hinga (from the vault)
huminga ka muna
itikom mga pakpak
mga gulo-gulo sa isipa'y isantabi pansamantala
hayaang hilumin ng mga bulalakaw ang nabasag na pagsinta
uusbong din ang mga bagong talulot
iyong hiling, sa mga bituin din ay aabot
magliliwanag; magliliyab
hanggang sa makamit na ang iyong mga inaasam-asam
huminga ka muna
langhapin ang amihang magdudulot ng payapa
pagkat sa bawat pahinga
bagong lakas ng pakpak ang iyong makukuha
hinga,
lasapin mo ang bawat amihang sa iyo’y magpapaalala na …
na makulay ang buhay
na may bahaghari sa bawat bagyong daraan
na may pag-asa
na ‘di pa ito ang wakas
na kahit ano’ng hila pa ang gawi’y aangat ang naglalagablab mong damdamin
kaya humayo
halina’t palayain ang mabibigat na ulap sa puso
ipikit ang mga mata
halina giliw,
malalim kang huminga
7 notes
·
View notes
Pagkalutang na angat
Nalunod ang isip, sino bang sasagip?
lumusong ng pilit, hirap makatawid
may luhang sumirit, bugtong ay kalakip
ang dulo’y nasilip, kung san ka pabalik.
Hampasan ng alon, kamay na gumapos
dinig `ko ang takot, kulog na nga halos
payapa ang daloy, kalmadong pag-agos
sa pampang dumaong, akala’y natapos.
Dinig ang babala, gising sa alala
tinig ang naghanap, mithing makawala
lubog na sa baba, sa hukay nadala
busog ang pangamba, nilamon na pala.
1 note
·
View note
0 notes
2022 Publications
I'm happy to share the publications that I've published in 2022. A special thanks to all the editors who selected my work: Doug Draa, Lis Goryniuk-Ratajczak, Shashi Bhat, and Jordan Hirsh.
I’m happy to share the publications that I’ve published in 2022. A special thanks to all the editors who selected my work: Doug Draa, Lis Goryniuk-Ratajczak, Shashi Bhat, and Jordan Hirsh.
Prose:
The Adjacent Possible, Weirdbook Magazine #45; Doug Draa, Editor; Wildside Press, Publisher; Cabin John, Maryland; July 2022
Poetry:
Ansible Dreams, We Small Readers, and Chaos Theory (The Mandelbrot…
View On WordPress
0 notes
hikbi ng dingding na nagsasabing kanino sila sasandal kapag pagod na rin silang maging pundasyon ng kalungkutan.
mga bagay na tinatangkilik ng limang pandama na ang pumapagod sa atin, ultimo imahe ng kisameng kinukublihan ay nakakapagod na ring tignan.
6 notes
·
View notes
Kandila
patay na ang mga ilaw
at nagtatago ang buwan
sa ganda mo'y nasisilaw
madilim man at maulan
ang kinis ng iyong balat
maaari bang hawakan?
ngunit takot na magkalat
sakali mang mapatakan
at mapaso ng 'yong luha
ayaw ko munang masaktan
kung ikaw ay 'di makuha
wala ring pakakawalan
ngayong malalim ang gabi
baka p'wedeng sumalisi
payakap muna sandali
sana ika'y makumbinsi
liwanag mo'ng nagpainit
dito sa aking katawan
sarili ko'y pinipilit
na 'wag ka sanang mahagkan
'pagkat alam kong 'di p'wede
kahit gawan ng paraan
kailanma’y hindi pup'wede
dahil iba'ng nilalaman
ng puso mong lumiliyab
ito'y naiintindihan
mga mata'y kumikintab
tuwing ika'y tinitingnan
matapos man itong gabi
magdamag nama'y nasulit
bawat oras sa'yong tabi
sana lahat ay maulit
11 notes
·
View notes
Tila Tala
Mga tala sa langit,
Nakikita mo rin ba?
Ang buwan ay kumikinang
Sa iyong mga mata.
Oh, aking minamahal,
Nakikita mo ba yung bitwin?
D'un yung titig mo,
Pero sa'yo 'ko nakatingin.
Daming tala sa langit,
Ang lahat kumikinang,
Pero sa paningin ko,
Ang ngiti mo mas lamang.
Liwanag ng bitwin noh?
At ang ganda, ganda, pa,
Pero mas maganda araw ko
Pag nakikita kita.
Liwanag nga nung bitwin.
Ilaw yung binibigay.
Pero pansinin mo lang ako,
Mundo ko'y nagkakulay.
Aking mahal na sinta.
Ngiti mo parang tala.
Lumiwanag mundo ko.
Ikaw aking tadhana.
2 notes
·
View notes
Tangay ng Hangin - February 21,2024
11:23 - 11:29 AM
Ano nga ba ang halaga ng pisong may bigat
Kumpara sa isang libo na kay daling liparin ng hangin.
Sa panahon ngayon ay mas matimbang ang magaan
Kumpara sa bagay na mas mayroong tunay na bigat.
Nagpapaalipin sa salaping tinatangay lang ng hangin.
Ganyan na ngayon ang batayan ng halaga ng pagkatao.
Kahit ano pang ang bigat ng iyong pinapasan,
Lahat iyon ay maglalaho sa isang bulong ng hangin.
Bulong na nagtataglay ng kapalarang libo-libo ang kapalit.
Bulong na hehelehin ka sa kumpas ng paghihirap.
Bulong na bawat pantig ay iyong bibilangin ng walang katapusan.
Bulong na bawat hinga ay nagdadala sayo papalapit sa hukay.
Mapapatanong ka nalang sa hangin.
Ano nga ba ang halaga ng pisong may bigat
Kumpara sa isang libo na kay daling liparin ng hangin?
4 notes
·
View notes
Bahaghari
Isang malalim na buntong-hininga
Kasabay ng pagmulat ng mga mata
Tanong sa sarili'y "Kaya mo pa ba?
Tsaka ngingisi at sa taas ay titingala
Ngunit ano nga ba ang 'yong hinahanap
Isang milagrong pilit hinahagilap
May lihim kayang ikinukubli ang mga ulap
May hiwaga ba sa asul na alapaap?
Maya't-maya'y mga mata'y kikislap
Marahang ngingiti at hahagakhak
Isang makulay na bahaghari'y naging sapat
Upang mapawi ang lumbay ng aliping tapat
Bahagharing pahiwatig ay pag-asa
Para sa mga lingkod na hapung-hapo na
S'yang may malakas na pananampalataya
Aani ng hindi mabilang na biyaya
~ M.K. Sueño (04/2021)
21 notes
·
View notes
mundo
Isang madilim na gabi mga tala’y naglikot
Itinulak aking mundo sa isang nilalang na kailanma’y ‘di ko malilimot …
Sa ilalim ng kalimbahing pag-asa
Doon nagtama pagal nating mga mata
May takot at pag aalinlangan ma’y
Pinilit mong tumitig kahit ang karamiha’y napapaso na
Dumaan ang mga araw
Ang mga pader at tinakala’y tuluyang natunaw
Ang pangamba’t mga gulo-gulo’y nagunaw
Hinayaang sakupin ng bughaw na alon ang lalamunan kong nauuhaw
Mula kalimbahin, naging lila ang lahat
Mas nasisid ang bawat aspeto ng iyong mga mata
May mga parteng nakakatunaw man
Ngunit ang ginhawang dulot mo’y sapat na upang maglaho silang lahat
Nasaang pahina na nga ba tayo?
Tila ‘di ko na mabatid pagkat tinatangi ko itong kwento
May saya, hinagpis at pangamba ang una
Ngunit sa bawat paglipat ng pahina’y maganda ang wakas
Lunurin mo matamis na serbesa ang bawat hibla ng aking pagkatao
Pagkat buong ako’y handa na para sa’yo
Bawat parte ng aking pagkatao’y laan lamang sa’yo
Ikaw, Ikaw naglakas loob na tumitig sa mga mata kong noo’y nakapapaso
At sa dulo
Kahit na may pangamba’t gulo-gulo
Ikaw lamang ang nais ko
Ikaw lang ang mundo ko
3 notes
·
View notes
poem i made abt the taho guy
4 notes
·
View notes
relapse - filipino trail of thought
minsan pag gabi na at nakahiga na ako, napapaisip pa rin ako
what if mag sorry ka? what if bigyan mo ako ng paliwanag sa mga pagkakamali mo sa'kin?
sakit ng ginawa mo e. akala ko matatahimik na ang puso ko dahil may bago na ako. pero, kahit hindi na kita mahal. gusto ko pa rin marinig sa bibig mo,
"sorry. patawarin mo ako. hindi ko yun sinasadya."
pinapatawad na kita. matagal na kita pinapatawad. pinili ko nalang patawarin ka.
sana man lang, bago tayo nag wakas, nag sorry ka at aminin mo ang kasalanan mo.
napapa relapse lang ako sa'yo.
pero masaya na ako.
paalam.
'see you when i see you.'
4 notes
·
View notes
Hi everyone!
The hardcover edition of Temporary is out now!
Buy 3 copies to get FREE shipping to the Philippines. Follow this link.
3 notes
·
View notes
Let it all out
Even if it cost you tears
For all that's happened
You deserve this
Even though you feel that it's not enough
Would you believe
A little heartbreak could do so much
Because you deserve so much more
And it's only then that you realize
That it's them that holds you down
But you were meant to fly
And with all the few things you deserve
You have to have this
They never really understand
That more than their company
All you ever deserve is to be loved
9 notes
·
View notes
Ito na naman tayo
Andito na naman ako sa puntong 'to
Kung saan napakabagal ng mundo ko.
Isang minuto ay isang taon,
Isang taon ay parang kahapon.
