Tumgik
#sulat tula
lihimlihamtinta · 3 months
Text
Mukha tayong tanga banda rito
Pero dito rin masaya ang puso
Mamilili ka lang talaga kung ano dulo
Magmumukmok ka ba o matatalo?
7 notes · View notes
makatangalang · 9 months
Text
Payong
Ula-ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha-han~ Sinong 'di mapapasayaw sa ulan? kung kasalo ka sa iisang payong, bahala na kung maambunan
hindi ako nakisilong dahil ayaw mabasa nais lang makalapit ng 'di nahahalata upang masilayan ka ng palihim laging tinataon na walang nakatingin
Sinisilip ang mga tala sa likod ng antepara pasensya kung ikaw ma'y nailang mabuti na lang at panahon ay nakisama may dahilan para ika'y tabihan
hinihiling na ang ulan ay magtagal at sana'y malayo pa'ng patutunguhan handa naman akong magpagal kahit hindi mo pa napupusuan
pero 'di na dapat pang mangamba dahil wala naman akong balak manligaw walang dapat na ipag-alala 'pagkat pagitan natin ay malinaw
alam kong wala namang pag-asa kaya hindi na para subukan pa sapat na ang sandaling natamasa kaya ayos lang na sukuan ka
7 notes · View notes
makatang-igorota · 1 year
Text
Bahaghari
Isang malalim na buntong-hininga Kasabay ng pagmulat ng mga mata Tanong sa sarili'y "Kaya mo pa ba? Tsaka ngingisi at sa taas ay titingala
Ngunit ano nga ba ang 'yong hinahanap Isang milagrong pilit hinahagilap May lihim kayang ikinukubli ang mga ulap May hiwaga ba sa asul na alapaap?
Maya't-maya'y mga mata'y kikislap Marahang ngingiti at hahagakhak Isang makulay na bahaghari'y naging sapat Upang mapawi ang lumbay ng aliping tapat
Bahagharing pahiwatig ay pag-asa Para sa mga lingkod na hapung-hapo na S'yang may malakas na pananampalataya Aani ng hindi mabilang na biyaya
~ M.K. Sueño (04/2021)
21 notes · View notes
dzeyzi · 5 months
Text
Palagi
Lumipas na ang mahigit isang taon Ngunit pag-ibig kong alay sa ‘yo ay nandito pa ring nakabaon Minahal kita sa mga nagdaang kahapon At pag-ibig ko’y patuloy pa ring umaahon hanggang ngayon
Isang taon na rin ang lumipas noong nakilala kita nang walang kamalay-malay Hindi inaasahang pati puso ko’y kasama mong tangay Batid kong malayo ka man at hindi mahahawakan ang iyong kamay Ngunit asahan mong ang pag-ibig ko sa ‘yo ay mananatiling pantay
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking kaisipan Noong una kitang nakilala mula sa kapaligiran kong puno ng ingay at kalungkutan Hindi ko inasahan na ikaw pala ang siyang magbibigay kulay Sa mundo kong walang buhay
Hindi ko namalayan na ikaw na pala ang dahilan Sa aking mga dinadasal At tuwing ikaw na ang pinag-uusapan Tila ba parang ako’y nauutal
Ngunit ngayon na nandito ka na Kahit may natitira pang pangamba Alam kong si kupido na ang dahilan sa pagpana na aking nadama At panatag na ang aking loob na ako’y sayo itinadhana
Sa Diyos ay ikaw lamang ang tangining hinihingi At ika’y hindi na ibabahagi at itatanggi Dahil alam mo namang hanggang sa huli Ako’y sayo palagi - jc a poetry i made inspired by tj monterde’s palagi :)) dedicated to my beloved, doc tricia <3
4 notes · View notes
flordelaraw · 1 year
Text
Bakit mo nilisan
ang puso ko na nagmamahal ng tapat sayo,
Bakit ikaw parin
kahit na ikaw ang unang lumayo,
Sana tinuruan mo ang puso
kung paano limutin ang tulad mo,
Dahil pagod na akong
gumising sa umaga na nangungilila sa'yo.
7 notes · View notes
quehorror · 1 year
Text
Kamatayan, marahil, ang pinakakinatatakutan kong bagay sa mundo. Na kinakailangan kong magtago at yumukod upang hindi ako matagpuan nito.
