Tumgik
mikaayyyyyyy-blog · 6 years
Text
Tumblr media Tumblr media
Si Malaya, siya ang tagapangalaga ng mga kabubdukan sa Pilipinas. Siya rin ang tagapagbantay ng mga katutubo na naninirahan sa mga kabundukan ng Pilipinas.
Kahit isa siyang kalahating tao at kalahating manananggal pero mas nananaig kay Malaya ang pagiging tao niya.
0 notes
mikaayyyyyyy-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
Ako si Michaella Amadeo. 16 na taong gulang. Ako ay bunso sa tatlong magkakapatid at malapit ako sa pamilya ko. Galing ako sa isang malikhaing pamilya at nakahiligan ko ang sining ming nasa ika-8 baitang pa ako sa junior high school pero na alala ko nung bata pa ako ay marunong na akong gumuhit at nung ika-6 na baitang, sinubukan kong magpinta gamit ang watercolor pero hindi pa talaga ako marunong non at wala akong alam sa ginagawa ko. Kaya ngayon, dahil sa suporta ng pamilya ko sinunod ko ang payo nila na ituloy ko ang pasyon ko sa sining. Napakaganda talaga ng buhay na wala masyadong pinoproblema sa mundo. Noong bata pa tayo, ang tanging problema lang natin ay kung paano ka makakatakas sa pagtulog mo tuwing hapon para lang makipaglaro sa mga kaibigan mo sa labas. Pinapagalitan ka nga ng nanay mo pero okay lang, naging masaya ka naman sa ginawa mo. Kahit mainit, sugod lang ng sugod, wala akong pake kahit umitim man ako at maligo sa sariling pawis. Hanggang sa namulat ako sa katotohanan. Katotohanang nagpabago sa pananaw ko sa buhay. Sa kung ano talaga ang realidad sa buhay. Hindi lang pala puro saya ang buhay ng tao, noon malungkot ka na kapag inaagaw sayo ang kendi mo na naghahalaga mg dos para sa tatlo ng ibang bata pero ang buhay rin pala ay may halong kapaitan. Mapait dahil napakahirap pala ng buhay, estudyante pa nga lang ako pero nahihirapan na ako sa mga gawaing eskwelahan. Nahahati ang oras ko sa mga takdang aralin at pagsusulit pero sa kasamaang palad, isa akong tamad na istudyante. Mas pinipili kong hindi gumawa ng takdang aralin sa bahay dahil ayaw kong ma stress dahil hindi talaga kaya ng katawan kong ma stress. Pero naalala ko nung nakatanggap ako ng deskirminasyon galing sa kapatid ng nanay ko. Kahit masakit ang mga sinabi niya, ginawa ko itong motibasyon para makapag aral ako at makakuha ng malalaking marka at balang araw mas mahihigitan ko pa ang mga nakamit nila. Kaya sisikapin kong maging masikap na istudyante at mag aral ng mabuti. Makakagraduate din ako sa kolehiyo ng may karangalan.
0 notes