Tumgik
rinadss · 6 years
Text
Random 05
Been carrying this for the past two weeks.
Ang hirap pala. Yung wala ka namang ibang intensyon kundi tumulong lang. Pero at the end, ikaw pa yung naging masama.
Mali ba? Mali ba na aminin ko ang totoo kasi may nasasaktan na? Mali ba na pinili ko na magsalita na dahil may naaapektuhan na? Masama ba ko?
Ngayon, ako ang may mali. Ako yung may ibang pagkakaintindi. Pero kelangan ba pati ang pagrespeto ay makalimutan? Ni minsan naman hindi ko sila itinuring na iba. Pinahalagahan ko sila na parang mga sarili ko ng mga kapatid. Pero bakit ganoon? Sumobra ba yung pagpapahalaga ko? Naging sobra ba ako na inisip ko rin at naging kampante ako na kapatid din ang turing nila sa akin?
Nakakalungkot. Ang bigat sa pakiramdam. Gusto ko silang tulungan. Pero siguro hanggang doon na lang. Nakakapagod na din pala. Nakakapgod isipin na sa huli, ako lang pala ang nagpapahalaga at sa kanila, ako ay balewala lang pala.
0 notes
rinadss · 6 years
Quote
How do you move on? You move on when your heart finally understands that there is no turning back.
1 note · View note
rinadss · 6 years
Text
Revealing with Faith
Bakit at ano nga ba ang nag-udyok sa akin para ibahagi ang kwentong to?
Nakasanayan ko na na habang nasa byahe ako papasok ang makinig ng musika. Kanina, nakikinig ako ng mga Worship Songs. Kahit madalas naman akong nakikinig nun, hindi ko alam pero bigla na lang sumagi sa isip ko na ibahagi na ang kwento ko.
Naalala ko din kasi yung kaibigan ko na halos pinagdadaanan din ngayon yung napagdaanan ko na. Magkaiba man ng sitwasyon pero sa parehong aspeto naman maihahalintulad. Yung kwento ko, hindi siya maituturing na big deal para sa ibang tao. Pero napakalaking bagay at pagbabago ang nagawa nito sa buhay ko.
2009. Yan yung taon na halos nagpaikot sa mundo ko ng biglaan. Papasok na ako ng college ng madiskubre na meron pala akong karamdaman. Aakalain mo bang ako pa ang unang nakaalam kesa sa family ko? Kinailangan kong pumunta nun sa Clinic ng University namin. Hanggang sa saktong kailangan nga nila akong makausap. Sinabi nila sakin na may sakit ako. Sinabihan nila ako na kailangan nilang makausap ang parents ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na halos hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong walang naririnig sa paligid ko. HIndi ko alam kung sino ang tatawagan ko. Si tatay nasa training pa nung mga panahon na yun. Wala rin naman si ate sa bansa. Hindi ko rin matatawagan ang lola ko. Kaya humugot ako ng lakas ng loob. Hindi pa man kami close nun ng stepmother ko. Pero wala na akong ibang choice. Tinawagan ko siya at sinabi na pinapupunta siya sa school para makausap pero hindi ko inamin sa kanya yung dahilan. Sinabi naman niya na pupunta siya. Kaya pinasukan ko na lang yung isang subject ko. Kahit sa klase lutang ako. Ngumingiti pero iba yung tumatakbo sa isipan ko. Hanggang sa nakaka-receive na ko ng missed call kay Mama Bing. Alam ko na na sa mga oras na yun alam na din niya. Hindi ko sinasagot yung tawag niya. Nag-message na lang ako sa kanya na nasa klase pa ako kaya hindi ko masasagot. Nag-reply naman siya na sa bahay na lang daw kami mag-uusap. Yung totoo, parang ayokong umuwi sa bahay nun. Ayokong umuwi na ang bubungad sakin na usapan ay may sakit ako. Parang ayokong maniwala. Gusto kong isiping nananaginip lang ako. Pero wala akong magawa. Yun yung katotohanan.
