Isa Pang Araw
jaemin x oc ; tags: angst, mcd
“Sigurado ka ba diyan? Na-double check mo na ba ‘yan?”
Halos mapaigtad ako sa aking inuupuan nang biglang magsalita ang katabi ko. Umalis siya sa pagkakasandal at inilapit ng bahagya ang katawan sa lamesa na nasa harapan namin upang ituon ang kaniyang braso roon.
“Love,” awat ko bago pa siya makapag-simulang manggulo. Sa lalim ng kunot ng noo at talim ng tingin niya, sigurado akong maya-maya lamang ay kukwelyuhan na niya ang doktor na kaharap namin, kahit pa kaibigan niya itong doktor na ‘to.
Hinawakan ko ang braso niya at marahang pinisil ito nung hindi pa rin niya ako pinapansin. Agad naman siyang kumalma at sumandal muli sa kaniyang upuan.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.
“’Sensiya na, ‘tol. Nadala lang,” bawi niya matapos ang ilang segundo.
Tumango si Jeno bilang sagot at binigyan kami ng malungkot na ngiti. “Wala ‘yon. Naiintindihan kita. Kung ako ang nasa kalagayan mo, baka ganiyan din ang naging reaksyon ko.”
“Talaga bang hindi na magagawan ng paraan ‘yan? Ikaw ang pinakamagaling na cardiac surgeon sa ospital na ‘to, Jeno. Imposibleng wala kang lunas para sa kaniya.”
“Sana nga meron akong magagawa para kay Jieun. Maniwala ka sa’kin, gustong-gusto ko siyang tulungan...,” huminto sa pagsasalita si Jeno at bahagya akong tinignan bago niya ibinalik ang tingin sa kausap, “...pero wala talaga, e. Masyado ng delikado para sumailalim pa siya sa operasyon.”
Saglit akong napapikit nang makaramdam ng pagkirot sa dibdib. Medyo tumagal ‘yon at mas masakit kumpara noong mga nakaraang araw pero nagawa kong itago ang lahat nang ngumiti ako sa kaniya.
Hindi niya ako pwedeng makitang nasasaktan.
“Okay lang, Jeno. Alam ko naman ‘yon.”
Alam ko dahil parehas kami ng sakit ni Mama.
Hypertrophic Cardiomyopathy o HCM. Madalas, ang mga taong may ganitong sakit ay hindi na-da-diagnose na meron nito. Tahimik kasi ‘to kung tumrabaho. Kakaunti ang sintomas at kadalasan hindi pa nagpaparamdam sa pasyente. Malalaman mo na lang na may HCM ka kapag malala na.
At ‘yon ang nararanasan ko ngayon.
“Nakausap ko na si Tito. May kaibigan daw siyang magaling na doktor at saktong kararating lang niya sa Manila galing New York. Magpa-pa-sched na ako ng check-up mo bukas,” imik niya na nakapagpabalik ng diwa ko sa kasalukuyan. Kanina pa kaming tahimik mula ng matapos ang check-up ko hanggang sa pagpunta namin sa parking lot ng ospital. Kasalukuyan na kaming nakaupo sa loob ng kotse at may tinitipa siya sa kaniyang cellphone. Akmang ilalapit na niya iyon sa kaniyang tainga nang hawakan ko ang braso niya para pigilan siya.
“Jaemin,” mahinang tawag ko sa kaniya. “Tama na, please. Tigilan na natin ‘to.”
Napakurap siya bago sumimangot. “Tigilan ang alin?”
“Ito, lahat ng ‘to. Tama na, Jaemin, please. Tanggapin na natin ‘to, okay? Tatlong doktor na ang napuntahan natin at lahat sila iisa ang sagot at hindi na ‘yan mababago pa ng kaibigan ng tito mo o ng kahit na sino pang doktor.”
Umiling si Jaemin. Nasa kalagitnaan pa nga lang ako ng pagsasalita ay umiiling na siya na para bang hindi niya tatanggapin kahit kailan ang katotohanan.
“Hindi, hindi ako titigil, Jieun. Hahanap ako ng doktor na makapagpapagaling sa’yo-“
“Jaemin,” pagmamakaawa ko at hinawakan ko ang kamay niya. “Matagal ko ng tanggap ‘to pero sa bawat doktor na pinupuntahan natin hindi ko pa rin maiwasan na umasa kahit konti na gagaling pa ako. At lahat ng ‘yon binigo lang ako at ganiyan din ang mangyayari sa mga susunod. Pagod na ‘ko. Pagod na pagod na ‘ko.”
Tinignan niya ‘ko at halos mapaluha ako ng makitang ang dating ningning at tuwa sa kaniyang mga mata ay napalitan na ng pagod at lungkot magmula ng malaman niya ang tungkol sa sakit ko.
Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko lahat ng nangyayari, kahit na ‘di ko naman ginusto ito.
“Napapagod din naman ako, Jieun. Pero hindi ko pwedeng basta na lang tanggapin na mawawala ka sa’kin sa isang iglap. Hindi ko kakayanin ‘yon. Kung ikaw tanggap mo na, pwes ako kahit kailan hindi matatanggap ‘yon.”
