Tumgik
#bulok na sistema
shanoas-artwork · 2 years
Text
Hello, i’m a filipino artist, gamer, graphic designer and photographer living in the ph. I just want to say that our country is f*cked up and the history will repeat itself because B / B / M and his cronies won in Eleksyon 2022. Sad, but true.
So i have to remind all my art on other sites, including tumblr.
Money on the Street, an original Castlevania fan sprite comics i’m working on will be published expectantly, but not sure when. All my art are set to private, but it depends on the setting to private on my other art sites and i won’t publish my art posts anymore on facebook, instagram and twitter because there are more toxic B / B / M supporters here in the ph who tried to mock me and spread disinformation and fake news on facebook, tiktok and youtube so i will avoid that. I also won’t go back to my hometown in Pangasinan because most of them are B / B / M supporters to mock them or whoever they call in Pangasinan so i’m afraid to go back. I’m still staying here at home, but not sure if this is a safe place or not in Montalban, Rizal. I just don’t want to see all fascists and trolls farm to attack me and call me red-tagging because i’m scared.  My father is still here because he’s a B / B / M supporter, but not going outside yet so i felt bad for him and his mistresses and neighbors. His mistresses and neighbors are also B / B / M supporters or i don’t know who they are. My mother and brother are neutral.
The Philippines is going down since B / B / M is the 17th president of the Philippines and the son of a late dictator after 36 years. He’s the worst president ever than D//ut//erte.
I don’t know what happens next, but i hope our country will not happen again, especially Martial Law in the Philippines.
5 notes · View notes
annexca · 7 months
Text
#158
'Sing init ng ulo ang bituing nasusunog
Busina, makina, sari sari ang tunog
Tama o mali, wala nang pakialam
Motorista ng Kyusi, ito ang hari ng daan
Talasan ang tingin, lakasan ang pakiramdam
Kung may kotse sa paligid, ika'y magbigay galang
Kailangan mag-ingat at baka makaligtaan
Nandiyan lang ang hari, handa kang putokan
Pensiyong malaki, mga pulis sa likuran
Sa bulok na sistema, sino bang may kasalanan?
T'wing ulo'y iinit, buhay ba ang kapalit?
Sa oras na mabisto, saan ka kakapit?
- HARI NG KYUSI
Tumblr media
13 notes · View notes
radanriel15 · 7 months
Text
random rants.
Walang madaling trabaho lahat nakakapagod tapos ang sahod hindi maka-tao.
Minsan gusto nating mawala na lang sa mundo ng social media dahil hindi na maganda sa ating kalusugan.
T*nginang gobyerno to at sa 31M na bomoto dito! Asa pa tayong pagaanin ang buhay natin (bulok na sistema, bulok/mabagal na justice system, siksikan sa public hospital, walang pagbabago sa traffic, walang sulosyon sa public transpo at sa pag taas ng mga bilihin/gasolina.)
Nakakap*ta yung mga ibang vlogers na mas pino-promote pa nila ang pagsusugal at yung walang kwenta nilang content. (basura eh! hindi man lang mag isip ang mga put*ng*na)
Yung wala ka talagang paki alam sa showbiz news pero gaano ba siya kalaking tulong sa buhay natin? T*ngina diba.
Wag na wag kayo magtitiwala sa mga pulis kahit sino sakanila. Please lang.
Nakakawalang pag-asa talaga pag dito ka sa Pilipinas, kaya pag may pagkakataong mag ibang bansa piliin na natin yon kesa mabulok o maging mahirap lang tayo dito habang buhay.
Yung iba sa chismis o pag mamarites na lang nabubuhay eh! Kakairita kayo! (Shout out sa mga kapitbahay at sa mga nag work na may marites)
Daming b*bo sa comment section ng facebook.
Bicol, Albay Philippines | 2015
Tumblr media
3 notes · View notes
opentablemccph · 1 year
Text
Si Manong Hesus
Tumblr media
Minsan ko na narinig sa mga evangelicals (na mostly tahimik today) ang chika, “let Jesus take the wheel.” May kanta pa nga yan.
Well, true yan. Jesus is really driving the wheel every single day. Maraming mga Hesus sa lansangan ang kumakayod at nagpapakahirap bilang mga tsuper ng jeep. Sila ang nagdadala sa atin sa ating mga upisina, paaralan at maski mga simbahan pag araw ng Linggo. Bago pa sumikat ang araw nagmamaneho na sila kasabay ng maraming mga manggagawa at estudyante.
Sabi rin nila iconic at bahagi na ng ating kultura ang makukulay na jeepney. Maraming mga pelikula ni FPJ, merong jeep. Kung hindi ako nagkakamali may pelikula syang jeepney at taxi driver sya. Pero luma na daw ang mga makukulay na jeepney. Hindi na daw ito environmental. Huwaw bigla silang naging climate-champions. Hindi na rin daw ito road-safe. Siguro meron namang katotohanan yan. At sino ba naman ang gustong paulit-ulit na gumamit nang luma at madaling masira kung meron pwedeng ipalit.
