Nagmamahal nang walang hinihinging kapalit

Explore Tagged Posts
Last Seen Blogs
Statistics

We looked inside some of the posts by youarenotsure and here's what we found interesting.

Inside last 20 posts
Time between posts
3 months
Number of posts by type
Photo
6
Video
0
Audio
0
Text
2
Chat
0
Answer
0
Link
2
Quote
0
Fun Fact

In an interview with inc.com, David Karp (Tumblr's founder) admitted, "Being on computers all the time makes me feel gross."

youarenotsure·2 years agoPhoto

bravefrontiergl:

BF Comic feat. Xenon and Elaina: Sleeping Beauty

Can Xenon wake the sleeping princess? Or will his helmet stand in the way? Find out in our latest comic!

youarenotsure
104 notes · See All
youarenotsure·3 years agoPhoto

Kuntento na ko

Kuntento na ko dito

Sa kung anong meron tayo

Sa kung anong gawin at hindi mo gawin

Kuntento na ko

Mabilis naman ako makuntento e

Nakukuntento na ko sa kung nasaan tayo

Kung nasaan ako sayo

Kung aasa pa ba ako sayo

Hanggang dito na lang ba ito

O ayan napapakanta na tuloy ako

Pero seryoso, nakukuntento na talaga ko

Sa kung anung meron at wala tayo

Pero sana naman meron ano

Gusto kong makuntento sa lahat

Sa Makita kung paano ka umiiyak dahil sa halong kilig at ligaya ng kanta ni Cookie Chua

Sa amoy ng damit mong matagal mong ibinabad sa sabong panlaba

Sa mga yakap mo’t mga halik

Sayo mismo…

Malaman ko lang na nandyan ka, masaya na ko.

Makita lang kita kahit ilang Segundo lang, buo na ang araw ko.

Kung nagtagal ma’y magbago ang isip mo

Mali, magbago ang tibok ng iyong puso

Kung saan bawat kalabog ay sa ibang direksiyon tutungo

Sa direksiyong papunta sa akin

Wag ka sanang biglang lalayo


Masasabihan naman ako at maiintindihan ko

Di ko kasi kakayanin ang hapdi ng lamig ng hangin na yayakap sa gabi dahil hindi ikaw ang kapiling

Ang init ng sinag ng araw na dadampi sa aking mga labi

At kung ano pang uri ng sakit na ako lang ang makadarama


Hindi ko naman hiniling na ikaw ay maging akin

Kahit oras mo hindi ko hinihingi

O yung mga binibigay ko ay iyong maibabalik

Dahil sinasabi ko sayo, mahal, Makita ka lamang

Kuntento na ako.

youarenotsure
0 notes · See All
youarenotsure·3 years agoPhoto

Uso noon na kapag manliligaw ka, todohan dapat.

Pagmamahal na walang hanggan, pag-aalaga na dapat ay sapat

Mula sa mamahaling rosas tuwing araw ng mga puso

Hanggang sa sulat kamay na liham na para sa iba ay di na uso

Kung di man makuha ang matamis na oo, wag muna sanang sumuko.

 -

Mahirap ang simula, alam ng lahat yan.

Pero ito rin ang pinakamatamis,

Kaya hangga’t nakakabanat pa ng mga buto, di dapat sumuko

Darating din ang araw na sasambitin mo sa akin ang iyong matamis na, “Oo na, loko.”

At doon mapapatunayang di nga dapat talaga sumuko

 -

Nagdaan ang mga araw, pati mga buwan

Enero, Pebrero, Marso hanggang Disyembre

Dinala tayo ng init at lamig ng hangin sa kung saan

Ang dating mainit na pawis sa iyong mga kamay ay biglang nanlamig sa di malamang dahilan

Dapat na ba kong sumuko?

 -

Maraming di pagkakaintindihan, alitan, aminan, at sumbatan

Lakipan mo pa ng papel sa sobreng matatalas na salita ang nilalaman

Paanong di susuko kung sa ganitong pamamaraan tayo nagkakasakitan

Ang puso kong nagdurugo kahit di mo sugatan

 -

Tinapos mong lahat ng parang nobelang walang sanang katapusan

Pinutok ang bula ng lumulutang kong puso sa mismong araw ng mga puso

Pinadaan ang mga araw na di ikaw ang kapiling at mga gabi nang di ikaw ang kasiping

Matapos nating magtapos ay binalik nating muli

Dahil pagsuko sayo’y hinding hindi ko pinipili

 -

Nakakalungkot dahil ang pagbabalik nati’y di rin tumagal

Oras na mahiwaga, bakit ngayon ka pa tumangging magbagal

Pagmamahal nya saki’y mabilis na mapagal

Magmula nang sabihin nyang, “Loko, ‘di na kita mahal!”

 —

youarenotsure
0 notes · See All
youarenotsure·3 years agoText

Noong una tayong magkakilala, parang wala lang
Walang magic o sparks o kahit fireworks sa ibabaw natin
Ni maguusap lamang pag may importanteng sasabihin,
O di kaya kapag may kailangan ka sa akin.
 
