Tumgik
fluffyshitpoo · 2 years
Text
Two years ago, I lost my job due to the pandemic.
A few weeks later, the rest of my family lost their job too.
Everything was sh*tty as fxck. Still is.
Two years. I've been supporting the whole family with what I saved. (Thank you to my previous company who gave more than what is mandated by our government to laid off employees. Yeah, we survived with that. Hihi)
Two years. I wasn't well... mentally. Depressed. Constantly angry. Disappointed at myself. Disappointed at every fxcking thing. And no one even noticed.
Two years. Of constantly sending job applications while I attend seminars which may help land a job again. Even got a scholarship from a government agency.
Somewhere in that two years. I just got tired. I stopped. No more sending job applications. Even abandoned that scholarship I got.
Somewhere in that two years. I thought of y'know. Just wanted everything to end.
Today, I picked myself up.
Tomorrow...
I start anew.
Moving to a new place near the beach.
Starting a new freelancing job.
So self, CONGRATU-FXCKING-LATIONS!
I survived my own pandemic.
(Oh! My sister got her dream job too! She'll be a crew on a cruise ship!)
4 notes · View notes
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Mama just resigned.
20 years of teaching.
Imagine pumapasok siya kahit lockdown. Nilalakad niya ilang kilometers para makarating sa main road para may masakyang jeep.
Tapos sahod niya after almost 2 decades, nasa 20k lang. 😡 Ngayon babawasan daw ng 20% (that's almost 5k na bawas).
Ayokong magresign si mama. Pero kung ganyan rin lang, siguro tama na yung desisyon niyang magresign.
Di na worth it yung effort na binibigay niya sa work.
Tas ngayon worried siya dun sa mga students niya. Yung mga wala or mahina ang internet comnection, mga wala namang gadgets for learning. Pano daw yung pinili yung modules, mga magulang na no read no write.. Di na niya matutulungan.
Maalala ko nung kinausap na akong malalayoff ako. Una kong inisip yung work na maiiwan ko. Ganyan na ganyan si mama. Namana ko siguro sa kanya. Hahahhahhaha
Anyway. Punyetang pandemic to.
0 notes
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Mama wants to quit teaching. 😢
Ang aga umalis ni mama. Wala pa daw masakyan kaya nilakad niya. Ang layo kaya non.
Then around 7 or 8 am, nasabihan kaming lockdown ang baranggay. Inisip ko paano makakauwi si mama. Paakyat pa naman sa amin. Sabi niya lalakarin na lang niya ulit.
Bandang hapon, nagmessage si papa. Balak na magresign ni mama.
5:30pm na di pa nakakauwi si mama. No replies sa chat and text messages ko. Lakas pa ng ulan. Nakakapunyeta malockdown tas wala man lang service yung school na maghahatid sa kanya. Iniisip ko baka may nangyari. Ewan. Last time kasi nagka heart burn siya, di niya pa sinabi.
Nung pag dating niya ng bahay, grabe umiiyak na siya. Gusto niya na magresign. Hindi niya na kasi kaya. Lalo na ngayon kailangan ma-alam siya gumamit ng computer - especially yung Microsoft office apps and other electronic stuff na gagamitin sa pagtuturo. Tapos wala pang consideration tong school. Ilang linggo ng sunudsunod kaming nalockdown, nagwork from home naman si mother dahil phro training at orientation nga sila sa blended learning na yan. Tapos sasabihin pa dapat absemt siya kasi di siya physically present sa school. Ano magagawa niya eh lockdown nga, walang transpo. Hays. Dumiretso siyang kwarto. Alam ko umiiyak pa rin siya.
Hirap siya actually. Tumatanda na eh. Kaya ko naman siya turuan at samahan pag dating dun. Tutulungan ko siya hangga't wala pa akong nahahanap na trabaho.
Ayoko magresign siya. Let me be selfish, ngayon lang. Hindi sa hindi ako naawa sa nanay ko. Walang bubuhay sa amin pag pati siya eh wala ng work.
Kung hindi lang ako nawalan ng trabaho, this year pagreretire-in ko na siya. Kaso wala na akong work. Di natuloy employment ng kapatid ko. Si papa nastuck sa ibang province, lugi din pinapasukan niya. Di lang siya makauwi.
