Tumgik
#gumuhit
ahaaaoootblooded · 10 months
Text
whoever put the chat gpt story i happened to pass by on ao3 i need you to become a hardcore buddhist monk or die
0 notes
asoftepiloguemylove · 10 months
Note
Hi, can i request a webweave on infatuation & trust issues?
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
i swear i'd love you if i could
pinterest / Clementine Von Radics In A Dream You Saw A Way To Survive; The Fear / pinterest / @hamletsmachine unaligned (2016) / @gumuhit old love (2016) / @extrasad
508 notes · View notes
upismediacenter · 21 days
Text
UPIS “math-sayang” ipinagdiwang ang Math Week 2024
Nakilahok ang mga mag-aaral ng UP Integrated School (UPIS) mula sa Grado K-12 sa ginanap na Math Week noong Marso 12-15, 2024.
Tumblr media
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Playing with Math,” na hango sa paggugunita sa International Day of Mathematics o ang Pi Day. Layunin ng programa na malinang ang kaalaman at kakayahan ng mga estudyante sa larangan ng Matematika.
Tumblr media
Sa loob ng buong linggo, iba’t ibang mga laro, patimpalak, at aktibidad ang kolektibong inilunsad ng Departamento ng Matematika, Departamento ng K-2, at UPIS Math Club ng Grado 3-10.
Isa sa mga tampok na aktibidad para sa K-2 ay ang "Math Character Challenge” na naglalayong ipalaganap ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa pagguhit ng sariling karakter batay sa mga konsepto sa Matematika. Gumuhit ang mga mag-aaral sa Kinder ng kanilang orihinal na superhero; lumikha naman ang mga estudyante sa Grado 1 ng isang poster na nagpapamalas ng kanilang karakter; at bumuo ang mga mag-aaral ng Grado 2 ng isang comic strip na pinagbibidahan ng kanilang mga karakter. Ang mga nagwagi sa bawat baitang ay sina Mireya Aria B. Rebuelta ng K-Dahlia, si Luke Ezekiel Z. Santos ng 1-Pipit, at si Natalie Aria A. Castillo ng 2-Dalandan.
Tumblr media
Sa bawat araw ng linggo, isinagawa naman ang "Brain Teasers Challenge" para sa Grado 3-12. Layunin ng pagsasanay na itong hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin at ipamalas ang kanilang natutunan sa iba’t ibang konsepto ng Matematika. Ang bawat pagsasanay ay isinagawa sa bawat baitang, at ang mga ito ay nakabatay sa antas ng kanilang mga natutunan sa asignatura.
Tumblr media
Nagkaroon din ng “Math Game Center: Interactive Exhibit” na naglalaman ng iba’t ibang mga larong sumubok sa kakayahan ng mga estudyante sa bawat araw. Para sa 3-6, nagkaroon ng mga laro tulad ng Tangrams, Kendama, at Puzzle Rings. Samantala, para sa 7-12 naman, nagkaroon ng mga laro tulad ng Galton Board, Buffon’s Needles, at Matchstick Equation Game.
Tumblr media
Bilang paggunita sa Pi Day noong ika-14 ng Marso, idinaos ang larong “Pi Hunt” sa UPIS 3-6 at 7-12. Dito, naghanap ang mga mag-aaral ng labinlimang baryang papel na nakatago sa iba’t ibang bahagi ng gusali, ngunit sampu lamang ang naglalaman ng mga numero na katumbas ng pi na 3.14. Upang matukoy kung aling mga papel ang may tamang halaga, kinailangan ng mga mag-aaral na sagutin at i-kompyut ang mga matematikang problema na nakasulat sa papel. Ang mga estudyanteng nakakuha ng halaga ng pi ay nakatanggap ng premyo.
Tumblr media
Naglunsad din ang Math Club mula Grado 3-10 ng isang fundraising activity sa pamamagitan ng pagbebenta ng Pi Cupcakes sa halagang ₱30 bawat piraso. Ang proyektong ito ay naglalayong makalikom ng pondo para sa kanilang mga susunod na gawain.
Tumblr media
Bilang bahagi ng paglikom ng pera, isinagawa ang aktibidad na “Guess the Number,” na bukas para sa buong K-12. Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga mag-aaral na tantiyahin at hulaan ang bilang ng pingpong balls (K-2), mga holen (3-6), o duck clips (7-12) na nakalagaymaaaring ilagay sa isang sisidlan. Ang mga mag-aaral ay inanyayahan na magsumite ng kanilang mga hula at magbayad ng ₱5 para rito.
Tumblr media
Maliban sa mga gawaing face-to-face, inilunsad din ang “InstaMath” kung saan nagbahagi ang mga estudyante ng litratong may kaugnayan sa tema ng paglalaro kasama ng Matematika. Ang mga nanalo sa palaro ay sina Serena Indra Fe Lucila K. Lacaba ng K-Mirasol, Sofia Isabel Elena M. Romero ng 4-Patani, at Tobin Abram Y. Malonzo ng 8-Firefly.
Tumblr media
Sa kabuuan ng Math Week, nagkaroon ang mga estudyante ng pagkakataon na manalo ng premyo mula sa paglahok sa pamamagitan ng pagkumpleto ng kanilang stamp card. Ito ay nagsilbing talaan ng mga sinalihang gawain, kung saan maaari silang magkamit ng karagdagang puntos o insentibo sa asignatura.
Tumblr media
Para sa kumpletong listahan ng mga nanalong mag-aaral sa bawat laro at paligsahan, maaaring bisitahin ang UPIS Math Week Facebook Page.
Inorganisa ang nakalipas na Math Week upang magkaroon ng mas interaktibong programa ng taon sa pamamagitan ng paglalaro. “Makikita ang matematika na hindi limitado sa usual classroom set-up at paper and pen, kung saan maraming mga laro na konektado pala sa matematika,” ipinahayag ni 3-6 Math Club Adviser Maesel Galapin mula sa isang panayam. Dagdag ni Bb. Galapin, kabilang din ang Departamento ng K-2 sa pagsusuri ng mga aktibidad para sa linggo.