“Wala na tayong choice kundi tanggapin ang lahat. Ano pa bang hindi mo maintindihan do’n, ha? Tsaka mo lang matatanggap kapag namatay na ‘ko? Gano’n ba?” Hindi ko sinasadya pero hindi ko na napigilan ang maging sarkastiko. Sa tuwing mapag-uusapan kasi namin itong sakit ko, lagi na lang kaming nauuwi sa ganitong away at sawang-sawa na ‘kong marinig ang mga linyahan niyang ‘yan.
Nag-iwas siya ng tingin at binitawan ang kamay ko. Isinandal niya ang kaniyang ulo at napapikit ng mariin, pagkatapos ay umimik sa mahinang boses pero sapat na para marinig ko at maramdaman kung gaano siya nasasaktan sa sitwasyon namin. “Pasensiya ka na ha. Hindi kasi ikaw ‘yung maiiwan. Madali para sa’yong sabihin ‘yan kasi ikaw naman ‘yung aalis, kasi ‘pag nawala ka na hindi mo na naman mararamdaman ‘yung sakit. Ako kasi, habang nabubuhay pa ako, palagi kong dadalhin ‘yung sakit na idudulot ng pagkawala mo. At hindi pa ako handa para do’n. Hindi pa ako handang mawala ka sa’kin.”
At dun ko napagtanto kung gaano nga pala kahirap nito para sa parte ni Jaemin. Simula ng mamatay si Mama, sinabihan niya na ako noon na malaki ang posibilidad na makuha ko ‘yung sakit niya. Matagal ko ng hinanda ang sarili ko na maikli lang ang buhay ko. Pero si Jaemin, hindi.
Wala naman kasi sa plano ko si Jaemin. Ang plano ko, live my life to the fullest and alone until my last breath. Ayaw kong may maiiwan ako kasi alam ko ang pakiramdam ng maiwan, but then he suddenly came in the picture. Pinigilan ko naman kasi alam ko na ang mangyayari sa huli pero mapilit siya.
And it’s not like it was hard to love him, because he is a selfless person who wears his heart on his sleeves. So I let myself love for the first and last time, as a gift to myself, and it was the best thing that happened to me.
Kaya hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. I brought him into this mess. Kung pinigilan ko na lang sana ang sarili ko, edi sana baka masaya siya sa piling ng iba na hindi siya iiwan at kaya siyang samahan sa pagtanda.
He could’ve been with anyone, someone who’s not me.
“I’m sorry, Nana. I’m really sorry.”
Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa tuloy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha ko. Muli kong kinuha ang kamay niya, hinagkan ito ng mahigpit at hinalikan habang paulit-ulit na humihingi ng tawad sa kaniya, na para bang iyon ang makakapagpawala ng sakit na nararamdaman niya.
“Shhh, huwag kang humingi ng tawad sa’kin. Wala ka namang kasalanan at walang may gusto sa lahat ng nangyayari,” marahan niyang sambit habang kinakalas ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ko upang maipulupot ang kaniyang mga braso sa’kin para sa isang mahigpit na yakap. ‘Yung tipo ng yakap na parang wala na siyang balak bumitaw.
We stayed like that for a while – hinayaan ko siyang yakapin ako ng mahigpit habang dahan-dahang hinahaplos ng isa niyang kamay ang buhok ko. It’s after a few more minutes of silence when he finally spoke again.
“I guess, I really have no choice but to accept this, but you can’t expect me to accept everything in an instant. It’ll probably take some time...” he paused, as if he’s having a hard time in speaking the words out, “...but I think I can do that.”
Nagpakawala ako ng buntong-hininga habang hinihigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
“We’ll be okay, right?” tanong ko sa isang mahinang boses at hinanap sa kaniyang mga mata ang maliit na liwanag ng pag-asa.
“Of course, love. We’ll be okay.”
Nanatili kami sa ganoong posisyon, mahigpit na yakap ang isa’t isa na para bang wala ng makakapaghiwalay sa’min, kahit pa ang kamatayan. And for some reason, amidst everything that’s been happening, I believed that we will be alright.
Isa pang araw, please?
“Iniinom mo pa ba ang mga gamot mo?”
Tumango ako ng marahan sa kaniya at muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Hindi mo na ba talaga pwedeng taasan ang dosage ko?”
“Sagad na ‘yan, Jieun,” wika ni Jeno. Nandito ako ngayon sa office niya habang hinihintay na matapos ni Jaemin ang kaniyang pag-iimpake. He’s clearing all his things out from his office after submitting his resignation letter yesterday. It’s gonna take some time, so I decided to pay Jeno a visit and also to talk about some things. “We cannot take the risk of overdosing you. Sobrang sakit na ba?”
“Oo,” mahinang sagot ko. “At dumadalas na rin. Nahihirapan na ‘kong magpanggap sa harapan ni Jaemin na hindi ako nasasaktan.”
“Hindi mo naman kailangang magpanggap sa kaniya, e. Alam kong ayaw mong makita niya na nahihirapan ka pero kung gusto mo talaga na matanggap niya ng buo itong sitwasyon na ‘to, kailangan mo ding magpakatotoo sa kaniya.” He gave me a disappointed look, but then there’s also pity swimming in his orbs. And I hate it. I hate how people look at me in the eye with pity after founding out my condition. That’s why I preferred living alone, but that was only possible until I met Jaemin.