Nang makauwi ako nung gabing yun, sinalubong agad ako ni Mama Bing. Wala akong nagawa kundi umiyak na lang ng umiyak. Pwede pala yun. Yung dati napapanood ko lang sa TV yung mga ganun eksena tapos nung mga oras na yun nangyayari na sa’kin. Hanggang sa napatanong na lang ako kay Mama Bing kung mamamatay na ba ako. Takot na takot ako. Naitawag na nun ni Mama Bing kay Tatay yung nangyari. Umuwi siya nung gabi ding yun from Laguna sa training niya na dapat eh sa sumunod na linggo pa dapat siya umuwi. Akala niya natutulog na ko. Hinalkan niya agad yung noo ko. Sobra akong nagpipigil ng iyak ko nun. Ang sakit pala. Sobra.
Kinabukasan hindi ako pinapasok ni Mama Bing. Kailangan kasi naming magpa-second opinion. Nakakatuwa naman kasi nakikita ko talaga sa kanya yung pag-aalala kahit hindi niya ako tunay na anak. Nagpatest kami sa ospital. Lahat na tinest sa’kin. Pero sa huli, hindi nun nabura ang katotothanang may sakit nga ako. Pumasok na ko nung sumunod na araw. Pero nung pag-uwi ko inaapoy na ako ng lagnat. Dinala na naman ako sa ospital. 2 linggo mahigit akong hindi nakapasok. Binigyan ako ng mga gamot na kailangan kong inumin sa loob ng ilang buwan. Hirap na hirap ako. Alam ng mga taong nakakakilala sa’kin kung gaano ako kaduwag pagdating sa pag-inom ng gamot. Tapos biglang ganon. Malalaking tabletas ng gamot, tatlong piraso na sabay sabay. Pati pagpasok ko naapektuhan. Paputol putol yung pasok ko kasi ang dali kong lagnatin. Makakapasok ako ng ilang araw tapos absent ulit. Isang araw minessage ko si ate. Inamin ko sa kanya yung nangyari. Alam kong alalang- alala siya. Siya na rin yung tumawag kila tita sa’min sa Indang. Kinabukasan dumating na lang yung lola ko sa bahay. Dala niya yung paborito kong ulam. Naiyak talaga ako nun kasi hindi na ko nakakauwi sa kanya. Alam ko ring mahirap sa part niya na pumunta sa bahay nun kasi hindi naman sila okay ni Tatay pero pinuntahan niya pa din ako. Kinausap niya si Mama Bing at Tatay na kung pwede ako iuwi sa Indang. Nakiusap naman si Tatay na sa bahay na ako magstay kasi ang iniisip niya kung uuwi ako doon mahirap ang transportasyon. Kung sakaling sumpungin ako hindi ako agad madadala sa ospital di gaya kung na kay Tatay ako na malapit lang sa lahat. Pumayag naman ang Ina.
Tuloy tuloy ang pag-inom ko ng gamot. Nakakapasok na din ako. Akala ko okay na. Na gumagaling na ko. Pero mali ako. Nasa school ako nun. Hapon na at malapit na din mag-uwian. Nag-iba yung pakiramdam ko. Para kong nauubo na masusuka. Kaya pumunta muna ako sa CR. Deretso sa toilet bowl. Hanggang sa hindi ko na napigilan. Sumuka na ko ng sumuka. At hindi lang basta suka. Dugo na yung sinusuka ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Umuwi ako pero hindi ko sinasabi kay Tatay na ganun yung nangyari sa’kin sa school. Pagdating ko sa bahay derederetso lang ako sa kwarto. Sabi ni Mama Bing magbihis na daw ako kasi kakain na ng hapunan. Hinang-hina ako nun. Hindi ako nakapagbihis agad. Humiga lang muna ako sa kama ng maramdaman kong masusuka na naman ako. Pilit kong pinipigilan kasi natatakot din akong malaman ni Tatay at Mama Bing. Alam ko din kasing umaasa na sila na magaling na ko. Pero hindi ko nakayanan. Tumakbo ako pababa sa CR namin at sumuka na naman. Ang dami. Mas madami na dun sa sinuka ko sa school. Si Tatay kinakatok na ko kung okay lang ba ako sa loob hanggang sa hindi ko na napigilang umiyak at sabihin na hindi ako okay. Pinabuksan ni Tatay yung pinto. Nakita niya. Kitang kita niya ko na halos hirap na sa kakasuka. Pinaalalayan niya ko kay Mama Bing tapos ni-ready niya yung sasakyan. Ospital na naman ang abot ko.
