Tumgik
#filipinopoems
wmab · 9 months
Text
TAO KA LANG
Tao ka lang. Hindi lahat dapat mong kayanin. Ano ba naman ang saglit na pahinga? Humugot na ng di mapitas na buntong hininga. Pasukuin ang bigat ng buhay at palayain sila sa mga mata.
Kung balak buhatin ang mga bagay, kahit paano ay bumitaw sa sakit ng loob. Tao ka lang. Iinog ang walang pakialam na mundo kahit hindi ka magtuloy. Kaya magpahinga ka. Tao ka lang. Kahit hindi nila maintindihan. Kahit na parang ang pagtigil ay mortal na kasalanan. Kung wala nang matitira sa'yo ay paano ka pa magbibigay? Tao ka lang.
Saglit lang. Baka magalit pa sa'yo ang ningning ng pag-asang dala ng ulan. Ikulong mo muna ang mga pumapalahaw na bulong sa pusod ng mapanira nilang bahay-bahayan. Sa sulok ng isipan. Hanggang sa di na sila matagpuan. Nagyon na, huminto ka. Ang ingay sa ulo at mga tanong na makalaslas-pulso. Magpahinga ka para malaman mo. Kung hinahanap man, ang payapa ay dapat magsimula sa'yo. Tao ka lang.
Magpahinga ka. Tao ka lang.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
28 notes · View notes
tugmataludtodtalata · 5 months
Text
100 TULA PARA SA KANYA
Sequel
#019
Tahimik Nakita kita no'ng nakaraan. Sumulyap ako, marahil mga dalawang beses, sinisigurado kung ikaw ba talaga. Nang makuntento nga akong ikaw 'yon, Nagmadali akong malampasan ka, ayokong mapansin mo pa. Pero nang matanaw kong unti-unti na kayong lumalayo, Tinanaw kita. Tumingkayad pa kasi natatabunan ka na ng iba pang nakapila sa sakayan. Napangiti ako. Ngiting alam kong mapait na gumuhit sa labi ko. Kuntento na nga ako. Kuntentong pagmasdan ka lang mula sa malayo. Kuntentong landas nati'y hindi na muling magtagpo... Kuntentong mahalin ka nang hindi sa 'yo sinasabi. Pag-ibig na mapagpalaya. Pag-ibig na tahimik.
4 notes · View notes
freedby · 2 years
Text
lupa
ibabaon sa limot 
ang mitsang tila wala namang pag asang makapiling ka
mananatiling nakatago ang 
pag tinging ito 
sa ilalim ng lupa
0 notes
ianwizard · 3 years
Text
NANG SABIHIN KONG MAHAL KITA
Simula:
Nagpalamon sa konsepto ng kilig ang tauhan.
Sa istoryang ating pinagbidahan.
Hinubog ang kuwento sa awit at sayaw,
At ng pag-asang may ako at ikaw.
Kasiglahan:
Sa bawat araw na tayo’y napupuyat sa text, chat at tawagan.
Na puro kuwento ng saya, tuwa at ngiti ang pinagsaluhan.
Handa akong isugal ang ating pagkakaibigan,
Alang-alang sa pag-ibig na nais makamtan.
Tunggalian:
Nakipaglaban ako sa aking sarili.
Nakipagtalo sa posibilidad at sagot na maaari.
Mahal niya rin kaya ako?
'Pinikit ang mga mata at ang tanging nasambit, "Posible!"
Kasukdulan:
Subalit, masyado yata akong nagtiwala sa katagang "mahal kita."
Na akala ko’y sapat na ito para sabihin mo ang “mahal-rin-kita.”
Ngunit ang natanggap ko lamang ay ang iyong paglisan.
At mga alaala ng pinagsamahang itinanim sa puso’t isipan.
Kakalasan:
Masyado ba akong nabulag sa tama,
Kaya hindi nakita ang sinasabi mong mali?
Sapagkat sa dami ng puwede at maaari,
Natalo pa rin ang Oo laban sa Hindi.
Wakas:
Dahil di tulad ng ibang kuwentong
umusbong sa MAHAL at KITA.
Itong kuwento natin ay natapos,
nang sabihin kong mahal kita.
2 notes · View notes
salalilac · 4 years
Text
Pader.
