BLOG ENTRY 1: Any writing activity you did in SHS
By: Lonon, Jhonjul
Our teacher made us do an activity about historical places in our country and we will give it an essay. First I thought of a place with a lot of background storyline, Finally we thought of a place for me to give an essay and I chose the Clark abandoned hospital, I chose it because there are many background stories about this place and a lot of bad things happened here and when I did my essay I learned a lot of things from it and it gave me a lot of ideas and I was very happy because I found out and learned a lot while doing our essay and I did it a few times because I missed some things and details while doing the essay. It was a bit difficult because the background storyline of Clark Abandoned Hospital was too broad and too long. and finally I finished my essay and I will pass it to my teacher.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BLOG ENTRY 2: Short Story
By: Nuay, Samantha
Cat In The Snow
In the month of December, We traveled to Western China during the snow season with my family. My hands were red from being so cold as I collected some snow to make a snowball. I was surprised to see a cat with light gray and yellowish-reddish fur walking towards me. Although it is incredibly cute, I feels awful for the cat because it looks like it might attack me as it gets closer. I hurriedly down the snow, but I fell and the cat nipped my arm as it prepared to attack me. Thankfully, a man named Diego intervened to fend off the cat and saved me. Diego provided me a first aid pack right away and warned him not to keep the Pallad Cat as a pet since it is harmful. Pallas the cat is wonderful to look at but if kept as a pet, it would be genuinely miserable and possibly make you sad as well.
Setting: This short story takes place during a snowy season in December in Western China.
Characters: Me, Diego and the Pallas Cat.
Plot: As part of the story's narrative, a Pallas cat attacked me, and I later discovered just how deadly they are.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BLOG ENTRY 3: Tanaga
By: Angeles, Malaikah Eunece
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BLOG ENTRY 4: Flash Fiction
"Life story" By: Matthews James Tacsuan
I sat down to write my life's story, in a clean white paper, on my typewriter, but my thoughts was dry and brittle.
"My Grandmother and I" By: Princess Angel Santos
We were all relieved when my grandmother returned home after I had gone to the hospital to care for her. However, when morning arrived, I learned that she had been rushed back to the hospital, and it was the last time we would see each other.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BLOG ENTRY 5: One Act Play
By: Nuay, Samantha
TITLE: Mockingbird
CHARACTERS :
Maria : Ang ina ni Sinta at kapatid ni Berto
Sinta : Labing-pitung taong gulang, kapatid nina Rita at Kiro.
Berto : Kapatid ni Maria at pamangkin niya si Sinta.
SETTING :
December 26, 2019, Velasquez St. Tondo, Manila.
(SCENE 1: Bandang 6 ng gabi araw ng Huwebes, may isang pamilya ang nagsalo-salo.)
(Niligpit ni Sinta ang hapag kainan at bumaba upang umihi.)
Maria: Sinta! Saan ka na ba at mag igib na ng tubig para ipanghuhugas ng pinggan!
Sinta: Sandali lang po ina at ako’y umiihi pa.
Maria: Dalian mo at napakatagal mo! Halos wala ka na ngang ginagawa dito sa bahay, tatamad-tamad ka pa!
(Nakabusangot at padabog na umakyat si Sinta habang dala-dala ang isang balde na may lamang tubig.)
Maria: Oh ano! Padabog-dabog ka pa! Pinapakuha ka lang naman ng tubig, tinatamad ka pa!
Sinta: Sinabi ko naman sa iyo na ako’y umiihi pa, hindi ka makapag hintay. Halos ako na nga nag aalaga sa mga kapatid ko makapag-trabaho ka lang, sasabihan mo pa ako na wala na akong ginawa dito sa bahay! Wala kang utang na loob, dinagdag mo pa akin ang responsibilidad dito sa bahay!
(Lumapit si Maria kay Sinta ay sinampal niya ito.)
Maria: Ako pa ang walang utang na loob? Ako na nga nagpapa-aral, nagpapakain at binibigay ang pangangailangan niyo dito sa bahay, ako pa ang walang utang na loob? Bastos kang bata ka!