Ayon naman kay 7-10 Math Club Adviser Joseph Guiao sa isa ring interbyu ukol sa pagbubuo ng selebrasyon, “Sa muling pagpapatakbo ng Math Club ngayong taon, kabilang ang mga miyembro ng 3-6 at 7-10 Math Club sa nagbigay ng konsepto para sa mga aktibidad. Sila ang nakipag-ugnayan sa Math Faculty para sa mga pangangailangan para sa Math Week, at naging kabilang sa mga mismong nagpaunlak at nakilahok rito.”
//nina Zaeda Wadi at Margaret Tolentino
4 notes · View notes
tugmataludtodtalata · 6 months
Text
100 TULA PARA SA KANYA
Sequel
#019
Tahimik Nakita kita no'ng nakaraan. Sumulyap ako, marahil mga dalawang beses, sinisigurado kung ikaw ba talaga. Nang makuntento nga akong ikaw 'yon, Nagmadali akong malampasan ka, ayokong mapansin mo pa. Pero nang matanaw kong unti-unti na kayong lumalayo, Tinanaw kita. Tumingkayad pa kasi natatabunan ka na ng iba pang nakapila sa sakayan. Napangiti ako. Ngiting alam kong mapait na gumuhit sa labi ko. Kuntento na nga ako. Kuntentong pagmasdan ka lang mula sa malayo. Kuntentong landas nati'y hindi na muling magtagpo... Kuntentong mahalin ka nang hindi sa 'yo sinasabi. Pag-ibig na mapagpalaya. Pag-ibig na tahimik.
4 notes · View notes
elfilibusterismo · 2 years
Note
Omg, there's other Filo blogs here? pngianne and gumuhit are the only filo blogs I know 🤧 already followed you and thank you for your spicy takes about whats currently happening in our bayan. May I ask if you can rec. more Filo Blogs I can follow here? Thank you so much ♡ Lumalaban pa tayo 🌸💖 kaya *virtual hugs nuna*
hi anon!! scrolled down my following list and here's a few that i follow. definitely not a comprehensive list.
@cptnvers @kimeyngo @johncho @kalakian @mangoshakes @dumortain-adam @mgahinugotnadila @pixelburied @kayanin @kailaliman @liwancg @allofthehousethatstood @fatalefilipina @holyfckingshtno @existential-celestial @bruhamann @tala-paraluman
i've had an influx of followers in the past week so if anyone else wants to say hi, mag-ingay lang kayo sa replies HAHAHA
45 notes · View notes
cannedthoughts · 7 months
Text
Marahil panahon na upang bumalik ulit
Sa limot na dalampasigan
Sa probinsiyang iniwan
Sa tabi ng batang naglalaro
Ng buhangin at patpat na balingkinitan
Papanoorin siyang gumuhit ng kapalaran
Nang paulit ulit, 'di naiinis o nanlumo man lang
Kahit paulit ulit ng alon itong hugasan
Mga hiling ng kanyang kabataan
Magpapaturo sa kanya
Kung paano muling mangarap
Paano muling ngumiti't
Malakas na tumawa
Paano umiyak at tumahan kaagad
Dahil alam na bukas ay iba na
Ang pagihip ng hangin,
Ng tama ng araw sa tubig
Mas magiging mapagpatawad
Ang dalampasigan sa pagbura
Ng mga mumunting hugis ng
Ala ala ng pagtangi sa iba
At sa sarili
At piliing lunurin pabalik sa dagat
Mga bakas ng kabiguan
2 notes · View notes
kuro-mii · 9 months
Text
Tila Buhay ay Laro Lamang
Tumblr media
Puso, Ano Ka? ni Jose Corazon de Jesus
Ang puso ng tao ay isang batingaw, sa palo ng hirap, umaalingawngaw hihip lang ng hapis pinakadaramdam, ngumt pag lagi nang nasanay, kung minsan, nakapagsasaya kahit isang bangkay.
Ang puso ng tao’y parang isang relos, atrasadong oras itong tinutumbok, oratoryo’y hirap, minutero’y lungkot, at luha ang tiktak na sasagot-sagot, ngunit kung ang puso’y sanay sa himutok kahit libinga’y may oras ng lugod.
Ang puso ay ost’ya ng tao sa dibdib sa labi ng sala’y may alak ng tamis, kapag sanay ka nang lagi sa hinagpis nalalagok mo rin kahit anung pait, at parang martilyo iyang bawat pintig sa tapat ng ating dibdib na may sakit.
Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang laman na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw, dahil sa pag-ibig ay parang batingaw, dahil sa panata ay parang orasan, at mukhang ost’ya rin ng kalulwang banal sa loob ng dibdib ay doon nalagay.
Mawawari natin na ang tulang ito ay nagsasasaad na kung ano ang puso ng isang tao. Maaaring sinasabi nito ay ang puso ay maraming anyo dahil sa ibat ibang klaseng taong meron nito, hindi lang sa pagmamahal na romantiko kundi sa kahit anong anyo ng pagpapahalaga at pagpapakatao makikita kung gaano kawalang katulad ang isang puso.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pag-ibig ni Jose Corazon De Jesus
Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha! Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata. Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata, tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.
Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso; pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo…  naglalaho, layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.
Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan, parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman. Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan, at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.
Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos, walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos. Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.
Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral, tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw, ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!
Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip. Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig, pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.
Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina, umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa. Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.
Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag, ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak. Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak, o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!
“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.” Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal. Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.
Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais, kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid. Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib, at ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!
Ipinapakita ng tulang ito na hindi lamang saya at kilig ang dala ng pag ibig sa buhay ng isang tao, ang pag ibig ay may kalakip na sakit. Dahil ang pag ibig ay isang komplikadong bagay na hindi lamang sarili ang iniisip, at darating ang panahon na makakaranas ang isang taong nagmamahal ng sakit.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang Buhay ng Tao ni Jose Corazon De Jesus
Inakay na munting naligaw sa gubat, ang hinahanap ko’y ang sariling pugad; ang dating pugad ko noong mapagmalas nang uupan ko na ang laman ay ahas.
