Tumgik
#dinahaner
iamnotaxl · 1 year
Text
Kwento sa Pangalan ni Ayo.
(Nasanay)
Nasanay ako sa tayo. Kaya nakalimutan kong meron pa ring ikaw at ako. Ikaw na may sariling buhay sa labas ng tayo. Ako na mas madalas magkaroon ng sariling mundo sa mga halusinasyon at imahinasyon sa utak ko that keep on running without fail.
Tulog na nga lang ang pahinga ko, e. Ikaw yung inaasahan kong pahinga pag hindi ako nahihimbing sa kama but when you said that you were tired; nalunod ako.
Nung una akala ko nakakatakot malunod. Best experience pala. Kasi naman, natuto kong huminga. Natuto kong sumuporta sa sarili ko ng hindi umaasa sa'yo. Na hindi humahawak sa tayo na binuo natin. Na hindi kumakapit sa mga pangako mo.
Bakit ko kasi nakalimutang 'ako' lang pala nung una kaya lang dumating ka? Dumating ka ng inaasahan ko na 'di tulad ng sa iba; unexpected daw. Alam mo bang bumuo pa ako ng outline kung paano natin patatakbuhin ang tayo?
Hindi ako nagtagumpay doon, huh? Kaya siguro dinahan dahan mong inalis ang letter t sa tayo. Naging Ayo. Kaya yun ang ginamit kong pangalan.
Kaso habang tumatagal inalis mo rin ang letter y. Natira na lang sakin ang a at o.
Ginising mo na lang ako isang araw na bibigyan mo ako ng letter k. Sabi mo sa akin, k ka na ba? Sana k ka na.
Para nga tayong nasa show ni Kris Aquino, yung 'Game Knba?' Patawa.
Kaya mo pala sinabing sana k ka na kasi...aalis k na. Gusto ko sanang mag mura kasi para kang nag spray ng alcohol sa sugat ko.
Naalala mo yun nung nasa Muzon tayo? Winisikan mo ng alcohol yung sugat ko sa braso na gumasgas sa alambre.
Sabi mo kasi mabilis lang gagaling. Tama ka nga. Natuyo agad ang sugat kaya nawala na yung hapdi.
Nung binigay mo sa akin yung letter k sabi mo, hawakan kong mabuti. Kaya Kumapit ako ngayon sa letter k.
Sa sobrang pagkapit ko sa binigay mo, hindi ko na napansin na unti unti ka na rin nawawala.
Ang natira na lang sa akin ay tatlong letra. A, k, at o.
Hindi na kita hinanap. Bakit pa? Nakikita naman kita palagi. Hindi ka rin naman nawawala. Umalis ka lang naman sa loob ng tayo na binuo natin, e.
Kaya yun. Yung dating tayo. Naging pangalan ko pa sa facebook when you remove the letter t.
Tinanggal mo yung letter y tapos pinalitan mo ng k.
Nung sinabi ko sa'yo okay na ako. Sabi mo, "Mainam. Tapos na ako sa'yo."
Manhid na yata ako nang marinig ko yan. Hindi na kita iniyakan, e.
Hilig mo sa slowburn. Parang yosi. Dahan dahan nasusunog at dahan dahan rin pumapatay. Buti na lang buhay pa ako kahit patay na yung tayo. Kasi sa pagmamanipula mo ng mga letra sa binuo nating tayo; ang natira na lang ay ako.
Ako na si Ayo na may binubuong mundo sa labas ng tayo. K na rin ito, at least nagtira ka para sa ako.
Ako na gamit mo sa sarili. At ako na gamit ko para sabihing ako na lang mag-isa kasi wala ka na.
Salamat nalang sa tayo, dun nabuo ang pangalang Ayo. Pipilitin kong sabihin ito ng walang halong pait. "Thank you kasi sa pagkawala mo may bago na akong pangalan."
Isang paalala na hindi na ako buo dahil hindi na (t)Ayo kumpleto.
K lang. Nasanay na ako.
Tumblr media
2 notes · View notes
jomjon · 5 months
Text
10/18/2021
Unspoken words to Papa.
Pa, mas okay pa na maging honest ka kesa paniwalain mo ako sa kasinungalingan.
Malungkot man pero di talaga kami sapat ni dan para ituloy ni mama ang buhay niya.
Naaawa ako kasi di natutulog.
Kung ano ano pumapasok sa isip.
