Visit Blog

Explore Tumblr blogs with no restrictions, modern design and the best experience.

Fun Fact

Tumblr paired up with Humans of New York to raise money for Hurricane Sandy relief.

Trending Blogs
#wasak

Ikaw yung hindi ko masabi gamit ang aking mga labi.
Ikaw yung hindi ko sinugal, kasi takot na ako sa salitang “mahal”.
Ikaw yung tumatakbo sa utak ko nang pagkatagal-tagal.
Ikaw yung sagot sa tanong ng lahat na “sa ngayon ba, wala ka pang mahal?”
Ikaw, na hindi ko mabanggit.
Ikaw, na sana'y ibalik sa'kin ng langit.

1 notes · See All

Eto na naman ako sa dilim

Sa pagbuhos ng ulan kasabay ang pagtulo ng luha na wari mo’y walang katapusan

Akala ko ba tapos na?

Akala ko ba wala na?

Pero mahal bakit sa tuwing maiisip ko na nasa piling ka ng iba hindi ko mapigilan ang lumuha at masaktan

Na tila ba wala na atang katapusan ang paghihirap ko

Wala na atang katapusan ang sakit

Ang maiinit na luha na dumadaloy sa aking pisngi

Ang matatamis na sandali na ngayon ay hanggang alalaala na lang at hindi na maibabalik

Sabi ko napatawad na kita pero mahal bakit ang sakit sakit pa

Hanggang kailan ako magdurusa sa sakit na iniwan mo?

Sana sa aking paggising wala na ang sakit

Wala na ang lungkot

Wala na ang pait

Pilit ko mang itanggi sa iba na hindi na kita mahal pero sarili ko lang ang aking niloloko

Paano nga ba?

Paano nga ba ako makakawala sa sakit na ito

Paano ako makakawala sa pagmamahal ko sa yo

Sana o sana lang bukas pag gising ko maghilom na ang sugat na iniwan mo sa puso ko

At sana makalimutan ko na ang sakit

Makalimutan na sana kita kasama ang iyong mga alaala

Makalimutan ko na sana na mahal kita

Dahil mahal tangina ang sakit sakit pa

0 notes · See All

BAHAG-HARI

ika’y naging Bahagi ng buhay

Aanhin pa ang kayamanan,

kung tamis at Halik mo’y wala

Atensyong hanap nawaglit ng iba

Gintong puso’y nangalawang na.

Hinayaang puso’y mahulog

Alab ng puso’y sumiklab

at Retrato ng buhay nawasak

sa dahilang Intuisyong pinairal ng nakaraan.

0 notes · See All

Hindi Ikaw

Hindi ikaw ang naiwan,

Kundi ako.

Hindi ikaw ang namatayan ng puso,

Hindi ikaw ang umayaw na sa lahat.


Hindi ikaw ang umiyak ng ilang buwan,

Kundi ako.

Hindi ikaw yung namaga ang mata,

Hindi ikaw ang nagpigil ng paglabas ng sandamakmak na luha.


Hindi ikaw yung hiniwalayan,

Kundi ako.

Kaya wag kang ano diyan.

Ako dapat yung ganyan.


Hindi ikaw ang pinangakuan,

Kundi ako.

Mga pangakong hindi naman pala matutupad,

Mga planong drawing lang at hindi na makukulayan.


Hindi ikaw ang sinaktan,

Kundi ako.

Kaya wag kang umasta na parang ikaw yung luhaan.

Wag ganon, tangina naman.


Hindi ikaw yung hindi ipinaglaban, kundi ako.

Hindi mo naman naramdaman,

Kaya wag kang umasta na parang ikaw ang nahihirapan.


Hindi ikaw yung para sa'kin.

Kung alam ko lang,

sana hindi na lang kita hinayaan—hinayaang pumasok sa puso ko, hinayaang saktan ako.

Kung alam ko lang, sana hindi ko na hinayaang umabot tayo sa “tayo”.


Hindi ikaw ang biktima,

Kaya please lang wag kang magpaawa sa iba.

Huwag ka nang magpabida,

Kundi masasampal na talaga kita.

0 notes · See All

Lmao i forgot to drink my meds last night. No wonder i’m light headed right now. Dizzyyyy in the morning wtffff

1 notes · See All

Papatak ang ala una
Babalikan muli ang mga sana
Bubuksan muli ang mga pahina
Na ang laman ay tayong dalawa
Mapapangiti ng mapait
Maninikip ng bahagya ang dibdib
Oo nangungulila pa sa iyo
Gusto muling maramdaman ang presensya mo
Pero mas mahal ko ang sarili ko
Kaya hindi na babalik sa tulad mong manloloko

koryananghilaw
6 notes · See All
Next Page