Tumgik
#manunulat
lihimlihamtinta · 2 months
Text
Masyado lang akong mayabang pero nakakatakot pala talaga mag isa.
25 notes · View notes
icanbeyourero · 3 months
Text
Six-word poetry
idk why i had this obsession with six-word poetry 8 years ago
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
makatang-igorota · 1 year
Text
Bahaghari
Isang malalim na buntong-hininga Kasabay ng pagmulat ng mga mata Tanong sa sarili'y "Kaya mo pa ba? Tsaka ngingisi at sa taas ay titingala
Ngunit ano nga ba ang 'yong hinahanap Isang milagrong pilit hinahagilap May lihim kayang ikinukubli ang mga ulap May hiwaga ba sa asul na alapaap?
Maya't-maya'y mga mata'y kikislap Marahang ngingiti at hahagakhak Isang makulay na bahaghari'y naging sapat Upang mapawi ang lumbay ng aliping tapat
Bahagharing pahiwatig ay pag-asa Para sa mga lingkod na hapung-hapo na S'yang may malakas na pananampalataya Aani ng hindi mabilang na biyaya
~ M.K. Sueño (04/2021)
21 notes · View notes
wmab · 4 months
Text
SONATA NG BUGTONG NA ILAW
Patawarin mo kaya ako?
Kung malaman mong ilang beses kong naipagsawalang bahala ang lahat ng 'yong mga hinagpis? Maraming ligpitin sa buhay at araw-araw ay kailangan kong mag-imis. Patawarin mo kaya ako na di agad nadinig lahat mong mga tawag; sa di inunawang mga pangungusap? Nanghihina lang sa bigat. Nag-iisip lang kung sa bukas ay may sasapat.
Patawarin mo kaya ako?
Sa mga gabing hindi kita dagliang nayakap. Sa pagpungas ng mga mata mong di ko pinansin agad. Sa mga luhang di nasagot at hinayaang lumabak sa'yong palad. Mga paborito mong tugtog na hindi kita nasabayang umindak, dahil pagod; dahil gumuguho; dahil ang ilaw ay aandap-andap.
Patawarin mo kaya ako?
Sa mga impit kong pagkasira. Kahit pa karapatan mong malamang ako'y nanghihina. Masyadong malupit ang mga pasâ at hindi ko nais na sa'yo sila ay ipamana. Kaya't kung patatawarin ay sa paghimbing mo na lang ako gigibâ. Hindi naman sa makasarili; ikaw lang ang aking inaalala. Naglihim man hanggang sa huli, tandaan mong ikaw palagi ang inuuna. Kaya't sa mga bagyo kong ni tunog ng patak ay di kita ginambala,
Patawarin mo sana.
Sa mga sakit na naidulot sa akin ng kahapon. Na ayaw kong malaman mo't baka di pa maka-ahon. Sa guhit ng aking mga palad, na tila ba sa likod mo—mula pa sa sinapupunan—ay malaon nang nakatarak. Matatalim na mga gabing ikaw ang nakatakdang pumalahaw sa sakit dahil sa aking nagdaang pagkawasak.
Patawarin mo sana sa mga lundag na ni di kita tinanaw. Sa mga gabing dalamhati ang tinuring kong kakampi—imbis na ikaw. Mga kasawiang pinrisinta kong sapuhing mag-isa dahil sa laya't gaân ng dalá ay nasilaw.
Patawad.
Sa kasamaan ng mundo sa akin na parang di pa sagad. Patawad. Sa mga sugat na hindi ko naman talaga hinangad; o sa mga umaga mong pag-asa sana ang gawad, ngunit hindi. Muli, patawad. Dahil di na nangangarap, ng buong tahanan; ni masayang salo-salo sa hapag. Anak, kung magutom sa sagot at mauhaw man sa pagkalinga'y paumanhin mo ang aking hangad.
Patawad.
Muli, sa mga yapos na baka hanapin sa susunod at hindi ko maibigay; o sa mga gabing hindi kasing higpit ng ama ang yakap na naibibigay ng nanay.
Patawad.
Kung araw-araw ka man saking nawawalay—dahil kailangang magligpit. Kailangang bukas ay mayroon tayong magamit. Mag-isa lang kasing nagpipilit. Kung makasasagot ka nang matuwid, patawarin mo kaya ako sa buhay na 'yong nakamit?
2 notes · View notes
quehorror · 1 year
Text
Kamatayan, marahil, ang pinakakinatatakutan kong bagay sa mundo. Na kinakailangan kong magtago at yumukod upang hindi ako matagpuan nito.
Pero nang halikan mo ako, tila ba sumakabilang buhay na 'ko. Na hindi lang hanggang langit ang nilipad ko, dahil pinalibutan ako ng mga tala at sinangayunan ng mga mundo. Na tuluyan ko nang naarok ang sukdulan ng buhay dahil sayo. At nang ilayo mo na ang iyong labi ay saka ko lang napagtanto.