Huwag natin ipilit ang oras, dahil sa paglipas nito ang panahon ng pagpapatawad.
Matayog ang pader ko.
hindi kailanman kayang pabagsakin ng kahit anong unos,
Mula sa salitang nangingibabaw sa apoy ng salita, at umuusok na pakiramdam.
Matayog ang pader ko.
Na kahit ang lamig ay nakaya nitong tiisin –mula sa niyebe't tubig na unti unting pumapatak sa akin ay nakakaya pa ring protektahan ang kabuuan ko.
Matayog ang pader ko,
Na kahit ilang bese itong pukpukin ng matitigas na puso ay kahit kailan hindi ito mabubuwag.
Matayog ang pader ko,
Ang isa sa napakalaking kasalanang alam ko.
Dahil sa ibabaw ng mga unos na 'to, alam kong hindi matayog ang pader ko mula sa'yo.
6 notes · View notes
lanella98 · 5 years
Text
---
Matagal na panahon na ang ginugol mo sa mundo 
ngunit hindi mo pa rin tiyak kung bakit ka nandirito.
Hindi mo rin batid kung dapat mo ba 'yong alamin 
o manatili ka na lang bulag sa gusto mong maging.
Hindi pa sapat ang mga karanasan 
para masabing nahubog ka na nang tuluyan.
At sa puntong ito, nariyan ka na naman,
hindi mo kayang tanggapin na isa kang talunan.
Ilang desisyon pa ba ang pagsisisihan?
Ilang sitwasyon pa ba ang dapat panghinayangan?
Hinahayaan mong magpaulit-ulit na lang
Hindi umaayon sa gusto mo ang nagiging katapusan.
Isa kang bingi sa mga dapat mong pakinggan
Nagiging pipi kapag nais mangatwiran
At kailan ka ba hindi naging bulag
sa tuwing makakasalamuha mo ang realidad?
Siguro nga, masyado pang maaga 
para kwestyunin mo kung ano ang magiging bunga.
Munting payo, sana ay makinig ka;
H'wag mong hayaan ang sarili mong maging alipin ng ideya.
3 notes · View notes
thejustreflections · 5 years
Photo
Tumblr media
we all live in the world of choices. thus life depends on the options we take and choices we make. sometimes we fail but it doesn't mean we stop. no, neither quit. it's like riding on a bicycle where there is enough weight you carry on your shoulder -- you need strong balance. . balance to see how beautiful the journey will be. balance to identify solutions to possible humps along the way. and balance to take deep breathe while paddling in roads unknown. . after all, the destinations we reached are the results of our choices -- done on the very first step we make. . -- jon ❤ #justreflections . #midnightnarratives #reflections #reflectionsofaman #photographer #streetpoetry #pinoypoet #filipinopoems #pinoymakata #makata #filipino #sining #blackandwhite #photooftheday #kuwaitphoto #streetphotography #hony #stories #pinoystories #ofwpoetry #jonathanacabo (at Kuwait City) https://www.instagram.com/p/Bp2an6gg1tb/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=sqyulbu47thc
2 notes · View notes
purpletine08 · 2 years
Text
Pagbangon
Pinutol ang lumbayPatuloy ang paglalabayNatuyo na ang luhana hindi inaakala TinanggapBinitawanKinalimutanLahat ay natunaw sa kawalan Mula sa sukdulang kadilimanAahon ang BanaagGagabay sa diwang ligawkadilima’y unti-unting nalulusaw Hawak ang pag-asang Bagong UmagaNananabik sa liwanagat siglang kanyang dala Kailan nga ba darating ang umaga?Oras ng gabi’y pahabang-pahabaNasaan ka na nga ba,pati…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
ladysunshine25 · 3 years
Text
Ikaw Ang Ligaya Ko
Hindi man Kita hinanap,
Ngunit ako'y hinanap Mo
Ako'y Iyong nilingap,
Minahal ng buo
Nung ako naman ay nag-iisa sa dilim,
Ikaw ang nagsilbing liwanag sa 'king buhay
Inalis ako sa kapalarang maitim,
Tinanggal Mo ang aking kalungkutang taglay
