Tumgik
#buhayin ang baybayin
baybayin · 5 years
Photo
Tumblr media
#Repost @weekendwildchild ・・・ Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ang Weekend Wild Child katuwang ang Coconut House Circle​ at Baybayin Buhayin​ ay magdaraos ng isang pagtitipon na may temang “Baybayin para sa Batang Pilipino” upang buhayin ang kaalaman at kakayanan ng mga kabataan sa pagbasa at pagsulat ng Baybayin sa pamamagitan ng mga awitin, kwento, malikhaing pag gawa at paglalaro. Malugod naming inaanyayahan ang mga bata na may edad mula 6 pataas, sa ika-31 ng Agosto sa Coconut House, Quezon City Memorial Circle. Ito ay isang buong araw, mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika-5:00 na puno ng masayang pagkatuto. Bukod dito, inaanyayahan din namin ang mga bata nais magpakita ng kanilang talento sa pag-guhit, pag-awit, pag-tula at pagsayaw sa pagtatanghal na bahagi ng programa. Daloy ng Programa Umaga 8:30-9:00 Pagpapatala 9:00-9:05 Pagbubukas ng Programa 9:05-10:00 Workshop 1: Pagbasa at Pagsulat ng Baybayin *Pagsulat ng Pangalan sa Bookmark at Banderitas 10:00-10:15 Meryenda 10:15-10:45 Workshop 2: Mga Awiting Pambata *Pagsasanay sa Pagtatanghal 10:45-11:15 Paligsahan 1: Bugtungan 11:15-12:00 Workshop 3: Kwentong Pambata *Pag-pinta sa Sombrero Hapon 12:00-2:00 Tanghalian at Pahinga 2:00-2:30 Paligsahan 2: Tayo na sa Palengke! 2:30-4:00 Paligsahan 3: Magtanim ay ‘di Biro! 4:00-4:15 Meryenda 4:15-5:00 Pagtatanghal 5:00-5:15 Pagtatapos ng Programa Paano sumali: 1.Sagutan ang registration form: bit.ly/WWCBaybayin 2.Kung nais makakuha ng workshop kit, bayaran ang karampatang kontribusyon at ipadala ang kopya ng transaction slip/screenshot sa [email protected] . Ang detalye ng bank account ay ipapadala namin sa inyong email. 3.Magkita tayo sa Coconut House sa araw ng pagdiriwang. Ang pakikinig at pagsali sa mga palaro ay LIBRE! Sa mga nais sumali sa workshop tuwing pagkatapos ng pagtuturo, ang kontribusyon ay P300.00 para sa mga materyales na gagamitin. https://www.instagram.com/p/B03oNg4DzWu/?igshid=1gmz1niaubham
2 notes · View notes
rcsanpedrosouth · 3 years
Video
Naganap ang ikatlong virtual event ngayong Buwan ng Sining ng Baybayin Buhayin, Inc. nitong Sabado, ika-13 ng Pebrero 2021. Ito ay pinamagatang, "TALENTO AT KASANAYAN, PALABASIN AT PAYABUNGIN." Ang Resource Speaker ay walang iba kung di si Ginoong Mark David Cerezo. Isa siyang mahusay na Rubber Artist, Motivational Speaker at Baybayin Advocate. At si Transforming President Guia Lopez de Leon ng Rotary Club of San Pedro South, sa paanyaya ni Reverend Jay Enage na isa ring Rotarian, ay kaisa ng Baybayin Buhayin sa kanilang mga dakilang adhikain. Mabuhay! 🇵🇭 #TPguiDaNCE ✨ RC San Pedro South (at Rotary Club of San Pedro South) https://www.instagram.com/p/CLUUYqeAbKZ/?igshid=1ojp288l8f7v2
0 notes
ravenmunoz · 3 years
Text
BAYBAYIN: Ang Sariling Atin
Sa likod ng mga letra't numero na iyong kinikilala ngayon, nababatid mo ba ang ating sariling panulat na ginagamit noon?
Tumblr media
Kung ang bansang China ay may sariling panulat na tinatawag na 'Han character'; 'Kanji, Katakana at Hiragana' ng Japan; 'Hangul' ng Korea; at ' Sukothai Script' ng Thailand --- ang ating bansa ay mayroon ding sariling panulat, ang BAYBAYIN.
