Tumgik
Photo
Tumblr media
Ang salot sa aming bayan
Ako si Simon, Tahimik na naninirahan sa Bayan ng Pagtipan. Kasama kong naninirahan dito ang aking asawang si Mila at ang aming nagiisang anak na si Lucio. ako ay isang magbubukid kahit mahirap lang ang aming buhay at ang aming bahay ay gawa lamang sa pawid ay masaya kami. Tahimik at Mahangin ang aming lugar, Sagana din kami sa mga tanim na gulay. Tunay nga na isa itong maituturing kong Paraiso, Ngunit kamakailan ay may masamang naganap sa aming lugar. Narito ang aking kwento.
 “Mila! Eto na ang pinabibili mo sa Palengke.”
“Andyan kana pala Simon. Salamat at makakapagluto na ako, gutom na ang anak mo.”
 Agad na kinuha ni Mila ang bayong na aking dala at dumiretso na sa kusina. Maya maya ay may narinig akong sumisigaw sa labas.
 “Simon! Simon!!”
“Oh Celso? Bakit humahangos ka?”
“May natagpuan nanamang patay sa talahiban jan sa bukid, Anak ni Linda.”
“Jusko! Puntahan natin. Mila Sandali lang at babalik ako agad!”
Dali dali kaming pumunta ni Celso sa kinaroroonan ng bangkay. Nang malapit na kami ay nakita namin ang nagkukumpulang mga tao, Ang bata ay nakahandusay sa damuhan, Naliligo sa sarili niyang dugo, Wakwak ang tyan at halos hindi mo na makilala ang mukha sa sobrang dami ng kalmot nito, Pati narin sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
 “Anak!!! Bakit sayo nangyari ang ganito! Panginoon ko! Bakit hinayaan nyong mangyari ito sa aking anak!!!” Pagtangis ng ina nitong si Linda.
 Si Linda ay isang Single Parent Pagkatapos mang babae ng kanyang asawa ay iniwan na sila nito, at sila na lamang dalawang magina ang magkasama. Ang anak nya ang kanyang tanging yaman, ngunit ngayon ay wala ito.
 “Mga kapitbahay parating na sila Kapitan.” Sigaw ng isa sa aming mga Kapitbahay.
 Si Kapitan Vladimir ang bago naming kapitan sa aming barangay, kahit bagong salta ay nanalo siya. Galing daw kasi sya sa isang mayamang pamilya at may mataas na pinag aralan.
Mabuti din syang tao at mahilig tumulong sa kanyang mga kapitbahay.
Kaya naman kuhang kuha nya ang loob ng mga tao sa aming Bayan.
 “Ayan na si Kap!”
“Kapitan! Tulungan nyo po ako mahuli ang gumawa nito sa aking anak, parang awa nyo na.”
“Wag po kayong magalala Aling Linda, at sisimulan na po naming ang pagroronda sa gabing ito.”
 Niyakap ni Kapitan ang tumatangis na Matanda, Wari ko ay ramdam nya ang sakit na nadarama ni Aling Linda. Tunay ngang napakabuti ng aming Kapitan.
 “Magsi-uwi na ho tayo sa ating mga tahanan para may daan ang mga magiimbestiga sa bangkay.” Anunsyo ni Kapitan.
 Kaya naman ang mga taong nandoon ay isa isa nang nagsi-uwian sa kani kanilang mga bahay. Maya Maya pa ay may mga dumating na tanod sa amin lugar na may dalang anunsyo galing sa Barangay.
 “Mga kapitbahay, pinababatid ni Kapitan na naghahanap ang barangay ng mga taong magroronda sa gabi, Maaari po lamang na pumunta sa barangay ang mga gustong mag boluntaryo mamayang Ala singko ng hapon upang magpalista. Maraming salamat po.”
 Sumapit ang Hapon at Maraming kalalakihang dumating sa Barangay kasama ko si Celso na nagpalista sa mga magboboluntaryo, at natapat nga kami sa unang gabing ito. Kaya naman pagkabigay ng aming iskedyul ay umuwi na kami para makapaghanda.
 “Mila, Pinagroronda kami ni Kapitan, at ngayong gabi kami magsisimula.”
“Pero Simon, hindi kapa kumakain. nakaluto na ako ng Tanghalian hanggang hapunan, kumain ka muna at uminom ng kape para hindi ka antukin.”
Nagsimulang  maghain ng pagkain sa aming lamesa ang aking asawa, nagpainit ng tubig at nagtimpla ng aking kape. Sya namang kwento ko sakanya ng nagyayari sa aming bayan.
 “Malungkot na balita nga dahil ang anak ni Linda ay natagpuang patay dun malapit sa bukid, mukhang mabangis na hayop ang pumatay sa kanya, kaya napag desisyunan ni Kapitan na mag ronda kami gabi gabi upang mahuli na kung sino o ano man ang gumagawa nito sa ating bayan.”
“Simon, Magiingat ka kung mabangis na hayop nga iyon siguradong delikado yun.”
“Oo  Mahal kong asawa, magiingat ako at ang laki ng itak ko jan, yun ang dadalhin ko, siguradong patay yang mabangis na hayop na yan. Sa talas ba naman nun eh ewan ko nalang.”
    Alam kong nagaalala parin sa akin ang aking asawa, ngunit kailangang mahuli na namin ang mabangis na hayop na iyon, bago pa man sya makapang biktima ulit. Tahimik naman talaga ang aming bayan ngunit nitong mga nagdaang araw ay may dalawang bata ang Nawala, at natatagpuan na lamang na wala ng buhay. Nangangamba tuloy ako sa kaligtasan ng aking anak dahil ang mga bata ang binibiktima nito.
 Pagkatapos ko inumin ang aking Kape ay dumiretso na ako sa barangay. Magsisimula daw kami ng ala sais ng gabi, at ala singko na.
“Sige na Mila mauuna na ako, siguraduhin mong sarado ang buong bahay, magdadala na lamang ako ng susi.”
 “Sige Simon wag kang magalala saamin, magiingat kami. Itext mo ako kung may pagkakataon ka, tiyak namang hindi ako makakatulog ngayong gabi.”
 Tumango ako at tumungo na sa barangay, inagahan ko tlga ang punta dahil alam kong maghihintayan pa kami, bago magsimula. Maraming kalalakihan ang dumating sa Barangay, Nakita ko rin doon si Linda.
 “Linda bakit ka naririto diba dapat ay puro kalalakihan lang ang kailangan sumama?” Wika ko.
“Simon, hindi ako titigil hangga’t hindi ko nahuhuli ang pumatay sa anak ko.” Malungkot nitong sabi. “kung ganun, kumain ka muna mukhang wala ka pang kain at namumutla ka.”
 Binilihan ko si Linda ng Cup noodles at tinapay, tunay ngang nahahabag ako sa kanyang kalagay, Simula pa kanina ay hindi nya nagawang kumain dahil sa kalungkutan.
 “Eto ang pagkain Linda Kumain ka muna bago tayo magsimula.”
“Salamat Simon, kanina pa talaga ako gutom ngunit hindi ko na naisipang kumain.”
Mabilis nyang naubos ang pagkain, Talaga namang gutom na gutom sya,
Dumating na din ang iba pa naming mga kasama at kami ay nagsimula na sa pagpaplano.
“Hahatiin natin ang grupo sa dalawa, Ang grupo nila Mang Nestor at Mang Simon. Ang grupo ni Mang Nestor, kabilang ako ay magpupunta sa kagubatan, Habang ang grupo ni mang Simon ay sa mga kabahayan magroronda.” Sabi ni Kapitan.
“Sige Kap, Handa na kami. Dala dala nadin namin ang aming mga itak.”
“Mabuti naman mga kabarangay, May mga iilang flashlights at gasera dito na pwede natin magamit, may mga yantok ding pwede nating magamit galing dito sa barangay.”
Iniabot sa amin isa isa ang aming mga gamit, at nag simula na kaming lumakad. Masugid naming sinuyod ang buong barangay, Likod bahay, Mga halamanan, Hindi rin kami nagsasalita upang hindi makagawa ng ingay at hindi malaman ng mabangis na hayop na kami ay naroroon. Makalipas ang ilang oras ay may nakita akong gumagalaw sa taas ng puno, Sinenyasan ko ang aking mga kasama na ilawan ang punong iyon at aking susuriin kung ano man ang nasa itaas.