Oh! ganito pala itong Daigdigan, marami ang sama kaysa kabutihan; kung hahanapin mo ang iyong kaaway, huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.
Ako’y parang bato na ibinalibag, ang buong akala’y sa langit aakyat; nang sa himpapawid ako’y mapataas, ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.
Mahirap nga pala ang gawang mabuhay, sarili mong bigat ay paninimbangan, kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan, kung ikaw’y masama’y kinapopootan.
At gaya ng isdang malaya sa turing ang langit at lupa’y nainggit sa akin; subalit sa isang mumo lang ng kanin, ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.
At sa pagkabigo’y nag-aral na akong mangilag sa mga patibong sa mundo; kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.
Ang buhay ng tao ay parang kandila habang umiikli’y nanatak ang luha; buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda, ang luksang libinga’y laging nakahanda.
Ang palad ay parang turumpong mabilog, lupa’y hinuhukay sa ininug-inog; subalit kung di ka babago ng kilos, sa hinukayan mo’y doon mahuhulog.
Ipanapakita dito sa tulang ito na ang buhay ng tao ay hindi simple at maaaring dumanas ito sa hirap, dahil ganun ang buhay ng isang tao. Nabubuhay tayo sas realidad na mapait at masakit, na minsan kahit ayaw natin ito harapin ay kailangan dahil tayo ay may pangarap na gusto makamit.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang Tren ni Jose Corazon De Jesus
Tila ahas na nagmula sa himpilang kanyang lungga, ang galamay at palikpik, pawang bakal, tanso, tingga, ang kaliskis, lapitan mo’t mga bukas na bintana.
Ang rail na lalakara’y nakabalatay sa daan, umaaso ang bunganga at maingay na maingay, sa Tutuban magmumula’t patutungo sa Dagupan.
O, kung gabi’t masalubong ang mata ay nag-aapoy, ang silbato sa malayo’y dinig mo pang sumisipol at hila-hila ang kanyang kabit-kabit namang bagon.
Walang pagod ang makina, may baras na nasa r’weda, sumisingaw, sumisibad, humuhuni ang pitada, tumetelenteng ang kanyang kampanada sa tuwina.
“Kailan ka magbabalik?” “Hanggang sa hapon ng Martes.” At tinangay na ng tren ang naglakbay na pag-ibig, sa bentanilya’y may panyo’t may naiwang nananangis.
Mababatid sa tulang ito kung paano nahalintulad ang transportasyon sa byahe sa buhay ng isang tao. Na kung paano tahakin ng isang tao ang buhay gamit kung nasaan siya ngayon at kung paano niya gagawing transportasyon ito sa susunod niyang destinasyon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Manggagawa ni Jose Corazon De Jesus
Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan; mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.
Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw, nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw, si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang, kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan mula sa duyan ng bata ay kamay mo ang gumalaw hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.
Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan….. Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal, dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.
Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan, at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.
Sa tulang ito napapakita ang pagiging mapanahon nito kahit matagal na ginawa ito ng may akda. Dahil hanggang ngayon mababatid natin ang hirap at sakripisyo ng mga manggagawa para sa mga nasa itaas.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Isang Punong Kahoy ni Jose Corazon De Jesus
Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ako'y tila isang nakadipang krus; Sa napakatagal na pagkakaluhod,                                           Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. Organong sa loob ng isang simbahan Ay nananalangin sa kapighatian, Habang ang kandila ng sariling buhay, Magdamag na tanod sa aking libingan… Sa aking paanan ay may isang batis, Maghapo’t magdamag na nagtutumangis; Sa mga sanga ko ay nangakasabit Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri'y agos ng luhang nunukal; at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam. Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy; Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon, Batis sa paa ko'y may luha nang daloy. Ngunit tingnan niyo ang aking narating, Natuyo, namatay sa sariling aliw; Naging krus ako ng magsuyong laing At bantay sa hukay sa gitna ng dilim. Wala na, ang gabi ay lambong na luksa, Panakip sa aking namumutlang mukha; kahoy na nabuwal sa pagkakahiga, Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa! At iyong isipin nang nagdaang araw, isang kahoy akong malago’t malabay; ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan, dahon ko'y ginawang korona sa hukay.
Ang realidad na lahat ng tao ay mamamatay ay sinaad nang mas malalim ng tulang ito. Na kung paano mag-isip ang isang taong nasa hukay na ang kalahati ng katawan. Na kung paano nila tanggapin ang kapalaran nila na hindi nila aakalaing mangyayari agad.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sintesis
Sa anim na tula na aking sinaad nabatid ko kung paano talakayin ni Jose Corazon De Jesus ang mga bagay na naranasan niya nung sinulat niya ang mga tulang iyon. Ngunit sa tagal ng mga tulang ito mararamdaman mo pa rin ang pagiging napapanahon nito, dahil makikita natin sa araw araw na buhay natin kung ano ang dinudulot ng pag ibig sa atin. Kung ano ang dinadanas pa rin ngayon ng ating mga manggagawa, at kung paano may mga nagsasawalang bahala sa buhay na meron sila. Na tila para tayong pinaglalaruan ng buhay.
2 notes · View notes
the-lady-reaper · 1 year
Text
Araw-araw nais kong bisitahin ang isang Painting sa Isang lumang museum di ko maiwasang mapaluha sa tuwing akin itong tinititigan. nakapinta ang larawan ng isang nakatalikod na babae na nag lalakad sa gitna ng hardin na punong puno ng mga pulang bulaklak. "Spider Lilies" yan ang ngalan ng bulaklak na nakapinta.
nagulat na lamang ako ng may isang matandang lalake na nag abot ng panyo sa akin.
"Ayos ka lang ba Iha?"
Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong at tinanggap ang panyo sa kanyan kamay agad kong pinunas ang aking luha na walang humpay sa pagpatak.
" Ang ganda po ng painting na to. Sobra."
"Alam mo noong panahon ko nung bagong gawa pa lang tong museum at hindi pa ako ang may ari nito. "
" palagi kong nakikita ang isang binata na halos Araw-araw binibisita ang museum na ito para lamang sa Painting na yan."
"Kilala nyo po ba kung sino ang gumuhit nito?"