ANG AKING ANYO
Bago pa man pumanaog ang mga banyagang mananakop ay may ginagamit ng panulat ang mga ninunong Pilipino. Ang Baybayin ay hango sa ating giant shells, ang Taklobo, kung saan ang ating mga ninuno ay nagtatag ng sariling panulat at mayroon ding sariling pamilangan o number, ito ang lumang sistema ng pagsulat sa Pilipinas.
Tumblr media
PAGLUBOG NG 'YONG LANGIT
Malawakang ginamit ito sa Luzon at iba pang bahagi ng Pilipinas noong ika-16 at ika-17 siglo, ngunit dulot ng mga pagbabagong dinala ng mga mananakop ay napalitan ito ng alpabetong Latin.
Sa ngayon, ang panulat na Baybayin ay nabibilang na sa mga "endangered alphabet" at nanganganib ng tuluyang maglaho. Ganoon paman, mayroong mga adbokasiya sa kasalukuyan na naglalayong sagipin ito sa bingit ng pagkalimot.
Tumblr media
PAG-AAKLAS NG MGA ANAK NI RIZAL
Ang "Taklobo Baybayin" at "Baybayin Buhayin" ay binubuo ng mga guro na nagsasaganap ng masusing pag-aaral, mga seminars at trainings ukol sa pagpapalaganap nito, sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Edukasyon.
Sila ay kabilang sa mga Pilipinong nakikilala pa rin ang yaman na sariling atin. Ang layunin nila'y muling ipakilala sa mga Pilipino ang panulat na Baybayin, na pahalagahan, gamitin at pagyamanin. Lalo't karamihan sa atin ngayon, mga bata't matatanda ay wala ng kamalayan kung ano ito.
Tumblr media
Sa kasalukuyan, hawak ng Sinupan ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila, isa sa mga pinakamalaking artsibo sa Pilipinas ang pinakamalaking koleksyon ng mga sinaunang sulat sa Baybayin sa buong mundo.
MAYANG UHAW
Samakatuwid, kung ang ibang mga bansa ay may sariling panulat, mayroon din tayo, hindi nga lang napahahalagahan. Hindi na masama ang mga pagbabago kung hindi lang tayo lilimot sa mga bagay na sumasalamin sa ating lahi't pagkakakilan. Ang panulat na BAYBAYIN ay bahagi ng ating KULTURA'T YAMAN, at pagpapahalaga ang sa ngayon nito'y kinakailangan.
Narito ang isang tula na aking nilikha na pinapaksa ang Baybayin na panulat, at ang paglimot dito ng mga Pilipino.
Ako Ang Iyong Panulat (ni RAven Muñoz STEM11-Apollonius) Ako ang unang kinilala, ginamit at pinahalagahan Ako rin ang dating sumasalamin sa iyong pagkakakilanlan Nilikha mo ako, pinagsibihan naman kita Sa pag-usbong yaring kultura'y nagkaisa ang ating diwa Ako ang anyo na noon mong bigkas at pananalita Ako rin iyong mga letra ng dati mong mga awit at tula Tinawag mo ako, pinangalanan naman kita Sa paraisong ito, ako'y palamuti't ganda sa iyong Kultura Ngunit sa di inaasahan, ika'y dinapuan ng huwad na karamdaman Ika'y naging malilimutin at naglimut-limutan Naging maluwag ang tali na sa atin ay nagbibigkis Hanggang sa ika'y tuluyang bumitaw, ako'y inihagis Sa pasilyo ng pagtalikod at pag-akap sa di mo pag-aari At ako na iyong sariling panulat ay isinantabi Sa baybayin nitong paraiso sa limot ako'y nailibing Sa pusod ng iyong puso nawa'y iyo pang hukayin.
