Tumgik
Text
Rant
Dahil disappointed din ako, kailangan ko ng tumblr ngayon. 
Madaming nangyari sa school ngayon na nakakadisappoint at somewhat nakakasar. Una, class picture. Nabigla lang talaga ako nung napansin ko na may nag-ahit pa ng kilay, nag-make up, nagpa-straight ng buhok, nag-lipstick, nag-eyeliner at kung anu ano pa. Normal magpaganda kasi picture yun pero sanay kasi ako na nung HS, konting suklay tapos pulbo, solve na. Pero ngayong college, wow, as in wow talaga. Sobrang nanibago ako. Sumobra na naman ata ang pagpapaganda. Pano pa kaya kung ganyan din sa Pharmacy Night? Di ko na maimagine -_-
Pangalawa, leakage na naman. Zero kami sa second part ng quiz kasi may nangopya ng answer key sa ibang section, nilagay sa notebook tapos nakita ni mam. Dito talaga ako sobrang naasar. Mauubusan na ko ng boses kakamemorize kasi maingay ako magaral tapos magiging ganto lang. Puro pagiingay kasi at pagpapaganda ginagawa (sorry sa insulting words, nakakaasar lang talaga) tapos pag quiz, di naman nagaaral. Tapos biglang mangogopya at idadamay pa lahat ng blockmates nya na syempre zero na lahat. Di pa rin ba natututo? Pangatlong beses na ang leakage na to. Ang init na naman ng ulo panigurado satin ng mga profs.
1 note · View note
Text
No matter how hard I try, no matter how difficult it is to live without feeling this way, I just can't cure this emotional sickness. Please Lord God, help me, please. This whole thing is slowly swallowing me to pieces. I just don't want this. I never wanted this.
0 notes
Text
Not important enough
That moment when you truly make an effort to show how important your friends are to you, but they still seem to neglect whatsoever effort you are doing because you are not that important to them.
0 notes
Text
Ordinary day tomorrow. Intern na naman. Hay di ko feel na birthday ko na pala bukas. Hahaha. Awtsubels :/
0 notes
Text
Hindi ka ba napapagod? Selos dito, selos doon. Inggit dito, inggit doon. Minsan ayoko na magbukas ng kahit anong social networking sites kasi mas nararamdaman ko yung feeling ng mag-isa. Yung sila, masaya. Ako hindi. Kelan kaya mababago ang sitwasyon ko? Lagi na lang ba kong iiyak pag ganto? Hindi ba pwedeng maging masaya na ko ng tuluyan? Nakakaiyak naman oh. Kung bat kasi ganito ako e. Mas gusto mag-isa kasi hindi kumportable sa mga kasama kaya yun. Mag-isa na ng tuluyan.Hindi naman sa namimili ako ng kaibigan. Pero yung pakiramdam na oo may kasama ka, pero for the sake lang yun na may kasama ka. Ikaw magisa ka pa din. OP </3 Yan lagi pakiramdam ko pag kasama ko sila. Ayoko naman plastikin ang sarili ko at makibagay dahil lang sa gusto ko ng may kasama.  
Kung pwede lang talagang maging manhid e. Para wala ng maramdaman. Nakakapagtaka nga e. Halos isang taon na kong ganito na damang damang ko pa din yung sakit. Galing. Di pa din ako namamanhid hanggang ngayon. Pero sige, tuloy lang ang buhay. Umaasa pa din ako na magbabago ang sitwasyon ko. Andyan naman si Lord God. Sa lahat ng nangyayari sakin ngayon, alam kong magbabago yun kasi di naman ako hahayaan ni Lord God na maging malungkot ng ganto forevs e. Andyan lang Siya. Di Niya ko papabayaan. Hinding hindi. Kaya konting tiis lang. Pagsubok lang to. God is bigger than our problems
Kaya inhale, exhale and SMILE :) Kung walang tao na kayang mag-cheer up sayo, gawin mo yan para sa sarili mo. Kaya to :D
1 note · View note
Quote
I automatically assume people won’t like me, so I don’t talk to them unless they approach me first. I can’t become a part of a crowd because I can’t get past that feeling that I don’t belong.
