Tumgik
#buhay sa pinas
sikmurangmaingay · 1 year
Text
If my situationship with e.r is a playlist, it'll consist of these songs:
Katy Perry-The one that got away
A Fine Frenzy-Almost Lover
Stevie Wonder-Part time lover
Melanie Martinez-Carousel
Beyonce-Best thing I never had
Magnus Haven-Imahe
Arctic Monkeys-I Wanna be yours
Kyla-Anong daling sabihin
Nina-Someday
Freestyle-Before I let you go
3 notes · View notes
jeuzwrld · 14 days
Text
Di ko alam kung paano ko sisimulan but may something sa akin na ayoko talaga.
So eto na, kapag may umaaway sa akin, gumagawa ng masama, or naninira basta something like that eh nakakarma sila somehow.
May time na naopen ko na rin to dito sa tumblr so parang nahihirapan na ako contrahin yung something na ito.
Noong isang araw I have a fight with one of my friend/co work ko, verbal fight lang naman syempre bawal ang physical and turi ko dito sa taong ito is friend and family pa nga, medyo masama kasi minsan yung attitudes ng mga tao towards me, even friends or tropa sa work, di naman na ako yung good guy na di na pumapalag tulad noon, I mean kapag nasa tama ako pinaglalaban ko talaga, so yun nga sigawan etc. But after ilang hours nagkapasensyahan na kami, nag usap, nag ayos kasi yung mga pinag awayan naman is work related lang. So edi kwentuhan na kami ganon ganon. Noong isang isang araw pa pala ito.
Kahapon sobrang close na ulit, kinuwento niya travel niya sa shore leave nila, showing pictures may chocolate pa nga na bigay. Tropa ko talaga to talagang may times lang sa work na di pagkakaunawaan.
But napansin ko masama ang pakiramdam niya and nahihilo siya, then I suggested na pumunta na siya ng hospital kasi ganon akong tao, kahit di ako mukang nag cacare eh talagang care ako sa lahat, ayoko ng nagkakasakit or di okay lalo na mga co work ko. So pinilit ko pa siya kasi nahihilo siya at pinaupo ko na nga, tapos pinapunta ko na hospital, sinabi ko magpaalam lang sa manager namin. Then yun nga di na bumalik nag SL na. Mukang okay naman na siya kahit pano nung nakita ko sa crew mess nung dinner.
The thing is everytime na may nang away sakin may nangyayari na ganyan, for example that good friend, nagkakasakit siya o aksidente kaya nag SL kapag nag aattitude siya sakin or nagkakaaway kami.
May nang aaway pa nga sakin na nagkakaprob sa pamilya sa Pinas etc. Basta madami pang iba kahit nung nasa Pinas ako, even nung college o mga kapitbahay namin na mga atribida, kamaganak etc.
Hirap na hirap ako pigilan yung ganon, kaya tinatanggal ko yung galit ko eh, even celebrities kapag naasar ako before nagkakaroon ng bad/something negative sa kanila, kaya tinatanggal at natanggal na galit sakin eh. Kaso minsan di ko mapigilan mainis at sumama ang loob kaya may times na may nangyayari sa iba na may ginawa sakin masama alam ko man o hindi. Tho nalalaman ko naman kasi I have my connections and muka lang akong ewan ewan pero alam ko mga nangyayari sa paligid ko.
Ang hirap kasi ako na nga nakikipagayos madalas din just to make sure na walang karma but still even small or sometimes big karma sa mga gumawa sakin ng masama o nangaway eh nagkakaroon pa rin sa kanila.
Hindi ako nag wiwish ng masama sa kapwa kaya pinipigilan ko mainis at sumama ang loob kasi kapag nangyari yun dahil sa tao o mga tao alam ko may mangyayari na di nila magugustuhan.
I hope na lagi ko mahold yung temper ko sa mga tao at sana magkaroon ako ng tahimik at ayos na buhay na walang gulo at away kasi ayoko may mangyari na masama sa ibang tao dahil sa inaway ako o ginawan ako ng masama.