Maang kong tanong umaasang sasabihin ng matanda ang pangalan ng may akda.
Ngunit napatingin lamang sya sa aking
suot na kwintas.
"sadya bang nakalimutan mo na?"
kumunot ang aking noo sa pagtataka at syaka nag tanong uli.
"Ang alin po?"
"Mahigit 30 taon mula ng iginuhit yan ng isang binata. sya ay tanging 18 gulang lamang ng sa kanyang panaginip ay mayroong isang dalaga nagpakita hindi ito humaharap at palaging nakatalikod."
" araw-araw itong nangyayari sa kanya hanggang sa pagtagal maging ang kanyang pagtulog ay naapektuhan. minsan kung gaano kahaba ang kanyang panaginip ay ganon din katagal bago sya magising ."
"Tunay nga naman na nakakahalina ang ganda ng babae sa kanyang panaginip ngunit ang kapalit ng kanyang pagtigil sa mundo ng mga panaginip ay ang buhay nya sa totoong mundo."
" Binabangunot sya"
labis akong kinabahan at natakot sa kwento ni lolo ngunit pakiramdam ko ay nangyare na rin ang kwento na ito sa isa sa mga panaginip ko.
"Napamahal sya ng labis sa babae at nanalangin sa dyosa ng panaginip. sa di inaasahang pangyayri ay ibinigay nya ang isang kwitas sa babae kahit na alam nyang magkaiba ang panahon nila sya ay umaasa na kahit di man ngayon ay makilala man lang nya ang babae."
muling tumingin si lolo sa akin
"Yume and the Field of Red Spider Lilies"
" I named that painting after you."
"Ngunit huli na ang lahat Yume matagal na ang nakalipas at tumanda na ako ngunit salamat sayo dahil nagawa kong isalba ang kompanya namin from bankcruptcy noong mga oras na iyon dahil ang painting na iyon ang dahilan kung bakit muli naming nabawi ang aming kapangyarihan at kayamanan."
Mula sa kanyang kwento ay aking napagtanto na ang may akda ng painting na ito at ang lalaki na kanyang sinasabi ay siya. Napaupo sapagkat kung paano nya isinalayasay ang kwento ay katulad na katulad ng panaginip ko noong bata pa ako at magpasahanggang ngayon.
"Hindi ko inaasahan na gagawa at gagawa ng paraan ang dyosa ng panaginip para lamang mapunta sayo ang kwintas na yan."
maya maya ay lumapit ang isang naka formal na suot na lalaki sa akin dahilan upang mapalipat ang atensyon ko sa kanya.
"Miss sino kausap mo?"
"P-po?" gulat kong tanong
"Sabi ko sino kausap mo?"
"May lolo po dito kanina kausap ko nga lang po sya kanina ehh."
lumingon lingon ako ngunit kahit ni anino ng matanda ay wala akong makita.
"Iha mag isa ka lang dito. "
bumibilis ang tibok ng puso ko at di alam kung ano ang gagawin.
"Kayo po kilala nyo po ba ang gumawa ng painting na yan?"
"Ahh Oo sa totoo lamang ay nakasali yan sa mga painting na ipagbibili sa binding kaso natigil after mamatay nung Painter sa isang aksidente."
"Ano pong aksidente?"
"Naaksidente ang sinasakyan nyang kotse na coma tose sya after ilang months pero bumigay din ang katawan nya. sa totoo lang may picture ako ng Painter."
Kinuha ng lalaki ang cellphone nya at ipinakita sa akin ang isang litrato.
" Lucian Salvador"
"Known as the Modern Rembrandt.
Is a famous painter from this modern Era he's most known painting is
"Yume and The Field of Red spider lilies."
Kinilabutan ako sapagkat ang matanda na kausap ko kanina ay kamukang kamuka ng painter na nasa litrato na ito.
maya maya pa ay tumunog ang isang cellphone at may tumawag dito.
agad namang umalisang lalaki para sagutin ito.
Nanginginig at gulat na gulat ay pinilit ko paring manatili sa kinatatayuan ko sapagkat pakiramdam ko ay ano mang oras ay babagsak ako.
Napahigpit ang hawak ko sa kwintas kong suot sabi ni lola family heirloom daw to pero galing pala ito sa misteryosong lalake na mula sa panaginip ko. Di ko inaasahan na magpapakita ang kaluluwa nya dito sakin sa museum.
6 notes · View notes
itwasdiciembre · 5 days
Text
sa hilig at kasanayan kong gumuhit, naging marunong na ko.
marami pa akong dapat kalikutin dahil alam kong hindi pa sapat ang kakayahan ko para makita ko ang sarili ko na magaling.
— diciembre ng gabi. ぐめ オみ
0 notes
psynoidal · 1 month
Text
Tumblr media
katatakutang babasahin ngayong mahal na araw...
Nakayuko pa rin si Liza. Bahagya niyang inuugoy ang sarili habang tinatakpan ang magkabilang tenga. Hindi siya pinansin ni Ricky, sa halip, sinimulan na lang niyang kopyahin ang sinusulat ng guro. “Hnnn...” umungol ang kaniyang katabi, “A-ayoko...” Bahagyang natigilan sa pagsusulat si Ricky. “Nnnngggg...” Huminga nang malalim si Ricky at nag-aalalang humarap sa katabi. “Okay ka lang-“ “AAHHHHHH!!!” Napaatras si Ricky sa upuan. Nagtaasan ang mga balahibo niya nang may makitang tatlong mapupulang galos na biglang gumuhit sa kaliwang braso ng katabi. Tumayo naman si Lisa sa pagkakaupo at muling sumigaw. “Tama na! Tama na!” Nagkagulo sa klase, lahat napatingin sa likod. “Ayoko na!” muling sigaw ni Lisa, tapos ay bumagsak ito sa upuan at nawalan ng malay tao.
*** Are You There? by: Psynoid Al
read in Wattpad: https://www.wattpad.com/story/357265628-are-you-there
Tumblr media
Dekada nobenta, nagkatuwaan ang magkakaibigan na magtawag ng espirito gamit ang isang pirasong barya. Pero hindi nakakatuwa ang natawag nila, at hindi ito aalis nang walang kasama.
