Tumgik
Text
Tumblr media
MADUMING BANYO
ni GENELYN ARMAMENTO
0 notes
Text
Tumblr media
SIRANG SAHIG
ni APRIL LOVE BADILLES
0 notes
Text
Tumblr media
VANDALISM
ni JAIR LLANOS
0 notes
Text
Tumblr media
SILYA
0 notes
Photo
Tumblr media
STRESS AT ANG BULLYING
ni:KERSTAN REQUIZA
0 notes
Photo
Tumblr media
 ILAW
 Ni: Jolina N.Araiz
0 notes
Photo
Tumblr media
DOOR KNOB
ni: Girlie Ocat
0 notes
Photo
Tumblr media
PROBLEMA
Bryson M.  Angoy
0 notes
Photo
Tumblr media
SIRANG ILAW
Cristine Joy Carta
0 notes
Photo
Tumblr media
IRESPONSABLE
Jay Ivan A. Lawangon
0 notes
Photo
Tumblr media
PASAWAY
Rolando C. Remedios Jr.
0 notes
Photo
Tumblr media
Sirang Sahig ni: April Love F. Badilles
0 notes
Photo
Tumblr media
Sirang Sahig ni: April Love F. Badilles
0 notes
Text
Tumblr media
"GREEN BAY"
ni BRYSON M. ANGOY
 Ang pag lalakbay ng aking buhay kong saan man ako mapadpad ng aking kinaroroonan hindi ko ipagkait ang aking masayang ala-ala at narating ko nang pinag tunuhang galing sa aking destinasyon patungo sa aking kabanata.Ilan-ilan naring narating ko o na achieve ko sa aking buhay bilang isang binata maraming pagsubok na ating daraanan katulad ng lubak na daan na pinaligiran ng madilim na kagubatan huwag lang tayong lumisan.Kahit saan ka man mapadpad ang panatilihin nating naninirahan dito sa ating mundo dapat tayo'y palaging masaya.Mahirap man hanapin ang mga bagay na gusto mo pero ang pagsubok sa buhay kailangan mong pagsikapan para sa iyong kaligayahan.                                                            
Huminga ng malim tumawa ka ng sobra para hindi ka madaling tumanda , humanap ka ng barkada kung saan ka masaya mahalin mo ang iyong pamilya at alagaan mo ang iyong sinta.Tumawa ka haha.
           Ilang buwan na rin ang lumipas hindi ko masabi kung ito ba ang pinaka-unang masayang nabuo sa buhay na makasama kaming naligo sa dagat kasama ang aking pamilya.Hind ko inakala na ngayon to darating sa aking bilang binata o dagdag sa listahan ng aking masayang ala-ala.Pero ito na ang panagip kong natupad kasi ang aking ama ay palaging abala sa trabaho, ang aking ina naman ay maraming ginagawa pero hindi gusto maligo kasi dagdag sa gastusin at takot bumiyahe nakakatawa ang aking ina kasi nadala ng salita ng aking ama. Hay ! salamat sa panahon na nilaan para makapasyal ang makaligo sa dagat GREEN BAY, makaranas sa malalaking alon na humahampas  ,masayang mg kakantahan sa videoke at ngsalo-salo sa kainan , ang ilan ay lumangoy sa at kinakamkam ang malinaw na tubig at ang mapuputing buhangin na aking tinatapakan.
           Kasing lamig ng hangin ang aming nadarama kasama ng aking sinta at hindi mawawala ang selfie na at maramdaman ang ganda ng kalikasan na biyaya ng MAYKAPAL. Enjoy the moment  at padala sa kilig na nadarama .Maraming paraan para makaiwas sa problema . Ang dagat ang kinahiligan, sa tubig mag tampisaw sabay ang problema na matangay sa malaking alon na naka hampas sa iyong katawan. Sa dagat ang magandang pasyalan at ligoan at bumuo ng masayang ala-ala na madadala sa iyong pagtanda. Tara sa Green bay at ma diskubre ang ganda ng tanawin at idagdag sa listahan ang iyong pasyalan halina't tarana maligo sa tubig alat green  bay resort at unahin sa listahan sa SURIGAO DEL SUR matatagpuan.
