na kung ano-ano, pero kung ano-anong katarantaduhan lang din ang ginagawa ko sa kanila para lang layuan ako.
          Andiyan yung duraan ko sila sa mukha. Sabuyan ng tubig, tapunan ng sigarilyo saka sisigawan ko pa ng mura.
>>> 
          Ibinigay ni Papa Loy ang mga kailangan ko. Nakakatuwang pati kopya ng Birth Certificate ng Nanay ko ay meron pala siya at dahil doon ay mas naging kampante ako na mahahanap ko ang Nanay ko. Umalis din ako noon kahit disoras na ng gabi. Sa Puerto Princesa ay sinaglit kong dalawin ang mga naging kaibigan ko kasabay ng pagiingat siyempre dahil wanted ako.
          Makaraan ng dalwang araw, nagbiyahe na ako papuntang El Nido, El Nido  to Coron at nung sumunod na araw, Coron to San Jose, Mindoro Occidental naman.
Pero pagdating ko sa bahay nina Karlen. Nagliyab ako sa galit. Gusto kong saktan ang lahat ng taong nadatnan ko. Gusto kong sunugin ang bahay nila dahil sa balita nilang, wala na si Karlen. Sumama na kay Terrence.
>>>> 
          Nakapaghanda ang mga lalaking kamag-anak ni Karlen. Tabi-tabi sila noon na parang sa action movie na handang sagupain ako. Hindi ko sila nilabanan hindi dahil sa takot akong malamug sa  bugbog kundi mas pinili kong tumakbo papunta sa bahay nina Terrence. Gusto kong makausap si Karlen.
          Mabait ang magulang ni Terrence. Kahit galit na galit ako’t nagsisigaw ay pinapasok nila ako at ang sabi pa ng Mama niya ay kahit halughugin ko daw ang buong bahay nila ay hindi ko makikita sina Terrence at Karlen dahil, nagpunta daw ang mga ito sa Maynila.
>>> 
          Bahagi ng, boring kong buhay ngayon Kuya Bono ay ang panonood ng kung ano-ano sa YouTube at pati ang Dragon Balls na pambata ay pinapanood ko. At naaalala ko kung gaano ako ka-galit noong sumama si Karlen kay Terrence. Nai-imagine ko na yung galit ko noon ay parang kay San Goku kapag nagsu-super Sayan siya.
>>> 
          Yung panganay na kapatid ni Terrence lang ang nagawan ko ng masama noon dahil mayabang siya. Hindi na ako nagkaroon ng balita kung nabuhay pa siya dahil, tumakas na rin ako at napadpad ulit kung saan-saan.
          Kalibo, Aklan. Roxas City, Ilo-ilo at Cebu. Sa Cebu ako nagtagal at lubusang naging isang Anemal. Halang ang kaluluwa, hindi takot mamatay.
          Bakit ba eh, wala naman akong dahilan para mabuhay?
PLAY>S6
DKB-7        
          Isa akong anemal noon pero nagmahal ako ng sobra at tunay kay Karlen. Tinarantado naman niya ako kaya’t naging diskumpiyado ako sa lahat ng babae. Maraming babae ang sumawsaw sa buhay ko pero walang relasyon at emosyon. Halos lahat sila ay naging parausan lang at ganon din naman ako sa kanila. Hindi ako nanligaw kagaya ng panliligaw na ginagawa ko kay Karlen. Lahat ng babaeng nakasama ko sa Iloilo at Cebu, sila ang lumapit. Yung iba nga, pinakitaan ko pa ng masamang ugali pero hindi nadala. Nagsumiksik pa rin.
          Isa si Claire sa mga babaeng iyon. Si Claire ay nakababatang kapatid ng kasamahan ko sa grupo na si Yoyong. Dati rin siya miyembro ng grupo pero, pinatigil siya ni Yoyong dahil, delikado at mahal nito ang kapatid niya kaya ayaw niyang  mapahamak ulit ito. Si Yoyong ang kanang kamay ng amo namin. Si Claire naman ay single Mom at maliit pa noon ang anak nito. Mahal na mahal din ni Yoyong ang pamangkin niya, anak ni Claire.
          Natural na maganda at seksi si Claire, yun nga lang, mabangis siyang babae, puro mura ang maririnig mo kapag nagsalita. Napaka-casual ng diskarte niya sa akin isang gabi noon sa hideout. Wala si Yoyong noon. Ang sabi niya;
          “Oy Devin, gusto mo ba akong maka-sex?” Wala ako sa mood nung gabing iyon kaya’t hindi ko siya pinansin. Nilayasan ko siya at pinahabulan niya ako ng mura.
          Pero makaraan ng dalawang gabi, nasa rooftop ako. Magisang nakaupo sa bakal na upuan, hindi ko namalayang dumating siya at kaagad na lang umupo sa kandungan ko. Bagong ligo siya at napakabango. Noon unang may naganap sa amin ni Claire…at nasundan pa ng nasundan sa tuwing may magandang pagkakataon hanggang sa hindi ko namamalayang nahuhulog na ako kay Claire. Naniwala na akong mahal ko na siya noong minsang sumama siya sa trabaho, trabaho ang tawag namin sa gawain namin. May nangyaring masama kay Claire, nahulog siya sa get-away motorcycle na minamaneho ng Kuya niya habang tumatakas kami. Muntikan siyang masagasaan ng kasunod na Van at noon ay sobra ang naging pagaalala ko kay Claire. Mabuti na lang at mga galos lang ang tinamo niya.
