Gusto kong sumulat ng isa nanamang tula Ngunit tila ang hirap gumawa Walang maisip na tamang salita Puro ikaw at mga sakit na dulot mo ang tanging lumalabas sa tinta. Bakit nga ba ganito? Ay tama pala oo Dahil sumusulat lang ako para sayo Pero ngayon ngay ikay naglaho Naglaho na rin ang inspirasyon ko Ilang beses kong pinilit na magsulat ulit Ngunit blanko parin ang isip na puno ng galit Gusto kong sumulat pa ng mga tula Mga tulang di na ikaw ang paksa Makakagawa pa kaya? Sana nga.
Pinasaya mo na naman ako kahapon.
Nalimutan ko na naman na pinaiyak mo ako noon.
Nalimutan ko rin na pwede mo akong saktan ulit pagdating ng panahon.
Pero bahala na basta ikaw lang ang kasama sa'n man maparoon.
Sa bawat paghigop mo ng kape ako'y nakatingin.
Sa iyong mga mga matang tila ngumingiti kasabay ng iyong mga labi.
Maraming mang tao sa paligid, sila ay di pansin.
Sapagkat kapag ika'y nandiyan ang aking mundo'y tumitigil.
Sa bawat pagbukas ng iyong mga bibig, ako'y nakaabang.
Nakikinig sa mga kuwento mong tinutulak akong maging isang hibang.
Hibang sa inyong pagmamahal, hibang sa iyong haplos.
O kailan ba madarama ang mainit mong mga halik na dala'y unos.
Mahalin mo ako at ibibigay ko sayo.
Lahat nang kaya kong ialay sa mundong ito.
Ikaw at ako tayo ang bubuo.
Ng pagibig na walang makakatuldok.
poetbehindtheshadows, Mga Salitang Di Ko Masasambit
sa ibang mundo nalang aasa
pagkat doon lahat nagagawa
walang kahit sino mang kumokontra
dahil doon ay akin ka
habang umuulan at tulog ang lahat
hawak iyong kamay, walang umaawat
ika’y nagising na ako’y nasa iyong tabi
iilang salita lang ang natatandaang lumabas sa aking labi
“susunduin nalang kita sa broadway mamaya.”
lungkot sa iyong mga mata’y nakita
aking binawi at muling nagsalita
“ay wala ka nga pala doon, saan ka ba mamaya? hintayin mo lang ako, susunduin kita’t ihahatid sa inyo.”