Tumgik
qetsiyaaah · 3 years
Text
“on some days, you will feel more fragile than you do on others. allow yourself to break. allow yourself to sink. allow yourself to retreat. you are allowed days like these; days to feel, days to recluse, days to process. tomorrow will taste much sweeter.”
— iambrillyant
3K notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
for better or worse i’ve recently realized that self care, for me personally, sometimes means extra effort instead of less. like making my bed every day makes me feel good about my living space even though it’s a couple minutes of work, and plating my food nicely makes me feel like i’ve made and eaten a nice meal even if it means cleaning more dishes. i used to think self care was almost synonymous with making things easier for yourself, but sometimes challenging yourself a little tiny bit more than usual is more rewarding than doing it the easiest way, although that isn’t true for everyone, i know, it’s just how things have turned out for me
35K notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
i was not able to post it yesterday kasi sobrang antok na talaga ko at pagod hahahahaha 😂 my heart is super happy and contented talaga 🤍 sobrang saya talaga pag kasama ko sila!!! SOBRANG BITIN NG 2 DAYS!!! HAHAHAHAHAHA hay grabe solid 🥺💓 never ko talaga pagpapalit tong mga lukang to kahit saan hahahahaha and super happy din me kasi nagkita kami ni airon 🥺🥺🥺 hehehehe syempre sulitin ko na umalis ng bahay kasi baka di na ko payagan ulit HAHAHAHAHAA hay iba talaga yung saya pag kasama mo yung mga taong alam mong andyan lang para sayo 🖤 finally!!! the break that I needed hay nakapagpahinga din 🥰 wish ko lang sana may panlasa pa kami after 2 weeks HAHAHAHAHAHA
8 notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
February 14, 2021
Tumblr media Tumblr media
GRABE I FINALLY GOT MY ACCOUNT BACK THIS BTCH IS SO HAPPY 😭🥺 Finally after a month and ten days of waiting, nagkaroon na din ako ng access sa wakas huhuhu so happy grabe sana masarap talaga ulam ni kuyang tumulong saken mabalik to 😭😭😭 Hayop na hacker yon grabe ginawa nya sa account ko that's why I really had to delete this kahit na sobra akong nanghihinayang kasi eto na talaga account ko ever since but I think it's a good thing na din. Hay sobrang galing mo talaga Lord!!! 🤍🤍🤍 And I finally got my date tonight 😂 lol hello to my 4 case study na deadline na sa Friday cram na naman ako plus finals week na Lord help me to survive pls hahahahaha happy 💗's day everyone!!!! i hope all of you had a great day today! 💓
4 notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
February 11, 2021
Tumblr media Tumblr media
Update again after many weeks na di ako nakapagsulat 😂 wala lang nasa mood lang ako mag-sulat kahit na sobrang tambak na ko ng gawain because of acads ☺️ this btch needs a break too lol. Sobrang daming ganap this past few weeks, but im just gonna write na lang the good things. Happy me na same age na kami ni Airon ngayon charot hahahahaha di ako nakapagsulat nung b-day nya kasi dami na ganap non sa buhay ko (WOW KALA MO TALAGA 😂) but super happy for him sana naging masaya sya nung b-day nya and we were supposed to meet that week but sadly di natuloy. ☹️ But anyways madami pa namang araw, also happy me finally nakalaya na din ng bahay si Ate (sana all 🥺 gusto ko na din lumaya hahahahahaha) super happy for her and I wish nothing but the best sa lahat ng desisyon nya sa buhay!!! 💗 Also, the most exciting and super satisfying part is that I FINALLY GOT TO ACCESS MY FACEBOOK HACKED ACCOUNT!!! Like tanginaaaa 😭😭😭 gusto ko yakapin si kuyang nasa dummy world kasi sya lang talaga nakatulong sakin how to recover my account but I wasn't finally able to changed my password kasi nakalimit pa din ngayon but sobrang saya ko na na may access na ko and I will finally get the chance to delete that fcking account 😭 I almost lose hope na di ko na talaga mababawi yun, really indeed na kailangan ko lang talaga maghintay. Sobrang galing talaga ni Lord 😭🤍 And these past few days, after na magpakalunod ako sa kdrama ng isang linggo I finally find myself doing school works kahit na sobrang tambak na ko ng gawain sa google classroom but I have to kasi shet lapit na nga finals kailangan ko na humabol. Sobrang ginagapang ko na lang