Pero nang halikan mo ako, tila ba sumakabilang buhay na 'ko. Na hindi lang hanggang langit ang nilipad ko, dahil pinalibutan ako ng mga tala at sinangayunan ng mga mundo. Na tuluyan ko nang naarok ang sukdulan ng buhay dahil sayo. At nang ilayo mo na ang iyong labi ay saka ko lang napagtanto.
Na pag-ibig ay higit pa sa kahit anong bagay na makalupa. Na pag-ibig ang tumutulak sa atin palabas ng karimlan. Na higit na mas matimbang ang lambing ng iyong bisig kaysa sa karit ni kamatayan. Na kahit may sentensiya ang pagiging mortal, ang bawat araw ko nama'y parang habambuhay dahil sa iyong pagmamahal.
15 notes · View notes
nubibusincaelo · 8 months
Text
takipsilim, buwan, at tala.
hindi naman talaga takipsilim ang siyang dahilan kung bakit ako’y pumupunta sa lilim at nagdarasal nang taimtim na alisin itong dilim.
hindi naman talaga ang buwan ang sanhi ng aking kapighatian.
hindi naman talaga ang mga tala ang siyang sumisimbolo ng bawat luha.
hindi naman talaga sila ang may sala, kundi’y mga saksi. ang aking piping mga saksi.
sila ang saksi ng taimtim kong pagdusa.
saksi sa aking pagkukulang, minsa’y sa pagkasobra.
saksi sa kung paanong nagsimula sa isang walang laman na bote sa gilid ng kuwarto na ngayo’y kuwebang walang apoy sa gitna ng puso.
nakita ang pagbabago—kasiguraduhang dahang-dahang nagpaalam na pinalitan ng pagdududa’t mga agam-agam.
sila rin ay naging saksi sa pagkupas ng litrato ng isang bayaning sa utak ay naging mala-demonyong walang sungay, walang buntot, at walang pulang mga mata—ngunit mayroong maituturing na titulo sa buhay ng munting bata.
sila ang mga saksing pinipiling hindi magsalita, magmasid lamang at damhin din ang aking nadarama.
ilang taon ko ring inakalang sila ang may sala ng aking paghagulhol,
ngunit hindi ba’t hindi naman nila kasalanang wala silang magawa kundi’y ako ay pagmasdan at hindi na dumada.
hindi naman nila kasalanang ang kanilang pagkinang simbolismo ng pag-asa ay iba sa aking pag-akalang ito ay sa aki’y tumatawa.
takipsilim, buwan, at tala.
ang aking mga saksi sa t'wing hinahamon ako ng Dakila.
2 notes · View notes
blossombleue · 10 months
Text
Ang Irog Kong Mayaw
Saksi ang langit sa nakaw na sulyap
Nitong mga matang ikaw lang ang hanap
Palibhasa'y ang sa iyo ay abalang-abala
Sa itaas ay tutok ka sa ningning at ganda
"Kayririkit ng mga bituin, hindi ba?"
Sa iyong salita'y dinig ko ang kanilang tawa
At nagliwanag pa nga sa nasaksihang komedya
Huwag mong akalaing sa aki'y walang halaga
Itong Kalawakan at Kanyang mga pamana
Pagkat sa piling ng buwan at mga tala
Walang katapusan ang aking pagkamangha
Ngunit sa aki'y iyong sambitin ang dahilan
Ang pagsilip sa bituin, ano pang katuturan
Kung sa aking tabi, ikaw ay narito na
Sabihin mo sa akin ang inyong kasunduan
Dahil sa bawat silay ng iyong kagandahan
Bumubulong Siya nang buong lambing at tatas
"Husto na sa pagsulyap sa itaas, aking dalubtala
Tumingin ka sa iyong tabi at Ako'y iyong makikita."
Hinagilap ko sa pisika ang kasagutan
At paggawa ng sanyo, akin pang sinubukan
Subalit sa iyong harapan, daig pa ang paslit
Giliw, kayraming salita ang nais kong isambit
Ngunit noong dumating ang hinihintay na sandali
Mata mo'y nasa akin, ilantad na ang kinukubli
Wala nang ibang masabi kung hindi
"Kayganda ng buwan, hindi ba?"
