ITO'Y AKING BABALIK-BALIKAN AT HINDI PAGSASAWAAN.
Bago pa man sumikat ang araw noong Disyembre 21, 2022 ay lumuwas na kami sa Batangas para makakuha ng ticket para sa barko na aming sasakyan papuntang Oriental Mindoro kung saan naroon ang aming mga kamag-anak. Ang probinsyang ito ay napakagandang lugar na halos dekada ko nang hindi napupuntahan. Emosyonal na makasampang muli sa barko at hindi ko mapigilang kumuha ng litrato kahit nababalutan ng dilim ang kapaligiran. Sikat ang Oriental Mindoro sa napakaganda nitong mga tanawin at masasarap na putahe. Dito rin matatagpuan ang tamaraw na napagkakamalan ng mga tao na kalabaw ngunit hindi sila magkatulad at marami pa rin silang pagkakaiba.
Pagdating na pagdating namin ay niyakap ko ang aking mga pinakamamahal na pinsan, tiyo at tiya pati na rin ang aking lola. Pagkalipas ng isang araw ay dinala nila kami sa Plaza De Bansud kung saan ubod ng dami ang mga tao na naglilibot doon! Puno ng palamuti, mga nilalakong pagkain, mga palaro at mga bagay na magagamit sa pang araw-araw, kumbaga parang night market.
Hindi ko akalain na napakarami nang nagbago sa lugar na ito. Bawat sulok ng bahay ng aking lola, maraming memorya ang bumabalik at ako ay nagmuni-muni sandali dahil sa napakagandang tanawin na aking nasilayan habang nakadungaw sa bintana. Pangunahing pangkabuhayan sa probinsyang ito ay pagsasaka at pangingisda, kaya napakaraming masasarap na lamang dagat ang nakita at natikman ko sa malaparaisong lugar na ito. Dito ay mababait ang mga tao, matulungin, at palakaibigan.
Pumunta kami sa pinakamalapit na dalampasigan at lumangoy ng ilang oras. Kami ay nagdala ng masasarap na pagkain at nagsaya sa tulong ng videoke at syempre, dahil magkakasama kami bilang isang pamilya. Kahit na wala mang puting buhangin, walang makakatalo dito sa ganda ng tanawin at lakas ng ihip ng hangin na makakatulog kahit sino. Kakaunti lamang ang taong pumapasyal sa lugar na ito at bihira lang din ang mga turista sa kadahilanang hindi pa ito gaanong kilala, kaya napaka palad ko na makapunta sa tabing dagat kasama ang aking mga mahal sa buhay.
Aking nasilayan ang makukulay at naglakakihang parol at christmas tree sa plaza. Ako'y namangha sa iba pang uri ng palamuti. Ramdam ko ang simoy ng malamig na hangin, aking nasilayan ang maraming tao na may ngiti sa kanilang mga labi kasama ang kani-kanilang pamilya at kaibigan. Hindi ako makapaghintay sa mga susunod pang araw at ako ay napaisip na nalalapit na rin ang araw na kami ay babalik na sa Bataan dahil malapit na ang pasukan kaya akin nang susulitin ang bawat minuto na kasama ang aking mga paboritong tao.
Walang araw na nasayang dahil amin nang sinamal ang paglilibot sa mga ilog, bundok, at iba pang sikat na destinasyon na makikita sa lalawigang ito. Para sa akin, isa talaga ito sa pinakamagandang lugar na nakita ng aking dalawang mata. Makikita ang kulay ng ating planeta na berde at asul, ang sarap magpahinga habang walang iniisip na problema lalo na kung ganito kaganda ang masisilayan mo.
Huling araw namin sa Oriental Mindoro noong Enero 2, 2023. Kami ay nag impake na ng gabi at sa huling sandali ng aming paglilibot, hindi ko na pinalampas at hindi na ako nagsayang ng oras sa pakikipag kwentuhan at tawanan sa aking mga pinsan. Ang bilis, ang dalawang linggo ay parang dalawang taon sa dami ng nangyari ngunit hindi ko ito napansin; totoo nga ang sabi nila na "hindi mo mapapansin ang paggalaw ng oras kapag masaya ka". Sumama ako kay mama at tiya sa pagpunta sa palengke para bumili ng aming babaunin at bumili na rin kami ng pasalubong tulad ng matatamis na prutas, iba't-ibang uri ng isda at mga key chain. Hindi maitataggi na mura ang mga bilihin dito kaya hindi ko napigilan si mama na bumili ng kung ano-ano kahit na hindi na magkasya sa aming maleta. Pagsampa sa aming sasakyan papuntang Calapan, kabisera ng Oriental Mindoro, niyakap ko nang mahipit ang aking lola tyaka hinalikan sa pisngi at nagpaalam sa aking mga pinsan, tiyo at tiya at sinabi ko na mahal na mahal ko sila. Hindi ko napigilang umiyak habang paalis na ang aming sasakyan. Sabi ko sa aking sarili na ako ay babalik at ang lugar na ito ay laging magkakaroon ng isang espesyal na lugar sa aking puso.
Ako ay namangha sa aking mga nakita, buti na lamang ay umaga nang kami ay sumampa sa barko dahil aking nasaksihan ang mga isla na nababalutan ng berdeng puno at ang tubig alat na nakakasilaw sa ganda dala ng repleksyon ng araw. Aking nalaman na napakasentimantal kong tao, bawat segundo na aking kasama ang aking mga minamahal, hindi ko mapigilang kunan ng litrato ang mga magagandang tanawin. Aking napagtanto na napakapalad ko na magkaroon ng mapagmahal na pamilya na hindi ka hahayaang maging malungkot. Hindi mawawala sa aking isip ang bawat panahon na kasama ko sila na puno ng tawanan, asaran, pagmamahal at mga payo na aking babaunin habang buhay. Natutuhan kong bigyang halaga ang bawat litrato dahil ito ang nagpapaalala sa akin ng nakaraan kung saan ako ay masaya.
3 notes
·
View notes
You remind me of sunsets
Adored by many
Anticipated by few
Cliché yet unconventional
You’re the one I always want to end my day with.
3 notes
·
View notes
alon at dalampasigan
g.
ang mga alala ay parang dagat. malawak, malalim, at naglalaman ng maraming bagay.
ang mga alaala ay parang alon at ako ang dalampasigan. bigla bigla itong humahampas at nararamdaman ko ang lamig ng lumipas na panahon.
0 notes
Be a warrior not a worrier. -Anonymous 📸 Jas #memyselfandi #selflove #selfawareness #selfacceptance #selfappreciation #imperfectlyperfect #livelovelaugh #livelaughlovelearn #heartmindsoul #love #brokennotbeaten #brokenbutblessed #notaperfectworld #notaperfectlife #motivation #selfworth #mementomori #confidentwithmytrueskin #confidentwithmyauthenticself #dagat #sunsandsea #yoga #yoganywhere #flow #balance #peacefulwarrior #igph #igphotography #igers #wellbeing https://www.instagram.com/p/CdBDNMTrbF3/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes