Tumgik
#bitag
kafka-zs · 4 months
Text
May nagtanong sa akin, na maski ako hindi ko masagot-sagot buhat sa kalagayang kinasasadlakan ko ngayon.
Sabi niya,
Tumblr media
Bakit nga ba? Napakatulin, napaka-ilap, at napakadulas dakpin ang rason nitong mga nakaraang araw upang magpatuloy.
Wari’y hindi mainam at hindi pa rin sapat ang gawing pain ang sariling paghihirap at paghakbang nitong mga buwan. Hindi pa rin sapat gawing bitag ang mga malalamyos na salita na humahagod sa likod upang sumulong.
Humiga ako sa damuhan at pinakiramdaman ang paligid. Gumugulong ang mundo, pagulo rin nang pagulo ito. Tumatakbo ang segundo at pasukal nang pasukal niring isip, pailap din nang pailap ang rason para bumangon, subalit nagitla’t naalimpungatan, nagising sa ilang; nagising mula sa matinding bangungot; gising na’t dilat na niring mga mata subalit hindi pa rin napapalis ang kirot.
Naliligaw at paulit-ulit lamang na bumabalik sa pinanggalingan, nahaharangan na ang mga katwiran ng bulok at naaagnas na kaisipa’t walang katuturan. Kumikilimlim na mga ulap, dumidilim na rin ang diwa, mga dahilan ay tuluyan nang naubulid sa pusikit at naitangay ng nag-uunahang luha.
May milyon-milyong paraan upang manalo subalit ang kalaban ko, meron ding mga bilyon-bilyong paraan para ako’y matalo’t sumuko. Bakit ba kc napakahirap kalabanin ang sarili ko?
1 note · View note
ilaw-at-panitik · 2 years
Text
Tila ako si Bidasari — Patay sa araw, buhay sa gabi: Naghihintay kay Sultan Mogindra Na sa buhay ko’y ikaw; Naghihintay ng maalat na halik Na isisiil mo sa dagat na dibdib Upang ibangon ako Sa masasamyong panaginip.
Laon, Laon na, Laon na ngang ika’y naghihintay Sa mga hubad na paang iyong idadantay Upang muli’t muli’y iyong mapakislot Ang kiliti kong natutulog Sa balakang at batok.
Ay, dilim lamang ang aking kaibigan, Ang karagatang lalanguyan Ng gintong isda nga aking pagnanasa. Kaya’t doon Doon mo iamba Ang salakab ng dudupil Sa mala’y kot pagkamulat. Lambat mo’y ihagis, Ihain ang bitag, Lamayin ako sa iyong magdamag.
Ruth Elynia Mabanglo, "Tila ako si Bidasari"
10 notes · View notes
dmedrrt · 2 years
Text
Magandang Balita Biblia. 1 Timoteo 6:7-9
[7]Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito.
[8]Kaya nga't, dapat na tayong masiyahan kung tayo'y may kinakain at isinusuot.
[9]Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan.
6 notes · View notes
buhaytuklas · 5 days
Text
Tama Lang Yan Wag Tayong Matakot Sa Isang Abusado Sa Kapangyarihan Wag Natin Hayaan Na Gamitin Nila Ang Kanilang Pwesto Para Mang Abuso Ng Maliliit Na Mamamayan, Ipa Bitag Mo Agad Kung Nakita Mong May Pang Aabusong Ginagawa Sayo O Kahit Kanino Pa, Walang Sasantuhin Si Bitag Ben Tulfo, More Power Sa YouTube Channel Mo Idol Ben Bitag Tulfo.
View On WordPress
0 notes
manilacreator26 · 5 days
Text
Tama Lang Yan Wag Tayong Matakot Sa Isang Abusado Sa Kapangyarihan Wag Natin Hayaan Na Gamitin Nila Ang Kanilang Pwesto Para Mang Abuso Ng Maliliit Na Mamamayan, Ipa Bitag Mo Agad Kung Nakita Mong May Pang Aabusong Ginagawa Sayo O Kahit Kanino Pa, Walang Sasantuhin Si Bitag Ben Tulfo, More Power Sa YouTube Channel Mo Idol Ben Bitag Tulfo.
