Tumgik
jmbrgs-blog · 13 years
Text
Micro Bacon
Akalain mo 'yun. 50php nalang ang natitirang barya sa hardcore kong pitaka. Nakarating pa ako sa Mall na napakalayo sa aming bahay. Kung tutuisin ay 'yung pera ko na 50php ay papunta lang at wala ng pabalik. Pero dahil sa busilak na titi este puso ng kabarkada ko ay nilibre ako mula pamasahe hanggang pagkain. Ayos.
Kaso 'yung inorder namin na pizza ay tinatawag nila na Bacon bacon shits shits basta sa tingin mo sa picture ay maraming bacon. Tapos paghain sa amin, aba'y puta? Nasaan ang bacon? Puro sibuyas at cheese lang. Pasulyap-sulyap lang ang napakaliit na bacon.
Pero okay lang, hindi naman ako ang nagbayad eh. Libre naman 'yun. Dah.
PS: Napatunayan sa post na ito na ako ay isang certified Patay Gutom.
0 notes
jmbrgs-blog · 13 years
Text
Kung kelan nagkaroon ng lakas na loob na i-pm ka, sabay offline ka naman. Tengene. Sakit.
0 notes
jmbrgs-blog · 13 years
Text
Ang aking Napaka-holy na Holy Week Obligatory Post
Holy Monday
Isang beses nakinig ako sa lesson ng prof ko sa English. Ang topic namin ay tungkol sa communication. Sabi ng matalinong libro ay kulang kulang 10% nalang ang natitira sa alaala ng isang tao tungkol sa isang tinuro o nangyari sa kanya. Gets? Hindi? Basahin ulet. Gets na? Hindi? CTRL + W. Kaya siguro ang natatandaan ko nalang ay hindi ako naligo nun.
Holy Tuesday
Please refer to Holy Monday.
Holy Wednesday
Ang aga-aga nagtext sa akin 'yung barkada ko na mag inom daw kami. Syempre, dahil sa katigangan ko rin sa alak ay agad agad akong pumayag kahit pa 150php nalang 'yung pera ko. Apat lang kaming nag-inom. Tatlong lalaki at isang babae.
Ayun. Nag-inom kami ng Boracay Rum Cappuccino na lasang X.O candy. Fishball, Kiki este kikiam ang aming pinulutan. Natapos kami ng maaga, mga 4 ng hapon dahil uuwi na raw 'yung babae naming kasama.
Putang ina! Naiwan ko 'yung librong hinihiram ko. Naligo na rin pala ako nito bago umalis ng bahay.
Maundy Thursday
Nagkita kami ng barkada ko sa 7-11 para kunin 'yung libro. Nagsayang ako ng 16php para lang sa libro. Bwisit. Lalo tuloy akong naubusan ng pera. Hindi ko naman pala agad babasahin. Kagabi ko lang sinimulang basahin. Dah.
Good Friday
Namatay si Papa Jesus. Wala akong ginawa kundi ang tumambay sa bahay. Nakakatamod 'tong araw na 'to. Nanuod nalang tuloy ako ng mga pelikula sa TV. Hindi ako nag-internet, sacrifice kunwari.
Black Saturday
Ganun pa rin ako, tinatamad. Nanuod nalang ulit tuloy ako ng mga pelikula sa TV. Eto ata 'yung bawal maligo pag lagpas ng 12nn? 2pm ako naligo.
Easter Sunday
Nabuhay si Papa Jesus. Nagsimba mga magulang at kapatid ko. Hindi ako sumama kasi magkikita-kita raw kami ng mga barkada nung Highschool. As usual, hindi natuloy. Dapat pala sumama ako kila mama.
--
Now you know how boring my life is.