“I don’t want him to overreact. Nag-resign na nga siya sa trabaho niya dahil sa’kin, e. Hangga’t maaari, gusto kong manatili sa normal ang lahat.”
“Hindi mo siya masisisi. Mahal ka nung tao, you can’t expect him to act like everything is still fine after knowing that the girl he decided to spend the rest of his life with is dying. This is his way of coping with the truth. Alam mo namang gagawin no’n ang lahat para sa’yo, so don’t act so surprised.”
Iniwas ko ang aking tingin mula kay Jeno at ipinako na lamang ito sa labas ng bintana. Maganda ang sikat ng araw ngayon pero mas maganda kung masisilayan ko pa rin ang tanawing ito kinabukasan at sa mga susunod pang araw kasama ang mahal ko.
“Pa’no na siya ‘pag nawala ako? Wala na siyang trabaho ngayon,” banggit ko ng wala sa sarili.
I think I heard Jeno snorted lightly. “Para namang hindi na siya tatanggapin pa ng ospital na ‘to, e, pamilya nga niya ang may-ari nito, diba?”
“I’m not worried about that, and you know it, Jeno.” Ibinalik ko ang aking tingin sa lalaking nasa harapan ko na siya ring matalik na kaibigan ni Jaemin, at hindi nakatakas sa’kin ang kalungkutan na namumutawi sa kaniyang mga mata. I held back the tears that are slowly forming in my eyes and cleared my throat. “Promise me, you’ll take care of him when I’m gone. That’s all I’m asking.”
“I will, Ji. We all will, I promise,” he said while giving me an encouraging smile.
“Thank you.”
Somehow, the smile that Jeno gave me almost brought me to tears. Kung hindi lamang dahil ng pagbukas ng pinto ng opisina ni Jeno ay baka tuluyan na akong napahagulhol dito ng wala sa oras.
“Jaemin,” bati ng kaharap ko at nilakhan ang kaniyang ngiti para itago ang malungkot na atmospera na dulot ng pag-uusap namin. “Naayos mo na ba lahat?”
“Oo. I also did my rounds for the last time pero kailangan ko pa ring bumalik sa mga susunod na araw para sa pagpapasa ng mga pasyente ko kay Dr. Lee.” Naupo si Jaemin sa tabi ko, inilapit sa’kin ang mukha para mahalikan ako sa sentido at pagkatapos ay bumulong. “You okay?”
I hummed and nodded then gave him a reassuring smile but the frown on his lips only deepened. “Pagod lang siguro. Can we go home?”
“Yes, of course,” he smiled at me before looking back at his best friend who was looking at us with a sad smile on his lips. “Una na kami, Jeno.”
“Sige, ingat kayo.”
Jaemin held my hand the whole time we were walking towards the parking lot but after a few minutes, he lightly gave my hand a squeeze, earning my attention.
“Tahimik ka ata. Something wrong?” malambing na tanong niya at agad akong umiling para sana mawala na ang pag-aalala niya pero mukhang lumala lang ata. “Tell me what’s on your mind, Jiji.”
I gave him an assuring smile, telling him that everything’s okay but he’s not having it because he suddenly made us stopped walking in the middle of the parking lot. “I just thought about your patients. The kids love you so much, Nana, and I’m sure you’ll also miss them as much as they’ll miss you. Nag-aalala lang ako na baka ‘di nila magustuhan ‘yung bago nilang doktor.”
Hindi ako nagsisinungaling dahil kanina ko pa ring iniisip ang mga pasyente niya na puro bata. But my statement was also not the truth, it’s not what I was currently thinking about. Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng takot ko – hindi ng takot na mamatay kundi ang takot na maiiwan ko si Jaemin dito. But I also have to trust Jeno and his friends. Alam kong hindi nila pababayaan si Jaemin.
“The kids are gonna be in good hands. Kilala ko si Dr. Lee. Matagal ko na rin siyang kasa-kasama sa trabaho at napamahal na rin ang mga bata sa kaniya, so you don’t need to worry about them, okay?”
“But are you okay leaving them and your dream job?” Natigilan siya sa tanong ko.
He became a pediatric surgeon because of his dream and love for kids. Alam kong mahirap din para sa kaniya ang umalis sa trabahong minahal niya ng lubusan at pinaglaanan niya ng pagod at mahabang panahon para lang makamit ‘yon.
“No, but I will be,” sagot niya matapos ang ilang minuto na mas lalong ikinalungkot ko.
“Do you really have to do-”
“Just let me do this, Jieun. Unti-unti ko ng tinatanggap ang lahat kaya ‘wag ka ng umasa na simula ngayon ay magiging normal pa rin ang lahat at ayokong sayangin ang natitirang mga sandali natin na hindi ka kasama. Alam kong hindi na sapat ‘yung natitira so I have to make the most out of it.”
His eyes blinked numerous times before his gaze steadied on mine. But even though he managed to stop that, I know that he’s about to cry. He wants to cry but he’s trying so hard to be the stronger one between us two, even if everything is starting to fall apart.
Hear him out, please. Pahinging isa pang araw.
Tinotohanan ni Jaemin ang sinabi niya sa’kin sa parking lot noong nakaraang linggo. He’s really keen on making the most out of the remaining days we have together.