22 notes · View notes
papersparrows · 6 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Week 1 🖤
Hirap pa rin ako mag adjust sa schedule ko dahil 2-3 hrs ang allotted time ko for commute. Papunta at balik so 6 hrs din sa isang araw ko ang dedicated sa commute pa lang yan huhu.
Wala na kong buhay halos dahil wala na kong time sa kahit ano, kain na kain ng work hours plus travel time ko daily.
PERO sobrang hirap magreklamo dahil alagang-alaga kami sa work. First day pa lang spoiled na kami agad. Ang babait ng mga tao super friendly. Kahit yung mga boss namin from Sweden ang babait may pasalubong pa nga samin ang cute cute nila tapos kalaro lang namin mag ping-pong at kakwentuhan :((((
Grabe din yung culture. Ang approachable ng lahat and super helpful at friendly and generous
So bale ako na lang yung mag-aadjust at lalapit sa office hahaha. Di option sakin lumipat dahil ang hirap talaga makahanap ng work na hindi toxic at all, alaga kami, and mahal ko ginagawa ko.
Ayoko sana magbitbit ng kotse dahil ayoko naman problemahin ang parking at gas pero I think eventually I need to. Ang laking kain sa oras ko ng travel time ko eh wala na kong pahinga halos. But, hindi pa ko praktisado magdrive sa labas ng city ko so will need to practice that muna.
Planning to move out na rin maybe next year. Sabi ko nga ako na talaga mag-aadjust at lalapit sa opisina haha. I just love it here. Close agad kami ng team ko and parang 1 year na kaming magkakakilala kahit 1 week pa lang :') 💖
Yung mga boss namin from Sweden, lumipad for the first time dito sa Pinas para lang mameet kami huhuhu. Grabe they are so supportive and encouraging. Last day ng office namin tinreat nila kami ng lunch dahil babalik na sila sa Sweden tapos dami nilang pics na kinuha samin dahil mamimiss daw kami. Ang dami ko ring natutunan sa kanila. Grabe will miss them sana bumalik sila agad 🥺
16 notes · View notes
ginniemouse · 8 months
Text
Di ko sure pero siguro sa tagal ko ng nagwo-work as a freelancer at rekta sa mga kliyente ang trabaho ko, parang naki-cringe na ako sa sa mga ibang company and small agencies.
I'm currently employed rin sa isang small agency dito sa Pinas. Nakaka-miss naman talaga yung may HR, and etc. (Wala lang rin SSS, PhilHealth, etc.)
Recently, during my monthly check-in sa HR, chine-check yung mga tasks that I'm doing which is understandable naman.
Ang funny lang, every time na may sabihin akong tasks na ginagawa ko, may nire-recommend si accla na software, working techniques, eh kakasabi ko nga na meron ang client and hindi ko naman basta-basta mai-implement yon.
Eto pa. Yang mga time tracker na nagsi-screenshot every 10 minutes, nakakaloka.
As an EA, minsan talaga kapag chill lang yung ginagawa. Tho madami, pero matatapos mo for a certain period and you'll check it from time to time lang. Ibig sabihin, may mga downtime.
Tapos ang mga accling, gusto nila during downtime, mag review at basahin ko yung mga nasa Google Classroom and short training nila doon. Kasi nga, kapag downtime, bumababa yung productivity level.
Di ko alam. I appreciate the concern. But I don't think that's an honest concern at all.
Ang sa akin lang talaga, ang hirap hirap na ng buhay sa Pinas at kamamahal na ng mga bilihin. Kahit pa mataas ang earnings ng VA, saks lang to live a comfortable life.
We've been working graveyard shifts and that's a danger sa health natin. Sana man lang, yang mga downtime na yan ay ibigay na sa atin ano man yung gawin ng employee lalo na kung tapos na yung mga tasks and all. Parang di ka talaga pwede mabakante ng gagawin. Ano naman kung yung sa konting downtime eh makapanood o mag scroll sa social media yan o kaya umidlip.
