Tumgik
#liham
panaghoy · 5 months
Text
Mahal,
Ang totoo, sa tuwing sumasapit ang araw na ito, isang bagay lamang ang sa aking isipan ay palagiang tumatakbo—iyon ay ang aking pasasalamat para sa buhay mo.
Ikaw ang nagdudulot sa akin ng hindi mapapantayang kapayapaan at ligaya. Sa tuwing tayo ay magkasama, tila nawawala ang lahat ng alalahanin at pag-aalala. Dahil dito, salamat. Ang iyong walang sawang pagmamahal at pag-aalaga ay ang siyang aking pahinga. Ganoon din sana ang sa iyo ay aking naipadarama.
Hindi sapat ang mga salita upang maipaliwanag kung gaano ko ipinagpapasalamat ang iyong buhay. Tila ba kaya kong harapin ang ano mang pagsubok dahil nalalaman kong nandyan ka upang sa akin ay rumamay.
Nais kong ipaabot sa'yo ang aking dasal na sana'y patuloy kang maging masaya, mahal. Pag-asa ko na ang iyong buhay ay mapuno ng mga biyayang nagbibigay sa iyong puso ng labis na kaligayahan.
Isa pang bagay na aking idinarasal para sa iyo ay ang iyong patuloy na pananagumpay. Pakatandaan mong lagi akong nakasuporta sa pag-abot mo sa lahat ng iyong mga pangarap at mithiin sa buhay.
Mahal kita nang lubos at wala nang hihigit pang kagalakan para sa akin kundi ang makita kang maligaya at nananagumpay.
Maligayang Kaarawan!
36 notes · View notes
quanxui · 3 months
Note
omg androooo you watched priscilla!!!! <3
i didddddd!!!! ive been waiting for it for a while hehehe it's so beautiful huhu and How You Satisfy me and Crimson & Clover is so stuck in my head!
5 notes · View notes
sentimental-scribbles · 2 months
Text
Chasing Pavements
9 months. Alam kong alam mo na mahal kita. Mahal na mahal. Hindi ko gustong ako ang unang bumitaw sa kung ano mayroon tayo. Iniisip ko palang na mawala ka, naiiyak na ko. Bakit? Siguro dahil mahal kita? Siguro dahil gusto kong pang hawakan ang kung ano meron tayo noon? Siguro dahil ayaw kong itapon ng ganun na lang ang 9 months.
9 months. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang mapagod. Kung bakit kahit na nagawa mo na akong lokohin at lahat, mahal parin kita at magagawa ko paring patawarin ka kung hihingi ka ng tawad. Pero, hindi. Hindi mo yata alam ang salitang yun. Pero andito parin ako, minamahal ka.
Sabi ng mga kaibigan ko, I deserve better. Totoo yan, I deserve better. Pero pag nagmahal kasi ako – tunay at totoo. Kaya kahit ginagago mo na ko, mahal parin kita.
Naniniwala ako na pag nagmahal ka ng tao ay di ka dapat basta-basta na lang susuko, pero siguro kung palaging ganito, and pagmamahal ko ay kusa na rin lang din na maglalaho. Gusto kong maniwala sa mga binitiwan mong mga salita at pangako, pero hindi ko alam kung hanggang saan ko makakaya na ganito tayo.
Nag aantay akong mag send ka ng message. Nag aantay ako ng tawag mo. Nag aantay ako na kamustahin mo ko. Nag aantay ako sayo. Palagi. Pero bakit kailangang araw o linggo ang lumipas bago mo ko i-contact. May halaga pa ba ko sayo?
Ang dami kong tanong. Ang dami kong gustong malaman. Pero natatakot ako. Natatakot akong malaman ang mga sagot dahil alam kong masasaktan lamang ako. Siguro maigi na ang ganito, pero kung tunay ang pagmamahal, hindi ba dapat ay honest ka…
Sa ngayon hahayaan na muna kita, hiniling ko sayo na i-block mo ko para mas Madali sakin and mag move-on at makalimot ng hindi ako paulit-ulit na nasasaktan. Yun nalang sana, kahit yun nalang sana ang pwede mong magawa sakin. Pero hanggang sa huli, selfish ka. Ako parin and magpapaubaya.
Ako na, ako na ang kusang mananahimik. Mag a-uninstall muna ako ng mga social media accounts ko. Eto siguro ang kailangan ko. Katahimikan, kapayapaan habang hindi pa ako tuluyang nauubos.