Salamat po Ama, inalayan mo ako nang husto
Kaya ako ay nangangako,
Ikaw ang laging una sa 'king puso
Dahil Ikaw po ang ligaya ko
1 note · View note
Photo
Tumblr media
Kung maaari lang. Balewala kung pipiliin mong maging masaya kung lungkot pa rin ang iyong nadarama #filipinopoems #poetrylovers #poetsofinstagram #tula #hugot #poetryreading #tagalogpoetry #hugotlines #hugotsnap #quotes #quotesoftheday #writer #tagalogquotes #tagalog #depression https://www.instagram.com/p/B8YCC56lrfH/?igshid=omb9wc89nivo
0 notes
yanafiles · 3 years
Photo
Tumblr media
1 note · View note
wmab · 10 months
Text
IKOT
Sigurado akong bukas ay babalik ka na sa dati. Nahatak mo nang pabalik ang aking loob at pihadong ang susunod mong gagawin ay umupo na lang at tumanaw sa malayo. Ako ang pumawi sayong mga uhaw at ngumiti akong malawak para sayo. Kung tutuusin ay pwede akong pumalahaw ng iyak pero pinili kong manahimik at di kumibo. Kita mong kinagat ko ang aking mga labi hanggang sa sila ay magdugo para lang mamalas mong pwede pang mabuhay ang aking pagpapatawad. Kaso ay alam kong babalik ka lang sa dati dahil nakuha mo na ang balak.
Iniayos ko ang aking mga salita. Hindi kita pinigilan hanggang sa ikaw ay maglamira ng mga purol mong boladas na nakita ko na ring ginamit mo sa iba. Hindi mo ako maloloko. Hindi na ulit. Pero hinayaan kita. Matagal na rin namang namimilipit ako sa pagka darang. Kaya't naulit. Tandaan mo lang na makapasok ka man ay baka hanggang sa pintuan lang ng aking mga pagkawili, para lang sa aking mga nasa at masarap na gising. Hindi para magtagal sa aking tabi. Hindi para mahalin kang ulit. Sigurado kasing bukas ay babalik ka na sa dati.
Ilang araw siguro akong magtatago sa 'yong mga tawag. Bukas ay babalik ka na naman sa dati, di naman siguro masamang umawat. Babalik ka na bukas sa dati, di mo na kailangan humingi ng tawad. Ang pag-ibig ko ay may karapatan ring alalahanin, hindi isantabi. Sa bagay ay babalik ka na rin naman bukas sa dati. Para san pa ang mga salitang ito na hindi mo naman hiningi. Para lang ito sa mga himutok kong una sa lahat ay di mo naman inintindi.
12 notes · View notes
Text
sa proseso ng paghahanap mo ng sarili mo, nakalimutan mong mahal mo ako.
4 notes · View notes
mergenpoems · 4 years
Photo
Tumblr media
I got to see my "the one that got away" today. And got the inspiration to pen a poem —in my mother tongue. PS. He's still the same, he's still a beauty #tagalog  #filipino  #poetry #poem  #tula  #poetryfilipino  #filipinopoetry #filipinopoem #theonethatgotaway #tulangpilipino https://www.instagram.com/p/CDQ7m7yhzbH/?igshid=1kqp4fokndk09
2 notes · View notes
ianwizard · 3 years
Text
Mapagpanggap ang araw na ito.
Maaliwalas.
Hindi batid ang paparating na ulan.
Tahimik.
Marahil piniling manatili na lang sa bahay.
Takot?
Lungkot.
Mas ramdam ang lungkot.
Gaya ng paparatng na unos
Ikinukubli.
Pilit itinatago sa likod ng tuwa.
Ngunit sa pagbuhos,
Mapaminsala.
0 notes
poemsforyourthought · 4 years
Text
GABING MABITUIN
Bituing maning ning sa gitna ng kadiliman
nagbibigay liwanag sa akinig daan
tuwing umaga ito'y makikita
hanggang sa gabi ay nasisilayan ka
Bituin, bituin ako'y bigyang pansin
mga kahilingan ko'y iyong tupdin
sa aking pagtingala, mata ko'y may kislap
samahan akong abutin ang aking mga pangarap
Pagdating ng panahon ako'y makakarating din
sa mataas na kinaalagyan mo munting bituin
patuloy na mangangarap, ako'y magsisikap
Ang sariling ilaw ko naman ang kikislap
2 notes · View notes