Eto talaga yung reresign-an ko by the end of this year or early next year.
13 notes · View notes
stringssinsideme · 29 days
Text
I can’t stop thinking about bringing her home. Yung ma experience niya yung init ng Pinas kahit alam kong mag rereklamo yon, yung makilala niya lahat ng taong importante sa akin, makita niya yung lugar kung san ako lumaki, yung madala ko siya sa mga favourite food spots ko, makita niya yung culture, at gusto ko makita kung paano siya maamaze na sa halagang 5 dollars sobrang daming food na niya mabibili.
Hindi ko naman alam ano ang future kung siya ba talaga o ano pero kung siya na masaya ako kung oo. Napaka unpredictable na kasi ng buhay ko kaya go with the flow nalang ako. Kung mag sstay siya sa akin salamat naman at kung hindi salamat pa rin.
2 notes · View notes
jpehg · 1 month
Text
Sino si Alex Alexanderson? 130324 1316
Nung college ako, meron akong prompt sa isang libro. Tungkol siya sa isang binata na may kakayahang ibalik 'yung oras kapag inii-snap niya yung fingers niya. Oo, uunahan ko na kayo, 'di na bago 'yung time-travelling at time manipulation bilang isang cliché sa mga kwento, tula, or pelikula. Pero think about it, a piss poor guy na walang redeemable qualities maliban sa inosente niyang understanding sa mundo, tapos sinusubukan pa niyang kilalalin sarili niya, tapos 'yung setting, isa sa pinakaprestigious na unibersidad ng Pilipinas? Tapos kaya niyang ibalik 'yung oras? Bata pa ako nung naisip ko 'yon pero sa mata ng isang iskolar ng bayan, sapat na 'yan para maging bala sa bolpen at lapis. Gagamitin niya 'yung newly-learned powers niya sa kabutihan like para 'di male-late sa klase, or makapag-aral pa sa susunod na exam, o kaya siguraduhing tumae muna bago umalis ng bahay. I know. Taga-UP siya pero he's not that smart. Buhangin, oras, kahirapan. Literally Prince of Persia, but Pinas.
Pero noong mga panahong 'yon, inisip ko kung ano yung magiging alas ng librong 'to sa "Perks of Being a Wallflower", o kaya "Twilight". Wala akong mga bampira at 'di ko naman kayang i-afford si Logan Lerman bilang book cover. Syempre, kakailanganin natin ng mga magbabasa nito kahit na 'di ko naman ninais n'on na "dapat mabasa ng lahat 'to." Ewan, mas gusto ko kasi ng mas maliit na grupo ng readers na magsasabi ng "Haha, what was this guy thinking fuckin' dumbass" kapag may katangahang ginawa yung bida tapos ise-send nila sa messenger/tumblr ko 'yung reaction. That would feel nice. Pero ok nasa-sidetrack tayo, balik sa topic.
Ganto dapat 'yung magiging format ng libro. Ready ka na ba?
PAATRAS YUNG BILANG MGA CHAPTERS.
Pero hindi siya straightforward na "30" tapos "29" yung kasunod. Hindi rin nakalagay 'yung word na chapter. Basta number lang siya sa isang blankong papel. Magsisimula siya sa isang napakataas na numero hanggang sa umabot sa 1. Halimbawa, yung pinaka-unang chapter ay 423412312 pero in words. Sa una, iisipin ng mambabasa na "huh, ano 'yon?" Tapos tutuloy na lang sila sa susunod na kabanata. So nag-eenjoy sila. Tapos 'di nila mapapansin na pababa nang pababa 'yung number.
Tapos pagdating sa second to the last chapter, 120 or 60 na lang yung number.
Tapos habang binabasa nila yung maikling chapter na 'yon. Saka nila maco-correlate na 'yung numbers pala ay equivalent kung gaano pa katagal yung buhay ng bida.