Na pag-ibig ay higit pa sa kahit anong bagay na makalupa. Na pag-ibig ang tumutulak sa atin palabas ng karimlan. Na higit na mas matimbang ang lambing ng iyong bisig kaysa sa karit ni kamatayan. Na kahit may sentensiya ang pagiging mortal, ang bawat araw ko nama'y parang habambuhay dahil sa iyong pagmamahal.
15 notes · View notes
fvckxxxxa · 1 year
Text
Halos isang buwan na din nang lumisan ka
Matagal na panahon na ang nakaraan
Pero yung sakit at kirot damang dama ko pa
Minsan napapatanong ako sa aking sarili
Saan ba ako nag kulang?
Saan ba ako nag kamali? Para lumisan ka ng ganito
Labis akong nag durugo at nasasaktan
Sa tuwing pag babalikan ko ang huling mensaheng saakin ay inialay mo
Ang mga luha mula sa mata ko ay kusa nalamang tumutulo
Sinubukan kong iwasang balikan
Pero mga daliri ko talaga'y atat na buksan ng buksan
At muling pag masdan ang mga mabubulaklak na salitang inialay mo
Nakakalungkot isipin
Na sa isang kisap mata ang mga plinano nati'y mawawala
At mag lalaho nalang bigla na parang bula
Ikaw lamang ang mahihiling ko sa bawat gabi
Ngunit bawat araw sa akin ay ipinamumuka na wala na
Wala ng ikaw at ako, wala ng tayo
Oo masakit, pero tanging pag tanggap lang ang aking magagawa
Kung pag lisan na lamang talaga ang paraan
Ito'y tatanggapin ko ng buong buo at walang halong hinagpis
Siguro sa susunod na habang buhay
Tayo naman ang paburan ng tadhana
Tayo naman ang piliin para sa isa't isa
Pero sa ngayon tatanggapin ko nalang muna
Kasi huli na ako para pigilan ka pa
Lilisan nalamang din muna ako kung ito nalang ang tanging sagot
-errors ahead
-open for criticism
-plagiarism is a crime
Tumblr media
9 notes · View notes
feelingepiphany · 2 years
Text
SUMILIP AKO
Sumilip ako sa kadiliman,
Bakit liwanag ang nagpakita?
Sumilip ako sa liwanag,
Bakit kadiliman ang naramdaman?
Sa bawat pagsang-ayon sa puso
Libo-libong tinig ang nagtutunggali
Sa bawat pagsang-ayon sa isip
Ikaw at ako lang ang nag-wagi
Kalmado ako kapag magulo,
Magulo ako kapag kalmado
Tama ako sa mali,
Mali ako sa tama
Sumilip ako muli sa liwanag,
Walang nagpakita
Sumilip ako muli sa kadiliman
Sarili ang nakita.
7.28.22
Unang liham...
7 notes · View notes
churrostic · 1 year
Text
Sa may balay
matapos ang lahat
nakita na ang balat
 .
napalalim
dumilim
makulimlim
nakalimlim
 .
umaraw
aalis na raw
ngunit walang kalabaw
bukas na lang daw
 .
sumapit ang bukang liwayway
iyong kamay
hihiwalay
sa aking kamay
6 notes · View notes
wthrdflwr · 1 year
Text
Binibilang ko parin ang oras ng tulog mo, kahit wala ka na sa piling ko...
4 notes · View notes
Text
Aug 8, 2022
10:07 PM
Sometimes i'm wondering, everytime na nagbabasa ako ng mga kuwento lagi kong itinatanong kung bakit hindi kasing ganda ng fiction na libro ang buhay ko? Bakit wala man lang tila nakakakurot sa puso ko katulad ng mga kuwento sa libro? Am i too bad to experience that kind of life? Gusto ko rin naman madama at maranasan ang ganoong buhay, it just even their lives are fucked up hindi ko pa rin maitatanggi na punong-puno ito ng twist and turns.
I've been staring at the fancy houses, nagbabakasali na makakita ng fictional character. Call me weird but i also watched the tinted cars, baka may mala fictional character na nagdridrive nito. And hoping na may nakasakay sa passenger seat na mala main character din. Sadyang hangol lang 'ata talaga ako sa mga magagandang kuwento ng buhay.
Praying someday na sana sa susunod kong buhay ay may twist and turns na rin. Iyon lang! Good night:)
4 notes · View notes
ros4rt · 2 years
Text
I am not that good at words and narrating but because I want to write something I will write.
Ang story ay may halong reality and a fiction. It's maybe written in English or Filipino or both. And maybe if may braincells pa akong natira gagawa ako ng tula.
No support? I don't care. I'm just going to share a story.
5 notes · View notes
lihimlihamtinta · 2 months
Text
Sana kung gaano tayo kalayang mahalin ang gusto natin mahalin ay ganoon din tayo kalayang murahin ang lahat na karapatdapat murahin.