View On WordPress
0 notes
starpilipinas26 · 5 days
Text
Tama Lang Yan Wag Tayong Matakot Sa Isang Abusado Sa Kapangyarihan Wag Natin Hayaan Na Gamitin Nila Ang Kanilang Pwesto Para Mang Abuso Ng Maliliit Na Mamamayan, Ipa Bitag Mo Agad Kung Nakita Mong May Pang Aabusong Ginagawa Sayo O Kahit Kanino Pa, Walang Sasantuhin Si Bitag Ben Tulfo, More Power Sa YouTube Channel Mo Idol Ben Bitag Tulfo.
View On WordPress
0 notes
nardzkii · 8 days
Text
TRUE NARRATIVE
A true narrative essay is a true story, with plot, action, suspense characters and setting which delivers a theme it does an incident that you experienced or observed
EXAMPLE OF TRUE NARRATIVE
Is navy seal chris kyle at gun range, most lethal Sniper in US
youtube
TESTIMONY
It's a declaration of truth or fact and evidence or proof provided by the existence or appearance of something.
An example of testimony, a testimony of an fish crackers, hulog sa bitag
youtube
0 notes
meccaela · 30 days
Text
Paano pumatay nang hindi makukulong?
(Naranasan mo na bang pumatay? Osige, iibahin ko ang tanong. Gusto mo bang pumatay? Gusto mo bang pumatay nang hindi makukulong? Makinig ka Dahil may ikukuwento ako sayo Minsan kasi, may nakilala ako. Hindi naman siya kriminal. Pero eksperto siya sa usaping ito. At oo, sa katunayan nga, sa kanya ko natutunan ang teknik na 'to)
Paano pumatay nang hindi makukulong?
Ganito, humanap ka ng biktima
Yung inosente at walang muwang
Yung sa tingin mong hindi manlalaban
Pag nahanap mo na siya,
Kilalanin mo siya
Alamin mo ang lahat lahat ng tungkol sa kanya
Hindi lang yung pangalan o kaarawan niya
Puntiryahin mo rin yung mga bagay na hindi alam ng iba
Lahat ng pinakatatagong lihim niya
Mga bagay bagay na hindi mabababakas pero tinataglay niya
Pasukin mo!
Ang buhay niya
Ang mundo niya
Alamin mo lahat ng ayaw at gusto niya
Tanungin mo kung bakit puti at itim ang paboritong kulay niya
Kung bakit ayaw niya sa suka at bakit mahilig siya sa pusa
Hayaan mo siya
Na isalaysay ang taglay niyang hiwaga
Makinig ka habang iniisa-isa niya ang mga weirdong pangyayari sa buhay niya
At dahil minsan ka na lang papatay nang hindi makukulong, magpapakasadista ka na!
Galingan mo sa pagpapanggap, na kunwari nakikinig ka talaga
Hayaan mo siyang magkwento
Hayaan mo siyang masanay sa kompanya mo
Hayaan mo siyang gisnan ang pagkakaroon ng kaibigan na tulad mo
Hayaan mo siya na ibahagi sa'yo yung mga bagay na takot na takot siyang masialyan man lang ng ibang tao
Hayaan mong gumaan ang loob niya sa iyo
Hanggang sa mahulog siya sa bitag na inihanda mo
At kapag nahulog na siya sayo
Saluhin mo
Kasi nga minsan ka na lang papatay nang hindi makukulong, magpapakasadista ka na!
Kaya oo, saluhin mo muna
Paniwalain mo siya na parehas kayo ng nadarama
Tandaan mong inosente siya sa mundong sinusubukan mong ipakilala sa kanya
Kaya't dalhin mo siya sa lugar na hindi niya pa napupuntahan
Iparamdam mo sa kanya ang mga hindi niya pa nararanasan
At sa sandaling maghangad siya ng isang simpleng harana, alayan mo siya ng engrandeng banda
Sa sandaling maghangad siya ng plastik na kubyertos at plato, alayan mo siya ng mga yari sa ginto
Sa sandali na maghangad siya na mahawakan man lamang ang buwan, alayan mo siya ng isang buong kalawakan
Dahil 'ika nga nila
Hindi alam ng tao ang kailangan niya
Hangga't hindi ito direktang inihahain sa kanya
Kaya wag mo lang siya basta pakainin
Palamunin mo siya
Hayaan mong mabuo ang tiwala niya
Hayaan mong matunaw ang takot niya na baka bigla kang mawala
Hayaan mong tignan niya ang bukas na kasama ka
Hayaan mong maging ikaw ang sentro ng buhay niya
Hayaan mong maging ikaw ang buhay niya
Hanggang sa hindi niya na makita ang sarili na nabubuhay nang wala ka
Samahan mo siya
Na magpakalunod sa ligaya na hatid ng iyong presensya
Manatili ka sa tabi niya habang unti-unti siyang natututo na kumatha ng tula
Tula, na tungkol sa'yo at kung gaano ka niya sinasamba
Tula, na tungkol sa labis na tuwa dulot ng unang tao na nagparamdam ng ganoong klaseng pagmamahal sa kanya
Kung gaano siya kaswerte dahil dumating ka sa buhay niya At kung gaano kalakas ang paniniwala niya, na ikaw na nga ang una't huling tao na mamahalin niya at magmamahal sa kanya
Tula na tungkol sa kung gaano ka niya kamahal na umaabot sa punto na kung mali ang mahalin ka hindi niya gugustuhin maging tama
Tula na nagsasabing mahal na mahal na mahal ka niya
Makiramdam ka!