Iyak na lang ako ng iyak. Bakit ako? Bakit ako pa? May nagawa ba akong mali? Sabi ko ang dami naman diyang iba na hindi nakakagawa ng maganda pero bakit kailangang ako? Nakakahiyang aminin pero kinwestyon ko Siya. Na kung bakit ako pa. Sabi ko hindi naman ako nakakalimot magdasal. Pero bakit? Bakit mas lalong lumala yung sakit ko?
Tinapos ko lang yung term tapos hindi na ko pumasok. Lagi na ako sa ospital. Pag dumadating birthday ko umiiyak na lang ako kasi tanong pa din ako ng tanong kung bakit. 2 years na halos sa ospital lang umiikot mundo ko. 2 years na araw-araw kailangan kong uminom ng 15 na tablets na iba’t ibang klase. 2 years na halos nagkakapasa na ko sa braso at binti na hindi ko na din maigalaw sa sobrang tapang at sakit ng iniinject sa’kin. 2 years na sa araw araw daig ko pa yung mga nag-aadik dahil sobrang groge na ko kakainom ng gamot. 2 years na walang humpay sa kakasuka pagkatapos tumalab ng gamot. Dalawang taon. Napakahaba ng dalawang taon n yun para sa’kin. Ang daming nawala. Ang daming pagkakataon ang nasayang. Nade-depress ako na yung mga kabatch ko ng mga panahon na yun guma-graduate na. Tapos ako, nagpapaka-master sa loob ng ospital.
Natapos ang dalawang taon. Gumaling ako ng tuluyan. Pinilit ko talagang bumalik sa pag-aaral. Parang gusto kong magbawi sa dalawang taong hindi ko nagawa ang mga gusto ko. Inaamin ko na talagang sinubok yung paniniwala ko dahil sa pinagdaanan ko. Hindi ko na Siya madalas kinakausap di gaya ng dati.
Fast forward. Nakatapos ako. At dinala ako dito sa Dubai. Dito ulit binuksan yung puso ko. Unti unti, lumalapit na ulit ako sa kanya. Kaya kung minsan hindi ko napipigilang umiyak. Kasi alam kong mali ako. Nagkamali ako na humina yung paniniwala ko. Nabulag ako sa pagtatanong ko na kung bakit. Nahihiya ako sa Kanya. Napaka-simple lang naman ng gusto Niya. Ang lumapit at maniwala lang tayo sa Kanya. Napaka-undeserving ko pero pangalawang buhay ang pa rin ang pinagkaloob Niya sa’kin.
Kaya nga ang payo ko sa kaibigan ko na may pinagdadaanan ngayon, maniwala lang Siya. Wag siyang bumitaw dun. Dahil kung tutuusin hindi niya mararanasan na umabot sa bingit ng kamatayan gaya ng napagdaanan ko.
Ngayon, ang sarap sa pakiramdam na mapalapit ulit sa Kanya. Ang sarap na sa araw araw na paggising ko, nakikita ko kung gano Niya ko kamahal. Alam kong hindi pa sapat lahat ng ginagawa ko para makabawi sa Kanya. Pero naniniwala ako na ang mahalaga ngayon ay bumalik na ako sa Kanya.
Nagagawa ko na din ngayon ipakita sa mga mahal ko sa buhay kung gano ko sila kamahal. Yung simpleng mayakap ko lang sila. Sinabi ko na sa sarili ko na sa pangalawang pagkakataon na to, I’ll make the most & best out of it. Ayoko ng maghold ng kahit anong grudge sa kahit kanino. Hanggat kaya kong mahalin at tanggapin lahat ng taong dumadating sa buhay ko ginagawa ko. May mga nakasakit sa’kin noon pero dahil sa chance na binigay sa’kin ni Lord, maluwag na akong nakapagpatawad.
Kaya kung isa ka man sa mga taong nasa buhay ko ngayon na makakabasa at makakaalam ng isa sa mga yugto ng buhay ko, salamat sa’yo. Salamat sa inyo. Salamat na nagkaroon ako ng pagkakataong makilala at makasama kayo. Mahalaga kayo sa’kin, walang halong biro.
0 notes
rinadss · 6 years
Text
Bakit tayo iniiwan?
Bakit nga ba tayo iniiwan?
Totoo naman eh. Walang sagot kung bakit nga ba tayo iniiwan. Maaaring may iba’t ibang dahilan, pero walang tama at penal na sagot sa tanong na to.
Paano ba ang tamang paraan ng pagmamahal para hindi tayo iwanan?
