Tumgik
#kasi iiyak ako pag hindi yon tinutukoy mo
lacorbeaucramoisiii · 5 years
Text
Him. | 4
March 3, 2017 (8am)…
Kakagising ko lang ng mga panahong ito nagonline ako sa fb sandali bago maghilamos at toothbrush nang biglang nagbuzz yung phone ko. Kaw nagmessage. Nagulat ako kasi di ko ineexpect yon. Tinignan ko muna sa notif ng phone ko kung ano minessage mo bago ako magopen sa messenger para alam ko na irereply ko agad. Pagscroll down ko sa notif ko, di mo lang alam kung gaanong gulat at laki ng mata ko nung nakita ko message mo. Yung feeling na parang binuhusan ng nagyeyelong tubig yung puso ko tapos piniga ng piniga. “Your friend looks pretty hahaha” Ang sakit. Masakit kasi alam ko kung sino tinutukoy mo. Nagets ko na agad kung sino. I’m not blind and numb not to see the signs, im not a fckin idiot, not to realize your eyes speaks of her pagpumupunta kaming faculty. Hindi ko alam kung iiyak ba ako or what sa mga panahong yun. Kakagising ko lang tpos yun ang marereceived kong message... Napabuntong hininga na lang ako ng sobrang lalim at sinabi ko sa sarili ko na kaya ko to kailangan ko siya replyan. Alam kong sobrang tanga ko pero wala eh pag gusto mo yung tao di mo na talaga alam kung ano ang tama sa mali. Binuksan ko na messenger ko at nireplyan kita “Ate____? yup hahahahahahaha maganda talaga lol”  Tapos tinanong ko “hahaha gusto m?” alam ko naman na reply mo pero kasi alam mo yun feeling ko kasi hinhintay mo yung tanong na yun na manggaling sa akin kaya ako na ang nagsabi. Nagreply ka “Alam kong di naman bawal yon so yezzz hahahahaha” Di ko alam ano mararamdaman ko that time. Kahit alam mo naman na pero iba pala talaga pagnasabi na. Masakit. Di na ako makapagisip ng maayos ng mga oras na yun yung para bang gusto mo na lang humiga maghapon at walang kakausap sayo. Ang iniisip ko na lang that time, atleast ngayon alam ko na agad kung saan ko dapat ilulugar ang sarili at feelings ko para sayo. 
0 notes
tradartist-blog · 7 years
Text
Pagsusuri
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                      Saving Sally
-Avid Liongoren
Ano ang mga nagustuhan mo sa pelikula?
Bilang isang may kakayahan din gumuhit isa sa mga nagustuhan ko ay ang mga tauhang iginuhit sa pelikula medyo kengkoy at kakatuwa ang itsura. Lalo na ang mga memes na nakasulat sa mga bagay na  makikita sa paligid gaya nalang ng mga signages. Isa sa mga natatandaan ko ay tukmall na pangalan ng mall tapos mga brand ng pagkain gaya ng fita na naging tita pati ang pangalan ng park na sandara park. Sa kauna-unahang pagkakataon gumamit sila ng bagong konsepto kung saan pinaglaruan nila ng tunay na mundo at imahinasyon. Inilagay nila ang totoong  tao sa loob ng isang drawing, kung tutuusin para na kong nanood ng cartoon sa bahay na paborito ko noong bata ako magpahanggang ngayon kaya’t di ko na rin ikinagulat ang pagkapanalo nito ng kid’s choice award. Totoong namangha ako sa ganda ng pagkakaanimate ng pelikula lalo’t wala pa kong karanasan sa ganong bagay pero gusting gusto ko ng matutunan. Masasabi ko sobrang matiyagang proseso ang pagbuo ng ganitong klase ng pelikula. Pati nga sa mga pagbato ng punch line ng mga karakter pinag isipang mabuti dahil patok sa mga manonood napansin ko kasi na maraming nakakagets ng joke bukod sakin sa loob ng sinehan kahit pa medyo conyo dahil English. Yung theme song naman na ginagamit kasabay ng paggalaw ng drawing gandang ganda rin ako lalo na yung parang lulubog sa tubig tapos biglang tatangayin ng hangin basta ang ganda di ko maeksplain. Yung animation na pinakagusto ko yung nagalit yung parents ni sally tapos nagwala at nawasak yung bahay woooo shet pano ba yon gawin. Madami pa kong nagustuhan bukod don lalo na yung pagdrawing niya ng mga extrang monster ang astig pati yung mga machine na kunwaring inimbento ni Rhian Ramos bilang sally at Enzo Marcos bilang Marty nakakatuwa din. Pati si martin pati mga emosyong pinapakita niya ang lakas maka-anime. Ang dami ring hugot sa story na base sa totoong buhay kaya relate ang mga nanonood. Sa dulo ng pelikula may maiksing animation din na parang The Little Prince based yung pagkakaanimate sobrang nakakainlove yung Saving Sally kahit konti lang yung artist nila sobrang successful ng gawa. Sobrang polished na din ng paggamit nila sa green screen (kahit 2D lang naman) para mapalitan ng monster karacter ang mga tauhan sa kwento gaya nalang ni Tj Trinidad bilang Nick.