Sinta: Hindi naman namin hiniling mabuhay para ibigay mo ang pangangailangan namin upang tanawin yun ng utang na loob! Kaya siguro tayo iniwan ni tatay dahil ganiyan ang ugali mo, anak kayo ng anak tapos ako rin ang mag-aalaga? Tao rin ako, nahihirapan rin ako!
Maria: Aba! Sumasagot sagot ka na! Hindi mo lang alam mga sakripisyong binigay ko para sa inyo simula nung iniwan tayo ng tatay niyo tapos ano! Ito ang isusukli mo sa akin!
(Galit na sinabunotan at pinagsasampal-sampal muli ni Maria si Sinta ngunit sinasaktan na ni Sinta ang kaniyang sarili habang siya ay lumuluha.)
Sinta: Oh sige pa! Sampal-sampalin mo pa ako! Jan ka naman magaling, ang saktan ako!
(Natigilan si Maria, tumigil siya sa pananakit sa kaniyang anak at umalis ngunit kitang-kita sa kaniyang mga mata na siya ay lu-luha na.)
(SCENE 2: Kinaumagahan, kinausap ni Berto si Sinta dahil sa mga pangyayari.)
(Naghanda ng pagkain si Sinta para sa umagahan, ngunit biglang dumating ang kaniyang Tito na si Berto, pagod galing trabaho.)
Berto: Nabalitaan ko ang sagotan n’yong mag-ina, huwag masyadong mag-padala sa iyong nararamdaman.
(Patuloy parin si Sinta sa kaniyang ginagawa, nagpa-panggap ito na may hinahanap ngunit patagong tumutulo ang kaniyang luha, palihim niya rin itong pinupunasan.)
Berto: Naiintindihan kita Sinta, naiintindihan ko ang iyong nararamdaman. Tahan na, pag-pasensyahan mo na ang iyong ina dahil pagod lang ‘yon sa trabaho at maraming problema kaya’t ikaw ang napagbu-buntongan niya.
(Marahang lumapit si Sinta sa kaniyang tiyuhin, niyakap nita ito ng mahigpit.)
Sinta: Tito pasensya na kung nagiging pala-sagot na akong bata, hindi ko na po ‘yon uulitin. Lalabas nga po pala ako ngayon para pumunta sa parke kasama ang aking mga kaibigan.
Berto: Huwag ka sa akin manghingi ng tawad, sa iyong ina dapat dahil kayo ang nagka-sagotan. Oh itto pera, mag-enjoy ka sa parke kasama ang mga kaibigan mo. Mag-ingay kayo!
(Kinuha ni Sinta ang inabot ng tiyuhin niya'ng pera.)
Sinta: Opo tito, salamat.
(SCENE 3: Pag-sapit ng alas singko ng hapon, matapos ni Sinta mamasyal sa parke, siya ay naglalakad sa kanilang street patungo sa kanilang tahanan.)
(Pagbukas ng pinto ni Sinta, siya’y kabado at nagtaka dahil walang ilaw ang kanilang tahanan, laking gulat niya nang buksan niya ang ilaw.)
Berto at Maria: Surprise! Maligayang kaarawan sa’yo Sinta!
Sinta: Jusko! Nakaka-gulat naman kayo, akala ko’y mahihimatay na ako. Ngunit maraming salamat sa surpresa, may pa-decoration pa! Hindi ko ‘to inaasahan. Akala ko nga nalimutan niyo na kaarawan ko ngayon kaya lumabas na lamang ako kanina.
Maria: Alam mo ba na si Tito Berto mo ang nag-decorate niyan at gumastos ng pang handa mo.
Sinta: Nako! Maraming salamat po tito.
(Ngumiti lamang si Berto at sinindihan niya ang kandila ng keyk.)
Berto: Oh! Ang pinakamamahal kong pamangkin, Ano ang wish mo?
Sinta: Ang wish ko po, ay sana magkaayos kami ni mama. ‘Yun lang po.
(Lumuluhang lumapit si Maria sa kaniyang anak at niyakap ito.)
