Tumgik
#tulatulaan
lihimlihamtinta · 1 month
Text
Masyado lang akong mayabang pero nakakatakot pala talaga mag isa.
21 notes · View notes
makatang-igorota · 1 year
Text
Bahaghari
Isang malalim na buntong-hininga Kasabay ng pagmulat ng mga mata Tanong sa sarili'y "Kaya mo pa ba? Tsaka ngingisi at sa taas ay titingala
Ngunit ano nga ba ang 'yong hinahanap Isang milagrong pilit hinahagilap May lihim kayang ikinukubli ang mga ulap May hiwaga ba sa asul na alapaap?
Maya't-maya'y mga mata'y kikislap Marahang ngingiti at hahagakhak Isang makulay na bahaghari'y naging sapat Upang mapawi ang lumbay ng aliping tapat
Bahagharing pahiwatig ay pag-asa Para sa mga lingkod na hapung-hapo na S'yang may malakas na pananampalataya Aani ng hindi mabilang na biyaya
~ M.K. Sueño (04/2021)
20 notes · View notes
quehorror · 1 year
Text
Kamatayan, marahil, ang pinakakinatatakutan kong bagay sa mundo. Na kinakailangan kong magtago at yumukod upang hindi ako matagpuan nito.
Pero nang halikan mo ako, tila ba sumakabilang buhay na 'ko. Na hindi lang hanggang langit ang nilipad ko, dahil pinalibutan ako ng mga tala at sinangayunan ng mga mundo. Na tuluyan ko nang naarok ang sukdulan ng buhay dahil sayo. At nang ilayo mo na ang iyong labi ay saka ko lang napagtanto.
Na pag-ibig ay higit pa sa kahit anong bagay na makalupa. Na pag-ibig ang tumutulak sa atin palabas ng karimlan. Na higit na mas matimbang ang lambing ng iyong bisig kaysa sa karit ni kamatayan. Na kahit may sentensiya ang pagiging mortal, ang bawat araw ko nama'y parang habambuhay dahil sa iyong pagmamahal.
14 notes · View notes
ven1cewitch · 10 months
Text
ika-27 ng mayo, taong 2023.
tanghali. sobrang init. nakaupo sa cleopatrang puno ng sulat ang mga paa. nakasandal at payapang humihinga habang ang mga mata'y wari'y nakatitig sa walang katapusang kawalan. walang ibang tunog kundi ang boses ng nagtatalong damdamin at kaisipan.
ang araw-araw ay patuloy na lumilipas. patuloy ang pagsikat ng araw at patuloy ang pagningning ng mga tala sa madilim na pagyakap ng langit sa gabi. at sa araw na lilipas ay ang pagtatanong sa sarili
hanggang saan pa ba?
5 notes · View notes
macchiato-love · 3 years
Text
Ang laki ng mundo mabigat, masalimuot Minsan ang hirap huminga siksikan, masikip
Ang daming pulis - namumulis sa suot, salita, at kilos mo "Be yourself" sabi nila pero mukhang buo na ang ideya nila kung sino ka dapat
Gaano kahirap maging mabuti sa mundong malupit? Siguro nga mas madaling magalit kaysa magpigil
Dahan-dahan pagaanin natin ang mabigat Bigyan natin ng daan at lawakan ang masikip
Sa bawat tatlong kunot ng noo magbalik tayo ng isang ngiti Sa kaibigan o estranghero na ating makakatabi
-wala pang pamagat
6 notes · View notes
armstonit3 · 3 years
Text
i know this feeling will pass
but everytime i feel it
it's you that's finding it
2 notes · View notes
tumutulatula · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
“Aking Panaginip, Iyong Pag-ibig”
Maliligayang pagbabalik sa akin! Pasensya na dahil ngayon lang ulit ako nakapagbahagi ng isa sa mga tula ko.
Sana’y maibigan ninyo! ❤️
21 notes · View notes
dyuleeenggg · 6 years
Text
Oooppss! Sandali lang! Pwede naman mag pahinga, 'wag padalos-dalos kasi baka magka-galos.
Alalahanin kapag ito'y malalim, ito'y mahirap gamutin, sa sakit baka muka mo'y di maiwasang mangulimlim.
Kaya inu-ulit ko, sandali lang!, Ikaw muna ay mag pahinga, kumilos ka kapag sigurado'y dadamin ay panatag na.