talaga tong sem na to sobrang tangina drain na drain na ko 😭 pero shet wala ako choice kundi gawin to!!! Kanina nga nagmamakaawa na ko kay Mama na pabiro na ayaw ko na mag-aral pero charot lang talaga hahahaha tapos dumalaw pala si buwonwon liit kanina habang mat graded recitation ako buti na lang di ako kinulit huhu my happy pill talaga 🥺 Also sobrang natuwa ako kasi nitry ko gumawa nung vanilla late na nakita ko sa tiktok and sobra akong nanghihinayang bat ngayon ko lang sya nadiscover sobrang sarap!!! GO TO DRINK KO NA TO NGAYON JUSQ HAHAHAHAHA had also my go to food na garlic bread kanina habang gumagawa ng final project. Hay sobrang daming gawain gusto ko na talaga matapos to! Ang aga aga ko na din gumigising kasi lagi kami may klase this week 🥺 antok na antok pa naman ako lagi hahahaha can't wait na matapos na talaga tong sem 😩
1 note · View note
qetsiyaaah · 3 years
Text
just because they always let it be that way doesn't mean that it should always be forever. so sick of this. ppl have fcking limitations. anyway what's the point if your mind is always blind up with judgements that they are always right without them reflecting to their actions.
3 notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
Jan. 27, 2021
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nagising ako ng 10 am 😊 di ako naka-attend ng klase ko ng 9am yaaaay super galing mo talaga self 😂 isa kang tamad na estudyante hay hahahaha tapos bigla ako pinagayak ni Ate agad kasi sumama daw ako sa kanya na lumuwas ng Manila akala ko naman nakaalis na sya kasi sabi nya mag-commute na lang daw sya hahahaha tapos gulat ako di pa pala lumalayas ang luka, nagkaka-anxiety daw sya magcommute kaya naghanap si papa ng driver, tapos hiniram yung montero ni Tito Ricky. Mga 12 naalis na kami kasi 2 dapat andon na si ate, mejj mabilis naman byahe na kasi sa skyway less traffic. First time ko lang makakapasok ng Resorts World kasi di naman ako sinama ni Ate non bukod sa naglipat sya ng dorm non. Tapos dapat sasama ako kay ate kaso baka di ako papasukin sa hr kaya naiwan na lang me sa sasakyan kasama driver. In short nabulok lang ako hahahaha kaya nanuod na lang ako masterchef season 4 sa sasakyan tapos nung mga 3 na akala ko saglit lang si ate yun pala napakatagal paaaa jusq kaya nag-mcdo muna kami sa may baba kasi nasa 4th floor pa kami nakapark. Ihing ihi pa ko leche kasi umuulan maghapon tapos cr pa cr sa mcdo 🤦🏻‍♀️ nung nakabalik na si ate mga 4 na tapos umuwi na kami kaso mga 2 mins pa lang kami nakakaalis sa resorts world pota hay sobra gulat ko nakabangga kami grabeee feel ko nilipad ako ng mga oras na yun grabe buti na lang safe kami 😭😭😭 di kasi nakita netong driver na to yung sasakyan sa harap kasi kakatingin sa waze huhuhuhu hay nagkada-leche leche pa nga gustong gusto ko na lang umuwi stress na stress na din si ate, dapat pala nag-commute na lang nga daw sya pakadami pang gastos ngayong araw. Naligaw pa kami sa skyway nadiretso pa kami pa-Alabang ata kaya nagsayang kami ng 15 mins at pera sa maling daan 🤦🏻‍♀️ gabing gabi na kami makakauwi. Tapos kumain kami dun sa shell sa nlex kasi gutom na kooooo hahhahahaha nagchowking kami kaso feel ko next week wala na ko panlasa HAHAHAHAHA actually parang wala na talagang covid sa sobrang traffic at dami ng tao sa labas. Nag-iihit pa ko kakatawa kanina dahil kay ate hay hahahahahaha. So now na nakauwi na im doing my activities na di ko pa din nagagawa hahahaha i love cramming 😂 hahahaha ayun bukas di ko alam kung isasama pa ba ko ni ate para may kasama sya papuntang SM Clark or mag-isa na lang sya hahahaha antok na ko shet 😭 sumakit lang ulo ko sa nangyari imbis na marelax ako dahil nakalabas ako ng bahay hahahahaha
15 notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
anyway i know we talk a lot of shit abt this site but i just wanna say that tumblr taught me to romanticize life a little. like where else am i gonna find an essay abt how hands were made to hold other hands or posts with thousands of notes abt how peeling an orange for a loved one can be the purest act of care & love? all the softest, sweetest and kindest ppl on the internet are here and i'm so grateful to be here along with y'all. i love you and please keep romanticizing the smallest things... god knows we need that now more than ever.
