Tumgik
zachcallueng · 2 years
Text
Lakbay Sanaysay Awtput/PETA 1
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
PAMANA_12-4_PANGKAT1
2 notes · View notes
zachcallueng · 4 years
Text
Ang susi sa pagkamakabayan ni Zach Emmanuel N. Callueng
Tumblr media
Ang ating wika ay lumalarawan sa ating pagiging isang Pilipino. Kung tatanggalin ang Filipino at Panitikan sa College Curriculum, paunti-unti mawawala ang ating kaalaman tungkol sa ating wika at ang ating kasaysayan. Lalo na ngayon, madalas sa mga kabataan ang halos wala nang alam tungkol sa ating kasaysayan. Mga iba, mas pinapag-aralan o mas nagaganahan pag-aralan ang mga kultura ng ibang bansa tulad ng South Korea, Japan, USA, atbp. Mga sarili nating mga kultura hindi na nila naaalala tulad ng mga sinauna nating bayani, ang mga suot ng mga katutubo sa mga probinsya, mga lumang mga simbahan na may malalim na kasaysayan, atbp. Binabalewala na ang ating wikang Filipiino at ang ating panitikan. Kaya di ako sumasang-ayon na tanggalin ang Filipino at Panitikan sa College Curriculum
Tumblr media
Di ako sumasang-ayon sa pagtanggal ng Filipino at Panitikan sa College Curriculum dahil kadalasan sa atin, nakakalimutan na ang ating kasaysayan at ang pagusbong ng ating wika. Kung sa grade 5 at 6 lang ituturo ang kasaysayan, maaari pagdating nila ng grade 9 ay makakalimutan na nila. Mga ibang bata, tulad sa dokyumentaryo na aking pinanood, hindi na naaalala ang mga pen names na ginamit ng ating mga bayani noon. Mahalaga na isama ito sa curriculum ng college dahil ito ang tamang edad na ituro o kaya i-refresh ang kanilang kaalaman tungkol sa ating wika. Dahil sa pagdating ng kolehiyo, lahat ng pinaniniwalaan nila sa edad nila na iyon ay dadalhin nila hanggang sila ay tumanda at ituturo din sa kanilang mga anak kung sila ay magkakaroon ng pamilya. Ang pagtuturo ng Filipino at Panitikan ay nagsisilbing instrumento upang ipakita ang pagmamahal ng mga kabataan sa bansa. Kaya mas maganda na mas bigyan ito ng pansin pagdating ng kolehiyo dahil mas bukas na ang kanilang utak sa mga mahahalagang paksa na iyon.
Tumblr media
Kailangan pang pahalagahan ang pagtuturo ng FIlipino at Panitikan dahil ito nalang ang nagsisilbing instrumento sa pagpapakita ng pagkamakabayan at pagmamahal sa bansa ng mga kabataan. Kailangan na ibahin ang mga mindset ng mga bata dahil nakakalimutan na nila ang ating wika at ang ating kasaysayan. Kung bata palang ay hindi na ipapakita na mahalaga ang ating Wika, pag-aaral ng Filipino at Panitikan, ay sigurado na paunti-unti na mawawala ang imahe ng ating pagiging Pilipino. Marami na ngang mga tao ang nakakalimot na sa mga turo ng ating mga nakakatanda, at kung hindi ito bibigyang pansin ay maaari na dumating ang panahon na hindi na kilala ng mga bata kung sino ang ating mga bayani noong sinakop tayo ng mga Espanyol. Kaya nga ika ni Dr. Jose Rizal “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
0 notes
zachcallueng · 4 years
Text
“Ang ating nagbabagong wika” ni Zach Emmanuel N. Callueng
Ang wika natin ay patuloy na nagbabago habang tumatagal ang panahon. Kung dati, gumagamit ang ating mga ninuno ng malawak na bokabularyo ng ating wika. Ngayon naman, maraming mga iba’t ibang klase na ng wika natin kung kaya’t may mga salitamg makakalimutan na. Nakakalimutan na nila ang mga tinuro nung sila ay grade 5 or 6 dahil hindi pa nila nakikita ang halaga ng ating wika o ang pag-aaral nila ng Filipino at Panitikan. Marami din sa atin ang di masyado marunong mag sulat sa ating wika. Dahil hindi na nakikita ng mga kabataan kung gaano kahalaga ang pag-aaral sa ating wika.
Ako’y sumasangayon na dapat mas bigyang halaga ang pagtuturo ng wikang Filipino. Maraming mga Pilipino ang nakakalimot na kung paano magsulat ng pangungusap, talata, mga malalalim na salita, atbp. Kadalasan na ginagamit na uri ng wika ngayon ay mga tulad ng gay lingo, konyo, atbp. Maganda naman na patuloy nagbaba ang ating wika, ngunit sana’y hindi din kakalimutin ang orihinal na pagbibigkas ng wikang Filipino. Marami nang hindi naaalala o di binibigyang pansin ang kasaysayan ng ating bansa at nang ating wika dahil hindi naman masyado binigyang diin nung itinuro sakanila ito.
Ang lahat naman ng wika ay magbabago. Ang wikang Filipino ay sumasabay lang sa pagbabagong ito. Maraming mga magagandang salita ang nakaklimutan ngayon dahil pinapalitan ito ng mga makabagong salita. Kinakalimutan nila o kaya ang kanilang mindset ay “wala naman akong pake dito, di naman mahalaga ito eh” at kailangan na ibahin ang mindset na ito. Sana man na kahit patuloy nagbabago ang ating wika, ay hindi natin kalimutan ang tamang paraan ng pabigkas ng mga salita, pagsusulat, at ang paglalarawan ng ating mga salita. Tulad nga ng sinabi ni Dr. Jose Rizal “Kabataan ang pag-asa ng bayan”
1 note · View note