Tumgik
ngititayokaibigan · 2 months
Text
LIFE UPDATE
It's been a while since my last blog post. It's been a rollercoaster ride of emotions.
MOOD SWINGS - Minsan talaga nakaka bwisit yung may hormonal imbalance eh. Mood swings every now and then. Naiinis ako sa sarili ko most of the time pag sinusumpong ako ng topak. I am really trying hard to change myself. Ayoko na yung masyado akong masungit and all. Kasi pati mga tao sa paligid ko nadadamay eh. At ayoko yung negative impact niya sakin. Nagkakaron ako ng negative thoughts. It not like me to be negative all the time. I am really seeking for divine intervention. Hahaha! Pinagdadasal ko palagi na sana magising na lang ako isang araw na hindi na ko masungit at maldita. Hahaha!
TOBY - I have a new dog! My boyfriend and I planned of having a dog last December 2023. Naghahanda na kami ng budget at pinag-uusapan na namin kung papano ang magiging gastos sa food, vet, and all others. Nag iisip kami na mag breed para income na rin sa future. Here comes 2024 and Toby unexpectedly came sooner than we expected. Ang masaya pa, bigay lang sa'kin ng friend ni papa. 8 months old na nung naisipan nilang ipamigay kasi wala daw naiiwan sa bahay nila at hindi na nila maalagaan. Sobrang saya namin ng boyfriend ko kasi girl na lang ang poproblemahin namin na sa ngayon eh wala pang budget dahil madami kaming gastos. Toby lives with me. Hahaha! Sinasama ko palagi sa mga lakad ko na pet friendly ang place. Sobrang spoiled sa tatay niya kasi lahat binibili para sa kanya. I'm super thankful na pareho kami ng boyfriend ko na gumagastos for Toby. Grabe sobrang love ko tong asong 'to. Sobrang kulit at most of the time naiinis ako sa sobrang harot pero iniyakan ko 'to nung nagagalit si papa dahil pinupuyat ako tsaka yung helper namin na lagi na lang inaaway si Toby. Mahirap pag yung aso hindi sayo lumaki. Mahirap na i-train. Pero yung saya na nabibigay niya sa'kin, walang katulad.
BUSINESS - I stopped for a while. Sayang oo pero kasi hindi ko na kaya i-sustain lalo na wala akong maasahang helper. Yung taga gawa ko napaka tamad. Malas sa negosyo kung tutuusin. Sakitin pa. If kaya ko lang talaga mag hanap at magpa sahod pa ng ibang tao para gumawa ng empanada ko, maghahanap ako talaga. Kaya lang wala akong mahanap. Hindi ko naman na kaya na ako pa ang gagawa. Pause and pahinga muna sa ngayon. Eventually ibabalik ko din 'to. Matumal din kasi ang sales last year. Talo ako sa expenses kaya mas mabuti pang ipahinga ko muna kesa puro palabas ang pera.
GYM - I recently went back to Fitness First. Kaya ko na magbayad ng monthly membership kaya go na sa balik alindog program. Hindi ko naman focus ang maging sexy. Ang main concern ko is yung health ko in general. Dahil work from home ako, kailangan ko ng matinding exercise. Madami din akong health issues kaya kailangan ko ng personal trainer para ma-guide ako. Hopefully to have good results in one month. Susulitin ko muna yung free sessions ko with the PT. Tapos pag iipunan ko yung fee ng PT for 12 or more sessions.
Okay. Ito muna sa ngayon.
0 notes
ngititayokaibigan · 6 months
Text
SEEN
How ironic.
Ayaw na ayaw mo pag seen lang yung mga chat mo pero pag ikaw ang gumagawa okay lang? Nakakainis yung pakiramdam na may issue kayo na dapat maresolve pero binale wala ka lang. That's the most painful thing. Ako kasi hindi ko kaya ng ganun eh. Ano ba naman yung mag reply ka kahit sabihin na "mamaya na tayo mag-usap" o kaya "pag-usapan natin 'to mamaya". Wala eh. Iniwan ako sa ere. Yung pinaliwanag mo na yung side mo na masyado ka na nag-ooverthink tapos sinabi mo na yung mga ayaw mo pero obviously dumaan lang sa mga mata niya. Binasa pero hindi inintindi.