Kapag alam mo na masyado na siyang nalilibang sa hatid mong saya
at masyadong na siyang nalulunod sa samahan ninyong dalawa, tipong ikaw na yung palaging hanap hanap niya at ramdam mo na mahal na mahal ka na niya talaga
Saka ka unti-unting magbago
Saka ka unti-unting manlamig
Saka mo unti-unting ilayo ang sarili mo sa kanya
Saka mo unti-unting bawiin lahat ng inaalay mo sa kanya
Saka mo unti-unting dalangan ang pagsasabi sa kanya ng mga salitang na nagdudulot sa kanya ng kakaibang ligaya
Unti unti, oo
Kasi nga minsan ka na lang papatay nang hindi makukulong, magpapakasadista ka na!
Kaya oo, unti unti
Dahil wala nang mas sasakit pa sa pamamaalam na hindi mo pa naririnig ngunit nadarama mo na
Na alam mong hindi pa nangyayari pero paparating na
At kapag pagod ka nang makipaglaro sa kanya
Kapag sawa ka nang umisip ng panibagong kasinungalingan pa
Kapag naubusan ka na ng dahilan para manatili pa
Iwan mo na siya
Bitawan mo siya
Nang walang paliwanag at kahit na ano
Sa isang iglap, ituring mo siya estranghetro o kahit na anong walang kwenta para sayo
Sa isang iglap, bigla kang magbago,
Maging ikaw yung tao na hindi interesado sa mga kwento niya
Yung tao, na hindi nasasabik sa mga tula niya
Yung tao, na hindi iniisip ang nararamdaman niya
Yung tao, na hindi alam kung paano mahalin ang tulad niya
Hayaan mo siyang tanungin ang sarili niya kung anong maling nagawa niya Hayaan mo siyang mabaliw kaiisip kung ano pa ang kulang niya
Hayaan mo siyang manatiling gising hanggang umaga na luha lamang ang tanging kasama
Hayaan mo siyang magsulat ng tula na masakit at malungkot ang tema, Hayaan mo siya na maging mapagpanggap, ipakita sa madla na masaya kahit sa totoo lang ang sakit sakit na
Ituturing niya ang bawat araw bilang isang tanikala
Na nakatakda niyang dalhin ang sakit dulot ng iyong pagkawala
Pipiliting tanggapin ang katotohanang wala na, wala nang kayo at wala na yung dating siya kasi wala ka na
Pero mananatili siya sa pagkapit sa pag-asa na babalik ka pa
At walang gabi na nindi siya hihiling na sana paggising niya nandyan ka na
Pero kakainin ng liwanag ang dilim at darating ang umaaga
Magigising siya na tanging malamig na hangin ang sasalubong sa kanya At hindi siya tanga, alam niya, alam niya na isa itong paalala na wala nang babalik pa
Kahit na ilang balde pa ng luha ang iiyak niya
Mapuno man ang bawat sulok ng mundo ng mga tulang isusulat niya
Alam niya
Na hindi na mauuulit ang lahat pero umaasa siya
At babangon siya
Magpapatuloy siya
Kahit na alam niya
Na isa ang mga araw na iyon sa itinakda
Upang isampal sa kanya ang katotohanan na wala ka na
Upang muli na naming maramdaman ang pagkadurog sa tuwing sasagi sa isip niya na umalis ka na
At maya’t mayang sisikip ang dibdib dahil sa pagpipigil ng luha
Dahil bawal malaman ng iba na nasasaktan siya
Pero babangon siya
Magpapatuloy siya
Nang
Buhay pero patay
Patay pero buhay
Buhay na pinatay pero nanatiling buhay
kahit ayaw na niya, ayaw na niyang mabuhay
pero ayaw niya pang mamatay kasi hinihintay ka niya
Buhay pero patay
Patay pero buhay
Buhay na pinatay pero nanatiling buhay
kahit ayaw ko na, ayaw ko nang mabuhay
pero ayaw ko pang mamatay kasi hinihintay kita
Oo ikaw
Ikaw na nagturo sa akin ng taktikang ito
Kung paano pumatay nang hindi nakukulong
Ang galling ‘di ba? Ikaw yung pumatay sa akin pero ako yung nakakulong
Nakakakulong sa nakaraan
Kaya hanggang ngayon hindi pa rin kita nakakalimutan
Kasi naman ba’t ‘di mo pa ako tinuluyan?