Mga pinagkunan ng impormasyon: https://en.m.wikipedia.org/wiki/Baybayin
https://www.bayaniart.com/articles/baybayin/ Mga pinagkunan ng larawan: https://perlasngsilangan.com/culture/filipino-ancient-writing-scripts/baybayin/
https://www.rappler.com/life-and-style/arts-culture/reconnecting-filipino-roots-baybayin
0 notes
raizaeunice-blog · 5 years
Text
ST. JOHN’S ACADEMY, INC. DINALUPIHAN, BATAAN KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO: PATAKARANG PANGWIKA HUMSS 11-ST. AUGUSTINE MEDINA,RHONY GIGANTE CASUPANAN, TRISHIA FLORES, JOZEL • KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 52 , S . 1987 NG DECS O “PATAKARAN SA EDUKASYONG BILINGGUWAL Ang patakarang bilingguwal ay naglalayong makapag tamo ng kahusyan sa Filipino at Ingles sa antas pambansa sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang Wikang ito bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.” Ang Bilingguwalismo ay nangangahulugang isang penomenang pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyo linggwistik. Ipinakikita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung paano ang lipunan ay nakapag ambag sa development ng wika. Ang mga batayan sa pagtuturo ng Edukasyong Bilingguwal 1974 ay ito ay panahon g aktibismo at demonstrasyon. Simula ng pag-unlad ng wikang pambansa at noong 1969, pinagtibay ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Executive No. 202 na bubuo sa Presdential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) upang gumawa ng masusing pag-aaral sapagpapabuti ng sstema ng Edukasyon. Ang edukasyong bilinggwual ay binibigyan ng katuturang magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura sa pasubalng gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito’y kinakailangan. Ang implimentasyon ng edukasyong bilingual ay binubuo ng apat na taong transisyon (1977 – 1987) na uumpisahan ang paggamit ng Pilipino bilang midyum sa mga asignatura tulad ng A.P ( Social Studies ) , Agham Panipunan ( Social Sciences), Edukasyong Panggawain ( Work Education ) , Edukasyon sa Wastong Pag-uugali ( Character Education) at iba pa. Dahil dito, hindi dapat kinatatakutan ng mga aktibistang rehiyonalista ang Filipino na siya raw bubura at lulusaw sa kanilang mga identidad. Ang pangambang ito ay Isang hungkag na pangamba. Mabubura lamang ang kaakuhan kung ito ay hahayaan. At hindi nangangahulugan na dahil ginagamit mo ang isang wika ay mawawala na ang iyong pagkatao. Kung may malay ka dito, at may kontrol ka dito, hindi ito mabubura. Ito dapat ang pinagkakaabalahan ng mga aktibistang rehiyonalista, ang pagyamanin ang kani-kanilang mga wika, kultura at kamalayan, kasabay ng pagtangkilik sa pagpalaganap ng isang wikang pambansang sa ngayon ay maaaring ang dominanteng hulmahan ay ang Tagalog, subalit bukas sa pagpasok ng iba pang mga wika upang ito ay mapagyaman at mapayabong. • KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. , 210 S. 2003 O “PATAKARANG NAGAPAIGTING SA PAGGAMIT NG INGLES BILANG PANGALAWANG WIKA SA SISTEMANG PANG EDUKASYON” Ito ay pingtitibay ng seksyon 7 , Artikulo XIV ng 1987 konstitusyon na nagla-laan na ito rin ay para sa komunikasyong batay sa pahayag ng Malacanang, ito ay isang patakaran ng Estado upang itaguyod ang edukasyon bilang isang paraan uoang makamit at mapanatili ang isang mabilis na pag-unlad sa lipunan. Samantala, kailangan ang pagkakaroon g kakayahan, kasanayan at kahusayan an gating ga mag aaral sa Wikang Ingles upang mapanatili at mapabuti ang kanilang maoag kumpitensyang gilid sa mga umuusbong at mabilis na pag lagong local at pangbuong mundong industriya. At sinasambit na ang Ingles ay dapat ituro bilang ikalawang lenggwahe, umpisa sa Unang Baitang. Layunin nito na bumuo ng kakayahan