Simula nung nalaman niya ang sakit ko two months ago, hindi na siya nagdalawang-isip na palipatin ako sa apartment niya. Pati ‘yung studio at recording room ko ay pinagpagawan pa niya ng sariling espasyo sa kaniyang lugar. On a normal day, I could get mad at him for overexaggerating and caging me inside his place. But what he did actually helped me. Mas madali na akong mapagod ngayon kaya pabor sa akin ang dito na lang magtrabaho sa loob ng apartment niya. Isa pa, araw-araw ko ng nakakasama si Jaemin, araw-araw na nakakatabi sa pagtulog at nagigising na siya pa rin ang kapiling. Nothing could make me feel happier than that.
Before, we only used to see each other during his day offs. Producer ako sa isang entertainment company habang si Jaemin ay doktor kaya natural lamang na maging busy kami parehas. Hindi ko tuluyang binitawan ang trabaho ko kahit hanggang ngayon. I still write some songs whenever I feel like it. Pero dahil full-time ng nandito si Jaemin sa apartment namin, nagagawa na namin ang mga bagay na di namin magawa noon.
We can now cook together, eat together, and have movie marathons with our legs tangled under the sheets. I can always feel his warmth whenever I feel cold or have him by my side immediately whenever I feel scared. And this time, I don’t have to feel alone while waiting for death to fetch me.
Siguro ang hindi lang namin magawa ay ang bisitahin ang mga lugar na nasa bucket list namin. Hindi na kasi ako pinayagan ni Jeno na bumiyahe ng malayo o kaya ay sumakay ng eroplano dahil baka raw hindi kayanin ng puso ko. So we stick with going to pretty places near our apartment – sa park, sa isang mini zoo, kahit ang playground pinatos na namin.
At ngayon, nandito kami sa kaniyang pribadong yate na regalo ng mga magulang niya nung nakatapos siya ng pagdodoktor. Tatlong beses pa lang akong nakasakay dito – una nung 1st anniversary namin, pangalawa ay noong birthday ko last year at ngayon ang pangatlo. And it’s not like he rides this often because of his busy career. But during these rare times I see him sail this yatch makes me fall for him even more.
Naalala ko nung unang beses akong nakasakay dito at nasaksihan kung paano niya maniubrahin ang malaking bagay na ‘to. I was admiring him so much – I think it was too much that I ended up drooling. Yes, that’s how hot he is as he manuevers this luxurious thing.
“Gwapong-gwapo ka na naman sa’kin, baka mamaya niyan mag-laway ka na naman.”
Bahagya akong napaigtad sa biglaan niyang pagsasalita at hinampas siya sa braso nang mapagtanto ang sinabi niya.
“Napakayabang mo talaga,” saad ko habang nangunguso dahil sa patuloy niyang pangungutya habang bahagyang natatawa.
Tinalikuran ko siya at lumabas papuntang deck upang tanawin ang malawak na karagatan at ang papalubog na araw. It looks so peaceful with the cold breeze hugging my skin perfectly.
But the cold feeling was suddenly replaced by the familiar warmth as I felt Jaemin wrapping his arms around me.
“I wish I could’ve taken you to more dates like this before. Masyado kasi akong naging abala sa career ko.” He let out a deep sigh as he placed his chin on my shoulder.
I leaned back, letting him support more than half of my weight and focused my gaze on the setting sun. “’s okay. Parehas naman tayong naging busy no’n at kahit pa anong gawin mong pagsisisi, hindi na naman natin maibabalik pa ang nakaraan. What’s important is the present and how we will live the future.”
“And I promise to be by your side on every single day of the future we have left together,” he replied with a soft kiss on my temple.
Pinanood namin ang napakagandang paglubog ng araw habang nanatili sa ganoong posisyon. Makatapos ang may kalahating oras, bumalik kami sa gitna ng deck kung saan naghihintay ang aming hapunan. It was a simple dinner that he prepared for the both of us with string lights lining above us, giving a cozy and romantic ambience.
Pagkatapos kumain ay nahiga kami sa inilatag niyang comforter sa lapag upang pagmasdan ang mga bituing nagpapaliwanag sa madilim na kalangitan. I’ve always loved stargazing. It gives me peace and serves as my healing time whenever I feel like the world is against me.
“I wonder what it feels like...” I mumbled to myself.
“Hmm? Anong sabi mo?”
I tilted my head to look at him only to see him looking intently at me. I draped my left arm and leg over his body and laid my head on his chest, listening to the peaceful beat of his heart.
“I wonder what it feels like,” I repeated, but this time with a louder voice, “to be up there with the stars. It looks peaceful to be up there. Masaya siguro do’n kasi kitang-kita nila lahat ng tao dito sa mundo. Mainit kaya do’n o malamig? O baka sobrang ganda ng kinang ng mga bituin kapag malapitan, ‘no?”
Nakangiti akong tumingala para tignan si Jaemin pero agad nawala ang ngiting ‘yon nang makita ang seryoso niyang tingin sa’kin.
“B-Bakit?”
“Do you badly want to go there?” tanong niya sa isang mahinang boses na para bang mayroon siyang kinatatakutang malaman. “Up there with the stars, I mean.”
And with that sadness and fear swallowing his deep orbs, we both know that it’s not about the stars he’s really talking about.