64K notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
Jan. 23, 2021
Tumblr media Tumblr media
Mahaba tulog ko ngayon ☺️ pero di ako natuwa sa panaginip ko hahahahaha hay tamad na tamad pa din ako feel ko buong 2021 ganto na mood ko lagi. Anyways pagkakain tska ligo inaya na ako ni Mama magpunta ng school kahit labag na labag sa loob ko 😩 hay magpapaedit kasi si mama nung video na kailangan ipasa sa Monday. Kaya naubos oras ko sa pag-edit ng video nya kanina, mejj creepy nga kasi kami lang ni mama nasa school tapos ang tahimik pa hehehehe natapos kami 3:30 tapos umuwi na din sa bahay. Dumating na din yung inorder ko sa shopee kanina yey!!! Ang hirap na umorder ngayon sa shopee kasi may minimum spend na 149 huhuhu kaya intayin ko na lang sa 2.2 sana sale 🥺 pagkauwi nagmiriend me tapos nanuod na ng kdrama!!! di pala me nakasama bible study kasi hay wala pa din kaming matinong internet connection 😭 Another boring day so matutulog na ko kasi inaatake na naman ako ng migraine ko kakanuod 😂
4 notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
Jan. 22, 2021
Tumblr media
Woke up around 9 am kasi hay may midterm nga 😭 kumain muna ko umagahan tapos nagpunta na kami ni Mama ng school, nagready din sya kasi mag-video sya sa school. Ako lang yata di kinakabahan sa midterm kahit wala akong review 😊 kase pota wala na talaga ko paki sa pag-aaral ko HAHAHAHAHAHAHAHA hay mejj nalulungkot ako na ewan pag pinag-uusapan online class kasi hay sobrang walang wala na talaga ko will 😭 tapos galit pa si papa kanina kasi daw daw kami sumama kahapon ni Romar hay 🙂 gustong gusto ko na talaga bumalik ng dorm umay na umay na ko sa bahay. Saglit lang naman midterm namin mga 30 mins lang tapos nagdl lang ako ng true beauty ep 11 at 12 hehehehe tnx talaga sa mabilis na internet ng school hahahaha pagkauwi nagready na kami maglaba ni ate ng damit. Tapos ni make-upan namin si mama para dun sa video chenes nya na iedit ko din bukas hay secretary mode again hahahaha. After non naligo ako then nahiga naaaaaa tapos di ko talaga trip medical drama hay it's really not for me kaya di ko na tinapos tong Hospital Playlist. Kaya ngayon The Uncanny Counter pinapanuod ko, mejj bet bet ko sya hahahaha hay tapos nagtry ako gawin cad kanina kasi ilang activity na di ko napapasa 😭😭😭 di ko talaga kaya gawin naiinis talaga ko bat ang bobo ko sa ganto hay kaya tinigilan ko na kasi naiinis lang ako ng bongga hahahahaha pinagluto ako ni Romar ng pizza kasi trip lang nya kahit na mejj busog pa ko kanina. Hay walang wala na talaga ko gana sa lahat 😭😭😭 TANGINA TALAGA NI DUTERTE. PERIOD.
