Tumgik
#pero at least may nagawa ka naman kahit papaano
mikhaelaoroga-blog · 4 years
Text
Barangay Hall 660 Zone 71 District V
I was given the chance to interview some of th staff in Barangay Hall 660 Zone 71 in Manila.
H: So yung unang tanong ko po is ano po yung mga calamities or hazards na dumaan dito sa barangay?
-          unang una, lately lang yung sunog yung sept, kasi calamities ano naman diba kasama yung sa ano sunog. Nagkaroon kami nung sept 26. so, madami yung nadamay na bahay at nawalan ng tirahan at tapos nun nagsilipatan na kung saan saan. Another one, uhm ano pa, kasama ba yung sa mga--- sa mga traffic or yung mga aksidente? 
H: Hindi po ata
-          yun lang naman. yung lang yung mga calam-- minsan, kapag ano-- kapag---
H: Mga bagyo po ganon? 
-          Meron. Meron din. Ano na, actually wala naman talaga e. Yung mga baha--- hanggang ngayon, hanggang ngayon ano wala pang--- wala namang nasasaktan o naaaksidente sa ngayon kasi maayos naman yung ano natin dito e. Kasi kumbaga binabaha dito e lalo na pag malakas yung ulan. Start ng uhm, kunyare uulan ng umaga hanggang kinabukasan diba usually ganon pag tag-ulan tapos bumabaha na dyan kagaya noong ano ba yung uhhh-- yung bagyo na malakas dati-- si ano--- basta yun. may bagyo na malakas na malakas hanggang sa loob ng bahay yung ibang mga gamit namin na ano na, nasira. Tapos, di na siya magamit. Yun.
H: So yung pangalawa po-- ano po yung mga ibang mga panganib na nakaapekto ng matindi po dito sa----
-          Yun nga. Yung sa- ano.. Ay yung sa ano, sa sunog nga na lately lang kasi nga madami ang nawalan ng bahay tapos uhh yung mga nag--nag uhh mga estudyante lumipat na rin ng mga uhh ng mga matitirhan. Yung mga taga dito talaga medyo napalayo na ng lugar. Ganon talaga yon. 
H: Pano niyo daw po nalalaman pag may parating na halimbawa mga bagyo?
-          Syempre sa ano--- through news tapos may mga nagtetext sa mga cellphone natin na mga uhh yung national disaster risk reduction yun. Nagbibigay sila ng babala o kaya'y nakikinig din sa radyo usually sa tv nanonood tayo. Ganyan. Para malaman natin kung may parating na bagyo o nandyan na yung bagyo o paalis na din yung bagyo.
H: Gaano kadalas daw po nagkakaroon ng mga calamity dito? 
-          Ang-- Ang bagyo talagang ano yan e--- Usually kapa--- ano ba ang-- mga june siguro-- june july august. Ganyan ang bagyo dito e. Pero yung mga --- yung buwan na yun lang hindi naman palagi namang binabagyo dito. Paminsan minsan lang yon, di naman parati. Yung baha din. Saka lang naman babaha kapag malakas yung ulan. Pero pag di naman umulan ng from umaga hanggang kinabukasan, hindi naman siya magbabaha. 
H: So saan, sa area na daw po pinaka matinding napipinsala tuwing merong may mga calamity po? Tas bakit daw po sa tingin niyo na yun yung lugar na pinakamatinding napipinsala?
-          Dito? Wala naman e. Sa totoo lang, wala. pero yung--- ano yun, yung sa pagbaha?
H: Opo yung mga ganon po.
-         Kasi sa mga--- sa mga ano yan e… Sa.. kagaya dyan sa looban, na ano dyan talaga, kasi medyo mababa ang ano nila… Yung… Yung flooring ng kalsada nila so dapat ang kailangan nilang gawin is dyan is dapat pataasan para hindi na magbaha. Mababa kasi diyan e, usually. 
H: So, kung tumama daw po yung mga ganto, sa tingin niyo ano daw po yung… hi—sino dito yung pinaka mapipinsala?
-         Yung mga l-l-lugar na ano… Sa place na kagaya dyan sa looban, sila ang apektado kasi nga uhh sila yung mababa ang ano… mababa ang lugar pero kung mapataasan na yan, hindi na siguro magbaba. Saka kasi minsan, ano rin yan.. Nagbabara din kasi sa kapabayaan din ng mismong naninirahan sa loob, diba? Kunyare, alam na nga nilang barado na hindi pa nila gawan ng paraan. Dapat ano… Ayusin. Yun ang pinaka mabuti.
H: Ano daw po yung epekto ng mga sakuna na to sa tao like pangkabuhayan daw po? Sa lipunan?
-         Yun. Unang una, may ano… Mayroong mga business dito. Kagaya nung nagkaroon kami ng sunog, nawalan ng business yung mga… kunyare yung sa uhm, computer shop… nasunog yon… Yung sa mga grocery, mga mineral water--- water station, mga karinderia. Yan… Syempre nawalan ng ikabubuhay yung mga tao kaya ang ginawa… um—ano na lang… yung iba umuwi ng probinsya tapos yung iba pumunta sa kamag-anak… like, pag ditto, meron silang kinikita kahit papaano kaso nga, nasunog. So, wala silang ano ikinabubuhay ngayon.
H: So, saan daw po yung pinaka ligtas na lugar sa--- dito po?
-         Incase na may pagbaha? Paglindol?
H: opo
-         Doon sa ano… sa TUP… or hindi, pag may ano…sa mga ch--- sa Intramuros… Pwede doon kapag may lindol… Golf course sa may Intramuros.
H: Saan naman daw po yung pinaka delikado?
-         Kahit saan naman e. Delikado kung halimbawa, di natin alam e kung saan ang ano talaga… Saan ang lugar na tatamaan so, hindi natin malalaman kung saan talaga ang pinaka delikado.
H: Ano daw po yung mga problema na kinakaharap ngayon ng barangay… Na humahadlang daw sa pagunlad ng pamayanan?
-         Ano ba…
H: In terms of mga calamities na po… Ganon..
-         Parang ano naman… Sa… Yun na nga, kasi naka-focus tayo sa sunog e. Yun lang talaga ang ano… Kumbaga, napakaraming mga… Mga taong nawalan ng ikinabubuhay… Mga ano… Bahay… Nawalan sila… So, i---alam ko yun lang naman e… Yun lang… Sa s-sunog lang talaga usually ang nakaapekto sa mga tao dito sa atin…
H: So, ano… anu-ano naman daw po yung mga ginagawa ng pamayanan at barangay sa pag-iwas ng mga ganto?
-         Sa totoo lang, ano… Ang kailangan dyan ano… Uhh… maging ano… aware sa mga nangyayari sa paligid. Kagaya nyan, kapag may mga alam na may padating na mga bagyo, alam na may padating na paglindol… Ano… I-safe--- i-safety na natin yung sarili natin… Kung papaano… uhh… tayo makaka-iwas incase na yung mga untoward incident na nangyayari---mangyayari e… at least aware tayo kung ano ang dapat nating gawin… ihanda na natin yung mga bagay na pupwede nating magamit incase na may mga emergency situations na hindi natin alam. So, yan. Usually, ang kailangan natin ang mga gamit na… yung mga pito… yung mga… ano ba pa… yung mga medicine, yung mga … mga pagkain… yan. U—usually ang mga hindi naman ano e yung mga canned goods na at least meron na… meron sa bahay kagaya pag may bagyo, di ka makalabas kasi nga malakas ang hangin, tapos ano… bumabaha. Mag uhh--- mag-stock ka na ng mga pagkain doon sa bahay para m-meron kang makain o meron kang magamit incase na dumating man yung time na yun.
