Tumgik
#hanapbuhay
visitacion-0371 · 1 year
Text
Migrasyon: Oportunidad, kaginhawahan at kinabukasan.
Marami sa ating mga kababayan ang pinipiling mangimbambayan. Maaaring bunsod ng kahirapan, pangangailangan o sadyang nais lamang nilang hanapin ang buhay na sa tingin nila'y para sa kanila.
Tumblr media
Gaya na lamang ni Kryzel, 24 na taong gulang. Siya'y aking nakapanayam sa pamamagitan ng chat. Inanyayahan ko siyang mag bahagi na kaniyang punto patungkol sa migrasyon.
Nabanggit niyang siya'y unang nagtrabaho dito sa Pilipinas bilang isang recruitment specialist. Nang siya'y aking tanungin kung anu-ano ang mga benepisyo na kanyang natanggap noon ay ibinahagi nitong siya ay nakatatanggap noon ng SSS, Pag-Ibig, 13th month pay, HMO at Philhealth.
Tumblr media
Kung ating titingnan, maganda naman ang mga benepisyo na ito. Subalit nabanggit rin niyang hindi ito sapat upang makapagpaabot siya ng tulong sa kaniyang pamilya.
Sa panayam ko na ito ay mayroon akong natuklasan. Na sa isa sa kaniyang mga dahilan maliban sa mas mataas na sahod sa ibang bansa sa kaparehas na trabaho, sinabi niyang malaking "factor" ang ganda ng sistema at daloy ng trapiko sa Saudi. Aniya, kumpara sa Pilipinas na inaabot siya ng halos isang oras sa byahe, walang wala raw ito sa bilis at tila "hassle free" na pag byahe sa Saudi.
Tumblr media
Naging "factor" din daw sa kaniya ang kawalan ng "growth" sa career niya dito sa Pilipinas, kaniyang binaggit ang salitang "repetitive" upang mailarawan ang kanyang karanasan sa trabaho dito sa Pinas.
Tumblr media
Kung may hindi man daw magandang karanasan o pagkakataon sa kaniyang pamumuhay sa Saudi, ito ay yung pakiramdam ng pangungulila sa mga mahal sa buhay. Benepisyo naman daw dito ay sapat at nararamdaman niyang mayroon siyang "career growth" sa bago niyang trabaho.
Tumblr media
Nang siya nama'y aking tanungin sa posibilidad na siya'y bumalik dito sa Pilipinas kung may naghihintay man sa kaniyang benepisyo na katumbas ng sa Saudi. Sinabi niyang wala pa raw ito sa kaniyang isip sa ngayon. Dahil mas ginugusto na raw niyang manirahan dito ng dahil nga sa mas maayos na transportasyon papasok sa trabaho. Aanhin naman daw ang magandang benepisyo kung naisasaalang alang naman nito ang mas maikling panahon at oras sa pakikisalamuha sa ibang tao.
Tumblr media
2 notes · View notes
iraonherdreams · 2 years
Photo
Tumblr media
😊 #hanapbuhaymode #hanapbuhay https://www.instagram.com/p/CcbCM4XN5Jf/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
ilaw-at-panitik · 6 months
Text
magiging mabigat ang mga susunod na buwan pagkat lumalamig at kailangan mong lagi’t laging makipagtalik sa iyong hanapbuhay. Kahit tiyak na hindi mo ito iniibig.
Antonette Ramos, mula sa "Setyembre" (Inilathala sa TLDTD, Issue 5)
11 notes · View notes
upismediacenter · 3 months
Text
PARA PO! PARA SA BAYAN!
Tumblr media
LABANAN ANG KLASISTANG PAMAMALAKAD, TUMINDIG KASAMA ANG MENORIDAD!
LABAN NG TSUPER, LABAN NG KOMYUTER!
Labing-apat na araw. Simula ika-1 ng Enero, 2024, hindi na papayagan ng pamahalaan na pumasada ang mga dyip na hindi modernisado. Sa loob ng labing-apat na araw, ang kasalukuyang pamasahe na Php 12 ay lolobo hanggang Php 40-50 upang tustusan ang gastos ng tsuper sa tinatayang 2.8 Milyon hanggang 5 Milyong halaga ng modernong dyip. Sa loob ng labing-apat na araw, tinatantiyang 64,000 na drayber at 25,000 na operator ang sasalubong sa bagong taon nang walang trabaho.