4 notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
Jan. 21, 2021
Tumblr media
Alarm clock ko na yata tong batang maliit na to, ang aga ko na naman nagising dahil sa makulit na to. Hahahahahaha pinagtripan naman ngayon mga gamit sa kwarto hay buronron napakakalat kanina sa bahay, parang binagyo 😂 Ayaw ko pa bumangon kasi antok na antok pa ko kanina kaso no choice hinahatak talaga ko sa labas ng kwarto hahahaha ayun pagkauwi kumain na ko umagahan tapos naligo na. Tapos non nahiga ulit ☺️ HAHAHAHAHAHA POTA SAWANG SAWA NA KO SA GAWAIN KO ARAW ARAW 😭😭😭 walang wala na ko gana mag-aral leche kung pwede lang hindi na mag-enroll next sem, sobrang ayoko na talaga grabe ngayon ko lang naranasan ko sa buong buhay ko na nag-aaral na mawalan talaga ng will kasi wala naman kasi talaga ko natututunan. Kaya ayun natulog lang ako maghapon 🙂🙂🙂 tapos nagmirienda pagkagising, pinagpatuloy manuod ng Hospital Playlist (yes ngayon ko pa lang sya panunuorin kasi di ko talaga trip manuod ng mga medical drama kasi nahihilo ako pero nitry ko kasi same sila ng director ng reply 1988) tapos nung umuwi si Mama sinabi ko na sa kanya na sumasakit nga tyan ko and as usual ang reply sakin 'di ka kasi kumakain sa tamang oras' hay hahahahaah baka daw may ulcer na ko 🙂 okaaaaaaay HAHAHAHAHAHAHA pero di naman sya as in super sakit pero sige hay gigising na talaga ko maaga mga 8 para mag-almusal na lagi huhuhu shet tulog na lang ulit ako after HAHAHAHAHAHA tapos dun kami magdinner kayla Tita Zaida kasi birthday ni Xyrus kaso sobrang tamad na tamad na tamad na tamad talaga ko kumilos kaya di ako sumama kahit na alam kong masarap mga pagkain don HAHAHAHAHAHAHA hay ngayon ko lang narealize din na mag-1 year na sa March na di ko nakikita mga college friends ko, tangina talaga ni Duterte tska ng gobyerno na to. PAGOD NA PAGOD NA KO GUSTO KO NA BUMALIK SA NORMAL PLS PLS PLS 🙂🙂🙂 ang aga ko na naman gigising bukas kasi walang kwenta net sa bahay eh may midterm kami ng 10, hay babalik na naman sa school hay wala na talaga ko energy sa lahat 😭
5 notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
Jan. 19, 2021
Tumblr media
May batang nanggising na naman kaninang umaga kaya ang aga ko na naman nagising hahahahaha cutie cutie talaga ng buwonwon kanina naka-polo shirt pa hahahahaha tapos ayaw na ayaw nyang humihiga ako sa kwarto, no sleeping daw gusto samahan sya magbutingting ng gamit ko 😂 Hay kulit kulit hahahahaha tapos nun kumain ako ng umagahan, iniisip ko pa talaga kung a-attend ako ng online class sa MTS hay nakakatamad na talaga mag-aral tae wala kasi akong nag-gets ayun nanuod ako ng Prison Playbook tapos nakatulog ulit ng isang oras. Sinabi ko kay mama na wag na kami magpunta ng school kasi tamad na tamad nga ako hahahaha wala talaga ko energy mag-aral tae kasi naman wala pa din kaming net hanggang ngayon lintek kasi na Globe na yan!!! Pakawalang kwenta talaga!!! Grrrrr hassle tuloy lagi ako nagpupunta sa school 😑 ayun nagpunta na nga ko kasi si mama ayaw pumayag na di ako um-attend ng klase, sasamahan naman daw nya nga ko sa school. Pagdating don ayun di naman ako nakinig kay ma'am hahahahahaha nag-dl lang ako ng kdrama 😍 HAHAHAHAHAHA ang bilis talaga ng net sa school hay kung di lang nakakatakot magpunta don baka dun na talaga ako tumira eh hahaha anyways pag-uwi nagluto kami ni ate ng carbonara na mukhang sopas nung una hahahahahaha 😂 pero masarap naman so keri keri na hahahaha tapos nanuod lang ako ulit pagkauwi. Grabe wala pa talaga ko ginagawang school works noh tapos may midterm pa ko sa Friday tapos wala pa din talagang review review hay bahala na hahahahaha tapos kanina si ate nagpapagupit ng buhok nya, gusto na nya bawasan buhok nya sabi nya gupitan ko daw sya mejj kinakabahan talaga ko maggupit kasi di ko naman nga buhok yon hahahahahaha sisisihin pa ko ng luka pag di daw pantay gupit ko!!! 3 months daw na di nya ko papansin gaga talaga yon hahahahaha ayun nagupit ko naman pero di talaga sya pantay pantay hahahahahah i tried my best, yun lang talaga keri ko!!! 