10 notes · View notes
icanbeyourero · 16 days
Text
Eklips I (Paglaho) | Eklips II (Paglayo)
Tumblr media Tumblr media
0 notes
makatang-igorota · 2 years
Text
Pagpawi ng Lipas
O, liwanag ng buwan sa gabing mapanglaw Dinggin mo ang pagtangis ng damdaming ligaw Himnong sa linisa'y dapat pamatid-uhaw Handog ay laksang hapis sa hirap bumitaw O, araw na ang ningas sa dilim pumawi Gawin mong abo ang tanikalang gumapi Sa nag-aalab na balor ng panahong lipas Nang sa kahangalan ay makawalang wagas O, bituing maningning, nawa'y 'wag ipagkait Sa pagal na busabos ang ngiting marikit S'yang lulubag sa diwang kusang linigalig Ng nilalang ganid na sa hibo'y umibig O, ulap na tila ang pasan ay kaybigat Lunurin mo ang dusa ng 'yong luhang maalat Saklaw ang ala-alang alay ay hinagpis Tubusin sa sakim na ang akit ay labis O, mayuming diwata ng hanging banayad Hipan tungo sa hapo ang payapang hangad Dalhin sa paraiso kung sa'n ang nagdaan Ay walang alinlangang pinawi't linisan
~M.K. Sueño (08/2022)
9 notes · View notes
wmab · 6 months
Text
IKAW LANG PALA
Gumising akong pawis na pawis dahil nanaginip. Iba ang pakiramdam. Tila ang mga sagot ay umaapaw at nagsusumiksik. Matagal ko nang tanong ang mga palihim mong titig. Ngayon ay parang alam ko na kung bakit.
Totoong di nagsisinungaling ang ipinipilit na di mabanaag. Habang sinisikil, ay sumisigaw lang lalo ang mga itinatagong balak. Maski nakakakita, palagay ko nga ay matagal na akong bulag. Dahil kahit na halata ma'y 'di ako nag-gawad. Ng kahit anong pagtingin. Sa mga palipad hangin. Sa mga pasikretong titig na akin ring nabubuking.
Dapat noon ko pa napag-tagni. Nang sabihin ng nanay mo sa akin. Na ako at ako lang sa tanang buhay n'ya ang ipinaghanda mo ng pagkain. Marahil ay alam mo nang dati. Na ako ang gustong ibigin. Pasensya na. Bulag marahil, ngayon ko lang nakita. Di lang magkaibigan ang mayr'on tayong dalawa.
Matagal na pala. Di ko akalaing di ko man lang nakita. Sa t'wing nagtatagpo tayo dahil sa buhay ay yamot at naa-abala. Kapag lumulutang na sa panaginip at mga kabayong pula. Marahang yayakap sa likod at sa kamay ko ay hahawak ka. Malay ko ba. Mga biruan at debate nating tayo lang ang nakakaunawa. Dahil sa lahat, para sa'tin ay tayo lang ang matalino at may maayos na bista. Matagal na pala. Malay ko ba. Sa haba ng pinagsama, di ko akalaing di ko man lang nakita.
"Huli na. Anong magagawa?"
Maghawak man ng mga kamay ay nakapangako na sa iba. Di na dapat nilabanan. Kung lumabas noon, sana hinayan na lang. Wala namang lihim na di nalalaman. Magtatagpo rin pala kalaunan. Dun pa sa mga pook na nakaka-kabang puntahan. Sa mga sulok na tahimik at walang matinong nagtatangkang masaksihan.
"Anong magagawa, baka tadhana."
Di siguro. Masyado ka lang mahina. Di sana sumagot ako ng mas maaga. Kung noon pa tayo lumakad nang may diretsong mga dila at malinaw na sadya. San na kaya tayo ngayon papunta? Biruin mo, ang tagal na. Ikaw lang pala. Kaya di namamalagi sa mga nakakasama. Kaya di humihinto at 'di ni minsan tumama. Malay ko ba. Ngayon ko lang nakita.
–WMAB (Wag Mo Akong Bitawan)
5 notes · View notes
quehorror · 1 year
Text
Ikaw ang guniguni sa panahon ng tag-init
Ang mga sinag na tagus-tagusan sa bintana tuwing umaga'y parang mga banayad mong paghaplos sa tuwing ako'y ginigising.
Ang unang dampi ng araw sa aking pisngi'y kaparis ng panatag na halik mula sa mahabagin mong mga labi. Sa tuwing lulusot ang maninipis na silahis ng araw sa singit-singit ng mga dahon, mga babahagya mong pagsilip sa akin ang gunita.
Sa tuwing babahain ng liwanag ang sala tuwing alas tres ng hapon, dinidilidili ang pagkalunod ko sa nag-uumapaw mong pagsuyo. Sa paglubog ng araw, ay nakikita kitang masayang namamaalam sa himapapawid. Ngunit hindi gaya ng araw, sa umaga'y hindi ka na magbabalik.
9 notes · View notes