Stephanie Kuehnert (via sylphism)
185K notes · View notes
Photo
Tumblr media
21K notes · View notes
Text
Credits sa gumawa nito :)
Iwawallpaper ko to sa cp ko tapos itong quote na to ang magiging motivation ko pag naiinggit ako at kapag lumalabas na naman ang feeling ng insecurity. Di ko kasi talaga maiwasan minsan e :( Gusto ko na ngang baguhin sarili ko pero hanggang ngayon di ko pa din magawa :( Basta kapag nararamdaman ko yung mga negative feelings, babasahin ko lang to at alam kong magiging okay din ako. Help me Lord God. Alam niyo po na ayoko ng ganto ako at gusto ko na din magbago. Alam ko pong di nyo ko papabayaan :)
Tumblr media
0 notes
Text
“Don't rely on someone else for your happiness and self worth. Only you can be responsible for that. If you can't love and respect yourself - no one else will be able to make that happen. Accept who you are - completely; the good and the bad - and make changes as YOU see fit - not because you think someone else wants you to be different.” :((
Gano kasaklap yung buhay ko na ginoggle ko pa kung pano ko mapapasaya ang sarili ko. Haha. Hay laslas na <//3 Masyado kasi akong nagdepende sa ibang tao. Sa kanya. Kaya kapag mag-isa ako, di ko na alam kung pano sumaya. Truelabels :( Hayy ganito pala to kasaklap. Kung alam ko lang, edi sana nung una pa lang, alam ko na gagawin ko. Hindi na ako masyadong dumepende. Edi sana sa simpleng panonood ng movies at tv ngayon, masaya na ko. Pero wala e, walang epek :( Hayyyy shunga mo zhena. Itutulog ko na lang to. Palagi naman <///
K. Naglabas lang ng saloobin. Hahaha :(
0 notes
Text
Mamimiss ko din naman yung apat na taong nakasama ko sa buong first sem. Sina Tine, Celes, Monique at Joy :( Tsaka sina Mikka, Ariane, Geneece pati na din si Ada. Hayyy. Lord God. KInakabahan na po ako sa section ko. Magkaron lang po talaga ako ng new friends, sobrang happiness na. Ginusto ko din naman na makaalis sa block ko pero parang nagsisisi na din ako. Di ko naman talaga sinadyang magpalate para makaalis e. Sadyang ang dami lang nangyari kaya nagkaganito. Hayy. Pero kaya ko to. Push :) Andito lang naman kayo para sakin e. Nakapagtiis na nga ako ng isang sem, susuko pa ba ako? Andito na e. Basta di na ko iiyak. Kakayanin ko to. Lalakas ko loob ko. Bagong buhay sa second sem :)
0 notes
Text
Mukha na kong bruha pag naiyak kaya di na ko ulit iiyak sa public. HAHAHA. Ang pangit ko, asar. Hahaha
0 notes
Text
Sorry? Kung gusto mo talaga akong makita, gagawa ka ng paraan. 
0 notes
Text
Usapang enrollment at grades
Ayun, enrollment namin nung 25. Nakaschedule talaga yung section namin na 11-12 pm at dahil sobrang tamad na tamad akong lumuwas, nakarating kami sa school ng mga 12. Kinakabahan na nga ako nun kasi feeling ko mapapahiwalay na ko sa block ko kasi nagpapaencode na sila ng grades e ako kukunin ko pa lang. Ayun, pagkarating kong school, kamalas malasan naman, lunch time pa. Edi magreresume pa ng mga 1 pm. Nung nag-1 pm na, pumasok na ko sa loob nung kuhanan ng grades. Ang tagal pa talaga dun kasi inuna nila yung section na naka-assign sa time na yun. Sobrang nanlulumo na ko kasi wala na e. Magisa na talaga ako. Wala akong kakilala sa loob ng room. Kasalanan ko din naman. Palate late e. Akala ko worse na yun, pero may mas worse pang nangyari. Pagkareceive ko ng grades ko, hindi ko na natingnan ng maayos kasi kukunin ko pa yung dalawang grades na wala. Tindi ng profs e. Tatakbo na ko sa Selams kasi sabi ng classmates ko, dun daw kukunin. Habang natakbo, nadapa pa ko! Grabe, as in buong katawan ata yun e :( Tuloy tuloy lang ako kasi nagmamadali na ko. Baka