Dumating ang pagkakatong nagkasama tayong muli sa iisang lugar
Sangkop nito’y iba’t ibang mukha ng taong pareho nating nakakasalamuha
Puno ng pagmamahal kasabay ng pagbuo ng pagmamahal ko sa’yo… e ako kaya para sayo?
Nasa stage ako kung saan binabangon ko pa ang aking sarili mula sa pagkakasawi, tapos bigla kang darating.
 
Di nagtagal ay binuksan mo rin ang sarili mo upang ako’y mahalin din at alagaan
Mali, binuksan mo ang sarili mo na magmahal ng iba, habang mahal mo s’ya.
Ako naman si tanga, humahabol habol sa’yo
Sa t’wing ako ang pinipili mong samahan sa araw na ‘yon
 
Matanong kita, sabi mo mahal mo ako, pero mahal mo rin sya,
Pero bakit sa ako ang palaging naiiwan?
Bakit di mo magawang sundin ang kasabihang ‘pag may dalawa kang mahal, piliin mo yung pangalawa dahil hindi ka magmamahal ng isa pa kung masaya ka dun sa nauna’.
Anong lokohan ‘to?
Mahal mo ba talaga ako? O, pampalipas oras mo lamang ako sa tuwing wala s’ya sa tabi mo?
 
Tanga ka din e, ano? Oo, ikaw! Kasi walang matinong tao ang maglalaro ng dalawang magkaibang laruan, o liliko sa parehong kanan at kaliwa, at matutulog nang buhay ang ilaw habang patay ito, nang walang maiiwan.
Lagi at laging may maiiwan. Hanggang sa huli, s’ya pa rin ang pinili mo, at libog, este, reserba mo lang ako.
Reserba habang wala sya. Reserba habang di mo s’ya kasama.
 
Lumipas ang panahon, ating napagpasyahan na maging magkaibigan na lamang: magkaibigang minsan normal, minsan alam mo na.
Kati ng bawat balat sa’ting katawan ay kinakamot parin nating pareho
Naging magkaibigan ngang muli, pero wala pa ring nagbago sa katotohanang paasa ka pa rin, at tanga ako.
 
Napag-isip-isip ko, kung minahal mo nga kong tunay, alam ko at mararamdaman kong oo at yun ay totoo.
Dahil sabi mo sa akin nun, mahal mo ako bilang ako:
ang parang dinamita kong mga halakhak, ang minsang di pagligo sa isang linggo,
at kahit amoy bagong gising ang aking mga labi’y hinahalik-halikan mo pa rin.
 
Pero, ang tanga ko. Di ko naisip ang kabuuan mo: ang kabuuan ng puso mo at kung paano ka magmahal.
Ang alam ko kasi, buo ka magmahal— buo ang pagmamahal mo sa kanya dahil nagawa mo akong iwan para lang makasama sya.
At oo, ako si tanga, humahabol noon nang paulit-ulit, kahit sobrang sakit. Paulit-ulit kahit masikip sa dibdib.
Oo, buo ka magmahal. At ginamit mo lang ako. Gamit lang ako, at nagpagamit naman ako.
Ako ay hindi isa lamang bagay, at lalong lalo nang, hindi tayo bagay.
 
Bago tayo magkakilala, itim at puti lang ang kulay ng buhay ko.
Dumating ka, namuo ang bahaghari nang di ko inaasahan
Di ko inaasahang makakapagpabago, makakasira , at makakapagbigay aral sakin.
At tulad ng bahaghari, di katagala’y babawiin ito ng langit
Mawawala ito at babalik ang kulay sa dati— itim at puti.
 
Noon una tayong nagkakilala, parang wala lang.
Pero ngayong nakilala na kita, gusto kong wala ka na lang.
Tulad ng bahaghari sa buhay kong kulay itim at puti, sana wala ka nalang:
Sa puso, presensya at sa alaala.
Alaala ng saya, sakit, kirot at hapdi.
 
Tulad ng bahaghari matapos ang malakas na ulan, sana di ka na nga lang dumating.

0 notes · See All
youarenotsure·4 years agoText

Nakakapanibago at nakakagago, pero sadyang gusto ko.
Di ko alam kung anong meron sayo
Bakit madali mo makuha loob ko

Dinaig mo pa ang kanta sa ganda ng musika ng iyong bawat salita
Ang radyo sa tanghalian sa bilis mong makapagbigay ng balita
Balita ng kung anong buhay mo na
Balita ng buhay ko na lagi mong kinakamusta

Bakit ka ganyan, anong meron sayo?
Tuwing ikay andyan tila bumabaliktad ang paningin ko
Na para bang wala nang ibang pwedeng makita
Kundi ang yong paghinga at pagkurap ng mga mata

Damdamin koy di mapaliwanag
Sadyang puso ko ay madali mong nabibihag
Saktan mo koy di ako papatinag
Mahalin mo ko at aba akoy iyong iyo na.

0 notes · See All