2 notes · View notes
feelingepiphany · 2 years
Text
SUMILIP AKO
Sumilip ako sa kadiliman,
Bakit liwanag ang nagpakita?
Sumilip ako sa liwanag,
Bakit kadiliman ang naramdaman?
Sa bawat pagsang-ayon sa puso
Libo-libong tinig ang nagtutunggali
Sa bawat pagsang-ayon sa isip
Ikaw at ako lang ang nag-wagi
Kalmado ako kapag magulo,
Magulo ako kapag kalmado
Tama ako sa mali,
Mali ako sa tama
Sumilip ako muli sa liwanag,
Walang nagpakita
Sumilip ako muli sa kadiliman
Sarili ang nakita.
7.28.22
Unang liham...
7 notes · View notes
makatang-iska · 2 years
Text
Bug Me Not
I warned you, don't get too close to me.
I don't care if you think you can make me happy.
I just want to figure things out on my own.
You are not welcome in my comfort zone.
-
I specifically told you not to bug me.
Can you move to another one, seriously!
You keep trying to shoot your shot, clearly unable to take no for an answer.
If you continue with this pestering I will press charges, I swear.
5 notes · View notes
anakngsiomai · 2 years
Text
Hindi ko alam kung saan ba ako dapat lumugar. O kung may nakalaan bang espasyo para sa akin, sa mga tulad kong tila hindi naman hahanapin ng mundo kung bigla na lamang maglaho.
Kaya heto't pinagsisiksikan ko ang sarili rito, kung saan sa tingin ko'y malaya kong maipapahayag ang kahit na ano mang nais sabihin, nang hindi pinipigilan ng kung ano ang maaaring tingin ng iba sa akin. Ayos lang kahit wala namang makikinig (o dito nga'y magbabasa), ang mahalaga'y may mapaglalagyan ako ng mga salitang gustong kumawala sa aking katawan.
Tao po, Tumblr. Makikituloy po.
2 notes · View notes
lihimlihamtinta · 9 months
Text
Madalas akong tinatanong ng nanay ko
"gising ka na ba?"
"opo" ang aking tugon
Kahit hindi naman talaga ako sigurado
Kung gising na nga ba talaga ako
Madilim pa rin kasi ang paligid
Tila niyayakap pa rin ako ng gabi
Ang kaibahan ay walang talang nagniningning
Mag isa nga ba ako sa maingay na silid?
Naririnig ko ang kanilang mga hinaing
Bakit daw ako ay mag isa pa rin?
Bakit daw sila ang aking naririnig?
Kung talaga bang ako ay gising?
10 notes · View notes
ysange15 · 2 months
Text
Tumblr media
thirteen.
0 notes
makatang-igorota · 2 years
Text
Pagpawi ng Lipas
O, liwanag ng buwan sa gabing mapanglaw Dinggin mo ang pagtangis ng damdaming ligaw Himnong sa linisa'y dapat pamatid-uhaw Handog ay laksang hapis sa hirap bumitaw O, araw na ang ningas sa dilim pumawi Gawin mong abo ang tanikalang gumapi Sa nag-aalab na balor ng panahong lipas Nang sa kahangalan ay makawalang wagas O, bituing maningning, nawa'y 'wag ipagkait Sa pagal na busabos ang ngiting marikit S'yang lulubag sa diwang kusang linigalig Ng nilalang ganid na sa hibo'y umibig O, ulap na tila ang pasan ay kaybigat Lunurin mo ang dusa ng 'yong luhang maalat Saklaw ang ala-alang alay ay hinagpis Tubusin sa sakim na ang akit ay labis O, mayuming diwata ng hanging banayad Hipan tungo sa hapo ang payapang hangad Dalhin sa paraiso kung sa'n ang nagdaan Ay walang alinlangang pinawi't linisan
~M.K. Sueño (08/2022)
9 notes · View notes
Text
Patayin mo na ang ilaw
At
patayin mo na rin ako
0 notes
peachestower · 3 months
Text
"daming iba jan," alam ko. pero hindi nila alam na pipiliin kong magkape sa tumba-tumba nang mag-isa kaysa ibigay ang puso ko sa iba.
0 notes