Hindi tutol ang maraming mga manong Hesus sa modernization. Pero kung ang paraan ng modernization na itinutulak sa kanila ay para lamang pagkakitaan sila at lalong pahirapan, hindi ito katanggap-tanggap. Gustong igiit sa mga manong Hesus ang napakamahal na imported na jeepney kahit pwede namang gawang lokal na mas mura at mas makakatulong sa lokal na ekonomiya. Gustong itulak ang modernisasyong ng jeepney pero Hanggang ngayon walang plano na ipapalit sa bulok na pangkalahatang sistema ng transportasyon sa ating bayan. Hanggang ngayon ang sistema ng pagkuha o renew ng lisensya at plaka ay delayed at palyado.
Malinaw na sa usapin ng jeepney modernization gusto lamang pagkakitaan at pahirapan ang mga manong Hesus.
Hindi kasalanan ni manong Hesus kung sya ngayon ay umaaray at nagproprotesta. Wag natin silang sisihin sa transport strike. Bagkus samahan natin si manong Hesus at makiisa sa kanya at sa mga kasamahan nya na ipanawagan ang mas maayos, mas komprehensibo at mas makatao at maka-Pilipinong modernisasyon.
Bilang taga-sunod ni Kristong kasama at kakampi ng mga tsuper, samahan at kampihan natin ang maraming mga manong Hesus na nagproprotesta sa linggong ito.
Ang pananamplatayang walang pakielam sa kapwa ay huwad.
- Written by Rev. Joseph San Jose of Open Table MCC
6 notes · View notes
elfilibusterismo · 2 years
Text
alam mo na sobrang bulok ang sistema ng edukasyon sa pilipinas dahil may mga bata sa tiktok na seryosong sinasabi na mas maganda at mas may katuturan ang mga ao3 noli-fili fanfic kaysa sa mismong sulat ni rizal 💀
22 notes · View notes
s-ixx · 2 years
Text
Ang hassle talaga maging commuter sa manila. especially when you’re traveling on a rainy day. apat na oras kakainin sa araw mo, byahe pa lang yon imbis na pwede mo pa magamit yung apat na oras sa ibang bagay. 
govt officials doesn’t understand the hassle of commute here in ph kaya bulok pa din sistema, walang aksyon. naalala ko yung sinabi ni panelo nung sinubukan nya mag commute for a day going to malacanang, wala daw transport crisis. subukan mo kaya mag commute ng isang buwan?
sobrang out of touch nyo sa realidad, mga ulol. 
12 notes · View notes
upismediacenter · 1 year
Text
OPINION: Bayad po, malayo bang masolusyonan ang krisis sa transportasyon?
Tumblr media
Photo credit: Rachelle Baldelomar
Luntian, asul, pula, at dilaw—ito ang agaw-pansin na mga kulay ng mga bubong ng jeep na pumapasada sa loob ng UP Diliman. Sa lawak ng unibersidad, ito ang mga pangunahing moda ng transportasyon ng maraming mag-aaral at kawani ng UP, maging ng iba pang komyuter. Kasabay ng panunumbalik ng face-to-face classes ay siya namang pagtaas ng pamasahe, mga bagong ruta na ‘commuter-unfriendly’, at mas kaunting drayber na nagpalala sa oras ng paghihintay. Paglabas ng campus, sa Philcoa, Katipunan, o EDSA, nagpapatuloy pa rin ang mga eksena ng trapikong pahirap sa mga komyuter. Sa katunayan, ilang henerasyon na ng mga Pilipino ang nagtitiis sa bulok na sistema ng transportasyon—pagpapatunay na sa mga nakaraang administrasyong naupo sa pwesto, walang tiyak at maayos na plano ang naikasa para sa pangunahing pangangailangang ito.
Maiuugat ang lumalalang krisis ng transportasyon sa pagiging “intergenerational” nito. Dahil hindi naging maayos ang pagtugon ng mga nagdaang administrasyon, pasanin natin ito hanggang sa kasalukuyan. Nagkaroon ng mga hakbang ang huling dalawang administrasyon, katulad ng Public-Private Partnership projects (PPPs) ng administrasyong Aquino, na isa sa mga plano nitong pagkonektahin ang MRT-3 at LRT-1, at ang pamosong Build! Build! Build! (BBB) program ng administrasyong Duterte. Bagamat layunin ng PPPs at BBB program na paluwagin ang trapik sa Metro Manila, hindi matagumpay ang mga proyektong ito. Nakansela ang konstruksyon ng dalawang linya ng tren dahil sa kawalan ng maintenance plan. Sa pagwawakas ng termino ni Duterte, 12 sa 119 na BBB projects ang nasimulan at/o natapos. Bukod sa mabagal na usad ng mga proyekto, inilipat at inilaan ang pondong ito na inutang mula sa China para sa COVID-19 response. Ang ‘pagpapasa-pasa’ ng problemang ito ay ‘pagpapasa-pasa’ rin ng inkompetensiya sa bawat administrasyon dahil sa pagpalya ng mga plano at kakulangan ng maayos na pag-implementa rito. Sa pagpasok ng panibagong administrasyon, nagbabadya ang paglala ng krisis sa transportasyon. Ano nga ba ang mga hakbang ng administrasyong Marcos?
