Tumgik
#natayo
ucnle-blog · 1 year
Text
A Chapter to close. . .
Nakita ko sya natayo sa tabi ng pinto. Parang nakatingin sya saken o baka pala sa direksyon ko lang. Tapos nagkatinginan kami o baka naman naiisip ko lang na ganun. Bigla ko iniiwas ang tingin ko, ewan ko ba parang tinamaan yata ako ng hiya. Di ko alam, pero sya talaga yun. Siya yun, ang pamagat ng mga bawat kwento mo. Namiss kita tuloy, bigla. Teka nga, nagulo tuloy ako. Ilang beses ko na naman syang nakita, pero di naman nya ko kilala kaya ayos lang. Pero kanina pakiramdam ko ang gaan nung tingin nya, yung parang sa magkakilala. Tapos bigla kong naalala yung kwento mo na tinatatawag nya Ako nung minsang makita nyo ko daan, di ko nga lang kayo narinig. Di ko na rin pala natanong sayo kung bakit kilala na nya ako. Gusto ko sana syang ngitian pero di na lang siguro. Ganito na lang, para wala na din akong kilala na malapit sayo. Shout out sayo ferson! Sana sa ibang universe nagkaapiran man lang tayo. *balik sa kwento* Okay na siguro yung magkakilala lang tayo. Para hindi ka na palaging masungit at galit saken. Tsaka para di na kita nakikitang umiiyak at nalulungkot. At oo nga pala endo na nga din yung kontrata ko sayo kasi masaya ka na. Yun naman palagi ang sabi ko diba. Mas matitiis ko pang hindi na tayo mag-usap wag ka lang palaging malungkot. Kala mo naman talaga may ambag talaga ako sayo e, 'no? Hahaha! Sabi sayo e kaya mo yan. Pag di pa happy di pa ending diba? Oh sya, padayon hanggang sa marating mo ang pahina na may nakasulat na "at nabuhay syang maligaya magmula noon" ng sariling istorya mo.
Wakas.
p.s. mananatili parin akong tagahanga ng bawat pahina na ikaw ang may akda.
#herz
-out
5 notes · View notes
Text
Hamon sa Panahon ni Rizal
Tumblr media
Humarap sa mga sosyo-politikal na isyu si Dr. Jose Rizal, kasabay na ng kaniyang layunin na palayain ang mga kababayan nitong mga Pilipino mula sa pagpapahirap at pananamantala ng mga Espanyol. Ang pambansang bayani ay tumungo sa ibang bansa upang matuto ng medisina at makahanap ng lunas sa unti-unting pagkabulag ng kaniyang ina. Ang kaniyang natagpuan sa pagpunta sa Madrid ay hindi lang pala lunas sa pagkabulag ng ina, kung hindi na rin ang unti-unting pagkabulag ng mga Pilipino mula sa mga mapagkunwaring gawi ng mga Espanyol sa mga kababayan nito (Tuaño, 2019). Ito ay nagbunga sa sigasig nitong nasyonalismo upang tuluyan na palayain ang mga Pilipino sa hagupit ng panunungkulan ng mga Espanyol sa sarili niyang bansa. Sa layuning ito, marami ang dinanas na sosyo-politikal isyu ang pambansang bayani.
Una sa lahat, ang pagpapanggap ng mga Espanyol na tumulong sa bansa noong simula ay bahid ng pansariling layunin nito na angkinin ang Pilipinas at ang mga kayamanan nito para sa kanilang pangangalakal. Sinakop ng pamahalaan ng Espanya ang Pilipinas. Napakaliit din ng naging pananaw nito sa mga Pilipino. Inalipusta at pinahirapan ang mga Pilipino sa puntong hindi na ito nakayanan ni Rizal, buhat na rin ng mga direktang epekto nito sa kaniyang sariling pamilya. Sa kawalan ng katarungan, nagbunga ang iba’t ibang mga nobela at natayo ang ilan sa mga samahang nakapagpatibay sa paniniwala at pagkakaisa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. 
Pangalawa ang kakulangan at kahirapan sa pagkakamit ng sapat na edukasyon. Hindi maitatanggi na si Rizal ay edukado at nakakamit ng mataas na edukasyon hindi lamang sa larangang ng pangkaraniwang edukasyon kundi pati sa mga espesipikong larangang tulad ng medisina, pilosophiya, matekatika, at iba pa. Bagamat si Rizal, isang Pilipino, ay nakakamit nito, hindi ibig sabihin na naging madali ito. Laganap ang diskriminasyon at pagmamaliit tingin sa mga Pilipino kahit na sa mataas na lipunang ikinabibilangan ni Rizal. Kunga sa ganito pa man, gaano pa kaya kahirap para sa isang ordinaryong Pilipino ang pagkakamit ng sapat na edukasyon. Ngunit sa kabila nito, nagsumikap si Rizal upang ipakita ang kakayahan ng Pilipino at nagsimula pa nga ng eskwelahan nang ipinatapon siya sa Dapitan para sa mga batang Pilipino na nais matuto. 