0 notes
sincerelyyoursanne · 2 months
Text
Minsan kailangan nating matutunang bitawan yung isang realsyon, bagay oh sitwasyon sa buhay natin kasi alam mong hindi na nakakabuti sayo. At sa pag bitiw na yun, you're giving yourself another chance - chance na mag mahal uli, chance na makahanap ng magandang trabaho, bumuo ng panibagong pangarap, at maranasan lahat ng mga bagay na mas makapagpapasaya sayo. Bakit ba kasi yung salitang 'give up' eh negative agad ang dating. Na kapag nag give up ka, ang tingin sayo mahina ka - hindi ako naniniwala dun. Minsan hindi mo naman talaga kailangang patunayan pa sa lahat na kaya mong lampasan or ipakita na nalampasan mo na yung isang pagsubok. Sapat ng katapangan yung harapin mo yung pagsubok na yun ng mag-isa, ng matatag, ng buong puso. At dun mo marerealize na yung mga tao or bagay na pilit mong pinaglalaban eh hindi ka talaga deserve.. Kasi hindi nila nakikita yung sincerity ng puso mo. At sa pag bitiw mo, pinapakita mo lang na naniniwala ka sa sarili mo - na kaya mong bumangon uli, magsimula uli, na kaya mong gumuhit uli ng panibagong plano at mga pangarap na ikaw din mismo ang magkukulay. So give up - kung yun ang alam mong nararapat at makakabuti para sayo and never feel bad about it. I know it sounds like cliché, pero maniwala ka, sa bawat pintong magsasara, merong panibagong magbubukas. At kung hindi mo kayang isara yung old chapters ng buhay mo, paano ka magsisimula ng panibago? Wag mong panghinayangan yung mga bagay na sa tingin mo ay dapat mo ng iwan dahil mas maraming naka abang na magagandang bagay na pwedeng mangyari sayo.
Sincerely yours,
Anne
0 notes
topherpadre07 · 4 months
Text
Gumuhit sa ulo ko nang beri beri light hu hahaha
0 notes
angkoleds · 5 months
Text
Ang Himig ng Nilibing
Nilibot ko lang ang silid-aklatan noon, nang bigla kong natuklasan ang Likhaan Book of Poetry and Fiction, na inilathala ng UP Press. Isa itong koleksyon ng mga tula at piksyon na isinulat ng iba't ibang may-akda. Hiniram ko ito sa simpleng dahilang gusto kong basahin ang libro. Tungkol itong blog sa isa sa mga tulang nagustohan ko, ang "280 and More" na isinulat ni Ramil Digal Gulle.  
Masusing nagpapaliwanag ng mga pangyayari ang tulang ito sa resulta ng trahedya sa Payatas noong 2008. Ikinuwento ito na parang isang direktang saksi sa nangyari ang tagapagsalita. Ang pagwawalang bahala ng bansa sa isyu, hangga’t naging walang kabuluhang mga ulat nalang ang trahedya ang isa sa mga pangunahing punto nitong tula.
Tumblr media
Tinawag na “mga anghel” ang lahat ng mga biktima, pagsunod sa katotohanan na wala silang kasalanan na dapat magdusa ng ganoong trato. Kasunod nito ang nakakatakot na paglalarawan ng pangyayari pagkatapos, halos walang katawan ang makilala bilang isang tao. Iniulat ng tagapagsalita na parang naranasan niya rin ang nangyari, ang mga kamay, at paa na natanggal, mga ulo na naputol, mga bahagi ng katawan na nagugulumihanan at natatakpan ng lupa, na pawang nakakalat tulad ng mga kabibi sa baybayin.
Ang mga saksi ng mga nagdaang pangyayari, mga kaawa-awang iilan, may isang batang babae na kakauwi lamang mula sa bahay ng kanyang lola sa siyudad, at isang lola na hindi kayang maunawaan ang lawak ng pangyayari. Ngayon, patuloy nilang dinadala ang karanasan ng pagkawala ng lahat. Hindi nila inaasahang bigla na lang silang iiwanan ng pamilyang minamahal nila sa kabilang buhay.
Hindi ang malakas na ugong ng bumagsak na helikopter, o anomang aksidente na dulot ng kanilang sarili ang nagtakda ng kanilang kapalaran. Ito ang pagguho ng napakalaking bundok ng basura na walang habag na bumagsak patungo sa kanilang komunidad, sa isang pangyayari na parang isang agwahe ng basura. Kung nangyari ito sa oras na gising ang mga mamamayan, mas marami sigurong buhay ang maaaring nailigtas, ngunit parang nagtangkang kumilos ang kapalaran ng masama, nagguho ang bundok sa pagsikat ng araw. Ang oras na naghahanda pa lamang para sa umaga ang mga mamamayan, subalit sinalubong na agad ng kanilang huling hininga.
Tumblr media
Ang mga litratista, ang mga mamamahayag, ang mga nagmamadali para ma dokumento ang kalamidad, at mga may unang karanasan sa mga oras ng pagkatapos ng trahedya, nagsuka, at bumagsak. Resulta ng maraming taon ng pagkabulok, ng basura, ng pagtatapon, ng pagpapabaya, na nagkukumpol sa tulong ng walang tigil na ulan ang bumagsak sa komunidad. Hindi maaaring higit pa sa katotohanan ang kasabihang "tubig ang buhay" sa kasuklam-suklam, at nakakahamak na putik na nakapatay na ng daan-daan. Upang maging mas eksakto, dalawang-daang walumpu't siyam na pamilya ang natagpuan. Ang lugar na puno ng buhay, lakas, at damdamin, noon, nalibing na ng apatnapu’t na talampakan ng lupa ngayon. Sa mga hindi natagpuan, unti-unting nawala sa kasaysayan, hindi na magkaiba sa basura na kanilang pinaglibingan.