Maria: Alam mo anak, pasensya na kung mainitin ang aking ulo. Maraming salamat dahil kayo ni Tito mo ang naging katuwang ko sa buhay. Sana hindi ka magbago, anak. Dahil napakabuti mong bata, huwag kang sumukong abotin ang pangarap mo dahil andito lang kami ng Tito mo. I love you anak.
Sinta: Ma, sorry din po kung nagiging palasagot ako sa’yo. Hindi ko na po ‘yon uulitin, I love you too ma.
(Niyakap ni Sinta ang kaniyang ina, lumapit rin si Berto at sumali sa yakapan ng kaniyang kapatid at pamangkin.)
THE END.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BLOG ENTRY 6: Children's Story
By: Angeles, Malaikah Eunece
Si Meribel at Marybal
Bagong dating lang ang galang pusa sa bahay na ito, ito na ang huling bahay na kaniyang pupuntahan ngayong araw upang manguha ng mga pagkain sa mesa dahil nabusog na siya sa bahay ng kaniyang kaibigang pusa na si Merong kanina dahil kanilang nilantakan ang isang buong cake na nakatago sa loob ng ref.
Buong araw naghahanap ng pagkain ang galang pusa sapagkat siya ay isang galang-pusa lamang ngunit sa kaniyang huling bahay na kukuhanan ng pagkain ay naka-abang si Meribel isang bahay-pusa na nag-aantay sa pagdating ng kaniyang amo na si Mamamiya.
"*M-e-o-w* Anong ginagawa mo sa lamesang ito?" tanong ni Meribel "Makikikain *meow* lang sana" sagot ng galang pusa "Hindi maari, iniwan ang cake na yan para sa akin at hindi para sayo. *Meow*" dagdag ni Meribel "O, sige *meow* tutal busog den naman nako. Magpaka-busog ka *meow*" sagot ng galang pusa.
Iyon ang unang pagkikita nila Meribel at ni galang pusa ngunit simula noon ay balik na nang balik ang galang pusa sa bahay ni Meribel ngunit lagi siya nitong dinadamutan ng pagkain hanggang sa isang gabing umuulan ng napaka-lakas naghihingalong pumunta ang galang pusa sa bintana ng bahay ni Meribel at nagmamakaawang papasukin ito at pakainin ng pagkain "Parang awa mo na *meow* *meow* wala na akong makakain, tatlong araw na *meow* ako palabo'y-laboy sa *meow* baryong ito" pagmamakaawa niya. "Sinabi nang hindi pwede *mmeoww* lahat ng pagkaing nandirito ay pawang akin lamang at hindi para sa iyo palaboy na galang pusa *mmeoww*" sagot ni Meribel.
Umalis na umiiyak ang galang pusa. Araw-araw niyang pinupuntahan ang bahay ni Merong ngunit hindi na ito bumalik, naglalakad siya sa papunta sa tapat ng bahay ni Meribel nang kunin siya ng isang babae at dinala ito sa kaniyang bahay.... pabalik sa bahay ni Meribel?, dali-daling nagpupumiglas ang galang pusa ngunit dahil sa pagkaing biskwit ay hinayaan niya na lang ito.
Pagdating sa bahay tuwang-tuwa sinabi ni Mamamiya na may kasama na si Meribel at pinangalanan niya ito Marybal dahil sa pareho silang kulay itim at pati ang kulay ng kanilang mata ay pareho ngunit magkaiba, si Meribel ay kulay berde ang mata sa kaliwa at lila nman sa kanan samantalang si Marybal ay kulay berde sa kanan at lila na may asul sa kaliwa. "Oh! diba may kapatid kana!! Meribel at Marybal ang aking dalawang anak" masayang-masaya anunsyo ni Mamamiya "dinala ko siyang sapagkat ang payat payat niya na at mukang hindi siya nakakain ng ilang araw" dagdag pa niya. Agad nang hingi ng paumanhin si Meribel kay Marybal at buong galak namang pinatawad ni Marybal si Meribel at simula non lagi na silang naghahati sa pagkain.
The End.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Blog Entry 7: Groups Reflection for Creative Writing
All of my team members took part in writing this blog article. We all found this interesting because we learned new skills, such as how to write a blog post and stories as well as flash fiction. The individuals who contributed to its creation are listed below:
1 note
·
View note