Ikatlo pang hamon na hinarap ni Rizal ay ang pagpapatibay sa puso ng mga Pilipino at sa pagpapamulat sa mga kasamaan ng mga espanyol. Hindi lamang dahil sa kakulangan sa kaalaman kaya’t mababa ang loob ng mga Pilipino, ngunit pati na rin ang takot at pag-alis sa kanilang nakasanayan buhat na 300 na taon nang nasa ialim ng espansya ang Pilipinas. Sa kabila ng pahirapan na komunikasyon noon at di gaya noon, nagawa ni Jose Rizal na makapagbigay inspirasyon at i-udyok ang mga Pilipino na hangarin ang isang malayng Pilipinas. 
Ang mga hamong hinarap ni Rizal ay nagbigay-daan upang ipamalas ng mga Pilipino ang diwa nitong makabayan. Ito ang nagbukas sa isipan ng mga Pilipino na lumaban at makipagsapalaran upang makamit ang minimithi nitong kalayaan. Ngayon, ito ay inaalala at natatamasa na ng mga Pilipino. May sarili na itong pamahalaang pinagbubuklod sa pagmamahal nito sa bansa. Binigyan ng mga hamon na ito ng pagkakataong magkaroon ng boses ang mga Pilipino na magpahayag ng kanilang sariling opinyon at hinaing. Iba man ang kinakaharap ng mga Pilipino ngayon ay makikita naman na ang diwang makabayan ay mas buhay na buhay ngayon bunga ng pagsisikap ng mga Pilipino na makawala sa pang-aalipin ng Espanyol at ilan pang mananakop nito. Masasabi na ngang dahil dito, ngayon, ang Pilipinas ay hindi na kailanman pasisiil.
Tuaño, P. M. C. (2019). 27th Jose Rizal Memorial Lecture: The challenges of ophthalmic-residency education in the Philippines. https://paojournal.com/article/27th-jose-rizal-memorial-lecture-the-challenges-of-ophthalmic-residency-education-in-the-philippines/#:~:text=Rizal%20and%20the%20socio%2Dpolitical,nationalistic%20fervor%20intensified%20as%20well
0 notes
alexeishostakoff · 4 years
Note
You don't like the white suit!? What!? Okay. Let me rephrase it then, how would Ayo react to seeing Natasha in that leather jacket, on that bike, with her hair half up in braids looking like a damn snacc.
afsgdhejdhj i can’t explain it honestly i just Don’t Vibe W It
but oh my god. ayo would have the same reaction as any other distinguished lesbian would
Tumblr media
5 notes · View notes
namarasstuff · 3 years
Text
Lvl 57
Happy ako kasi mag2ndyr kana sa august ontionti mo na matutupad panagarap mo maging doctor alam ko marami ka pa mapagdadaanan sa med pero lakasan mo lagi loob mo wag ka mag give up isipin mo nalang pag natapos mo na at nakagraduate kana yan yung best gift mo na nabibigay kay tita at for sure sobra sobrang magiging proud sayo si tita. at syempre pati ako ako pinaka unang taong magging proud sayo kahit nga di ka pa MD proud nako sayo eh what more kung nakatapos kana..Gusto ko lang malaman mo na lagi akong proud sayo. sa lahat ng achievements mo malaki man yan or maliit..at nandito lang lagi si jewel na tutulungan ka dadamayan pag may problema ka at pag need mo ng mkakusap or kapag sobrang na pressure kana sa pagaaral or Inaatake ka ng anxiety mo or kahit ano payan.. Tawagin mo lang yung pangalang jewel or only ako yung superhero mo. Kahit dati pa naman haha ako kakampi mo lagi tandaan moyan. Wag ka mainip sakin gusto ko lang magtiwala ka na darating din yung time ko. Na magiging chef ako soon at sana ikaw parin kasama ko pag nakamit ko na pangarap ko madami pako plano para satin.. At gusto ko pang bumawi pag nagkita na tayo sa mga times na tintreat moko.. Sana maging ok natayo pag nagkita natayo nextyear kaya laban Lang kapit Lang malapit na Konting kembot pa makikita kona yung Mahal Kong Zion. Isipin mo nalang chinachallege relasyon natin sabi nga nila nagiging strong yung rs kapag nakaya ang ldr kaya only kapit pa ah iloveyousomuch onlyko😘😘 hanggang ngayon Mahal padin kita di magbabago.ILOVEYOU3000❤
1 note · View note
weaslecake · 4 years
Text
youtube