Itinaas ko ang aking kamay at dahan-dahang hinaplos ang kaniyang pisngi. Panandalian siyang pumikit at dinama ang haplos ko bago niya muling ipinako ang kaniyang nagmamakaawang titig sa’kin. He badly wanted to know my answer.
Naisip kong magsinungaling pero walang saysay ‘yon dahil sigurado akong alam naman niya kung ano talaga ang sagot ko. Kaya dahan-dahan akong tumango at nagpakawala ng isang malungkot na ngiti.
“I want to, Nana,” I answered with shaky voice. “I want to go up there with the stars, but not today. Maybe when I’m finally ready.”
Pumikit siya sandali at pagdilat ng kaniyang mga mata ay kita ang panunubig ng mga ito. Pero nagawa pa rin niya akong bigyan ng isang malapad na ngiti habang inaayos ang iilang mga takas na buhok ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya kasabay ang pagpatak ng isang halik sa aking buhok.
“Tama. ‘Wag muna ngayon, Jiji, ‘wag muna.”
Hindi pa siya handa. Kailangan ko pa ng isa pang araw.
We spent the next month doing travelling nearby towns, exploring places we haven’t been before. Nasimulan ko na rin ‘yung isang kantang matagal ko ng gustong gawin para kay Jaemin. I just really hoped na matapos ko ‘yon bago ako mawala.
Nando’n pa rin ‘yung pananakit ng dibdib ko at minsanang pangangapos ng hininga pero tiniis ko lalo na tuwing magkasama kami ni Jaem. Halos araw-araw namang tumatawag si Jeno sa’kin para kamustahin ako at paalalahanang uminom ng gamot. Minsan na rin siyang bumisita rito sa apartment kasama ang iba pa nilang kaibigan and I could never be more than thankful for them for always being here for us, for me. Kahit na si Jaemin naman talaga ang kaibigan nila, magmula ng maging kasintahan ko siya, hindi nila pinaramdam sa’kin na iba ako.
Para sa araw na ‘to, may hinanda raw na sorpresa para sa’kin si Jaemin pero dahil inaraw-araw na niya ata ang mga pakulo niyang ganto ay hindi na ako nagtaka pa at hinayaan na lang siyang sabik na sabik sa mangyayari ngayong araw na ‘to. Akala mo nga e siya ang makakatanggap ng surprise sa sobrang excited niya.
And for the past two months that we spent together, I can see how happier he has been despite of the future that awaits us. I just wish I can witness that for one more day and I won’t get tired of wishing the same thing everyday. Dahil ‘yon na lang ang tanging pinanghahawakan ko, ang patuloy na humiling sa Kaniya na bigyan ako ng isa pang araw para makasama si Jaemin.
I was brought back from my thoughts when I felt it again – the pain in my chest that seems like wouldn’t end. Sinubukan kong kumalma at huminga ng malalim sa paraang hindi mahahalata na Jaemin. Mabuti na lang din at abala siya sa pagmamaneho.
Tumagal ng halos dalawang minuto ang pagsakit at pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko. I closed my eyes tightly and silently pleaded.
Please, please, let it stop. It hurts so much so, please, let this pain stop. I don’t want him to see me hurting.
“Love?”
Idinilat ko ang aking mga mata at ang una kong napansin ay ang nag-aalala at maluha-luhang mga mata ni Jaemin.
“B-Bakit? Anong nangyari?” Umayos ako ng upo at itinuon ng buo ang atensyon sa kaniya.
“Kanina pa kitang hindi magising,” sagot niya at halos marinig ko ang takot sa tono ng boses niya. “You got me worried there, I thought I lost you.”
Nakatulugan ko pala ang pananakit ng dibdib ko. I wonder if that’s dangerous, if what I did almost cost my death. But then, I remembered my prayer before I fell asleep and thought that maybe, there is really someone up there who actually heard my prayers. Halos wala na akong maramdamam ng bakas ng sakit sa dibdib ko, as if I wasn’t dying in pain a while ago.
Itinigil ko pansamantala ang mga iniisip nang makita ang nag-aalalang mukha ni Jaemin at itinuon ang pansin sa kaniya.
“Hey,” I called as I placed my hands on his cheeks, giving them a light caress. “I’m here now. Napasarap lang siguro ako ng tulog. I’m sorry I got you worried.”
He doesn’t seem convinced as the crease on his forehead deepened. “Masyado ka bang napagod sa biyahe? Gusto mong umuwi na muna tayo?”
“Nah, I’m fine. Malapit na ba tayo?” Lilingon na sana ako sa paligid pero hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko upang ipirmi ang tingin ko sa kaniya na ikinagulat ko.
“Actually, we’re already here,” he anwsered while lightly nibbling his lower lip – a sign that he’s nervous.
“Then, let’s go?”
“Uhm, nasa labas na ‘yung sorpresa ko so I need you to close your eyes first.”
I raised my eyebrows at his request but decided to comply and let him do what he wants. Inalalayan niya ako sa pagbaba sa kotse at nagsimula na kaming maglakad papunta sa kung saan man. Because my eyes were covered, my other senses became sensitive, thus immediately picking up the faint sound of waves and smell of sea from afar.
Teka, dinala ba niya ako sa beach?