Ang twist kasi ay, although may godlike powers ang bida natin, pabawas nang pabawas yung life span niya habang ginagamit niya 'yung abilities niya. And habang nagpo-progress 'yung books mahahalata rin ng mambabasa na parang nagkakasakit 'yung bida. Lalabas 'to pero small hints lang na parang 'yung hagdanan niya palagi niyang inaakyat, parang nararamdaman niyang mas nakakahingal.
Tapos heto pa. 'Yung second to the last chapter, equivalent lang sa 60-120 seconds reading time. Ganto 'yung context bago yung 2nd to the last chapter.
3rd to the last chapter:
Kumbaga, may plano yung bida na magpro-pose sa kasintahan niya kaya may pupuntahan sila. Pero sa kasamaang palad, maaaksidente 'yung bida at 'yung love interest niya (na syempre foreshadowed din kasi 'yung pinakaunang sentence sa libro is dine-describe ng bida kung bakit ayaw niya sa mga Fortuner na puti ewan para sa poetic lang na 'yung pinakaayaw pa niya yung magiging undoing niya). Tapos, dahil alam ng bida at ng mambabasa na mamamatay na siya kapag binalik niya 'yung oras, medyo suspense na talaga. Ano ba 'yung desisyon niya? Ibabalik ba niya? And kung oo, sa punto ng buhay niya ibabalik? Tapos *snap*.
2nd to the last chapter:
Number: Animnapu or Isang daan at dalawampu
De-describe ng bida 'yung scene. Mainit, maraming tao. Mahaba 'yung pila. Kukuha ng form 5. Familiar na 'yung mambabasa at 'yung bida dito sa scene na 'to kasi heto rin yung isang scene sa 2nd chapter ng libro. Pero imbes na mga random descriptions ng mga tao 'yung ide-describe niya, mga pangalan ng kaibigan niya 'yung mga sasabihin niya. Gets? Kasi kilala na niya 'yung mga taong 'yon. Tapos, magegets din ng mambabasa na "Ah puta mga kaibigan niya pala 'yung mga 'yon pero since di niya pa sila kilala at that point, dine-describe lang niya yung mga ginagawa nila. Balik nga ako sa chapter N here para ma-check." Apat 'yung kaibigan niya, and as fate dictated, nandun din pala sila sa pila. Yung dalawa sa kaibigan niya, magkapatid na lalaki at babae. Sa huling timeline (bago siya magsnap sa 3rd to the last chapter), namatay 'yung babae dahil sa isang krimen.
Tapos dito rin sa scene na 'to 'yung first interaction niya sa magiging love interest niya. Nabangga nung girl yung bida tapos nalaglag yung mga dala niyang papeles tapos nagpa-sorry tapos may familiar look 'yung babae na parang "have we met before?".
Unting-unti manghihina 'yung bida, kaunting luha. Tapos pipikit na 'yung mata niya.
Heto 'yung huling mga linya ng kabanata:
Siguro, mabuti nang ganito 'yung kinahantungan nating lahat. Hindi ako nagsisisi na tanging mukha mo at 'yung nakakunot mong noo 'yung huli kong makikita. Sobrang init talaga dito no? Parang ang sarap matulo.
Last chapter.
Number: Isa
Inaantok na ako.
Wakas.
---
Gets ba? 1 kasi isang segundo na lang pala bago siya baiwan. Isang segundo rin kailangan mo para basahin 'yan. Hindi ko ilalagay na explicitly siyang mamatay for dramatic flair. Gusto natin pagkatapos magbasa ng mambabasa, ibaba niya yung libro, tapos sasabihin niya "Damn," tapos is-search niya yung pangalan ko at makikita niya yung account ko sa linkedin tapos sasabihin niya, "Ay weh, software engineer pala 'to?" o kaya is-search niya "Is Alex Alexanderson dead?" tapos ang google quick result sasabihin na "The author did not explicitly state that he died but based from his conditions, it was heavily implied that he did."
