Tumgik
#nagpagamit
bdsrsated · 1 year
Text
Sir Durias The Best Song Overleap By End Street Punk Band ng Pinas The Best The new single from End Street, released November 11, 2022
Listen and Sing
Eto nanaman tayo - teka lang sandali, diyos ko po, ano 'to? 'di malulunasan 'to. Paano na, ako ba o siya ba talaga?
At kung ikaw ay nalulunod, andito lang akong nanunuod.
Kung sabihin kong mahal kita, may magbabago ba talaga? Noong sa una pa lang ramdam ko nang panakip-butas mo lang ako sa mga pagkukulang niya sayo 'o bakit nga ba ako nagpagamit sa'yo?
Sana matauhan ka. Tingnan mong buhay mo, naaawa ako. Mag dahan-dahan ka sa panggagamit mo dahil wala nang matitira sa'yo. Mausisa mo ay naubos mo na ang sarili mo ng lubos!
Kung sabihin kong mahal kita, may magbabago ba talaga? Noong sa una pa lang ramdam ko nang panakip-butas mo lang ako sa mga pagkukulang niya sayo 'o bakit nga ba ako nagpagamit sa'yo?
Palibutan mo lang ang sarili mo ng lahat ng tinarantado mo! Ikalunod mo ang mga istorya mong wala kang pagkakamali dito! Nasusuka ako na habang hawak mo ang mga kamay ko, iba na pala ang kinakamay mo.
(Madali't sabi kinamay mo yung ano niya)
Kung sabihin kong mahal kita, may magbabago ba talaga? Noong sa una pa lang ramdam ko nang panakip-butas mo lang ako.
Durias #Endstreet #Vlogger #Musician #Gym #Vlogger #Vocalist #BDMS #BILL
0 notes
iamnotaxl · 1 year
Text
"Mahal kita noon, eh. Sobra" -Barrow line from a movie.
Kung tatanungin mo ako ngayon kung kumusta ang buhay pagibig ko, ang sagot masaya kasi wala. Nasa self love phase ang eksena ko.
If we happen to meet again in the present, that line from above is one thing I can tell him. Yes, masasabi ko yan sa kanya.
Few trusted people who knew about us had witnessed how stupid I was 4 years ago.
Literal na nagpaka ubos ako (in many aspect) dahil sa nangyari sa amin. Siguro nga isa ako sa mga tangang bakla (tao) na nagpagamit at nagpaloko.
Kung iisa isahin ko yung mga nagawa ko para sa kanya, hindi na lang. Ayaw kong mag bilang. Ginusto ko iyon, eh. Choice ko na mag bigay.
Siguro kaya nakuha niyang magloko kasi hindi ako yung tipo ng tao na tumatanggap ng bigay ng iba. Mas komportable ako na ako yung nagbibigay.
Sabi nga niya ang toxic ko daw. Dahil hindi ko na a-appreciate lahat ng mga effort niya. Yung mga patagong pagkikita namin na gusto niyang i-public. Yung nga takas moment ko na gusto niyang maging malaya kami...dun siya nagsawa.
But that was not enough reason para gawin niya sa akin 'yun. Sabi ko nga sa bestfriend ko na nakaka alam ng lahat tungkol sa amin, "Sana pinag palit na lang niya ako sa babae. Kasi mas matatanggap ko pa, eh. Pero hindi. Mas nasaktan ako dahil sa bakla lang rin niya ako pinagpalit."
Ngayon, okay na ako. Isa ito sa mga nangyari sa akin in the past na hindi na masakit pag inaalala. Kaya kung sakali man na magkita kami kung mapapadaan man ako sa Muzon, kaya kong sabihin sa kanya na, "Mahal kita noon, eh. Sobra."
Pero ngayon, hindi na. Wala na. Isa ito sa mga malaya moments ng buhay ko.
Tapos na rin ako sa phase na ipagsusulat ko pa siya ng tula dahil ubos na ang bakas niya sa mga salita ko.