Naiiyak ako na parang nagmamahal na naman ako ng maling tao. Matindi 'to. Yung sakit na nararamdaman ko ngayon, never ko pa naranasan sa iba. This is a tough love. Hanggang kailan ko kakayanin? Hanggang kailan ko iintindihin? Hanggang kailan ako lalaban? Is this relationship worth saving? Is he worth loving?
Hindi maganda 'to. I don't like what I'm feeling right now. Hindi ko alam kung seryosong issue na 'to o dala lang ng hormones ko eh. Pero na se-stress ako. Of course I don't want this relationship to fail. Pero bakit ang pakiramdam ko doon na papunta?
Most of the time, yung mga small unresolved issues yung nagiging dahilan ng failed relationship eh. Dagdagan pa na LDR kami currently. Mahirap ayusin ang mga problema pag hindi magkasama. Nag woworry ako na kung ngayon nga na Manila-Laguna lang pagitan namin ganito na kami what more pa pag nakasakay na siya sa barko.
Kakayanin ko ba ang LDR? This is super hard for me especially that my love language is quality time. Ewan, di ko na alam. Bahala na si Lord.
Nakakapagod na umiyak. Ang sakit magmahal.
0 notes
ngititayokaibigan · 8 months
Text
PALAGI
I am so emotional right now. Ewan ko ba. Nanunuod lang naman ako ng mga tiktok videos tapos nagustuhan ko yung isang sound. Ang ginawa ko hinanap ko agad sa Spotify. Then I listened to the song titled "Palagi". Tapos naiyak ako sa chorus part. Na-sweetan ako dun sa kanta. Hindi ko masyado napapakinggan mga songs ni TJ Monterde pero ito na siguro yung favorite ko sa ngayon.
Why am I emotional? Kasi matagal ko nang hinahanda ang sarili ko na pumasok sa LDR. From the moment na pumasok ako sa relasyon ko ngayon, kasama na siya sa tinanggap ko. I don't want to disclose anything about my current relationship kasi I want to make it as private as possible. In my heart, I know malapit na kami magkalayo. We prayed really hard for this and I'm always praying for this na tipong sinasama ko na sa novena prayers ko. Malakas ang kutob ko na didinggin na ni Lord yung matagal na niyang hinihintay at dinadasal. As for me, I prayed na maging ready ako anytime and I think I am already prepared.
Handa akong maghintay. Handa akong patuloy na magmahal kahit LDR kami. Yung bibitawan kong pangako sa kanya, tutuparin ko (wag lang niya ko lokohin dahil tapos agad kami pag nangyari yun). Palagi kong tatandaan yung pagmamahalan namin. Malayo o malapit, akin siya at kanya lang ako.
Kakayanin namin ang LDR para sa mga pangarap at plano namin. Susuportahan, mamahalin, iintindihin at hihintayin ko siya hanggang sa pagbalik niya.
All for our dreams, all for our love.
Pipiliin ko siya PALAGI.
2 notes · View notes
ngititayokaibigan · 9 months
Text
AMPING KANUNAY
It was my pleasure being a tour guide. Hahaha! Masaya ako na nag enjoy yung mama, bayaw at pamangkin ng jowa ko nung pinasyal ko sila. Isali na rin yung mga pinsan niya na sumama sa mga gala. Galing sila sa Butuan at sinundo namin sila sa airport nung July 20. Sa totoo lang, wala akong tulog nun dahil 11pm-7am ang shift ko. Right after ng trabaho ligo agad tapos alis. Nakakatuwa na pinapayagan na ko ni papa umalis ng umalis kasama boyfriend ko. Though nainis siya nung una dahil puyat ako tapos nagsundo pa ko sa airport pero ang paliwanag ko matagal na kasi ako nagsabi na ako ang susundo. Di ko naman akalain noon na matatapat sa may trabaho na ko. Ang biro pa niya dito sa bahay pati sa mga kaibigan niya, darating at makikilala ko na daw ang byenan ko. Hahaha! Ang sarap sa pakiramdam na sobrang tanggap ni papa yung boyfriend ko ever since nung pinakilala ko sa kaniya. Wala na kong problema sa pagpapa-alam and all.