Hindi pa ako lubusang nakalalapit ay may biglang tumalon mula rito, Anong Klaseng nilalang ito? Ang kanyang ulo ay parang Baboy ramo ngunit ang kanyang katawan ay parang Aso, ito ay nakatayo gamit ang dalawa niyang paa at Napakahaba ng kanyang mga Kuko. Paano naming lalabanan ang nilalang na ito? Takot na takot ako habang nakatayo ito  sa aking harapan. Nanigas ang aking buong katawan, Nang mapansin ito ni Celso ay agad niyang hinampas ng dala niyang yantok ang malaking halimaw dahil batid niyang susunggaban na ako nito, sa laki ng halimaw ay nabali ang yantok, kaya naman ng makita ito ng aking mga kasama ay hinugot na nila ang kanilang mga itak, at sinubukang pagtatagain ang halimaw, Ngunit sadyang napakabilis umilag ng halimaw na ito. Hindi nagtagal ay biglang natamaan ni Mang Teodoro ang Halimaw sa kanyang braso, Umalulong ito sa sakit, Bumaon ang itak sa kanyang balat. Galit nagalit ang halimaw at nanglilisig ang kanyang mga mata. Natulala ako sa takot at kitang kita ko ang pagsakal niya papaitaas kay Mang Teodoro, Hindi na makahinga si Mang Teodoro kailangan naming syang iligitas, Kaya naman ng ako’y mahimasmasan ay itinaga ko sa likod ng halimaw ang dala kong malaking itak, bumaon ito ng napaka lalim, Umalulong ito ng malakas sa sobrang sakit, Nabitawan nya si Mang Teodoro. Nang hindi na makaya ng halimaw ang sakit ay tumakas ito. Mabilis ang kanyang takbo.
Hinabol namin ito ngunit hindi na naming makita kung saan na sya nagtago. Tuluyan ng nakawala ang halimaw.
                Ngayon kailangan na naman naming syang hanapin.
 “Ipagbigay natin kila kapitan na andito ang halimaw!”
“sige mag hati tayo sa grupo at ang iba ay pumunta kila kapitan.”
Kaya naman kami ang patuloy na nagronda habang hinihintay namin silang makabalik. Sa aming pag lalakad ay nakarinig kaming lagaslas sa di kalayuan. Inilawan naming ang lugar at may nakita kaming taong nakahandusay sa sahig.
“Teka si Kapitan un ah?”
“Tara Dali Tulungan natin.”
“AAAHHH!”
 Umuungol sa sakit dahil sa dami ng sugat si Kapitan ng aming datnan.
 “Kapitan? Bakit kayo nagiisa?” Tanong ni mang Teodoro.
“May kukunin lamang sana ako sa aking bahay ng maka engkwentro ko ang halimaw. Bigla nya akong sinunggaban. Akala ko ay katapusan ko na.”
Nanghihinang sagot ni Kapitan, at unti unti na itong nawalan ng malay.
“Simon! Dalhin na natin si Kapitan kay Apo Temyong para magamot, marami  nang dugo ang nawawala sa kanya.” “Dali na at buhatin na natin sya.”
Bakit sya nagiisa nang mga oras na ito? Hindi ba dapat ay kasa kasama nya ang grupo at hindi sya lumalakad magisa? Winaksi ko muna ang aking mga hinala at binilisan ang lakad papunta sa Kubo ni Apo Temyong.  Paano nga kung sya ang halimaw? Dumating kami sa bahay ni Apo Temyong ngunit walang tao doon, patuloy kaming tumatawag sakanya ngunit walang sumasagot, may Nakita kaming maliit na ilaw na papalapit sa kubo.
 “Apo Temyong! Anong ginagawa Ninyo sa labas ng dis-oras ng gabi alam nyo po bang may gumagalang mabangis na halimaw dito satin?” tanong ni Celso.
“Kumuha lang ako ng halamang gamot sa gubat, Mas maganda ksi manguha ng gabi. Anung nangyari kay kapitan?”
“Inatake po ng Halimaw. Kailangan nya po magamot.” “Medyo malalim ang kanyang mga sugat, Parang tama ng mga itak eto hind isa mabangis na hayop.”