at kahusayan ng lahat ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Ingles upang gawing mas handa ang mga ito para sa mga oportunidad sa trabaho na uuusbong sa mga bagng teknolohiya sa ekonomiya at makabagong modernisasyon. Napaka halaga na pag-arala n ang wikang Ingles dahil ito ang wikang pangunahing ginagamit upang makihalubilo, sa pakikipag kalakalan at makipag-usap sa iba’t ibang tao. At karagdagan, ito rin ay tinatawag na “universal language” o pandaigdigang wika sa mundo. Dahil doon, nakakapag ‘adopt’ tayo ng iba’t ibang tradisyon, kultura at lahi. • KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 16, S. 2012 NA NAGTATAKDA NAMAN NG MGA PANUTUNTUNANG SUSUNDIN SA PAGPAPATUPAD NG MOTHER TONGUE BASED , MULTILINGUAL EDUCATION 0 MTB-MLE Ayon sa kalihim ng edukasyon na si Armin Luistro, bilang karagdagan sa mga wika sa mga wika ng pagtuturo na binanggi sa DepEd order no.16 series ng 2012, “Mga alitutunin sa pagpapatupad ng Edukasyon sa Multilingual sa wika (MTB-MLE) sa ialim ng K to 12 Basic Education Program. Tulad ng ipinahayag sa DepEd Order no. 28 series 2013 , ang pitong karagdagang wika na gagamitin sa tinukoy na rehiyon at dibisyon na nagsimula noong SY 2013- 2014 Ybanag sa Rehiyon II (Tuguegarao City, Cagayan at Isabela); ivatan din oara sa Rehiyon II (Batanes Group of Islands); Sambal para sa Rehiyon III (Zabales); Akianon para sa Rehiyon IV ( Aklan at Capiz) ; Kinaray-a para sa Rehiyon VI ( Capiz at Aklan ); Yakan para sa Autonomous Region sa Muslim Mindanao ( Lalawigan ng Basilan); at Surigaonon para sa Caraga (Surigao City at Probinsya). Sa pagdiriwang ng ika-13 na "International Mother Language Day" noong Martes, nanawagan ang isang kongresista at ilang mga organisasyon sa pagsasabatas sa panukalang gawing medium of instruction ang wikang kinagisnan ng mga mag-aaral. Sa isang press conference noong Martes, inihayag ni Valenzuela Reppresentative Magtanggol Gunigundo ang kahalagahan ng House Bill 162, o Multilingual Education and Literacy Act of 2010 na naglalayong magkaroon ng permanenteng implementasyon sa paggamit ng vernacular sa pagtuturo ng leksyon sa mga paaralan. Ayon kay Gunigundo, sa programang ito, gagamitin ang first language (L1) ng mga bata sa pag-aaral ng kanilang mga leksyon. Sa ganitong paraan, aniya, mas maiintindihan ng mga bata ang mga aralin. Ikinalulungkot ni Gunigundo ang umano'y "reading without understanding." Batay umano sa kanilang pag-aaral, hirap umano ang mga estudyante na intindihin ang leksyon sa paaralan kung ang gagamiting medium of instruction ay wikang hindi kinasanayan. DepEd Order No. 74 Sa utos ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) Order 74 noong 2009 upang maipanukala ang paggamit ng wikang kinagisnan sa pagtuturo. Sa panibagong K-to-12 curriculum, ipatutupad ang mother-tongue-based multilingual education program (MTBMLE) hanggang Grade III lamang. Ayon kay Dr. Rosalina Villaneza ng Department of Education (DepEd), sisimulan ang pagpapatupad nito sa susunod na school year, ngunit sinubukan na ito ngyong School Year 2011-2012. Aniya, "Na-implement namin last year sa 921 schools. Sila 'yung mga pioneering schools natin all over the country... Sa mga pioneer schools, doon tayo natututo "what worked and what didn't. Then we have to improve on it." Dagdag pa niya, "'Yung mga pioneering school, matagal na naming na-train ['yung mga guro] kasi noong lumabas ang DepEd Order 74, we gathered all the materials and existing experiences ng mga schools na nag-implement ng lingua franca Kung mabibigyan man ang mga mananaliksik ng pagkakataon na makapagpatupad ng batas ay ipatupad ng mga mananaliksik na aralin ang pagsulat ng Baybayin. Alam naman natin na ang baybayin ang pinaka unag