Ang pamimilit ng pamahalaan na isakatuparan ng mga maliliit na tsuper at operator ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ay tanda ng klasismo. Saan kukuha ng dalawang milyon si Manong Drayber na nagkakandakuba na para maabot ang kaniyang boundary, upang i-modernisa ang kaniyang dyip? Anong silbi ng ipinangakong subsidiya ng gobyerno na makatutulong daw sa mga drayber kung anim hanggang walong porsyento (6-8%) lang naman ang maiaambag sa kabuuang gastos para sa modernong unit? Ang kasalukuyang kalagayan ng sistemang pantransportasyon ng Pilipinas ay higit nang masalimuot—pagpatak ng alas sais ay hindi na uusad ang trapik; ang dating isang oras na biyahe ay inaabot na ng dalawa. Paano pa kung mababawasan ang mga pampublikong sasakyan? Hindi dapat tayo sa mga tsuper na naghahanap-buhay magalit, kundi sa administrasyong hindi makatao, hindi makamasa, at lalong hindi makabayan. 
Kasabay ng mga malawakang protesta, tumitindig ang UPIS Media Center kasama ang lahat ng mga tsuper, operator, komyuter, at mamamayan na ipinaglalaban ang karapatang panatilihin ang pamamasada ng mga tradisyunal na dyipni. Ang kasalukuyang programa ay hindi makamasa’t karapat-dapat ibasura sapagkat kung tunay na para sa ikabubuti ng bansa ang intensyon nito, hindi nito yuyurakan ang hanapbuhay ng mga mamamayang pumapasan ng bayan.
PARA PO! PARA SA BAYAN!
Basahin ang Opinion Article na ito: https://www.tumblr.com/upismediacenter/701755924495400960/opinion-bayad-po-malayo-bang-masolusyonan-ang?source=share
2 notes · View notes
inah-rosario · 5 months
Text
game ako may hanapbuhay. sila nga walang hanapbuhay sa pananaw ko. %
2 notes · View notes
nice2meetyouu · 1 year
Text
'Yung tatay ng friend ng nanay ko, heavy smoker, biglang pumanaw. Actually, hindi naman talagang biglaan. May mga nararamdaman na talaga pero binalewala lang. Pagyuko niya lang one day, hindi na siya nakatayo ulit. Nasa 80 years old na rin siya.
Nagsiuwian ang mga kamag-anak ng friend ng nanay ko para sa lamay. At kanina ikinukwento ng nanay ko na napag-usapan daw ako roon (sa lamay). Hindi nga nila ako kilala, paano ako maiinvolve? Pero may facebook nga naman. At siguro, word of mouth.
May anak kasi 'yung friend ng nanay ko, lima. 'Yung panganay, same age kami. So kaya ako nadawit sa usapan sa lamay eh related sa panganay na anak. Buti pa raw ako, doctor na. Si [same age person], wala. Walang natapos. Pinag-uusapan daw iyon nang nandoon si [same age person], sana hindi niya narinig, para hindi masira ang araw niya.
Mahilig talagang mag-compare ang mga tao. Galing pa sa malalayong lugar 'yung iba roon, kaya facebook talaga siguro ang dahilan bakit nila alam na doctor na ako. Sana nainspire silang maging ambitious din sa buhay, lalo na kung may chance naman. Si [same age person] eh graduating na dapat, kaso ayon sa chismis, "tinamad" daw dahil wala namang natututunan. Hindi ko alam kung 'yun ang totoo.
Medyo unfair din naman na i-compare kaming dalawa. Sinuportahan naman ako ng parents ko kaya ako nakarating dito whereas walang matatag na hanapbuhay ang magulang niya. 'Yung environment din na kinalakhan namin, magkaiba. Nga lang, nakatapos 'yung pangalawang kapatid. At siya nga mismo, makakatapos na sana, kaso sumuko pa. What's your excuse ang peg.
Para sa kanila, may na-achieve na ako. Still, huwag na lang mag-compare, kanya-kanyang buhay naman ito eh. Kung gusto nilang i-berate si [same age person], gawin na lang nila face-to-face, kaysa gamitin akong pang-contrast. Nananahimik ako rito.