#writingaboutmypast
1 note · View note
itsyoboypuppy · 4 years
Text
MARUPOK
Bobo ka talaga jayson. Hahaha Nagpagamit kananaman ginawa kananaman palipas oras alam mo naman naalala kalang pag may problema eh option kalang takbuhan ka nya pag kelangan ng kausap at kasama ka sa sitwasyon ginawa kananaman pampausaw problema. Tanga ka talaga hahahaha pasabi sbi kapa nakamove on kana tanga ka niloloko mo nanaman sarili mo. Tangina bat ba kasi pag kay shyra ang hina hina mo ayan tuloy bumalik nanaman lahat ng sakit. Pero in fairness alam ko happy ka at nakausap mo sya lalo na yung anak mo alam ko yung pinagdaanan mo sakit pero sana naman sa susunod hano wag kanaman na bigla bigla magpagamit wag kang humingi ng atensyon. Alam ko mahal na mahal mo parin yung tao pero sana para sa anak mo nalang. Wag kana umasa men, tama na yung give away mo lahat na nagawa mo para sakanya para sa ikakabuti nya. Alam ko nakinig ka sa problema nya ngayon at nadala kananaman ng nararamdaman mo ayan araw araw mo nanaman sya iniisip kung kelan kayo maguusap ulit. Bobo ka talaga eh kainis ka. Ayusin mo na, hindi ka magiging masaya kung patuloy kang aasa dun sa tao na baka bumalik akala mo kasi importante ka dun eh kaya kalang naman naisip non kasi may pinagdadaanan alam ko kung gaano kananaman nasasaktan alam ko din kung gaano mo kamahal yung tao marupok ka din eh. Tangina mo jayson next time wag na ipilit. Hayaan mo sya mag resolba ng problema nya syempre umaasa padin yun na magkakaayos sila ng bf nya parang dimo naman alam tignan mo wala kana ulit bilang hahaha pag gusto kalang kausapin saka lang lalapit syempre para sakanya para sa anak nyo lang yun. Ngayon okay na ulit sila ikaw nanaman yung nasasaktan ngayon kasi feeling mo magkakabalikan kayo hahahaha apaka tanga mo talaga. Wag kana bumalik sa dating pinagdaanan mo maawa kanaman sa sarili mo. Maging okay kayo para sa anak nyo pero wag kang mag expect at umasa okay? Sige move on kana ulit. Hahahaha tanginaaaaaa
1 note · View note
omaraculann · 5 years
Text
Ang Susunod na Kabanata
Kalayaan. Isang simpleng salita na kung ating susuriing mabuti, ay maraming ibig sabihin, maraming nais ipahiwatig, maraming inuudyok na damdamin. Ano nga ba ito? Kailan ba natin ito matatamasa? Alam ba talaga natin kung ano ang totoong kahulugan nito?
Iba-iba ang depinisyon natin ng kalayaan. At ito ay bunga ng samu't saring pinanggalingan o pinaghugutan. Ang kanyang mga karanasan ang humuhubog sa kanyang mithiin na makamit ang kalayaan. Kung tatanungin ang tao patungkol sa perspektibo niya sa kalayaan, marahil ay iba-iba ang mahihinuhang kasagutan. Para sa isang musmos na bata, ito ay ang maglaro nang maglaro hanggang sa kanyang naisin nang hindi pinagagalitan o pinagsasabihan ng magulang. Ang isang kabataan ay magsasabing kalayaang gumimik o gumala kasama ang barkada abutin man ng dis oras ng gabi. Para naman sa isang nasa edad ng katandaan, ito ay ang gawin ang bagay na matagal niyang ibig, ngunit hinahadlangan ng kanyang pisikal na at pisiyolohikal na katayuan.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga karaniwang pagbibigay-kahulugan sa kalayaan. Sapagkat sa kabilang banda ay may lipon ng mga indibidiwal na patuloy na sumisigaw at dumadaing ng paglaya mula sa tanikalang sa kanila ay nagpupumiglas. Kalayaan ang hiling ng mga taong bilanggo sa likod ng mga rehas - ang ilan sa kanila ay nagdurusa ng ilang taon sa loob ng kulungan sa isang kasalanang hindi naman nila ginawa. Dumaraing ang mga maralitang patuloy na pinapahirapan ng mga kapitalistang mararangya at bihag ng hindi makatarungang sistema ng lipunan.