Ang video ay ipinapakita na merong tao na kaya pang ikalat ang wikang Filipino sa mga kababatang bayan.  Ipinapakita rin kung gaano mahalaga ang wikang filipino sa mga kababayan. Ang wika ay isa sa mga pagtukoy ng aspekto ng ating kultura at ang ating kasaysayan at kung saan sila nararating at nakakasabi din ito sa relasyon nila sa mga ibang bansa na nakaaway o nakapagtulungan nila importante ang filipino sa aatin dahil ito ang parte kung bakit tayo isang Pilipino. Ito ang pagmamalaki ng ating bayan biling isang lungsod. parte ito ng ating buhay, ng ating araw araw, parte ng ating musika. Nagkaroon tayo ng ating sariling linguahe para mapakita natin ang ating kalayaan. Ito ang lipunan na dinulot sa sulat ng mga tao tulad ni jose rizal para hindi natayo matapakan ng ibat ibang tao. dito nagsisimula ang mga buhay natin, kung paano tayo magiisip sa iba para maipakita kung saan tayo nararating. Ang tunog ng wika ay nagunguna sa paggawa ng kultura. At nakaklungot ito na hindi na ito napapansin masyado ng mga kasalukuyang kababayan. Ang wikan Filipino ay merong iba’t-ibang uri, hindi lamang ito basta lamang sa wikang tagalog at natatangi sila sa kani-kanilang rehiyon sa bansang Pilipinas.
3 notes · View notes
Text
Manggagawa -Jose Corazon de Jesus
Tumblr media
Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan; mga apoy ng pawis mong Bakal ay kumikinang tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan. Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw, nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw, si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang, kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay
Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan. Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal, dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.
Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan, at hihinto ang pag-ikot ng mundo pag namatay
Pagsusuri ng Tula - Joshua Emmanuel DC Bulawan
Tumblr media
     Ang tula ay nagbibigay ng kaisipan na ang mga mangagawa ay may likha ng mundo. Sa linyang “pagkat ikaw ang yumari nitong buong kabihasnan”, masasabi natin na lahat ng mga bagay na ating nakikita katulad ng mga gusali, sasakyan, pagkain, kuyernte, atbp ay yari o gawa ng mga iba’t ibang manggagawa na gumagawa ng kanilang mga trabaho. Ang mga mangagawa na ito ay ang humigis ng ating sibilasyon, at lahat ng ating nararanasan at nalalasap ay bunga ng mga sipag at tiyaga ng ating mga manggagawa.
     Ang tula ay nagbibigay ng kaisipan na ang mga mangagawa ay haligi ng isang sibilasasyon. Sa linyang “at hihinto ang pag-ikot ng mundo pag namatay.”, makikita natin na pagnamatay raw ang ating mga mangagawa, hihinto raw ang pag-ikot ng mundo. Makikita natin ang kaisipan na ito na totoo. Sapagkat pag walang mga manggagawa, babagsak ang ekonomiya ng isang bansa sapagkat walang nagtratrabaho. Hindi ito uunlad at lalo lang ito mababaon sa kahirapan. Kaya napakaimportante na pahalagahana natin ang ating mga manggagawa sapagkat sila ay isa sa mga haligi ng ating bansa at ekonomiya.
     Ang tula ay nagbibigay ng kaisipan na dapat sa lahat ng ating mga gagawin o  trabaho ay dapat kalapit ang husay at kalidad. Sa mga linyang “ Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw, nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,”, pinapakita ng mga linyang ito ang mga kayang gawin ng mga manggagawa. Lahat ng mga trabaho at manggagawa ay importante at lahat sila ay may role na ginagampanan dito sa ating lipunan. Kung ikaw ay isang manggagawa at hindi mo pinag-igihan ang iyong trabaho maarin maapekto ang iyong gawa sa buhay ng ibang tao. Katulad ng hindi maayos na pagkagawa ng bahay, maaring malagay sa panganib ang mga buhay ng tao na nakatira sa bahay na iyong ginawa.