Isa rito ang pagbibigay ng panibagong pangalan sa BBB bilang ‘Build, Better, More’ (BBM) at paglalaan ng halos 120% increase sa 2023 budget para sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ipagpapatuloy ng BBM program ang pagpapatayo ng BBB projects tulad ng kauna-unahang underground subway sa bansa o Mega Manila Subway, na pinondohan ng pautang mula sa Japan International Cooperation Agency. Kasabay naman ng konstruksyon nito noong Oktubre, ang patuloy na pagtaas ng inflation rate. Para sa buwan ng Nobyembre, naitala ang 7.7% rate na nagpataas ng presyo mga pangunahing bilihin, lalo na ng pagkain, at produktong petrolyo. Kaakibat ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ang fare hike sa mga pampublikong sasakyan. Mula 11 piso noong Hulyo, tumaas ito sa presyong 12 piso sa loob lamang ng tatlong buwan.
Hindi lang bulsa ang masakit para sa mga komyuter, dahil mala-olympics ang agawan para sa mga pampublikong sasakyan. Nagmimistulang ‘events’ ang pakikipag-unahan, pakikipagsiksikan, paubusan ng pasensya sa mahahabang pila, pagsabit o pag-upo sa gitna ng jeep, pagtayo sa bus, at workout sa hita kapag kalahati na lang ng puwet ang nasasalo ng upuan. Naglipana man ang mga alternatibo na Transportation Network Vehicles Services (TNVS) katulad ng Grab at Angkas, mas mahal ito kaysa sa mga jeep o bus, at kinakailangan pa ng internet. Sa pagbabalik ng mga estudyante at mga empleyado sa daan, tugon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng bagong coding scheme, at itinuturing ang trapiko sa Metro Manila bilang “manageable”.
Sa kabilang banda, “kalbaryo” ang mas angkop na salita kung mga komyuter ang maglalarawan ng trapiko. Ang tagal ng pakikipag-agawan sa masasakyan, ay doble sa mismong itatagal ng biyahe. Dahil pagkatapos ng olympics, maiiba ang paligsahan, at karera ng mga pagong ang eksena sa mga sasakyan. Walang binatbat ang pagtitipid ng komyuter sa taas ng presyo ng mga bilhin at pamasahe sa dami ng kanyang oras at panahong maaaksaya dahil sa pagkakaipit sa trapiko. Pinapakita lamang nito na magkaakibat ang mga krisis sa transportasyon at ekonomiya ng bansa. At ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry, higit 3.5 bilyong piso araw-araw ang nawawala sa bansa dahil lamang sa trapiko sa Metro Manila.
Ang isang malaking kawalan para sa mga drayber at komyuter ay isa namang magandang bagay para sa mga car manufacturers. Sa patuloy na kawalan ng maayos, ligtas, at accessible na transportasyon, tumataas din ang bilang ng mga sasakyan sa daan. Higit pa itong pinapalala ng mga kumpanyang nag-aalok ng 0% downpayment kaya’t mas nahihikayat ang publiko na bumili ng kotse. Bukod pa rito, ang isinusulong na “modernisasyon” sa mga tradisyunal na jeep nitong pandemya ay isa na namang ‘win’, para sa mga kumpanya. Ang mga pamalit na EURO IV ay umaabot ng 1.6 milyong piso bawat yunit at iaangkat pa mula sa ibang bansa. Habang limpak-limpak ang kita ng mga dayuhang kumpanya, iniinda ng mga komyuter ang mataas na presyo ng bilihin at pamasahe, nagbabadya ang tuluyang phase out ng mga jeepney at mawalan ng hanap-buhay ang mga drayber.
Sa halip na bigyang prayoridad ang mga imprastrakturang makatutulong sa mga ordinaryong mamamayan, kapansin-pansin na pabor sa mga may kotse ang mga proyektong inuuna ng pamahalaan. Imbis na mga sidewalk, bike lane, at waiting shed, puro road widening at highways ang pinapagawa. Hindi maayos ang maintenance ng mga linya ng mga tren habang patuloy ang mga aberya dahil sa mga lumang bagon at equipment. Nitong Oktubre 4 lamang, sumiklab ang isang sunog sa MRT-3 dahil sa isang technical glitch. Sa halip na mapadali ang pagkokomyut, mas napeperwisyo ang mga mamamayan. Masyadong malayo ang mga tawiran, masyadong makikitid ang sidewalks, o ‘di kaya naman sobrang tarik ng mga footbridge kagaya sa Kamuning na binansagang “Mount of EDSA”. Ang mga konstruksyon at walang katapusang road improvements ay pawang dagdag pampabigat sa daloy ng trapiko. At higit sa lahat, nananatiling isa ang DPWH sa mga ahensiya ng pamahalaan na mayroong patong-patong na kaso ng korapsyon—isang malaking sampal sa naghihirap ng mga mamamayan, mapa-drayber o komyuter.
Malayong-malayo ang lagay ng transportasyon ng ating ilang kapitbahay sa Asya katulad ng Singapore. Ipinapakita nila na ang tamang pangangasiwa ng pamahalaan ay susi sa isang maayos na sistema ng transportasyon. Ang naturang bansa ay mayroong tatlong integradong ahensya; Land Transport Authority (LTA), Housing and Development Board (HDB), at Urban Redevelopment Authority (URA). Bawat isa ay may sariling tungkulin para sa pagpaplano, pagdedebelop ng teknolohiya, at pangkalahatang pagpapabuti ng mass transportation. Isinasaalang-alang ng mga ahensyang ito ang accessibility, sustainability, at pagiging environment-friendly ng kanilang mga proyekto kasabay ng pagbibigay-serbisyo sa halos 60% ng working class ng Singapore. Epektibo ang kanilang metropolitan planning at makikitang magkakakonekta, o magkakalapit ang mga ruta at sakayan sa mga residential area.