😂 Ayun bukas di na talaga ko attend ng mga klase kaurat na talaga tamad na tamad na ko haaaaaay gusto ko na bumalik sa normal pls!!! 😭
3 notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
Jan. 17, 2021
Nagising ako nung nagkaroon na ng kuryente, hay buti na lang nagkaroon talaga!!! Hirap na hirap ako matulog kagabi tapos wala pa si mama dito sa bahay huhuhu buti na lang mejj pre-occupied ako kasi nanunuod ulit ako ng Descendants of the Sun, sobrang gwapo talaga ni Song Jong Ki as ever 😭 sayang na sayang talaga sila si Song Hye Kyo grabe yung chemistry??? yung kilig??? hanggang ngayon pag pinapanuod ko kinikilig pa din ako!!! Huli ko kasing nuod neto 2016 pa so nakalimutan ko na mga scenes huhu the best din ost ng kdrama na to super nakaka-lss!!! Kaya ayun tinapos ko sya maghapon hahahahahaha wala din kasi kaming net leche talagang globe to!!! kaya di ko na hinawakan cellphone ko maghapon hahahaha tapos si ate natanggap na sa work!!! so sa Wednesday aalis na sya punta na syang Pampanga huhuhu ako na lang mag-isa maglalaba ng mga damit namin 🤦🏻‍♀️ HAHAHAHAHAHAHA tuwang tuwa ang gaga na makakaalis na sya ng bahay bwiset hmp hahahahaha ayun nanuod lang talaga ko ng 2 days simula kahapon ng kdrama nga natawa nga ko kay Romar sabi nya sakin kung wala daw ba kong gawain sa school kasi nga puro kdrama na lang ginagawa ko hhahahaha sabi ko meron pero tinatamad pa ko gawin di pa naman kasi deadline. Hay ayun wala naman kami online class bukas so makakapag pahinga pa ulit ako!!! 🥳 Ayun, sana umayos na net namin bukas gusto ko na mag scroll sa tiktok hahahahahaha sipagin na din sana ako gumawa ng ganton araw araw 😂
2 notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
Jan. 14, 2021
Tumblr media
Woke up kasi may nanggising na batang makuliiiit hahahahaha antok na antok pa ko tapos sobrang lamig kanina paggising ko, niyakap ko ang batang nanggising samin ni ate na si buwonwon makuliiiit hahahahahaha 8:30 nagsisigaw na sa labas ng bahay namin. Nag-ayang maglaro kasi tuwang tuwa dun sa ballpens ko na naman, fave part talaga nya sa bahay namin yung butintingin mga gamit ko hahahaaha 2 linggo ko kasi si nakita tong si buwonwon miss na miss ko na hay pakataba na din grabe namumutok pisnge hahaha ayun after nila umuwi nagready na ko kasi may midterm ako today tapos leche pa din tong Globe ayaw makisama napakabagal ng net namin!!! Pawala-wala pa huhuhu kaya napilitan tuloy ako sa school pumunta, nagpasundo ako kay Mama hay buti na lang talaga malakas net sa school hahahaha tapos bago yun nastress pa me ng slight kasi si mama na-open pala yung link ng puregold na nanghacked ng accounts grabe can't afford na may mahack na account ulit sa bahay baka tuluyan na kong mabaliw. Di pa din nat-take down nga yung account ko 😭 Hay tapos pakadaming tanong dun sa exam kay ma'am sa entrep nahilo lang ako kakahanap ng mga sagot kasi ang daming files, tapos 60 questions hahahahaha kaya ayun nanghula na lang ako kasi mauubos time ko kakahanap. Tapos nichika pa nga ko ng mga co-teachers ni mama about sa account ko hay grabe nakakahiya talaga tong nangyari saken na to 🤦🏻‍♀️ tapos umuwi na din kami ni mama para nga mag-lunch. Hay dapat gagawa ako ng