9 notes · View notes
nkktrl · 1 year
Text
Peste sa Pesante
Nikka
Maituturing na tanikala sa mga uring magsasaka ang mala-pyudal na sistemang patuloy na namumutawi sa lipunan. Sa patatsulok na hugis ng lipunan, ang mga naghaharing uri at imperyalista pa rin ang nangunguna sa pagpapalaganap ng parasitikong sistema na bumabansot sa buhay ng mga pesante.
Sa isang malawak na bukirin, tagaktak ang pawis ni Pedro sa initang tumutunaw sa kaniyang balat, dumadausdos sa mahaba niyang manggas ang maalinsangan na pakiramdam dulot ng maghapong pagbilad sa araw. Nagmistulang kuba naman ang likuran niya sa magdamagang pagtatanim ng palay, kapalit ang umaaray na sadsad presyong bentahan nito. Kasabay ang pagtitiis ni Pedro sa pagkahapo, pangungulo ng tiyan, at panunuyo ng lalamunan — martir kung mailalarawan ang katulad niyang may radikal na pagmamahal sa lupang sakahan. Ito ang mahigit dekada niyang eksena na kasangga sa dapit-hapon niyang buhay.
Habang patuloy sa pagbabanat ng buto, dala pa rin sa bagahe ng isipan ni Pedro ang di magkamayaw na ugong at palahaw ng uri niyang anakpawis sa dinaluhan nilang kilos-protesta noong nakaraang araw. Isang organisadong panawagan para sa mga magsasaka na naglalayong makamtam ang tunay na repormang agraryo. Bagaman ito’y suntok sa buwan para kay Pedro, patuloy pa rin siyang nag-aasam.
“Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!” nangibabaw na sigaw ng marami habang inda-inda ang tirik ng araw.
“Itigil ang pagpatay sa uring magsasaka!” dagdag pa ng mga kasaping nag-aalsa.
Mga kataga na lalong nagpagising sa diwa at paninindigan ni Pedro. Kaakibat ang pangingibabaw at panghihilakbot na damdaming mapabilang siya sa mga marahas na pinapaslang, lumaban man o hindi sa panginoong maylupa, ang kakampi ng berdugo’t pasistang estado. Takipsilim na ng matapos si Pedro, ang kaninang maalinsangan ay napalitan ng malamig na simoy ng hanging humahaplos sa pagal niyang katawan, maituturing na bangkay sa priser ng isang morge.
“Hanggang dito na muna, kinabukasan na lang natin ipagpatuloy” ani ni Nestor. Isang magsasaka na matagal nang katuwang ni Pedro sa bukirin.
“Oo at kay pagod na rin ako” tugon nito.
Nagsilbing liwanag ang bilugang nagmumula sa kalangitan sa pagbaybay nila sa daan, patungo sa komunidad na pinaroroonan ng kani-kaniyang bahay. Nang makarating, dinig ang bulungan ng mga tao hingil sa pagpunta ng mga naka asul na uniporme sa kanilang lugar. Nagbabadya ng hindi kaaya-ayang tugtugin sa mga pesante. Akmang bubuksan na ni Pedro ang pintuan ng tagpi-tagpi niyang bahay, nang may biglang tumapik sa kaniyang balikat, si Padring. Kabungguang-balikat at isa rin na katulad niyang magsasaka ngunit mas bata kung ikukumpara. Bakas sa mukha nito ang halong ngitngit at pagkabalisang nagnanais na kumawala sa kaniyang bibig para ipahayag kay Pedro ang nakalap na balita. Pansin din ang naghahabol nitong paghinga, na pawang tumakbo ng isang kilometro ang layo.
“Tatang…masamang balita…” pautal-utal na ani nang naghahabol hiningang si Padring.
“Babakuran daw ng mga pulis ang palayan…ngayong gabi…utos ng maylupa!” dagdag pa nito.
Marubdob naman na tinanggap ni Pedro ang iminungkahi sa kaniya. Alam niyang hindi ito isang bulaan. Gayonpaman, nag-iwan pa rin ito ng tinik at kapootan sa kaniyang puso. Tanging hanapbuhay niya lang kasi ang pagsasaka, ito na rin ang kinalakihan niya. Ang imbes na gabing nakalaan para sa kaniyang pagpapahinga ay inialay niya pabalik sa lupang sakahan. Umaasa na baka sakaling mapaki-usapan ang mga armadong sangay ng estado.