Nakakapunyeta tong sitwasyon namin. Madalas di ko na alam gagawin ko.
Nakakainis tong Covid-19 na to. Putangina.
Tangina. Tangina. Tangina pa rin.
0 notes
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Tumblr media
Today's event. 😂 Reservoir Raid.
Di ko mapigilan eeehhhh hahhahhahhaha
0 notes
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media
Started planting vegetable seeds. Nakikisurvival gardening din. 😂 Kahapon lang yung unang pic, then ngayong araw naman yung isa.
Natatawa ako kasi nagtanim ako ng anim na seeds (beans) sa isang maliit na pot. Di ko inakalang sobrang laki pag nagsprout. Tapos ang bilis lumaki. 🤣 Ngayon lang kasi ako nagtanim sa pots. Hahhaha sa probinsya kasi, ihagis mo lang sa lupa eh. 😂😂😂
Hayop lang talaga yung pusa ng kapitbahay na tinapak tapakan mga itinanim ko. 😤 Yung beans na lang talaga palaban. 🤣
0 notes
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media
Nakakatikim ako ng chocolate cake. Dahil malayo ako sa sibilisasyon, gumawa ako ng chocolate mug cake.
Medyo malaki yung mug ko. Tapos feeling ko ang konti nung cake na magagawa. So dinoble ko measurements. Aba naman, muntik nang umapaw. Parang pagmamahal ko sa kanya. 🤣
First time ko magbake. Easy at de-microwave pa. 😅😂😂 Masarap naman. Follow lang yung recipe. Di ko lang inasahan na magririse. Haha Kalahati lang ng mug yung laman before imicrowave eh.
0 notes
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Tumblr media
The joy of having your first sweldo. 😊 Mas excited pa kapatid ko pati mga tita ko nun. 🤣
Right after board exam, nag apply apply agad ako. Few weeks later interview na, medical at yun... Birthday ko nung 2016, nagsimula ako sa una kong trabaho.
Ito na ang kasinungalingang napatunayan ko. Hindi malaki ang sahod ng engineer. 😅🤣 Pwera na lang siguro dun sa mga nasa big time companies, yung mga grumaduate ng may latin honors.
I was earning around 13k. May tax pa yan noon. Bawas din mga benefits. Malinis kong nakukuha eh around 11k per month. Minus renta ko pa sa Tarlac. Pero masaya na ako niyan.
Kapag umuuwi akong Baguio, sa bahay din ako naggrogrocery. Napakahampas lupa ko ne. 🤣
Hindi ganun kalaki ang sweldo. Wala akong mabigay na malaking halaga sa magulang ko. Naappreciate ko nang sobra sobra yung pag bubudget ko. Naappreciate ko trabaho ko.
Yung kompanyang maliit ang sweldo, ang daming aral at skills na pabaon sa akin. I went from earning around 13k a month to earning x4 of that nung lumipat ako. 😊
Kaya di ko makakalimutan yung saya ng una kong sweldo. (Kahit pa ngayon, wala ng sweldo hahaha ampots.)
0 notes
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Tumblr media
BlackPink 🤣
1 note · View note
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media
Flower of an insulin plant.
0 notes
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media
Went back to get my personal stuffs. Was surprised nung pinauwi pati smocks and office supplies. 😂
Ayoko talaga bumalik kaso may gamit pa ako. Parang ayoko magpakita. Mahigpit akong niyakap ng mga ateng. Nakipag kamayan ang mga kuya. Ako lang daw yung nawalan ng work pero nakangiti pa rin. 😂
Pinipigilan ko luha ko kanina. Pero nung nasa admin ako, nung bago ako umuwi... Napapaluha na lang ako. Sino ba naman ang may gusto nung mga nangyari? Paulit ulit sinabi sa akin.
One thing na talagang nagpatulo ng luha ko. Yung sinabihan nila akoong lahat na: "Sobrang ganda ng performance mo. I admire your professionalism. Yan yung hinahanap namin sa isang empleyado. Kapag maghihire ulit, I'll make sure na ikaw nasa una ng list." Nanggaling mismo sa manager, sa HR, sa mentors ko.