Kasi kung alam ko lang na magkakaganito
Hihiling ako sa’yo
Sana pinatay mo na lang talaga ako
Kasi mas mahirap palang mabuhay araw-araw
Habang unti-unti akong pinapatay ng mga ala-ala mo…
0 notes
Text
le kell írnom
Az elmúlt hónapokban nagyon megviselt minden. Rossz döntést hoztam az elején, belehabarodtam egy másik fiúba, amíg Balázs nem volt itthon. Annyira hiányzott ő, de hiányzott a testiség, valakinek a közelsége, hiányzott valakit szeressek is gondolom. És akkor, amikor hosszú hónapok óta nem tudtunk Balázzsal minőségi időt együtt tölteni, jött valaki, akivel csak azt tudtam. És hát így elég nehéz Balázsnak labdába rúgni vele szemben. Nehéz a helyzet, mert nagyon sok minden köt Balázshoz,d e valahogy már azt érzem, hogy nem szeretme annyira. És ez annyira megnehezíti a mindennapjaim, metr azon gondolkozom, hogy akkor most azonnal szakítsak vele. De közeben meg ezt nem akarom, mert tudom, hogy nem valós az az ítélet, amit hoznék, hiszen kb semmi időt nem tötöttünk együtt. Ennek ellenére nehéz elviselnem most a közös időt, mert folyton azon kattog az agyam, hogy ennek ilyennek kell lennie? Szeretem újra? Nem szereteme? Nem szeretem eléggé? Mennyire kell szeretnem ahhoz, hoyg az még elég legyen? Mennyi áldozatot hozok/hoztam érte az életemben? Nem iszem túlzásba? Nem felejtetetm el élni, aióta vele vagyok? Biztos rendben van az, hogy hétköznap dolgozom, hétvégén meg anyukámékkal csinálok király programokat? Nem kéne közösen is csinálnunk király programokat? Elég király programok azok, amiket közösen csinálunk?
Promgramok, amik Balázzsal voltak nyáron: - átmentünk motorcsónakkal a szüleihez - hamburger mielőtt elment két hétre - átmotorcsónkázás Olympicra - Bitag burger - 420-asokért elmentünk Ausztriába - Simon's burger + biciklizés - füge lekvár - kaparás - szülinapi vacsi + torta - Oppenheimer Csopakon
hmmm 3,5/5 not bad, not terrible. Mondjuk már 2. nyara nem jutunk ki Zug Vogel-lel, pedig azt gondoltam, hogy azon majd jól megkéri a kezem (persze nem idén de egy napon). Igazából ezek a progik tök rendben vannak csak az a durva, hogy három hónap alatt tudunk ennyit összehozni. Konkrétan nem volt hetente egy. Mamáék hetente egyszer elmennek moziba, meg egyszer közösen ebédlnek vagy vacsiznak. Mondjuk ezt egészen nehéz, ha a másik hosszú hetekig nincs itthon. Valószínűleg velem van a baj. Valahogy nagyon zavar az érzelmeim változása. Amikor Balázs Melgesen volt és tökre fasz volt velem ott törött el valami. Akkor megtörtem, vagy nem is tudom hogyan lehet ezt jól mondani, de valahogy azóta nem érzem ugyanazt iránta. Ebben biztos benne van, hogy lett közben valaki más is. A valaki mást próbálom visszaszorítani, bár nagyon nehéz, mert tökre inkbb vele beszélgetnék, mint a Balázzsal sokszor. De közben meg minden egyes alkalommal amikor meglátom elönt a szeretet. Tudom, hogy most mit kell tennem. Tudom, hogy most ki kell zárnom minden más férfit az életemből, és csak Balázsra koncentrálnom, és megnéznem, hogy visszajön-e az érzés. Mert azért 3 és fél évet az ember nem dob el csak úgy. Csak közben meg annyira leterhel lekileg annak a súlya, hogy nem tudom mi lesz. Hogy tudom, hogy ha nem jön vissza az érzés akkor meg kell bántanom és kurva szar lesz neki is meg nekem is. És annyira szeretném, hogy vissazjöjjön az érzés, de valahogy nem megy. És keresem az indokokat már hosszú-hosszú napok, igazaából egy hónapja, hogy miért és hova tűnt el a szerelem, de egyszerűen nem találok rá magyarázatot. Azt sem tudom, hogy eltűnt- e igazán. Leírtam ezt, nem tudom, hogy jobb lett-e, legalább kijött belőlem, legalább nem nyomja talán annyira a lelkem.
