Visit Blog

Explore Tumblr blogs with no restrictions, modern design and the best experience.

Fun Fact

The majority of Tumblr users, 36%, are aged 18-34, a coveted market for most companies.

Trending Blogs
#ginamit

Noong una tayong magkakilala, parang wala lang
Walang magic o sparks o kahit fireworks sa ibabaw natin
Ni maguusap lamang pag may importanteng sasabihin,
O di kaya kapag may kailangan ka sa akin.
 
Dumating ang pagkakatong nagkasama tayong muli sa iisang lugar
Sangkop nito’y iba’t ibang mukha ng taong pareho nating nakakasalamuha
Puno ng pagmamahal kasabay ng pagbuo ng pagmamahal ko sa’yo… e ako kaya para sayo?
Nasa stage ako kung saan binabangon ko pa ang aking sarili mula sa pagkakasawi, tapos bigla kang darating.
 
Di nagtagal ay binuksan mo rin ang sarili mo upang ako’y mahalin din at alagaan
Mali, binuksan mo ang sarili mo na magmahal ng iba, habang mahal mo s’ya.
Ako naman si tanga, humahabol habol sa’yo
Sa t’wing ako ang pinipili mong samahan sa araw na ‘yon
 
Matanong kita, sabi mo mahal mo ako, pero mahal mo rin sya,
Pero bakit sa ako ang palaging naiiwan?
Bakit di mo magawang sundin ang kasabihang ‘pag may dalawa kang mahal, piliin mo yung pangalawa dahil hindi ka magmamahal ng isa pa kung masaya ka dun sa nauna’.
Anong lokohan ‘to?
Mahal mo ba talaga ako? O, pampalipas oras mo lamang ako sa tuwing wala s’ya sa tabi mo?
 
Tanga ka din e, ano? Oo, ikaw! Kasi walang matinong tao ang maglalaro ng dalawang magkaibang laruan, o liliko sa parehong kanan at kaliwa, at matutulog nang buhay ang ilaw habang patay ito, nang walang maiiwan.
Lagi at laging may maiiwan. Hanggang sa huli, s’ya pa rin ang pinili mo, at libog, este, reserba mo lang ako.
Reserba habang wala sya. Reserba habang di mo s’ya kasama.
 
Lumipas ang panahon, ating napagpasyahan na maging magkaibigan na lamang: magkaibigang minsan normal, minsan alam mo na.
Kati ng bawat balat sa’ting katawan ay kinakamot parin nating pareho
Naging magkaibigan ngang muli, pero wala pa ring nagbago sa katotohanang paasa ka pa rin, at tanga ako.
 
Napag-isip-isip ko, kung minahal mo nga kong tunay, alam ko at mararamdaman kong oo at yun ay totoo.
Dahil sabi mo sa akin nun, mahal mo ako bilang ako:
ang parang dinamita kong mga halakhak, ang minsang di pagligo sa isang linggo,
at kahit amoy bagong gising ang aking mga labi’y hinahalik-halikan mo pa rin.
 
Pero, ang tanga ko. Di ko naisip ang kabuuan mo: ang kabuuan ng puso mo at kung paano ka magmahal.
Ang alam ko kasi, buo ka magmahal— buo ang pagmamahal mo sa kanya dahil nagawa mo akong iwan para lang makasama sya.
At oo, ako si tanga, humahabol noon nang paulit-ulit, kahit sobrang sakit. Paulit-ulit kahit masikip sa dibdib.
Oo, buo ka magmahal. At ginamit mo lang ako. Gamit lang ako, at nagpagamit naman ako.
Ako ay hindi isa lamang bagay, at lalong lalo nang, hindi tayo bagay.
 
Bago tayo magkakilala, itim at puti lang ang kulay ng buhay ko.
Dumating ka, namuo ang bahaghari nang di ko inaasahan
Di ko inaasahang makakapagpabago, makakasira , at makakapagbigay aral sakin.
At tulad ng bahaghari, di katagala’y babawiin ito ng langit
Mawawala ito at babalik ang kulay sa dati— itim at puti.
 
Noon una tayong nagkakilala, parang wala lang.
Pero ngayong nakilala na kita, gusto kong wala ka na lang.
Tulad ng bahaghari sa buhay kong kulay itim at puti, sana wala ka nalang:
Sa puso, presensya at sa alaala.
Alaala ng saya, sakit, kirot at hapdi.
 
Tulad ng bahaghari matapos ang malakas na ulan, sana di ka na nga lang dumating.

0 notes · See All

“I hate you,” no seriousness was involved in the statement mentioned, and I was still holding up an awkward smile, trying to hold in my laughter. She’s been playfully triggering my jealousy for five consecutive days so far. All truths intended, I laughed at this every time, only feeling a joke-like envy for her other girls.

She pointed to her chest in the same manner that a rapper from a 90′s hip-hop music video would, tilting her head a tiny portion to her left, saying, “No, you love me.” I tried to make her lose words in the most filipino, hugot, way I could by replying with “Yes, but do you love me back?”

“Yes!?” And I’m sure anyone reading this is knowledgeable of what tone she used. For those who don’t, it sounded like the Wilson sisters from White Chicks, answering a stupid question. I went off to take two long seconds to process my next words, making sure whatever I’d say’d make her stop inducing me jealousy and causing me to be stuck thinking of her and waiting for her to, for the least, hug me.

“Then why do you have to make it so hard?”

She stopped to chuckle, with a side of guilt.

“It’s funny when you’re jealous. You’re cute.”

0 notes · See All

mag-dota. srsly! eto dinodownload ko na sa pc warcraft \m/ yahooooo! :“> kakauwi lang rin from Royale. Lels nag-commute lang ako :/ =)))

3 notes · See All

Ay grabi lang, hindi nu! as if naman? Sabi nila kailangan daw para alam mo na gagawin paglaki mo pero sakin namain hindi kailangan pa sa ngayon kasi minor de edad pa ako, and duh as if naman gagayahin ko yun! Ehem~ Di ako katulad ng iba diyan na nagpa-ano na. :)

1 notes · See All
UMAGA
Pedro: Juan!! Nasa langit na ata ako! Malabo-labo rin pala dito? Patay na ata ako!!
Juan: Tanga! Maghilamos ka na, puro muta ka!!
2 notes · See All
Next Page