Naiyak na ako. Alam nila lahat. Naappreciate pala nila work ethics ko. 😭😭😭
Di ko talaga makalimutan. Binabasahan na ako ng severation contract. Then tinanong ako if may concern or gusto ako ipaclarify (dun sa benefits na matatanggap ko)... Pero yung nasabi ko lang ay yung projects na maiiwan ko, kailangan ko iendorse nang maayos. Mawawalan na ako ng work, pero work at company pa rin inisip ko hanggang sa huli.
Mga kuya ko sa office, at sa shop, todo encourage sa akin. For sure, babalik talaga ako. Ramdam ko rin naiiyak na si kuya Perc, yung kabuddy at mentor ko. Di na ako nakapagpicture sa iba, naiiyak lang kami eh.
Nakakadismaya ang nangyari. Nakakagalit. Pero di yan yung feeling kanina nung nagpapaalam ako sa kanila. In the end, puro thank you lang ang nasabi ko.
Babalik at babalik ako. (Dudurugin natin sila. Joke hahhaha)
Because Moog is indeed a great place to work!
0 notes
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Tumblr media
Ito na. May pumunta na mismo dito sa bahay para iclaim yung laptop at ibang items ng company. 😭 Officially unemployed.
Tapos minessage ko ang HR kung kelan naman ako pupwedeng pumunta ng company para kunin yung naiwang personal kong gamit.
Binabasa ko nang paulit ulit yung severance package. Mabubuhay pa naman ako hanggang matapos ang taon na to sa bigay nila. More than what is required pa nga ng DOLE. At least at ease ako kahit papaano na may kasama si mama na magbabayad ng bills at makakatulong pa rin sa bilihin.
Pero ewan. Ang pangit ng feeling ng na-layoff.
Nakakagalit tong virus na to. Natritrigger yung galit ko sa mga intsik. Ayoko namang maging racist. Sana lang kasi walang ganitong nangyari. Ewan. Mas nangingibabaw tuloy ngayon yung galit ko.
Ewan talaga. Lalo kong inisip kung pano kami ngayon. Buti na lang kumakain pa kami ng tatlong beses sa isang araw.
1 note · View note
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Tumblr media
I really hate doing the hair. And eyebrows. 🤣
I need to learn to use the other types of brushes. And start coloring.
3 notes · View notes
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Tumblr media
I suddenly had more time. Well, that considering I just lost my job. (F* you, Covid-19). Need more practice. 🙂
I had some... unpleasant thoughts recently. Iniisip ko lang naman. Di ko gagawin. Kaya ito. Hanap ng ibang pagkakaabalahan. Para imbes na bwisit ka sa sitwasyon ngayon, mas mabwibwisit ka kapag mali mali ginagawa mo. 🤣 Lalo na sa buhok at kilay part.
1 note · View note
fluffyshitpoo · 4 years
Text
Tumblr media
May 29, 2020
Around 9:30am, biglang nag-invite para sa meeting ng team. Earlier than nung na-set na schedule. It was not the standard meeting. Kamustahan lang. Nasabihan na to prepare our selves sa mga susunod na mangyayari. Round the table. Say what you want to say. Pero wala ako masabi. Nauna iyak ko. Ineexpect ko na eh.
Around 10:15am, nagmessage sa akin yung manager namin. Important matter. Alam ko na. Di naman nagmemessage sa amin yun. Naiyak na talaga ako.
Through Skype call kasama ang PRD (HR). Grabe iyak ko, wala pa sinasabi. "Are you ok?" Besh, umiiyak ako, malamang di ok. Then inexplain sa akin yung situation at bakit kinakailangan. Kasama ako sa malalay off na employee. Last in, first out basis. Naiintindihan ko at ineexpect ko naman kako. One year and 3 months pa lang ako. Malas nga naman. 😔
That same time, sinabi ko agad sa family ko. May ilang kaibigan din na nakakaalam. 😭
Inexplain sa akin yung termination contract. Mga matatanggap ko. Effective ng araw na yun mismo. Naka work from home pa ako. May personal na gamit pa ako sa office. Natatawa talaga ako kasi ito na, wala na akong trabaho. Pero inisip ko yung activities and action items na naka assign sa akin. Pano ko ieendorse? 🤣 Earned praise tuloy mula kay manager. Second job ko ito. Gaya sa nauna kong work, ayoko ng iniiwan yung trabaho ko na ganun na lang. Gusto ko maayos pa rin.