Tama naman yung iba eh. ‘Pag sakto lang yung binigay mo, sasabihing boring ka tapos iiwan ka. ‘Pag sobra naman, sasabihin nilang nakakasakal ka tapos sa huli iiwan ka na naman. Magkulang ka, iiwanan ka pa rin.
Sa paanong paraan ba dapat ka magmahal? Mukhang wala ka namang lulugaran pa. Maging sakto, sobra o magkulang ka man.
Ang hirap. Gusto mo lang namang iparamdam sa tao na mahal mo siya. Pero may dumadating talaga sa buhay natin na kahit gaano pa natin sila kamahal, hindi nila nagagawang pahalagahan yung pagmamahal na binibigay mo.
Kaya bakit nga ba? Pwedeng sagutin sa iba’t ibang dahilan. Pero yung mga dahilan na yun ay pwede mo pa ring kwestyunin ng bakit hanggang sa mapagod na lang kayong magtanong at hayaan na lang. Sa huli, hindi mo pa rin nakuha yung gusto mong sagot. Dahil sa huli...
KUNG IIWANAN KA, IIWANAN KA.
1 note · View note
rinadss · 6 years
Text
Mali ba? Hindi na naman ba tama? Paano?
0 notes
rinadss · 6 years
Photo
Tumblr media
http://iglovequotes.net/
330 notes · View notes
rinadss · 7 years
Text
Lord, sinusubok po ako. Pero hindi po ako magpapatinag kasi alam kong andyan Ka. Alam kong iga-guide Mo ko at hindi papabayaan. Kakapit lang po ako Sa'yo.
0 notes
rinadss · 7 years
Text
Dear Self,
Darating ang panahon na makakaya mo na. Darating din ang panahon na lahat ng takot mo ay mawawala na. Darating din ang panahon na hindi ka na muling mag-iisa. Sa ngayon, kalma ka muna. Sa ngayon, unahin ang sarili na mahalin. Pahalagahan ang mga bagay na ngayon ay meron ka at noo'y hindi mo nakikita. Ayusin mo ang sarili mo. Magpatawad at kalimutan ang mga bagay na nakasakit sa'yo. Maging malaya sa buhay na ngayo'y meron ka. Tumawa at maging masaya na para bang wala ng bukas pa. Sa ngayon ay ikaw lang muna. Huwag malungkot na ikaw ay nag-iisa. Maaaring hindi pa ito ang oras para sa inyong dalawa. Dahil maaaring ngayon, inihahanda na kayo para sa isa't-isa. At sa panahon ng pagdating niya, tiyak na ikaw ay lubusang magiging masaya. Siya ang kukumpleto sa mga kulang na piraso sa buhay mo. Siya ang magbibigay ngiting muli sa iyong labi. Siya ang magpapatunay na tama ang desisyon mong paghihintay. Dahil sa oras ng pagdating niya, handa at buong-buo ka na.
0 notes
rinadss · 7 years
Quote
Hinga... Tangi kong nagagawa kapag hindi ko na kaya.
0 notes
rinadss · 7 years
Text
Takot
Madalas ay ito ang nadarama ko. Sa lahat at sa maraming bagay. Bakit nga ba? Marahil ay sa mga nakaraang karanasan na kahit gusto ko mang bitiwan ay nakatatak na sa aking isipan at siya ng aking nakasanayan.
Takot akong makihalubilo lalo na sa ibang tao. Takot ako na magkamali. Takot akong ipakita sa iba na mahina rin ako dahil nakasanayan na ng lahat na matatag at malakas ako. Takot akong maramdaman nilang nasasaktan ako.
Ngunit sa paglipas ng panahon, iba ang aking napagtanto. Hindi pala ako takot na hindi ko magawa ang mga bagay na sa mata ng lahat ay tama. Hindi pala dahil sa takot akong magkamali.
Takot pala ako na mapalapit ng husto sa mga tao na sa huli ay iiwan din pala ako. Nakasanayan na ata ng aking isip na ako lagi ang naiiwan. Na sa huli ako pa rin ang nasasaktan.
Madalas, sinasabi ko na namanhid na ako. Na sanay na ang puso at isip ko sa ganoong senaryo. Ngunit sa tuwing mapapalapit ako sa iba ay biglang sumasagi sa aking isipan na maaaring mangyari na naman. Nasasaktan ako. Nakakalungkot. Mahirap dahil muli na naman akong mag-iisip kung paano ako ulit magsisimula kung sakaling iwanan na naman nila ako.