Tumblr media
     Kung babasahin ang tula mula simula hanggang dulo. Ang tula ay tungkol lamang sa mga manggagawa. Gustong bigyang ng may akda, ang mga manggagawa ng dakila at papuri na nararapat sa kanila. Ang mensaheng gustong ipariting ng tula ay bigyan ng importansya ang ating mga manggagawa. Ang ang mga manggagawa ay isa sa mga haligi ng ating bansa. Sila ay napakaimportante at napakahalaga, na kung saan pag sila ay nawala, babagsak ang ating ekonomiya. Ang sipag, tiyaga at sakripisyo ng ating mga manggagawa ay dapat bigyang importansya, bigyang salamat at bigyang narararapat na kapalit. Sa tulang ito matutununan natin ang importansya at responsibilidad ng isang manggagawa. Lahat ng trabaho at manggagawa ay may kalapit na responsibilidad. Ang responsibilidad ng isang manggagawa ay gawin ang kanilang mga trabaho ng may husay at kalidad. 
Tumblr media
     Ngayon na panahon ng pandemya makikita mo ang importansya ng mga manggagawa. Ang ating mga bayaning frontliners na nagtratrabaho magdamag para magpaggaling ng kanilang pasyente na naapektuhan ng COVID-19. Ang ating mga sanitary workers na nagtatapon basura at naglilinis ng ating mga kapaligiran. Ang ating mga sales clerks at mga cashier na nagtratrabaho parin sa kanilang mga tindahan sa gitna ng pademya ito. Lahat ng mga manggagawa na nawalan ng trabaho sa pandemyang ito ay naghihirap at walang makain. Kung makahanap man sila ng trabaho, requirement na nakapagtest ng COVID-19 at lumabas na negative ang resulta. Ngunit isang test ay nagkakahalagang  walong libong piso. Kaya imposible na makapagtest sila kaya lalo sila mahihirapang makahanap ng trabaho. Eto ang problema na kinahaharap ng ating bansa ngayon; ang pagkawalang malasakit at importansya sa ating mga mangagawa. Lalo na ngayong pandemya, inuna ng ating gobyerno na ipasara ang ABS-CBN na nagbunga ng malaking kawalan ng trabaho. Ang ating mga medcial practicioners na pagod na trabaho at walang pahinga ay ang kanila pangsinisi kung bakit lalong lumalala ang pandemyang ito. Kailangan ng gobyerno natin na pahalagahan ang ating mga kababayan at bigyan sila tulong at trabaho na nararapat sa kanila. Para sa ikakaunlad ng Pilipinas dapat natin bigyan importansya ang ating mga manggagawa at taasan ang kanilang mga sahod.
2 notes · View notes
tangian · 4 years
Text
5.31.20
Lmao, halos lahat talaga sa workplace e medyo business-minded na. Hindi ka daw kasi ganun talaga yayaman sa work. Medyo gets ko naman na agad ang idea na yan sa tatay ko. Bali work is for survival lang talaga. May instances na mas mataas pa income ng business ng mga workmates ko kesa sa salary mismo.
Ayun lang, kakakungkot lang na yung business nila e hindi relate sa field nila. Partida mga engineers to ha pero online-selling, store, internet shop, ang mga natayo nilang business. Meron pa pagawaan ng kabaong lols.
2 notes · View notes
bookscoffeethenyou · 4 years
Text
Tumblr media
Inspired by CLOY na lockscreen. Pero ang gusto ko talaga pakita is yung 13STEPS lang na nagawa ko the whole day. Is it because di ko lagi hawak phone ko pag natayo o naglalakad ako. Or, hindi talaga ako madalas tumatayo at naglalakad. Work from home pa more. La ka na exercise mel. Nakupo!
2 notes · View notes
robotpiercingtattoo · 4 years
Photo
Tumblr media
Stunning healed shot of a memorial piece by Natayo, based in artwork by a dear friend who passed on. #robotarmy #robotpiercingandtattoo #tattoo #blackwork #ramskull #skulltattoo #memorial #memorialtattoo #darkart #supporartists (at Robot Piercing & Tattoo) https://www.instagram.com/p/CAgngaSBm77/?igshid=z8mimt5janbz
1 note · View note
bungisngislordes · 5 years
Text
Literal na nafall
Naranasan mo na din ba madapa tapos rush hour?
Pota, ako oo, kahapon. 😂
Nadapa ako sa may waiting area, sa tapat ng maraming tao, sa tapat ng mga nagtitinda ng fishball, mais at iba pa, sa tapat ng mga nakapila sa Van papuntang cavite, parañaque, laguna etc., sa tapat ng mga taong araw-araw kong nakakasabay sa waiting area na yun, mga taong posibleng ka-building ko, o katabing building na dinadaanan ko araw-araw.