Wala ka na ba talagang pakialam kay mama? Please lang maging honest ka. Mahal mo pa ba? Kahit sakin mo na lang sabihin para alam ko kung itutuloy ko pa to. Kasi kung di mo na mahal sa tingin ko di mo na kailangan pang marinig lahat ng sasabihin ko.
Ayaw niya kausapin ka kasi gusto niya sa personal.
Mas mahalaga ba talaga ang trabaho mo kesa samin?
Baka kasi may iba ka nang pamilya rito
Pasensya na pa pero sa ginawa mo 13 yrs ago or baka nga higit pa sa 13 yrs, hindi nakakapagtaka kung may iba pa.
Edi sana kasi pa di mo muna sinabi kay mama.
Sana dinahan dahan mo naman muna.
Sana inantay mong makauwi ka bago mo sinabi.
Kasi ang lumalabas parang di ka sinsero sa paghingi mo ng tawad.
Bakit akala niyo po ba madaling tanggapin ang ginawa mo at ang bunga ng kasalanan mo?
0 notes
topherpadre07 · 5 months
Text
Dinahan dahan ko lang at siyempre hbw ang ballpen hahaha
0 notes
nevermindersworld · 11 months
Text
Eh 'nung nagchat ako sa'yo, dinahan-dahan mo naman akong ginhost, eh syempre napahiya ako, 'di ba? May pride rin naman ako.
0 notes
libertineangel · 11 months
Text
Some notes on Mahmud's close family, because I've known about them for years but barely actually written about them and I might as well put some of it in a post, I wanna give them their own tag anyway for the occasions they show up without Mahmud himself:
His father, Dinahan, was a cordwainer, making shoes, boots and sandals for a living. Tall and fairly broad, a little quiet but generally regarded as a friendly enough guy, very skilled and knowledgeable as far as his craft was concerned.
Mahmud's mother, Juwan, was a stable-worker, which in Hammerfell was a pretty decently-respected job. More sociable than her husband but just as physically large, slightly heavy-handed.
Karima, Mahmud's younger sister by three or four years, worked as a shipwright, hauling and cutting massive timbers to get assembled into ships that sail out of Sentinel. Not unpleasant but very blunt, with a reputation for not taking any bullshit; 6'1" and built like someone who spent her life working with enormous bits of wood. Not to be trifled with.
Her husband, Ehran, runs the local tavern. Gregarious, caring, generally agreed to be pleasant company and an all-round nice guy. 5'10" and quite slim, a little quieter at home than in public.
Their first child, Adana, always loved her uncle's stories and wanted to become an adventurer herself, so she did. Worked hard in training as a child, moved to Gilane to specialise in spearwork, did very well and then went out to travel the world. Around 26 during the Oblivion Crisis, closed four Gates of her own while working as a caravan guard in Elsweyr.
Her younger brother, Rahul, was also inspired by Mahmud's tales, with his imagination captured mostly by ideas of magic. An awkward interest to have growing up in Hammerfell but his mind was set, and Mahmud did his best to bring books home from his travels until Rahul was old enough to move to one of the academies of High Rock; he naturally had some disadvantages compared to most other students but worked intensely enough to catch up. Spent his life as an academic wizard, becoming one of Tamriel's leading experts in certain obscure laws of Destruction magic (there wasn't much competition, with the area being so obscure and inconsequential only a handful of wizards gave that much of a shit). Talks a lot, writes a lot - he and his husband Vitellius would eventually write Mahmud's biography, The Storied Life of Mahmud Aka-Ra, which was nearly a thousand pages long; almost as soon as they died the Empire had an abridged and propagandised edited version published in two volumes, which sold better with the general public despite those who knew the family doing their best to explain how much of an insult it was.
1 note · View note
rlgoinglpt · 1 year
Text
Hi!
I've been answering a book and our instructor told us to make it handwritten. I don't like my handwriting that much.
Kasi naman, hindi ako pantay magsulat sa blank paper. Minsan pabundok, minsan padagat ang direksyon niyan. Sabi pa ng instructor namin last time, kapag daw hindi mo namaster ang pagsulat nang tuwid sa blank paper, hindi raw nagdevelop nang maayos yung fine motor skills mo hahah, and then there's me. Hindi ko talaga alam paano magpapantay yung sulat ko. Although many of my classmates are impressed about my handwriting kasi parang printed daw ako magsulat hahaha eh mukhang hindi naman. Kasi kapag lalo kong dinahan-dahan yan, lalo yang mawawalan ng direksyon haha.