Either of the two, that's good enough for me.
Hindi ko 'to tinuloy kasi dahil sa mga iilang dahilan-
Hindi ko gusto yung tagalog na translation ng "snap".
Nawalan ako ng motivation dahil sa mga pangyayari nung undergrad ako tapos dinahilan ko na lang 'yung pagpanaw ng tita ko para masabi na valid 'yung rason ko. Ba't ko ginawa 'yon? Hindi ko rin alam.
Anyway, ayon lang. Matagal ko na 'tong kinikimkim talaga. Hindi ko alam kung may kapareho na siyang plot or anything pero 2008-2013 ko pa yata 'to pinag-iisipan.
Heavily inspired din talaga 'to sa mga games at mythology shit na binabasa ko na related sa oras. Kronos, Prince of Persia. Tsaka sa sobrang romanticized understanding ko ng pagmamahal nung bata pa ako. Extremes talaga like martir puta 'di ko nga alam ba't ganon ako pero it is what it is.
Hindi ko alam kung isusulat ko pa 'to. Pero gusto ko lang din sanang malaman kung maganda ba 'yung prompt or nagm-make sense ba siya sa inyo. Let me know, please. Para alam ko kung delulu din ako or what.
By the way, isang fun fact about me, kapag nagsusulat ako, pinakauna kong sinusulat 'yung last line or yung ending. So 'yung "Inaantok na ako." na linya, matagal na siyang nabuo bago pa 'yung storya. Yung ibang lines na naisip ko is "At pagkatapos non, tapos na". Pero gusto ko sanang gawing galing sa perspective talaga ng bida. Kaya ayan.
2 notes · View notes
ke4dd · 2 months
Text
Ang Kape ng Cozy Cove, Baguio
Ano ang kadalasan mong ginagawa pagkatapos ng isang pagsusulit? Ikaw ba'y namamahinga sa bahay? Naglilibot kasama ang mga kaibigan? Kung ako naman, ako'y nahihilig mamahinga ngunit sa mahalagang mga pagsusulit, karaniwan kong ginugusto lumuwas sa iba't ibang panig Pinas, malapit man o malayo, para maihiwalay muna ang buhay-aral sa buhay-saya. Noong ika-13 ng Mayo, 2023, kami'y naglakbay paakyat ng Baguio ngunit iba ang dahilan ng aming pagpunta kumpara sa mga karaniwang mga turista.
Ang Baguio ay kadalasan sikat sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa kultura, pagkain, at mga destinasyon dito pero may isa pang panig ang ikinasikat nito, ang larangan ng musika. Sa kasalukuyang panahon, ay isang bagong "tourist hotspot" na sumikat dahil sa larangan ng musika. Ito ay ang ang Cozy Cove, pero bakit nga sumikat ang lugar na ito? Maraming mga artistang tumutugtog dito, kung sa makabagong banda tulad ng Cup of Joe at Dilaw, atsa mga lumang banda tulad ni Mayonaise at si TJ Monterde. Ngunit tayo muna’y magbalik sa mismong oras ng pagdating.
Dumating ang pamilya ko sa Baguio noong bandang pa-tanghalian pa lamang. Kami’y umakyat noong umaga ngunit hindi namin dinaan ang sikat na tourist spots habang kami’y paakyat para mahabol sana ang maangang “check-in” time ng hotel. Pagdating namin sa mismong Baguio, kami’y hinabol gutom dahil hindi pa kami kumain ng almusal kung kaya’t kami’y dumiretso sa isa sa mga pinakakilalang kainan sa gitna ng Baguio, ang “Canto.” Medyo humigit ng mga tatlumput minuto bago dumating ang aming pagkain ngunit hindi namin inasahan na ganoon ka ganda ang mismong pagkain rito.