H: So, meron daw po bang sariling plano yung barangay sa pag prepare po ng—twing may
-         Training. Training. Barangay uh—training or seminar kagaya ng… Ano ba yung mga nagawa ng barangay namin… yung, nagi-invite kami ng mga taga--- kagaya sa uhm… yung mga… staff ng mga… sa mga… fire… nagkaroon kami ng fire drill ganyan. Fire drill, tapos earthquake drill. Ngayon, nagi-invite kami ng mga speakers para malaman kung ano yung dapat naming gawin. Kumbaga nag-aano sila e… nag-a-uhh… na---nagbibigay sila ng sample kunyare kung papaano ka humawak ng fire extinguisher. Kung ano yung dapat mong gawin incase na may sunog, incase na may baha, ano yung dapat mo—yung drop c--- ano ba yun… drop, cover and hold ba yung tawag dun o kung ano yung--- halimbawa yun ay earthquake o umano ka sa---- para maging safe ka diba. May mga staff na bumababa ditto sa barangay para magturo ng dapat gawin.
H: Sa ngayon daw po, ano yung mga prog-programa or sistema, gamit/pasilidad o kakayahang meron ang barangay na makakatulong sa mga tao na makabangon po twing may calamity?
-         Ano… Unang una meron kaming mga emergency kit mga… Meron kaming mga… Yung magagamit… Yung mga… Blood pressure… Yung ano pa ba? Yung mga… Yung mga medicine, met-mmmm… mga medical kit. Ano pa? Mga gamot tapos uhh.. ano pa ba yon? Meron din naman kaming… yung patrol… barangay patrol incase na may mangyari man sa isang constituent samin, maitatakbo naming sa ospital na pinaka malapit… uhh… ano pa… yun nga, yung nga… meron din kaming mga bota, meron kaming mga pito, meron kaming mga flashlights. Ano pa ba… mga … me—may two-way radio kami or three-way radio kami na yung mga tanod… kasi kapag… kapag ano yan, madaling araw, umiikot yan. So… sa iba’t ibang… naka-ano kasi sila… naka-designate kung saang lugar sila. Kunyare sa street ng Silvia, meron dyan. Sa street ng Mercedes, merong tanod din so, umiikot sila. Para hindi tayo magkaroon ng…. uhh…. P-para hindi tayo--- para magkaroon tayo ng--- kumbaga… uhh… anong… ano bang term yung naging uhh---safety tayo.
H: Sino naman daw po yung mga taong namamahala sa paghanda ng mga gantong kalamidad?
-         Yung nas—yung unang una, yung mga uhh… ano dyan, incharge dyan. Yung unang una nga ay yung mga uhh… Sa mga fire bureau tapos sa mga… sa earthquake naman… Mayroong kanya-kanyang ano yan… designation sila. Sa fire meron, tapos meron naman din sa… sa mga earthquake, meron din so, sa susunod naman, kami naman, barangay. So sila naman bababa sa barangay, kami naman sa barangay , so kami ang mag—uh… magrerelay ng message galing sa… kunyare manila barangay bureau kasi yan yung ano namin e… Dyan kami… yan yung mga offices na pupuntahan naming. Manila barangay bureau… uhh… DILG, Department of Interior for local---and Local Government, tapos yung mga… uhh… yun nga sa bureau of fire, tapos yun din sa mga staff nila sa earthquake drill… Marami.. uh tapos din sa cleanliness din meron din. Ayun.
H: So, yun lang po lahat. Yun lang po lahat.
-         Oh, okay na?
H: Okay na po. Papapicture
-         Oo sige.
Tumblr media
1 note · View note
pxsyel · 4 years
Text
hindi ko alam paano ako magsi-simula, kasi sa tuwing ini-isip ko ang mga bagay na nagawa ko dati, di ko talaga maiwasang ma-isip na;
sana di ko ginawa yun para ok na lang lahat, bakit ko nagawa ang mga bagay na alam ko namang mga mali pero pinag-patuloy ko pa rin, bakit di ko na lang ipinag-patuloy yung dapat ituloy e di sana iba-iba yung takbo ng buhay ko, buhay ng pamilya ko, buhay ng mga taong nakapaligid sa akin noon, na sana, di ko na lang ginawa para di na ako umabot sa gan’tong point na, “hindi ko na yata kaya”.
i have realised and felt so much, sa totoo lang. napaka-laki ng pinagbago ng sa sarili ko kahit hindi napapansin ng iba; well, i have changed kahit papaano (well, i guess a lot). kung gaya dati na my life was an open book, ngayon, i can tell u my story but not all the chapters. kung gaya dati na i can laugh, share thoughts, tell everything what’s on my mind, ngayon, piling-piling mga tao na lang at kung minsan, magsasabi ako pero not detailed— “oo, basta ganon. hehe ok lang ako”, kahit hindi.
siguro, i became matured. i mean, naisip ko, mabuti pala na nakagawa ako ng mga mali—
kasi dun ko nakita at naramdaman sino at kanino ako lalapit. sino yung na’dyan para makinig. sino yung di basta makikinig lang kundi iintindihin yung mga sinasabi ng utak at puso ko. sino yung mapapagkatiwalaan. sino yung tatawa, malulungkot, mae-excite, at sino yung matutuwa na nagsasabi ako sa kanya/kanila ng problema man o good news na nangyari at mangyayari pa lang sa akin. simple man o mabigat na bagay, nauunawaan ako; na nakagawa man ako ng mga mali noon, di yun hadlang para di ako intindihin ngayon. hindi tumitingin sa nakaraan ko kasi mas importante ano ako ngayon. na hindi ako sinusumbatan na kesyo nakagawa ako ng mga mali noon ay magagawa at gagawin ko ulit ngayon. na kahit nakagawa ako ng mga mali noon, hindi ibig sabihin na hindi ko na deserve magbago, na unawain kung ano at sino ako dahil nagawa ko ang mga bagay na yun, na di na ako magiging ako gaya ng dati.
siguro nga di ko deserve talaga na mahalin ulit gaya ng pagmamahal na naranasan ko sa mga taong kilala at nakasama ako noon. kasi dati, halos maging konsehela ako dahil i had so many friends when it comes to good times yet no one when i had a problem. masakit, but that’s the reality.
i know there were a few; ako lang ang lumayo. i decided to be silent for me to know who would be there for me. and because of that, nalaman ko sinu-sino ang mga taong kakausapin ako & and i am super thankful to those people. at least, aside from my family, meron pa ring ilang na’dyan, but not all the time. #realitycheck
masaya ako, kasi matagal na process to but still, i am here, breathing. i mean, i do know that i still have an unifinished job in this world kaya andito pa rin ako. masaya ako kasi kahit papaano, ramdam ko sa sarili ko na malaki ang pinagbago ko.
minsan lang, naiisip ko;
bakit nung ako ang gumawa ng mali, halos talikuran ako ng lahat. tanong ko lang, di mo/nyo ga nagawa yung mga bagay na nagawa ko noon? i mean, yes, maliit na bagay man o malaki, mali pa rin, tama? it was a big deal when i did a thing. bakit, wala ga kayong nilabag sa buong buhay mo/nyo? hehe. pare-parehas naman tayong nakakagawa ng mga mali, iba lang yung pag-interpret at approach natin kaya lumalabas madalas na parang krimen ang outcome; na yung taong nakagawa ng mali ay wala ng karapatang magbago kasi ilang beses niyang nagawa ang mga bagay na mali sa mga mata natin, na di na deserve ng taong yun na maging sya ulit after all. yes, nakakagawa ng mali... pero, nakakagawa din ng mabuti.
why we always put the bad things on top of the good ones? sa bagay, bad things are more likely to remember rather than good.
we all have a bad thing inside our body & soul. lahat naman nakakagawa ng mali, intensyon man o hindi. alam ko sa sarili ko na nagkamali ako noon & i am still trying to be better— one step at a time. it’s been 4 years... tagal nang lumalaban.
i am proud that even i have a silent battle up until now, natuto akong labanan ang sarili kong ako. thank you michelle, michay, pisyel, chi-che, mikay, mish— YOU ARE STRONG, BRAVE, and BLESSED. nakagawa ka ng mali but that doesn’t mean YOU ARE LESS OF A PERSON. you deserve everything in this world just like the other people. iba ka, iba sya, iba-iba tayo.
every person has a battle, lahat may kwentong dapat nauunawaan, naiintindihan.
not my photo, credits to the owner. 🌻✨
Tumblr media
0 notes
simplymiles · 6 years
Text
F R I E N D S
After the most heartbreaking week of my life, I finally had the chance to go back to Marikina for the weekend for work, to unwind, to be with the Mister and to chill with my friends. I usually post about the Mister, pero on this post, I want to talk about my friends and how special they are to me and how important of a role they are in my life. I don’t have that many people in my life, I have an intimate circle of friends that I usually run to … they are the people who I am most comfortable with, who knows all my failures and successes, who have been with me through thick and thin and thinnest … I don’t have a lot of friends but the friends I have now are the most amazing people I know. They are more than enough for me and I couldn’t ask for anything more.