Takot ako. At ‘yun pala ang totoo.
0 notes
rinadss · 7 years
Text
One Sided
Paano nga ba nagiging “One Sided” lang kung minsan ang love?
One Sided sa paraang ikaw lang ang may gusto. Ikaw lang ang may nararamdaman. Ikaw lang ang nagpapahalaga. Pero siya? Ayun. Iba pala ang gusto niya. Sa ibang tao siya may nararamdaman. ‘Yung ibang tao ang kanyang pinahahalagahan. Masakit mang isipin at sabihin. Pero oo. Hindi ikaw.
Bakit nga ba ganon? Gusto mo pero 'di ka gusto. Mahal mo pero iba ang mahal niya. Nasasaktan at nagseselos ka ng wala kang karapatan.
One Sided. Nandiyan ka lang sa isang tabi, sa isang sulok, umaasa na sana isang araw mapansin ka rin niya. Pero malabo 'di ba? Kaya mas pinipili mong panoorin na lang siya na may nagugustuhang iba habang ikaw bugbog na sa sakit na iyong nadarama. Mas pipiliin nating tayo ang masaktan makita lang nating siyang masaya. Unfair? Oo. At 'yun ang totoo.
Minsan kaya ginugusto na lang nating maging One Sided sa love ay dahil (siguro) sa takot. Takot na baka kapag ipinaalam natin sa kanya ay ma-reject lang tayo. Takot na mag-iba ang lahat sa inyo. At takot sa panghuhusga ng ibang tao. Sobrang sakit na nga ng sitwasyon na meron ka, palalalain mo pa ba?
Pero kung minsan din naman talaga mas okay na ang ganitong status. Sino nga ba namang hindi sasaya kung nakikita mong 'yung taong mahal mo ay masaya? Kahit pa 'yun ay sa piling ng iba. Ganon naman talaga eh. Love is not selfish. You are more than willing to sacrifice everything just for the happiness of the one you love. Kahit ang kapalit pa non ay ang masaktan ka.
Maaaring sa ngayon ganito ang status na meron ka. Ako, naniniwala ako na ngayon lang 'yan. Darating at darating ang panahon na kapag natuto ka ng buksan ang puso mo sa iba, makikita mo din 'yung taong sa mga oras na 'yun, mahal mo at mahal ka na. Siguro kailangan mo lang talagang pagdaanan sa ngayon ang One Sided status. Para may malaman at matutunan ka. Kumbaga hinahanda ka lang. Lalo na ni Lord. Para sa oras na ibigay niya na sa atin yung taong nakalaan talaga sa atin ay handa at buong-buo na tayo. At siguradong sa mga oras na 'yon, napakasarap sa pakiramdam. Nasaktan, nadapa at nagkamali ka man sa mga una mong subok, masasabi mong sa huli, worth it ang lahat.
Love is selfless. Lagi nating pipiliin 'yung tama para sa mahal natin. Mga bagay na makapagpapasaya sa kanila. Okay na 'yun. Sapat na 'yun para sa atin. Lagi nating uunahin siya bago ang sarili natin.
Kung sa mga pagkakataong nasasaktan tayo ng hindi sinasadya, okay lang 'yan. Huwag kang mag-iisip o makakaramdam ng anumang pagtatampo o galit sa kanya. Aminin na natin. Tayo naman ang pumili sa estadong meron tayo. Hindi nila alam at wala silang kasalanan 'don. Ni minsan ba naisip mo ring may nasasaktan ka ng iba ng hindi mo nalalaman? Naisip mo rin bang may isang taong pinili ang One Side love status ng dahil sa'yo? Wala ka ring kamalay-malay. Kasi pinili din ng taong 'yun kung saan ka magiging masaya. Kagaya mo, masaya at nasasaktan din siya dahil alam niyang hindi kayo pwedeng dalawa. Hindi lang sa'yo unfair ang love.
