Tumgik
Text
Ang Aking Paglalakbay
Ako ay galing sa isang pamilyang puno ng pagmamahal simple lang ang aming buhay pero masaya at kumpleto. Ako ay na ngangarap na makapagtapos sa aking pag aaral ako ay naka pagtapos na ng elementarya, at aking ipinagpatuluy sa tulong ng aking magulang nakarating na ako sa mataas na baitang hindi. Man madali ang aking mga pinagdaanan na dumating na ako sa puntong susuko  na. Ngunit aking tinapangan at linakasan ang aking loob upang matupad ko ang aking pangarap na makapagtapos ng pag aaral, ngayon isang taon nalang at akoy makapagtatapos na sa mataas na antas. Bilang isang taong may pangarap isang malaking bagay ang makapagtapos ng pag aaral, Ako ay isang galing lamang sa simpling pamilya kaya gusto kong makapagtapos upang maging maginhawa ang aming pamilya ng sa ganun pag akoy mayroon ng magandang trabaho aking mapapag aral ang aking mga kapatid. Kaya ngayon aking sinisikap akoy nagagalak na nakatungtung ako sa lebel na ito kundi dahil sa aking pamilya na nag papalakas ng aking loob akoy sumuko na at 'di makapagtatapos.
Tumblr media
1 note · View note
Text
Tumblr media
Ito ang pagkaing palaging niluluto samin ni papa dahil ayaw niyang nararanasan namin ang walang makaing masarap. Dahil si papa nung bata pa bibihira makatikim ng masarap na pagkain ni hotdog di nakaka tikim si papa dahil sa sobrang hirap ng buhay nila noon.
Kaya ngayon ayaw niyang nararansan namin ang naranasan niya noong bata pa siya na hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw sobrang mahal na mahal niya kami kaya ginagawa niya ang lahat wag lang namin maramdaman ang pagiging mahirap.
1 note · View note
Text
Pa-aralan ko Tulong ko
Ito ang pa-aralan nang SLMS-B na kung saan maraming studyanteng nag aaral, ito rin ay isa sa mga pribadong pa-aralan dito sa bulan at ito ay katolikong pa-aralan maraming bawal, maraming kailangang sunding patakaran ito ay pinamamahalaan ng mga madre isa itong sikat na pa-aralan ngunit mayroon itong mga suliranin. Ako bilang isang studyante at mag aaral dito sa SLMS-B ang aking nakikitang problema dito ay isa na ang Canteen. May mga paninda naman Oo ngunit karamihan sa mga studyante ay na mamahalan sa mga binibigay na presyo ng canteen kung sa labas ng pa-aralan ang presyo ng mga paninda nila ay tumo-tubo ng dalawa hanggang tatlong piso. Ayon sa aking nakalap sobra naman daw po ang presyo sa canteen at yung mga pagkaing kanilang niluluto at tinitinda ay kadalasan ay hindi luto halimbawa na lamang ang Hotdog ang hotdog may kechup ngunit palaging hindi luto dahil ako rin ay nakaka bili ng hindi pa luto sa labas ma init ngunit pag sa loob malamig pa. At yung Footlong kung titingnan mo napakali pero pag kinain mo napakaliit ng hotdog nito sa loob karamihan ay nag rereklamo kadi pribadong pa aralan daw tapos ang tipid pag dating sa pagkain eh bibilhin din lang din naman po so bakit kailangan pa daw po nilang tipirin lahat at patungan ng malaki ang mga paninda nila. At yung mga niluluto nilang palaging hindi luto bat daw hindi nalang ayusin ang pag luto nang sa ganun wala ng mag reklamo at pumresyo sa tama  dahil kung patuloy na hindi naluluto ng ma igi ang kanilang tinitinda mag kakasakit din naman po kaming mga studyante. Ako bilang isang studyante gagawan ko po ito ng paraan ng saganun ay wala ng problema sa canteen, aking gagawin ay kakausapin ang na mamahala ng canteen na aking sasabihin lahat ng suliranin at kung bakit may mga bumibili sa labas. Dahilan sa ayaw nila ng tinda niyu po na aming hini hiling po ayusin napo ang pamamalakad dahil kung patuloy nalang po ganyan ang palakad at pag luto ng pagkain marami pong mag kakasakit kasi diba dapat skwelahan po dapat diba ligtas kaming mga studyante pero para dito pa kami mag kakasakit. Hihingi po ako ng pahintulot sa punong guro na ayusin po ang pamamalakad ng canteen ng saganun lahat po ligtas at wala napong problema at wala napong bibili sa labas at yung tinitinda po sa canteen aming pong hinihiling na babaan po ang presyo at kung ano po ang gusto ng mga studyante kainin at bilhin yun nalang po ang lutuin at sapat na pagkain sa lahat ng mag aaral upang hindi kumulang. Yan po ang aking sulosyon upang malutasan ang suliranin sa canteen ngunit bilang isa lamang pong studyante hindi po ito agad agad ma ipatutupad ngunit aking gagawin ang lahat at abot ng aking makakaya upang mapabuti ang lahat, Mag aral ng mabuti upang buhay ay bumuti.