most akkor nincs más dolgom, mint türelmesen várni, várni, hogy az érzés visszajön-e. Úgy gondolom november vége egy szuper időpont lesz ennek. Addigra fogunk elég sokat együtt lakni ahhoz, hogy érezzem. Illetve el kell mondanom Balázsnak, hogy mit érzek. Bár azt gondolom tudat alatt ő is érzi, mert mostanság nagyon kedves velem és nagyon megbecsül. Sejti ám ő, hogy valami nem olyan mint szokott lenni. Nem is tudom leyik lenne jobb, hogyha visszatalálnék hozzá, hogy azt már korábban tettem, vagy ha véget érne és nem lenne többé kétségem a kapcsolatomat illetően. Mondjuk olyan kapcsolatom meg úgysem lesz, amiben nem lesz kétségem.
Abbahagyom az írást, mert mennem kell a normális dolgaim csinálni, de hát akkor legyen november vége.
0 notes
blossombleue · 11 months
Text
From Isla to Alabang (and back)
Description: This is an output for my Journalism 101 class where we were tasked to write about a unique occurrence in our area.
“Hello…hello?”
Isang di-pamilyar ngunit malumanay na boses ang narinig ni Pandi, isang pangolin. Kaiba ito sa mga nakakatakot na tahol ng mga aso na huli niyang narinig bago siya masagip sa isang bakuran sa Ayala, Alabang. Dahan-dahan niyang inunat ang sarili mula sa pamamaluktot at tinignan ang mga tao sa kaniyang paligid.
Si Anna Varona, isang environmentalist at conservation advocate, ang sumuri ng kanyang kondisyon. Marahan niyang sinundot ang ilong ni Pandi at napansing wala itong mucus. Sumailalim din ito sa isang x-ray test.Ani Varona, sa timbang na 4.9 kilos, malusog ang pangangatawan ni Pandi at maaaring kapupuslit pa lamang sa kanya sa Maynila.
Nanganganib nang maubos ang kanilang uri. Katunayan, atunayan, ang mga pangolin ang tinuturing na most trafficked mammal ayon sa World Wildlife Fund. Bawat araw ay isang malaking hamon sa kanila upang mabuhay at makatakas mula sa bitag ng mga mangangaso na nagtatangkang gamitin sila sa ilegal na pamamaraan. Sa patuloy na pagkalbo ng kagubatan ay nagiging mas mahirap para sa kanya ang magtago at manatiling ligtas. Binebenta ang kanilang mga laman bilang pagkain at ang kanilang mga kaliskis upang iproseso bilang bag, boots, at sinturon. Ani Varona, nagkakahalaga ng P100,000 ang isang kilo ng karne ng ganitong uri.
Si Pandi ay ang pangalawang pangolin na nasagip mula sa barangay. Huling narescue noong 2018 si Panggoy na sa kasamaang-palad ay namatay habang hinihintay na mailipad pabalik sa Palawan. Suspetsa ng sekretarya ng barangay na si Dodie Matanguihan ay may iba pang residente na nagtatago ng ganitong nanganganib na uri kung kaya’t sumulat ang barangay sa NBI upang humingi ng tulong.