"Tanga, okay ka lang?" sabi ng tropa ko kasi nag chat ako sa gc namin na, naglaro na naman ako ng tanga tangahan kahapon 😂
Sagot ko 'syempre naman sanay na ko madapa 😂
Daming beses ko na din nadapa mula noon hanggang ngayon, pang ilan na ba to? Lol
Naalala ko nung high school ako. Papunta kami ng mga tropa ko sa bahay ng isang kaibigan namin. At dahil malapit lang yung bahay nila sa school edi tangina tamang lakad lang kami.
May sumusunod samin na dalawang lalaki na kaklase namin na ayaw namin isama, kaya kailangan namin tumakbo tapos magtago. (pota ang sasama ng ugali😂)
Hindi ako makatakbo agad dahil may aso sa harap ko. Hindi napansin ng mga kaibigan ko na naiwan ako. At dahil nahuhuli na ako, binibilisan ko nalang lakad ko.
At sa pagiging aligaga ko, ayun nadapa nga ako, plakda , facedown. HAHAHHAHAHAHAH tanga eh. Nung time na pa naman na yun uso pa yung hindi semento yung kalsada, medyo mabuhangin pa.
Then, tumayo ako na parang walang nangyari, at nung inabutan ko na sila saka ko lang napansin na dami ko palang alikabok/buhangin sa muka at katawan.
'Patulong ako magpagpag beh. Sabi ko sa kanila. Pero pota, tawa pa din sila ng tawa kaya di nila ko natulungan agad. Tapos habang pinapagpagan nila yung damit ko tawang-tawa parin sila sakin mga haup talaga 😂 'til now, pag nagkikita kami napagkukwentuhan parin namin yun tapos nagtatawanan parin kami.
But looking back, 'di ba, that's what friends do? When you stumble, you pick up yourself up, and expect your friends to be there to help you dust yourself off. And nandyan sila para iparemind sayo na 'okay lang yan, tawanan nalang natin.
See? Okay lang madapa paminsan minsan ang importante bumabawi ka at natayo agad kasi may mga tao paring laging nandyan para sayo anumang mangyari madapa ka man ng maraming beses, na sa buhay, lahat naman tayo nadadapa pero ayos lang yon 🙂
8 notes · View notes
masayahingbatapoako · 5 years
Text
Hahaha nakakaranas na ako ulit ng breakdowns lately. Pero nalaban padin ako at natayo kasi ayaw ko makita nila na weak ako! Hahaha FUERTE ako uy.
3 notes · View notes
hidepain-blog1 · 5 years
Text
07_20_19
STALK PARA SAKTAN ANG SARILI. AMP!Matuto na di natayo bata ayos buhay tayo. Ikaw lang love nun.
1 note · View note
acekalix · 3 years
Text
Tumblr media
67 of 365
Happy monday mahal! Sobrang busy today kasi daming tinatapos. Had a meeting today and you too. Sobrang atat akong matapos work ko so that we could have a date. Sobrang saya na makita ka mahal.
Today, you made this channel para mapag uploadan ng mga travel dates natin. Para lang din may mabalikan tayo soon kapag matanda na natayo. ❤️
Nag worry din ako sayo kasi nakita kitang nahihirapan huminga. Sorry na kung di ko alam gagawin ko kasi di pa ko nakaka experience non. Huehue. I hope you’re okay mahal ko. Please stay healthy mahal ko. 🥺
See you tomorrow babe. Last date for the week. Mahal na mahal kita. ❤️
love,
Alas
0 notes
alexeishostakoff · 4 years
Note
Okay but I feel like Ayo and Natalia would find a little something seemingly going on between Okoye and Melina very amusing. Yelena being exasperated with them all kills me tho hahaha.
absolutely!! they’re too Cool™️ to get directly involved shuri style but they’ll watch from a distance and make amused comments and possibly start a betting pool
meanwhile yelena is on the verge of alcoholism while she’s attempting to cope with the fact that all of her friends are being gushy and stupid about it,,,luckily she has niko to be feral and take her mind off things they’re Bros
3 notes · View notes
namarasstuff · 3 years
Text
Sige na vc natayo samahan kita di nako magiingay iloveyou @justacryptonite
0 notes
mahiwagangkuneho · 3 years
Photo
Tumblr media
LRT- 1 cavite extension😃umasa ko nung panahon pa ni pnoy ni poste walang natayo💩💩 duterte lang malakas👊👏 https://www.instagram.com/p/CME6MKhroSA-SnXy_4u85EFIIhV-f3cdkgI1-E0/?igshid=iwico177uvhv
0 notes