Sa mabilisang salita, napagkasarap pero masakit sa bulsa ang mga presyo rito. Kung kaya't unahin ninyo rito kung pupunta man kayo. Ang mga litrato sa ilalim kinuha namin at bawat isa sa kanila ay napagkasarap pero ang pinakapaborito ko rito ang croquettes dahil ngunit mainit ay nagpakasarap ng bawat kagat sa bola-bolang patatas.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pagkatapos namin kumain namin ay kami'y dumiresto naman sa aming estasyong hotel ngunit hindi pa bukas ang mismong check-in kaya kami muna ay nagpark ng aming sasakyan sa ilalim ng hotel at naglakad papunta sa SM City Baguio. Ang SM City Baguio ay hindi katulad ng mga ibang SM dito sa Pinas dahil sa bukas hanging na porsyento nito. Sa madaling salita, walang air-con pero hindi ganoon kainit maliban kung tatapat ka sa mismong sikat ng araw. Pero kung tutuusin man, medyo may sariling ganda rin ang arkitektura ng SM kumpara sa mga ibang building parang “Cruise Ship design nito” pero balik tayo sa kwento ng aming araw. Hindi gaanong kawili-wili ang mga nangyari kaya tayo ay lumipat sa pagbalik namin sa hotel.
Tumblr media
Ang hotel nga pala naming pinili ay yung mas bagong Hotel Veniz sa Session Road, hindi yung luma sa Burnham. Medyo tipikal rin naman ang nilalaman ng kwarto, matinong pagkain, at malinis naman ang bawat sulok pero ayun ang normal sa hotel. Matapos kami pumasok, nagpahinga muna lamang kami hanggang sa oras noong mismong tugtugan.
Tumblr media
Dumating kami sa Cozy Cove ng mga bandang mga alas-singko pagabi, naabutan namin noon ang iba sa mga artista at bandang itinatampok. Sina Raphy at CJ mula sa Cup of Joe, si Arthur Miguel, at si Janine Tenoso. Kumuha muna kami ng pagkain sa mismong lugar dahil Cafe sila, dalawang inumin, at tatlong burger (na hindi ko na maalala ang pangalan). Medyo masarap naman ang pagkain pero ang tunay na dahilan kung bakit kami pumunta rito ay ang para mismong tutugan. Kung kaya’t ang tatay nilapitan ang isa sa mga kasama nila sa mesa at nanghingi ng retrato kasama sila.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
At sa wakas, nagsimula ang gabi. Madaming video sa YouTube ngayon ang nakuha sa gabi na iyon pero naman sa aking pananaw, sang-ayon sa setlist ng mga banda nila. Pinangunahan ang gabi noon ni Janine Tenoso at tinugtog niya ang kanyang mga orihinal na kanta, pati na rin ang mga sikat na makalumang OPM tulad ng Di Na Muli ng Itchyworms. Sumunod sa kanya ay si Arthur Miguel kung saan siya rin ay tumugtog ng ilan sa mga sikat niyang cover ng iba’t ibang sikat na kanta, pati na rin ang mga bago niyang sikat na orihinal tulad Dito sa Ilalim ng Buwan. Matapos ang mga solong artista ay umakyat na ang unang banda na sina Calein. Di katulad ng dalawa, hindi gaanong nahatak ang mga manonood sa kanilang tutugan ngunit pagdating biglaang nahaktak pabalik ang atensyon noong itinugtog nila ang kanilang orihinal na kanta “Umaasa.” At para sa pinakahuli, ang hinihintay ng lahat na sina Cup of Joe kung saan bawat kanta, bawat sigaw, bawat galaw, ay nagbigay-buhay sa bawat manonood. Masigasig at masaya nagtapos ang gabing iyon, busog sa pawis, pagod, at saya. Masarap mapanood, lalong-lalo sa personal, ang mga artistang iniidolo mo. Nakakabuhay ng isip, galaw, at pagmamahal sa bawat larangan na hinihilig mo.
2 notes · View notes
whooolaanmo · 3 months
Text
Tumblr media Tumblr media
gisa
🙋🏻‍♀️ : stir fry ko na lang ha.