paraaan ng pagsulat ng mga katutubo, sinasabi ng |CCN na “ isa lamang ang Baybayin sa marami pangwikang ginagamit ng pilipino bago pa dumating ang mgakastila sa ating bansa nagaaral at ginamit nila ang baybayin upang maturuan ang mga naunang Pilipino ng katolisismo” kung ang mga kastila ay kayang aralin at gamitn ito bakit na tayong mga Pilipino ay wala halos nakakaalam sa sariling atin. Kaya pursigidong pursigido ang mga mananaliksik na pag-aralin o pag aralan ang baybayin karagdagan din na upang maging mulat sa mga nagging nakaraan sa kasaysayan ng bansa. Oo, nasa 35% na Pilipino ang nakakaalam sa kasysayan ang hindi ito pinag aaralan. Dinidiin ng mga mananaliksik na tayo bilang isang pinoy na magkaroon ng sariling anyo ng pagsulat ng gaya na lamang ng mga Chinese, Korean at Japanese na ibang paraan ng pagsulat. Sa pananaw ng mga mananaliksik ginugusto rin nila na magkaroon tayo ng sariling disenyo ng pagsulat an gating bansa na Pilipinas. Kung ang kabataan ngayon o mas kilala sa tinatawag na “millennial” ngayoin ay kayang aralin ang alphabeto ng kanilang mga iniidulo tulad ng mga sikat ngayon na KPOP o Korean Popular music at sayaw na sikat na sikat na ngayon. Kung kaya nilang aralin ang paraan ng pagsulat ng ibang bansa nakasisiguro na ang mga mananaliksik na kayang kaya aralin ang sariling atin. Sa ilalim ng House Bill no. 4395, national script act act 2011 na muling inihain noong nakaraang taong, hinihikayat ang muling pagtakda sa baybayin bilang Sistema ng pagsulat sa pamamagitan ng araw araw na paggamit rito inilunsad kamakailan lamang ang baybayin keyboard, isang libreng mobile application. Itoy maaaring makatawag ng pansin sa ilang kabataan at makapaghikayat pa ng ibang kabataan tulad nila. At maging interesado rin sila na buhayin ang sinaunag Sistema ng pagsulat sa pamamagitan din ng pagaaral ng ating sinaunag pagsulat na ipinamana ng ating mga ninonu na baybayin tiyak na maipapakita ang buhay na kahalagahan ng baybayin sa ating bansa. Masasabi o mituturing na regalo ang mga paman sa atin ng mga ninuno tulad ng kultura at ang lenggwahe. Ngunit sa pagdaan ng globalisasyon at modernong Sistema unti-onti na itong natatabuna at nawawala at napapaloitan na ng kulturang popular. Dinidiin ng mga mananaliksik na nararapat lang pag aralan ang ganitong pagsulat di dahil sa pagiging palamuti kundi upang magkaroon tayo ng damdamin ng nasyonalismo at pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura. Kung nagawa ng ibat ibang institusyon naipasa ang pag aaral ng banyagang wika tulad ng ingles, espanyol at iba pa, ano ang naguudlot sa atin upang bigyan naman ng maigtingang pansin ang sariling kultura? Nakakalungkot lang na tayong pinoy ang nagiging banyaga sa sariling wika. “ang baybayin kapag ating ginamit ay nagbibigay ng sariling pagkakalilanlan sa pamamaraan natin ng pagsulat. Ang mapagyaman ito ay isang malaking pribilehiyo para sa mga naniniwalang kayang kaya makipag sabayan ng Pilipinas sa iba pang mga bansa”. Ang mga linyang iyan nanapaka loob sa mga paniki ay nakapagbibigay na ng napakalaking motibasyon upang lalo pang pagbutihin ang pagaaral nito. Ang House Bill 1022 o National Writing System Act ay may layuning itanghal ang baybayin bilang pambansang sistema o paraan ng pagsulat sa bansa. Nakakalungkot lamang na higit sa 30% porsyento ay mali ang pagsambit sa Baybayin at tinatawag ito bilang “ALIBATA”. At sa mga guro naman, ay madaragdagan ang maituturo nila s mga estudyante,para lalong mahubog at mas maintindihan ng mga estudyante ang pagkakaiba ng Baybayin sa Alibat. Kung ang estudyante at guro ang makikinabang sa pag-aaral ng Baybayin ay makikinabang din ang paaralan. Dahil tataas ang antas pagdating sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Malaki