Tumblr media
Bumabatid ang tulang ito sa mga kaganapan matapos ang isang di-inaasahang krisis, pinapakita nito ang perspektibo ng mga biktima na nanganganib sa kawalan ng paghahanda. Ang mga taong ito, na biglang napunta sa isang krisis na hindi man lang nila alam, ang hindi makatarungan na reyalidad ng pagkakaipit sa isang sitwasyon na lubos na labas sa kanilang kontrol. Hinihikayat ng layunin ang pagpili sa tula na ito na gumuhit ng mga parallelismo sa mga geopolitikal na alitan, tulad ng sitwasyon sa Israel-Palestine o pangmasang pagpatay. Katulad ng mga tauhan sa tula, maraming inosenteng pamilya ang natutuklasang naiipit sa kalagayan na labis sa kanilang alam o kakayahan.
Inilarawan sa tula ang daan-daang pamilyang walang habas na pinaslang, layunin nitong bigyang-diin ang kanilang paghihirap. Binibigyang diin ng naratibo ang nakababahalang katahimikan mula sa pandaigdigang komunidad, na nagpapakita ng kawalan ng malasakit sa harap ng napakalaking pagkawala ng buhay. Mula sa pananaw ng karaniwang dayuhan, isang araw-araw na bahagi na marami ang pumipili na talikuran ang patuloy na pagpatay, marahil dahil sa pagiging manhid sa kahalagahan ng sitwasyon.
Ang paglipas ng panahon, sa halip na magtulak ng kolektibong aksyon, tila nagmumula ng isang nagtitiis na pagsang-ayon, parang mawawala lamang sa paglipas ng araw ang trahedya. Nagpapakita ng isang emosyonal na pag-alsa ang nakakabagbag-damdaming detalye ng mga bata na nagsusumamo para sa kanilang buhay. Nagbibigay-diin ito sa mga kawalang-sala na nahuli sa patayan at ang kalunos-lunos na katotohanan ng isang mundo na tila hindi na apektado sa kanilang desperadong pag-iyak. Naglilingkod bilang isang matalim na pagsusuri ang kolektibong pagiging manhid sa patuloy na patayan sa kakayahan ng sangkatauhan na maging pangkaraniwan ang mga kahanga-hangang bagay, na nag-udyok sa mga mambabasa na harapin ang hindi komportableng realidad ng isang mundo na, sa kabila ng mainit na paksa ng mga inosenteng nananalangin, nananatili sa nakagawiang pagpapatuloy ng malalimang katarungan.
Kung ganito na kalala ang nangyari sa trahedyang Payatas, ano na lang ang magiging sitwasyon sa Gaza, kung saan hindi lamang isang mabilisang pangyayari ang naganap, kundi isang pangmasang patayan na umabot na ng higit pa sa isang buwan?
1 note · View note
onwardop · 8 months
Text
TATLONG ARAW NA LANG, PALIHAN 2022 NA!🥳
Mga Dominikano, ihanda na ang inyong mga papel at panulat dahil tatlong araw na lang, Palihan 2022 na! 😍
Tara na at matuto sumulat ng mga artikulo, gumuhit ng mga dibuho, at kumuha ng mga retrato. Malay mo, dito mo na madiskubre at mahasa ang inyong mga talento. 😉
📢 Nakapagpalista na ba kayo mga Dominikano?
Huwag ng magpatumpik-tumpik pa dahil ang pagpapalista ay bukás lamang hanggang sa linggo, Agosto 7.
📢 Muli, ito ay LIBRE at bukás sa lahat ng mag-aaral ng St. Dominic Academy of Pulilan Inc. Kung kayo ay interesado, mangyaring sagutan ang aming inihandang Google Form sa pamamagitan ng pagpindot ng link sa ibaba.
✅ Link: https://bit.ly/Palihan2022
Halika na, Sali na! Sulat tayo! ✍
Kita-kita tayo, mga Dominikano! 😉
#Palihan2022
#SulongDominikano
#SulatDominikano
Mga Dominikano, ihanda na ang inyong mga papel at panulat dahil tatlong araw na lang, Palihan 2022 na! 😍
Tara na at matuto sumulat ng mga artikulo, gumuhit ng mga dibuho, at kumuha ng mga retrato. Malay mo, dito mo na madiskubre at mahasa ang inyong mga talento. 😉
📢 Nakapagpalista na ba kayo mga Dominikano?
Huwag ng magpatumpik-tumpik pa dahil ang pagpapalista ay bukás lamang hanggang sa linggo, Agosto 7.
📢 Muli, ito ay LIBRE at bukás sa lahat ng mag-aaral ng St. Dominic Academy of Pulilan Inc. Kung kayo ay interesado, mangyaring sagutan ang aming inihandang Google Form sa pamamagitan ng pagpindot ng link sa ibaba.
✅ Link: https://bit.ly/Palihan2022
Halika na, Sali na! Sulat tayo! ✍
Kita-kita tayo, mga Dominikano! 😉
#Palihan2022
#SulongDominikano
#SulatDominikano
Mga Dominikano, ihanda na ang inyong mga papel at panulat dahil tatlong araw na lang, Palihan 2022 na! 😍
Tara na at matuto sumulat ng mga artikulo, gumuhit ng mga dibuho, at kumuha ng mga retrato. Malay mo, dito mo na madiskubre at mahasa ang inyong mga talento. 😉
📢 Nakapagpalista na ba kayo mga Dominikano?
Huwag ng magpatumpik-tumpik pa dahil ang pagpapalista ay bukás lamang hanggang sa linggo, Agosto 7.
📢 Muli, ito ay LIBRE at bukás sa lahat ng mag-aaral ng St. Dominic Academy of Pulilan Inc. Kung kayo ay interesado, mangyaring sagutan ang aming inihandang Google Form sa pamamagitan ng pagpindot ng link sa ibaba.
✅ Link: https://bit.ly/Palihan2022
Halika na, Sali na! Sulat tayo! ✍
Kita-kita tayo, mga Dominikano! 😉
#Palihan2022
#SulongDominikano
#SulatDominikano
Tumblr media
0 notes
russibascowp · 11 months
Text
BREAKING NEWS: Nawawalang eroplano, nagbalik matapos ang 20 years!