Ngunit ang konsepto ng kasarinlan ay hindi na bago sa ating sosyedad. Kasaysayan na mismo ang makapagpapatotoo rito. Mahigit tatlong daang taon tayong sinakop ng mga dayuhan - nagpaalila, nagpagamit, at nagsunud-sunuran sa nais ng ibang lahi na namuno sa ating Inang Bayan. Ang pagiging uhaw sa kalayaan at kasarinlan mula sa mapang-aping kamay ng mga Espanyol ang nagdulot sa personalidad nina Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar, at ang Katipunan na mag-aklas gamit ang dahas laban sa mga naghahari sa tuktok ng opresibong piramide ng lipunan. Sa pamamagitan naman ng pluma at papel idinaan ni Gat Jose Rizal ang kanyang saloobin upang labanan ang mga mapang-abusong Kastila. Pagpapahayag ito na sa anumang bagay ay maaaring ilabas ng isang tao ang kanyang pagpupumiglas sa opresyon upang maabot ang inaasam na kalayaan.
Hindi rito nagtatapos ang kwento. Ang tagumpay ng ating mga bayani ay tila ba isang kapitulong natapos, at sa sumunod na kabanata ay binigyan ng masalimuot na bungad. Muling sinakop ang Perlas ng Silangan. Sa loob ng mahigit apatnapung taon, tayo ay sinakop ng mga Amerikanong dayuhan. Kung ating ipaghahambing ang antas ng kalayaan na ating natamasa noong panahon ng mga Amerikano, di hamak na binigyan tayo ng kakarampot na pag-asa kumpara noong pagsakop ng mga Kastila. Nabigyan ng karapatang mag-aral ang mga Pilipinong kabataan at nagbukas ang oportunidad para sa pag-unlad at pag-asenso ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng mga trabaho. Dumaan ang ilang taon at tayo naman ay pinagharian ng mga Hapon. Marami ang nawalan ng pag-asa na muli pang masisinagan ang maningning na sikat ng araw, sapagkat tila ba pinagsakluban na tayo ng langit at lupa. Hindi ito ang hinihiling na "plot twist" ng ating mamamayan. Sa pakikibaka para sa muling paglaya, marami ang nasugatan, nasaktan, at nagbuwis ng buhay. Subalit hindi ito naging hadlang upang tumayo tayo sa sarili nating mga paa at iwagayway muli ang kulay asul, pula, at dilaw na bandera sa kalawakan.
Matapos ang mahigit kumulang tatlong daang taong pakikipaglaban sa sarili nating kalupaan, nagkaroon ang ating mamamayan ng pagkakataong mamuhay nang tahimik at mapayapa - malayo sa gulo at pandidikta ng mga mapang-api. Gayunpaman, masasabi ba nating matapos ang lahat ng ating mga ginawa upang maka-alpas at talaga bang malaya na tayong lahat? Maisusulat na ba natin ang mga katagang "Sila'y nabuhay sa kabutiang-palad kailanman" sa pagwawakas ng ating kwento?
Ang kasagutan - hindi. Bakit? Sa kabila ng pagiging malaya mula sa kamay ng mga dayuhan, tila isang kabalintunaan na tayo ay patuloy na bihag at bilanggo ng ating mga sarili. Tayo mismo ang gumagawa ng paraan upang hindi natin makamit ang kalayaan nating inaasam. Sa makabagong mundo kung saan mataas ang pagtingin sa iba at mababa ang lipad ng ating mga pakpak, patuloy lamang tayong nakakulong sa rehas ng ating sariling kapalaran. Kung patuloy lang tayong mamumuhay na sunud-sunuran sa iba, bihag ng mapanghusgang mata ng lipunan, at alipin ng kapangyarihan ay walang mangyayari sa ating pangarap at paulit-ulit lang tayong babalik sa simula, sa prologong lahad ay depinisyon ng kalayaan.