Nagkatinginan kaming lahat. Bakit ito sanhi ng itak e ang pagkakasabi ni Kapitan ay atake ng halimaw ang may kagagawan ng kanyang mga sugat.
“Bakit bigla kayong nanahimik?” Natatawang tanong ni Apo Temyong.
“Apo temyong ng nagkaengkwentro kami kanina ng halimaw ay itak ang aming mga ipinangtaga sa kanya, tulad ng mga sanhi ng sugat ni Kapitan.” kumuha si Apo Temyong ng tubig at kandila, at pinatak nya ito sa tubig.
 “Ang taong ito ay isinumpa, Isa syang salot. Bawat lugar na kanyang pupuntahan ay Papatayin sya. Dahil sa kanyang masamang pagtrato sa isang tao. Isinumpa siya.”
Nanindig ang aking mga balahibo, Ang taong nasa aming harapan ay ang nakakatakot na Halimaw na nakita namin kanin? Napakalakas at mabangis. “Apo Temyong Pano pag lumakas ulit sya? Malalaman nya na alam na natin ang kanyang lihim at baka tayo’y kanyang patayin.” “Sa ngayon ay wala syang malay, hindi nyo sya kaya dahil hindi sila namamatay. Kailangan nyong kunin ang kanyang agimat na lagi nyang daldala upang sya ay maging immortal.” “Saan namin makukuha ang Agimat?”
“Dapat ay nasa kanya ito ngayon.”
kinapkapan namin si Kapitan ngunit wala ito sa kanya. wala sa katawan o kahit saan man sa bulsa.
 “Diba sabi nya may kukunin sya sa bahay nila? Baka iyon yun.”
 “Kailangan nyong makuha iyon bago mag liwanag dahil mabilis gumaling ang mga sugat nila. Ibigay nyo sakin agad ang Agimat pagnakuha nyo ito.”
“Opo Apo Temyong lalakad na po kami at malapit na magumaga.”
Iniwan namin si Kapitan sa kubo ni Apo Temyong at sumugod sa bahay nya, hinalughog  naming ang buo nyang kabahayan, Gulo gulo na ang kanyang bahay ngunit hindi na naming ito alintana, kailangan naming mahanap ang agimat bago sumikat ang araw. Nakita ko ang isang Dyaket na nakasabit sa gilid ng higaan, Kinapa ko ito at Nakita ko ang kulay tanso na Agimat na may itim na tali.
 “Bumalik na tayo kay Apo Temyong Nakita ko na ang agimat.”
 “Panginoon ko salamat naman.”
 Dali Dali na kaming bumalik sa kubo at iniabot kay Apo temyong ang Agimat.
 “Eto na nga. Hawakan Ninyo sya at magsisimula na ako sa orasyon.”
 Nagsimula ng magsindi ng kandila si Apo Temyong at nagpahid ng langis, nagsimula nadin syang sumambit ng mga salitang Latin. Bigla namang napabalikwas si Kapitan na prang sinasaksak. Nagising sya sa sakit at napasigaw. Sa lakas ng kanyang sigaw ay narinig ito ng aming ibang mga kasama at agad pumunta sa kubo ni Apo Temyong. Kanilang nasaksihan ang ritual at parusa kay Kapitan. Sa sakit ng nararamdaman nya ay unti unti syang nalagutan ng hininga. Sa wakas. Patay na ang Halimaw.
 “Iwan nyo na sakin ang bangkay na ito. Ako na ang bahalang magbaon nito sa lupa.” Wika ni Apo Temyong.
 “Sigurado ho ba kayo na hindi na babalik ang Masamang Halimaw na yan?” Pagsisiguro ni Aling Linda na may galit parin sa kanyang tinig. “Oo Linda, napaghiganti na natin ang iyong Anak. Sige na magsi uwi na kayo at natapos na ang salot sa ating lugar.”
 ________________________________________________________ Sa isip ni Apo Temyong:
“Vladimir sa tingin mo ba ay matatalo mo ako? Hanggang sa iyong huling hininga ay ikaw ang sisihin sa Patayan sa bayang ito. Hindi mo ako mapipigil palakasin ang aking kapangyarihan. Nasa akin na ang Agimat at wala na sa lahi mo ang makakakuha nito. Mawawala nadin kayo sa aming landas. Hahahaha!”