3 notes · View notes
makatangalang · 9 months
Text
Payong
Ula-ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha-han~ Sinong 'di mapapasayaw sa ulan? kung kasalo ka sa iisang payong, bahala na kung maambunan
hindi ako nakisilong dahil ayaw mabasa nais lang makalapit ng 'di nahahalata upang masilayan ka ng palihim laging tinataon na walang nakatingin
Sinisilip ang mga tala sa likod ng antepara pasensya kung ikaw ma'y nailang mabuti na lang at panahon ay nakisama may dahilan para ika'y tabihan
hinihiling na ang ulan ay magtagal at sana'y malayo pa'ng patutunguhan handa naman akong magpagal kahit hindi mo pa napupusuan
pero 'di na dapat pang mangamba dahil wala naman akong balak manligaw walang dapat na ipag-alala 'pagkat pagitan natin ay malinaw
alam kong wala namang pag-asa kaya hindi na para subukan pa sapat na ang sandaling natamasa kaya ayos lang na sukuan ka
7 notes · View notes
lihimlihamtinta · 11 months
Text
Paalam na, muling mamaalam
Sa lahat ng pagdududa halina’t ating simulan
Ang pagtayo ng ating bagong simula
Na ang lahat ng pangamba’y bibitawan na
Iyon ang huling mga katagang naisulat
Bago tuluyang nagwakas ang lahat
Hindi na nahabol ang inanod na pag asa
Hindi na nailathala ang huling mga letra
Siguro'y hindi itinadhanang maipinta
Ang kulay pula ay nauwi sa puting bandera
Pagsuko na nga lang ata ang huling baraha
Bago maubos ang natitirang tinta ng atin dusa
11 notes · View notes
thedoeeyeddreamer · 6 months
Text
Past Lives
Nostalgia pulls like gravity. Difficult to control and resist.
It is deeply human to reminisce. Reminiscing can be a good thing, because it meant you had something good to look back to. Though sometimes, it can be a poison too. Thinking of what-ifs and what-could-have beens can be just as difficult as feeling it the first time.
I don't think we can ever return to the past, because we were entirely two different people at a different time. I can't blame you nor myself for choosing to walk different paths. It was the most rational decision we could make at that time.
And I understand if you choose your present life as I choose mine. I think we are brave enough to confront the reality of our circumstances.
--
This film did a great job of portraying the struggle of letting someone go and finally accepting the consequences, the life that comes after it. You grieve for the life you once lived, realizing that things will never be the same again. Their last scene spent together in silence said so much.
"What if this is a past life as well, and we are already something else to each other in our next life? Who do you think we are back then?"
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
5 notes · View notes
pryncexxanne · 6 months
Text
"When overthinking, write."
Ilang sulat pa ba ang gagawin para gumaan lang ang pakiramdam???
4 notes · View notes
Text
10:58PM December 7, 2022
Mahal Kong ブレーズ,
Dito ko na lamang isusulat ang mga salitang nais na sabihin sa iyo matagal na panahon na. Marahil ako ay naduduwag na sabihin sa iyo ang aking nadarama, marahil dahil takot akong tanggapin ang katotohanang baka hindi na ako o baka ay di naman talaga naging ako.
Patawad, marahil nga ay sarili ko lang ang iniisip ko, sa hindi pag intindi at hindi pag subok na ikaw ay ipaglaban. Mula sa bawat butil ng luhang nasayang ng dahil sa akin. Kung darating man ang araw na matatanggap mo ang liham na ito, asahan mong hindi na ako magpapakaduwag, hindi na ako magiging isang dating lalaki na iyong nakilala, isang duwag at walang pakiramdam. papatunayan ko saiyo Ang aking sarili, upang maging isang karapatdapat para sa iyong puso. ipaparamdam ko sa iyo ang mga pantasyang minsan mo ng nabasa sa wattpad o napanood sa mga teleserye. Ipaparamdam ko sa iyo na ikaw lang, mahal ko. dahil simula sa mga araw na ito magpapaka totoo na ako sa aking nararamdaman.
dahil sigurado ako na kailangan.
Sa pagkakataong ito alam kong kailangan kong humakbang nang pasulong. At sana sa pagdating ng tamang panahon na aking inaantay, ay Wala ka sa piling ng iba, MAHAL KO.
sumasaiyo, オリバー.
6 notes · View notes
soobinj1 · 1 year
Photo
Tumblr media
Tapos na Liham - KAKAYANIN MO (on Wattpad) https://www.wattpad.com/1339386593-tapos-na-liham-kakayanin-mo?utm_source=web&utm_medium=tumblr&utm_content=share_reading&wp_uname=Soobin_jess1&wp_originator=XiYyDEJPUbEny0lVsjKGv%2Fg0QiD5Q%2BZjZyHJstvud%2BKIJpZ8%2F1YQAKe3lKDjIEzO%2FbP9zNLROs52Yogfs534halx3Jgf3BURPy0tUNn3G1gkQ1manv6e7XmcInEwfN1Z Its not type of story na kikiligin kayo mga liham lang ito ng isang babae para doon sa taong minahal niya pero iniwan sya .
