Visit Blog
Explore Tumblr blogs with no restrictions, modern design and the best experience.
#baby kanya 馃挅
danniburgha month ago
hehe moo moo 馃悇
baby baby mooo
look:
Tumblr media
(it me whenever you post something new tbh)
send me a 馃悇 and I'll reply with a random pic
14 notesView notes
pilyongpinoy3 years ago
Text
Epic Fail Date
Huwag kang malungkot kung wala kang kadate sa araw ng mga puso. At least kahit malungkot ang puso mo ay masaya naman ang bulsa mo. Nakatipid ka sa pagbili ng chocolate, bulaklak, stuffed toys at anumang hanash ng mga tao sa Valentines Day. Ang mga nagpauso lang nyan ay mga taong hindi nakatanggap ng regalo noong Pasko kaya nag-take advantage na sa Araw ng mga Puso. Ano naman kung mag-isa ka sa Feb 14. Isipin mo na lang ay pagkatapos ng lungkot ay payday na ang kasunod!
Kaya okay lang yan kung wala kang kasama. Maniwala ka na hindi lahat ng couple na magkadate ay masaya. At hindi lahat ng date ay successful. Kaya narito ang Top 5 Epic Fail Date Moments ng mga couple.
Top 5 Epic Fail Date Moments
1. Di pa man kayo nagtatagal sa date nyo ay sinabi na nyang "Yung 500 mo, gawin nating limang libo".
Pasado na siya para sayo. Okay naman ang itsura nya. Mukhang mayaman, amoy mayaman at parang lumaklak ng ilang boteng gluta. Akala ko sya na pala ang para sayo pero yun pala, FAIL! Dadalhin ka lang pala sa networking. Pagkatapos kang paasahin na may pagtingin sya sayo, paaasahin ka rin na yayaman ka. Iba na rin ang mga tao ngayon, pati pakikipagdate gagawin para makapag recruit. Kaya ingat ingat lang sa mga taong sweet sa umpisa, akala mo ay mahal ka, yun pala may iba namang pakay. Patay ka.
2. Habang nagdadate kayo ay may lalapit sa ka-date mo at sasabihing "Babe, sino yang kasama mo?"
Pag sinabing fail, fail talaga ang eksenang ito. Imagine na nasa gitna ka ng romantic date, tapos biglang darating yung jowa nya at hindi ka aware na may jowa siya. Boom! Back off! Kaya wag mong pag aksayahan ng panahon ang mga taong may jowa naman palang iba dahil sa huli, talo ka. Mahirap maging 3rd party, deserve mo na ikaw lang. At kung kaya niyang lokohin ang jowa nya, kayang-kaya ka nya ring lokohin. Choose wisely kapatid.
3. Sobrang nag-eenjoy ka na sa date nyo tapos may nag-abot ng baby sa kanya dahil need na nyang magpadede.
Single nga ang ka-date mo, pero single mother pala. Whaaaat. Ang epic siguro na habang nagde-date kayo ay nakalabas ang boobs nya dahil nagpapa-breast feed sya. Kung mahal mo naman ang babae at seryoso ka sa kanya, dapat tanggap mo na complete package sya. Dahil kung hindi, sa simula palang ay tigilan mo na. Ang pagmamahal ay selfless. Take it or leave it. Girls, kung may magmamahal sa inyo, dapat yung tanggap ang anak mo at ang nakaraan mo.
4. You're having a romantic same sex date tapos biglang sinabi nya na "Alam mo bang kasalanan ang pagiging bakla?"
Walang masama sa same sex relationship at hindi naman kasalanan kung pinanganak kang lalaki na may kaluluwang babae. Nasa mundo na tayong tanggap kung ano man ang kasarian mo. Go lang! Ibandera ang watawat wag lang isusuko ang Bataan! Hindi naging kasalanan ang pagiging bakla at hindi ito isang sakit na nakakahawa. Ang masama ay ang paggawa ng hindi mabuti sa kapwa. Kaya kung sasabihin man sayo ng ka-date mo na kasalanan ang pagiging bakla, sagutin mo sya ng "bakit ka naging bakla? Edi makasalanan ka?". Lol
5. After ng akala mong successful date, bigla nyang sasabihin na "Thank you sa treat kuya"
Awwww. Kuya-zoned! Ang sakit na akala mo okay na ang lahat eh. Akala mo may susunod pa at attracted ka sa kanya pero biglang naging kuya ka nya. Accept the fact na ayaw nya o hindi sya ready. Tinawag ka nyang kuya means polite way na gusto nyang sabihin na "ayaw nya sayo, makiramdam ka naman". Makiramdam ka kapatid. Kung wala talagang pag-asa, give up na. At least sinubukan mo diba. Pero kung kaya mong magpakatanga, sige manligaw ka pa.
OTHER BITES
Kapag naramdaman mo na wala na talagang pag-asa ang date nyo, maaaring subukan mo ulit. Pwede kasing nag-fail lang sa simula kasi nahihiya pa kayo sa isat-isa o kaya naman ay hindi kayo comfortable o pwedeng masama ang pakiramdam ng tyan nya at taeng tae na sya kaya sya nagmamadaling umuwi. Ang lesson ay try and try lang, pero know your limitation. Mahirap naman yung pinagsisiksikan mo yung sarili mo sa isang taong ayaw naman sayo. Parang pagsakay ng train lang yan, kapag walang space para sayo, wag mong ipagpilitan ang sarili mo. Kasi may darating pa namang iba na tatanggap sayo. Sumuko ka man sa taong iyon, hindi ibig sabihin na ayaw mo sa kanya. Naging practical ka lang para hindi ka magmukhang tanga.
57 notesView notes
danniburgh21 days ago
dani dani dani!!!!!
lub u hehe <333333
PRINCESS KANYA!!!
i luv u too babe 馃ズ馃ズ馃ズ馃ズ馃挅馃挅馃挅馃挅馃挅 i miss u!!
6 notesView notes
danniburgh3 months ago
bebi 馃ズ .......
Tumblr media
i love dinosaur chicky nuggies stoppppp
Tumblr media
i love you HARD
6 notesView notes