Tumgik
huminahon · 3 hours
Text
Tumblr media
Na-eexcite ako magSabado. After ko magpagupit, naglitawan yun mga uban ko, as in lumitaw na parang nang aakit na, "bunutin mo ako, bunutin mo ako." e sobrang ikli hindi mabunot ng daliri lang tas wala na kami tsane kasi tinapon ko na after ko gamitin pangkuha ng pulgas nung rescued kitten. Sobrang bothered talaga ako kaya kinuwento ko kay Wuv frustration ko tas sabi nya bubunutin nya raw pagpunta nya dito samen magdadala sya tsane. 🥹🥹🥹🥹🥹 A little act of service making me feel loved talaga. Sa lahat din siguro ng partner na nakasama ko, sa kanya ko na-feel yung pagiging genuine na pag-care. I mean appreciated naman yung mga dati pero iba yung sa kanya. Randam ko yung ways nya na tugunan yung pagmamahal ko sa kanya even without asking.
May times pa na sukong suko na ako sa lahat pero sya hindi pa rin ako sinusukuan.
1 note · View note
huminahon · 6 hours
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Papakainin ko yung mga manok at mga bibe, pagsilip ko dun sa 12 na bagong pisang bibe, wala sila. Nakita ko nakababa na yung tiles na pinangharang ko (1st photo). Naisip ko na baka nakawala at bumalik sa pugad nila. Nagpakain at nagpainom muna ako ng mga manok.
Pagpunta ko dun sa kulungan ng mga bibe, wala sila dun. Pero may nakita akong 1 na bagong pisa (hindi ko na kinuha) at 1 palabas palang ng shell kaso namatay na.
Nag ikot-ikot muna ako bago ako nagtanong-tanong sa mga kalapit bahay. Wala sila napansin na mga bibeng bagong pisa. :(((( wala naman bakas ng cruelty sa loob. Pero nagtataka ako kasi mabigat yung tiles, impossibleng matulad nila yun. Tas yung hukay sa 2nd pic, hindi pa kaya maghukay ng ganun yun ganun kaliliit na bibe. Tas nakita ko yang nasa 3rd pic na may awang. Suspetya ko tuloy baka pinasok ng pusa. Isa rin sa naisip ko, baka pinasok ng malaking ahas kasi di ba nanaginip ako ng ahas. :(((( ang lulusog at ang sisigla pa naman nila.
1 note · View note
huminahon · 9 hours
Text
Ano kaya ibig sabihin kapag nananaginip sa panaginip? Pero ant aware ako na kapag ganun nagkakasleep paralysis ako e. Nanaginip kasi ako na nasa kusina raw ako tas bigla raw sinara ng gf ng kapatid ko yung nag iisang pintuan ng kabinet sa kusina. Nung tinanong ko kung bakit, may ahas daw. E 2am or 3am na nun, tas nagsasabi raw ako sa kapatid ko na pakiabot yung arnis kasi hahampasin ko yun ulo. Sorry na kaagad sa mga against sa animal cruelty. Safety ng human being na kasi nakasalalay. Mejo umay pa sa kapatid ko kasi walang sense of urgency. Kaya lang sobrang laki pala nung ahas. Kasinglaki ng kamao ko yung ulo so imagine nyo na lang yung laki nung katawan. Yun kababata ko magaling manghuli ng ahas kaya sabi ko raw sa mga kapatid ko gisingin na nila kung sinong gisingin para humingi ng help. Sabi ko raw dun sa gf ng kapatid ko na huwag tatanggalan ng tingin kasi mas mahirap pa kapag nawala sa paningin yun e. Basta ang goal lang is kung hindi mapatay e maialis sa bahay. Wala raw maasahan sa mga kapatid ko kaya ako na yun lumabas, paglabas ko nakita ko yung ate nung magaling manghuli ng ahas kasama anak nya edi naggoodmorning muna ako tas tinanong ko if gising na rin ba yun kapatid nya. Sinabi ko nga na may malaking ahas sa kusina. Pagbalik ko raw sa kusina. Nag-iba na yung itsura ng kitchen cabinet... Panaginip lang daw yung ahas. Tas kahit naconfirm ko nga na panaginip lang hindi pa rin ako kampante kasi syempre nandun pa rin yung adrenaline rush. Nung narealize ko rin na nananaginip ako sa panaginip nakaramdam ako ng sleep paralysis. Sa sobrang submissive ko sa sleep paralysis hindi na ako pinahirapan, kusa na nawala.