“Almost there,” bulong niya habang hawak hawak ng mahigpit ang dalawa kong kamay.
“Ano ba kasi ‘yan, love?”
“Malalaman mo rin mamaya.”
Matapos ang ilan pang segundong paglalakad ay tumigil na rin kami. Binitawan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang paglapit niya sa’kin at pumwesto sa likod ko.
“Pwede mo ng buksan.”
The first thing I saw as my eyes slowly adjusted to the bright surroundings is a two-storey modern house standing in front of me. The next thing I noticed was the sight of white sand and emerald sea peeking behind the house.
“You always wanted to live near the sea because you always loved watching sunsets and you said that watching the stars with the sound of calm waves at the background every night would be a great way to end your day every day, so I thought, why not build our house near the sea? So you could do it every single night.”
“Jaemin,” tawag ko subalit hindi ko na masundan pa dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko para malaman niya kung anong nararamdaman ko. Kaya tumalikod na lamang ako upang maharap siya at mabigyan ng isang mahigpit na yakap. “You didn’t have to do this.”
“I want to. And dami nating plano para sa kinabukasan natin pero hindi naman matuloy dahil masyado akong naging abala sa career ko. Ang magagawa ko na lang ngayon ay matupad ang kahit isa o dalawa man lang sa mga ‘yon habang nandiyan ka pa.”
Umiling ako at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. “Wala kang kasalanan, love. Naiintindihan ko naman, e.”
“Pero hayaan mo na lang akong gawin ‘to para sa’yo.”
“Okay,” I breathed out as I start to feel the burning of my eyes. “And thank you so much for this, for everything. Hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya. I love you so much, Jaemin.”
Tumingkayad ako at ginawaran siya ng isang halik na agad naman niyang sinuklian.
“Mahal na mahal din kita, Jieun. Higit pa sa inaakala mo,” sagot niya na mas lalong naging dahilan upang manubig ng husto ang mga mata ko. “Pero bago ka umiyak, tapusin muna natin ang surprise ko para sa’yo.”
Napakunot ako ng noo sa kaniyang tinuran at nagpatianod na lamang sa kaniya nang magsimula siyang maglakad papunta sa likod ng bahay. Magrereklamo na sana ako na gusto ko munang makita ang loob ng bahay bago dumiretso sa dagat nang makita ko kung ano ang naghihintay sa’min doon.
Or should I say who because the first ones I saw were Jaemin’s closest friends with their partners, and his parents waiting for us, smiling widely and wearing white clothes – beach dresses for the girls while plain white shirt and brown pants for the boys. There are string lights everywhere, white curtains lined above and a white carpet on the small makeshift aisle between their seats. I looked at Jaemin only to realize that he was wearing the same dress code as them – and so am I upon noticing my white simple dress.
Gusto ko sanang kausapin si Jaemin pero hinila na siya nila Jeno habang ako naman ay pinalibutan na ng mga kaibigan naming babae – may nag-aayos ng buhok ko, mayroong nagdadampi ng kung anong kolorete sa mukha ko at ang iba ay panay ang paypay sa akin para raw hindi ako pagpawisan.
Afterwards, Yeji, Jeno’s finacee stood forward and handed me a white bouquet consisting of white orchids, peonies and freesia with their stems wrapped in white silk. Hyunji, Donghyuck’s new girl friend, grabbed something from her paper bag which turns out to be a white short veil. The rest of the girls hurried arranging the veil on my head, putting on clips to prevent the veil from falling.
And then it hits me. I’m getting married.
Ikakasal ako kay Jaemin, sa lalaking pinakamamahal ko.
The girls scrambled their way back to their respective seats when the faint violin sound started playing in the background. And I was left there alone on the end of the white carpet with my man standing on the other end, waiting for me to reach him.
Hindi ko na halos namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Parang tumigil ang oras, bumagal ang ikot ng mundo at kaming dalawa lamang ang tao. And with an encouraging smile from him, I bravely took one step forward, and another one, and another one, and another one until I reached him.
He held out his hand for me which I gladly took and when I looked at his eyes, the sparkles are back and they are twinkling at me, telling me how happy he is at the moment. And I could never be happier than this.
Ni minsan hindi ko naisip na maikakasal pa ako sa lalaking mamahalin ko ng lubos, pero simula ng dumating si Jaemin sa buhay ko, parang wala ng imposible.
He’s the miracle in my life – a gift.
Naging madali lang ang seremonya and before I knew it, we were already wearing our rings as we exchange our vows.
“Alam ko namang kakaunti na lang ang oras na meron tayo, kaya hayaan mo akong mahalin ka ng higit pa sa pagmamahal na ibinibigay ko sa’yo ngayon. Hindi ko akalain na darating ang araw na matatanggap ko ang pag-alis mo pero wala na rin naman akong magagawa para mapigilan ‘yun, e. I promise to love you with all my heart and my all and even if death do us part, I will still love you, Jiji. It’ll probably take long, but please wait for me. When the right time comes, I’ll follow you up there and be with you along with the stars. I love you so much, Na Jieun.”