  WAKAS
0 notes
Photo
Tumblr media
Unang kabanata
Ang pangalan ko ay Daisy, Ako ay may dalawang kaibigang sina Joy at Ella. Pagkatapos ng mahabang pandemya ay napagkasunduan naming magkita kita sa isang mall, Matagal narin kaming hindi nagkita kita at miss na miss na namin ang isa’t isa. ako ang unang dumating at agad ko nang tinext ang mga kaibigan ko, Maya maya ay dumating na si Ella.“Daisy! Kamusta kana? tumaba ka ha.” Wika ni Ella Talaga namang dumagdag ang aking timbang dahil nasa bahay lang ako. “Oo nga nag babawas na nga ulit ako ng timbang. Kamusta kana? Kamusta na sila tito at tita?” Ang sabi ko naman“Ok lang kami. Buti naman at walang nagkasakit sa aming pamilya, Nasaan na daw ba si Joy? Lagi nalang talagang late yun.” “Hoy! Andito nako. Hahaha” Biglang sigaw ni Joy. Nasa likuran na pala naming sya. Umorder na kami ng pagkain at nag usap ng napakaraming bagay.  Masaya ang aming kwentuhan ng may isang nagsabing kailangan naming magbakasyon, nagisip kami ng mga lugar na pwede naming puntahan. “Aah! sa Isla Pulang Dagat” Wika ni Joy. “Ha? Diba Pinagbabawal ang lugar na yun?” Sagot ko.“Pinagbabawal nga pero marami parin ang pumupuntang patago.” Ang sabi ni Joy.“Alam mo magandang idea yan. Sobrang boring kaya, nakulong lang tayo ng matagal sa bahay. Parang exciting yun.” Wika ni Ella, na biglang na excite sa narinig.Hindi na ako nakatanggi kaya naman Plinano na naming ang lahat at nagtakda ng petsa kung kailan kami aalis.
Ikalawang Kabanata
Dumating ang araw ng aming bakasyon, may nakilala si Joy na magdadala sa amin sa Isla pulang Dagat, medyo may kamahalan nga lang ang aming Binayad ngunit sulit narin ang aming binayad dahil sya na ang nag ayos ng aming sasakyan at tutuluyan pagdating naming sa Isla. Nakapagbook na rin kami ng flight, Isa isa na kaming dumating sa Airport.“Ready na ba kayo? Exciting to.” sabi ni Joy.Si Joy ang Pinaka Adventurous sa Aming Tatlo kaya naman kahit na delikado ang aming pinupuntahan ay Sobra syang nag eenjoy.“Ewan ko Joy kinakabahan ako dahil bawal naman talaga pumunta dun.” Ang sagot ko sa kanya.“Ano ba kayo guys! Walang magiging problema dun at yung kinuha kong guide matagal na syang nag guguide sa lugar na yun kaya kabisadong kabisado nya na un, at isa pa napakaganda ng lugar na yun konti palang ang nakakakita nun at magiging isa na tayo dun.”  Saad ni Joy.“Oo nga Daisy mag relax ka nga lang, Ienjoy nalang natin tong bakasyon okay?” dagdag pa ni Ella.Paglapag ng aming eroplano ay nakita na namin ang aming tour guide na si Kuya Joey, ang sabi ni kuya Joey ay kailangan naming bumyahe ng tatlong oras para marating ang Isla Pulang Dagat.“Mam pag hinanapan kayo ng ID sa check point ipakita nyo lang tong ID, May mga ID kasi para lang sa mga residenteng taga doon. Hindi ho tayo papapasukin pag wala po yang ID na yan.” Sabi ni kuya Joey.“Salamat Kuya Joey, Sabi ko sa inyo maaasahan tong Tour Guide natin e.” Masayang sabi ni Joy.Kami ay nagsimula ng bumyahe, Ewan ko pero kinakabahan parin ako sa aming pupuntahan, napaka ganda daw ng lugar na yun, pero bakit nga ba pinagbabawal, Nag research ako sa internet tungkol sa lugar na yun pero wala akong nakitang malinaw na sagot at puro haka haka lang ang aking mga nabasa. Kesyo pinoprotektahan lang daw nila ang kalikasan at ayaw nilang masira ito ng mga Turista, Kaya ipinagbabawal ang lugar na iyon.