1 note · View note
littlemallow · 7 years
Quote
Hindi ko alam kung kung binibiro mo lang ako. Hindi ko alam kung gusto mo ba ako. Baka hindi? Hindi ko alam kung paano magiging tayo. Ni hindi ko nga alam kung pwede tayo. O hindi. Ang alam ko lang ay gusto kita. Gusto kitang pangitiin araw-araw. Gusto kong patahimikin ang mga ingay sa isipan mo. Gusto kong ipakita at iparamdam sayo ang katapatan ng pag-ibig ko. Gustong gusto kita, matagal na.
Maliit na Something
1 note · View note
Quote
At kung hanggang dito na lang ang sabay nating pagsisimba, ang palitan natin ng libro, pelikula at mga kanta, ang sabay nating pag-uwi at ang araw-araw nating pag-uusap, labis akong malulungkot, magmumukmok, at madudurog, pero magiging maayos din ako. Pinaghandaan ko na ito. Huwag mo na lang sanang sagutin ang mga tawag ko, sakaling hindi ko kayanin, sakaling 'di ko na kayang pigilin.
a.b. love
0 notes
heylye · 4 years
Text
Pahingi ng dahilan
Para ako'y lumaban
Utak kong bumabaliko
Para bang sinto sinto
Pilit hinahanap ang gusto
Ano ba talaga ang silbe ko?
0 notes
lihimlihamtinta · 4 months
Text
May mga tao tayong kailangang palayain para mapalaya rin ang ating mga sarili
May mga hangganan na kailangan natin tanggapin para maipagpatuloy ang ating lakbayin
May mga distansiyang kailangan nating panatiliin para masagip ang natitirang pag ibig
At may mga peklat na hindi kailangang takpan para mabaon ang aral na gustong ipabatid
44 notes · View notes
makatang-igorota · 2 years
Text
Pagpawi ng Lipas
O, liwanag ng buwan sa gabing mapanglaw Dinggin mo ang pagtangis ng damdaming ligaw Himnong sa linisa'y dapat pamatid-uhaw Handog ay laksang hapis sa hirap bumitaw O, araw na ang ningas sa dilim pumawi Gawin mong abo ang tanikalang gumapi Sa nag-aalab na balor ng panahong lipas Nang sa kahangalan ay makawalang wagas O, bituing maningning, nawa'y 'wag ipagkait Sa pagal na busabos ang ngiting marikit S'yang lulubag sa diwang kusang linigalig Ng nilalang ganid na sa hibo'y umibig O, ulap na tila ang pasan ay kaybigat Lunurin mo ang dusa ng 'yong luhang maalat Saklaw ang ala-alang alay ay hinagpis Tubusin sa sakim na ang akit ay labis O, mayuming diwata ng hanging banayad Hipan tungo sa hapo ang payapang hangad Dalhin sa paraiso kung sa'n ang nagdaan Ay walang alinlangang pinawi't linisan
~M.K. Sueño (08/2022)
9 notes · View notes
quehorror · 1 year
Text
Ikaw ang guniguni sa panahon ng tag-init
Ang mga sinag na tagus-tagusan sa bintana tuwing umaga'y parang mga banayad mong paghaplos sa tuwing ako'y ginigising.
Ang unang dampi ng araw sa aking pisngi'y kaparis ng panatag na halik mula sa mahabagin mong mga labi. Sa tuwing lulusot ang maninipis na silahis ng araw sa singit-singit ng mga dahon, mga babahagya mong pagsilip sa akin ang gunita.
Sa tuwing babahain ng liwanag ang sala tuwing alas tres ng hapon, dinidilidili ang pagkalunod ko sa nag-uumapaw mong pagsuyo. Sa paglubog ng araw, ay nakikita kitang masayang namamaalam sa himapapawid. Ngunit hindi gaya ng araw, sa umaga'y hindi ka na magbabalik.
8 notes · View notes
macchiato-love · 3 years
Text
couldn't see the stars with all these bright city lights the honks and cars speeding bury my cries
strangers pass by they're all in a hurry no time to waste everyone's too busy
i refuse to move watching them come and go and i bit my lips and clench my fists
all these bright city lights the honks and cars speeding will soon faint and i will fade
1 note · View note
armstonit3 · 3 years
Text
umaasang puso
saan ito patungo
ninanais na magtagpo
ang landas na maaaring maglaho
3 notes · View notes