Sariwa pa rin sa aking isipan ang alaala ng iyong paglisan. Ni hindi ka man lang nagsabi, ni hindi ka man lang nagpaalam.
Ang araw na ito ay laging nagpapaalala sa 'kin ng sakit na iyong iniwan na nakamarka na sa aking puso't isipan. It's been 20 years since you vanished.
Maraming nang nagbago at nawala. Mahirap man tanggapin. Ngunit ayokong magpakain sa kalungkutan, iniisip na lang namin na masaya ka na kung nasaan ka man naroroon.
"Pa..." tawag ng anak ko sa 'kin.
Dalawampung-taon ang lumipas at ito, nakabuo na ako ng sarili kong pamilya. Nakamit ko na rin 'yung pinapangarap ko noon no'ng nandyan ka pa, ang maging isang piloto.
No one ever can stop time from elapsing. But I will never forget what we had. Maybe I can't see you anymore, but I can still feel your presence. You pursued me to reach my goals and that's somehow one of the reasons why the fire in my heart is still burning.
BREAKING NEWS: Isang eroplano na papunta sanang The Netherlands ang bigla na lamang naglaho sa ere! Hindi pa tukoy ang dahilan ng misteryosong pagkawala nito.
Ito ang balitang gumimbal sa buong mundo at nang yurak sa puso ko dalawampung taon na ang nakararaan. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang malaman na isa ka sa mga sakay nito. Ngunit masyadong mahiwaga ang mundo, hindi natin alam kung anong kinukubli nito.
"OLIVER! OLIVER! DALI! TINGNAN MO!" Malakas at nagmamadaling tawag ng asawa ko sa 'kin.
Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Bakit...?" Tanong ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. Nakita kong lumunok siya at saka ibinaling ang tingin sa TV.
Nagtaka ako kaya't napatingin na rin sa kanyang pinanonood. "Aircraft 03692 na matagal nang nawawala ang himalang nakabalik matapos ang dalawampung taon!"
Nagpintig ang mga tenga ko matapos kong marinig ang ulat. Wala akong masabi, natulala ako na parang bang tumigil ang aking paligid. What I heard echoing in my mind.
"Ngunit imposible..." bulong ko at nanindig ang mga balahibo.
Akmang aalis na sana ako nang hawakan ako sa braso ng asawa ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya. Tumitig ako sa kanyang nangungusap na mga mata.
"Sa airport..." wika ko. "D'yan lang kayo."
Nagmadali akong pumunta sa garahe at sumakay sa'king sasakyan.
Punong-puno ng mga tanong ang aking kaisipan habang binabagtas ko ang daan papuntang paliparan. Maya't maya ko rin hinimashimas ang aking braso dahil patuloy pa rin naninindig ang mga balahibo ko.
Iniisip ko na imposible. Ngunit imposible pa nga rin ba ang ganitong kagulat-gulat na mga pangyayari sa mundong ginagawalan natin ngayon?
Sa mundong pabago-bago, at sa mundong hindi natin alam kung pa ang tinatago?
Muling nag-alab ang pag-asa na baka kasabay ng pagbalik ng eroplano ay nagbalik din siya. Gulat pa rin ako, hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko.
Nang makarating ako sa airport ay nagtangka akong pumasok sa entrance. Ngunit pinigilan ako ng security.
Nasaksihan ko ang muling pag-agos ng luha mula sa mga pamilyang nakasama ko sa dalamhati noong mawala sila. Pero ang mga luhang umaagos ngayon ay may kasama ng pag-asa.
"S-sir? Sir?... s-sila na p-po ba talaga 'yon?" Nahihikbing tanong ng isang babae paglapit niya sa'kin. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pangungulila.
"Ma..."
Mahinang boses na aming narinig at sabay kaming napatingin kung saan sa tingin namin ito nanggaling.
"Anak... ANAK!"
Nagalak siya nang makita niya ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit at nagtatatalon sa tuwa. Sa wakas, natapos na rin ang paghihintay na para bang walang hanggan.
Bigla na lang gumuhit ang aking ngiti sa'king labi. "Am I dreaming?" Bulong ng aking isip. Sinampal-sampal ko ang sarili ko upang malaman kung hindi talaga ako nananaginip. My hands are cold and shaking, I feel the adrenaline rush crawling in my skin.
Isa-isa nang naglalabasan ang mga pasahero ng nagbalik na eroplano. Marami ring media ang nasa lugar na kino-cover ang nangyayari. In the midst of the crowd and camera flashes, I saw a familiar aura. A bittersweet feeling rushing in – She's finally back.
Para bang tumigil ang oras nang muli ko siyang masilayan. Siyang-siya at walang pagbabago. Tandang-tanda ko pa ang kanyang suot noong hinatid ko siya rito. Nangangatog ako sa kinatatayuan ko habang binabalot ng mga katanungan.
"MAHAL!" Sigaw ko. Ngunit dapat ko pa ba itong isigaw kung may minamahal na ako ngayong iba?
Natanaw n'ya ako at nagmadaling lumapit sa'kin.
"H-hindi ko maintindihan. A-anong nangyayari?" Pagtataka n'ya habang pinagmamasdan ang magulong paligid. Hinawakan ko ang kan'yang kamay at hinila siya palayo sa mga tao.
"Oliver, ano bang meron? Ba't ang daming reporter at tao sa labas? Eh, hindi naman kami artista," aniya.
"H-hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa'yo, maski ako ay hindi ko pa naiintindihan."
"Anong ibig mong sabihin?"
Lumunok ako. "Ang tagal n'yong nawala!" Sambit ko na dahilan nang pagkunot ng kanyang noo.
"HUH!?" Gulat n'ya. "A-anong matagal nawala? Ano bang sinasabi mo?" Bakas sa mukha n'ya ang pagkalito.
Huminga ako nang malalim.
"Wala ka ba talagang ideya sa kung anong nangyari sa inyo? Nawala kayo ng 20 years!"
Nanlaki ang mga mata n'ya sa kanyang narinig. "20 YEARS?!"
Napalunok siya at nilihis ang tingin sa malayo na para bang may inaalala.