Sa kaniyang paglalakad, ramdam niya ang labis na panghininayang. Muling tinutusok ng karayom ang puso niyang desididong ipaglaban ang bukirin. Hindi pa man nakakatapak sa lupang sakahan, dinig niya ang umaalingawngaw na ungol ng baril. Dama niya ang ilang libong pesanteng dumanak ang dugo sa balang pumapantay ng paa ng kahit sinong masang api. Ang akala niyang peste na kaya lang pumatay sa kaniyang mga pananim, ay iba pa lang peste na magdadala sa kaniyang kamatayan.
10 notes · View notes
m--a-r-i--a · 1 year
Text
Dyipney, Tatak ng Pagiging Pilipino.
Noong dekada 50's isang kuwartong unang nakatapak sa kalsada. Kuwartong kung saan madalas na magsiksikan ang mga tao. Ito ay walang iba kundi ang dyip.
Ito ang nagsilbing transportasyon ng mga tao papunta sa kanilang patutunguhan. Naiwan ito ng mga sundalong Amerikano matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kaya nag-iwan ito ng isang kasaysayan sa Pilipinas ng pagiging malaya at naging tatak ng pagiging Pilipino... ngunit sinong mag-aakalang may dalang panganib ito sa ating kapaligiran? Madalas itong may makakapal at maiiitim na usok na nakabibigay ng polusyon. Maliban sa nakaapekto ito sa kapaligiran, nakadaragdag ang mga dyip sa trapiko at mataas ang kaso ng pagnanakaw marahil madali lang makapasok dito at walang harang sa mga bintana upang maiwasan ito. Ang mga ito ang naging dahilan upang magkaroon ng pagpapasiyang tanggalin na ang mga dyip sa kasalukuyan at palitan ito ng E-jeepney. Kapag nangyari ito, marami ang mawawalan ng hanapbuhay. Tulad na lamang ng kabuhayan ng mga taong nakadepende lamang sa dyip... ang mga tsuper na nagsisilbing taga maneho, mga taong nagtatawag ng mga pasahero na tinatawag ding barker, ang mga mekaniko, at operator. Hindi ba dapat kung sakaling matanggal na ang puno ng kanilang kabuhayan ay mayroon nang inihandang trabaho para sa kanila? Sa kabilang palad, makatutulong ang pagpapatupad ng E-jeepney dahil wala itong usok na maaaring makaapekto sa ating kapaligiran at mababawasan din ang kaso ng pagnanakaw sa isang pampublikong sasakyan sapagkat mayroon na itong CCTV.
Hindi naman masamang pagtuunan ng pansin ang ating kapaligiran, subalit kailangan din nating bigyang pansin ang mga maaaring maapektuhan ng pagpapasiyang ito.
#NoToJeepneyPhaseout
1 note · View note
chanology101 · 2 years
Text
Tumblr media
[PA-RANT LANG]
Cant keep up with the lies anymore. Akala ko naghihirap, akala ko gipit na gipit sa buhay?! How can you thank God for all the blessings and shit kung sarili mong mga anak pinabayaan mo. Okay ka naman pala eh, thriving naman pala yung hanapbuhay nyo ng kinakasama mo pero inasa mo na samin lahat. Kahit man lang konting kamusta o support man lang sa isa o dalawa kong kapatid, wala. Sobrang nakakagalit.
Hirap na hirap ako kumayod ng 2 trabaho dito para lang maprovide yung needs ng lahat ng mga kapatid ko pero wala ka namang narinig sakin. Tuition, pagkain, groceries, ilaw, bahay, tubig lahat na pero wala akong sinumbat sayo. Pati simpleng paglakad ng enrollment at need ng parent companion di ka mahagilap. Napapagod na ako. Wala kang kwenta. Ang sama-sama ng loob ko.
6 notes · View notes
maverick-guy · 2 years
Text
Sandaleeee, ang daming nangyayari. Ang hirap kapag busy kang mag-hanapbuhay tas nagiging detached ka na sa nangyayari.
3 notes · View notes
altapresyon · 3 months
Text
Villanelle
#NoToJeepneyPhaseout
Sa kalsada'y aming biyahe't tiyaga, Gulong ng buhay, sa araw-araw na gulo, Jeepney, ngunit hangin ng takot napala.