 Ikatlong Kabanata
Pagkalipas ng ilang oras na pagbyahe narating namin ang Check point at hinihingian kami ng ID ng mga nagbabantay.“Magandang hapon! Pahingi nalang ng mga ID nyo.” sabi ng isang taga bantay.Agad naman naming iniabot isa isa ang mga ginawang Pekeng ID, sinuri ito ng taga bantay, Sobrang kinakabahan ako ng mga oras na iyon, pano kung malaman nilang peke iyon at kami ay ikulong. Pagkatapos suriin ng taga bantay ang aming mga ID ay Ibinalik na ito sa amin.“Sige. ingat kayo sa byahe.” sabi ng taga pagbantay.“Salamat Ser.” sagot ni Kuya Joey.Kalmadong kalmado si kuya Joey na para bang sanay na sanay sa kanyang ginagawa. Nakahinga ako ng maluwag, naka lagpas kami sa Check point at papasok na kami sa Isla Pulang Dagat.Pagkalipas ng tatlong Oras ay nakarating na nga kami sa aming Destinasyon.May mga kubo kaming nadaanan sa tabi ng Dagat, Ngunit mgkakalayo ang mga bahay doon  at sa likod noon ay may isang malaking bundok.Gumawa sila Kuya Joey ng isang kubo kung saan doon nya pinapatuloy ang mga Touristang kanyang ipinupuslit sa Isla Pulang Dagat.“Mam Dito po kayo tutuloy ngayong Gabi at saka Mam paalala lang po wag po kayong lalabas ng kubo, may pagala gala ho ksing baliw dito samin, may mga binili na din ho kaming mga pagkain jan sa kusina.” Sabi ng Kuya Joey.“Salamat po kuya. Pano po kita nalang po tayo bukas ng umaga.” Sabi ni Joy.“Sige ho. Ala sais ho tayo ng umaga dapat umalis dahil mahirap na ho gabihin sa bundok.” Sabi ni kuya Joey.Kinabahan ako ng makita kong ang daanan papuntang bundok na iyon ay puno ng mga harang na yero at barbwires. Kaya naman pagalis nila kuya Joey ay kinausap ko sina Joy at Ella.“Joy, Ella Sigurado ba kayo na safe ang pupuntahan natin? Mukhang wala namang mga pumupunta sa lugar na yan, tignan nyo oh ang daming harang.” Paniniguro ko.“Daisy ano kaba nandito tayo para mag relax, chill, have fun At saka mukha namang mabait si kuya joey tiyak na iingatan tayo nun, Isipin mo nalang ung magandang tanawing makikita natin dun bukas Para hindi ka paranoid jan.” pagalit na sagot ni Ella.Wala nakong lakas makipagtalo sa kanila dahil sa layo ng aming byinahe kaya namannaligo nalang ako at nagpahinga, agad din akong nakatulog dahil sa pagod.