First off …
My Sabado Nights Crew
Tumblr media
Etong group na to, consists of friends from our crew yung (Kamoplogz - consists of an all guy-group with one barako - ME!) Pero after so many years, nagkaron kami ng sari-sariling pamilya, may iba’t-ibang mga trip na din … kaya bihira na talaga magkita-kita. Dumating ako sa point ng buhay ko na hindi ko na kaya i-contain yung problema (last year yun) .. ako kasi sinasarili ko yung problema ko, hangga’t kaya ko hinding-hindi ako mang-aabala ng ibang tao, pero last year, iba .. sobrang nalugmok ako, sobrang baon na baon sa problema. Isang Sabado, hindi ko na kinaya … nagyaya lang ako lumabas .. at itong mga taong ‘to since last year yung mga nakasama ko! Hanggang sa nabuo na yung tradition na every Saturday na kami lumalabas, para mag-unwind, para mag-chill! Hindi talaga nawawala .. kaya naging Sabado Nights Crew.. Kahit magdagdag man kami ng mga kasama every Saturday, basta itong mga to, hindi nawawala. Laging good vibes, good laughs, good times pag sila yung kasama ko! Hanggang sa yung pagkakaibigan namin, mas lumalim, pero tuwing Sabado lang talaga kami nakakapag-chill lahat! Sobrang biglaan pero sabi nga nila, yung mga bagay or tao na hindi mo ineexpect, sila pa yung mga tao na laging nanjan para sayo! Nasubukan ko na din ‘tong mga to na hindi ko lang nakasama sa saya, pero sa lungkot! Nung nawala si Mama, nakakatuwa .. coincidentally, Sabado din sila pumunta. Sobrang thankful ako sa mga ‘to .. we were all friends before .. when we were younger, pero sobrang naging iba lang yung bonding nung mga nagsitanda na kami. Sila yung mga tao na kapag kasama mo mawawala talaga problema mo, ang sarap lang na may samahan na ganito! Ngayon, nagsa- Sabado nights pa din sila kahit wala ako, pero kasama pa din ako pag umuuwi ako! Those are my peeps. My Sabado Nights Crew.
Next …
The Lovesss (The Girlfriends)
Tumblr media
I had girl friends in the past … pero usually it never works out kasi once na they are in a relationship, they tend to forget about you. Isa lang na girl friend ang nakasama ko ng matagal (pero I’ll talk about her later). I was never really into girl friends kasi una sa lahat, hindi ako makarelate. Hindi kasi ako yung tipo na girly-girl. Hindi ako maporma, hindi ako mahilig mag make up, hindi ako mahilig sa girl talks .. wala ka maasahan sa akin na pagkababae whatsoever! hahaha .. I’m the kind of person who’s always around guys, since highschool ganyan na ko. I am always into sports, guy stuff, guy talks .. I could relate more to them than girls .. di ko alam kung bakit basta ganun lang ako! Pero I never knew how great it was to have girl friends until I met these two. Matatagal na kami magkaka kilala pero ngayon lang kami naging close, kasi the fault was mine. I never really gave them a chance. I never really grabbed the opportunity to get to know them. Basta ayan sila, konting “hi” lang okay na yun! Pero yung usap-usap .. waley! Pero these two .. I met my match! Ubod ng mga lakas mag trip at masarap kausap! Usually pag girls ang kausap ko medyo na out-of-place ako. Pero pag sila, we could talk all night, actually umaabot minsan ng 5am! Salamat sa kanilang dalawa kasi kahit papaano may natatakbuhan na ko pag may “guy problems” LOL! Dahil sa kanila, may napagsasabihan ako ng mga moodswings ko, ng mga problema na pangbabae na meron naman din pala ako! They are the sweetest and these two, I know always have my back! Alam ko na they protect me and they listen to me and they empathize with me. I’m just grateful for these two loves of mine. Alam ko yan dahil napatunayan ko na rin yung friendship nila. Marami din kasi minsan na babae na mabilis naniniwala sa chismis. This person was spreading rumors about me kasi, I didn’t care pero people chose to listen to this person who thought she knew the real me and what my life is. Maraming naniwala, marami din mga tao na hindi na ko kinakausap kahit na matagal na nila akong kakilala … pero itong dalawang ‘to, pinagtanggol ako. They didn’t listen. They knew me. And I was surprised na hindi sila naniwala sa taong yun, kahit na last year pa lang kami naging close, compared to the people who believed and were manipulated by this person. Ang tagal na nila ako kakilala pero they wala manlang sa kanila yung nag-think twice about me. Pero these two didn’t have to think twice. Alam nila agad, yung rumors were stopped because binara nilang dalawa and I couldn’t thank them enough! I didn’t have to say anything, kasi may two lovess ako na pinagtanggol ako and that is a big deal to me. Kasi bihira lang mangyari sa akin yun! Kaya I’m super thankful for these two. Up to now we are good friends, great friends! And I am more than grateful because I’ve met them. So that’s them. Them girls. My loves.
And of course, last but not the least … ang pinaka matatalik kong kaibigan ..
My Core - Kat & Choie
Tumblr media
Sila na siguro yung mga tao na kaibigan ko hanggang sa pagtanda. I seriously see myself growing old with these two. Yung tipong kahit na old and grey na kami, gumigimik pa din kami, lumalabas para mag-footrip, kwentuhang walang hanggan under the stars .. yung mga tipong ganun. Sila yung mga tao na nakasama ko through hell and back. Yung mga tao na hindi ko lang kasama sa saya pero sa lahat ata ng nangyari sa buhay ko, walang time na hindi ko sila nakakasama. Dumating yung time sa friendship namin (apat kasi kami, kasama talaga si Eymard jan pero given na yun … focus muna ako sa kanila dalawa! hahaha) yung muntik na kami nagkawatak-watak. Maraming pagsubok yung pinagdaanan ng samahan namin pero grabe, sobrang grateful ako dahil hanggang ngayon, magkakaibigan pa din kami. Dumating yung time na nagkasolo-solo trip kami. Pero naging maganda naman yung outcome kasi na-discover namin yung personal strengths, weakness, personal trips … kung magkakasama siguro kami at hindi kami nagkahiwa-hiwalay hindi kami uunlad, hindi namin madidiscover yung mga own voice namin. Gumagana na lang kami as a group pero di na nagfufunction yung own personality namin. Na-discover namin yung mga hilig namin at nagawa namin lahat ng ‘yun! Nagkakausap lang kami minsan sa chat, pero dumating yung time na nagkayayaan kami na magkita-kita last year. Medyo may kaba kasi iniisip ko na baka may nagbago, baka mamaya hindi na kami pare-pareho ng mga trip, baka mamaya hindi na kami magkasundo .. pero nung nagkita-kita na kami .. parang wala pa din pinagbago (mejo upgraded lang kami kasi may budget na kami pang gimik, unlike before! hahahaha) pero ganun pa din .. .makulit .. makwento .. kung ano kami bago maghiwa-hiwalay .. ganun pa din! Merong mga changes, pero for the better .. pero ang pinakamaganda .. mahal namin isa’t-isa bilang magkakaibigan! Yung samahan namin is stronger than blood. Nung time na mejo malapit na mawala si Mama, these two dropped everything to be with my family. Kaso the weather didn’t permit for them to be with us, dahil binagyo sila .. pero yung thought na wala ng second thoughts, basta pupunta sila sa amin to be with us, to comfort us, to be of help to me and my family ...  it’s more than I could every ask or hope for. I am also thankful kasi mahal nila yung mga magulang ko, mahal nila yung mga anak ko, mahal nila yung family ko. Hindi ko alam kung paano pa magpapasalamat sa kanila sa mga ginawa nila sa akin. Lalo na nung mga times na hirap na hirap ako, yung mga single mommy moments. Instant baby sitter sila. Kahit topakin si Bailey, kabisado na nila yung ugali. They love her like she was their own. Ganun din si Gab. I am overwhelmed by their undeniable love and support towards me and my family. Iba kasi yung mga kaibigan na nakakasama mo lang e, pero yung mga kaibigan na tulad nila na may concern din sa mga taong mahal mo .. ibang level talaga yun! Kaya to you, @kayceedashchoie and @kip I am more than grateful for the both of you. Tandaan nyo lagi na yung success ko, success nyo din. Lagi kayong kasama dun. I owe a part of my life to the both of you. Thank you for putting up with me, lalo na nung mga panahon na sobrang sirang-sira yung buhay ko, pero you never judged me. You never condemned me, but instead, you guys showed your utmost love and respect for me. I want you guys to know that you have my loyalty. I always got your backs. I will always be an “Ate” (kahit na ako yung lagi nyong bini-B.I.) hahahaha .. Thank you for everything. Alam ko may darating na blessing sa akin, at gusto ko na maging part kayo ng blessing na yun. Salamat kasi .. ang dami natin magkakaibigan nun, sobrang gulo nun, pero tayo matatag pa din tayo! I respect you guys and I support you guys kung ano man yung mga trip nyo at pangarap nyo. Maraming salamat! Bihira lang ako magpasalamat sa inyo, kaya nilubos-lubos ko na! I love you both very much! Pranjetto for life! (hahahahhaa)
 … so that ends my blog. I just really really really wanted to say thank you to my friends and tell ‘em I love them and that I appreciate everything that they do and what they have done for me. You guys are a blessing to me. THANK YOU!