Also, if ever someone sees this, makikita na agad niya kung anong personality ko with all these inconsistencies. Isa pa, wala akong consistent na handwriting sa totoong buhay. Never nagkaroon ng uniform handwritten notes yung notebook ko. Ewan. Haha.
Tumblr media
1 note · View note
bitterchocolat · 4 years
Text
Escrita por Lady Azahar y Dinahaner.
La vida de Kathleen Sanders, Jay Ackles, Caroline Anglia y Mike Pratt diez años después.
0 notes
shanleybangahon · 3 years
Text
PAANO KO HINAHARAP ANG MGA PAGSUBOK SA KABILA NG ATING NARARANASANG PANDEMYA
Malaking naidulot ang pandemya sa atin ngayon, ngunit tayo ay may mga protocol na sinusunod upang maiwasan o maibsan din ang cases ng COVID-19. Mahigit din na ipinagbabawal ang pag conduct ng face-to-face classes dahil kung gagawin natin to marami ang mahawa ng virus na ito. Dahil sa pandemya maraming naudlot na bakasyon, taping, plano, at iba pa, marami ding nangyari sa ating mga paligid na hindi natin inaasahan na mangyari at marami ding napilitan na manatili lang sa kanilang mga bahay upang hindi mahawa. Ang mga tao ay maraming natuklasan at natutunan na mga bagay at sa kanila din mga sarili. May alternatibo ding paraan ang kanilang naisipan sa panahon ito upang tayo padin ay makapagtuloy sa ating mga buhay tulad ng sa trabaho, businesses, at sa pag-aaral. Ang mga interaksyon ng mga tao ngayon ay ipinadaan sa social media at internet na gamit na gamit sa panahon ngayon. Ang pag-aaral ng mga kabataan ngayon ay online upang tayo padin ay makapag-aral kahit nandito lang tayo sa ating mga tahanan at upang masigurado din na hindi mahawaan ang mga mag-aaral.
Paano ko ba hinaharap ang mga pagsubok na aking nararanasan sa panahon ngayon? Isa sa mga pagsubok na hinarap ko ay itong online class kasi unang una hindi ko to gawain kaya first time ko to nagawa na  makapag-aral sa online. Nahihirapan at nabigla ako nung una kasi pag bukas ko palang ng neo ko ay 60 plus na ang aking mga assessments na sasagutan sa loob ng isang linggo lamang. Ang ginawa ko ay dinahan dahan ko itong dalhin sa utak ko na nag-aadjust pa lang ako at pinilit ko na huminahon dahil kung parati ko lang ipresyur yung sarili ko wala talaga akong magagawa na maayos at magkagulo ang aking isipan na hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Kinakabahan ako kapag umuulan dito sa aming lugar at nag exam ako at tsaka diyan babagal ang internet na baka hindi mapasa. Ako din ay nag-oorganize ng aking mga gawain upang hindi ako malito at meron pa rin akong oras sa aking pamilya at sa aking sarili.
Ang ginawa ko din ay magpahinga, dahil ilang oras na nakababad sa mga gadgets na ginamit sa online class at sa social media. Hindi mabuti sa ating kalusugan kung hindi ka magpahinga lalo na sa online class ka palagi ang inaatupag natin, kasi maaaring ang mga impormasyon sa ating lessons ay hindi natin maintindihan. Kailangan natin ng madaming enerhiya upang marami pa tayong magawa at makasagot ng maayos sa mga binigay na pagsusulit dahil hindi na mabigat ang ating mga utak at ito’y nakapagpahinga na. Pinakahuli ay palagi akong nagdadasal, nagbigay din ako ng oras para makausap ang Panginoon dahil sa kabila ng pandemyang ito meron itong rason bakit ito nangyari ngayon at magtitiwala tayo sa Panginoon.Hinding hindi niya tayo iiwanan at lagi siya sa tabi natin. Hihingi ako ng patnubay sa lahat ng mga ginagawa ko at gagawin pa lamang at magsalamat din. Dahil sa paraan na ito kahit papaano ay gumaan ang aking loob.
Alam nating lahat na marami pang pagsubok na darating sa ating buhay kaya’t maging matatag tayo at huwag mawalan ng pag-asa. Gaano man kalaki o kaliit ang pagsubok na iyon ay palagi kong hinahanda ang aking sarili at hindi susuko dahil sa pamamagitan ng pagsubok marami tayong matutunan sa ating buhay.
2 notes · View notes
jeuzwrld · 6 years
Text
Sana naman dinahan-dahan mo ang pagbitaw sa akin ng sa gayon ay hindi nabigla at nagdusa ang puso kong matagal ng talunan.