Ngunit, sa kaso ng Pilipinas, ayon kay Arch. Felino Palafox, “Metro Manila is now the model of how not do it [urban planning].” Nakaayon ang mga daan para sa mga may kotse at sa may-kaya. Nabubuo ang “gated communities” at “discriminatory zonings” na hindi pedestrian at biker-friendly, at pahirapan ang akses sa pampublikong transportasyon katulad ng nangyayari ngayon sa Makati. Dagdag ni Palafox, lubhang pumangit ang metropolitan planning ng Maynila noong kasagsagan ng Martial Law o mid-70s. Pinapatunayan ng lubhang magkaibang kalagayan ng transportasyon sa Singapore at Makati ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaang may pakialam sa kapakanan ng karamihan sa kanyang mamamayan.
Ibinabatid ng pagiging “intergenerational” ng krisis na ito, maging ng anumang suliraning pambansa, na ang mga komplikadong problema ay nangangailangan ng komprehensibong solusyon. Hindi ito basta-basta lamang nalulutas, kaya marapat lamang na pag-isipan at pagplanuhan habang isinasaalang-alang ang interes ng masang Pilipino, na silang pinakanaapektuhan at pinakanahihirapan. Sa mga ipinapakitang aksyon ng kasalukuyang administrasyong Marcos, o marahil ang nakababahalang kawalan ng mga ito, patuloy na malulugmok sa kahirapan ang ating bayan sa susunod pang mga taon. Hindi lamang ang tumataginting na 13.52 trilyong piso na ‘generational debt’ ang mamamana natin mula sa ating mga magulang. Kung ang kasalanan ng ama ay “hindi” kasalanan ng anak, sa konteksto ng ordinaryong mamamayang Pilipino, ang mga krisis na araw-araw nating iniinda ngayon, ay tiyak, na sila pa ring mga krisis na haharapin ng susunod ng henerasyon. //ni Sam Arinto
Mga Sanggunian:
(2021, August 11). ANALYSIS: Why Build, Build, Build won’t fix Manila’s traffic. Rappler. https://www.rappler.com/newsbreak/explainers/analysis-why-build-build-build-will-not-fix-metro-manila-traffic/
Barroga, G., Galang, B. (2022, June 26). Hits and misses of Duterte's 'Build, Build, Build'. CNN Philippines. https://www.cnnphilippines.com/news/2022/6/26/Duterte-administration-infrastructure-program-BBB.html
Buan, L. (2021, June 30). DOJ: Local governments, DPWH have most corruption complaints. Rappler. https://www.rappler.com/nation/doj-report-corruption-complaints-lgus-government-agencies-2021/
Caling, R.R. (2020, November 6). Halted physical classes, looming phaseout burden UP jeepney drivers. Tinig ng Plaridel. https://www.tinigngplaridel.net/2020/up-jeepney-drivers/
Cayabyab, M. (2022, October 5). Fire disrupts LRT-1 operations. PhilStar. https://www.philstar.com/nation/2022/10/05/2214331/fire-disrupts-lrt-1-operations
Dinh Toan, T. (2018, November 24). Managing traffic congestion in a city: a study of Singapore's experiences. Research Gate. https://www.researchgate.net/publication/330776732_Managing_traffic_congestion_in_a_city_A_study_of_Singapore's_experiences/citation/download
Domingo, K. (2022, October 3). Marcos signals start of construction of Philippines' first subway. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/business/10/03/22/marcos-signals-start-of-first-ph-subways-construction
Esmael, L. (2022, November 3). PH debt soars to ₱13.52T in September. CNN Philippines. https://www.cnnphilippines.com/business/2022/11/3/PH-debt-soars-to-13.52T-September.html
Hallare, K. (2021, November 2). Why Metro Manila Is An Urban Planning ‘Mess,’ According To An Expert. One Network News. https://www.onenews.ph/articles/why-metro-manila-is-an-urban-planning-mess-according-to-an-expert
Japan International Cooperation Agency. (2022, February 16). JICA reassures commitment to support the “Project of the Century” in the Philippines [Press release]. https://www.cnnphilippines.com/news/2022/6/26/Duterte-administration-infrastructure-program-BBB.html
Laurel, D. (2022, August 22). MMDA: Vehicle volume during start of F2F classes ‘manageable,’ no traffic surge observed. Top Gear Philippines. https://www.topgear.com.ph/news/motoring-news/mmda-f2f-traffic-a962-20220822?ref=article_hyperlink
Mirasol, P.B. (2021, June 21). A look back at the PNoy administration. BusinessWorld Online. https://www.bworldonline.com/the-nation/2021/06/24/378119/a-look-back-at-the-pnoy-administration/
Ochave, R. (2022, May 9). PCCI seeks immediate action on NCR traffic to remove drag on economy. Business World Online. https://www.bworldonline.com/economy/2022/05/09/447325/pcci-seeks-immediate-action-on-ncr-traffic-to-remove-drag-on-economy/#:~:text=5%20billion%20is%20lost%20daily,the%20Japan%20International%20Cooperation%20Agency
Quismoro, E. (2022, August 23). Goodbye ‘Build, Build, Build’; P1.196-T sought for PBBM’s ‘Build, Better, More’ infrastructure program. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2022/08/23/goodbye-build-build-build-p1-196-t-sought-for-build-better-more-infrastructure-program/
Rivas, R. (2022, November 4). Philippine inflation rate soars to nearly 14-year high of 7.7%. Rappler. https://www.rappler.com/business/inflation-rate-philippines-october-2022/
Sabalo, W.B. (2022, September 17). Fare hike will impact on our budget – commuters. Cebu Daily News Inquirer. https://cebudailynews.inquirer.net/464520/fare-hike-will-impact-on-our-budget-commuters#ixzz7hkumLqJo
Sarne, V.B. (2019, June 6). More than the price, it’s the down payment that sways Pinoy car buyers. Visor PH. https://visor.ph/industry/more-than-the-price-its-the-down-payment-that-sways-pinoy-car-buyers/
Schuengel, F. (2018, November 5). This footbridge on EDSA is like a theme-park ride. Visor PH. https://visor.ph/traffic/this-footbridge-on-edsa-is-like-a-theme-park-ride/
2 notes · View notes
luhaatdugosagiyera · 1 year
Text
Hanggang sa huling pagkasira
Maaga pa lang bubungad kayong nakasimangot, ano nanaman ba iyang nasa post mo?! kontra kay Duterte? anong kahibangan iyang ginagawa mo? kilala mo ba kinakalaban mo?
Maingay, paulit-ulit, sabay pikit ng mata ulit, pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa ang dakdak ng nanay at tatay kong makulit. Hanggang sa matapos sila sa linyang “Huwag ka lang talaga makita namin sa mga rally, malilintikan ka”.
Dalawang taon na rin pala nakalipas simula nung unang beses ko narinig sa inyo iyan, magdadalawang taon na rin pala na hindi niyo ako kasama sa tahanan kung saan nakita niyo akong lumaki, mag dalaga at mamulat sa reyalidad na meron ang lipunan natin at kabulukan nito sa sistema.
Naalala ko nasira ko nang paulit-ulit ang tiwala niyo noon, magpapaalam na pupunta sa eskwelahan pero pupunta sa rally, ilang beses niyo na ako nahuli, ilang beses niyo na rin ako iniyakan at pinakiusapan na tumigil. Hanggang nahibang ako sa konsepto ng pagtakas at mas ginalingan ko pa magtago, para hindi ko kayo nakitang umiyak at magmakaawa— pero alam kong ito ay mali.
Nang lumaon ma at pa, madugo at hirap man ako ilabas sa inyo noon kung ano ba talaga ang nais kong gawin, at ano ako, hindi lang ako rallyista, ma, pa ako ay aktibista gusto ko pagsilbihan ang masa, gusto ko kumilos kasama sila at makasama mula sa pag-alam at pagtatagumpay ng mga laban nila. Para akong tumatalbog na plaka noon sa pagpapaliwanag, naging agresibo, naging mapagmataas, naging antagonistiko at naging makasarili sa nais ko lang mangyari at gusto ko.
Naalala ko, masa nga rin pala ang mga magulang ko, parte sila ng masa na pinapangarap kong ma organisa, pinapangarap kong makasama hanggang sa tagumpay. Tila ba naging aktibista ako na may dalawang pagkatao; Anti-Pyudal sa lansangan, at Pyudal sa pamilya ko. Hipokrito kung makikita, aktibista na may dalawang mukha. Ilang taon ko rin bago maisip ang ganitong bagay, kung kailan nasira ko na ang tiwala ng aking mga magulang, at kung kailan napaiyak ko na sila nang ilang ulit, napakaraming ulit.
Naalala ko ilang beses ko binitiwan ang mga salitang “Wala kayong kwentang magulang”. Pero sa ilang ulit ko itong isinambit sa kanila, ilang ulit rin nilang ipinakita sa'kin ang pagmamahal na hindi man perpekto, pero nanunuot sa pagkatao ko na bitbit ko sa bawat hakbang ko patungo sa komunidad, paggawaan at lansangan.
Hanggang sa huling pagkasira ng tiwala, hanggang sa huling pag-aalala, hanggang sa huling pakikipagtunggali, hanggang sa huling patak ng luha. Hanggang sa huling yakap, hanggang sa huling pag-intindi. Pamilya ko pa rin ang uuwian ko sa huli, at aalayan ng bawat luha, pawis at dugo sa pagbaklas ng sistemang bulok na umiinog sa ating lipunan.
Gumising na lang ako isang araw, nakangiti nang nakikinig ang nanay ko sa mga kwento ko tungkol sa karanasan ko sa isang rally, pero sa huli, laging hindi niya makakalimutan ang tanong na “Anak kailan ka uuwi?”.