ang maitutulong ng pag-aaral ng Baybayin dahil hindi lahat ng paaralan,kolehiya at unibersidad ay may kapasidad na gamitin ito. Mararapat lang na aralin ang ang Baybayin ng mga mag-aaral ang ganitong klase ng pagsulat. Hindi lamang dahil sa ktuwaan kundi ang damdamin ng nasyonalismo at presensya n gating mahalagang kasyasayan. Kailangan nating pag-aralan ito dahil ngayon ay nalilimutan na natin ito at unti unti na itong nababaon sa limot at ang iba ay walang hilig aralin ito. Peo higit sa 60% ang ng nanais na aralin ito at kailangan itong maibalik dahil parte ito ng kasyasayan ng Pilipinas dahil ito ang pangunahing ginaamit noon n gating mga ninuno. Wag nating hayaan na mabaon ito sa limot dahil mahalaga ito at ito rin ay bilang pagkilala na rin sa mga ninuno natin na gumawa nito. Ito ang matatawag nating sariling atin at orihinal na mula sa atin ito. Mahalagang pag-aralan ang baybayin dahil ito ay dagdag impormasyon sa kaalaman ng tunay na panulat ng mga Pilipino. At mapapaunlad nito ng husto an gating literature ang mga estudyante ay mabibigyang kaalaman hinggil sa usaping baybayin. Hindi lamang sa mga piling mag-aaral, kung hindi ay mula sa elementarya haanggang kolehiyo. Upang mamulat ang mga estudyante na ang Pilipinas ay mayroon ding sariling pamamaraan ng pagsusulat.. masasabi itong panukala at sumasang ayon an gang mga 50% na mga tao kung isasaatas ito dahil muli nitong binubuhay ang kahalagahan ng baybayin sa kultura nating mga Pilipino at isa itong patunay nan gating kasarinlan,hindi lang sa Wika kundi sa titik din na sana ay hindi malimutan. Panahon narin upang gising na ang natutulog na damdamin ng pagka Pilipino natin.. Laging tandaan at itatak sa ating puso’t isipan na ang pagkakaroon ng sariling wika a nagpapakita ng pagkaka-kilanlan at pagbibigay pagkilala at respeto sa ating mga ninuno. Tayong mga Pilipino y may sariling pamamaraan at atin itong pagyamanin at huwag limutin. Ang Pilipinas ay tinawag na Perlas ng Silanganan di lamang sa kagandahan ng ating mga lupain kundi ito din dahil sa yaman ng ating kultura.
0 notes
rcsanpedrosouth · 3 years
Photo
Tumblr media
"Ang buong samahan ng Baybayin Buhayin ay bumabati sa inyo! Aming malugod na inihahatid sa iyo ang inyong Katibayan Bilang Kasapi ng Baybayin Buhayin. Kami ay taos pusong nagpapasalamat sa iyong pakikilahok, pakikiisa at pagtataguyod sa Adbokasiyang Baybayin at Kulturang Pilipino." 🇵🇭🇵🇭🇵🇭 Mabuhay, BAYBAYIN BUHAYIN INC.! Maraming, maraming salamat po! ☺️💕 #TPguiDaNCE ✨ RC San Pedro South (at Rotary Club of San Pedro South) https://www.instagram.com/p/CKHMTragVLb/?igshid=rw4h3prrrh48
0 notes
rcsanpedrosouth · 4 years
Photo
Tumblr media
Sanghaya! 😍🇵🇭 Malugod po namin kayong inaanyayahang dumalo sa kapana-panabik at kaabang-abang na selebrasyon para sa "Buwan ng Wika" at "Buwan ng mga Bayani" ng RC San Pedro South! Magkikita-kita po tayo sa Zoom ngayong ika-20 ng Agosto 2020, Huwebes, sa ganap na ika-6 ng gabi. At sabay-sabay nating tuklasin kung paanong ang "Filipino ay Wika ng Kampeon at Lunsaran ng Makabayang Kamalayan" kapiling ang Pambansang Alagad ng Sining na si Dr. Virgilio Almario, at Baybayin Buhayin Founder na si Reverend Jose Jaime "Jay" Enage. Padayon, mga kapwa kong marangal na Filipino! ☀️🌟🌟🌟 Magparehistro na sa: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10157305360461316&id=646886315 🤗 #ServiceAboveSelf #RotaryClubofSanPedroSouth #RACSPS #RACSPA #INTERACTAdelina1NHS #RotaryOpensOpportunities #Laguna #Philippines #District3820 #DistrictGovernorRayAtienza #TransformingPresidentGuiadeLeon #Best #GoldenKey #SilverStellar #WeareallStar 🌍💕 (at Rotary Club of San Pedro South) https://www.instagram.com/p/CEGnGiAApCm/?igshid=duikweeqjrwp
0 notes