After nun, yung last kong panaginip, sasakay raw ako ng eroplano. Sa Pinas lang din ang destination. Yung departure area parang bahay lang na maganda. Parang hotel lounge tas puro estudyante raw mga kasama na parang may fieldtrip/tour. Bago raw sumakay pinagsuot kami ng life vest na orange na sobrang bigat kapag suot pero magaan kapag bitbit. E need na namin sumakay kaya hinubad ko raw mung yung life vest para makakilos ako nang maayos tas kinuha ko mga gamit ko. Isusuot ko na lang kako pagpasakay na mismo. Kakaayos ko raw ng gamit maiiwan na ako ng eroplano. Alam nyo yung feeling kapag nag eexam na hindi kapa tapos pero finish or not finish pass your paper na. Yung parang maiihi sa kakamadali. Pag tingin ko raw sa labasan, umandar na yung airplane. Ang nakakapagtaka hindi airplane yun sinakyan nila kundi pulang mga military trucks. Sa sobrang suspicious parang tinanggap ko na raw magpaiwan. Tas ang daming military trucks at parang golf cart kung saan lulan yung mga kasama ko sa flight na yun. Mejo disappointed din kasi hindi ako nakasama kahit suspicious.
Nagising ako kasi may naramdaman akong tumutulo sa loob ng ilong ko.
0 notes
huminahon · 9 hours
Text
Aga ko nagising 😪 pagpaling ko kasi akala ko may tutulong sipon pero pagpunas ko dugo. Wala na stretch-stretch deretso bangon agad e. Pero antok pa ako, try ko matulog ulit.
1 note · View note
huminahon · 1 day
Text
Tumblr media Tumblr media
Last na hawak ko sa baby na bibe is yung ni-CPR ko kahapon. Tas naka-monitor na lang ako. Nauna silang natutong uminom. Tapos after a few hours, natutunan na rin nila kumain. Nahihirapan kasi ako kakaisip kung paano ko sila matuturuan kagaya sa sisiw ng manok kasi sobrang iilap ng mga bibe. Buti na lang magaling lider nila.
Bago rin ako natulog kagabi, chineck ko sila.
Kanina pagkacheck ko goods naman sila. So far 12 pa rin sila at masisigla naman lahat.
1 note · View note
huminahon · 2 days
Text
Nagpisa na yung pangatlong offspring ng mga bibe namin nung Sabado, tas kanina lumabas na sila ng pugad. Binubully sila nung mga 2nd offspring, pinapasok sila sa pugad kaya napilitan yung mga bagong pisa na tumakas sa kulungan at pumunta sa kapitbahay tas ayaw umuwi :(((((( parang di rin naman kasi inaalagaan nung ina. Sa labas ng kulungan sa bandang likod, nandun yung 6 na full grown na 1st offspring. Yung 2nd offspring naman 17 tas itong mga bagong pisa ay 12. Sabi ni papa ilipat ko na lang daw yung 17 kasama nung 6. Kasi malawakan naman dun. 6 lang nailipat ko kasi inaatake ako nung isang inahin.
Sobrang sakit ng mga paa ko, tas basag basag mga kuko ko sa paa kakahuli sa mga 2nd offspring para ilipat plus sa tinutuka pa ako nung inahin.
Ang dami pang inuutos nina papa at mama, pinapabili pa ako ng patukang pang sisiw tas inuutusan pa ako pumunta sa kapitbahay para sabihing amin yung mga baby bibe. Triggered ako kasi hindi ko pa nababawi yung pagod at libo-libong ginastos ko nung 6 or 8 mons silang nagstay sa province tas ako sumalo lahat. Sa sobrang pagod at inis ko, nagreply ako ng, "I didn't sign up for this." Kasi sa totoo lang, burned out na burned na talaga ako. Sukang suka na ako sa mga kasama ko sa bahay(ayaw nila ako payagang bumukod) pati sa mga responsibilidad na hindi naman sa akin pero sakin pilit pinapasalo. Sobrang sakit pa ng mga paa ko at atake nung inahing bibe. Nagrerevolt buong pagkatao ko and I'm losing it.
After magbreakdown, pinilit ko tumayo't naghilamos tas nagpakain na ako ng mga manok. Habang nagpapakain makita ko yung mga bagong pisang bibe sa likod bahay. Ang dudungusin! Lumublob dun sa imburnal sa kapaitbahay. After ko magpakain ng mga hayuf. Inisa-isa kong hulihin yung mga baby na bibe. Habang nagpapahinga, iniisip ko kung gagawan ko ng bahay o mag aalapas na lang ako ng nakakulong na manok na may sisiw.