activities kaso inantok ako kaya ayun 🙂 natulog ako hahahahahaha kaso di ako narelax sa tulog na ginawa ko kasi nastress ako sa panaginip ko!!! HAYOP TALAGA HANGGANG SA PANAGINIP KO HINAHABOL AKO NUNG HACKER 😭😭😭 gustong gusto ko na madelete yung account huhuhuhu feel ko habang buhay hahabulin ako ng account na yon 😭 leche pa din Globe di ako makapag-internet kaya wala tuloy ako gana gumawa nung act. hay nanuod lang tuloy ako ng True Beauty!!! SOBRANG GWAPO TALAGA NI CHA EUN WOO!!! KUNIN MO NA KO PLS HAHAHAHAHAHAHAHA anyways may quiz kami bukas so ayun need ko gumising maaga kasi wala pa ko review eh si ma'am kate pa naman yun hahahahahaha hay
3 notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
Jan. 13, 2020
Tumblr media
Ang lamig pero ang aga ko din nagising hay if hindi lang talaga nahacked accoung ko siguro di ako ganto ngayon. ☹️ Sobra sobra na talaga anxiety ko tapos nainis pa ko kaninang umaga kasi tinanong ko ulit si Mama kung napapirmahan na ba kaso wala pa din daw. Sobra na kong naf-frustrate talaga tapos nag-away pa si mama tska papa kanina kasi gusto na nga ni mama na ayusin yung pag file sa Pampanga nga kaso sabi lang ni Papa na wag na daw intindihin ni Mama yun, sya na daw bahala. Hay bahala na nga sila, sobra na din ako pagod tanungin araw araw kung pano na ba mangyayari nga. Pag may nangyari talaga na nagreklamo, iiyak na lang talaga ko kasi pota ginawa ko naman na lahat talaga ng keri ko. Hay naiiyak na naman ako 🙃 feel ko ang hirap na bumalik sa dati kasi sobra na yung trauma ko dito. Nakikita ko din na pagod na si Mama kakatanong ko, hay bahala na nga. Anyways, may job interview kami sa subject namin sa engineering management. Dapat talaga 1 pm start nun kaso naging 4 pm haaaaay ready na ko eh hahahaha tapos nakakainis pa tong internet, grabe GLOBE!!!! NAPAKAWALANG KWENTA NG SERVICE NYO GRABE WALA NA KO MASABI!!!! Ayon sa school tuloy ako naki-internet ulit, inabot na kami ng 7 pm kasi tae pang-huli ako hay hirap talag ng V surname, huli lagi. Katakot pa sa school kasi ang dilim plus school yun daming kababalaghan don hahahahaha buti na lang sumama si ate para tatlo kami nila mama. Tapos nung kakain na ng hapunan, nagsermon na naman si Papa sa mga kalat/gamit ni mama sa bahay as usual, sanay na kami. Hay naaawa na nga din ako kay Mama minsan kasi hay basta ayoko ng ganon na relasyon pag may asawa na ko, never na never na gagawin sakin yung ganon di ako papayag. Sobrang hanga talaga ko kay Mama pag ginaganon sya ni Papa kasi tahimik lang lagi si Mama. Ayoko ng ganon talaga, yung tinatanggap lang lahat ng sinasabi ni Papa, di ko kaya maging ganon. Hay anyways di ako makapag-internet ng maayos kasi leche talaga tong Globe di pa ko makagawa assignment ko!!! May midterm pa kami bukas hay wish me luck na lang talaga 🙂 Hay, panibagong araw na naman na hiling ko paggising ko wala na yung account na yon, ilang araw pa kaya ako matutulog ng ganto? Hirap na lagi ko sinasabi sa sarili ko na wag na isipin pero ang hirap pa din talaga. Tapos may bago na ngang hawak na account yung scammer na yon, nakausap ko din kanina hay kelan ba sila titigil 😭 grabe na yung trauma/perwisyo na ginagawa nila sa ibang tao, makonsensya naman sila. ☹️
3 notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
Jan. 12, 2021