Ikaapat na Kabanata
Nagising ako sa lamig ng aming kwarto, alas kwatro na ng umaga at Nakita kong nghahanda ng pagkain si Ella. “Huuy! Gising na kayo maghahanda pa tayo ng dadalhin.” wika niya. Kami ay nag unat unat na at pag tapos ay bumangon, niligpit naming ang aming hinigaan na banig, mga unan at kumot. Naupo kami sa isang tabi at inilabas ang mga pagkain, meron ding heater doon para makapag timpla kami ng Kape. Pagkatapos naming kumain, naghanda na kami para maligo.“Sino mauuna maligo? Nandun ang banyo sa Likod.” Sabi ni Ella. “Ako nalang” Boluntaryo kong sagot. Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami ng aming susuotin, pumunta na ako sa banyo dala ang aking towalya at mga gamit sa banyo, habang ako ay naliligo nakarinig ako ng gumagalaw sa gilid ng kubo, prang hinahawi ang mga hibla ng pawid. Bigla akong nakarining ng boses galing sa labas. “Umalis na kayo dito papatayin nila kayo. Wag kayong pupunta ng bundok.” Sabi ng boses.“Joy? Ella? Sino yan? Bulalas ko. Agad tumigil ang tunog pagkatapos kong magsalita. Narinig kong naglakad papalayo ang nasa labas ng kubo. Dali dali akong bumalik sa mga kaibigan ko at itinigil ang aking paliligo.“Joy, Ella???” takot kong sabi“Oh Daisy tapos kana ba maligo ba’t ganyan ang mukha mo? Para kang nakakita ng multo” wika ni Ella. “May lumabas ba sa inyo? May naririnig akong boses galing sa labas.” Ang sabi ko.“ha? Nandito lang kaming dalawa kanina pa. anong boses ang narinig mo?” takot na tanong ni Ella.“Papatayin daw nila tayo at wag daw tayong pupunta sa Bundok.” Ang sagot ko.“sarado ba ang bintana at pinto? Sisilipin ko kung may tao sa labas.” tanong ni Joy. “Ano ka ba Joy madilim pa sa labas.” Sabi ko. “ Patayin nyo lahat ng ilaw pra hindi tayo makitang nakasilip.” Sabi ni Joy. Dahang dahang sumilip si Joy sa siwang ng bintana pero wala syang makita dahil masyado pang madilim sa labas at kami lang ang kubong nakatayo roon. Sa takot namin ay sabay sabay na kaming naligo at hinintay ang pagliwanag hanggang sa pagdating nila kuya Joey.
Ikalimang Kabanata
Pagdating ni kuya Joey ay nagpapanik kaming nag kwento sakanya kung anung nangyari,“kuya Joey may narinig kaming lalake sa labas Lumapit sa kubo at nagsabing “Umalis na kami dito at papatayin kami, sinabi nya rin na wag kaming pupunta ng bundok.” Saad ko.“Naku Mam yun nga po ung baliw na sinasabi ko sa inyo, lagi po talagang nanggugulo ng tourista yun, pag nakita nyo po sya ulit umiwas nalang po kayo, Napaka kulit ng baliw na yun e.” Sabi ni kuya Joey. Maya maya pa ay dumating narin ang kapatid ni kuya Joey na makakasama namin sa bundok, May dala itong karit.“Kuya natanggal ko na ang harang pwede na tayo dumaan.” ang sabi nya.kasabay nya pala itong dumating ngunit dumiretso sa bakod ng bundok para alisin ang ilang harang nito.“Tara na po, Umalis na tayo.” Sabi ni kuya Joey.Kami ay sumunod na isa isa saknya, bakas parin sa mukha ko ang takot mula sa nangyari kanina pero kumakalma ang aking loob pag naiisip kong isang araw nalang at uuwi nadin kami kinabukasan,nagsimula na ang aming paglalakad sa bundok na iyon, ang kapatid ni kuya Joey ang abala sa pag gapas ng mga damong naka sagabal sa aming paglalakaran, pagkatapos ng kalahating oras ng paglalakad nakita na namin ang kagandahan ng Bundok, maraming magagandang ligaw na bulaklak sa paligid, maya maya pa nakita rin namin ang munting sapa, Maraming magagandang halaman sa paligid nito.“Naku kung andito ang inay siguro kukuha sya ng halamang yan. Haha” sabi ni Joy.“yan po ay iniingatan ng mga taga dito kaya hindi po nila ginagalaw yan” sabi ni Joey“oo nga po pala bawal pala kumuha ng halaman sa kabundukan” nahihiyang sabi ni Joy.“dito ho ang daan” Sabi ng kapatid ni kuya Joey.Pagliko namin ay nakita namin ang isang malaking kweba, sa paligid nito ay maraming bulaklak at mga kakaibang dahon ng halaman, ako ay namangha sa aking mga nakikita napakaganda ng bundok na ito.
