Visit Blog
Explore Tumblr blogs with no restrictions, modern design and the best experience.
#maikling tula
marielenaloves · 9 months ago
Text
hawak kamay
Tumblr media
tayo'y nasa ilalim ng iisang buwan,
ngunit nauunang magdilim ang aking kalangitan.
pinangarap kita noon pa lamang,
ngunit sa pagitan natin ay malaking harang.
ika'y naglalakad sa ilalim ng liwanag,
masakit sa akin, hawak mo'y kamay ng ibang dilag.
mahirap mapagtanto ang bilis ng paglimot,
ako ang kahapon, ngunit wala ng bukas na sisipot.
ang puso kung magmahal alam kong malalim,
ako'y napapaisip, parang hindi ka naman talaga naging akin.
nakakilala ng bagong iibigin, parang kahapon lang sinabi mong hanggang dulo ay tayo pa rin.
naglaho ang pangako, malabo pala ang daang tinahak natin.
at sa mga oras na ito, sana'y hawak mo ang aking kamay
malayo ka man, marahil ako pa rin ay maghihintay
walang kasiguraduhan, alam kong langit lang ang nakakaalam
mahal kita... kahit hindi na kita ramdam.
47 notes · View notes
lihimlihamtinta · 6 days ago
Text
Pwede ba kitang piliin?
Pwede ba kitang mahalin?
Pwede ko bang pilitin
ang tadhana na baka sakali lang naman
baka sakali lang naman na
sa pagkakataong ito’y mapagbibigyan ako ng mga tala
baka sakali lang naman na
sa pagkakataong ito’y tumama
ang mga letra
sa mga dasal
mapakinggan ng mga diwata
na kahit kapirasong pagkakataon ay bigyan
pasilipin sa pangarap na kaligayahan
na piliin at mahalin kita
ang hiling ko lang nama’y mapagbigyan
8 notes · View notes
wmab · 6 days ago
Text
HINDI NA
Hindi na tayo tulad nila. Nakatulalang nakaupo sa loob ng bus habang nakikinig sa pinaka malungkot na kanta. Nagaabang kung alin sa mga patak ng ulan ang unang dudulas sa bintana.
Hindi na para sa atin ang kulog at ang nagbabadyang mga pag-ulan. Ang malalakas na hanging dala ng hindi mahulaang klima na ang sadyang dulot ay kapanglawan sa mga nag-iisa.
Hindi na tayo mga bugtong na manlulukso sa kabilugan ng buwan. Babatiin na nating magkasama ang sabik na araw upang magbunyi para sa ating kapalaran. Hindi ka na matatakot na buksan ang mga mata sa umaga, ni hindi na rin mabubulabog ng katahimikan ang dibdib sa kinagabihan.
Hindi ka na mag-isang lalaban. Hindi na kailangang lagi na maging matapang. Pupwede nang lumakad ng marahan. Maari nang tumahan. Hindi ka na kahit kailan iiwanan. Hindi na, andito na ako.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
4 notes · View notes
marielenaloves · 9 months ago
Text
SANA BUKAS
Nais ko sa araw araw ay masilayan ang payapang alon ng karagatan.
Nalilimutan ko ang gulo ng mundo sa tuwing ako'y nakaupo sa dalampasigan.
Hindi ko naiisip kung ano ang mangyayari bukas, ngunit ipinapanalangin ko na sana mayroon pa ring bukas.
Alam kong walang kasiguraduhan, ngunit napapatanag ang puso ko.
Ako'y mauupo sa mabatong bahagi ng pampang,
mag iisip ng malalim, sandali, ayaw ko nang lumisan.
Ayoko na bumalik sa magulong bahagi ng mundo,
natatakot ako sa misteryo ng buhay, wari'y kasing lalim ng dagat na natatanaw ko.
Nalalabuan ako sa kinabukasan, iyan ang sumbong ko sa karagatan.
Maliwanag ba ang patutunguhan ko, alam kong hindi ko pa malalaman.