So ayun. Inayos ko lahat ng files ko, mga kailangan gawin. Nagpaalam at nagpasalamat sa team. Got some personal messages from them. Somehow, nakagaan ng loob.
3pm. Tapos.
___________
Ang sakit mawalan ng trabaho dahil sa impact ng Covid-19 sa aircraft industry. ☹️ For the past few months, nakadepend ang pamilya ko sa akin — ako lang may trabaho. Ngayon, nawala pa. 😔 Job security. Yan inaassure sa akin nung una dahil sa mga projects namin. Sa kasaamaang palad, Last In First Out. (May work naman na si mother this June, kaso magtatanggal na rin ng employees ang school. What more if kaunti talaga ang students na mag eenroll ngayon.)
Mabigat at masakit sa kalooban. Still grateful. Di naman sila nagkulang.
Compensation and benefits wise - masayang masaya ako.
Magandang working environment - matiyaga sa pagturo at pagguide sa akin ng mga katrabaho ko, para ko silang magulang (them being same age as my parents haha).
Di rin sila nagkulang sa panahon ng pandemya - WFH schedule, care packs during Enhanced Community Quarantine, provided ang shuttle service, masks, alcohol, etc.
Grabe lang talaga impact ng pandemic sa aircraft and commercial airline industry.
Minalas lang talaga. Sabi nga sa nabasa ko... 2020 is a leap year. That leap right into some bullshit.
Tough times, tough shit. I'm built for this. 💪
Maraming maraming salamat sa pamilya at mga kaibigang nagcocomfort sa akin.
May 30, 2020.
Nagising ako ng 4:30 am. Walang alarm clock na gumising. Inisip ko, ganitong oras naliligo na ako, nagpreprepare pumunta ng work; 5:30am, lakad na papuntang pick up point ng shuttle. 6:20am, nasa work na, ako pinakamaaga.
Pero sa isip ko na lang yan.
Gumising lang ako.
Nalungkot. Naglaba. At natulog muli. 🤣🤣🤣
Nya ngay garod. 😔😔😔
5 notes · View notes
fluffyshitpoo · 6 years
Text
Tumblr media
Tatay, one month mo na sa heaven bukas. 😭 Di pa rin ako sanay nang wala ka. Wala ng sumasalubong sa akin kapag umuuwi ako. Wala na akong kasamang natutulog dito sa sofa. Yung kapag bumabyahe, may bakanteng seat. 😭
Plano ko pang magbakasyon tayo ngayong October. 😢 Di man lang kita naipasyal dito sa Pilipinas. Reregaluhan pa kita ng wine sa birthday mo.
Nagresign ako para makasama ko kayo ni nanay. Sana pala noon pa ako umalis sa trabaho ko, kung alam ko lang. Ang lakas lakas mo pa naman kasi nung umuwi ako. Iniwan mo naman kami kaagad, wala man lang huling habilin o paalam. Sana sinabi mo na may nararamdaman kang sakit. Sana hindi mo inisip yung gastos. 😢 Sana...
Di ko tanggap. Pero thank you Lord at di mo pinatagal paghihirap niya. Ikaw na bahala sa kanya Lord. 😊 Painumin mo siya ng iba't ibang klaseng wine. Tapos taya kayo lagi sa lotto kung meron man jan. Haha Yung favorite niyang papaitan at dinakdakan kahit araw-arawin niya pa. Tapos manuod kayo lagi ng pelikula ni FPJ. Wag yung Coco Martin na yan... mahigblood lang yan sa kanya eh. 😂
Dami ko pa gusto sabihin. Tay, sana masaya ka jan. Lagi mo kami gabayan, lalo na si Nanay. Wag ka mag-alala, di namin siya papayagang magboypren. 😂
Ikaw na bahala kay Tatay, G!
3 notes · View notes