Hindi ko pa matatapos ito sa ngayon, mahaba pa ang tatahakin kong pakikipagtunggali at pakikipag-isa sa mga magulang ko. Ang mahalaga ngayon alam ko na ang konsepto ng pananatili sa prinsipyong anti - pyudal sa lahat ng aspeto. Hindi lahat sa lahat ng pagkakataon ang magulang ay pyudal, minsan nanunuot rin ito sa ating sarili. Bakahin ang pagiging aktibista may dalawang mukha, panghawakan ang prinsipyo sa lahat ng oras, hanggang sa huling pagkasira.
2 notes · View notes
Text
Ang Importanteng Yugto sa Buhay Ng Mga Pilipino
Ang Importanteng Yugto sa Buhay ng mga Pilipino:
(1) Ang Nakaraan
(2) Ang Kasalukuyan
(3) Ang Hinaharap
Unang Yugto: Ang Nakaraan
Karahasan, pasakit, at pahirap ang natamo’t naranasan
Kahirapan, kasakiman, boses ng sambayanan ay binusalan.
Iilan lamang ang namulat sa katotohanan
Ang kabuoan ay nalugmok at tinanggap na lamang ang kapalaran
Ang mga mulat na Pilipino pinilit na baguhin ang nayon
Ang naging sandata? Literatura at hangaring mabago ang sitwasyon.
Isinulat ang mga salitang nais bigkasin
Upang maging leksiyon at aral sa naging suliranin.
Artikulo, tula, sanaysay, nobela’t balagtasan
Ay iilan lang sa panitikang nagbigay kulay sa nakaraan;
Isinulat upang maging gabay nang maiwasang maulit, at maranasan
Mga literatura na ang hangad ay tumatak sa sambayanan.
Ikalawang Yugto: Ang Kasalukuyan
Sa kasalukuyan, tila’t nangyayaring muli ang nakaraan.
Naging aral nga ba sa mga Pilipino ang nagdaan?
O sumabay sa paglipas ng panahon
Ang pagbaon sa limot sa ipinaglalaban mula noon hanggang ngayon?
Tapat na pamamahayag para sa bayan
Natatamo nga ba ng sambayanan?
Ngunit ang tanong – tanong namin sa ngayon,
Pamamahayag sa Pinas, ano nga ba ang pamantayan at pundasyon?
Hindi maipagkakaila na ang sistema ay bulok,
Malayo sa noon ngunit tila’y bilanggo sa tatsulok.
Panibagong panahon pero halos parehong pagsubok
Kaisipang kulang sa gabay, nadali at patuloy na binabaluktot.
Ikatlong Yugto: Ang Hinaharap
Kinabukasan ng nasyon ay hindi malinaw,
Subalit maraming paraan upang búkas ay maging bughaw.
Aklat ng mga bukás ang isipan
Ipapalaganap, iwawaksi ang kasinungalingan!
Mga Pilipinong uhaw sa hustisya’t pagbabago,
Magsusulat, maguulat, at babangon!
Mga panitikang simbolo ng buhay at tagumpay,
Magiging daan upang matahak ang maginhawang pamumuhay.
Sa huling yugto, sa huling saknong
Ang nais iparating ay buksan ang isip at puso
Buksan ang aklat kasabay nang pagmulat.
Makinig sa tahimik na sigaw, matang nangungusap
Ito ang mga susi sa tagumpay at pag-ahon
Ng sambayanang Pilipino
Sa mga manunulat at kabataan,
Ipagpatuloy ang nasimulan.
Gawing sandata ang tunay
Na nangyayari sa bansang mahal.
hi everyone! this poem was created for our Life and Works of Rizal subject. this is just freestyle poetry as i called it hehe. i just want to share this because I am pretty proud of the outcome of my work. anyway, learn history and never forget the past. Mabuhay, Pilipinas!
keep safe always!
2 notes · View notes
jpehg · 2 years
Text
Buendia 010522 1204
May kulto sa Buendia. Pero hindi natin alam kung nasaan sila. May mga berdugo sa Pampanga, sa Isabela, sa Ifugao; pati rin yata sa Maynila. Pero hindi rin natin alam kung nasaan sila. Akala natin, sa mga sulok at masisikip na eskinita sila nabubuhay; sa mga daan na walang ilaw. Akala natin, nag-aabang sila habang hawak nila 'yung mga kutsilyong niregalo sa kanila ng isang kamag-anak, o kaya naman 'yung ice pick na inuwi galing sa inuman. Sa sobrang takot natin sa mga kuwento ng ating mga lolo't lola, nakuha na rin nating mangamba sa ating mga anino.
Akala natin tayong mga mamamayang taimting nagdadasal lamang ang mga biktima. Kung tutuusin, sila rin- ngunit sa mas organisado ngunit bulok na sistema ng paulit-ulit na opresyon, disimpormasyon, at kawalan ng oportunidad. Kaya tayu-tayo rin ang nagkakainan at nagpapaslangan.
Pero hindi. Sa halos tatlong dekado ko rito, nalaman ko na wala sa dilim ang tunay na mamamatay-tao, mga magnanakaw, o mga kawatan. Nasa ilaw sila at liwanag; magagarang mga damit, pabango, at relo. Dinadayo sila ng libu-libong mga tao. Ganon ba tayo kabilis makalimot? Bakit pinagdidiwang dito 'yung mga taong may kaso, mga taong gahaman, at mga manloloko? Ganon ba tayo kabilis magpatawad?