          Gusto kong kausapin si Yoyong na huwag na niyang isinasamasi Claire sa mga trabaho namin, pero hindi ko ginawa dahil ayokong isipin nilang may pakealam na ako kay Claire. Mabuti na lang at kusang naisipan ni Yoyong na pagbawalan na ang kapatid niyang sumama sa amin at pinayagan naman siya ng boss namin kahit na, marami daw utang si Claire sa aming amo.
          Lingid sa kaalaman ko Kuya Bono ay, pareho lang pala kami ni Claire ng nararamdaman. Kahit hindi na siya kasama sa mga trabaho namin ay lagi pa rin siyang nagpupunta sa hideout para makita ako. Hindi siya nakatiis isang gabi, kinausap niya ako at sinabi niyang mahal na niya ako.
          “Lasing ka ba? Di ka naman mukhang nakainom ah…” Sagot ko pero sa halip na sumagot at bigla siyang lumapit at siniil ako ng  halik sa labi ko pero mabilis ko siyang itinulak;
          “Hindi kita mahal. May anak ka na. Hindi kagaya mo ang babaeng mamahalin ko….” Ito ang nasabi ko bago ko siya iniwan. Inasahan kong pauulanan ako ng mura ni Claire habang papalayo ako pero wala akong narinig mula sa kaniya. Ang narinig ko’y masamang balita tungkol sa kaniya makaraan ng isang araw. Naglaslas siya ng pulso at tinakbo sa ospital. Ang hindi ko maintindihan, kasabay ng balitang iyon ay ang masamang titig sa akin ng karamihan sa mga kasamahan ko. Si Kuya Torax na isa sa pinakamatanda, binulungan ako.
          “Delikado ka kay Yoyong bata, kung mahal mo ang buhay mo. Tumakas ka na habang may pagkakataon pa….”
          Matagal ko nang napapansin na sa lahat ng kasamahan ko ay si Kuya Torax ang pinakamabait. Natatandaan ko ngang nakita ko siya noon na lumabas ng simbahan kasama ang asawa at dalawang anak niya sa itsura niya noon ay wala tiyak makakapagsabing masama ang hanap-buhay niya.
          Sa lahat din ng mga dati kong kasamahan, nakakatulog lang ako sa iisang kuwarto kung si Kuya Torax ang kasama ko, dahil may pakiramdam ako na hindi niya ako ta-traydurin.
          Sa madaling salita, may tiwala ako kay Kuya Torax kaya ko pinakinggan ang payo niya. Umalis nga ako ng Cebu. Naisip kong kailangan kong isalba ang sarili ko dahil, hindi ko pa nahahanap ang Nanay ko.
PLAY>S7
DKB-8
          May dalawang teen-ager kaming kasama sa grupo, isang dose anyos at isang kinse anyos, pero hindi sila sumasama sa trabaho. Kadalasan ay mga spy lang sila, utusan. Pero sa mga tumatrabaho talaga, ako ang pinakabata.
          Tinatawag na nila akong Devin the Devil noon pero kumpara sa kahayupan ni Yoyong, sisiw lang ako. Pero hindi ako tumakas sa grupo dahil takot ako kay Yoyong at mga kasamahan naming kadikit niya kundi, ayoko lang mag-obliga na makipagrelasyon kay Claire. Ayoko ding mapahamak muna dahil hindi ko pa nakikita ang aking Ina.
          Nasusukat ko na ang sarili ko noon Kuya Bono eh. Sa mga sakit ng katawan, mapagtiis ako. Ilang beses na akong nabugbog, nabaril na rin ako minsan sa tagiliran pero lahat ng alaala ng mga sakit sa katawan ko, nakakalimutan ko. Pero yung sakit sa damdamin, doon ako mahina. Doon ako  naduduwag.
          Maganda, seksi at magaling sa kama si Claire…pero wala akong tiwala sa kaniya. Noon pa lang kasi Kuya Bono ay nai-imagine ko na na, kung kailan tapat at mahal na mahal ko na siya ay saka naman siya makakatagpo ng iba at gaya ni Karlen ay, iiwan lang din niya ako ng basta-basta.
PLAY>S8
DKB-9
          Umalis ako ng Cebu, bumalik ako ng San Jose, Occidental Mindoro taong 2016 na noon upang mag-focus na sa paghahanap sa Nanay ko. Hindi kalakihan ang bayan ng San Jose kaya’t tiwala ako noon na kung pagtutuunan ko talaga ng panahon ay mahahanap ko ang Nanay ko.
          May sapat na pera ako noon, sa totoo lang marami. Cash na naipon lang ng naipon sa bag kong de susi. Ni minsan kasi ay hindi ako nagbukas ng bank account at minsan lang ako napasok sa loob ng isang banko, hindi upang magdeposit o magwitdraw kundi upang magmanman lang kung sino ang magwi-withdraw ng malaki na siya naming  bibiktimahin paglabas niya ng banko.
          Sa San Jose ay umupa ako ng kuwarto sa halos dulo na ng Zamora Street na nasasakupan ng Barangay 6 na siyang nakalagay na address ng Nanay ko sa birth certificate ko. Pero dati ko nang alam sa kuwento ni Papa Loy noon na sa isang apartment lang sila nakatira noon ng Nanay ko pero doon ko pa rin sinadyang manirahan dahil ang alam kong marami doon ang nakakakilala sa Nanay ko. Tama ako, may ilan akong nakausap at kilala nila ang Nanay ko pero matagal na panahon na raw nila itong hindi nakikita.
Sa San Jose ay sinikap kong mamuhay ng normal at payapa at hindi na gagawa ng masama. Pumasok akong security guard kahit wala akong karanasan.