11 notes · View notes
phgq · 3 years
Text
Ex-student rebel tags UP profs in CPP-NPA recruitment
#PHnews: Ex-student rebel tags UP profs in CPP-NPA recruitment
MANILA – A former student of the Polytechnic University of the Philippines (PUP) in Sta. Mesa, Manila tagged some University of the Philippines (UP) professors in the recruitment of students into the Communist Party of the Philippine-New People’s Army (CPP-NPA).
In a press conference with some former CPP-NPA cadres at the National Press Club on Wednesday, Ivy Lyn Corpin alias “Ka Red”, a former youth rebel, bared the recruitment activities happening inside universities.
“Sa lahat ng state universities and colleges may recruitment na nangyayari sa buong bansa, pati sa mga private higher education institutions na eskwelahan ay may nagaganap na recruitment (Recruitment happens in all state universities and colleges in the country, and even in private higher education institutions),” Corpin said.
She said she was not aware of these schemes when she entered PUP in 2010.
All she was thinking of then was to focus on her studies and finish college since she’s a scholar in a state university.
She said she was keen on focusing on her studies that time and did not want to join protest actions inside the university.
On her first day in college, she said different militant groups were already conducting room-to-room campaigns in PUP to explain their organizations and advocacies.
This opened the doors for her recruitment into the Lakbay Cagayan Valley or Lakbay CV.
Lakbay CV, she said, is directly under the regional committee of the CPP-NPA that represents the youth sector inside the university.
UP profs behind recruitment
Corpin said they were also being handled by professors from UP Diliman and UP Manila.
“Ang humahawak sa’min ay mga professors ng UP Diliman at UP Manila kaya nung na-organize ako sa legal organization nung 2010, ginawa akong secretary general ng Lakas ng Kabataan para sa Lakbay CV bilang support group sa loob ng PUP (We were handled by professors from UP Diliman and Manila and when I got involved in 2010, I became secretary-general of the ‘Lakas ng Kabataan para sa Lakbay CV’ as support group inside PUP),” she said.
In July 27, 2011, she said she was recruited by another PUP student to the ‘Kabataang Makabayan’ (KM), which is an underground mass organization.
She said she was just brought inside a classroom in PUP where she was introduced to the KM that claimed to be a youth organization.
She then realized that Lakbay CV is a legal front organization that recruits students to support the armed struggle.
“Unti unti, dinahan-dahan nilang sabihin sa’kin na ito ay sumusuporta sa NPA, na balang araw, darating yung panahon na makakakita tayo ng talagang naglulunsad ng armadong pakikibaka para labanan niya at durugin at ang gobyerno (They told me that it supports the NPA, and that time will come that we will personally see and meet people involved in the armed struggle to defeat the government),” she said.
That same day, after introducing her to KM, Corpin said she was brought to the Faculty Center in UP Diliman where she met a UP professor.
Corpin said the orientation was done right inside the office of the UP professor, who also told her that KM is a “secret organization” and that no one should know about it.
She said she only came to see other members during underground meetings, lightning rallies, and consultations.
Corpin said after that day, she started frequenting UP Diliman where they will stay at the Sunken Garden or in waiting sheds where they would discuss The Communist Manifesto as if they were just doing some group studies.
In April 2012, she was invited by the same UP professors to be part of the ‘Kandidatong Kasapi’ or KK that also initiated her oath.
“After nila ako pasumpain, naglatag na sila ng parang flag na maliit ng CPP tapos may orientation na nakataas kamao kami na nanunumpa doon sa flag tapos mahinang-mahina lang na kinakanta namin yung internasyunal kasi nga baka marinig nung mga katabing rooms sa faculty (After the oath they placed a small CPP flag, then we had an orientation with our fist raised. We softly sang the hymn. We were careful so nobody would hear us in the next room),” Corpin said.
She was then introduced to the ‘Batayang Kurso ng Partido’ (BKP).
From that point, Corpin said she was tasked to conduct ideological, political and organizational (IPO) works and started recruting other youths from different universities.
During the press conference, Corpin was joined by other former rebels Rey Christian “Ka Nads” Sabado, and Joy James “Ka Amihan” Saguino.
The CPP-NPA is listed as a terrorist organization by the United States, European Union, the United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, and the Philippines. (PNA)
  ***
References:
* Philippine News Agency. "Ex-student rebel tags UP profs in CPP-NPA recruitment." Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1128785 (accessed January 28, 2021 at 09:01AM UTC+14).