So ayun na nga, pag dating ko sa airport bumaba ako ng kotse at nag bless. Nagulat ako na pagka bless ko niyakap ako ng mama niya. Then after masundo sa airport nag lunch kami sa Giligan's. Ganun lang kasimple. Hinatid ko sila sa kanila kasi umuulan tsaka may kasamang mga bata. Next na kita namin, nagsimba kami sa Padre Pio at dinala ko sila sa Venice Grand Mall. Ang saya ko na makita silang masaya. First time kasi nila doon kaya ang daming picture taking. Kada plano namin ng boyfriend ko ng gala kasama family niya, pinagpapaalam ko yung kotse kay papa.
Sampung araw lang ang bakasyon nila dito at weekend lang ako pwede kaya yung huling labas ko kasama sila, pinasyal ko sila sa Tagaytay. Dumaan din muna kami sa Acienda Outlet Store sa Silang para makapag CR at stretch din ako. Medyo hindi lang maganda yung weather pero sulit na rin dahil sa Bulalo Point ko sila dinala for lunch at nag Sky Ranch kami para mag enjoy yung pamangkin ni jowa.
Ang haba ng byahe namin nun dahil naligaw ako sa waze. Badtrip talaga yung waze minsan eh. Nagsisi ako na sinunod ko yung waze kahit kabisado ko naman yung daan. Dahil dun na-stress ako at napansin nila na bad mood ako. Medyo nagkainisan din kami nun ng jowa ko kasi naiinis siya pag naiinis ako. Pero kahit papano naging ok na kami nung nakarating na kami sa QC at nag dinner sa Mcdo. Pagkahatid ko sa kanila, hinatid na din ako ni jowa dito sa bahay at dito ko na lang din siya pinatulog kasi hating gabi na at maulan.
Ngayon, 07/31/2023... Pabalik na sila mama sa Butuan. Hahaha yes, mama. Mama na ang tawag ko sa mama ng jowa ko. Hindi ko na sila nahatid kasi may trabaho ako mamaya. Ayoko mapagod bago mag work para may time pa ko matulog. Nagsabi naman ako ng maayos. Nasa airport na sila ngayon, hinatid ng boyfriend ko at ng pinsan niya. Friends na kami ng mama at bayaw niya sa FB kaya nag message ako kay mama ng ingat. Nakakataba ng puso na may "love u" sa reply niya sa'kin. Ramdam kong tanggap niya ako. Sabi ko sana nag enjoy sila diri. Amping kanunay.
2 notes · View notes
ngititayokaibigan · 9 months
Text
HAPPY AND PRODUCTIVE
Second day on my second week. I'm so thankful that my workmates are very helpful and understanding. I think that my prayer was answered and I still keep on praying for a healthy and fun work environment even if I'm working from home.
A took a big step in changing my career. As in out of my comfort zone, friends! Sabi ko pa noon parang hindi ko kaya yung trabaho ng mga call center agents kahit marunong naman ako mag English. Natatakot akong mag phone calls ewan ko ba kung bakit. Extrovert ako pero takot akong kumausap ng foreigner. Hahaha! Pero ngayon, ganun ang trabaho ko. Takot pa ko sa mga insurance pero ngayon nag rerequest ako ng mga prior authorization para sa mga pasyente.
Tama talaga na wag magsasalita ng tapos. Kasi minsan kung ano yung mga fears mo dati, hindi mo aakalain na kaya mo pala ngayon. Ang mas nakakatawa, wala ka naman pala dapat katakutan.
Yun lang naman. Bye na. Inaantok na ko.