Nagkaroon pa nga ako ng matalik na kaibigan Kuya Bono na nakilala ko sa Solid Convenient Store na siya kung madalas pagbilhan ng mga kailangan ko. Siya si Leon na minsan kasing nalimutan kong magdala ng wallet at kinulang ang pera sa bulsa ng pantalon ko ay, kusa niyang dinagdagan ng pera ko. Mas bata ng maraming taon sa akin si Leon. Tingin ko’y 18 lang siya noon while ako ay lagpas trenta anyos na.
          Muli kaming nagkatagpo ni Leo sa Solid at nagkabatian ulit at noong pangatlong pagkakataon ay kinausap na niya ako. Nagtanong kung saan ako nakatira, hanggang sa inaya pa niya ako sa tinitirhan niyang apartment para daw makapagkuwentuhan kami. Ewan ko kung bakit nagtiwala naman ako bigla sa isang estranghero. Sumama ako at sa kaniyang apartment, pagbukas pa lang ng pinto ay mabubungaran ang crib ng isang sanggol na noon ay tulog. Anak daw niya ito.
          Pinagmasdan ko ang mukha ng baby at parang may humaplos sa puso ko, ewan ko kung ano yun. Basta nainggit ako bigla kay Leo. Nagluto siya noon at hindi niya ako pinayagang umalis kaagad. Tikman ko daw ang luto niya para makatikim ako ng Kapampangan Recipe. Taga Pampanga kasi siya at ang Live In Partner niyang si Joyce ang taga Mindoro, pero wala si Joyce noon dahil kapa-flight lang daw nito upang maging Domestic Helper sa Hong Kong. Sa kuwento ni Leo, para lang daw silang limang taon. 18 pa lang si Leo noon at bago lang siya sa San Jose, wala pa daw siyang gaanong kaibigan at hindi rin siya close pamilya o mga kamag-anak ni Joyce dahil, tutol ang mga ito sa relasyon nilang dalawa.
>>> 
          Sa unang dalawang taon ko sa San Jose Kuya Bono ay walang babaeng na-link sa akin. Kapag nagiinit ang katawan ko, pupunta lang ako sa bahay aliwan. Iinom, maglalabas ng babae para lang mapawi ng init ng katawan, pero ni totoo kong pangalan ay hindi ko masabi sa babaeng kasama ko.
          Hanggang sa natapos ang kontrata ni Joyce sa Hong Kong, umuwi siya at noon ay tinawagan ako ni Leo dahil nagluto daw sila ng marami. Nagpunta naman ako at noon nga ay nakita ko na sa personal si Joyce. Naroon din ang matalik na kaibigan ni Joyce na si Lilibeth na taga bayan ng Calintaan. May itsura si Lilibeth, medyo mataba nga lang at kulang sa height pero, kaagad kong napansin na mabait siya at sa apartment nina Leo ay parang hindi siya bisita dahil halos siya lahat ang gumagawa.
          Ipinakilala ako ni Leo kina Joyce at Lilibeth, pero sa sinserong titig ni Lilibeth noon ay nako-konsensiya ako dahil una pa lang ay nagsinungaling na ako. Marco kasi ang pakilala kong pangalan kay Leo noon pa man. Iyon ang pangalang madalas kong gamitin Kuya Bono sa mga taong hindi ako personal na kakilala. Noong hapon na at kinailangan nang umuwi ni Lilibeth sa kanila, hinatid ko pa siya sa sakayan. Sabi ko noon sa sarili ko, darating ang araw ay ipapakilala din ako sa kanila ang totoong pagkatao ko.
          Hindi ako  naniniwala sa anghel Kuya Bono pero kung iniisip ko ngayon, parang may gumagabay sa akin noon para makilala ko si Lilibeth sapagkat dahil sa kaniya, sa kanila ng kaibigan niyang si Mariella ay natagpuan ko ang aking Ina na noon ay nakatira sa bayan ng Santa Cruz. Kasal ito sa isang magsasaka, may lima akong kapatid sa aking Ina at ang panganay ay isang baklang doctor sa UAE, pero siyempre may panganay ako kasi ako ang unang sinilang ng aking Ina.
          Hindi naman masama ang ugali ng asawa ni Nanay.Inunuwa ko na lang siya na, mabubulabog daw ang barangay nila kapag nalaman nilang may anak ang Nanay ko sa ibang lalaki kaya’t nakisaup ito na huwag akong magtagal o mamalagi sa kanilang lugar.
          Maligaya akong makita at makasama ang Nanay ko, pero hindi ako nagkuwento ng marami sa kaniya tungkol kay Papa Loy, lalo na ang tungkol sa pangmomolestiya sa akin ng kaibigan niya.
>>> 
          Tinanaw kong utang na loob kina Lilibeth at Mariella ang pagkakatunton ko sa aking Ina at dahil doon Kuya Bono ay nagpasiya akong ligawan si Lililbeth dahil nalaman kong wala naman siyang boyfriend sa edad niyang 27 noon. Mas matanda ako sa kaniya ng tatlong taon pero bago pa ako tuluyang makapanligaw ay inunahan ako ni Lilibeth. Mula kasi noong magpasiya akong ligawan siya ay halos tatlong beses sa isang Lingo ako nagpupunta sa bahay nila, kahit may kalayuan ito.
          Isang araw ng Lingo nasa ilalim kami ng puno sa likod ng bahay nila ay, tinapat ako ni Lilibeth.
          “Marco, may balak ka bang ligawan ako. Masyado ka yatang napapadalas dito at kung ano ano pa ang dala mo sa tuwing dumaratingka….” Noon Kuya Bono ay gusto ko nang ipakilala kay Lilibeth ang totoong pagkatao ko kasi, nakakakonsensiya na tinatawag niya ako sa pekeng pangalan ko, pero hindi ko itinuloy dahil  noong muli siyang magsalita ay;
          “Kung may balak kang ligawan ako Marco, huwag mo nang ituloy kasi…baka hindi ako ang babaeng kailangan mo sa buhay mo. Wala na akong ovaries, hindi ako mabubuntis kaya hindi kita mabibigyan ng anak kung sakali….”