0 notes
Text
Maling Liko
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
(Cristine Joy Carta)
Isang paglalakbay na hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko. Ang isang paglalakbay patungo sa isang liblib na lugar kung saan nakakakilabot ang mga naninirahan roon. At nakakalungkot mang isipin na hindi umaayon ang aming ekspektasyon sa pinaglakbayang lugar. Dahil ayon nga sa kasama naming nakakatanda ay ang lugar na iyon ay isang mala-paraisong lugar ngunit pagdating namin doon ay parang ghost town ang lugar na iyon Kaming mga mag babarkada ay mahilig gumala at pumunta sa saan mang sulok ng lugar kapag may kainan. Katulad nalang ng may Birthday, kasal, binyag, libing at higit sa lahat ay fiesta. May nalaman kaming balita na fiesta ang araw na iyon sa karatig naming barangay. At napagplanuhan namin na pumunta dahil may kakilala raw ang isa naming barkada roon. Hindi naman kami napo-problema kung ano ang sasakyan dahil may motor ang isa sa aming barkada. Nagsimula na kaming lumugsong sa lugar na paroroonan. Sumakay kami sa isang haba-habal na motor na minamaneho ng isang barkada. Kahit na napakamabato at napakamaputik ng daan namin ay hindi parin nawala ang aming katuwaan. Malaki ang mga ngiti na sumilay sa aming labi sa kadahilanang  sabik na sabik na pupunta roon. Habang tumatakbo ang aming sinasakyan, maraming tanong tungkol sa paroroonan ang ibinato namin sa drayber dahil siya lang ang nakapunta na sa lugar na iyon. Marami siyang sinasabi na magaganda tungkol sa lugar na iyon. Doon raw ay isang napakagandang lugar na para bang isang paraiso. Lalo kaming naganahan at mas sabik ng pumunta roon. Nakarating kami sa hangganan ng daan na pamilyar pa sa amin. At lumiko kami sa isang masukal, makipot at mas mabato't mas maputik na daan. At doon naputol ang aming kwentuhan at napukos ang aming sarili sa daan. Hindi mawala ang kaba sa amin lalong lalo na't napaka komplekado ng pwesto sa pagsakay namin. Sa isang habal-habal na sinasakyan ay sampu kaming nakasakay. Bago ang drayber ay may naka sakay pa sa kanyang harapan sa tangke ng motor at may tatlong nakaangkas sa likod niya. Sa isang pakpak(tawag sa parang pakpak sa isang habal-habal na nagsisilbi ring angkasan) ay may tatlo na nakasakay bale nakaharap  ang isa at nasa gitna ang isa at ang isa ay nakaharap sa likod. Sa kabilang pakpak naman ay may dalawang nakasakay ganoong pwesto parin. Nagtaka ba kayo kung bakit dalawa lang ang nakasakay sa isang pakpak? Sapagkat kailangan mabalanse ang bawat pakpak upang maiwasang matumba? Dahil mataba ang isang nakasakay at hindi masyadong malaki ang kanyang kasama sa isang pakpak kaya parang nabalanse na rin. Ayun na nga para kaming nakasakay sa  isang roller coaster dahil napakabilis magpatakbo ng drayber namin at ang daan pa ay parang nag sisilbing riles nito. Paakyat, pababa, paliko at kung ano ano pang eksibisyon. Hanggang sa nakarating kami sa isang ilog. Iyong ilog na napakaitim ang kulay. Tumawid kami roon na nakasakay pa rin sa sasakyan. Muntikan pa kaming matumba dahil napakadulas ng mga bato. At umakyat kami sa hindi masiyadong mahirap na daan at doon na luwag luwagan ang aming pakiramdam. Nakarating kami sa may nag iisang kubo. Nakakatakot tumingin ang isang matanda sa pagdaan namin habang ang iyon ay nagpapatulis ng kanyang maliit na itak. Nakakatindig balahibo. Hanggang sa nakarating kami sa entrance  mismong lugar at napa nga nga kami sa lugar na iyon. Halos wala ng puno ang paligid dahil pinutol at sinunog ang mga dahon. At hindi namin namalayan na palubog na pala ang araw. Bumaba kami sa motor ng dahan dahan at pinagpagpag namin ang sarili namin. Magsisimula na sana kaming maglakad at nabigla kami nangg may humarang sa amin na limang tao at tinutukan kami ng itak. Dali dali kaming sumakay sa motor at kumaripas ng napakabilis. Hindi na ininda ang masukal, makipot, mabato, maputik na daan. Hanggang sa nakarating kami sa daan na parte na ng aming barangay at doon na bawas bawasan ang takot namin at kumalma kalaunan. At nakarating sa mismong barangay. At ikinwento namin sa aming ka barangay ang nangyari sa amin at nalaman namin na maling barangay pala ang aming napuntahan. Itinawa nalang namin ang karanasan na iyon. At nagpapasalamat kami sa Panginoon na buhay pa kami hanggang ngayon.