0 notes
jmbrgs-blog · 13 years
Text
Napaka aga kong magising ngayon. Sino ba kasi ang nagpauso ng kuryente tapos kailangan pang bayaran? Nadadamay tuloy ako. Nagmamadali na 'yung Nanay ko na umalis na raw ako dahil baka nga maputulan kami. Kaso nga tinatamad ako. Pero may naisip ako! Naisip kong 'wag nalang maligo kundi maghilamos nalang tapos gumamit ng computer saglit. What a bright idea! Bakit? Hindi naman ako aamuyin sa Meralco ah.
Good Morning! Magtu-toothbrush din pala ako.
1 note · View note
jmbrgs-blog · 13 years
Photo
Tumblr media
Meanwhile on my Facebook. Hahaha.
2 notes · View notes
jmbrgs-blog · 13 years
Text
Touch Me Not
Hindi naman talaga ako mahilig magbasa ng libro noon pero naimpluwensyahan ata ako ng ilan sa mga sinusundan ko rito sa Tumblr na hilig ang magbasa. Naging suki na rin ako ng BookSale dahil sa mga nagmumurahang libro nila. 'Yung The Little Prince na libro nila ay nabili ko lang ng 5.00php. Pero ngayong bakasyon ay wala akong allowance kahit piso, nahihiya naman akong humingi ng pera kaya naman pinatos ko ang e-book. Tapos ngayon ay wala na akong mahanap na magandang e-book kaya naman pinatulan ko na 'yung nakita kong libro na Noli Me Tangere ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda na kilala rito sa buong Pilipinas. Siya raw ang ating Pambansang Bayani na nagsabi na "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda.". Tapos nakasulat sa Kastila ang kanyang dalawang libro. Ang galing. Ba't ko nga ba binabasa 'yun? A. Hindi kasi ako nakikinig noong Highschool sa guro kong buntis kasi masarap siyang pikunin. B. Wala akong pera pambili ng libro ngayon. Kawawa naman ako. C. Baka kasi kailanganin 'to sa Kolehiyo, maganda na ang may alam sabi nga sa Channel 11. D. All of the above.
0 notes
jmbrgs-blog · 13 years
Text
Globe Broadband
Halos isang linggo rin akong nawalan ng akses sa intarweb dahil pinutulan kami ng Smart Bro. Tulala ako ng makita kong irine-redirect ako sa portal ng Smart Bro. Mangiyakngiyak ako. 'De, arte lang. Tumataginting na 2899.09php ang utang namin, hindi ganoon kalaki pero ewan ko ba simula ng naupo si PNoy ay lalo kaming humihirap. Sinisi pa ang gobyerno eh. Puta. Ew. At dahil nagmana sa akin ng katalinuhan ang aking ama. Nakaisip siya ng paraan para hindi maputol ang kaligayahan niya na mag-porn gabi-gabi. Maggo-globe nalang daw kami para may libreng isang buwan na internet connection, ang kailangan lang ay magbayad ng 500.00php. O diba't napakatalino ng ama ko? Nakatipid kami ng 2399.09php dagdag mo pa 'yung libreng isang buwan na nagkakahalaga ng 995.00php. Kami na. Kami na talaga. Kaya ko palang mabuhay ng walang internet connection. Walang Facebook, Tumblr, Youtube, Youporn, Youjizz etc.
PS: Mukhang mas mabilis ang Globe kumpara sa Smart.
0 notes
jmbrgs-blog · 13 years
Photo
Tumblr media
Kagabi ay sinimulan ko na 'tong panuorin. Sa totoo lang wala talaga akong hilig sa anime pero dahil sa sobrang ka-boringan ng aking bakasyon ay napatanong ako kagabi sa tropa kong adik sa anime kung anong magandang panuorin at itong Fairy Tail ang sinuggest niya.
Mukha namang maganda 'yung kwento. Pwede na rin pagtiyagaan kesa naman manuod ako ng Captain Barbell. Dah.
