Tumgik
Text
Para Kanino?
Tumblr media Tumblr media
Makabuluhan ang pelikula, at ang kaniyang sanaysay ay nasa boses ni JunJun, isang bata. At ang daloy ng pangyayari ay apektado sa pananaw niya sa kaniyang paligid. Ang akda mismo, ay salamin sa kaniyang pagkakaintindi sa patuloy ng pagpapaalis ng kaniyang pamilya sa kanilang lugar. Mahalaga siya, at makilala natin ang suliranin sa pananaw ng mga kabataan.
Sa pagsuri ng isang akda, hindi lang natin tignan ang kalagayan ng lipunan sa loob, kundi rin paano ang pelikula mismo ay isang salamin sa lipunan. Bagkus ang Taya (2013) ay naglalarawan sa isang malaking suliraning panlipunan, hindi binigyang pagkakataon panoorin ng sentro ng kanilang naratibo. Ano ang ibig sabihin nito?
Ang pelikula ay ukol sa kabataang maralita, ngunit hindi ito ipinakita sa mga paaralan, o sa cinema. Habang ito nga ay mapapanood nang libre sa YouTube, dapat intindihin na sa ating bansa, ang pagkaroon ng Internet ay nananatiling pribelehiyo lamang. Sa halip, ipinakita ito sa mga international film festivals; sa Cinemalaya Film Festival sa Cultural Center of the Philippines.
Kaya sa panonood ng Taya (2013), ang tanong ko: Para nga kanino ba ito? Para kaninong tao ang mga wika ni JunJun?
Napatunay nga ng Taya (2013), na hindi lang sa tirahan ang kawalan ng pagkakapantay-pantay ng mga mahihirap, kundi sa pagpapahayag ng kanilang naratibo. Na tila sa panawagan na huwag gibain ang kanilang tahanan, sila mismo ay walang nakakapansin sa kanilang paghihirap.
Tumblr media
1 note · View note
Text
Ukol Saan?
“Bangsak ‘yung tawag. Bang, kasi, tunog ng baril. Tapos ‘yung sak, shortcut sa saksak. Tapos, magtataya tayo. Kung sino ‘yung taya, magbibilang ng twenty. Para bang tagu-taguan lang.”
Ito ay wika ng isang tauhan sa pagpaliwanag kung paano nilalaro ang ‘Bangsak’. Habang pinapaliwanag ng bata, pinagtagpi sa pagitan ang isang eksena ng karahasan. Pagtignan natin, nais ipakita ng pelikula kung paano nilalaan ng bata ang kanilang karanasan sa paglalaro.
Ito ang nagiging pangunahing suliranin ng kuwento: Pinapaalis sila sa kanilang lugar, wala silang matawagan na laro. Gabi-gabi, ay nagkakaroon ng barilan. Saksakan. Patayan. Ngunit, bata nga sila; at hindi nila ito kayang intindihin ng buo. Sa ganito, nilalaan sa laro katulad ng ‘Bangsak’.
Tumblr media Tumblr media
Ayon kay Ingellis (2021), ang paglalaro ay isang karaniwang paraan kung paano magproceso ang isang bata ng mga mabigat na pangyayari (2). Sumasang-ayon ang NASP Online dito (1), ang paglalaro ay nagbibigay ng kapangyarihan sa isang bata sa mga pangyayaring hindi nila naiintindihan.
Sa kabuuan, naglalarawan ng pelikula ang nagbubunga sa paglubog sa kahirapan at karahasan. Gamit ang paglalaro bilang estetika, nais ipakita ang pagiging “desensitized” ng ating henerasyon.
[Babala sa video: Nagpapakita ng pagbabaril at pananaksak.]
Mga Sanggunian:
(1) “How Children Cope with Ongoing Threat and Trauma.” National Association of School Psychologists (NASP). Accessed September 20, 2021. https://www.nasponline.org/resources-and-publications/resources-and-podcasts/school-climate-safety-and-crisis/mental-health-resources/trauma/how-children-cope-with-ongoing-threat-and-trauma.
(2) “Play: A Child's Natural Mechanism for Coping.” Community Playthings. Accessed September 20, 2021. https://www.communityplaythings.com/resources/articles/2021/Coping-in-Difficult-Times.
0 notes
Text
Taya (2013) dir. Adi Bontuyan
“Ngayon din namin nalaman na meron palang problema sa lugar namin. Sa lupa daw. ‘Di ako siguro ah, pero sabi ng mga matatatanda, papaalisin kami dito.” wika ni JunJun, ang pangunahing tauhan at boses sa pelikulang Taya (2013).
Tumblr media
Taya (2013), ang undergraduate thesis nina Adi Bontuyan at Francis Beltejar, ay isang maikling pelikula ukol sa karanasan ni JunJun, isang nagsasalamin sa paghihirap ng mararaming bata ngayon. Sa akda, sumasama siya sa mga kabata niyang kapitbahay, at naglalaro ng mga katulad ng ‘patintero’, ‘Langit-Lupa’, atbp. Sa paligid naman, ang kanilang urban community na humaharap sa banta ng paglalayas.
Isa sa mga suliranin bunga ng kahirapan sa Pilipinas ang kawalan ng tahanan at lupa – libulibong pamilya na itinaguriang mga ‘informal settlers’. Sila ay mga naghaharap ng banta ng paglalayas mula sa mga korporasyon; sa ating lipunan, kulang ang pagtingin sa kanila bilang tao katulad natin. Sa ganito, ay malala ang hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan. Sa pagpanood ko sa akda, isa sa napansin ko ang paglalaro ng bata bilang salamin sa kanilang karanasan sa krimen at karahasan.
Ayon nga kay Mojares sa ‘The History in the Text’, ang estetika sa panitikan ay paraan ng pagpapaliwanag sa kalagayan ng lipunan noong ibinuo ang akda. Sa gayon, ituring natin na ang mga desisyong estetika sa loob ng panitikan ay isinadya.
Pero habang ang biswal na estetika ng ‘Taya’ ay nais ipakita kung gaanong namamanhid ang kabataan sa suliraning panlipunan – hindi ito pinapalabas sa mga mahihirap, kundi sa mga film festivals sa bansa katulad ng Estados Unidos, ang UK, at ang Japan. Ano ang masasabi natin dito? Tunggali sa ninanais ng akda, nakikita na ang pagtangkilik ng sining para makaangat sa paraan ng pagiisip, ay makakamit lamang ng may kaya.
Sa aking pagsuri sa pelikula, nais ko isagot ang mga tanong:
1) Ano ang pangunahing suliranin sa pelikula, at paano ito nasasalamin sa paglaro ng mga bata?
2) Anong dahilan sa paggamit ng paglalaro bilang pangunahing estetika ng akda?
3) Paano ang pagsulat ng akda sa pananaw ng isang bata, ang naging salamin sa mensaheng nais iparating?
4) Paano ipinalabas ang pelikula? Anong masasabi sa kanilang audience?
0 notes