May makilala ba ako, mayroon bang tamang tao?
Minsan nais kong madaliin, ang pagkalma ng alon ng buhay ko.
Sana bukas ay matanaw, makamit ang pangarap na inaasam.
O sana bukas nariyan na ang pag ibig na hindi na lilisan.
At kung hindi man bukas, babalik na lamang ako sa pampang kung saan malaya ang diwa ko,
na isipin na sana bukas mangyari lahat ng mga ninanais ko.
29 notes · View notes
lihimlihamtinta · 13 days ago
Text
Alam ko namang hindi tama ‘tong kilig na ‘to
alam ko din naman na hindi pwede ang tayo
pero masisisi mo ba ‘ko?
kung ‘di ko mapigil ang sariling mahulog?
masisisi mo ba ‘ko?
kung hindi ko mapigil ang pagtibok?
Siguro nga’y marupok na maituturing
Siguro nga’y kumakapit lang sa hangin
pero sigurado rin naman ako sa himig
ng puso kong natutuliro sa iyong titig
Maari ko nga kayang asamin?
ang isang ipinagbabawal na pag ibig?
8 notes · View notes
marielenaloves · 4 months ago
Text
sino, para kanino?
paano ba ang gagawin sa pag ibig na hindi para sa akin?
ang damdamin kong lumalalim wala naman ding aangkin.
paano kita dadamayan kung matinik ka nang malalim,
kung tumatakbo ka nang matulin, hindi naman patungo sa akin.
may pag ibig na inaalay, dapat nga bang tanggapin?
ng puso kong tumitibok, ibang tao ang nais ibigin.
hindi nga para sa akin ang halakhak mo aking giliw,
may araw bang darating, maghihintay ba ako hanggang puso ko'y mabaliw?
kanino ba nakatadhana, malapit ka na kaya?
ayaw ko na sayangin ang oras sa paggawa ng malungkot na tula.
sino bang nakatadhana, para hawakan ang aking kamay?
hanggang kailan ba hihintayin ang sinasabi nilang pag ibig na tunay?
Tumblr media
16 notes · View notes
lihimlihamtinta · 6 days ago
Text
Hiwaga,
Nawa'y maisipan mong muling bumangon
Salabungin ang pagsikat ng araw
Hawiin ang makapal na kurtina ng kahapon
Na tumatabon sa iyong kagandahan
Huwag mo sanang hayaan na malimot
Ng iyong mga labi ang matamis na ngiti
Na minsang nanirahan sa iyong nakalipas
Na minsang kasamang nangarap
Hindi man natupad ang 'yong mga pangarap
Hindi man nasakatuparan ang 'yong mga panaginip
Nawa'y huwag kang manatiling nakahiga
Nakahiga sa alikabok ng nakaraan
Naisin mo sanang muling bumangon
Mangarap ng mga bagong pangarap
Tumindig at salubungin ang bukas
Ang bukas na puno ng hiwaga
Makalaya ka sana
Sa tanikala ng ligaya ng kahapon
Dahil ang buhay
Ang hinaharap
Ang hiwaga
Ay nahihintay lang sa iyong muling pagbangon
5 notes · View notes
jirikow27 · 8 years ago
Text
Kagabi'y gustong magpakamatay,
Di na alam kung may direksyon pa ang buhay.
Kalungkutan saki'y namayani,
Sobrang pag-iisip ang sanhi.
Wala talagang tiwala sa sarili,
Ganitong gawi kailan mababali.
Boses sa aking utak ka'y hirap labanan,
Natatakot akong ito ay tapatan.
Sana dumating ang araw;
Sa kasiyahan ako ay sumasayaw.
pagkat kalungkuta'y labis na umaapaw,
May liwanag pa bang matatanaw?
14 notes · View notes
poetrie · 4 years ago
Text
D'yan ka naman magaling, sa pagsabi ng paalam at sa paulit-ulit mong pagbalik.