Ikaanim na Kabanata
 Bago kami pumasok sa kweba ay nagsindi ng mga tuyong dahon ng buko si kuya Joey. Yun ang nagsilbing ilaw naming sa loob, pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa dulo niyon.“Wow!” Manghang bulalas ni Joy.paglabas namin sa dulo ng kweba ay may isang napakagandang Talon.May mga isda ding Lumalangoy.“mam pahinga muna tayo dito at kumain tanghali na po eh,” sabi ni kuya Joey.“Sige po. Pwede po ba kaming maligo sa tubig?” Tanong ni Ella.“Opo Mam. Pwede po.” Sagot naman ni kuya Joey.nagmamadali kaming ngtanggal ng mga sapatos at binaba ang aming mga dalang Bag at tumungo na sa talon, “Ahh! ang lamig. hahaha” sabi ni Ella.“Daisy bilisan mo na, ang sarap ng tubig” sabi naman ni joy“Eto na.” tuwang tuwa kong sabi.ang sarap sa pakiramdam ng tubig na iyon napakalamig at nakakahapo ng pagod, Ilang oras narin kaming naglalakad at pagod na talaga kami, makalipas ang ilang oras ay napansin namin na kaming tatlo nalang pala ang tao doon, wala na sila kuya joey.“Kuya Joey?” Nagpapanik na tawag ni Ella. Agad kaming umahon at hinanap sila kuya Joey, sigaw kami ng sigaw pero walang kuya Joey na lumabas, Nabalutan kami ng takot.“Iniwan ba nila tayo?” takot na tanong ko.“Baka naman kumuha lang ng makakain.” Sabi ni Joy.kinakabahan na kami ng mga oras na yun ng may lumabas na Lalaki, ang Lalaking Baliw!“Sinabi ko na sa inyo wag kayong pumunta sa Bundok na ito mapapahamak kayo!” Galit nyang sabi. Takot na takot kami sakanya at ginawa namin ang lahat para sya’y iwasan ng akmang lalapit na sya sa amin. Kumuha agad si Joy ng bato.“Wag kang lalapit samin kung hindi ibabato ko to sa ulo mo” Sabi ni Joy.“Hindi nyo naiintindihan.” Wika niya habang papalapit parin sa amin. Katapusan  Biglang bumagsak sa sahig ang lalaking Baliw. Nasa likod pala nya si Kuya Joey at pinalo sya ng kahoy sa Ulo.“Kuya Joey! Buti dumating ka.” Takot na sabi ni Joy. Sa takot nya ay napayakap sya kay kuya joey ngunit tinulak sya nito.“Hahaha hindi nyo ba alam na dapat nakinig kayo sa lalaking yan, edi sana tumagal pa ang buhay nyo.” Patawa nitong sabi.“Anung sinasabi mo kuya Joey?” Takot na tanong ni Ella.“Kayo ang Handa namin sa Pyesta ngayong taon, Karne ng tao ang espesyal na putahe namin tuwing Pyesta kaya naman lagi akong nagdadala ng tourista dito kada taon. Ang lalaking ito? Eto ay isa sa aking mga kapatid na laging sumusuway sa akin!” Biglang sipa niya sa nakabulagtang  lalaki. sa sakit ng sipa ay napabaluktot ang lalaki.“Bakit ka ba laging nagtatangkang magligtas ng mga touristang ipinupuslit ko sa bayang ito?” Ang sabi ni Kuya Joey na parang nag iba ng katahuan ng muli naming itong makita.“Ibig mong sabihin ay lahat kayo dito, tao ang kinakain?” Tanong ko.Ngumiti ito ng biglang lumabas ang isa nyang kapatid na aming kasama kanina sa kanyang likuran,Lumabas na rin ang mga taong kanina pa pala nasa sa likuran ng mga Puno at nagaantay ng senyales, Ang pangit ng itsura ng ilan sakanila at sira sira ang iba’t ibang parte ng kanilang katawan.“Kami pala ang mga lihim na residente dito sa taas ng bundok at ang tanging kinakain naming? ay karne ng tao!” Turan ng isa sakanila. hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nagmistulan kaming estatuwa sa aming kinatatayuan ng biglang sumigaw ang isa saknila.“Simulan na ang kapistahan! Patayin sila!” Ang kanyang Sigaw. Patakbong lumapit sa amin ang tatlong taong may hawak na patalim at agad itong itinarak sa aming mga tyan. Ramdam na ramdam ko ang masakit na hiwa ng kutsilyo at sa unti unting pagsara ng aking mga mata at paglagot ng aking hininga ay nakita ko ang pag ngisi ni Kuya Joey.
WAKAS
0 notes