-end- ‘til my next blog!
2 notes · View notes
aryz02-blog · 4 years
Text
BLEPP 2019 Journey
I failed to enter my dream university and entered one that I didn’t even know that exists during that time. I failed to enter BS Accountancy (I was just one point away to get in pero di ko na rin pinilit kasi di ko naman gusto). I don’t even have a course that I think I’m passionate about. I took BS Psychology because I heard na may board exam to. Yun lang.
I found myself bored in some subjects, confused why do we even need those minor ones and struggling with math (na akala ko wala!!). I gained friends na nakasama kong tumawa, manlait at mainis. I met someone who became important to me. I learned how to like my chosen course but I was still never passionate about it.
I started reading by April 2019. Wala akong foundation sa dalawang subject (I/O and Psychological Assessment), I thought hindi ko yun maiintindihan so I told to myself na sa review center ko na lang iaasa yon. Thankfully the review center offers a discount for those who graduated with honors! Naisip ko kasing baka di afford ni Mama so nagdadalawang isip ako noon.
With my friend, Chi, we started our review there noong June. They gave us a diagnostic exam agad-agad!! It’s a good thing that I have a friend na kasama sa pagre-review. We ask each other some questions, lift each other up when we’re feeling down and wake the other kapag nasosobrahan na sa idlip. 
Luminaw lahat ng concepts noong tinuro na sa review center. Tumibay lalo ang foundation ko sa TOP at Psychological Assessment (I even made it to the top during the drills!). Hindi naman pala mahirap kapag binasa mo na at nabigyan ka ng insights tungkol doon. The take home drills were also helpful. Sobrang hirap pa nga minsan, eh. 
Some lecturers were remarkable. Sir Soliman and Ma’am Yeng sa TOP, sa kanila ako nilakasan ng loob. Ang dami nilang chika and comments about the theories and theorists which made the subject more interesting. Sir Kliatchko and Ma’am Daniela for Psych Assessment, sila yung nagpa-easy non! Upon reading Cohen’s and Kaplan’s book, kahit papaano dumali siya sa paningin ko. Sila yung nagpawala ng kaba ko sa subject na yon. Sir Campos naman for further explaining about the different views and disorders sa Abnormal Psychology. Sir Montano and Sir Gian for explaining all of it!!!
One week before the boards, kabado na ako kasi pakiramdam ko I need more days pa. I was re-reading psych assessment and TOP. Gusto kong maiyak kasi minsan parang hindi pa rin pumapasok sa utak ko yung concepts. My friends kept on messaging me. Minsan pa nga natatawa ako kasi medyo feel ko na confident ako. Noong lumabas na yung room assignments, parang sinampal na naman ako bigla ng anxiety. I confessed to my mother that I don’t feel like I am ready. Ayokong umasa siya sa akin. 
On the first day of boards, I arrived at the testing site by 5:30 am. Ang dami na agad na naka-white uniform na nakalinya sa labas. Hanggang sa makapasok ako sa loob, di nawala yung kaba ko but still, nagawa ko pa ring umidlip. Ang aga ko kayang nagising! When the test papers were given, hindi muna ako nagsagot agad. I prayed first before answering. Ganon lagi ang ginagawa ko.
On the second day, mukhang pagod ang lahat but we still managed to read our notes. I finished I/O within an hour kasi I don’t feel well. Medyo kabado ako noon kasi nga I don’t remember reading some of the test items sa librong binasa ko. I kept on computing how many unsure answers I have. Dapat kasi at least 65 or 70 correct answers ang mayroon ako to pass. In psych assessment naman, dapat at least 110 correct answers.
Waiting for the results was painful. I was very anxious, sa tuwing hihiga ako, napapaisip ako sa mga sagot ko. I treated the examination like a drill kasi! Mas mahirap ang drills noong nagrereview ako sa totoo lang but the examination contained items I didn’t know and super nakakalitong mga tanong. 
Supposedly, November 4 dapat yung release ng results. Umaga pa lang di na ako mapakali. Ang dami ring naghihintay. I even cried kasi iniisip ko na baka di ako pasado! Noong gumabi na at wala pa rin, I gave up. Naubos na rin yata ang energy ko sa paghihintay so I just slept. When I remembered my notes and everything that was posted in my room..
Tumblr media Tumblr media
I thought that I deserve to pass!! 
Mahimbing lang yung tulog ko then at 3 in the morning I heard the continuous notifications in my phone kaya tinignan ko yon. Feeling a little groggy, I looked at it and saw my friends’ messages. They congratulated us!! Bigla akong nabuhayan don so I looked it up dahil hindi pa rin ako makapaniwala! Medyo weird pa nga dahil di ako makaramdam ng kaba habang nagscroll. When I saw my name, I felt relief! I passed!! My friend and I passed!! Agad kong sinabi iyon kay Mama, she was just chill noong nalaman niya like she expected it.
I thanked my friends for looking it up for us. At agad ko ring binalitaan si Chi that we passed the boards!! 
It wasn’t a rough journey for me sa totoo lang. I just struggled in trying to master the theories, concepts, the normal curve, the proponents of different things, the clinical descriptions of every disorder and many other things! (Which I think eh normal lang na pagdaanan ng isang taong nagrereview) I can say that I am lucky to have the resources that I needed especially the time. I thanked God for another blessing that he had given to me. 
0 notes
xeokai · 5 years
Text
Yun na.
Ngayon nasabi ko na pwede ako nalang. Hindi naman sa natatakot ako pero parang ganon na nga. Baka tuluyan nang mawala ang taong ito. Baka naman mawala na yung kung ano meron ngayon. Pero higit sa lahat nangingibabaw yung, sige lang at least nagawa mong masabi yung bagay na kinatatakutan mong sabihin. Pero hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Pabiro siguro. Kasi nga may tama na. Baka sakali na mawala na. Pero potek hindi nga makatingin sa kanya habang sinasabi yun. Hahaha. Oo, nakakaba. Pero higit sa lahat nakakatawa ka.
Isipin mo yun. Kung hindi mo nasabi yun. Kelan mo kaya gagawin yun? Kahit na masakit malaman na hindi ka priority niya pero baka lang naman ikaw pa din. Yun yung mahirap eh. Baka ikaw pa din. Tapos sasabihin mo na ikaw nalang sana. Gago ka ba? Eh lalo mo pang binigyan ng problema yung tao. Akala ko supportive lang tayo sa kanya. Bawal assertive! Hindi yun pwede. Kaya sa ngayon matuwa ka na to the fact na at least nagawa mong kahit papaano masabi na pwede ako nalang mulit uli.