1 note · View note
ngititayokaibigan · 9 months
Text
10:42 AM MST
Currently waiting for a PIN activation from my office manager.
Hirap ng ganito. Sa Monday pa start date ko pero eto at gising ako na naghihintay tapos hindi paid. Lol! Okay lang. Tiis tiis, magkakatrabaho na din sa wakas.
Ang hirap ng sakripisyong ginawa ko para lang mag work at home. Nag resign ako bilang clinic nurse to cut off my expenses. Sa totoo lang, talong talo kasi ako. Sa gas at parking napupunta mostly ng sahod ko kaya nag desisyon akong mag resign at maghanap na lang ng trabaho online. Akala ko madali pero hindi pala. Masyado kong na-underestimate ang paghahanap ng trabaho na may WFH set-up.
As much as I want to share my journey, next time na lang pag sinipag ako ng husto. Gusto ko pag nagkwento ako yung meron akong ma-iinspire na tao. Ngayon kasi nagpapalipas lang ako ng oras at walang magawa. Hindi ko ma-activate yung app na pinapa install sa’kin ng manager ko kaya kailangan kong maghintay. 
So anong pag-uusapan natin, Tumblr? Ready ka na ba sa random at long post? Haha! May mga topics naman ako in mind na gusto kong i-share so yup. Let’s do this.
PRAYER ROUTINE
I’ve been prayerful ever since naging choir member ako. Yung faith ko eh napagtibay mula pa nung bata ako. Bukod sa pinag aral ako sa Catholic school nung elementary ako, palagi akong sinasama sa simbahan tuwing Linggo. Kaya hanggang ngayon mahalaga sa’kin ang magsimba tuwing Linggo. Hanggat maaari talaga walang palya ang pagsisimba ko. Kahit saang lugar man ako napupunta, basta pag Sunday automatic na kailangan magsimba. Sunday mass is the highest form of prayer. So sa mga kapwa ko Katoliko diyan, make sure to hear mass every Sunday.
My daily prayer routine consists of my personal prayer to God,Prayer to St. Padre Pio and the Holy Rosary. I practice praying the rosary before sleeping. Wala namang pinipiling oras ang pagrorosaryo eh. Basta palagi yun. Madalas na ko nag rorosary ngayon simula nung nag confess ako nung holy week. Tinandaan ko yung sinabi nung pari sa’kin na always talk to Mama Mary because she is a woman too. She understands what I need and what I feel. Kaya ayun. Tamang tama, wala naman na akong nakakausap na nanay ko kaya si Mama Mary na lang.
Nagdadasal ako palagi. Lahat pinagdadasal ko. Lahat ng emosyon - tuwa, galit, lungkot at kung ano ano pa. Yung buong pagka moody ko, pinagdadasal ko. Actually, pinagdadasal ko talaga na sana mabawasan na yung pagiging masungit at mainitin ng ulo ko. Haha! Madali kasi ako ma-stress eh. Dahil sa stress kaya mabilis uminit ang ulo ko na minsan naaapektuhan yung mga tao sa paligid ko. Ayokong may naaapektuhan sa mga pangit kong emotions. Hahaha!
I also put St. Padre Pio’s motto in heart - pray, hope, and don’t worry. Mahirap talaga na hindi mag worry lalo na pag may mga pagsubok kang hinaharap. Pero dahil sa motto na yun, once na pinagdasal ko ang isang bagay, hahayaan ko na si Lord kumilos. Buong puso kong pinagkakatiwala lahat sa Panginoon. Believe it or not, prayer is so powerful. Yung mga galit at tampo na pinagdasal ko, nawala na lang bigla. Hindi naman instant pero nakaka-amaze yung feeling pag aware ka na si Lord ang gumawa ng paraan para mawala yung burden sa puso mo.