Sa ngayon ay nakabalik na si Pandi sa kaniyang tahanan sa Palawan. Nasa pangangalaga siya ng National Wildlife Rescue and Research Center bago naging lulan ng Cebu Pacific Flight 5J 563 isang araw matapos mairescue. Labis na pag-iingat ang ginawa ng Cebu Pacific Team upang mapanatiling malusog ang kondisyon ng pangolin hanggang sa siya ay maiuwi.
Ngayon ay masaya na si Pandi sa piling ng isla at ng mga puno. Gayunpaman, nanatili siya, ang kanyang mga kauri, at ang iba pang nanganganib na uri mula sa bitag ng mga sakim at mapang-abuso na mga tao. Nasa peligro ang kanilang buhay mula sa patuloy na pagsira ng mga kagubatan at pabago-bagong panahon. Nawa’y magsilbi itong paalala na tayo ay manindigan sa kanilang karapatan na mamuhay nang ligtas at payapa sa mundong ito.
0 notes
icenacream · 1 year
Text
BLOG ENTRY #6: CHILDREN'S STORY
Tumblr media
 Ang ibong nasa hawla written by: Kk
      Isang araw, may isang ibon na puti at maganda ang pakpak. Lahat ng kailangan niya ay naroroon, at ibinibigay ng tao.  Ang ibon ay hindi kontento, bagaman.  Gusto niya talagang lumipad sa himpapawid.
      Nakalimutan ng may-ari ang hawla na isara. Ang ibon ay tinanong ang sarili kung ito ba ay isang bitag at nag-iisip na marahil ito ay isang pagsubok lamang, upang subukan ang kanyang katapatan.  
      Ngunit sa unang pagkakataon sa buhay nito, sinubukan ng ibon na lumabas sa hawla.  Masaya ang pakiramdam ng ibon.  Napansin ng ibon na nakabukas na bintana sa kanyang harapan, naniniwala ang ibon na ito ay walang silbi. Ano ang silbi ng pagtakas kung hindi ko alam ang kung ano ang mayroon sa labas? Sagot ng ibon sa sarili, alam sa kaibuturan na gusto nitong lumabas ngunit siya ay natatakot.  Bilang resulta, ang ibon ay hindi sumusubok na lumipad.  
      Nagising ang ibon sa ingay, nakita ng ibon na bumili ang may-ari ng isang napakagandang puting pusa. Pagsapit ng takipsilim, sinusubukan ng pusa na makalapit sa ibon. Bakit hindi ka tumakas kung bukas ang hawla mo at bintana?  Tanong ng pusa. Hindi ako marunong lumipad, sagot ng ibon. bakit hindi mo magawa?  Tanong ng pusa.  Dahil, hindi ko kaya. nalilito ako kung saan magsisimula, ang sabi ng ibon.
(Kung gusto,may paraan;kung ayaw,palaging may dahilan) sabi ng pusa sa ibon.  Mayroon ka ng pagkakataon kaya wag mong sasayangin.  Tandaan, isa kang ibon, sabi ng pusa.  Ang mga salita ng pusa ay ay naging tulong sa ibon upang palakasin ang loob nito.
      Ang ibon ay naghanda nang umalis ngunit siya ay natumba, hindi mapagaspas ng maayos ang pakpak at nanghihina. Kaya mo yan! sabi ng pusa. Sa pangalawang subok ay matagumpay na nakalipad ang ibon at matagunpay na nag paalam sa kaibigang pusa. Simula nuon madalas ng makita ng pusa ang kanyang kaibigang ibon na lumilipad sa himpapawid.