Pero naiintindihan mo naman yung sinabi niyang rason kagabi at kung ano yung gusto niyang situation. Kaya huwag mong ipagdamot sa kanya ang bagay na alam mo na magpapasaya sa kanya. Pinagdaanan mo yun, alalay lang sa kanya. Para mas maramdaman niya na ang saya ng buhay na (sana kasama ka) charot.
Basta yun yun. Alam ko na alam mo yung point niya. Kaya huwag ano sa kanya. Bruha ka kung maka ano to. Bakit mo naman sinabi na triggered kay jiji (nakikigamit haha). Hayaan mo lang. Dadaan lang yan. (Sisiguraduhin natin na dadaan lang) di joke.
Pero yung nanay niya sa antipolo at yung maria ko sa simala. Sana magkatugma. Hindi ko naman sinasabi na pwede ikaw nalang at ako. Pero pang ganon na nga.
At still ang makasama siya. Isipin mo yun. Dati iniiyak mo lang yung thought na yun pero ngayon nagkakatotoo na. Bruha swerte mo ah. Isang taon mahigit. Wala yan sa iksi or haba ng taon. Nasa consistency yan ng dedikasyon.
Pero yung kay kuya timoy. Oo, yung pinabasa sayo. Girl! Kung pwede lang magdrama nun. Sakit sa puso at sa puson habang binabasa yun. Alam mo yung dedication nung tao. Pero, kaso ang tigas ng ulo nung si ate doc. (Tigas nung ulo nila eh) mana din daw kasi haha. Di joke lang po yun. Pero alam mo yun. Agree ka sa kanya na ang sarao batukan. Parang ikaw din sarap batukan. Baka naman may plano pa tayo jan haha.
Tapos magkwento pa yung kay clyde at si bebe girl niya. Siz! Hindi ko naman sinasabi na parehaa tayo nung pinagdadaanan. Pero baka lang naman gusto mo ganon din mangyari hahaha. Baka gusto mo magpakwento kay clyde or kay ate girl kung ano nangyari. Baka naman may mangyari. Hindi naman sa sinasabi ko na parehas sila at tayo ng sitwasyon pero baka lang naman nagkaparehas talaga.
Yung I'm drunk I love you. Kung saan yung guy sa ex pa din niya bumalik. Bes! Ilang beses na yung I'm and I still love you. Ilang events na nasabi ko yun. Potek hanggang samar baka makilala na din si B hahaha. Joje lang tho. Pero yung movie na yun. Kawawa yung kaibigan. Pero hats off sa lalake at sa babae na sa kabila nang lahat sila pa din. Pero nung napanood ko yun. Potek third wheel ako. Tapos nakekerelate ako sa situation ni guy. Possible naman na mangyari. Sobra. Like sana mangyari. Pero kapag third wheel ka sine series wala talaga. Appreciate nalang lahat hahahahaha.
Disclaimer lang ha. Ito pawang kathang isip lamang ng isang tao na hindi alam kung bakit nagising ng maaga at hindi makatulog.
At yun din nagkaroon ulit siya nung moments na magigising ng dahil sa masamang panaginip or masamang alaala. Bes. Yun ang tutukan mo. Tulungan mo. Ang hirap nun. Kahit hindi mo alam gagawin. Makinig ka lang. Kailangan lang niya ng makakasama at makakausap. Yun lang sapat na. Huwag mo na dagdagan pa.
Pero ito lang talaga.
Wherever you are, however I am. I will always love you. Deo Gratias.
0 notes
Text
Let me share my thoughts...
Hi! This is ckaichen. Let me just share some of my experienced in this industry from March 2014 to present. During this three years and two months, I already have four solo books and one anthology with my fellow writers under Life Is Beautiful or LIB. Before, I only want to have my book published just for a day. Yes, kahit isang araw lang. Makita ko lang siyang katabi ng paborito kong author na si Sonia Francesca, that will be enough for me. Who would have thought na hindi lang ito isa, kundi marami? No one. Not even me. Honestly, during the time na naging exclusive writer ako under LIB. Hindi pa masyadong mahigpit ang pagkuha ng mga publisher sa mga story. I mean, the others already have theirs, pero may iba pa rin na kahit nasa 1K reads lang ang story mo basta naging interesado sila, kukunin nila. Pero syempre, may pagkakataon pa rin na lamang sa iyo ang mga sikat. Yes, given `yon, but it’s not hard to get in. Unlike nowadays, you need ganitong reads or you need at least ganitong followers. It’s tough. Ngayon, nagpasa na ako sa tatlong publisher. Summit (hahahaha!), walang reply. Psicom, mga after a year pa raw bago nila mabasa. Lifebooks, idk what the case here. Hahahah! Hindi ako nakakakuha ng solid reply rito. Siguro kung kilala ako or may M reads ang pinasa ko sa kanila, they will show some interest in my works. Siguro. Even though, may lima na akong published work, it’s still not enough nowadays. Hirap makipag-compete. Hindi ka pa nga nakakalaban, talo ka na. Some of my friends told me to include the fact na published author na ako, but hesitant akong gawin. Yes, may benefit `yun. Pero for me, gusto kong makuha `yung gawa ko because of the story and not because I already have published works or I have thousands of followers/reads. Masyado akong idealistic. Kahit alam ko `yung process ngayon, iba pa rin akong mag-isip. Hahahah! I hate it kapag nagpasa ako then ang tanong kaagad sa iyo ay, “Ilan na ang reads nito?” Nawawalan na ako ng gana kapag ganiyan. Masasabi ko na lang, “Oo nga pala, `yun nga pala basehan sa ngayon.” Hahahahah! First time kong na-meet `yung mga co-writer ko sa LIB, ang pinakukuwentuhan nila dami ng reads ng story nila. `Yung bilang mg reads ng nakuha sa kanila ng LIB that time. They are talking about hundred thousands and millions of reads. And I’m in the corner thinking like, “What the hell am I doing here?” I can’t even open my mouth para sabihin kung ilang reads ang story ko. Nanliit ako that time. Hahahaha! Pero pag-uwi ko, sabi ng kapatid ko. “Dapat nga maging proud ka! `Yung sa iyo walang madaming reads pero nakuha.” Doon ko na-realize na, oo nga. I should be proud. Kasi `di ko kailangan ng madaming reads. Lakas-lakasan ng loob, mga bes. Tumaas ng kaunti ang self-confidence. Hahahah! `Yung time na nalabas `yung first published book ko, that was the hardest time for me. He’s A She that time may 2K reads lang siya. So, ang daming message na, “Paano ka nakapag-published, e, ang kaunti ng reads mo?” or “Hindi worth it `yan kasi mababa lang reads.” Sakit, dude. Daming message na dini-degrade nila ako as a writer. Parang sinasabi nila na wala akong karapatan dahil hindi ako sikat at mababa ang reads ko. Hahahahah! Pero I ignore them. Sabi ko sa sarili ko, “Papatunayan ko na makakaya ko `tong pinasok ko. Darating `yung time na, magsisisi kayo dahil sinabi n'yo `yan sa akin.” Lumakas lalo loob ko dahil dami kong nakuhang feedback doon sa mga bumili na nagustuhan nila `yung story. Even `yung mga editor nagustuhan daw nila. Nilalamon na ako ng motivation. Sulat lang nang sulat. Pasa nang pasa. Push lang nang push! Ganern! Hahahaha! `Yung mga napasa kong sumunod, wala pang 1K reads, pero na-approve. I got nice feedback din doon sa editor noong na-meet ko siya sa isa sa mga booksigning na na-attend-an ko. Na-challenge ko `yung sarili ko that time. Na-boost `yung confidence ko. Mas lalo akong nagkaroon ng reason para i-ignore `yung mga hate message. My second book came a few months after the first. I didn’t expect na masusundan kaagad. Kasi around this time, nagkakaroon na ng kaunting issues. `Yung from mga sikat na