Kalokohan.
May kulto sa Buendia. At dumalo ako sa isa sa mga kaganapan nila. May lider sa may podyo sa harapan, at nakaluhod sa putikan ang mga nanampalataya. Bakas sa kanilang mga damit ang putik at dugo ngunit tuloy lang sila sa pagdarasal tila hindi sila naantala sa lakas ng ulan at sa talas ng mga bato sa kanilang mga tuhod. May ilog na dumadaloy sa likuran nila.
"Ginawa ng isang makapangyarihang nilalang ang uniberso, ginawa rin niya ang mga anghel sa larawang hindi natin kailanman maiintindihan."
Okay.
"At dahil sa ganda ng mga kababaihan dito sa lupa ay nagkatawang tao sila para anakan ang mga dilag."
Okay?
"At tayo ang mga purong anak nila, na karapat-dapat lamang mas angat sa kahit na sino mang wala rito."
May kulto sa Buendia; at ang kanilang mga kutsilyo at ice pick ay nasa anyo ng kanilang mga pekeng pangako, pagkaway, at pagbati. Kasabay ng sistematikong pandaraya ang kanilang mga kamay na didiin sa tagiliran natin at ng mga anak natin. Hinding-hindi natin mamamalayan, kung 'di rin natin sila sisitahin.
Pero ang nakakatakot pa dito ay tayu-tayo rin ang nagbigay sa kanila ng kapangyarihan para magawa nila lahat ng salot na nararanasan natin ngayon. Tayo 'yung mga kamag-anak. Tayo 'yung mga kainuman. Tayo 'yung mga tinderang naglilista ng utang sa tubig. Kaya kapag oras na ng singilan, wala na tayong maiharap at matandaan. Poetic justice nga ba kung ganto?
May kulto sa Buendia. Pero parang-awa niyo na. May ideya tayo kung sino sila. Tayo ba ay tunay na mangmang o nagmamaang-maangan lamang? Hanggang kailan natin sisisihin 'yung mga sarili natin sa pagkakamali ng mga nagpapanggap na mga hari at dyos?
Malapit na.
A.
--
This is from one of my recent dreams. 'Di ako sigurado kung related dun sa panonood ng tatay ko sa mga videos ng "Ang Dating Daan", and me re-reading Crossed.
I've been getting morbid dreams lately. Sabi ni Google, stressed daw ako. Either way, we might as well beat it for content.
1 note · View note
manilacreator26 · 7 days
Text
Konting tulong Lang Po General....
https://youtube.com/@RaffyTulfoInAction Magandang Araw At Isang Mapag Palang Pagbati Sa Inyong Lahat Ako Po Si Joseph Angeles, Isang Video Creator, Nais Ko Pong Mag Pakilala Sa Inyo Bilang Isang Totoong Tao, May Maikling Kwento Lamang Po Ako Na Nais Ko Lamang Po Ay Maunawaan Ang Aking Pinag Dadaanang Suliranin Na Kung Hindi Ko Po Sasabihin Ay Kakainin Po Ako Ng Isang Bulok Na Sistema, Sa Totoo…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
annexca · 2 years
Text
#83
Sa akin napunta ang kanilang atensyon
Mata'y palipat-lipat sa iba't ibang direksyon
Napaigtad nang sa balat malamig na posas ay lumapat
Sa parehong oras, sa totoong mundo ako'y namulat
Sarili'y ikinukubli sa kwartong may apat na sulok
Nagdudusa sa kasalanang basta sa aki'y itinapon
Tama nga sila, sistema nati'y tunay na bulok
Hustisya't katotohanan, tayo mismong nagbabaon.
- 6 Talampakan sa Ilalim ng Lupa
Tumblr media
🖼️: https://pin.it/6pY0Pg0
3 notes · View notes
buhaytuklas · 7 days
Text
Konting tulong Lang Po General....
https://youtube.com/@RaffyTulfoInAction Magandang Araw At Isang Mapag Palang Pagbati Sa Inyong Lahat Ako Po Si Joseph Angeles, Isang Video Creator, Nais Ko Pong Mag Pakilala Sa Inyo Bilang Isang Totoong Tao, May Maikling Kwento Lamang Po Ako Na Nais Ko Lamang Po Ay Maunawaan Ang Aking Pinag Dadaanang Suliranin Na Kung Hindi Ko Po Sasabihin Ay Kakainin Po Ako Ng Isang Bulok Na Sistema, Sa Totoo…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
starpilipinas26 · 7 days
Text
Konting tulong Lang Po General....
https://youtube.com/@RaffyTulfoInAction Magandang Araw At Isang Mapag Palang Pagbati Sa Inyong Lahat Ako Po Si Joseph Angeles, Isang Video Creator, Nais Ko Pong Mag Pakilala Sa Inyo Bilang Isang Totoong Tao, May Maikling Kwento Lamang Po Ako Na Nais Ko Lamang Po Ay Maunawaan Ang Aking Pinag Dadaanang Suliranin Na Kung Hindi Ko Po Sasabihin Ay Kakainin Po Ako Ng Isang Bulok Na Sistema, Sa Totoo…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
mga-salita-ni-kiro · 2 months
Text
Bakit nga ba nandito?