          Nabigla ako sa pagtatapat na ito ni Lilibeth pero bigla siyang tumawa.
          “Napaka-assuming ko yata Marco, inisip ko pang gusto mo akong ligawan eh pangit ko naman…” Sabi niya. Ngumiti lang din ako kahit na ang totoo ay nalungkot ako, kasi gusto kong magkaroon siyempre ng mga anak. Nagawa ko pa ring magsinungaling sa kaniya.
          “Dahil sa inyo ni Mariella, nahanap ko ang Nanay ko Beth. Masama bang makipagkaibigan sa’yo?”
          “Eh bakit kasi, kay Mariella hindi ka naman nagpupunta eh siya nga ang totoong nakakakilala sa Nanay mo…”
          “Malayo siya eh…” Sabi ko na lang ulit. Ang nakababtang kapatid ni Mariella Kuya Bono ay inaanak sa binyag ng Nanay ko, kaya nila ito kilala.
          Hindi ko sinadyang iwasan si Lilibeth pagkatapos non kundi, kinailangan ko na lang ding umalis ng San Jose dahil bumalik na ako dito Palawan….at dito ay nagpasiya akong gugulin ang natitira ko pang mga panahon.
PLAY>S9
DKB-10
          Sa San Jose, isang araw sa Mall na kasama ko sina Leo, Joyce at ang anak nila ay may baklang tumawag sa pangalan ko. Nagulat ako pero sinikap kong huwag magpahalata kina Leo kasi, ibang pangalan ang itinawag sa akin ng baklang iyon. Nasulyapan ko siya at kilala ko siya. Isa siya sa mga kaibigan ni Papa Loy.
          Ang ginawa ko ay humiwalay ako kina Leo. Sinabi kong may titingnan lang ako pero sinundan ako ni Ramulo, ang baklang kaibigan ni Papa Loy.
           Noong nasa medyo tagong lugar ako at huminto ako upang sitahin siya. Ang lakas kasi ng boses niya.
          “Ano bang kailangan mo damuho kang bakla ka?” Singhal ko sa kaniya. Pero ang sagot niya ay;
          “Wala akong kailangan sayo Devin, ikaw ang may kailangan sa akin!”
>>> 
          Sa mabilis at maiksing kuwento ni Ramulo. Nakapag-asawa daw ng lalaking amerikano si Papa Loy. Namura ko si Ramulo noon dahil akala ko jina-jamming niya ako. Sinabi rin niyang nakapagpatayo si Papa Loy ng bahay sa labas ng siyudad noong teacher pa siya dito, bago siya sumama sa Amerikano sa America…at ang bahay na iyon ay pamana niya sa akin. Sa akin daw nakapangalan ang property.
          Noong una, mayabang pa ako. Sabi ko, hindi ko kailangan ang kahit anong galing kay Papa Loy, pero nakapagisip-isip din ako. Isa, kuwento pa ni Ramulo ay ipinagkatiwala daw ni Papa Loy ang bahay sa isang kaibigan nilang bakla din, si Magno na noon ay kaaway na ni Ramulo. Sabi pa niya;
          “Umuwi ka na dun Devin dahil binaboy lang ni Magno ang bahay mo!”
>>> 
          Makaraan ng mahigit isang buwan pa bago ako  umuwi dito at nagustuhan ko dito. Walang ala-ala ng kabataan ko dito kasi, lahat ng bangungot ko’y nangyari sa bahay na inuupahan lang noon ni Papa Loy sa Puerto Princesa.
          Maganda dito. Baryo. Payapa. Maraming puno. Tahimik at maganda naman ang maliit na bungalow na pinatayo ni Papa Loy, pero tingin ko’y kulang sa bintana. Nanghihinayang ako sa preskong hangin na hindi naman masyadong nakakapasok sa loob ng bahay, kaya nagpatayo ako ng bahay kubo sa likod.
Kumpleto din sa gamit ang bungalow pero nakapaglagay pala si Magno ng ilang gamit niya na tinangay din niya noong palayasin ko siya.
          Malawak ang lote nitong bahay, lalo na dito sa bandang likod kung saan kami nagtayo ng kubo na yari sa kawayan. Katulong ko si Lolo Arno sa paggawa ng kubo noon, sa kaniya ko rin nabili ang mga kugon na ginawa naming bubong. Mula noon ay naging kaibigan ko na si Lolo Arno. 65 years na siya pero napakalakas pa niya. Nalilibang ako kapag kausap ko siya dahil marami siyang nasasabing bago sa pandinig ko. Marami din siyang paminhiin na pinaniniwalaan.
>>> 
Maganda ang kubong aming ginawa. May kuwarto, banyo at maliit na kusina. Dito ako naglalagi, madalang akong matulog sa diyan sa bungalow. Dito ako nanonood ng TV, YouTube at nakikinig sa mga kuwento sa channel mo Kuya Bono.
          Dito na rin ako kumakain at nagluluto ng pagkain ko.
>>> 
          Si Analyn ay tindera ng gulay at isda. Siya ay nagbabahay-bahay. Sila ni Lolo Arno ang dalawang taong unang nakaalam ng totoong pangalan ko.
Si Analyn ay dalagang Ina…at nakilala ko siya noong pangalawang araw ko pa lang dito dahil bumili ako ng gulay at isda sa kaniya.