ang nilalabas. Basta maraming issue. Akala ko hindi pa magkakaroon ulit ng panibago. So, when Heartbreaker(.)com was released, hello haters ulit. As usual, dahil hindi naman nga ako sikat, nasa 2K or 3K reads lang ito noong lumabas na. `Ayan na naman sila. Paano at bakit na tanong. Iiyak na ulit ako. Daming hate. And I was like, “Bakit? Ano’ng ginawa ko? Deserve ko ba `yang hate n'yo?” Hahahaha. Pero thanks sa mga kaibigan ko (co-writer and readers), naka-survive ulit ako. Saglit lang ako nagpadala sa bugso ng damdamin. I pulled myself together. Reminded myself what my sister and my friends told me. Ignore the hate. Prove yourself. Keep writing. Four months after ng release ng Heartbreaker(.)com another blessing came. Wattpad Presents, beybe. Whut! Whut! Kahit ako hindi makapaniwala. `Yung mga kasabayan ko that time mababa yata ang 2M reads. Hahahah! During the press con hindi binanggit `yung bilang ng reads noong story ko. Kasi nga the rest ay may M reads ang sa akin 15K reads lang. Sino ba ang mag-aakala, `di ba? Wala. People started befriending me. Asking kung paano. Magagalit pa sila kapag sinabi kong hindi ko alam. Kahit totoo ang sagot ko, ayaw nilang maniwala. Para bang akala nila ay tinatago ko sa kanila ang sagot. Ang hirap ng pinagdaanan ko during that time. Pero ang nagpalakas sa loob ko `yung sinabi ng best friend ko, “Binigyan mo na naman ng pag-asa ang mga hindi sikat na writer.” That time, medyo naiyak ako. Siguro nga sa ibang writer naging inspirasyon ako kahit papaano. Kahit papaano baka nga nabigyan ko sila ng pag-asa. Kahit papaano baka nga nagkalakas loob sila dahil sa naging achievement ko. Naisip ko rin that time na sana, people will see my achievement as something to look forward for themselves and not give me hate. Kasi, `di ba, ako nga nagawa ko, e. Sila pa kaya? Some of them keep bragging pa na mas marami silang reads and followers. E, `di mas malaki chance nila, `di ba? After that, ito na... Madaming issues. Sobrang daming issues. Nabaliwala na kaming mga hindi sikat na writer. Ito na `yung start na priority ang sikat. Kailangan sikat muna. Ganiyan. Daming nagtampong writers. Madaming nawalan na ng pag-asa. Sobrang dami. Inabot ng dalawang taon bago nasundan ulit `yung akin. Tapos na contract ko and everything. I was confused. Bakit? Kung kailan naka-move on na ako and everything. Hahahaha! Then sinabi nila na, nire-reconsider ng management ang mga story. Nilalabas daw nila `yung mga tingin nila na may potential sa market. Bumping Hearts that time ay nasa 20K reads (Nov. last year). Na-approve `yung Bumping Hearts June 2014, na-release Nov 2016. Sa two years na `yon, hindi tumaas ang reads n'ya. Pero naging proud ako noong nakapasok sa Top 2 ng best seller nila. After this, nasundan pa ulit. `Yung anthology naman namin. Hindi na ako nag-e-expect. Kasi nga mahirap umasa. Masakit umasa. Akala ko hindi na masusundan. Then ngayon, after ng anthology, may isa ulit. 6 months after ng huling solo. Mayroon ulit. Akala ko hindi na lalabas. Nag-give up na ako noon pa. Napaisip ako, bakit ako ulit? Ang dami namang ibang writer? Ang sagot ko sa sarili ko, baka kasi mabenta nga ako sa market? Baka kasi totoo ngang may potential ang mga story ko. (Taas ng confidence! Hahaha) Dahil din dito kaya kahit hindi ako sikat or madaming reads hindi ako sumusuko. Hindi ako tumitigil mag-try kahit alam kong hindi ako mapapansin ng iba. Gusto ko pa rin i-push. Kasi until now, gusto ko pa ring ipakita sa mga katulad kong hindi sikat at walang madaming reads na, hindi namin kailangan `yun. Na kailangan lang natin magkaroon ng confidence sa mga sinusulat natin. Some of you might think na itong post na ito ay nagmamayabang. Think whatever you want. Pero hindi iyon ang purpose nito. I just want you to be aware sa mga naging achievement ko. Ako na hindi kilala. Ako na hindi nakakakuha ng maraming reads. Ako na nag-strive para may mapatunayan. I hope na makita n’yo `yung worth n’yo as a writer. Hindi ko sinasabi na gayahin n’yo ang pagiging idealistic ko, but in some ways, hindi naman masama `yun. I know how reality works. I’m super aware, pero naniniwala pa rin kasi ako na someday, mawawala na ang pagiging stereotype ng karamihan. Everyone will get a fair judgement. Everyone will have their own chances. Someday.
2 notes · View notes
honoredsage · 7 years
Text
2-1
As of the moment, sobrang saya ko kasi nanalo TnT sa Game 3 kontra SMB at sobrang dikit nung laban. 2-1 na yung semis, TnT lead. Masaya naman tong week na to, kahit napapansin ko na these past two weeks ay sobrang gastos ko sa pagkain. Pramis. Sobrang takaw ko kasi. Jinujustify ko na lang sa sarili ko na ok lang yun kasi yun lang naman yung luho ko sa buhay. Nag-first student for the week na sa 157. Medyo paasa lang si Sir kasi pagkatapos nyang sabihin na lalaki yung nabunot, tapos pinanganak sa second half ng taon, tatlo na lang kaming natira. Pero hindi ako yung nabunot kaya sayang. Sobrang dali pa kasi nung mga tinanong ni Sir kaya gusto ko sana na ako na yung nabunot. Sa econ naman, nagpa-surprise seatwork si Sir. Medyo nagulat ako pero dapat relax lang para makapagisip ng ayos. Nagawa ko naman yung matrix, di ko lang alam kung may kulang ako. Umatted din ako ng Laws and Found, parang forum ng Sigma Rho fraternity about buhay ng law student and after. Umattend ako rito para malaman ko kung gusto ko ba talaga mag-law. Interesting naman yung mga stories nila, hindi naman ako na-discourage. Inspiring yung unang talk nung unang speaker. So, interested pa rin naman ako mag-law at the very least. At least mukhang may direksyon naman buhay ko kahit papaano haha. Natapos ko na rin i-fill up yung UP LAE application. At kahit dito ay crammed pa rin, pero at least natapos ko na. Nakaka-stress lang na nasayang yung 40 pesos ko na scan kasi paglagay sa USB at nung binuksan ko ang files ay corrupted. Tapos nalaman ko na meron pala sa comp lab na scanning na 2 pesos lang, kahit ilang pages. Natuto pa ako mag-scan. Kahapon naman, may event yung org. Tungkol sya sa youth empowerment. Ok naman sya, masaya yung nakarinig ka ng maraming opinyon tungkol sa kapangyarihan ng kabataan sa mga isyu ng lipunan. PasaFest din kahapon sa Kalay dorm. Marami akong kinain dahil lahat ng cluster ay kinainan ko haha. Maraming salamat kay Jem na naghatid sakin pauwi kagabi. Valentine’s Day na sa Tuesday. Sa totoo lang, gusto ko ng date kasi last yr ko na sa undergrad, para special haha. Ang arte lang pero kasi nung last yr ko nung HS, ka-date ko bff ko na girl nun dahil ng same reason ko, last yr ko na sa HS dati yun. Pero wala naman akong mayaya ngayon kasi may bf na yung bff ko na girl(s) (may dalawa akong bff na girls, at pareho na silang may lovelife haha ang saya pramis). So wala akong mayaya. Kung may magyaya na cute sakin, baka um-oo ako, with the assurance na hindi sya modus operandi ng isang kidnapper. Or kahit friend haha, bahala na. Pero may game ang TnT sa Valentine’s so roon talaga ako excited.