1 note · View note
Text
Tumblr media
Pinaka ayaw ko😲
0 notes
Text
Nakalimutan kong Kalimutan Ka
Gusto kong kalimutan ka dahil sa tuwing gumagalaw o umiikot ka pa bilis ng pabilis matapos ang mga araw at oras na masaya ako yung oras na masaya ako na kakalimutan ko ang mga problema. Lahat naman tayo may problema pero ako yung taong ayaw mag karoon nang problema gusto ko yung puro lang saya ang nararamdaman ko dahil sa problema bigat lang lagi ang dala problemang hindi mo agad  masusulusyonan. Pero yung sayang dumarating sa buhay ko panandalian lang dahil sa tuwing umiikot ang relong ito paunti ng paunti at pabilis ng pabilis ma tapos ang sayang nararamdaman ko gusto na kitang kalimutan ayuko nang iniisip pa na may orasan tayo sa mundong ito. Pero bakit hindi ko magawang kalimutan itong bagay nato kahit anong pilit ko patuluy paring tumatakbo sa utak ko na ang oras pag pa tuluy na umiikot  tuluyan nang matatapos ang sayang na raramdaman ko. Sana wala nalang relong na imbento o orasang na imbento para hindi kuna malaman at maramdaman na patapos na ang saya babalik na sa oras na malungkot ako at maraming inisip na problema na hindi ko alam kung panu ko ma susulusyonan. Para sa akin ang relong ito iyan ay sagabal kasi ayukong isiping may oras ang pagiging masaya na papunta na ang ikot ng relo sa kung saan magiging malungkot ako. Siguro nga ganun yung mundo na hindi sa lahat ng oras at panahon ay magiging masaya ako may mga oras talaga sigurong dumarating ang madaming problema na hindi muna alam kung paano ma tatapos ang problema sa buhay mo. Sana lahat nang bagay may paraan pa para makalimutan na ng tuluyan dahil kahit anong pilit at sikap kong kalimutan ang bagay nato minuminuto paring tumatakbo sa utak ko patuluy na na aalala ang pag ikot mo kahit na ayaw kong ina alala ka.
Tumblr media
0 notes
Text
Bubuyog
Tumblr media
"Biruin mo na ang Lasing wag lang ang bagong Gising"
Sabi nila masungit at nakakatakot daw ako,mukha daw akong agresibong tao. Yung tipo na konteng hawak lang kunting dampi lang sakin para na akong Bubuyog na handa nang sumugod at manusok sa taong ng iinis sakin. Mabait naman ako wag niyo lamang akong gambalain. Hindi naman ako na ngangain ng tao at hindi naman kita sasaktan kung hindi kayo na ngingialam sa sarili kong teretoryo. Mabuting tao ako, kumpara sa mga ina akala niyu ayaw ko lang talaga ng plastik na tao at chinichismis ako sa ibang tao bat di mo ako kilalanin ng malaman mo kung ano talaga ang ugali at buong pagkatao ko. Mabilis akong mainis OO pero ako ang tao na kahit may problema na gagawa paring tumawa at makapag pasaya, prangka akong tao sa totoong nakikita ko sa maling ginagawa mo at kahit hindi man ako Katalinuhan, kagandahan, at kaputian may angking talinto naman akong hindi niyu nalalaman, Ako ang mambabarang ng klase at ako ang pinagpala sa harap. Ako nga po pala si Keth Ong Sus ang bubuyog na handang manakit pag na aargabyado na handang lumaban kung kina-kailangan. Wag mo akong husgahan base sa nakikita mo husgahan mo ako pag kilalang-kilala mo na ang buong pag katao ko, muli ako po si binibining Keth. Maraming Salamat.
3 notes · View notes