PRAYER CONTENTS
Ano nga ba ang mga pinagdadasal ko? Hahaha! Secret! Ayoko muna mag prayer reveal. I don’t want to share the specifics. One thing is for sure, I’m not just praying for myself but for my loved ones as well. Minsan nga kahit hindi ko kakilala nagagawa kong ipagdasal eh. At yung mga nakikita kong nakakagawa ng kasalanan nagagawa kong ihingi ng tawad sa Diyos. Lalo na yung trending ngayon na drag queen. Nasaktan at nalungkot ako nung napanuod ko yung video. Nabastusan ako talaga. Kaya sinama ko sa dasal ko yung taong yun. Nasabi ko sa isip ko na “Lord, hindi niya alam ang ginagawa niya. Kayo na po ang bahala sa kaniya”. Nakaka kilabot kasi talaga. (Parang gusto ko gumawa ng separate post about this).
11:11 AM EST
End post.
1 note · View note
ngititayokaibigan · 10 months
Text
Change is really constant. May mga bagay noon na akala ko hindi magbabago sa’kin. Routines, hobbies, attitude - name it! Lahat nagbabago. Sabagay, physical nga may pagbabago eh ano pa kaya yung ibang aspeto ng pagkatao mo.
I open my blog once in a while. As in bihira ko na ‘to buksan. Hindi tulad dati na everyday may post ako. Araw-araw nilalabas ko yung thoughts and emotions ko dito sa blog. And I think it helped me cope up during those days. College ako nung ginawa ko ‘tong Tumblr account ko. This was made mainly to release my stress. Ginawa ko na rin itong hobby at mas pinalawak nito yung writing skills ko. Aside from typing my thoughts, may mga articles and essays din akong ginawa dito to discuss a certain topic. Syempre di mawawala ang personal touch. Kumbaga everything here is personal. Tama man o mali ang mga naisulat ko, lahat yun opinyon at pananaw ko. Agree man o hindi ang nagbabasa, keber! My blog, my rules. Lol!
Siguro kailangan ko na araw-arawin ulit yung ganito. Para mabawasan ng konti yung lungkot at frustrations ko sa buhay. Haaaay. Napapa buntong hininga na lang ako habang ginagawa ko ‘to. Dati kasi araw-araw nilalagay ko dito lahat ng nangyayari sa’kin sa maghapon. Tuwa, lungkot, bloopers, galit at kung ano-ano pa. Ultimo mga naririnig kong tsismis nalalagay ko pa dito. Haha! Ngayon hindi na eh. 
Ganun ata talaga pag naiiba na ang priority. Kung dati blog ang karamay ko para mailabas ang mga nararamdaman ko, ngayon rosaryo at prayer book na ang hinahawakan ko. Mas pinagtitibay ko yung relasyon ko sa Diyos. 
Wala na kong masabi. 
0 notes
ngititayokaibigan · 1 year
Text
KEYBOARD
It’s been a while since my last blog post.
Honestly, I’m just trying out my new borrowed keyboard. Thanks to my cousin! I don’t want my laptop’s keyboard to be used so much that’s why I really need a separate keyboard especially now that I’m on to the next phase of my training - live scribing.
Yup, career change.  A lot had happened over the years. Hindi ko na nga alam kung saang parte ng buhay ko yung huling blog post ko eh. Ang alam ko lang, malapit na ko sa exciting part ng career ko. Hahaha! I sacrificed a lot for this. I failed two times and felt like I wasted a month just to pursue this job. Good thing I didn’t gave up. Kahit na feeling ko naguguluhan na si Lord sa mga dasal ko. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong idadasal ko nung mga nakaraang buwan. Ang sigurado lang ako ay mas kilala ako ng Diyos kesa sa kung gano ko kakilala ang sarili ko. 
I am now a virtual assistant. Mas pinili ko na lang magtrabaho sa bahay kesa gumastos ng malaki sa gas at sa parking. Kahit pa extrovert ako, mas pipiliin kong maging praktikal sa buhay. I have my resources. I found the best company for me. Mapapractice ko pa din ang profession ko kahit papano kahit pa nasa bahay lang ako. Yun naman ang mahalaga eh. Yung hindi masayang kung anong pinag-aralan ko. 