1 note · View note
missfhayemous · 5 years
Text
Leave it Blank no.2 (november 25 2018)
Ang nakakatawa sa first blank note, it is full of love, acceptance and happiness.. everything is soooo light, just like your normal day na alam mo lang na special kasi dahil doon sa unang tao na nakapaloob doon. The first person is all about everything you want for but you can't have it, kasi he will never look at you the way you look at him, pero alam mo yun, alam mo na hindi niya kayang iparamdam ung gusto mong maramdaman galing sa kanya kaya you have no choice just to let it be, be happy for him and be thankful at least you know how it felt to give love without expecting anything in return. Now after 8 years you feel that you are ready, you accepted everything and now you start to let other people enter your life, ang nasa isip ko pa nun, it is time to feel something new, the walls that I am building starts to collapse one by one, because of this certain person na dumating bigla sa akin, old person na siya from the past, pero hindi ko siya pinansin gaano kasi nga i am so occupied with blank no.1, and nung nagparamdam at bumalik siya I entertained him, because the first thing na pumasok sa isip ko before at ang first sign na hininge ko kay lord, kung sino man ang unang magttry pumasok sa buhay ko, I will entertain him, I will start dating and opening my heart to this person, kasi natatakot ako baka maging stock ako sa past at mamiss ko ung mga taong darating sa buhay ko, honestly I am afraid of being alone, hindi naman sa naghahanap ako ng love life dahil sa lonely ako, pero I want to feel special, I want to feel the love na maeexperience mo sa opposite sex, seriously just thinking about it, it gives me butterflies in my stomach, I am already 24 years old nung time na yun, yung isa kong friend kinasal na, yung isa naman may boyfriend, haha lagi na lang ba akong 3rd wheel? somehow iniisip ko di ko pa ba time? di ko pa ba deserve? like "LORD naman, anuna" so yun nga balik tayo saknya, dumating siya sa buhay ko, unexpected.. he was soooo sweeet, at yung mga bagay na sana maexperience ko sa 1st person naexperience ko naman sa kanya... that very moment I do feel special, dahil tinetext niya ako, I mean chinachat niya ako, kinakamusta niya ako, alam mo yung mga simple text na "kumain ka na ba sparks?" "goodnight na sparks!" "ikaw talaga sparks kung saan saan ka nakatingin" sa totoo lang masaya ako, iba sa feeling yung alam mong may nag ke-care sayo, yung may dahilan ka para pumasok, yung alam mong pag pumasok ka may nagaantay sayo, sa tuwing matutulog ka may tatawag sayo para kamustahin kung nakauwi ka na ba...yung may maghahatid sayo pauwi it is something so new to me... kaya siguro sa sobrang bago sa akin I got carried away and got overwhelmed.. because of him, nakaranas akong makaramdam ng matinding selos, tsaka ung pakiramdam na paano kung mawawala siya? paano kung magsasawa siya? tsaka gaano ba ako kagusto ng taong na to? sa totoo lang first time kong makita ung sarili ko na at last may karelasyon na ako, siguro eto na..siya na siguro ung first boyfriend ko... pero gawd damn itttt... may plot twist pala si lord... ung masayang feelings na naransan ko, yung mga sweet messages tsaka acts na naranasan ko sa kanya, unti unti... unti unting nawala, first time kong maranasan ang tag lamig, haha ung biglang panlalamig ng trato sayo, yung dating mutual feelings, bakit parang ako na lang? parang ako na lang ung humahabol,, natatandaan ko ikaw ung unang pumasok sa buhay ko, ngayon nung pinapasok kita, bigla ka na lang umalis, ung alis na walang paalam, ang nkakatawa nung pinapasok kita bakit parang ako yung di nakalabas? ang daya lang, yung may gusto na ako sayo, iniwan mo naman ako sa ere.. hayup na yan.... ang sakit nun, para akong tanga, first time kong mafeel na magmukhang tanga, ilang advice ang hinigian ko nung mga oras na yun baka kasi tinetest mo lang ako tinitingnan mo kung gaano ako kaloyal sayo, pero pota pasensya ko pala ang matetest... nung unti unti ka ng nawawala, nakikita na kitang kasama na ng iba, yung masaya ka ng kasama yung iba, I feel cheated, pero so wrong dapat di ko yun mafeel kasi walang tayo, pero kasi pinaramdam mo na there's something special between us kaya nag assume ako... tapos nalaman ko sa kaibigan ko na nakainuman mo na iba pala talaga yung gusto mo, so ano ako? guinea pig mo? hindi mo daw alam kung ang feeling ng nainlove so ano? pinasakay mo lang ako? muntik na akong mahulog sayo brad, buti nga di lumalalim,,, dahil seryoso theres something special sayo, mabait ka gentleman, may sense of humor at musician ka rin.. pero mukhang sumpa sa akin ang mga musicians, nakakainis.. nakakainis ka... ikaw ang unang nagpaiyak sa akin na may halong sakit, yung may halong bigat sa dibdib, pero sabi nila sa buhay daw may makikilala kang 3 tao sa buhay mo, ung isa ung magpapasaya sayo pero hindi kayo ung pangalawa ung sasaktan ka at yung pangatlo ung nakalaan sayo, ako ewan ko kung gaano pa ba kadami ung papasok sa buhay at gagaguhin ako, pero I am not afraid to try again...
di ko makakalimutan ung iyak ko nung mga panahon na yun, tapos nagmessage ka pa, na pinalala mo pa ung sitwasyon, na-off ako... sana kung sinabi mo lang habang maaga na may iba ka ng nagugustuhan maiintindihan ko naman, hahayaan kita, pero sana di ka nanahimik, para kahit papaano alam ko kung saan ko ilalagay yung sarili ko, ang hirap mangapa sa mga bagay na di ko alam sa pa ba pupuntahan? baka siguro kung ginawa mo yun baka okay pa ako sayo..pero hindi e di lang feelings ko ung nasaktan, pati pride ko... pakiramdam ko pinahiya mo ako...pero ano pa man nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ginawa mo akong matatag.. sa totoo lang ayaw kitang makita, pati ung babae, pero wala akong magagwa napaka liit ng industriya natin..
sayo ko nagawa ung forgiveness, napatawad na kita MARKO RAQUIZA pero ayoko na ibalik yung dati, tama na yung isang beses, ewan ko pinakita mo sa akin kung ano ka, at sa tingin ko yun ung tipo na ayaw kong makasama pa sa mga future things and endeavor ko, tama  na ung isang beses natuto ako sayo... masakit ung ginawa mo, hindi ko naman kayang humiling ng karma galing sa taas para sayo, kaya naman ung naisip ko na pambayad atraso mo, magbalik na lang tayo sa square one, at please tama na...sa tingin ko di kita deserve.. pero i wish you the happiness.. makakahanap ka ng taong makakaintindi sayo...
Ako nga pala yung taong sinayang mo...
salamat sa saglit.. salamat sa sakit...