          Agad kong nagandahan ang kasimplehan niya. Ang kaniyang inosenteng ngiti at malamlam na mata. Hindi ko nga naiwasan tanungin kaagad ang pangalan niya.
          Mula noon, araw-araw na akong bumibili sa kaniya…at sa pagusad pa ng mga araw ay natitiyak kong, nahuhulog na ako sa kaniya.
PLAY>S10
DKB-11
          Si Lolo Arno ang unang nakaalam ng tungkol sa lihim kong paghanga kay Analyn. Napansin kasi niyang lagi kong bukambibig si Analyn, hanggang sa tinanong na niya ako kung  gusto ko si Analyn. Umamin ako ngunit ang sabi niyay;
          “Napaguwapo mong lalaki Devin. Humanap ka na lang ng iba dahil baka mapahamak ka lang….”
>>> 
          Ayon pa kay Lolo Arno, hawak daw ng isang maimpluwensiyang tao dito sa Palawan si Analyn. Ang taong iyon ang ama ng kaniyang anak. Ipinagtaka ko ang sinabing ito ni Lolo Arno, bakit kako naglalako siya ng gulay at isda kung may mayamang tao palang may hawak sa kaniya. Ang sagot niya’y, hindi na raw tumatanggap si Analyn ng kahit ano mula sa taong iyon at kaya daw niyang buhayin ang kaniyang anak sa malinis na paraan. Ang sumunod kong tanong kay Lolo Arno ay, gaano kadelikado ang taong yun? Ang kuwento niya’y, may lalaki na daw na nagtangkang ilayo sina Analyn at anak nito dito sa Palawan, ang lalaking iyon ay kasintahan ni Analyn pero hindi ito nagtagumpay na mailayo si Analyn at hanggang ngayon ang lalaking  iyon ay hindi pa rin natatagpuan.
          Hindi na kailangang ipaliwanag ni Lolo Arno ang tungkol sa pagkawala ng boyfriend ni Analyn. Alam ko na iyon at nauunawaan ko din si Lolo Arno kung bakit, minungkahi niyang, humanap na lang ako  ng  iba.
>>> 
          Nasimulan ko na ang magbagong-buhay Kuya Bono. May nasimulan na rin akong maliit na negosyo na hindi ko na lang babanggitin dahil nasa Highway ito at maaari akong matunton dahil doon.
          Kaya kong ipaglaban si Analyn kung gusto niya. Hindi ako  natatakot kung ang pagibig ko sa kaniya ang dahilan para masabak ulit ako sa delikadong buhay. Kaya lang, sa tagal ng panahon niya akong suki, sadyang malayo ang loob niya sa akin at kahit ilang beses ko siyang sinabihan na huwag niya akong sine-ser ay sir pa rin siya ng sir.
          Marami na rin akong kaibigan dito liban sa mga tauhan ko sa aking negosyo. Kung mapapahamak ulit ako dahil kay Analyn, masisira lang ulit ang buhay ko.
          Kaya lang, noong matino na ang buhay ko, ramdam ko ang pangangailangan ng katuwang sa buhay at siya, si Analyn ang pinakagusto ko sana. Kaya lang, anong gagawin ko? Malayo ang loob niya sa akin. Minsan nga, may mga tanong ako na hindi niya sinasagot. Hanggang sa napansin ko pang sinasadya na niyang bilisan ang lakad niya kapag nasa tapat na siya ng bahay ko. Minsan ay hindi ko na rin siya nakikita at ang hula ko’y sa ibang kalsada na siya dumadaan para lang maiwasan ako.
          Nakilala ko ang sarili ko bilang matapang, mala-anemal at akala ko hindi na ulit ako makakadami ng sakit mula noong masaktan ako ni Karlen, pero nasaktan pa rin ako at nalungkot dahil hindi ako gusto ni Analyn.
          May mga pagkakataong parang nasisira ulit ang katinuan ko at iniisip kong daanin sa puwersa si Analyn. Madali ko lang magagawa yun kung gusto ko kahit na magkalintik-lintik ulit ang buhay ko. Pero may nangyaring hindi ko inaasahan.
          Naisipan kong gumawa ng facebook gamit ang totoong pangalan ko, pero litrato ng puno ng Mangkono ang nilagay kong profile picture at wala nang ibang litrato dun kundi yun lang. Ang punong kahoy na yun ay nakatayo sa bandang likod nitong kubo ko. Ayon kay Lolo Arno, ang Mangkono daw ang pinakamatibay na puno dito sa Pilipinas. Tinagurian daw itong baka na puno. Noong una, gusto kong ipaputol yan pero tumanggi si Lolo Arno kaya’t hanggang ngayon ay nariyan siya’t kahit anong lakas nga ng bagyo ay hindi tumutumba.
          Para siyang ako, sabi ko nga noon. Sabi ko lang pero hindi naman talaga dahil simula noong magbagong-buhay ako ay ramdam ko na ang panghihina ng loob ko. Naduwag na nga akong gumawa ng hakbang para mapasa-akin si Analyn…
          Hanggang sa isang pamilya na tao nga ang nag-send ng message sa akin sa facebook ko na dalawang araw ko pang noong nagagawa.
          Siya si Kuya Torax, kasamahan ko sa raket noon sa Cebu. Nireplayan ko at nagkausap kami. May dala siyang good news at bad news para sa akin.
          Ang bad news. Wala na pala si Claire, napuruhan daw noong ma-raid ang hideout at ang Kuya niyang si Yoyong ay nasakote ng pulis.
          At ang good news ay, may anak ako kay Claire.
          >>>
          At ang bata ay kaadag kong nakita sa litratong pinadala ni Kuya Torax, mistiso ding kagaya ko….at ang bata ay nasa pangangalaga ni Kuya Torax.