Nung settled na yung mga baby na bibe. Nagprep na ako ng lulutuin pang lunch. Tinawag ako ng gf ng kapatid ko kasi may baby bibe raw na malungkot, yun pala nag aagaw buhay na. Kasama naman talaga yun sa fatality ng mga babong pisang bibe pero di ko kaya na walang gagawin at hahayaan na lang mamatay. Diretso na yun paa tas tumitirik na yun mata. Ni-CPR ko, mga 5 mins din siguro hanggang sa umiyak na sa wakas. Nung nakakatayo na sya, sinama ko na sya dun sa mga kapatid nya. Last kong check, hyper na.
Hindi ko alam kung magsusurvive tong mga to kahit walang inahin. Pero sana magsurvive sllang lahat
5 notes · View notes
huminahon · 3 days
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Farewell, my 18-inch-long hair.
3 notes · View notes
huminahon · 3 days
Photo
Tumblr media
3K notes · View notes
huminahon · 3 days
Photo
Tumblr media
127 notes · View notes
huminahon · 4 days
Text
Tumblr media Tumblr media
Nag eksperimento nanaman ako ng pang iced coffee. Mas masarap pa rin yung nabibili sa sibinilibin kahit napakatamis 😂
Kaya siguro hindi ko naa-appreciate ang iced coffee kasi isang higupan lang ginagawa ko e xD hindi ko nananamnam kagaya kapag mainit yung kape.
Namimiss ko tuloy lalo wuvwuv ko, kapag ganitong cold/iced drinks lagi nya sinasabi, "hwag mo i-5mins" 😂
2 notes · View notes
huminahon · 4 days
Text
we’re far more blessed than we think we are ‏♡ غارقون في نعمك يالله فلك الحمد حتى ترضى ♡
692 notes · View notes
huminahon · 4 days
Text
Napanaginipan ko mga classmates ko nung grade school. Tas hindi raw kami nag uusap pero nagtititigan kaming parang galit. Yung nakatungo tas matalim yung tingin. Parang yun daw yung way namin to recognize each other. Nung lumapit sila, kinausap ko sila, sabi ko, "Bakit ganun? Mukha pa ring kayong 12 years old, samantalang ako mukha nang 57 y.o na may 17 na apo. Anong sikreto nyo?" XD
Mostly sa kanila hindi ko friends sa FB at wala akong balita sa kanila. Ewan ko, pero kasi after grad never ko pinangarap bumalik at makita sila lol. Dahil na rin siguro sa bullying na na-experience ko. Pero may mga nameet naman ako before tas twice nakapag inumin with few of them.
2 notes · View notes
huminahon · 4 days
Text
Tumblr media
2K notes · View notes
huminahon · 4 days
Text
Akala ng ibang tao yung pakikipag-usap nang pasigaw kahit katabi o kaharap lang naman nila yung kausap nila is power. Na porket sila ang sumisigaw, sila ang malakas ang boses, e sila ang malakas, sila ang masusunod, sila ang authority. Hindi nila alam na kapag sinuntok ko ang ngala-ngala nila, yun ang power. Kasi for sure susunod pati kaluluwa nila kapag naalog ng konti utak nila dahil sa impact.
Pero ayon, wag tayo magre-resort sa violence kahit ka-gomu gomu no gatling na yung nilalang.
I'll just cover my ears or play loud music.
#tf
2 notes · View notes
huminahon · 5 days
Photo
Tumblr media
21 notes · View notes
huminahon · 5 days
Text
Sobrang namimiss ko magluto. Kaya lang di kaya ng sched at budget, lalo't akala ng mga tao na kapag ako ang nagluluto e palaging may pa-feeding program.
3 notes · View notes
huminahon · 5 days
Text
Tumblr media Tumblr media
Ilang araw na ako nagccrave sa paksiw na isda. Sakto kahapon naabangan ko yung mobile market kaya nakabili ako ng pang ulam at kaunting stocks para hindi ko na araw-araw abangan yung mobile market.
Naglabindalawang isip pa ako kung paksiw o sinigang na bangus. Pero pinaksiw ko nalang kase kakasinigang ko lang nun nakaraan. Tapos kinuha ko yung mga taba dun sa nabili kong kasim at linahok ko sa paksiw. Ito ulam ko buong araw kahapon at naulam ko pa hanggang almusal kanina xD
Masarap naman pasado sa saken para mag-asawa :D nasarapan din ate ko, ung kapatid ko namang bunso sabi nya nakakaumay daw kapag may taba. E paanong di mauumay kumain ng hopia bago nagkanin.
3 notes · View notes