Ano ang mga hindi mo nagustuhan sa pelikula?
Siguro kung meron man akong di nagustuhan yun ay di ko sya nasimulan ng maayos kaya di ko alam kung paano nagsimula ang kwento pero mga 15 mins lang siguro dahil ang haba ng pila non sa cashier/ ticket station o kung ano man ang tawag don. Tsaka may mga dad joke na di naman pwedeng pambata kaya bakit sya naging kids choice? o baka di ko lang alam kung anong tinitingnan para masabi na kid’s choice ang isang pelikula.
Sa story bakit parang malapit yung doreamon sa ibang bahay di ko alam kung ako lang nakapansin pero dun sa bahay ni Marty parang bahay ni Nobeta. Tsaka nakakagago yung ginawa niya sa mga brand naging mga memes pero ok lang naman yata yon nag-enjoy naman mga tao. Siguro nainspire yung artist sa kwento ni The Little Prince kaya may concept na ganon sa dulo ng story. Medyo nakakaloka yung bida kasi ang dami nyang portrait ni Sally sa kwarto isang buong wall basta I didn’t  find it sweet kaya rin siguro nagwalk out non si Sally after seeing those drawings posted in his wall.  
Sunday Beauty Queen
-Baby Ruth Villarama
Ano ang mga nagustuhan mo sa pelikula?
Una sa lahat nagandahan ako sa concept na ipakita kung anong buhay meron ang mga ofw na naninilbihan sa ibat ibang lupalop ng mundo gaya nalang sa bansang hongkong na kung saan mgaraming bilang ng Pilipino ang naroroon. Nakakaantig ng puso ang kwento ng ilang kababaihan na sina Rudelyn Acosta, Cherrie Mae Bretana, Mylyn Jacobo, Hazel Perdido, Leo Selomenio naninilbihan sa ibang tao kapalit ng kaunting pera kahit pa inaabuso ang kanilang karapatan at hindi sila paminsan itunuturing na tao. Halos maiyak ako sa pinagdadaanan ng mga kapwa ko piliipino dahil sa hirap ng pinagdadaanan nila. Totoo wala kong magulang na nasa ibang bansa pero ilan sa mga kaklase at kaibigan ko dumadaan marahil sa ganoong sitwasyon at dahil sapelikula mas naunawaan ko ang ilang bagay bagay sa buhay ko. Sino bang makapagsasabi kung p-agdaan ko rin yon baling araw.Nakakatuwang isipin na may mga iilang kapwa Pilipino ang naroroon at gumagawa ng hakbang upang makatulong sa mga dumaranas ng kaapihan sa kamay ng kanikanilang mga amo. Ang mga ibang anggulo naman ng kuha halatang video cam na marahil medyo mabab yung quality kasi medyo grainy. Ang ganda din ng makukulay na damit at props nung pageant na lalo na yung mga make up ng mga candidates puta may igaganda pa pala sila. Sino kaya yung nagkilay sa mga candidates ang galing. Nakakainggit nga don yung nag oorganize ng event kasi ang galing niya without any formal experience or formal na pag aaral kaya nyang humawak ng ganong event. Di lang yon kasi inaadmire ko rin sya dahil s pageant for a cause dahil pinapangtulong nila sa kapwa nila ofw yung nalilikom nilang pera. Oh diba dalang dala ko sa story which is maganda naman talaga. Di nga ko halos makapaniwalang mamamatay si Jack soon a isang film maker nakalimutan ko kung anong tawag sa kanya basta worldwide syang gumagawa din ng movie. Sobrang ganda ng timing na yon at buti naitape din nila yon.pati yung pagkakaterminate ng isang ofw nnila dahil sa pageant. Tapos yung scene na paalis na yung isang girl na decided na lumipat sa japan tapos nagbago yung isip nakakatuwa yung ending nila. Tsaka ngayon lang din ako nakanood ng two years yung tinagal ng docu dahil inabangan ulit nila yung yearly pageant. Yung Sunday beauty queen di sya matawag sa pansin ng ordinaryong tao lalo na kung di mo pinanood yung trailer kasi maganda yung story at ganung din naman halos lahat ng mmff entries. Dito makabuluhan at masasabi  kong may saysay ang storya dahil tumatakay sya sa isang mahalagang issue na dapat harapin nan g gobyerno. Ang maganda pa ditto di nila kailangan gumastos ng malaki sa prod dahil nga sa docu ‘to kailangan lang nilang macapture yung kwento at maliliit na detalye na bubuo sa kwento. Sana makagawa ko ng ganito someday hihi.