“Wala akong hinandang kahit anong speech kaya ang tanging masasabi ko lang ay sobra akong nagpapasalamat sa taas dahil binigay ka Niya sa’kin. You’re the best thing that happened to me, Jaemin. You gave my life a miracle, a gift, and I’ll forever treasure that with me. And I promise to wait for you, no matter how long it takes, so take your time, okay? And when the right time comes, I’ll welcome you with open arms.” Tumigil ako sandali dahil hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na paghikbi at paglabas ng mga luha ko. “Mahal na mahal kita, Na Jaemin. Sobra.”
Hindi ko na halos nasundan ang mga sunod pang sinabi ng pari dahil sa patuloy na pagpatak ng mga luha ko. And sunod ko na lang na nalaman ay itinataas na ni Jaemin ang aking belo upang magawaran ako ng isang matamis at punong-puno ng pagmamahal na halik habang nagpapalakpakan ang mga tao sa likod namin.
Nagkaro’n ng salu-salo matapos ang seremonya at munting sayawan. Isinayaw ako ng lahat ng kaibigan ni Jaemin at maging ang kaniyang Daddy. And of course, he was my last dance.
Higit sa isang kanta ata ang naisayaw namin, hindi ko na masundan dahil ang atensyon ko ay nasa lalaking kasayaw ko, ang aking asawa.
“Mahal na mahal kita, Jiji. Hinding-hindi ako magsasawang ipaalala sa’yo ‘yan,” bulong niya sa aking tainga habang mahigpit na hawak ang aking baywang. Hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kaniyang balikat at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib.
At that moment, I almost forgot everything. All I know is that I’m really happy and that nothing could ever take this unforgettable moment away from me. Until it happened.
Kung kailan sobrang saya ko na ay bigla naman siyang nagparamdam, tila ba pinapaalala sa’kin kung ano ang naghihintay sa akin sa mga susunod na bawat segundo ng buhay ko. At habang nalulunod ako sa kalawakang bumubuo sa mga mata ni Jaemin ay naramdaman ko ang masakit na pagkadurog ng aking puso. Sa sobrang sakit ay halos mamanhid na ako hanggang sa tuluyan na talaga akong mawalan ng pakiramdam dahil unti-unti ng binabalot ng kadiliman ang aking paningin.
Pero sa mga huling sandali, habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit at binabalot ako ng init na dala niya ay hindi ko inalintana ang lamig ng kawalan na nag-iintay sa akin.
“Isa pang araw. Bigyan mo pa ako ng isang araw kasama siya. Akala ko tanggap ko na, akala ko handa na ako pero hindi pa pala. Kaya, please, humihingi ako ng isa pang araw.”
Sabi nga nila, kapag sobrang saya mo, asahan mo na may kapalit ‘yan.
Nung gabing ikinasal kami ni Jieun ang pinakamasayang araw ng buhay ko ngunit ito rin ang naging simula ng aking bangungungot, ang simula ng aming pagtatapos.
Inatake siya at dinala sa ospital, ilang araw din siyang nagtagal do’n. At dumating na rin ang pinakakinatatakutan ko – binigyan na ng taning ang buhay niya. Akala ko tanggap ko na, pero iba pa rin talaga kapag nandiyan na.
Ayaw ko sana siyang palabasin sa ospital, kahit si Jeno hindi sang-ayon do’n, subalit iyon ang gusto ni Jieun.
“Gusto ko ng umuwi, love. Iuwi mo na ‘ko sa bahay natin.”
And who am I to say no, when it feels like she’s begging for it with her life? Kaya inuwi ko siya sa bagong bahay namin, where we spent her remaining days together. Halos araw-araw na rin siyang binisita ng mga kaibigan namin pero saglit lang dahil mas mabilis na siyang nakakaramdam ng pagod kumpara noon. Kaya madalas na lamang kaming nakahiga sa labas – sa sun lounger o kaya sa buhanginan – habang pinagmamasdan ang tahimik na karagatan.
Halos araw-araw na rin ang pagkirot ng dibdib niya at habang tumatagal ay unti-unti ng nawawalan ng bisa ang mga gamot niya hanggang sa tuluyan na siyang tumigil sa pag-inom no’n. Minsan maaabutan ko siyang umiiyak sa sulok ng kwarto namin o ‘di kaya ay magkukulong sa banyo habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib na para bang dinudurog ng husto ang puso niya. At wala akong magawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit habang pinakikinggan ang kaniyang pagsusumamo.
“Pagod na ko, Jaemin. Pagod na pagod na ko. Patigilin mo na ‘tong sakit, hindi ko na kaya. Ayaw ko na, gusto ko ng mawala ‘to, parang awa mo na.”
Pero siguro talagang likas na sa tao ang pagiging makasarili, dahil sa pagpatak ng gabi, habang binabantayan ko siyang payapang natutulog ay ang aking paghiling ng isa pang araw na makapiling siya. Halos ilang araw na rin akong walang tulog dahil natatakot ako na baka sa kalagitnaan ng pagtulog niya ay tumigil ang kaniyang paghinga at paggising ko ay wala na siya sa’kin.
“May regalo pala ako sa’yo,” basag niya sa katahimikan habang inilalapit ang kaniyang mukha sa aking leeg. Kanina pa kaming nakahiga dito sa deck ng aking yate matapos panuorin ang sunset at ngayon ay pinagmamasdan naman ang mga bituin. “Hindi naman pwedeng palagi na lang ikaw ang may sorpresa sa’ting dalawa.”