          Ang tanong niya sa akin noon ay;
          “Gusto mo bang alagaan tong anak mo, o sa amin na lang?”
PLAY>S11
DKB-12
          So may isa akong anak? Hindi. Mali. Dalawa, dahil noong nasa Cebu ako, sa bahay ni Kuya Torax ay may bago ding request message at galing iyon sa babaeng nanakit sa akin, si Karlen at sinabi niyang, anak ko ang panganay niya.
          Kaya lang ay nasa Africa sila ng asawa niyang si Terrence. Makikipagkita daw sa akin si Karlen kasama ang anak naming 11 years old na noon kapag umuwi sila dito sa Pilipinas.
>>> 
          Si Claude, itong anak namin ni Claire ay magta-tatlong taong gulang na noon pero napakalikot. Kaya ko naman sigurong alagaan siya pero, may negosyo din akong inaasikaso. Iyon yung punto ng buhay ko noon na kailangang-kailangan ko ng kasama sa buhay. Pero naisipan kong kumuha na lang ng yaya dito.
          Dala ko si Claude noong bumalik kami dito sa Palawan pero, naisipan kong dumaan sa San Jose, Occidental Mindoro. Nag-stay kami ng tatlong araw sa bahay ni Leo. Oo Kuya Bono, may sarili na silang bahay noon sa isang subdivision. Maliit lang pero maganda a nasa abroad ulit noon ang asawa niya.
          Si Leo ang nag-suggest sa akin Kuya Bono na, subukan kong ligawan si           Lilibeth, tutal may anak naman na ako dahil si Lilibeth nga ay wala nang kakayahang magbuntis.
          Dinalaw namin si Lilibeth sa kanila. Kasama ko si Leo, at ang dalawang bata. Anak niya at anak ko, at labis ang gulat at tuwa ni Lilibeth na makita ako ulit. Hindi ako nagpatumpik-tumpik Kuya Bono, sinabi ko sa kaniya na kailangan ko siya sa buhay ko. Tinanong ko din kaagad siya;
          “Gusto mo bang magpakasal sa akin at maging asawa ko?”
          Hindi siya nakasagot kaagad. Nagulat siya tapos napaluha. Hindi raw siya makapaniwala.
          Binigyan ko siya ng sapat ng panahon para magisip Kuya Bono…MATAPOS ko ring ipagtapat sa kaniya ang totoo kong pagkatao at madilim kong nakaraan. Natanggap naman niya ako at makaraan ng tatlong buwan, pumayag din siya…kaya’t naglakbay nanaman kami papuntang Mindoro upang masimulan ang pagaasikaso sa aming kasal  ni Lilibeth, sa tulong at paggabay din siyempre ng aking Ina.
PLAY>S12
DKB-13
          Sa ngayon Kuya Bono ay masaya at matiwasay kaming namumuhay ng simple dito sa Palawan. Inilapit din ako ng asawa ko sa Diyos kaya’t masasabi kong papunta na talaga ako sa tunay na pagbabago, pati nga ang anak ko kay Karlen ay natanggap ko na rin kahit na siya ay, alanganin, malambot o…binabae.
          Last year ay umuwi sina Papa Loy at ang asawa niya. Sinikap ko namang maging maayos ang pakikiharap ko sa kaniya at nagawa ko din siyang pasalamatan sa lahat ng nagawa at naibigay niya sa akin…at kahit hindi siya nanghingi ng tawad sa nagawa niya sa akin noon ay pinatawad ko na rin siya, dahil obligasyon ko iyon bilang isang nagpapakabuting anak ng Diyos ang magpatawad….at sana, kahit wala akong sawa sa paghingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko, hangad ko pa rin na sana isang araw, maramdaman ko rin na napatawad na talaga ako.
          Hanggang dito na lang Kuya Bono at sana palarin ding mabasa mo ang kuwentong ito ng buhay ko.
          Umaasa,
Devin
Tumblr media
0 notes
wrathdiwata · 7 months
Text
taong layas, lagalag, pagala, palaboy, bagamundo, hamas lupa, naliligaw, masuwayin, nagkakasala, naliligaw, matigas ang ulo, namamali, suwail, dalinsil, dalingsil, walang kasaysayang tao, kontrabida, buhong, taksil, taong tampalasan, kalaban ng bida, masamang tao
0 notes
diwangpalaboy · 1 year
Text
DS 100
1. race to the bottom 2. climate debt 3. There are thousands of alternatives! 4. crises 5. shock doctrine and disaster capitalism 6. highest stage of capitalism 7. basic ills 8. Global finance capital and the Philippine financial system 9. There is no alternative! 10. age of high mass consumption 11. pre-condition for take-off 12. neoliberalism 13. capitalist and socialist states 14. history of economic thought 15. poverty as personal failure 16. Globalization of poverty 17. Political economy of medical tourism 18. poverty as structural failure 19. crop conversion in the Global South to produce biofuel thus leading to food insecurity 20. ‘natural debt’ of MDCs 21. political decentralization 22. administrative decentralization 23. iron triangle 24. transfer of ownership 25. regulatory capture 26. hyperreality 27. tied aid 28. conspicuous consumption 29. “monster of Morong” 30. information rich and information poor a. adaptation debt b. military-industrial complex as illustrative case c. AG Flor d. devolution e. macro analysis f. Michel Chossudovsky g. overproduction, underconsumption, overextension and legitimacy h. Naomi Klein i. IBP j. 5th stage k. transition stage l. throwback of laissez faire economics and push back of state expenditures for basic social services m. imperialism n. deconcentration o. TNCs overpowering national governments p. DS 111 q. EMV r. TATA s. Econ 109 t. micro analysis u. Diwang Palaboy v. emission debt + adaptation debt w. casinos, theme parks  x. compromised taxation, environmental and labor policies y. aid with conditionalities z. privatization aa. TINA bb. spending pattern to boost social standing cc. BNPP dd. emission debt
0 notes
ethereal-treasure · 1 year
Text
BLOG ENTRY 6: CHILDREN'S STORY
Tumblr media
Ang Aspin na si Toffee at Ang Batang si Abby
 Ang Aspin na si Toffee ay matagal na palaboy-laboy simula nang abandonahin siya ng kanyang amo. Ilang linggo na rin siya pabalik-balik sa mga lugar na dati nilang pinupuntahan ng kaniyang dating amo. Sa parke kung saan sila mandalas mamasyal, sa palengke kung saan madalas silang pumunta upang bumili ng paborito niyang nilagang buto, at sa kanilang dating bahay kung saan lagi siyang pinapaliguan, pinapakain, nilalaro at dating tinitirahan kasama ng kaniyang amo.