3 notes · View notes
jmbrgs-blog · 13 years
Text
Sangkatabaan
Sana ‘yung mga super duper napaka-taba na tao ay doblehin na ang bayad kapag sasakay sa tricycle o kaya magpa-special nalang. Oo alam ko na mataba rin ako pero ‘yung tinutukoy ko ay ‘yung doble o triple ko.
Hindi naman sa nangdi-discriminate ako ng tao. Pero, nasubukan ko kasi minsan habang papasok ako sa eskwelahan. May nakasakay ako sa back ride na triple ng bigat ko. Ayun. Dulo lang ng pwet ko ang nakaupo at kapit na kapit ako sa hawakan sa may bubong ng tricycle kasi kapag hindi ay siguradong laglag ako.
Hindi naman talaga ako dapat sa may drayber nakasakay eh, dapat sa charity ako, ang kaso 'yung pang-apat sa pila na dapat ay sa likod ng drayber ay doon nalang sa charity umupo dahil malamang siguro nakita niya ang dambuhalang mammal na nakaupo sa backride. Pakiramdam ko nun ay unti-unti nang magsasara ang butas ng pwet ko. Char.
Kaya nga ngayon ay nagpupursige akong magbawas ng timbang. Dahil ayokong dumating ako sa ganoong eksena. At tsaka marami akong napapansin na mga tricycle driver na nakasimangot kapag may sasakay na obese tapos hindi special. Dafaq. Sana kahit minsan ay sumagi naman sa isip nila na magbawas din ng timbang.
0 notes
jmbrgs-blog · 13 years
Text
Panuto: Kahunan ang salitang Tumblr tapos kulayan ng ocre.
Sa wakas at meron na naman akong napiling espasyo rito sa intarnet na pe-pwede kong pagtapunan ng mga basura mula sa aking utak, oo may utak ako kahit papano. Ga-munggo nga lang pero utak pa rin na matatawag.
Hindi na ako bago rito sa mundo ng Tumblr. Masasabi kong naging saksi rin ako sa mga iilang pagbabago rito gaya nang mawala ang Tumblarity, naging kulay itim 'yung background color imbes na medyo dark blue at kung ano-ano pang shits. 
December 2009
Petsa ng pagkakatuklas ko ng Tumblr. Hindi ko maintidihan noon ang saysay ng Tumblarity. Ang tanging alam ko lang noon ay ang mag-reblog ng mag-reblog ng mga larawan na kadalasa'y may mga quotes. At tsaka follow lang ako ng follow kahit sino tapos magpapa-follow back ako. In short, Tanga-tanga ako.
January 2010
Nawala na 'yung Tumblarity ata. Hindi ako sigurado.
February - May 2010
Nagkaroon ako ng medyong maayos na Tumblr. Hindi na ako tanga-tanga nito. Halos ginawa ko ng diary 'tong Tumblr noon. Nagkaroon ng mga followers. Mga tatlo tapos isang taga-basa. Nagkaroon ng kaibigan? Hindi ako sigurado.
June 2010
Naging abala ako sa pag-aaral. Atat ako sa pagiging kolehiyo. Tandang tanda ko pa na sabi ko sa sarili ko, "Matataas ang mga grades ko, walang bagsak at magiging Dean's List.". Ayun. Sabi ko lang naman. Hindi nagkatotoo. Dine-activate ko 'yung Tumblr ko.
August 2010 - March 2011
Pakiramdam ko kasi lahat ng bago o uso eh nasa Tumblr. Lahat ng sumisikat sa Facebook, laos na sa Tumblr. Kaya naman gumawa ulit ako ng Tumblr pero wala akong pinopost. Sinundan ko 'yung mga sinusundan ko rati. Ayun. Para akong Ninja.
April 2011
Kulang kulang isang taon mula nang nagkaroon ako ng medyo maayos na Tumblr ay heto na naman ako. Nagsasali-type. Nagku-kwento ng mga walang kwentang bagay. Parang tanga lang eh no? Leche.
0 notes