“Ano ‘yon?”
Imbes na sumagot ay inilabas niya ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa at pagkatapos ang iilang pagpindot ay may narinig akong mahinang pagtugtog ng piano kasunod ang pamilyar na boses niya.
On the road that shines exceptionally
Standing there, I am waiting for you
It's not cold
When you are in my arms, I can feel the warmth
“I’ve been working on it for quite some time. Akala ko nga ‘di ko matatapos pero buti na lang nagawa ko,” she chuckled softly. How I wish I could get to hear more of it in the future. “I hope you liked it, love. I poured my everything into that song so whenever you miss me, you can just listen to it as if I’m right here beside you.”
You're my everything
I want to protect your days and nights
You are a miracle to me, I wish you could see it
Spreading all over me, a gift called you
You’re my night and day
Waiting for you in this street, drawing you again
“Just like what the song says and like what I told you on the day of our wedding, you are my miracle and you are the best gift I ever had. I lived alone for more than half of my life but He decided to give you to me and I’ll forever be thankful for that. You are all that I have, Jaemin. I love you, my husband, my everything. I love you so much that I think my love for you is like these burning stars because it will forever burn even in our next afterlife.”
An unusually long day
But it's not too bad because you're warm
Just like that, with nothing to do
I can live just like that
You're my everything
I want to protect your days and nights
You are a miracle to me, I wish you could see it
Spreading all over me, a gift called you
You're my night and day
Waiting for you in this street, drawing you again
“Love? You still there?” banggit ko sa mahinang boses. May ilang minuto na ata ang nakalipas na parehas kaming tahimik, tanging ang malambing na boses na lamang niya mula sa kaniyang cellphone ang maririnig. Kung hindi lang dahil sa nararamdaman ko ang mahinang pagtibok ng puso niya ay baka kung ano na ang naisip ko.
“Hmmm,” she hummed in an equally weak voice. “Inaantok na ko, Jaemin. Gusto ko ng magpahinga.”
Pagod ka na ba talaga, Jieun? Hindi mo na ba talaga kaya? Kasi kung oo, hahayaan na kitang magpahinga. Ayoko na ring makita kang nahihirapan. Handa na akong pakawalan ka.
“Of course, love...,” tumigil ako saglit at nilabanan ang namumuong bara sa aking lalamunan. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang nagbabadyang pagpatak ng aking mga luha. “Gusto mo na bang magpunta do’n? Gusto mo na bang makasama ang mga bituin?”
“P-pwede na ba? Parang tinatawag na nila ako, e.”
Humigpit ang yakap ko sa kaniya habang tuloy-tuloy na ang pag-agos ng aking mga luha. Pero hangga’t maaari ay pinigilan ko ang paghikbi.
“Whenever you’re ready, Jiji, whenever you’re ready,” bulong ko habang ginagawaran ang gilid ng kaniyang ulo ng halik.
She tilted her head and looked at me in the eyes. Umiiyak din siya. Umiiyak ang babaeng mahal ko pero mayroong ngiti sa kaniyang mga labi at sa unang beses sa loob ng halos kalahating taong paghihirap niya ay nakita ko ang ngiti sa kaniyang mga mata.
She’s happy because she knows it’s gonna end soon and she’ll finally be with the stars. And that’s all that matters to me – that she’s happy.
“Goodnight, Nana. I love you so much,” malambing na banggit niya at pagkatapos ay inilapit sa akin ang mukha upang mahalikan ako na akin namang sinuklian.
“Sweet dreams, Jiji, at mahal na mahal kita ng higit pa sa lawak ng karagatang ito o sa dami ng mga bituin sa langit.”
It seemed to be never-ending
At the end of the long wait
You're the one
You're my everything
I want to protect your days and nights
You are a miracle to me, I wish you could see it
Spreading all over me, a gift called you
You're my night and day
Waiting for you in this street, drawing you again
Hi, love!
If you’re reading this, it means I’m finally with the stars now. Just to let you know, I’m doing great and happy here, kaya sana ikaw din masaya diyan. Sana binabantayan ka ng ayos nina Jeno, kundi naku, malilintikan sa’kin ang mga ‘yon. >< Tsaka ‘di naman kita pababayaan, e. I’m patiently waiting for you here, Nana, so take your precious time, hihi. You probably don’t know, but I’m currently looking down after you, my love. So whenever you miss me, all you have to do is listen to my song, look up, and remember, I love you.
Your loving wife,
Jiji
I am also doing great, Jiji. Syempre, mahirap sa una pero tinulungan naman nila ako, tsaka tinulungan ko rin ang sarili ko para maibalik sa normal ang lahat. And I’m currently listening to your song and looking up at the stars, hoping to see a glance of your face. Ang daya mo, ako nakikita mo pero ikaw hindi ko makita. At sobrang miss na miss na kita, araw-araw ‘yon, walang palya. Pero ‘di bale, magkikita rin naman tayo, e. Diba sabi ko naman sa’yo, intayin mo lang ako dahil susunod ako diyan sa mga bituin? Hindi na ako makapaghintay, Jiji.
Isa pang araw at magkakasama na tayong muli. See you soon, my love.
4 notes
·
View notes