          Lumipas ang mga araw na naging linggo, ang Aspin na si Toffee ay isa nang Asong Kalye. Patuloy sa paghahanap si Toffee ngunit siya ay tuluyan na nawalan ng pag asa sapagkat paulit-ulit na lamang ang kaniyang ginagawa, hanap dito at antay dito. Sa mga nagdaan na araw binalot ng pag iisip niya kung saan siya matutulog, kakain, at saan siya sisilong. Dahil sa patuloy niyang pag lalakad hindi niya na alam kung saan na siya napadpad at sa lugar na iyon sinubukan niya lumapit sa mga tao at nagbabakasakali na may magandang loob na kupkupin siya ngunit siya ay nabigo. Binabato siya ng mga batang nakakakita sa kanya, itinataboy kapag nais niyang humingi ng pagkain at binubuhusan siya ng tubig kapag ayaw niyang umalis. Sa loob ng mga araw, siya ay nawalan na ng tiwala sa mga tao na nakapaligid sa kanya.
         Naging trauma kay Toffee ang mga nangyari dahil dito naging mailap siya sa mga tao na sumubok na lumapit sa kanya. May pagkakataon pa na siya ay tinawag ng isang matandang babae upang pakainin ngunit hindi siya lumapit at mas lalo pa lumayo. Naging agresibo din si Toffee at biglang na nanahol sa mga taong nais siyang hawakan. Ang maamong mukha ng dating Aspin na si Toffee ay naging marumi at gusgusing mukha ng isang Asong Kalye.
          Ang batang si Abby ay naglalakad sa isang kanto nang makita niya ang Asong Kalye na si Toffee, kagaya ng ibang bata siya ay lumapit kay Toffee dahil sa awa nito sa aso ngunit si Toffee ay naging mailap, ayaw lumapit at tinahulan ang batang si Abby. May gulat na ekspresyon sa mukha ni Abby dahil sa hindi niya inaasahan na gawin ng aso. Hindi nawalan ng pag asa si Abby na kuhanin ang loob at tiwala ni Toffe, patuloy na dinalaw ni Abby si Toffee upang kausapin at pakainin ngunit si Toffee ay pinagsasawalang Bahala lahat ng atensyon na ibinibigay ni Abby. Naitatak ni Abby sa kanyang isipan na “May bukas pa naman, maaari ko pa ulit subukan at makuha ang tiwala ng aso na ito.” Dahil sa dedikasyon ni Abby kay Toffee, na pansin ni Toffee na unti-unti na gumagaan ang loob nito sa batang si Abby ngunit iniisip niya kung handa na ba siya upang mapalapit muli sa tao.
          Isang araw, bumisitang muli si Abby sa asong kalyeng si Toffee ngunit may kalungkutan ang mga mata ng batang si Abby na agad na pansin ng asong kalyeng si Toffee kaya’t lumapit siya rito, dinilaan ang kamay ng batang si Abby, kinuskos ang balat sa binti ng bata, at pag kampay ng kanyang buntot upang ipakita sa bata na nandoon lamang siya kasama niya. Ang dating malungkot na mga mata ay napalitan ng pagkatuwa at pagkagulat ng batang si Abby. Simula ng araw na iyon naging matalik silang mag kaibigan, inampon ni Abby si Toffee na agad naman pumayag ang mga magulang nito. Ang dating Asong Kalyeng si Toffee ay muling naging Aspin at maamong aso.
0 notes
kaloyapoy · 1 year
Text
Anyong Tubig
Ikaw na buong kanta ko, iniirog Nawa'y masdan ang pag-silong ko sa'yong takipsilim Ilaw niyang naka tuon nang yumuko banda sa'tin Lumitaw ang ganda ng sayaw ng tanawin.
Umiikot ako sa'yo ng pabaya. Patnubayan ang hiling Lingunin, o dinggin mo man lang itong na ipon kong piging Ng Pag-ibig na kumakanta mag isa sa bumbunan ng tatahakin, Pag dating sa'yo, kamisetang to'y lumobo ang damdamin.
Kaharapin mo ang pahaging o aking iniirog Hiyas ang 'yong mata'y likas sa kani-kanilang mga pwesto Natural ang pag-alaga nang nabuo ka sa'yong konsiyerto't Iniluwal ka ng dumighay ng kagandahan ang konsepto ng Uniberso.
Madalas kang palaboy-laboy patungo saaking Palabas, padaloy-daloy ang suot-suot mong hangin Bakas ang pag ngiti ko sa mundo pagkat 'yung langit Tangan-tangang mahigpit ang palad mong kamay ko'y kapit.