Siguro yung ayoko lang sa pelikula ay yung way ng pag iinterview sa mga bida kasi pansin ko lang sa mmga nag iinterview palagi nilang pinapaiyak yung mga tao ang sama nila haha joke basta ganun lagi iiyak tapos nakakahawa naiiyak din ako mukhang tanga lang.
Masakit isipin na kailangan pang gumawa ng maraming ganitong pelikula para langmaip-arating sa ating gobyerno ang hinaing ng mga taong naaabuso angkarapatan at nayuyurakan ang karapatang pantao gayong ginagawa naman nila ang kanilang parte bakit ang gobyerno hindi magampanan ang kanilang parte.
Die Beautiful
-Jun Robles Lana
Ano ang mga nagustuhan mo sa pelikula?
Sa pelikulang pinagbibidahan ni Paolo Balesteros bilang Patrick at di naglaon naging Trisha Echavarria binigyan niya tayo ng isang makulay, masaya, malungkot, minsan nakakaiyak na buhay bilang isang miyembro ng lgbt community o trans. Ang kwento ang pinaka nagustuhan ko dahil punong-puno ng pagmamahal at aral ang hatid ng bawat tauhan sa kwento. Pati na rin pagkakaayos ng scene at pagsisimula sa pagflashback maayos na naisagawa. Gumamit din sila ng matitingkad na kulay para buahyin ang set ng pelikula. Ang tinutukoy kong matitingkad na kulay na ginamit sa gate ng bahay at pintura ng labas ng bahay pati din sa mga pageant at costume ay ang bumubuo ng kulay ng rainbow pag pinagtabi-tabi. Rainbow na sumisimbolo sa lgbt community. Isa ito sa mga napansin ko at nagustuhan dahil ito ay tungkol sa kwento ng isang trans na hindi tanggap ng kanyang ama na minsang nangarap na maging isang beauty queen at nagtyagang sumali sa iba’t-ibang beau-con kasama ang mga kaibigan at di nalaon nakamtam ang pinakaaasam-asam na pangarap ngunit sa pagkamit nito agad namang binawian sya ng buhay. Sobrang artistic din ng talent ni Paolo ditto yung paggaya ni ng mukha ng iba’t ibang artista mapa-local o Hollywood. Ang galing nila ng bestfriend niyang manggaya. Pinaka-highlight na nito yung burol niya kung saan anim na magagandang artista ang ginaya niya pinangunahan na ni Angelina  Jolie, Iza calzado, Miley Cyrus, Beyonce, Julia Roberts, at as him o mas tamang her. Sobrang bait ng character ng bestfriend niya dahil kahit patay na sya ginawan pa rin sya ng pabor which is ginawa yung hiling niya na sinabi pa niya bago sya mawala sa mundo.
Ano ang mga hindi mo nagustuhan sa pelikula?
