“Aking Panaginip, Iyong Pag-ibig”
Maliligayang pagbabalik sa akin! Pasensya na dahil ngayon lang ulit ako nakapagbahagi ng isa sa mga tula ko.
Sana’y maibigan ninyo! ❤️
21 notes
·
View notes
"Paalam Na Sa'yo"
Nang matapos ang tayo, sinubukan kong harapin ang bawat bukas nang mag-isa. Ngunit naging mahirap ang bawat pagmulat ng aking mata. Hindi naging madali para sa'kin na kalimutan ang lahat kahit pa gaano kaikli ang pagsasama natin. Hanggang sa unti unti akong nasanay sa sakit. Unti unti, natutunan kong palayain ang sarili ko sa sakit na dulot mo. At ngayon, handa na ako. Handa na akong magpaalam nang tuluyan sa'yo.
25 notes
·
View notes
"Tanga"
Makalipas ang ilang daang taon, ako'y nagbabalik. Hahaha. Pasensya sa napakatagal na pamamahinga. Hindi ko masabing tuluyan na kong magbabalik dahil isa lang ulit 'to sa mga naimbak kong tula noon. Pero sana magtuloy tuloy na ulit ang pagbabahagi ko ng mga tula ko rito.
Itong tulang ito'y isang kwento ng katangahan na pamilyar sa karamihan. Kaway kaway sa mga taong tulad kong kahit sa kabila ng lahat ng sakit at hapdi, hindi tumitigil sa pagmamahal. Yung mga taong hindi nagsasawang magbigay kahit matawag na tanga ng mga tao sa paligid nila. Kaway kaway sa pusong sugatan pero hindi tumitigil magmahal.
12 notes
·
View notes
"Naudlot na Liham"
Ika-31 ng Disyembre noong nakaraang taon, gumawa ako ng isang liham na dapat ipapadala ko sa'yo sa Messenger. Ngunit hindi ko na ito naipadala. Ang natatandaan ko noon, mayroon tayong napag-usapan na pumigil sa akin para ipadala ito. Kaya ayun, naiwan siya sa'kin. Nakaimbak sa isang app sa cellphone ko.
Ilang beses kong binalikan itong liham na ito. Ilang beses kong inisip na ipadala na siya sa'yo. Ngunit sa bawat pagkakataon, pinipigilan ko ang sarili ko. Sa bawat pagkakataon, iniisip ko yung maaari mong isipin at magiging tugon mo. Kaya nanatili na lang siyang nakaimbak doon sa app pati na sa puso ko.
Hanggang sa dumating ang araw na, nagkalabuan tayo nang tuluyan. Dumating yung araw na nagkasundo tayong wag nang ituloy yung kung anomang naumpisahan natin. O may naumpisahan ba talaga tayo? O ako lang? At pagdating nung araw na 'yun, maraming bagay ang unti unting nagbago. Maraming bagay ang unti unting naglaho.
Maaaring noon, ginusto kita at gusto kita. Baka nga hanggang ngayon may kaunting latak pa. Ngunit ngayon, titigil na ako. Tuluyan na akong susuko. Hindi dahil napagod ako at hindi ko kaya. Susuko ako dahil napagtanto kong may halaga rin ako at kailangan kong gustuhin at mahalin muna ang sarili ko bago ang ibang tao.
25 notes
·
View notes
"Handa na ang Puso"
Handa na ako sa'yo. Handa na ang aking puso.
43 notes
·
View notes
"Bumalik Tayo sa Umpisa"
Sa sobrang sakit na naramdaman ko, isa lang ang ginusto ko nung araw na yun. Ginusto kong bumalik doon sa panahong hindi pa kita nakikilala at wala pa tayong ugnayan. Sa sobrang sakit, ginustong ganoon ang maganap para alam ko na kung anong gagawin ko. Sa ganoong paraan, maiiwasan ko ang sakit at mapipigilan kong madurog ang puso ko. Kung maaari lang na bumalik sa umpisa. Kung posible lang na bumalik tayo sa umpisa.
67 notes
·
View notes
"Luha"
Nung mga oras na 'yun, iniyakan ko siya nang hindi ko namamalayan. Hanggang sa napansin ko na lang ang bawat patak mula sa mata ko habang unti unting nadudurog ang puso ko.
24 notes
·
View notes
"Hiling"
Minsan kailangan mong maranasan ulit yung sakit para maalala mo kung paano bumitaw. Dahil minsan sa sobrang sakit, mapipilitan kang sumulong at iwan yung sakit na 'yun sa nakaraan.
40 notes
·
View notes
"Katapusan"
Ito ang unang tulang ilalabas ko ngayong taon at mula nung huli akong naglabas ng tula ko. Patungkol ito sa isang pagsuko ko sa isang taong nagustuhan ko noon ngunit di ko na nakitaan pa ng pag-asa. Tuluyan na akong napagod kaya heto ako, sumuko na sa kanya. Mas pinili ko na lang tuldukan at tapusin kaysa magpatuloy nang walang nangyayari.
Sana'y maibigan ninyo!
54 notes
·
View notes
Isang taon na! Salamat sa pagmamahal! 💖
14 notes
·
View notes
"LARAWAN"
Pahabol na tula para sa isang taong nagustuhan ko noon. Sinubukan kong sundin ang sigaw ng puso't bulong ng damdamin ko. Pero sa bandang huli, ako ang talo.
~
At ako'y nagbabalik! Pasensya sa matagal na hindi pagpaparamdam. Masyado lang maraming gawain sa buhay pero ayos na rin dahil nakalimutan ko siya. Hahaha.
28 notes
·
View notes
Ilang linggo na rin akong di nakakapagbahagi ng mga tula ko rito. Pasensya na't marami lang ginagawa. Pero maiba ako. Anong isasagot mo sa tanong na 'to? Sagot kayo. Hehe.
67 notes
·
View notes