Ngunit sa kabilang banda'y sa mundo ko lamang nabuo ang tagpuan nating dalawa Kung kapansanan ang Pag-ibig, mukhang ako lang yung pinuntirya Nawa'y dumampi na rin saakin ang sinasakyan mong alon Panghahawakang maigi ang bisig kahit lunod sa tuwing aahon.
Sa kalagitnaan ng kahapon, doon kita palaging natutunghayan. Sing linaw pa rin ng puti mong labi ang anyong tubig sa halik ng tag-araw Sa kalagitnaan ng kahapon, hayaan mong balik-balikan Kahit sing linaw ng puti mong labi ang pagkakataong sa kahapon lang kita matutunghayan
Ang linaw mo don. At mananatili yun hanggang bukas Hanggang kumupas ang dugas ng oras sa pag punas Ikaw ang sanhi nitong kapansanang walang lunas At ikaw ang binhing ipagdadamot ng bukas sakin.
Ikaw na buong kanta ko, iniirog. Nawa'y masdan ang pag silong ng takipsilim Ilaw niyang naka tuon nang yumuko banda sa'kin, Lumitaw ang panglaw ng sayaw ng tanawin.
1 note · View note
random-tots · 1 year
Text
Die
Masama bang hilingin na mawala nalang ang mga palaboy na aso at pusa o mga hayop na nagugutom at nahihirapan sa mundo para lang makapagpahinga na sila sa langit?
'Yung hindi mo sila makuha kahit gusto mo kasi wala kang maayos na place para sa kanila, wala ka ding budget para may maipakain sa kanila...
Na kapag kinuha mo silang lahat baka mapuno na `yung buong bahay niyo, at baka palayasin ka na ng mga magulang mo.
0 notes
cristinaaaa718 · 2 years
Text
Tweeted
RT @ABSCBNNews: Kamakailan lang ay nag-viral ang retrato ng isang babaeng palaboy na yumakap sa reporter ng ABS-CBN News. Ayon sa isang netizen, ang babaeng yumakap sa reporter ay kahawig ng isang kamag-anak na matagal na nilang hinahanap. https://t.co/CayCwyEkfn
— Cristina 🌸💗🌷 (@cristinaaaa718) May 3, 2022
0 notes
kimhortons · 2 years
Text
Thought Dump #005
Today’s whereabouts | Sunday. November 28
Kahit maulan, umalis parin kami. Kasi kailangan ko pumunta ng Globe para i-settle na yung outstanding balance ko. Bawas na yung pressure ko sa pag bayad, kasi finally makakapag renew narin yung friend ko na may ari ng account. Huhu. Bawas din yung bayarin ko sa total dahil sa 40% discount. Mas madali ko na siya matatapos, kay Mitch ko na siya huhulugan.
Nagpapalit din ako ulit ng tempered glass, kasi ang pangit nung pinalit last time ang bilis mabasag tsaka may bubbles lagi. Sana medyo tumagal naman ‘to kasi ang mahal ng 395, parang gusto ko na naman pag sisihan kasi naalala ko uuwi nga pala ako kila J, may naitabi pa siyang tempered sana pala siya nalang nagpalit. Haha. Medyo nagpaka impulsive na naman ako. Tagal ko na kasi gusto mag Trinoma para talaga sa tempered na ‘to e. Haha.
Ang bilis ko na mapagod, hindi na ata ako sanay lumabas. Parang gusto ko ng lagi umuwi agad. Di ko na kaya tumambay ng matagal sa mall tas magpalakad lakad lang ang sakit pa tuloy ng paa ko, di narin ata ako sanay sa sandals haha. Tsaka yung contact lense ko, mataas na ata yung grado ko kasi ang sakit ng ulo ko tuwing suot ko siya. Sa Bicol nalang ako ulit magpapa check ng mata. Mas mabait mga tao dun e. Haha. Di ko kasi trip yung doctor sa EO dito sa mall na malapit samen.
Nakakatuwa lang din na bumabalik na ulit tayo sa dati, hindi na mukhang ghost town ang mga mall. Haha. Kaso nakaka pangamba parin dahil nanjan parin ang covid. Sana lang talaga, tuluyan ng humina ang virus kahit may bago na namang variant. Para tuluyan narin tayong makabalik lahat sa normal.
Hindi narin ako sanay mag commute. Huhu yung taga dito ako pero hindi ko na alam kung saan na yung mga sakayan. Haha naalala ko tuloy yung kababata ko dito samin, pupunta daw sana siya ng office nila sa Makati, ang aga niya nasa kalsada abang siya ng abang ng bus na deretcho Ayala, puro daw hanggang Q.Ave lang haha. Hindi niya pala alam na putol putol na byahe ng mga bus ngayon. Haha. Ako naman inaalala ko tuloy kung paano ako pupunta ng PITX sa byahe ko pabicol huhu. Kaya balak ko sana sumakay nalang ng bus pa-Naga para sa terminal namin sa EDSA nalang ako sumakay. Haha.
Anyway, alam niyo ba, ‘tong si Paning. Palaboy lang ‘tong pusa na ‘to dati. Nang bubutas lang ‘to ng mga cat food dati sa shop tas paanak lang ng paanak yan. Haha pero simula nung pinakapon na ng boss ko, syempre inampon narin nila. Welcome narin siya sa bahay nila. Ang cute lang kasi ang taba taba panay kaen tulog lang kapag magigising makikipag laro kami sakanya. Ang sarap pikunin nito e. Pag sa shop kaaway niya ko lagi, pero pag nasa bahay lang siya ang lambing lambing niya. Ewan ko ba sa pusang yan. Haha.
#td
0 notes