Sabi ko matutulog ako ng maayos kagabi kaso bago matulog nagchat si Sherie na may nascam na naman nga. Nanghihina talaga ako lagi pag may nagc-chat nga 😭 di tuloy ako nakatulog ng maayos. Kaninang umaga paggising ko ayun nakausap ko si Ate, 15K naman nakuha sa kanila nung hayop na yon nung Linggo nila nakatransact nga. Grabe total of 42K sa loob ng isang linggo? Nasan ang kaluluwa nung hayop na yon? Pano sya nakakatulog sa gabi? Yun kaya pinangkakain nya sa pamilya nya para mabuhay? Nakakasuka. Nakakadiri. Pano nila nat-take yung ganong panloloko sa kapwa, what more pa kung bilyong pera nga nakuha katulad nung hayop na gobyerno na 'to. Hay grabe, sana lang magbago pa sila bago mahuli. Ayun, di na naman ako mapakali nga paggising at buong umaga kaso kailangan ko ifree yung mind ko kasi may midterm ako kanina buti na lang niremind ako ni Airon na magiging okay din lahat kasi kasama ko nga si Lord 🥺 hay sobrang blessed ko talaga!!! 💗🙏🏻 Ayun nauna na kami magkaroon ng tanong sa midterm bago yung actual test, sobrang thankful talaga ko kasi nasa tamang mga tao talaga ko!!! HAHAHAHAHAHAHA isa na naman nga pong subject ang nairaos pero walang natutunan 😂 grabe kailangan talaga pag 4th face to face na pls di ko na keri ang ganto lowkey miss na miss ko na sumakay ng bus grabe mag-isang taon na ko nabubulok sa bahay!!! TANGINANG GOBYERNO TALAGA TO!!! 😭 Antok na antok din ako maghapon kasi nga napuyat ako kagabi huhuhuhu pero mejj di na nag-online yung scammer ko hayop na yon sana wala na sya mapala talaga sa account ko para din matry ko marecover nga 😭 huhuhuhuhu need na need talaga namin ng magaling na hacker talaga!!! 😭😭😭 gustong gusto ko na mawala yung account na yon grabe na trauma/anxiety na nararamdaman ko hay anyways nagpractice me kanina job interview kahit na lagi akong binabash ni romar sa mga sagot ko hahahahaha kahit walang connect sa subject namin eto pinamidterm samin ni ma'am sana naman ma'am nagtuturo po hano 😂 hahahahahaha bukas ko na lang din sagutan yung sa midterm sa Kinematics may sagot naman na isusulat ko na lang. Antok na antok na talaga akooooo huhuhu sana paggising ko okay na lahat pls 😭🙏🏻
2 notes · View notes
qetsiyaaah · 3 years
Text
Jan 11, 2021
It's been a week, grabe sa isang linggong pagpapahirap na yon feel ko extention pa din to ng 2020 saken. Gustong gusto ko na lang talaga madelete yung account 😭 May nascam na naman pala nung Sabado, grabe sobra akong nanghihina kasi ang laking pera na naman nakuha nung hayop na scammer na yon 17K imagine!!! Buti na lang ang bait nung nascam kasi di nya sinisi sakin, please we really need more of this people that would really understand this unfortunate circumstances. Hay we really hope na tumigil na talaga mang-scam yung may hawak ng account ko. Hindi pa din kami nakakapunta ng munisipyo kasi sobrang pa-vip ni Tita Edith hindi mahagilap, pirma na lang nya kulang eh 😭 Tapos hanggang ngayon naghahanap pa din kami hacker nga hoping na meron talaga makakapagretrieve nung account ko without the legal process ng pag recover ng account ni facebook. Sana this week matapos na talaga to or sana paggising ko mamaya, wala na yung account. Kailangan ko lang talaga magtiwala kasi nakakapagod na mag-overthink di talaga sya nakakatulong. Sabi ko din gagawa ako ng mga activities ko ngayon kasi wala akong klase today, pero guess whaaaaat, wala akong nagawa hahahahaha nanuod lang ako nung last 2 episodes ng The Penthouse, sobrang bitin excited na ko sa season 2!!! Grabe narealize ko na okay na talaga ko ngayon kasi di ko na nga iniisip, tapos eh nakakanuod na ko kdrama ulit hahahahaha sana lang talaga matapos na hay mejj wala na ko energy magtype ngayon pero hiling ko talaga every minute na sana matapos na talaga tong problema ko. 🥺 Alam kong nah-hassle na din nga si Mama sa kakatanong ko, kung sana mababalik ko lang talaga yung oras. 🥺 Anyways, panibagong araw naman, may pag-asa pa ulit. ☺️
2 notes · View notes