Tumgik
#tulangmakata
same-old-news · 6 years
Text
Tulang makata
Patuloy ka na lang bang magpapanggap?
Na masaya at ok lang?
Na hanggang dito na lang?
Na wala ng inaasam?
Na kahit anong marinig wala lang?
Na kahit siraan hindi lalaban?
Na kahit nasasaktan mananahimik lang?
Na wala kang tinatapakan?
Na magtitiis lang?
2 notes · View notes
dreaming-dasman · 10 years
Text
Isang tula
Gusto kong gumawa ng tula, Isang tula na mag sasabing "Mahal kita" Isang tula na mag sasabing Iba ka sakanila Isang tula na mag sasabing Ninakaw mo ang puso ko ng Di mo sinasadya, Di ko alam kung pano pero Sa ngayon di ko na ma estima Kung gaano, minamahal na ba Talaga kita? Di ko pa kasi Masigurado. Sa mga sandaling kausap ka Ay walang tangging napapasaya mo ako Mga ngiti mong di makumpara sa kahit sino Dahil ang ihalintulad ka sakanila Ay imposible, Nag iisa ka lang, walang katulad.
1 note · View note
same-old-news · 6 years
Text
Tulang makata
Magsusulat sa hangin kwento ng ating pag-ibig,
Naaalala mo pa ba? O sadyang kinalimutan na?
Mga alaalang nag uugnay alam mo pa ba?
Kasama ang sakit dinadalaw ka.
Ngunit paano kakalimutan?
Kung ngiti mo ang inaasam?
1 note · View note
same-old-news · 7 years
Text
Tulang makata
Simoy nang hangin na humahalik
Sa pisnging basa ng luha.
Madilim na gabi, tahimik na paligid
Habang nakaupong mag-isa.
Mga matay nakapikit
Inaalala ang mga sandali.
Mga sandaling paulit ulit na bumibisita
Sa pusong nawasak ng pagsinta.
1 note · View note
same-old-news · 4 years
Text
TULANG MAKATA
Nakakabinging katahimikan,
Binalot ka na ng kalungkutan.
Dumilat ka, bumangon ka,
Wag kang patalo sa darama.
Ano ba kasing dapat?
Hindi ba sapat?
Kulang ba?
Ngunit, iyon na nga,
Tanong na hindi masagot.
0 notes
same-old-news · 6 years
Text
Tulang makata
Napatingin sa langit.
Sa mga bituning nagniningning.
Kaarawan mo nga pala.
Ilang taon na ba?
Ilang taon na bang nagbago ang mundo nating dalawa?
Gaano na ba katagal na napapasulyap na lang?
Na umaasang baka bumalik ka?
Na sana hindi mo nakalimutan.
Na sana ako na naman.
0 notes
same-old-news · 6 years
Text
Tulang makata
Patuloy ang pagsigaw ng mga mahihinang boses.
Saan ka na nakarating?
Malayo na pero bat lumilingon pa?
Alam nilang wala ng patutunguhan,
Ngunit bakit nagtatanong ka pa?
Sumisilay sa nakaraan mo kahit alam mong wala ka ng babalikan.
Sobra ka bang magmahal? O sadyang tanga lang?
0 notes
same-old-news · 6 years
Text
Tulang makata
Nalilito na naman.
Hindi na naman alam ang gusto.
Pero isipin mo,
Ano bang mas makakabuti sayo?
Saan ka ba liligaya?
Wag isipin kung saan madali.
Wag isipin ang ibang bagay.
Ano bang tinitibok ng puso?
Saan ka ba liligaya?
0 notes
same-old-news · 7 years
Text
Tulang makata
Sa muling pagsikat ng araw.
Sa panibagong panahon.
Bakit hindi hayaan ang sarili?
At wag magpalamon sa pagsisisi.
Ito na naman nga tayo.
Binibigyan ng pagkakataon.
Kasalukuyan ang isipin.
Kalimutan na ang nakaraan.
0 notes
same-old-news · 7 years
Text
Tulang makata
Sa pagpatak ng ulan,
Sa paghampas ng hangin,
Sa salaming nasa harapan,
Ano bang nakikita?
Mapupulang labi at namumugtong mga mata,
Butil ng luha pumapatak na naman.
Puno ng pagsisisi ang sarili
0 notes