D'yan ka rin ba masaya, sa mga pagpapatawa mo sa akin at sa paulit-ulit mong pagpapaluha sa aking mga mata?
— Samantha M.
8 notes · View notes
psychememoire · 5 months ago
Text
Kamusta
“Kamusta?”
Isang gamit na salita na may natatagong damdamin sa bawat pagsagot  
Kamusta? 
Isang gamit na salita na una mong sinasambit sa pagkukusa na makausap ka.
Kamusta?
isang gamit na salita... 
na sana ay matulungan sa totoong nararamdaman. at maipahayag na “Kamusta? andito ako handang makinig sa tunay na adhikain ng puso at isip na iyong dinaramdam..”
Blog#207
7 notes · View notes
panaghoy · 4 years ago
Text
Para kay Oryang
Salamat sa iyo, ikaw na totoong nagmahal Naantig ang puso, labis kang hinahangaan Salamat, Oryang, sa iyo ang aking pasasalamat. Nawa'y mula sa iyong mga aral, maraming matutong umibig nang may katapatan.
32 notes · View notes
briyellow · 8 months ago
Text
Isipin mo, mas sobra pa sa sobra ang 'yong halaga sa'kin. Mapa-kanta o dibuho, ikaw ang dala-dala, ang laman at mensahe ng bawat letra, linya at paksa.
Ikaw ang simula, ang katawan, at katapusan
Ikaw ang panimulang pangungusap at ang tumutuldok sa lahat.
13 notes · View notes
lyrineurainwrites · 10 months ago
Photo
Tumblr media
Agos Ng Alon Parirala Ni: Lyrine Urain G. Bonifacio
Darating ang oras na kakalma din ang dagat, sa ngayon tulungan mo ang sarili lumangoy sa agos ng alon. Ikaw ay makakaahon din sa dalampasigan.
[ Illustration By: Yana ]
5 notes · View notes
craescent · a year ago
Text
Pasensya na
Pasensya na kung akala mo'y iniiwasan kita
At nadadama mong ikaw ang may problema
Pasensya na
Hindi ko man maipakita o maipadama sa'yo
Sana'y malaman mo sa pamamagitan nito
Na unti unti na akong nahuhulog sa iyo
Nihc, How My Pen Bleed For Him
#4
5 notes · View notes
lyrineurainwrites · a year ago
Photo
Tumblr media
Tula sa huling luha  Written By: Lyrine Urain G. Bonifacio
Ako na pinalitan ng siya Tayo na pinalitan ng kayo Saya na pinalitan ng luha Pag ibig na biglang naglaho
Parehong nakatingin sa alapaap Pinag mamasdan ang mga bituin Humihiling na wag pag hiwalayin Dahil ikaw lang ang tanging hiling
Subalit mapag laro ang tadhana Sinusubukan kung tayo’y matatag Dito lang ako lagi sayo naka abang Kahit na ito’y walang kasiguraduhan
——Para sa huling pag kakataon, para sa huling sandali at para sa huling linya ng ating relasyon, hayaan mo sabihin ko sayo : “Langit at dagat man ang pagitan, Pag ibig ko sa iyo’y walang hahadlang” [ Photo Credits: Henn Kim ]
4 notes · View notes
lihimlihamtinta · 4 days ago
Text
Tala,
Piliin mo naman ako
Kahit minsan lang
Kahit isang beses lang
Ipaalala sa akin ang pakiramdam
Ng pinili na walang pag aalinlangan
Pakiramdam ng minamahal pabalik
Pakiramdam ng pipiliin hanggang huli
Dahil sa pagulit ulit na pagmulat
Tila gusto kong pumikit nalang
Dahil doon sa panaginip ko
Ang pinili mo ay ako
3 notes · View notes
wmab · 9 months ago
Link
LYRIC VIDEO OUT NOW ON YOUTUBE! PLEASE CLICK THE LINK, LIKE, SHARE AND SUBSCRIBE 😍 SEE YOU!!! 😍 #
5 notes · View notes