🧡 : kahit ano pa gawin mo luto, masarap naman lagi kaya nga isa yan sa mga nagustuhan ko sayo, buhay na buhay na ako, sarap na sarap pa sayo este sa luto mo 🤣🤣🤣.
🙋🏻‍♀️ : sira ka haha 🤣🤣 parang ayoko na magluto tuloy.
🧡 : parang tanga! magluto ka na busugin mo ako ng pagmamahal EME!!! 🤣🤣 sige na sige na di na ako babanat, pag usapan na lang natin showbiz bea & dom.
🙋🏻‍♀️ : basta ako bea ako yon lang 🤣🤣🤣
🧡 : pag kinasal tayo? o biro lang 🤣😁 baka lumusot, pagkinasal ka mag papa prenup agreement ka rin?
🙋🏻‍♀️ : intayin ko pa muna magka same sex marriage sa Pinas bago ko sagutin tanong mo 🤣🤣🤣.
🧡 : sus ang tagal pa ng sagot, matagal pa mangyayari yan.
etc. etc.
Feb. 08, 2024 11:11 am
3 notes · View notes
sunb0rn · 11 months
Text
may gusto ako ikwento pero parang iiyak ko nalang to kahit di rin naman ako naiiyak. waw labo. of all the days ngayon pa ako nakakita ng ganong post (hindi negative yung post pero may naalala ako from my "dark past")
sana kung mag reresurface yung traumas at hangups sa buhay pwedeng naka schedule, yung hindi sabay sabay. parang matatalo ako tonight hehe.
hindi naman new na nag sasabay sabay sa utak ko yung mga yan pero different feeling kapag may nangyayare/nakikita ka, it makes everyting real, that really went through that (yung iba you're still going through). minsan kasi kapag nag pplay lang sa utak out of nowhere mapapatanong kapa kung totoo o fcked up lang tots mo sa dami ng pina process mong memories, baggages.
19 notes · View notes
dimakatulog · 1 year
Text
Tinatanong na naman ako ng nanay ko anong gusto kong gawin sa buhay ko HAHAHAHAHA pwede po ba maging pusa nalang tamang meow meow ganon? Chz not chz.
Kung plano ko pa daw ba ituloy yung masteral offer ko sa Australia or maging alipin ulit ng gobyerno dito HAHAHAAHAHA nanay ko galit din kay bemblong e gusto na nya ko lumayas sa pinas 😭😂 pero may point why am I still here?
14 notes · View notes
hidingmyownemotion · 8 months
Text
There's this convo before with my EX if ever mag grant ako dito sa Aus. Sabi ko, magbusiness talaga ako sa Pinas kasi hindi ko pinangarap talaga maging empleyado habang buhay. Napakahirap, hindi ka agad makaipon tsaka ubos lagi oras mo. Sabi ko I want him to manage while nandito ako, sabi niya what if di niya daw kaya, what if madisappoint niya daw ako, sabi ko naman ganun naman sa business, di ka naman lagi angat agad. If hindi mag work, then try again basta tayo dalawa magkasama. Then sabi niya bigla napakasarap siguro ng bukas no kung lagi tayo magkasama, yung gigising ako na ikaw lagi katabi ko tsaka ngayon na sabay tayong nangarap, sana sabay din natin maabot ng magkasama. Naalala ko, oo nga pala. Sabay pala kami nangarap, bumuo ng pangarap pero bakit ganun siya din yung unang napagod at bumitaw. Ganun pala talaga, may mga pagkakataon na bigla nalang maubos yung pagmamahal mo sa isang tao or maghahanap ka ng bagay na wala sa kanya eh hindi naman kasi dapat ganun. Oo, mapapagod. Pero hindi naman kasi tama yung sa iba ka magpahinga.
Ngayon, mag isa ko tinutupad yung pareho naming pinangarap noon. Hindi man namin makukuha ng magkasama yun pero alam ko makukuha ko yun kahit ako lang mag isa.