"Ang naaalala ko lang ay dumaan kami sa isang malakas na turbulence na naging dahilan ng pagyugyog ng eroplano. Pero sabi nila normal lang daw 'yon habang nasa himpapawid, 'tapos ay nag-decide ang piloto na bumalik dito. P-pero 'yung rason kung bakit ay hindi ko alam. Pero baka dahil sa turbulence," salaysay n'ya. "H-hindi ko alam 'yang sinasabi mong nawala kami ng 20 years when it feels like a 20-minute flight!"
Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa. "Pero b-bakit parang tumanda ang itsura mo..." usisa n'ya.
"I also don't have an idea," ani ko. "Pero saka na natin pag-usapan 'yan, sumakay na tayo sa sasakyan."
Pinapasok ko na siya sa loob ng kotse samantalang nilagay ko muna ang mga gamit n'ya sa likod nito.
Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay sinungaban n'ya ako ng halik sa pisngi. Napalunok ako at biglang kumabog ang dibdib. Sa sandaling iyon ay iniisip ko kung paano ko sa kanya ipapaliwanag na may bago na akong minamahal.
"Baka hindi pa ito ang tamang time na mag trabaho ako sa ibang bansa... baka hindi talaga ito para sa akin," malungkot n'yang saad.
"Pwedeng hindi pa ito ang tamang oras. Pero 'wag mong sabihin na hindi para sa'yo 'yan," sabi ko naman.
"Baka nga tama ka," sambit n'ya at ngumiti.
Hinawakan n'ya ang aking kamay at akin lang itong tiningnan.
This is chaos. 
Thisis war as the two different worlds begin to collide.
Story: When Our Heavens Collide
Written by Russ Ibasco
Genre: Science Fiction/Mystery-Romance
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
© Russ Ibasco 2023
PURCHASE THE BOOK HERE: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid02KKzx6qoUnEVdSvTsVbc6mtoeD1APDn6qwGUDBH9ABxCwsHkVKsgpgjk5SsSrx2LGl&id=100063975339638&mibextid=Nif5oz
READ ON WATTPAD:
Tumblr media
0 notes
princessellamarie · 11 months
Text
Paksa: Parirala at pangungusap
I. INTRODUKSIYON
Pang araw-araw na gawain:
• Pagbati
• Panalangin
• Pagsasaayos ng upuan at pagpulot ng basura
• Pagtala ng liban sa klase
B. Paglalahad ng Mga Kompetensi sa Pagkatuto, Essential Learning Outcomes, Life Performance Outcomes, at Affirmation Statements.
C. Motibasiyon
Panuto: Babasahin ng mga mag-aaral ang mga nakasulat sa Manila paper at aalamin nila kung parirala ba o pangungusap. Sa pamamagitan ng mga tela itataas ang kulay na pula kung parirala at asul kung pangungusap.
1. ang mundo
2. Nilikha ng diyos ang mundo.
3. at may kulay
4. ng mga bulaklak
5. Ang bawat kulay ay may buhay.
Interaksyon
A. Panuto:
" Tayo'y maglaro ng "Stick mo, itaas mo"
• Ang guro ay naghanda ng mga salitang pangungusap at parirala na nakadikit sa (stick ng Barbeque)
• Pagkatapos bibigyan ang mga mag-aaral ng mga stick na tig-iisa ng parirala at pangungusap.
Sagutan ang mga sumusunod.
1. sa ilalim ng punk
2. Ang bata ay matapat.
3. maraming bahay sa aming bahay
4. Nagsisimba kami tuwing linggo.
5. malamig sa Baguio
Integrasyon
A. Synthesis
Bunutan tayo!
Panuto: Bubunot ang mga mag aaral
Sa unahan at babasahin ang salitang nabunot at ilalagay ito sa tamang kahon kung parirala o pangungusap.
• May nakahanda ang guro na dalawang kahon. Ang isang kahon ay may nakalagay sa harap na letrang P at ang isang kahon ay letrang PR.
• Na ang kahulugan ng P sa kahon kung ang pangkat ng mga salita ay pangungusap at PR naman kung Parirala.
1. Sa gitna ng kalsada.
2. Ang lapis na matulis.
3. matulunging bata
4. Magaling na mang-aawit.
5. Bagong damit na pula.
B. Pagsusuri
Panuto: Tukuyin ang pangungusap at parirala.
• May nakahandang dalawang uri ng simbolo ang guro. Ito ay tsek at ekis na mula sa pisara.
• Ang mga mag-aaral ay pupunta sa tamang simbolo kung iyon ang sa tingin nila ay tamang kasagutan mula sa pangungusap at parirala.
1. Si Giana ay mabuting bata.
2. malamig sa Baguio
3. Ang kalabaw ay maraming kaibigan.
4. Ang paborito kung ulam ay tortang talong.
5. sa labas ng bahay
C. Paglalahat
Panuto: Sagutang mabuti! Isulat sa isang malinis na papel.
1. Ano ang pagkakaiba ng parirala at pangungusap?
2. Bakit kailangan na mapahalagahan at malaman ang wastong paggamit ng parirala at pangungusap?
D. Pagtatasa
"Masaya at malungkot na mukha itaas mo!
Panuto: Itaas ang masayang mukha kung parirala at malungkot na mukha naman kung pangungusap.
• Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng stick na may malungkot at masayang mukha.
1. Si Bb. Lea ang aking guro.
2. sa ilalim ng lamesa
3. ang aso
4. Matamis ang manggang aking nakain.
5. Maganda ang nabili kung sapatos?
E. Takdang Aralin
Panuto: Gumuhit ng tatlong mga bagay na makikita mo sa loob ng inyong bahay at kulayan ito. At bumuo ng 2 pangungusap at 2 parirala. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Pangwakas na Panalangin.
Sanggunian sa Pagkatuto:
• Kagamitang Panturo
- Manila paper, stick ng barbeque na may masayang mukha at malungkot na mukha, telang kulay asul at pula, Stick ng barbeque na may nakasulat na Pangungusap at Parirala, Malinis na papel, Simbolo ng tsek at ekis na mula sa pisara, at ang kahon na may letrang P at PR.
0 notes