Hindi naman ito ginusto.
Sa una pa lang naman ay para bang nakagapos na aso.
Nakakulong sa pangarap ng ibang tao.
Lubog na kaagad sa utang, kahit hindi pa buo.
Kahit na anong pagsisikap, mamamatay pa rin na walang titulo.
Taas, baba. Hindi puwede na huminto.
Kahit na tumigil pa mismo ang pagikot ng mundo.
Dito, nasa edad ang basehan ng respeto.
Edukasyon ang magsasabi ng halaga ng isang tao.
Pera naman ay isang kapangyarihan na kaya na magpasunod ng kahit na sino o ano.
Bulok na sistema kung saan nabibili ang hustisya, katotohanan, at kahit pa ang mga santo.
Huli na nga siguro para sa pagbabago.
Mundo ay isa nang ganap na impyerno, na puno ng mga hipokritong demonyo.
Pero bakit nga ba iniisip at nasasabi ko ang mga bagay na ito?
Isa lang naman ako sa mahihirap, na sa mismong mga magulang ay perwisyo.
Ito na, ang huling tanong ko sayo.
Naniniwala ka ba sa mga sinabi ko?
Kiro - Huling tanong., 4 AM
0 notes
loverottingshit · 3 months
Text
Tumblr media Tumblr media
January 31
Minsan ka na rin bang natakot? Na baka kwarenta ka na, mahal mo parin ako, at ibigsabihin n’on ay habambuhay ka nang nakakulong sa akin. O ibigsabihin n’on, hindi na tayo magkaka-anak, hindi ka na makakatakas sa mga mata ng kung sino. Natatakot ka ba? Na baka sa huli isa lang akong pagkakamali, na hindi naman pala ako ang gusto mo, na ako lang ang naroon kaya ako lang ang napili at kung mayroon mang ibang makakapantay sa akin, walang duda mong pipiliin ito kaysa sa kagaya ko. Minsan ka na rin bang natakot? Na baka kwarenta ka na, ako parin ang nasa tabi mo, at ‘di mo naman ito plinano n’ong una. Nangyari na lang na hindi natin kayang hiwalayan ang isa’t isa sa pagka-tagal tagal na panahon, nasanay akong ang pangalan mo ang tinitibok ng puso ko, ganoon ka rin. Natatakot ka ba? Ako kasi oo. Pero sa ibang rason.
Hindi ako natatakot tumanda kasama ka. Hindi ako magsisising ikaw ang kasama ko sa pagputi ng buhok ko at paghina ng mga tuhod ko. Mas natatakot akong mamatay mag-isa. Kaya sana kung kunin ako ni kamatayan, mauna ako sa ‘yo o ‘di kaya magsabay tayo. Natatakot ako, na baka otsenta na ako (kung aabot man ako roon), mahal parin kita ngunit hindi ka na nananatili sa kahit saan sa mundong ibabaw. Natatakot din ako, na baka kwarenta na ako hindi parin ako nakakaalis sa mga pangarap na minsan na nating inakmang tuparin (inaakma), pero wala ka na rito para tuparin ang mga ito kasama ko. Nakakatakot ang ideyang ang kaluluwa mong minsan kong sinamba ay magiging kaisa ng mga anghel at santo. Hindi ako kailanman magiging handang ibigay ka kahit kanino, kahit sa Diyos, kahit sa langit— gusto ko sa akin ka lang. Ayokong makita ang sarili ko sa isang bahay na hindi ka kasama, at ayokong umupo sa upuang minsan mo nang pinangarap para sa bahay natin.
Tumblr media
Tingin mo, may oras bang mapapagod ka? Kagaya ng pagod ko pagbiyahe mula Los Baños hanggang Rizal tuwing alas-kwatro ng Biyernes pagtapos ng ika-apat kong subject. Minsan ka na rin bang natakot? Kagaya ng takot ko sa Cubao dahil bukod sa maraming tulisan, madalas akong maligaw. Minsan ka na rin bang nag-alala? Kagaya ng kung paano ako hindi siputin ng mga magulang ko sa terminal ng bus tapos biglang may nagsuntukan sa harap ko at akala ko huling araw ko na ‘yon. Minsan ka na rin bang napurga? Kagaya ng pagka-sawa ko sa unibersidad at sa bulok nitong sistema. Darating kaya ang panahong hinihintay na lang natin ang dapithapon bago isara ng isa sa atin ang kaniyang mga mata at tuluyan nang mahalikan ang araw sa langit? Darating kaya ang panahong masasabi kong “Alam mo, kaya naman kitang hindi mahalin. Siguro nga posibleng dumating ang panahong magigising tayo’t hindi na natin mahal ang isa’t isa. Ayon nga lang, nauna ka.”
Sana hindi. Sana mahalin mo ako palagi, sana hindi ka magising na ‘di mo na ako mahal. Sana ganoon din ako— dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling pakawalan ng puso ko ang pusong minsan nang pinaramdam sa akin ang pakiramdam ng mabuhay, gawa ng hapdi ng pagmamahal at gawa ng kasiyahang dulot nito. Mahal kita, at oo natatakot ako.
Natatakot magkwarentang wala ka sa tabi ko.
0 notes