umabat pa ko sa block ko. Nung pagkapuntang Selams, di daw nagrerelease ng grades dun, dapat daw sa department o_O Edi balik ako ng SOP. Narelease naman yung grades ko sa Socarts pero yung sa Comp, wala talaga. Dun na ko kinabahan kasi nung pinakita sa monitor, as in 00.00 yung nakalagay. Nafrufrustrate na din ako kasi nagsisigawan na sila dun kasi naencode na yung COM, may sched na sila at section. Wala ako choice, pumunta akong computer department, sa ISC. Nung inapproach ko, wala daw talagang grade na nakalagay sa class record. NFE daw ako. No final examination :(( Nangingilid na luha ko nun kasi first time akong nagkaproblema sa grades e. Simula high school, di naman ako nawawalan ng grades o nagiging incomplete. Ayun, para may proof na may final exam ako, bumaba ako ulit tapos bumalik sa SOP para kuning yung examination permit kasi yung bag ko nasa kaklase ko. Habang pababa ng stairs, umiyak na talaga ako. Kasama ko si ate. Ewan ko, ang hina hina ko talaga. Iyakin e :( Pagkabalik ko dun sa ISC, nilagyan ng grades yung comp ko pero prelims, midterms at CP lang sa finals yung nakalagay. Makakapagenroll naman daw ako kasi pasado naman grades ko kahit masingko ako sa final exam. Dun ko natingnan ng maayos yung grades ko. Pero di pa talaga ako sobrang natuwa nun kasi yung kulang na grade pa yung iniisip ko. So ayun, balik ulit SOP para magpaencode na, at kamalas malasan namang tunay, ang bagal daw ng server kaya di sila makapagencode. Pinapabalik na lang kami bukas. Naghintay pa din kami ni ate kasi ang laki ng dala naming pera, pang-tuition e. Hassle kung babalik pa bukas. Kaso wala e, di din natapos. Kailangan namin talagang bumalik. Nung time na yun, talagang nag-promise na ko sa sarili ko na next year, lilipat na talaga ako ng school. Ayoko na dito. Lalo na yung nangyari sa enrollment ko. Naghintay sa wala tapos nawalan ng final exam na kailangan ko pa atang i-retake. Hay
Pagkauwing apartment, sobrang devastated na thankful ako kay Lord God. Devastated kasi bat nagkaganito. Nagkaproblema pa yung enrollment ko. Parang nabaliwala yung lahat ng grades ko kasi wala akong average. Kulang ng grades. At the same time, thankful ako kasi nagkatotoo yung sinabi ko sa twitter dati na aalisin ko lahat ng dos ko. Naalis nga :))) Sobrang unexpected. Naka-1.75 pa ko sa Bio at Chem tapos 1.50 sa Pharm. Sobrang nakakatuwa. Pero sayang pa din yung grade ko sa comp. Nakakapanghinayang :( Siguro may plano si Lord God kung bakit nangyari to. Wish ko na lang na sana makapag-adjust ako sa bagong section ko. Napahiwalay na ko sa block ko e. Magisa na ulit ako :( Sana maging okay naman next sem. Alam kong tutulungan ako ni Lord God :)
0 notes
Photo
Tumblr media
126K notes · View notes
Text
College?
Ayun:
Wala pang grades. Napagiwanan na ng panahon
Hindi nagaannounce ng mga kailangan sa enrollment
Walang matinong election para sa student council
Laging nagsisiksikan. Dami daming students, liit liit naman ng facilities
Di gaanong masaya sa block section :(
Hindi agad nagsususpend pag may bagyo
Laging late ang profs kaya late din estudyante
Walang activities. As in wala.
Di man lang namin nakilala adviser namin. Pati nga surname di ko na matandaan. Nice.
Di man lang kasama sa NCAA. Saklap forevs
Daig pa enrollment sa haba ng pila para sa libro. Pipila ka ng more than 3 hrs. Lampas pa.
Kelan ko kaya mamahalin ang school ko? Hayyyyy
2 notes · View notes
Text
I wish I had the power to ignore you the way you ignore me
1 note · View note
Text
Isang sem pa Zhena. Isang sem pa ng pagtitiis. 5 months lang yan. Kaya yan. Push pa :)
0 notes