0 notes
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
                                    MEMORABLE VACATION
Hindi ko inaasahan and paglalakbay patungo sa aking kinagisnan o aking lupang kinalakihan at isa ito sa naging pinakamahalagang ala-ala na kailanman hindi ko makakalimutan . Ng aking magunita ang ala-alang ako'y tinawagan ng aking ama na kumuha ng isang napakamaliit na papel na tinatawag na ticket at sa araw na iyon ramdam ko ang nabubugso kong kasiyahan na parang gusto kong tumalon at sumigaw ng malakas dahil sa wakas nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ko ulit ang aking ama , mga kuya at ang aking naging kaibigan na si ate . Sa ika-08 ng Abril taong 2018 , ito ang araw na ako'y tumungtong sa bayang aking sinilangan at muling nasilayan ang ganda ng kapaligiran . Nakita ko muli ang mga taong malapit sa akin at ang mga taong sumira sa aming pamilya ngunit hindi ko binigyang pansin ang mga bagay walang kwenta dahil alam kong ma-e-stress lamang ako . Sinulit ko ang kakaunting oras na makasama ko ang aking pamilya . Sa araw ng Mayo 27 , 2018 , nakasama ko ang aking kuya't ate at sa pagkakataong iyon pumunta kami sa pinakamagandang pasyalan sa lugar ng TAGUIG. At nang ako'y bumaba sa loob ng TAXI bumungad sa akin ang  naglalakihang gusali na parang ako'y nasa ibang bansa na umiikot sa ganda at kumikinang na ilaw at sa bawat sulok nito makikita ang iba't ibang uri ng disenyo .Sa pagpasok ko sa palasyong iyon napahinto ang aking paa nang masilayan ko ang bumubusilak na ganda at kulay asul na tubig na nakalagay sa ginta na napapalibutan ng mga gusali na parang gusto kung lumangoy at sumisidsid sa ilalim  . Nang nagising ako sa aking pagmumuni-muni naramdaman ko ang pagtunog ng aking tiyan burrrrp kaya tumuloy parin kami sa pag-ikot ng palasyo at naghanap ng desenteng restaurant , umupo at naghihintay ng masasarap na pagkain , sa oras na iyon nagtatawanan kami dahil inaalala at ibinabalik ang kasiyahang aming naranasan . Nang nailapag na ng waiter ang umuusok na karne  at langhap na langhap ang bango ng barbecue sinunggaban ko ito agad kasabay sa pag-nguya ng kanin at ramdam ko ang pagkapuno ng aking malaking tiyan . Pagkatapos naming kumain lumipat kami sa ibang pasyalan ngunit parte parin ito ng Taguig ito ay tinatawag nilang SM to SM , dun ko na sinulit ang pagkakataong gumala sa buong gusali at naranasan ko ang pagsakay sa isang glass elevator na kung saan makikita mo ang mga tao . Sa pinakahuling pasyalan na aming pinuntahan ay ang arcade kung saan nakalagay dun ang videoke at ibinigay ang buong lakas na sumigaw habang kumakanta . Habang dumarating ang gabi nararamdaman ko na naman ang lungkot na siyang dulot ng aking luha at ng nasilayan ng aking mga mata ang isang napakamaliit na taxi na alam kong ito ang simbolo na lilisanin ko ang pook na siyang diko makakalimutan .
0 notes
Text
Tumblr media Tumblr media
TEMPLE OF LEAH
ni: GENELYN ARMAMENTO
Ang paglalakbay ay isa sa mga paraan upang tumuklas ng bagong lugar na maari mong puntahan. Isa rin ito sa paraan upang tayo ay maging masaya at pansamantalang malimutan ang mga problema. Ang paglalakbay ay magiging masaya kung kasama mo ang iyong kaibigan o higit sa lahat ang iyong pamilya at gumawa ng mga bagong masasayang alaala na tatatak at mag iiwan ng bakas sa ating puso't isipan. Noong ako'y nagbakasyon sa Cebu, isa sa hindi malilimutang alaala na aking naranasan ay noong namasyal kami sa Temple of Leah, kasama ko ang aking buong pamilya. Sa aming pamamasyal natuklasan ko na ang Temple of Leah ay tinaguriang Taj Mahal ng Cebu City. Ito ay isa sa mga dinadayo at binabalik balikan ng ng mga turista. Ipinatayo ito noong 2012 Ni Teodorico Soriano Adarna na sumisimbolo sa walang katapusang pagmamahal niya sa kanyang asawa na si Leah Villa Albino-Adarna na pumanaw noong 2010. Ang Temple of Leah ay matatagpuan sa tuktok ng bundok kaya kitang kita namin Mula roon ang kabuuan ng siyudad at kahit na umuulan ay patuloy parin kaming kumukuha ng iba't ibang litrato. Pag apak palang namin papasok sa templo mayroong bubungad ng dalawang statuwa ng leon at sa loob ay nakadisplay ang malaking statuwa ng babae at iyon ang kaniyang asawa. Sa loob mayroon ring 24 na silid tulugan na nakadesinyo para sa membro ng pamilya na nanatiling pinagyaman ang mga alaala ni Leah Villa Albino-Adarna. Ang lugar ay matatagpuan sa barangay ng Busay na di lalaruan sa siyudad ng Cebu. Kaya kapag gusto mong maka punta, namasyal at makaranas ng di malilimutang alaala ay pumunta ka o bumisita sa Temple of Leah. Dito matutuklasan mo ang walang katapusang pagmamahal na inalay ni Teodorico Soriano Adarna sa kaniyang asawa.
0 notes