Meron ding down moment syempre isa na don yung mga pangit na nangayari kay Paolo which is gang bang o gang rape, mali kasi na mapanood sya ng bata kasi may nakita ko sa sinehan na isang pamilyang nanonood tapos feeling ko lang di pa naman naiintindihan yon ng mga bata na nasa edad 10 pababa at pati na rin kalupitan ng tatay ni Trisha sa kanya pati sa mga kaibigan niyang bakla na gusto lang naman syang tulungan. Saklap ng buhay pag-ibig niya para syang ginagago ng mundo una yung boylet niya penerahan lang sya tapos yung pangalawa may matinding revelation at nauna ng namatay. Tapos yung nakakainis na Q and A portion na di nya masagot sagot at yung kaisa isang tanong at sagot sa Q and A na nakabisado nya at ikinapanalo niya sa huling contest na sinalihan niya. Nakakatawa na sa dinami dami ng tanong yun ulit ang tumapat sa kanya at saw akas nagging daan para makamit niya ang pinaka aasam niya. Pero nakakapagtaka bakit biglang kasama si Eugene sa eksena ng burol niya at may dalang gown nakakagulo pero naisip ko na rin ang sagot dahil sa linyang “Ang gunting” natatandaan ko na minsan na ring naging bida ng pelikula ni Jun si Eugene kung saan pinanaloo sya ng Best Actress award sa pagganap sa The Barbers Tale. Tsaka bakit kaya si Iza Calzado ang nag award sa kanya? Siguro si Iza lang yung available nung time na yon o baka dahil minsan narin gumanap sa pelikula ni Jun si Iza. Tsaka bakit kaya sa PUP nila napiling magshoot? Dahil ba libre o dun madalas magshoot ang ibang tao gaya nalang ng mga kwento ni Marcelo Santos. Ang pangit lang kasi kung iisipin mo pinalabas na nag-aarala sa PUP kunwari yung mga gumahasa kay Paolo basta parang nakakasama sa image ng school pero wala naman sigurong nakapansin non. Bumaba tuloy confidence ko ng mga 8% pero di naman sa sobrang taas ng tingin ko sa school. Sana lang next time yung magandang bagay naman yung ishoot sa school. Meron din silang mga pamahiin na nilabag sa shoot tulad ng pagtataking picture sa patay diba bawal yon. Di ko sigurado kung bakit bawal pero baka di lang din conscious si direk Lana kaya di na nila pinansin yung ganon kaliit na  bagay. Sa atin kasi masyadong mapamahiin ang mga tao pero baka dala na din ng modernisasyon kaya nakakalimutan na natin mga nakasanayan noon.
Nagtataka lang ako kasi yung poster na ginamit nila wala sa movie, sa burol inassume ko nay un ang huli nilang gagamitin pero hindi. Kahit saang part sa movie di nila nagamit yon bakit kaya? Pang-poster lang po ba talaga yung Katy Perry na look ni Paolo?
 Anong masasabi mo sa mga hanay ng pelikula ngayong taon kumapara sa mga nakalipas na taon? (5 years ago)
Five years ago ang alam ko na pelikulang ipinapalabas tuwing pasko ay ang sikat na sikat, sinusubaybayan at walang kamatayang Enteng Kabisote na pinagbibidahan ni Vic Sotto kasama sina Jose at Wali, kanyang anak na si Oyo Sotto at ilang artista ng Eat Bulaga syempre di mawawalan ng batang leading lady. Sa sobrang kasikatan nito minsang naging leading lady nya si Ai-ai Delas Alas na bida sa Ang Tanging Ina, at ang kinalabasan ay Enteng ng Ina mo (diba nakakatang ina). Sa sobrang haba na nga Enteng Kabisote umabot na ito sa ikasampung episode. Gayundin ang mga palabas na hatid ng viva records at star cinema na itinatampok ang mga artistang palagiang nakikita sa tv o mainstream kung tawagin, gaya nalang ni Vice Ganda sa kanyang praybeyt Benjamin 1 and 2 pati Girl Boy Bakla Tomboy.
Isa sa mga napansin ko, tuwing pasko gumagawa sila ng palabas na siguradong kililiti sa puso ng mga tao at maghahatid ng tuwa para syempre kumita at magbox office. Halos karamihan Comedy pero may konting kurot na magpapaiyak sa atin at maghahatid ng magandang aral kaya’t palaging masaya ang ending. Sinanay tayo ng mga pelikula na makuntento sa ganong sistema pero di nagtagal natutunan ko na nakakasawa na pala kaya naghanap ako at duon nalaman kong meron palang indie film na maganda ring panuorin.