Sa gabi't umaga, aming bitbit ang t’walya, Hanapbuhay aming pawis at hilo, Sa kalsada'y aming biyahe't tiyaga.
Bawat pasahe, bawat barya'y pilit na laman, Ng bulsa naming puno ng pangarap, dugo, Jeepney, ngunit hangin ng takot napala.
Ang sabay-sabay na takbo, 'di mawawala, Ngunit balita ng pagwawakas, duro, Sa kalsada'y aming biyahe't tiyaga.
Pag-alis ng jeepney, dagok sa aming dila, Sa pamilya't kinabukasan, alinlangan sa ulo, Jeepney, ngunit hangin ng takot napala.
Sa bakal na ito, aming tagumpay nagmula, ‘Di lamang sasakyan, kundi tahanan din ito, Sa kalsada'y aming biyahe't tiyaga, Jeepney, ngunit hangin ng takot napala.
Draft:
Tumblr media
0 notes
yooandme · 3 months
Text
Tumblr media
Walang happy sa new year kapag maraming mawawalan ng hanapbuhay! Walang happy sa new year kapag sabay-sabay tayong malulunod sa transport crisis! The phaseout may start now, but we are not yet done fighting.
0 notes
kikaymom · 3 months
Text
▶️ Watch this reel
#fullmoon
Madaling sabihin ang "Hindi baleng walang pera basta masaya ang pamilya.”
Pero sa totoo lang, ang hirap maging masaya kung gipit na gipit ka at kulang lagi ang budget para sa pamilya.
Napakarami nating pangangailangan sa buhay, maliban sa mga pagkain, kagamitan sa bahay, personal na gamit, andami nating dapat bayarang mga bills. Lalo na kung may pamilya.
Kaya kung ikaw katulad ko, madaming iniintindi sa buhay, kailangan mu rin ng dagdag hanapbuhay.
So be with us, be a QueenBoss Ambassador or KingBoss of the society.
QueenBoss Chit
@everyone #everyone
#DropShippingBusiness #dropshipping #financialfreedom #trendingvideo #fyp
0 notes
doyoulikenoodles · 4 months
Text
Sobrang bigat. Ang hirap maging mahirap. Sinusulat ko ito habang kumakalam ang sikmura ko. Kakagaling ko lang sa pag iyak dahil hindi ako nakadalo sa groupings namin kanina, kailangan mag practice ng roleplay at next week na iperperform, wala naman kasi akong pera pang pamasahe, tinitipid ko natitirang allowance sa mga susunod na araw. Sabi ni tita manghingi daw ako sa kanya kapag kulang pero di ko magawa, nakakahiya, alam ko kasi na maliit lang kinikita niya tapos siya pa gumagastos lahat sa bahay. Si Mama ko naman matumal hanapbuhay, mag iisang taon na siyang hindi nagpapadala sa akin ng budget pang school dahil dami din siya gastusin sa dalawang anak na pinag aaral niya doon. Si Papa ko? Trycicle driver, walang sariling bahay at madaming gastusin tsaka utang, di ko maaasahan financially lalo na emotionally.
Hindi ko na alam. Ang sakit ng ulo ko kung paano ipagkakasya pera ko sa mga tambak na school works. With honors ako at nakakatakot na maapektuhan yung grades ko. Tangina, gusto ko na tapusin itong g12 para makapagtrabaho. Sa sobrang desperada ko ngayon ay baka matipuhan ko din ang mag onlyfans.
Wala lang, naisulat ko lang. Napangunahan ng kumakalam na sikmura dahil wala kaming makain kaya nauwi sa ganito, idedelete ko nalang siguro mamaya.
0 notes
inah-rosario · 5 months
Text
bilis sumipsip ka rin ng pag-aaral. parang bata :) @ %
ahhh kailangan ko ngang mag-aral. yan nga hanapbuhay ko talaga. ano bang gagawin. i just met nagasaki girl online na nga.
grabe. paano ako mag-aaral talaga. para magkaroon ng pagkain.
kailangan ko mag-aral ng totoong topic%
1 note · View note
enc-therefridgerator · 7 months
Text
Ofiz na Ofiz kasi talaga yung mga panganay. tapos libangan nila ay bumitaw at maghanap ng self-made na trabahoooo, hanapbuhay o way of life.
ENC Ortigas
0 notes