2 notes · View notes
se-mi-co-lon · 2 years
Text
Tumblr media
hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa message na to. lahat ata ng pwedeng maramdaman naramdaman ko na ngayon. gustong kong ngumiti pero sa kabilang banda gusto kong umiyak ng matindi. hindi ko din alam kung masama pa din loob ko dahil sa mga nangyareng hindi ko inaasahan. ginawa ko naman lahat binigay ko yung best ko nag effort ako pero sa huli hindi din ako ang pinili. hindi ko mapigilan yung luha ko pero wala akong emosyon, pero sa pinaka loob ko parang ang sakit sobra, sobrang sakit. ganito ba talaga kapag mahal na mahal mo yung isang tao? :'
2 notes · View notes
zayiiiii1993 · 17 days
Text
Tumblr media
Stell 2023.10.05
"Mamahalin, yeah Iginugumon ng bituin Ikaw lang ang siyang mamahalin Mamahalin, yeah Ito ang aking paumanhin Habang buhay kang mamahalin"
~ Liham, SB19
NOTES: This is one of the most detailed ones I worked on. I actually didn't know I could use patterns and just lower the opacity or change the color and stuff. So, I ended up drawing each line one by one. (;-_-) But, I will say... I like how this turned out...
0 notes
stellberryfarm · 6 months
Text
Stell🥺 tagos talaga sa heart ang Liham.
#MAHALIMAxTeaMFair2023
🔗 Tasha 🍓📸 💙✨ (@Tasha24__)
📲 @twittervid_bot
1 note · View note
quanxui · 11 months
Note
OMF HELLO ANDRO HOW ARE YOY WOWOWOWOW HOW HAVE YOU BEEN
OYA OYA OYA THENA! WE'RE BOTH BACK HAHAHAH how have you been, too! ive been busy for the past few months but now im planning for a week of bed, sleep, and nothing!
8 notes · View notes
theanotherwxrld · 6 months
Text
Tumblr media
hindi madaling nakalilimot ang utak na hindi nabibigyan ng isang malinaw na paliwanag.
[mga liham na dapat nasa basurahan pero nasa fb post, 001, 10/27/23]
0 notes
mrbukopieblog · 1 year
Text
Ilang minuto bago mag 2023
(Ok mabilisang ebas lang... wala nang edit edit)
Gusto ko lang sabihin na ang taon na ito ay pagpapanumbalik ng nakaugaliang buhay noong wala pang pandemya. 
Yung mga lumampas na panahong nasa lockdown at quarantine ang lahat, dito tayo bumawi ng pagliliwaliw at pagsasaya.
Parang tayo mga batang nakaalpas sa tahanan upang maglaro at kitain ang ating mga kaibigan.
Namiss natin ang bawat isa at patuloy na nagpupursiging kitain ang mga  mukhang matagal nang hindi pa nasisilayan sa personal.
Diba nga sinasabi natin na kapag masaya, mabilis ang oras. Ganito ang naramdaman ko sa taong ito.
Marahil eh dahil sa marami akong lugar na napuntahan at naranasan kasama ng aking mga kaibigan, 
mga dating hilig ay nanumbalik na akala ko ay magiging alaala na lamang, 
mga lumang taong muling nasilayan, 
mga bagong taong biglang naging parte ng aking buhay at,
mga ideyang nagpaalab sa aking pusong bumangon at kilusan ang pangarap.
Salamat Panginoon sa taong ito dahil binigyan mo ako ng lakas na bumangon mula sa mga pagsubok noong 2021 at tinuruan mo akong yakapin itong taon (2022).
Hello, Tumblr!
You are a very nostalgic platform. Buti buhay ka pa? Madami pa akong gustong sabihin, matagal tagal na din akong hindi nakapagsulat dito. Pero hanggang dito nalang muna, next year nalang ulit :)
0 notes
lihimlihamtinta · 2 years
Text
Pangarap ko ang isang mahinahong pag ibig
Hindi kumakaripas, hindi nagngangalit
Pinag isang damdaming hindi ipinilit
Sumasabay sa indayog ng mga pintig
Pangarap ko ang isang mahinahong pag ibig
Nangangarap kasabay ng kalmadong hangin
Humahaplos ang mainit na pagtangi
Sapat upang buhayin ang araw araw na pagtingin
9 notes · View notes