Tumgik
lihimlihamtinta · 21 hours
Text
Ubos na ang tintang nakalaan para sa'yo
Pero hindi tumigil ang pagtibok nitong puso
Hindi umaasa ngunit hindi nagsasawa
Ang mahalin ka ay panata at tanikala
3 notes · View notes
lihimlihamtinta · 4 days
Text
Marahan kong hinaplos ang naiwan mong tasa
Maaninag ang tapang ng kapeng natimpla
Makapal na rin ang alikabok na dala ng oras
Maputla na ang kulay asul nitong taglay
Taimtim ko itong binalot ng papel na nilukot
Kasabay ng muli kong pagyakap sa ating kahapon
Itinago sa isang kahon na puno ng ala ala mo
Kasama ng puso kong nanatiling iyo
1 note · View note
lihimlihamtinta · 5 days
Text
Pilit hinahabol ang wala pa
Pilit na binabalikan ang nakalipas na
Habang ang kasalukayan ay pinapabayaan
Tila nakapila sa panghihinayangan
Nawa'y matutunang yakapin
Sulitin ang bawat sandali
Huwag hayaang lumipas at mawaglit
Regalo ng kasaluyang 'di mababalik
0 notes
lihimlihamtinta · 7 days
Text
'di pa man nagsisimula'y nakita ko na ang dulo
nilatag man ang senyales ay binaliwala ito
matatawag bang marupok o matapang lang ako?
Uhaw ba sa pag ibig o sadyang masama kayo?
4 notes · View notes
lihimlihamtinta · 10 days
Text
Sa libo libong mga pangako
Doon pa rin ako nahulog sa walang ipinangako
Doon ko pa rin ipinusta ang huling piso
Doon ko pa rin inialay ang lahat ng ako
At sa kabila ng tinamong sugat
Matapos ang lahat ay tila walang natutunan
Matapos ang lahat ay iyon pa rin ang laman
Matapos masaktan ay ito pa rin ang babalikan
5 notes · View notes
lihimlihamtinta · 12 days
Note
Dang! I love how you perceived things. I like it
Salamat ✨
1 note · View note
lihimlihamtinta · 15 days
Note
paano ba makawala sa gapos ni kalungkutan?
Hindi ko rin sigurado ang sagot pero kaakibat siguro ng pagiging buhay ang mamuhay kasama ang kalungkutan. Pero naniniwala akong marami pang emosyon ang hatid ng buhay na ito kasama ng pagtanggap natin sa mga bagay na hindi natin kontrolado at hindi paglimot o paglagpas sa magagandang bagay na mayroon tayo. Walang permanente sa mundo kasama doon ang panahon ng kalungkutan.
1 note · View note
lihimlihamtinta · 28 days
Text
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
Hanggang sa maisipan mong lumingon
Hanggang sa ang pagitan ay tawirin mo
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
Kapag muli mong naalala ang ating sakripisyo
Kapag ninais mo nang lagyan ng kaduktong
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
Dahil ikaw pa rin ang natatanaw na destinasyon
Dahil tayo pa rin hiling sa huling bersikulo
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
12 notes · View notes
lihimlihamtinta · 1 month
Text
Ikaw ang aking paboritong salita
Huling isusulat nitong aking tinta
Ibubulong sa pagitan ng lungkot at ligaya
Hihilingin sa alapaap na maging masaya
5 notes · View notes
lihimlihamtinta · 1 month
Text
Kaya ko pala
Kaya ko naman pala
Kaya ko naman talaga na wala ka pero pipiliin ko na araw-araw ay ikaw ang dahilan ng aking paghinga habang ang buhay ay bumibilang at nauupos ang mga ala ala ay pilit kong babaunin sa aking mga bisig ang mga kwento na ikaw at ako ang bida dahil ang yugtong ating pinagsaluhan ay ang pinakamasakit at pinakamasayang pahingang nakatupi na palagi kong babalikan at sasabihin sa sariling "kaya ko naman pala pero pipiliin ko na araw-araw ay ikaw ang dahilan..."
4 notes · View notes
lihimlihamtinta · 1 month
Text
Sana mayroon pang isang ikaw sa buhay na ito
O sa susunod na buhay ay tayo naman sa dulo
Huli na kasi ang lahat para sa atin sa buhay na ito
Pero kung uulitin man ang aking libro
Ikaw pa rin ang mamahalin ko
13 notes · View notes
lihimlihamtinta · 1 month
Text
Sana kung gaano tayo kalayang mahalin ang gusto natin mahalin ay ganoon din tayo kalayang murahin ang lahat na karapatdapat murahin.
10 notes · View notes
lihimlihamtinta · 2 months
Text
May pag ibig siguro talagang nakatakda
Kahit ito ay pag ibig na pansamantala
Hindi naman mali pero 'di itinadhana
Minahal ng lubos kahit may katapusan
Pinakamatamis ngunit pinakasaglit
Natapos na masakit ngunit walang pagsisisi
Malaya kahit ikaw ang huling hiling
Pag ibig na habang buhay kahit 'di nanatili
4 notes · View notes
lihimlihamtinta · 2 months
Note
Habang binabasa ko mga piyesa mo, bakit parang ang gaan at ang sarap mong mahalin?
Salamat at sana nga tama ka
0 notes
lihimlihamtinta · 2 months
Text
Masyado lang akong mayabang pero nakakatakot pala talaga mag isa.
25 notes · View notes
lihimlihamtinta · 2 months
Note
Saan ka humuhugot para magsulat?
Sa mga nakikita at ‘di makita. Sa mga nararamdaman at ‘di maramdaman.
0 notes
lihimlihamtinta · 2 months
Text
“You alone are enough. You have nothing to prove to anyone.”
— Maya Angelou
666 notes · View notes