* Philippine News Agency. "Ex-student rebel tags UP profs in CPP-NPA recruitment." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://www.pna.gov.ph/articles/1128785 (archived).
0 notes
norueljangm · 4 years
Photo
Tumblr media
Post not to brag but to inspire. Starting Weight: 120 Kg. Current Weight: 77 Kg. Goal Weight: 73 Kg. Hello 😊 It's been 6 months since I started my fitness journey. Kaya share ko lang tong journey na to 😊 And a lot of you have been asking kung anong diet plan ko kaya eto na hehe Simple lang guys "No Rice" diet lang and Workout. I started this journey a week before nagDeclare ng ECQ, hindi agad ako nagswitch to "no rice" kasi baka mabigla katawan ko kaya dinahan dahan ko, from 1 cup of rice➡️1/2➡️1/4 cup of rice,mga 1 month din yan na adjustment until I'm convinced na ready na akong mag "No Rice". Sinabayan ko din ng Workout, pero syempre sinimulan ko din sa pinaka basic na cardio thanks to "Team Body Project" YouTube Channel, maraming free workouts diyan guys. Hanggang sa pwede na sa mga Complex workouts hehe, mga at least 20 minutes to 30 minutes lang, 6 times a week. Sinanay ko talaga sarili ko, ginawa kong habit. Sa simula talaga yung mahirap guyss pero if you are eager talaga towards your goal (plus Quarantine din kaya naghanap ng pagkaka-abalahan haha) eh makakaya talaga. Ganyan yung routine ko for 3 months, but sadly back to work na ako nong June and kailangan na magStay-in sa site. So struggle is real and another adjustment ulit. So na-stop yung Work out ko but grabe din naman ang akyat baba sa Site so ok na muna yun haha (pero wag tularan) pero patuloy parin yung "No Rice" diet ko. Nag expect ako na less na yung weight loss ko but nagulat nalang ako as time passes by eh nagle-less pa yung weight ko (so masaya na naman ako hahaha). The Bottom line is Hindi kailangang magsimula ka na sa malaki, ang mahalaga eh sinisimulan mo na ng paunti unti. Baby step is the key. I know I still have a long journey to go, but isa kasi to sa napakatagal ko nang new year's resolution, kaya isa na tong achievement sa akin. P. S. : Thank you to my very supportive Family Nora Miguel, Reuel Manuel Miguel and Uelnor Faith Galvadores Miguel. Nag-adjust din sila talaga ng grabe for making sure na low carb ang mga kinakain ko haha. Love you and miss you all ❤️ #LCIFisLIFE👏👍 Thank you coach Dave Aguila.. and inay Ara..😊💕 https://www.instagram.com/p/CFmJPs1gVj_/?igshid=12vhv9g08aq0f
0 notes
dimas-inag · 5 years
Text
Hulyo 3, 2019
Kumabig ako pakaliwa, patungo sa daang magtuturo sa amin. Sinalubong ako ng dalisay na hanging sa mga nahuhuling buwan lamang ng taon nasusumpungan. Dinahan-dahan ko ang pagpiga para sa marahang pagsulong. May panangga man sa ulo’y nadadama pa rin ng aking pisngi na “parating na ako sa kinalakhan kong pugad”. Sana’y ganito lagi ang madarama sa gabi... para naman gumaan ang naikukulob sa isip.
0 notes
allychfiles · 4 years
Text
Hi gabby.. im so thankful for today.. nakausap kita kahit saglit and somehow.. im happy may mga nasabi ako sayo na dapat naman matagal ko nang sinabi..
Atfirst akala ko talaga di mo ko sasagutin sa chat.. aaminin ko masakit ung nalaman ko ngayon.. na kailangan ako ung iletgo mo para maging maayos kayo ni amelie.. but its ok i understand. Pano ka nga naman magmomove on sa tao kung di mo sya aalisin sa buhay mo diba.. masakit na di mo pa kayang ibigay ung friendship na hinihingi ko but somehow alam kong wala tayong samaan ng loob.
Im still waiting gabby. Ewan ko hanggang kelan.. matagal tagal naman bago ko mapagod.. sana before yon ok na tayo no? Matatawag na ulit kitang gabby..