Wakas
0 notes
sheimariyala · 1 year
Text
RENDA KATUMBAS NG DISIPLINA
Lehitimong Kalinga
Ay... kawawa naman
Mga salita na palagiang naririnig
Kapag bata'y luluha, uuha
Kapag ito'y may gusto na hindi makuha
Ay... kawawang bata
Napakapamilyar na puna
Kapag nene o totoy
Nasaksihang may gawaing nakatoka
Mapalad ang supling na,
Sa ganitong inaawaan ng iba na ideya
Ang mundo sa kanila'y ipinamukha
Sa mga kagustuhan nirerendahan
Sa produktibong paraan dinidisiplina
Pagsasanay sa bata na pamahalaan,
Pagnanais mapasakamay lahat ng mga kagustuhan;
Paggawa ng maayos, nararapat at makabuluhan,
Nakakaawa na lagay ay hindi kailanman
Sagisag ang mga ito ng lehitimong kalinga
Dalisay na pagmamahal, pag-aalalang tunay
Paghahanda sa malubak na daan sa buhay
'Pagkat ang magtaglay ng sariling pangingimi ay solido't matibay na sandata
Preno
Karapatan ko 'to hindi dapat mabahala
Hala! paano naman ang iisipin nila
Hindi na mahalaga hindi naman ito'y sa kanila
Kanya-kanyang pili, para sa 'kin naman ang resulta, hindi sa kanila
Oo nga naman, pero saglit lang muna
Tumatanda na ako, nararapat hinog na 'to
Sa mga napagdaanan marapat lang ang natututo
Pagpadalos-dalos 'di na mabilang ilang beses
Tanging hangad lamang mapasakamay ang ninanais
Gawing pagsulyap sa malaking bitag ay hindi na
Maging pakikinig sa pagsaway ay wala
Ngayong tumatanda mas lumawak pag-unawa
Marapat na'ng magkaroon pagprenong kakayahan
Upang kapusukan ay maibsan
Lalo kapag walang kasiguraduhan
Epekto'y sa sarili nito lang rin lalasapan
Hangganan
Kaibigan kita, oo
Kung kaya'y totoo ako sa 'yo
Magkakilala man o hindi,
Pareho tayong mga tao
Kung kaya'y pinapahalagahan salita't gawing respeto
Magsasasaya tayo
Punahan, tuksuhan
Bardagulan minsa'y personalan
Hahayaan kang susulpot-sulpot kung iyong kinakailangan
Hindi hinihiling na komento pababayaan
Estrangherong puna papayagan
Ngunit muling sasabihin ko
Alam kong ito na ay alam mo
Ngunit muli ay sasabihin ko
Lahat ng bagay ay may dulo
Kung kaya'y ikaw rin ay pahalagahan ang salita't gawing pagrespeto
Huwag lahat ay panghimasukan, ideya o espasyo
Dahil sa bandang ito ay seryosong pupunahin ka na
At 'pag ito'y mangyaring talaga
Huwag magalit o ang loob ay sumama
Bagkus makinig ka para sa ikabubuti ng mga susunod pa
#SaranggolaBlogAwards12
Lahok sa Saranggola Blog Awards 12.
Tumblr media
https://www.saranggola.org
Tumblr media
http://culturalcenter.gov.ph
Tumblr media
0 notes
stcrlghts · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
you need to calm down + the bisexual flag
125 notes · View notes
buhaytuklas · 5 days
Text
Tama Lang Yan Wag Tayong Matakot Sa Isang Abusado Sa Kapangyarihan Wag Natin Hayaan Na Gamitin Nila Ang Kanilang Pwesto Para Mang Abuso Ng Maliliit Na Mamamayan, Ipa Bitag Mo Agad Kung Nakita Mong May Pang Aabusong Ginagawa Sayo O Kahit Kanino Pa, Walang Sasantuhin Si Bitag Ben Tulfo, More Power Sa YouTube Channel Mo Idol Ben Bitag Tulfo.
View On WordPress
0 notes
manilacreator26 · 5 days
Text
Tama Lang Yan Wag Tayong Matakot Sa Isang Abusado Sa Kapangyarihan Wag Natin Hayaan Na Gamitin Nila Ang Kanilang Pwesto Para Mang Abuso Ng Maliliit Na Mamamayan, Ipa Bitag Mo Agad Kung Nakita Mong May Pang Aabusong Ginagawa Sayo O Kahit Kanino Pa, Walang Sasantuhin Si Bitag Ben Tulfo, More Power Sa YouTube Channel Mo Idol Ben Bitag Tulfo.
View On WordPress
0 notes
starpilipinas26 · 5 days
Text
Tama Lang Yan Wag Tayong Matakot Sa Isang Abusado Sa Kapangyarihan Wag Natin Hayaan Na Gamitin Nila Ang Kanilang Pwesto Para Mang Abuso Ng Maliliit Na Mamamayan, Ipa Bitag Mo Agad Kung Nakita Mong May Pang Aabusong Ginagawa Sayo O Kahit Kanino Pa, Walang Sasantuhin Si Bitag Ben Tulfo, More Power Sa YouTube Channel Mo Idol Ben Bitag Tulfo.
View On WordPress
0 notes