Ang dami kong plano even before my phone certification. Iniisip ko na yung mga dapat kong unahin pag sumasahod na ko. Nakalista na rin kung papano ko hahatiin ang sweldo ko na sure akong may maitatabi for the future. Now that I passed, mas sigurado na yung plano ko sa mga susunod na araw. Though hindi pa ko sumasahod ngayon, at least alam kong maghihintay lang ako ng tamang panahon at client. Alam kong hindi ako bibiguin ng Diyos. 
I guess this is it for now. Kailangan ko na munang maligo at mag relax dahil last training day na for this week. Huling puyat muna this week dahil weekend naman na bukas. I’m just so happy today that I want to blog. Next plan will be my vlog channel. Mukhang alam ko na kung anong magiging niche ko sa YouTube. Hahaha!
5 notes · View notes
ngititayokaibigan · 2 years
Text
That one dream I had when I was 18 is still the same. It never changed. This year I’m turning 31 and it hasn’t been fulfilled yet. But deep in my heart, God will give it to me. 
THAT ONE DREAM
“What is your greatest dream”?
Maybe some of you will answer with what their dream job would be such as to be a doctor, a teacher, a lawyer, a pilot and so on. If not for a career path, maybe some of you will answer with something materialistic like to own a house, a car, or even have their own beach property! The list goes on for every individual. And reaching a certain dream is not always easy.
“What is my dream”? I thought of this for quite some time now. It is a frequently asked question during my younger years. Honestly, I have this one dream that I’m continuously praying for. It is something to do with my whole self. 
I thought of this when I reached 18. I told myself that my greatest dream would be me being a faithful and loving wife to my husband and a happy, loving, educating mom to my children. I want to create a happy and positive home. That’s what I’m praying for every night. 
This dream is not yet fulfilled. But I claim that one day, I’ll be thanking the Lord for providing me a family of my own. Whatever my career path would be, as long as I have my family, my life will be complete.
1 note · View note
ngititayokaibigan · 3 years
Text
Message to all:
Own your words and act according to what you say. It doesn't match most of the time and it sucks.
0 notes
ngititayokaibigan · 3 years
Text
Nakakapagod na madisappoint. As in nakakasawa na yung ganitong feeling. Parang ang sarap na lang mag mura at ipatama sa mga taong pinakitaan mo na ng halaga at binigyan mo ng pagmamahal pero binabale wala ka lang. Ang masaklap, hindi kasi ako ganung klaseng tao. Pag galit ako, sinasarili ko na lang. Kesa makapag salita ako ng masakit, itatago ko na lang sa sarili ko.
Ang sarap siguro sa pakiramdam na mahalin ka sa paraang gusto mo. Kasi nagmamahal ako sa paraang gusto nila. Life is truly unfair.
Mababaw lang naman kaligayahan ko. Mababaw na nga pero pinapaasa pa. Nakakapagod. Malapit na kong sumuko sa love. Parang pagtutuunan ko na lang ng pansin ang pagtatrabaho.
0 notes
ngititayokaibigan · 3 years
Text
Please let me feel that it's worth letting someone go because you're finally here.
...para kasing nagkamali ako sa desisyon ko. 🙁
0 notes
ngititayokaibigan · 3 years
Text
Ilang araw na ko gumigising ng sobrang lungkot. Kahapon pag gising ko grabe na yung takbo ng isip ko na nabalot talaga ko ng sobrang lungkot. Buti na lang nananalig ako sa Diyos. Sa lahat ng bagay na nararamdaman ko, lumalapit ako sa Kanya. Nagdasal ako ng nagdasal na sana pag gising ko ngayon hindi na ko malungkot.
Pero hindi. Nagising ako ng malungkot pa rin. Bumangon ako para umiyak. Why do people break your heart when you've done nothing but kindness to them? Why do people with good hearts hurt and cry the most? Why is God allowing this? I don't know the answers yet but I know eventually I will heal.