4 notes · View notes
jpehg · 7 months
Text
stewie2k-iwnl 100923 1756
Medyo umuulan. Lunes. Kakasakay ko lang sa MRT sa may Araneta-Cubao at papunta akong Ayala para pumasok sa opisina. Mag-a-alas otso na rin at 'di pa rin ako kumakain.
Hindi naman required pumunta sa opisina pero araw kasi ng sweldo ngayon at gusto ko, nandoon ako kapag dumating siya. Bago pa lang din ako sa trabaho. Umalis ako sa previous kong work at pumasok na ako kaagad sa susunod the following day. Literal na aint no rest for the wicked.
Isang buwan na akong di sumasahod at isang buwan na rin akong nagt-tyaga na sa sitwasyon ko. Aminado naman din akong kasalan ko ba't ganto pero sabihin na lang nating gumastos ako ng perang 'di ko dapat ginastos kasi akala ko walang ibang pag-gagastusan. Pero ganon talaga ang buhay, kung kailan nakataas 'yung dalawang kamao mo't handa na para umilag sa uppercut niya, saka ka niya susuntukin sa bayag- in the form of mga gamot ng tatay at emergency expenses sa university ng kapatid. Parang 'di yata wais na desisyon yung pagbili ng 85-fucking-thousand na PC bilang gradudation gift ah. Wala tuloy akong pang-Jollibee ngayong araw.
Kaya heto tayo ngayon. Kaunting tiis. Kaunting lakad, kaunting commute. Patigasan na lang ng sikmura habang nanlalambot ang buong katawan. Palag-palag pa naman sa opisina dahil wala pa naman masyadong ginagawa.
Medyo lumalakas pa yung ulan at yung kulog ng tyan ko.
"Pre, anong oras usually dumadating yung sahod?" nagsend ako ng message sa katrabaho ko. 68% na lang battery ko. Tapos apat na raang piso na lang yung laman ng banko ko. Sobra nang kaunti para sa pamasahe ko ngayong araw dahil babalik pa ako ng probinsya mamayang pagkauwi.
Pagkatapos ng ilang minuto, sumagot 'yung katrabaho ko.
"Nung Friday pa meron pare hahaha"
Agad-agad kong binuksan 'yung banking app na pina-setup ng kumpaya ko nung unang araw ng Setyembre. Hinihintay kong magload yung balance at pagkatapos ng limang segundo tinitigan ako pabalik ng kalahating milyong piso.
"Huh" sabi ko sa sarili ko.
Kung panaginip 'to, ngayon na 'yung pinakamagandang oras para magising ako. Natatandaan niyo ba 'yung saktong eksena ni Will Smith nung tinanggap siya sa trabaho? Hindi ko 'yun ginawa dahil medyo masikip sa MRT pero in-imagine ko na lang.
"Now arriving at Ayala station. Paparating na sa Ayala Station," sabi ng recorded na boses ni Inka Magnaye ('di ko alam kung siya ba talaga 'yon pero kung hindi edi pauso ko lang)
Hindi 'to post na may mapupulot kang aral. Hindi rin 'to 'yung mga usual kong pa-edgy deep shit. Hindi 'to tungkol sa life lessons, empathy, sympathy. Pero sa loob ng apat na taon kong nagta-trabaho, sa pagraos sa kapatid kong makatapos ng kolehiyo nang mag-isa, at sa ilang pakyu at sucker punch sa bayag ng buhay, ngayon lang ako binulungan ng guardian angel ko na magyabang at sinigawan ng demonyo na deserve ko 'tong nararamdaman ko ngayong araw.
"Parang mag-J-Jollibee yata ako mamaya ah," Sabi ko sa sarili ko habang naiiyak.
Tumblr media
4 notes · View notes
walangmaisipp · 9 months
Text
Nasa phase na ako ng buhay ko ngayon na pina-practice paano mag say “NO” sa ibang tao. Tama na siguro ang pagiging people pleaser ko. HAHAHA
2 notes · View notes