Mixed emotions ako.. happy for you syempre and panghihinayang.. and also still happy kasi i got to talk to you today. Hindi ung puro ganito. Haha di ka naman nakakareply dito eh.. nanghihinayang ako gabby satin. Pero alam ko namang it doesn’tmatter to you anymore. Yaan mo nang ako na lang manghinayang.. sana pala di ko inintay na makapagcelebrate tayo ng pagpasa ko sa boards.. sa totoo lang dun sana kita gustong balikan. Though alam kong may girlfriend ka non . Nung una kasi di pa nagsisink in sakin.. im sorry for that thought. Akala ko kasi pagkapasa ko ok na ilaban ung satin. Ahaha kaso too late na pala . Im sorry gabby ha? Masyado kong mabagal. Im sorry.
Anyways im still very happy for you. Tama ka naman. Di na tayo bumabata.. and pang future na dapat iniisip natin. Nakakatawa lang na hindi pala ko magiging kasama sa future mo.. sakin kasi kasama ka. Always. Sa mga plano ko.. sa daydreaming ko. Kahit panaginip ko kasama ka. Sobrang obsessed ba? Ganun ka kaspecial eh. Naplano ko na ng buhay ko kasama ka haha tapos ikaw pala may plano nang iba sa iba haha ok lang gabby its my fault din naman.
Ewan koo alam mo kahit di tayo naging friends ngayon pero ung feeling ko ok. Oo umiyak ako nung sinabi mong hindi na pwede. Ang sakit nun. Di mo man lang dinahan dahan sakin. Kidding aside .. nasaktan ako ng sobra kanina gabby. Ineexpect ko naman na eh kaso masakit pa din pala. Ung mga salita mo tumatagos talaga sa puso ko eh. Kahit naman dati pa. Weakness kita eh. Pero ikaw din hng strength ko eh. Weird no? Sorry.
Im in the process of healing na din naman gabby. Sana nga may dumating na din sa buhay ko no? Para naman makastart na din ako sa iba. Para unaunahan na lang tayo magpakasal haha Ewan ko baka may dumating na nga ata kaso natatakot nanaman ako eh. Gusto ko kasi maayos muna tayo. Pero i think eto na ung maayos for now..
Naalala ko .. nabasa mo na nga pala ung mga last posts ko dito.. sana nalaman mo na ung side ko. Sorry sa lahat lahat ha? Sorry kasi mahina ako. Sana naging malakas ako no? Para satin? Andaming sana. Hindi ko alam kung mababasa mo pa ung mga susunod kong posts.. but i will keep posting. Dito na nga lang kita nakakausap eh. Para pag bestfriends na ulit tayo. Mabasa mo to tapos malaman mo mga pinagdaan kong hirap sayo. Ahaha joke lang. diba ganun naman talaga. Kahit mahirap , kahit tinataboy ka, kahit di ka tanggapin. Di ka aalis kasi nga mahal mo.
I miss you gabby. Your always be my soulmate. My gabby.
0 notes
binibining-blog · 5 years
Text
Ang buhay ay mas madali kapag dinahan-dahan mo lang.
0 notes
livingdeadbody · 5 years
Text
na-feel ko agad na hindi magtatagal e, tangina 😂 sabi na nga ba, dapat pala dinahan-dahan ko muna pfft haha
0 notes
liawanders · 6 years
Text
Isa akong tulang binasa mo nang mabilis
Habang gamit ang 'yong tinig pero hindi mo naunawaan.
Sinubukan mong basahin ulit at sa pagkakataong ito,
Dinahan-dahan.. pero 'di pa rin naintindihan.
At 'di ka pa rin tumigil, binasa mo ang tula nang tahimik,
Nang taimtim, pinipilit mong isipin ano ang pakahulugan pero...
Isang araw, nagising ka sa katotohanang hindi mo pala gusto ang tula;
Nagising ka sa katotohanang pagod ka nang intindihin ang tula;
Nagising ka isang araw na parang walang nangyari;
Hindi mo na binasa pa ang tula.
Isa akong tulang binasa mo,
Kahit hindi ka sanay sa malalalim na salita,
At hindi mahilig magbasa ng tula,
Sinubukan mong unawain ang kahulugan para maintindihan
Pero, hindi mo na binasa pa ang tula,
Hindi na...
Mas pinili mo ang tuluyan -- ang pangkaraniwan,
Mas pinili mo kung saan ka 'di mahihirapan -- tuwiran.
Pinili mo ang iniisip mong madali,
Itinigil mo ang iniisip mong mahirap,
Ikaw ang nagbigay ng kahulugan
Wala na 'kong laban,
Isa akong tulang binasa mo lang...
– Esha
0 notes