0 notes
ngititayokaibigan · 3 years
Text
Ang lungkot lungkot ko na. ☹
0 notes
ngititayokaibigan · 3 years
Text
I'm not happy lately. Anytime mapapagod na ulit ako. Bakit ba ang hirap magmahal? Mamahalin mo pero ipaparamdam sa'yo na hindi siya deserving mahalin. Hay naman. Nakakapagod na. Siguro pag hindi pa nag work tong relasyon na to, titigil na ko. Ibuhuhos ko na lang pagmamahal ko sa magiging trabaho ko. Ibubuhos ko na lang sa sarili ko at sa mga taong nakikita at pinahahalagahan yung worth ko.
Napapagod na yung utak ko maging thoughtful. Napapagod na yung puso ko magmahal. Bakit ko ba ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman ng inaalala at minamahal siya?
Hahayaan ko na lang ang sarili kong mapagod at sumuko na lang. Sanay naman na kong binabale wala. Hahayaan ko yung sarili ko malungkot at magalit. Darating ang panahon na patatawarin ko yung sarili ko dahil sa pagiging marupok.
Si Lord na ang bahala sa'kin. Maghihintay ako sa tamang tao, sa tamang panahon.
0 notes
ngititayokaibigan · 3 years
Text
COMPARISON
One thing I hate is being compared to another person. Something that I do secretly. I mean, I can’t help myself from comparing my ex to my current boyfriend. To be fair, I just keep it to myself because I don’t want the person to feel bad about it. I know the feeling of being compared that’s why I don’t want to share my own comparison out loud.
If there’s one thing I’m happy about my relationship now is that it’s realistic and more mature than the previous one. It was like waking up from a very wonderful dream. I was happy. Now, I’m somehow happy. I can’t say that I’m happier now but things are different especially in the time of pandemic. I’m longing for quality time. It was given to me before. Now, I just have to be contented on the times we talk. I miss being silent and just receive affection from my partner. Now, I just imagine being cuddled. 
There are so many things to compare and I know this isn’t right. I’ll stop before I emotionally hurt myself.
0 notes
ngititayokaibigan · 3 years
Text
Ilang araw na naman akong inatake ng mataas na uric. Naiinis ako pag di ako nakaka kilos pero ako naman din ang matigas ang ulo.
Last year, isang linggo mahigit akong di makatayo. Hirap mag lakad at kumilos. Kumain kasi ako ng sardinas noon. Kaya pinahirapan ko yung kasama ko mag alaga sa'kin. Naalala ko kung pano ko siya ginigising pag kailangan kong mag CR. Kailangan alalayan niya ko mula sa pagtayo hanggang sa paglalakad. Naalala ko pa nung kailangan kong magpa paligo sa kanya. Grabe yung pagmamahal na yun. Pagmamahal na hindi ko pinilit. Pagmamahal na kusang ibinigay sa'kin.
Ngayon, nararanasan ko ulit yung sakit ng katawan na naranasan ko last year. Di ko magawang alisin sa isip ko yung mga panahong siya ang kasama ko at siya ang nag aalaga. Ngayon kasama ko pamilya ko. Mas maraming nag aalaga. Pero iba yung pag aalaga ng ibang tao. Yung pag aalaga ng tunay na nagmamahal. Namimiss ko yun.
Buong araw ko siyang iniisip. Na sana ok siya. Naalala ko nung nagpaluto ako sa kanya ng lugaw pero fail. Imbis na magalit ako dahil nag mukhang biko yung lugaw, pinilit ko pa ring kainin kasi alam ko pinaghirapan niya yun. Nag lugaw ako ngayon kasi nilagnat ako. Kaya habang kumakain ako, siya naalala ko.
Mahirap pa rin siya alisin sa isip ko. Dahil totoo yung pagmamahalan namin. Yun nga lang, humina ako at napagod. Kinailangan kong makipag hiwalay para mag grow kami ng hindi magkasama. Alam kong nasaktan ko siya sa desisyon ko pero kailangan kong piliin ang sarili ko.
0 notes