“Balang araw, mapapagod din ako. Puso ko na rin ang mismong susuko. Mapapagod din ako kakahintay sa'yo kahit wala naman talaga akong hinihintay. Mapapagod umiyak sa tuwing nakikita kang masaya sa kanya. Mapapagod sa tuwing naririnig kong sinasambit mo ang pangalan niya. Mapapagod na paulit-ulit binabasa ang old conversations natin. Mapapagod tignan araw-araw ang mga pictures mo. Mapapagod din umasa na balang araw ay mamahalin mo din ako. Mapapagod din ako. Dadating ang araw na magkikita tayo na wala na akong nararamdaman. Dadating din ang araw na mare-realize mo kung gaano ako kahalaga sa'yo. Hindi dito natatapos ang lahat. Nagpapasalamat pa din ako kasi binigyan mo ako ng senyales na hindi pa pala ikaw para sa'kin. Kung ano 'yung saya na dinulot mo sa'kin, sana may dadating pa na taong mas dodoble pa sa saya na dinulot mo.”
Mga kataga at salitang nagmula mismo kay Zj, kaibigan ko, na nasa ganitong estado. Sa huli, aabot ka talaga sa ganoong punto.
Pagod.
Pagod na sa kabila ng lahat ng sakripisyo at pagtitiis ay sa huli alam mong wala ng patutunguhan. Unti-unti ka ng bibitaw dahil sa umpisa pa lamang ay wala ka naman talagang kinakapitan. Wala kang pinanghahawakan. Walang masama sa pagbitaw mo. Ang mahalaga ay nagawa mong ipakita at ipadama sa kanya kung gaano siya kahalaga sa buhay mo. Hindi man ito nasuklian sa paraang gusto mo.
Sa oras ng pagbitaw mo dahil sa matinding pagod, bumitaw at magpahinga ka lang. Masusugatan ka. Oo. At malamang malalim 'yun. Ipahinga mo lang ang puso mo. Gaya ng totoong sugat, huwag mong tapalan ng kahit anong benda o band-aid. Hayaan mong makahinga. Makahinga ang puso mo. Kasi kagaya ng sugat, kapag tinapalan mo agad, makukulob ito. Makukulob ang puso mo sa nakaraan at lalo itong magsusugat. Lalo itong hindi maghihilom.
Magpahinga ka lang. Gamutin mo ang sarili mo. At pagkatapos, bumangon ka ulit. Buksan mong muli ang puso mo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan dahil lang sa nasaktan ka.
Oo. Nandiyan na ang takot sa puso at isip mo. Takot na posibleng maulit na naman ang lahat. Na baka ikaw lang ulit ang nagmamahal. Pero huwag mong gamitin ang takot mo para isarado ang puso mo sa pagkakataong magmamahal ka ulit ng bago.
Yung sakit, nandiyan na 'yan. Parte na 'yan ng love. Sabi nga, hindi mo malalamang totoong nagmamahal ka kung hindi ka nasasaktan. At 'yang sakit na 'yan? Wala 'yan. Walang-wala 'yan kumpara sa sayang ibinibigay sa'yo 'pag nagmamahal ka. One Sided man yan o mutual, sa huli mangingibabaw pa rin 'yung love. Love na kahit sino pa sa atin ay walang makakapagpaliwanag.
1 note · View note
rinadss · 7 years
Quote
Take my mind and take my pain like an empty bottle takes the rain and heal, heal, heal, heal
Heal (If I Stay)
1 note · View note
rinadss · 7 years
Text
Random 04
Gusto kong lumayo. Gusto kong muling mapag-isa. Gusto kong maramdamang muli ang mundo ko noon na tanging puso at isip ko lamang ang aking inaalala. Ang mundo na kung saan ito lamang ang kumikilos habang ako'y nanunood lamang sa isang sulok sa pagtakbo nito.
Ngunit hindi na pwede. Hindi na dahil pinasok ko na ang mundo ng realidad. Hinayaan ko ng mapasok nito ang tahimik kong mundo.
Tama pala. Sa mundong ito ko mararamdaman lahat. Na sa kabila ng tuwa at saya ay kaakibat ang hirap at sakit. Mga matang mapanuri at mapanghusga. Nakakapagod din pala.
Pero andito na ko. Hanggang tanaw na lang ang magagawa ko sa noo'y mundo ko. Dahil kailangan ng harapin ang lahat. Hindi lang para sa akin kundi para na din sa pamilya.
Pinili ko ito. Pinili kong pumasok sa makabagong mundo. Hindi pala madali. Pero eto na ko. Wala ng bawian to.
Pagpapakatatag. Yan na lang ang tanging magagawa ko.
1 note · View note
rinadss · 7 years
Text
Young Love
“Bata ka pa.”