fhaye chavez simbron
0 notes
kolehiyofiles · 7 years
Text
Let Us Rejoice: Happy Panagbenga
NOTE: Ako lang gumagawa ng mga meaning. Don’t take this against anyone. Wala akong balak makipag-away. Wala akong balak guluhin ang katotohanan, ang realidad, ang kung ano man. AutobiograFan Fiction lang to. Wag mo naman seryosohin. Hahaha. Don’t judge me, ‘cause YOU’RE NOT A JUDGE! Hmpf. March 2 2 days akong nagskip. Nasa ibang tao kasi ung notebook na to. Anong mga nangyari? *February 28 -Wala akong matulugan sa bahay kaya naghanap ako ng mga taong kasama para na rin sa Itchyworms concert. (Oo! Pinayagan akong mag-overnight! Weeh!) -Pumayag si kaibigan. Kasama ko si sha at si kabarkada. -Nanood kami ng You Changed my Life. Actually, pumila kami pero di naman talaga sinigurado kung tama ung pinipilahan namin. Nadiscover din namin ang existence ng guarange (hybrid ng guava at orange) sa 5th Avenue flavor ng Juice Avenue. Tas nalaman din namin ang existence ng sagin sa Red Light. Ahehehe. -Nakapasok na kami. Wiwi muna para di na magCR ulet. Binuksan na nila ung Piknik. Nakaisip nanaman ako ng kalokohan. By the way, ang gwapo nya! Haha. -Nagplay na ung movie. Ang corny naman daw. Jusko. Di ko kinaya. Parang di ko alam kung paano magreact tuloy. -Lumabas na kami. Tapos na ang bloopers. Sabi nya natulog daw ako. Di kaya! Kaya pala ung kinukulit nya eh ung isa namin kasama. Asar na asar nga daw un kasi andami na raw hampas ang natanggap nya kay sha. Ahaha. Buti na lang nagmukha akong tulog. Nga din pala, pag napapatingin ako sa kanya, napapatingin din sha sakin. May one time nga na tinitigan ko pa sha. Langya. Ampogi talaga! Gustong gusto ko ung hubog ng ilong nya. -Ayun. Papunta nang Session Road. Nag-icecream sha. Nag walk-out ata ako kasi ayaw nya manlibre. Then again, gutom na gutom na rin ako kaya nauna na ako. -Papunta nang Abanao. Dun muna kami sa giilid kasi di namin alam kung paano pumasok. Langya hanggang dun ba naman niregret nya ung gig ng Hale sa Athletic Bowl. Hm. -Pumasok na. Whew! Kala ko hahanapan pa KO ng ID. Picture picture sa loob. May libreng beer. Sayang walang upuan. Nakapagpitcher sana kami. -Tumugtog ung Beer! Ang ganda. Andaming transitions. Nakakaaliw! -Tumugtog ung Ang Gusto Ko Lamang sa Buhay. May bideo ako. Kumakanta sha habang vinevideo ko. Rinig ung boses nya. Ang sweet! -Pauwi na. Nakilala ko ung kakambal nya (kamukha lang). Pogi din. Shempre kamukha nya eh. -Nasa bahay na ni kaibigan. Waaw! Ang laki ng bahay nila. Nakakatuwa talaga. Naghilamos sha. Ampogi nya. Tinaas nya ung hair nya! Ayiee! Nakakakileg! *March 1 -Tabi kami natulog. Hehe. Gusto ko shang “accidentally” mayakap. Pero di ko nagawa. May unan kasi akong hawak. -Uwian na. Nilakad ko na pauwi since malapit lang ung bahay namin. -Hapon na. Nagkita ulit kami. Di kami nakatagal sa SM. Nilakad ang Session Road, nakarinig ng reggaw sa Melvin Jones, pero in the end, pumunta na lang kami sa bahay ng kabarkada. -Mag-aalas onse. Tumawag si Mama sa phone. Nice. Kala ko di nila ako hahanapin. -New City. Alang taxi. May dialoguie. Ahihi. A: Uwing uwi ka na ba? (Sha na kasi ang pumapara sa taxi.) S: Hindi. Gabi na kasi. [Ayiee. Talaga naman. May ganun eh. Kung di ko siguro binuksan ung pinuan ng taxi, sha siguro ang magbubukas. Napaka gentleman ng lolo mo! Ahehe.] Okay. Balik na tayo sa March 2. Okay naman na talaga sha. Mas madalas nya nga kong pinapansin at kinakausap. Haay. Di ko talaga makaila na sobra sobra na ang pagkaacrush ko sa kanya. Akalain mo, pati sa mga di ko kaclose nakikwento ko kung gaano ko kinikileg. Kaninang Chemistry, lumapit ako sa pwesto nya. Astig! Napag-usapan namin ung tungkol sa free hugs. Hehe. Oh anyway, un nga. Naishare ko nga sa di ko kaclose. Kasama naman kasi sha nung walang Geom. Nakita nya kung ano ung mga nangyari. Magka tapat kami kasi ni sha. Ayun. Pag kinakausap nya ko, lagi nang eye-to-eye. .Naiinlab ako sa mga mata nya. Everytime na titingin ako sa mata nya, naliligaw ako. Honestly, akala ko nga cheesy line lang ung, “I get lost inside your eyes.” Ngayon, naiintindihan ko na kung anong ibigsabihin nun. Oh nung ITLab naman. Binabalak nyang wag pumasok. Tinatamad daw sha. Tinext ko naman. Sabi ko kakanta kami ng FX kasi saulado ko na ung 2nd verse. Haha. Ayun. Pumasok naman sha. Tas after class, kinausap ko ung groupmates ko sa thesis. Tas tinanong ako nung kasama namin kung pupunta kami sa Session Road. Madami kasing booth dun. Sabi ko tanungin nya si sha. Sabi nya, “Tara punta na tayong Session!” Hala. Natunaw naman ako nun. Ang ganda ng ngiti nya. Nakakaaliw. Parang nakakaloko. Kasi naman dapat wala nang ganun. Ayoko nang mainlab sa kanya. Kasi nga alam ko naman di magiging kami eh. Oo nga, di naman talaga importante un, pero wala namang saysay kung hindi pwedeng maging ganun. Pero kahit papaano, napaisip din ako. Mas okay nang ganito. Magkaibigan kami. Espesyal sha sakin kahit di ako espeshal sa kanya. Okay na tong sweet kami sa isa’t isa. Okay na ung walang namamagitan. Mahirap nga rin magpati pag nagkaaway ang magshota. Shempre kasi talagang may mga taong sukdulan ang kabitteran. At least kung kaibigan ko lang sha, sandali lang ung pag-aaway. Mas madali ang reconcilliation. Tsaka wala shang dahilan para magpakabitter nang sobra sobra. O ayun nga, nagpunta kami sa Session. On the way there, bigla naman nyang sinabi ung linya sa You Changed my Life. Nagulat ako. ALam mo kung ano un? “Bebe ko!” Haha. Random naman nun. tas ako din napaganun na. Tas andami naming napag-usapan. Nung lumayo ako sa kanya (Wala lang, gusto ko lang. Gusto ko naman sha ang lumapit. Hehe. Pakipot effect ba.) Aba! Tumahimik ata sha. Nauna ako sa kanila. Wala lang. Ayoko kasi talaga ng mabagal na pagkalad lalo na pag crowded ung lugar. Ayun. Gumana nga. Lumapit sha. Pero di ko pa din sha kinakausap. haha. Parang timang lang. Papamiss lang. Nyahaha. Wala lang rin akong masabi. Ayun. Nasa Session na kami. Asteeg kinausap nya na ko. Nagrereact ako kahit papaano pero ung tipong nag-iiba ung mood ko para iterminate ung pag-uusap. Pero infairness, madalas nya din akong tapikin. Tas nung nasa may kalagitnaan na kami ng daan, sabi nya sa'kin itanung ko daw kung sino ang tumutugtog sa stage. Aba. Walang self-confidence. Ahaha. Tas nameet namin ung nagtago sa notebook na pinagsulatan ko nito for two days. Nabasa ka daw nya at ng nanay nya tas pinaghinalaang sha ang nagsulat! Hala. May naipahamak na etong kwentong eto. Ahehehe. Tas un nga. After naming magpunta sa sidewalk, lumayo ako ulet. Nagtingin tingin ako sa booths. Ayoko kasing nakapirme. Sayang ang oras. Pakatapos nun, nagpaalam na ko. Nagpakiss ung bebe ng grupo. Tas sabi nung isa, “Panu sha?” Bagu un, inaya na ko si sha na umuwi. Naantala nga kasi nung bebe. Hehe. Tapos feeling ko, kung di ko sinabi ung, “Ayoko na, bye,” kasabay ko sha sanang umuwi. Hehe. Nabadtrip nga ata. Di na nya ko tinignan sa mata. Naging malungkot ang aura nya. Ako lang ata nakapansin. Normal na nya kasi ung tahimik. Pero ako, alam ko kung kelan sha wala lang sa mood or kung kelan sha totoong malungkot. Pag wala sha sa mood, nambabara sha tas nagsusungit. Pag malungkot sha, tahimik lang sha. Magpapanggap na inaantok. Pag inaantok naman sha, uuwi sha sa dorm. Hala. Naaalala ko ung pangyayari. Sabi ko, “Uy, uwi nako ha?” Tas biglang sabi nya “O ano tara? Uuwi ka na?” Tas un nga nagbye na ako. Malungkot sha. Pero.. BAKIT?
0 notes