Mga alaalang gusto ko ng itapon
Isa-isa itong nagtitipon-tipon
Gustuhin ko mang makaahon
Wala na akong magawa tungkol d'on.
Kahit di ko gustuhin
Sasariwain lahat ng tamis
Pati na din lahat ng sakit.
Kung bakit mas madami ang pait
Kaysa sa sarap ng hagikgik
Ay gustong-gusto kong tanungin
Kahit alam kong walang makukuhang balik-sabi.
Ang isiping ito'y hindi mawaglit.
Kahit lamang na sa isang sandali.
Mas lalo lamang tumitriple ang hapdi
Sa paghahanap ng sagot
Kung paano maaalis
Ang kirot sa dibdib.
Kaya ako na lang ay tatahimik
At hahayaang matapos ang gabi
Ng may luha sa aking tabi.
Ito na naman yung puntong
Ang araw ay kay dilim
At sa gabi'y humihiling.
Ang araw na kay sakim
At ang buwan na ginigiliw.
Ito na naman tayo,
Buwan na siyang katukayo,
At araw na aking katalo.
Ito na naman,
Ang araw na pinipilit akong magpanggap
Kahit ang puso ko'y dusta.
Wala akong magagawa
Kundi ang ipinta
Ang araw-araw na maskara
Kunwaring masaya.
Dahil kung ipapakita ang lukot
At laos ng pintura
Ang araw ay hindi titigil sa pang-aalipusta
Sasabihin kung gaano ako kaduwag
Ipapamukha kung paanong ako'y madrama.
At sobrang nakapagtataka
Gusto kong itanong kung siya ba'y walang problema
Kung ako lang ba
Ang tanging duwag sa mata niya
O siya rin kaya?
Kung siya ba'y hindi nasasaktan
At bakit parang hindi niya ako naiintindihan?
O ako lang ba?
Ako lang ba ang nag-iisip
Kung paanong ang araw ay mapang-api
Ako lang kaya?
Baka hindi ko lang siya maintindi
Baka gusto niya lang ay ang aking ikabubuti
Dahil kung magpapakain ako
Sa bagal at dilim ng mundo
Ay posibleng mawala ako
Tulad ng kung paano binibigyan ng araw
Ang buwan ng liwanag
Kung paanong nakikita ko ito
Dahil sa kanya.
Kung paanong minamahal ko ito
Dahil sa ilaw na taglay niya.
Baka nga ako lang.
Pero minsan gano'n talaga
Darating sa punto na mawawala ang liwanag
At ang buwan ay di ko na makikita
Ang mundo ay muling babagal
Kahit sa akin lang.
Ganon talaga,
Darating sa puntong didilim na lang bigla
Kahit di mo gustuhin, magugulat na lang sila
Dahil ang iniirog na buwan ay mawawala
Pero makakasanayan din nila
Babalik din ako,
Hindi habang buhay ay kailangang ganito.
Ang araw na siyang aking katalo,
Ay naiintindihan ko na ngayon
Kahit minsan ay hindi magkaayos
Alam kong minamahal niya lang ako.
Kaya babalik ako,
Pag bumalik ang sinag ng araw
Pag muli niya akong mailawan
At makikita mo ako
Makikita mo ang bakas ng mga kahapon ko
Madami man ang tumama at nanakit dito
'Di mo maipagkakaila na minamahal mo ako
Ang buwan na siyang aking katukayo,
Ang buwan na minamahal mo
Yun ay walang iba kundi ako.
Pasensya,
Kung minsan ay lungkot ang dala ko sayo.
Pasensya,
Kung minsan ay nawawala ako.
Pasensya,
Sa lahat ng pasakit na dala ko sayo.
Nawa'y maintindihan mo ako.
Dahil minsan darating tayo sa punto,
At masasabi mo na lang,
'Ito na naman tayo'.
— Johanna M.L. "Luna" D. Sibayan
This is a tagalog spoken poetry about how I felt back then about me and my mom's difference, and my ongoing depression. Written in 2017.
3 notes
·
View notes
Payong
Ula-ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha-han~
Sinong 'di mapapasayaw sa ulan?
kung kasalo ka sa iisang payong,
bahala na kung maambunan
hindi ako nakisilong dahil ayaw mabasa
nais lang makalapit ng 'di nahahalata
upang masilayan ka ng palihim
laging tinataon na walang nakatingin
Sinisilip ang mga tala sa likod ng antepara
pasensya kung ikaw ma'y nailang
mabuti na lang at panahon ay nakisama
may dahilan para ika'y tabihan
hinihiling na ang ulan ay magtagal
at sana'y malayo pa'ng patutunguhan
handa naman akong magpagal
kahit hindi mo pa napupusuan
pero 'di na dapat pang mangamba
dahil wala naman akong balak manligaw
walang dapat na ipag-alala
'pagkat pagitan natin ay malinaw
alam kong wala namang pag-asa
kaya hindi na para subukan pa
sapat na ang sandaling natamasa
kaya ayos lang na sukuan ka
7 notes
·
View notes