Yan ang mga salitang madalas nating naririnig sa mga nakakatanda sa atin kapag nagsisimula ka ng makaramdam ng pagkagusto sa isang tao. Lalo na kung babae ka.
Bakit nga ba?
Siguro nga kasi masyado pang maaga para sa'yo ang ganitong experience. Kahit na sabihing hindi maiiwasan dahil madalas ay parte na ito ng paglaki natin.
Sa mga kabataan ngayon, hindi pa nila agad nauunawaan ang mga katagang ito. Masyado silang nadadala sa takbo ng panahon. Na kadalasan ay nauuwi sa madaliang desisyon. Oo. Masarap sa pakiramdam ang ganitong experience. ‘Yung may nagugustuhan ka at may nagkakagusto sa'yo. Pinakamasaya pa doon ay 'yung pakiramdam na gusto ka rin ng gusto mo. Sabi nga nila maganda rin iyon dahil nagkakaroon ka ng inspirasyon sa mga ginagawa mo. Nakakatuwa. Nakakakilig.
Pero sa mga taong napagdaanan na ang ganitong sitwasyon, madalas nilang sinasabi ang mga katagang “Bata ka pa.” Totoo. Bata pa nga kayo, tayo. Hindi dahil sa edad kundi dahil sa maging ang nararamdaman natin ay bata pa. Hindi pa ganoong nauunawaan lahat ng bagay na may kinalaman sa pag-ibig. Hindi pa kayo, tayo ganoong kahinog para sa mga ganitong bagay. Masyado lang tayong nadadala sa ating mga emosyon.
Masarap. Masaya. Ngunit dapat din nating isaalang-alang ang mga payo sa atin. Hindi porket sinabing bata ka pa ay pinipigilan ka na makaramdam ng mga ganitong bagay. Sa halip ay isa itong paalala sa mga kabataan na may mga bagay, lalo na kung may kinalaman sa pag-ibig, ay hindi minamadali. May tamang panahon para diyan. May tamang oras para umibig.
May mga taong darating sa buhay natin na maaaring magbago sa takbo nito. Mga taong pwedeng magpasaya at makasakit sa atin. Mga taong magpapatawa at magpapaiyak sa atin. Ngunit sa kabila ng magaganda at pangit na karanasan, kasabay nito dapat ang pagkatuto sa bawat bahagi ng buhay na ating pagdadaanan. Hindi masamang magkamali dahil bata ka pa. Ang masama ay ang hindi ka natuto sa pagkakamali mo at paulit-ulit kang bumabalik sa pagkakamaling ito.
Masarap maging bata. Kaya dapat habang bata ka pa i-enjoy mo lang. Makipagkaibigan. Tumawa. Maging masaya ka. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa mga bagay na ikaw mismo ay alam mong hindi pangmatagalan.
1 note · View note
rinadss · 7 years
Quote
Don't hold on to something that has already let go of you.
0 notes
rinadss · 7 years
Photo
Tumblr media
Here is where my journey begins. It wasn't the easiest decisions I have ever made. I have lots of things to sacrifice. And above it all is being far away from home. Far away from everything I have been used to. The things my heart have been attached to. It breaks my heart leaving home. Leaving my father. But as what he always say to me, maybe God has plans for me that he lets me move away. I believe in that. God has his purposes. And I know that it is for me. To make me experience the real world can offer. To stand on my own feet. To become stronger and independent. Now that I am here, I lift up and surrender everything to Him. God's plan is always better than I have for myself. And I trust His every single plan for me.
1 note · View note
rinadss · 7 years
Text
Family
Everybody wants to have that so-called "Perfect Family". Mine just isn't. Yes, I did grew up from a broken family. My parents got separated when I was (maybe) 8 or 9 years old. From then on I've been longing for a complete family. My mom died when I was 10. I got to stay with my father and her new wife when I finished high school and was about to go to college. I was so desparate to have a family. Even if I was so confused about things back then, I just got to accept everything. And that is because of family. Today, I was so close on giving up. I didn't imagine in my whole life to witness such thing as fighting and wanting separation. There are so many thoughts running through my mind. Am I gonna experience a broken family again? My family. They're all I've got. I don't know what will I do if I'll ever eperience it again. My head aches. My heart is broken. I don't know. It's as if I have lost words to say something. I just want to run now. Go somewhere far that no one knows. Hide myself from everyone. I just want to be alone.
0 notes