Ngayon na mayroon na kong kaunting kaalaman sa MMFF (Metro Mnaila Film Festival) sila pala ang may dahilan kung bakit may mga pinapalabas na pelikula tuwing pasko. Mas naiintinhan ko kung ano ang mga entry sa MMFF dahil minsan na kaming sumali sa paggawa ng short film ng MMDA ang Cinephone 2015 at duon pinalad kaming manalo, pinanood ko rin ang ibang entry non sa iba pang category at nainlove ako sa mga pelikulang indie. Sa hanay ngayon ng mga pelikulang pasok sa MMFF ikinagulat kong nadisqualified ang Enteng Kabisote 10 at Parental Guardians siguro malaki ang panghihinayang ng mga producer at director non. Pero sa ibang banda natuwa ko ng mapanuod ko ang ibang entry dahil lahat sila nagpamalas ng isang maganda kwento at talaga namang nakamamanghang cinematography, sa trailer palang nabusog na agad ako. Unahin na natin ang Seklusyon na humakot ng awards simula sa Best Director (shet galing ni papa Erik Matti), Special Jury Prize, Best Supporting Actress, Best Screen play, Best Cinematography, Best Sound Design, Best Theme Song, at Male Celebrity of the Night. Sinundan ng kakaibang Saving Sally na may di matatawarang animation ang sarap bumalik sa pagkabata para kong nanonood ng cartoons ang kaibahan lang totoong mga tao yung bida kaya di nakapagtatakang sila ang nagkamit ng best kids choice. Isunod natin ang Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Balesteros, kwento ng isang Trans na minsang nangrap na maging beauty queen kung kayat sumali sa mga beau-con hanggang manalo kung kaya’t si paolo ang nagkamit ng best actor award. Isang documentary film naman ang Sunday Beauty Queen dahil idinukomento nito ang mga buhay ng OFW abroad. Inilatag nito ang mga hinaing ng Filipinong nagpapakahirap sa ibang bansa habang pinapahirapan sila ng kanilang among pinagtatrabahuhan at ito naman ay nagkamit ng best feature award. Nagkaroon na rin ng part 2 ang Ang Babae sa Septik Tank na dati ko ng napanood sa tv na ang bida ay si Eugene Domingo natatandaan ko dati walang budget ang pelikulang ito at ngayon kapansin pansin na medyo bongga na ang set nila at pati si Jericho nakuha na nila halatang may budget na sila ngayon. Nandyan din ang Oro at Kabisera ni Nora Aunor. Maging ang Vince Kath at James na di ko alam kung bumenta pero ayoko kasi don.
Dahil nagreserch na ko nakita ko na ang line up mula 2012-2015.
Line Up:
2012 Si Agimat Si Enteng At Si Ako, Sisterakas, El Presidente, One More Try, Thy Womb, The Strangers at Sossy Problems
2013 My Little Bossing, Girl Boy Bakla Tomboy, Kimi Dora, 1000 Hours, Kaleidoscope World, Pedro Calungsod, Pagpag
2014 My Big Bossing, Praybeyt Benjamin, Bonifacio, Kubot, Feng Shui, Shake Rattle and Roll XV, English Only Please
2015 My Bebe Loves, Beauty And The Bestie, Hunted Mansion, All You Need Is Pag-Ibig, Walang Forever (ps meron pa kaso tinatamad na ko ilagay)
Atleast tama naman ako na kinain ng mga pelikula ni Vic at Vice ang mga nakalipas na MMFF o baka ako ang kinain ng mga yon kaya nasanay na tayo na abangan taun-taon ang mga palabas na handog nila pero dahil nga ngayon ko lang nasubukang lumabas at manood ng MMFF kaya ko sinasabing maganda at sana sa susunod ipagpatuloy na nilang magpalabas ng mga pelikulang may temang kakaiba upang mas makilala ang galing at kakayahan ng mga bagong director natin. At mas makilala pa sana ng bawat isa ang tunay na kahulugan ng isang pelikulang Pilipino at may temang makakapagpagising sa natutulog nating pagmamahal sa sariling atin charot lang.
ݵ�AZ�
0 notes