Ito. Ito ang wakas ng ating masalimuot na kwento. Hanggang sa dumating ang araw kung saan wala nang tayong tatangis dahil sa pang-aapi ng kanyang kapwa, hanggang wala nang namamatay sanhi ng walang humpay na giyera at gulo sa ating bansa, at hanggang sa wala nang boses ang pilit na pinapatahimik ng lipunan, ay doon palang nating masasabing tunay na nating naabot ang kalayaan.
May susunod pa bang kabanata ang kwentong ito? Oo. Happily ever after na ba ang wakas nito? Ang kasagutan ay hindi tiyak.
3 notes · View notes
Text
Hindi ka pwedeng mag demand ng time
Dapat alam mo kung ang lugar mo.
Antayin mo siyang siya ang magsabi sayo.
Antayin mo siyang siya ang mangulit sayo.
Di mo siya pwedeng tawagan.
Lalo na pag gabi.
Wag kang mag expect ng good night.
Wala ka dapat paki.
Masaktan ka man kasalanan mo yan.
Wala kang dapat sisihin kundi sariling katangahan.
Minahal mo eh, masaktan ka man.
Kahit alam mong di ka kaya pangatawanan.
Option ka lang tuwing hindi siya okay.
Masakit man, wala ka ding kakampi.
Pagkat alam mo na walang makakaintindi sayo.
Dahil isa ka lang sa mga salot sa mundo.
Kirida, kabit, mang aagaw.
Lahat ng masasamang salita pwede itapon sayo.
Pero naisip ba nilang hindi mangyayari kundi dahil sa kanya?
Sa taong naghanap ng kaligayahan sa iba.
Ikaw naman, nagpakatanga.
Nagpagamit dahil akala mo totoong masaya siya.
Masaya lang naman siya dahil wala siyang choice.
Nabibigay mo ang atensyon na hindi mabigay ng asawa maghapon.
Hanggang tingin ka na nga lang sa FB niya.
Ni hindi mo magawang iadd siya.
Ni hindi mo magawang magmessage sa kanya.
Dahil natatakot kang baka mabasa ng asawa niya.
Ginusto mo, pinaglaban mo dahil minahal mo.
Ang tanong, kaya ka ba niyang ipaglaban?
Ang asawa nga niya nagawa niyang saktan.
Ikaw pa ba kayang panandaliang aliw lamang?
Malungkot isiping napunta ka sa ganyang sitwasyon.
Hindi mo man ginusto ngunit nahulog na ang puso mo.
Mahirap na bumangon, mahirap na ibalik.
Ang mga luha na iyong iniyak gabi-gabi.
Umaasa ka nalang sa kakaunting oras.
Na nakalaan para sa iyo lamang.
Ngunit kahit hindi sapat, tinanggap mo pa rin.
Wala eh, mahal na mahal mo din.
Kaya kung ako sayo, mag isip ka.
Hindi puro puso ang pairalin, wag kang tanga.
Kahit masakit tanggapin mo.
Dahil balang araw, makakahanap ka rin ng para sayo.
-Luna 💍
1 note · View note
takuyakii · 6 years
Text
mej nagsisisi na ako sa ginawa ko nung nakaraan hays, nagpagamit ako or ginamit ko siya?? ewan basta ayun tas ano parang pinilit ko mapunta yung atensyon ko sa kanya pero ewan ko din hays wala lang sarap pa naman kausap non kaso wala eh hahahahahahahaha ewan ko kung magkaibigan pa din kami hanggang ngayon sana oo kaso parang dehins na okay lang din naman basta ano saya din naman nung time na siya lang inaatupag ko ampf kamiss hahahahahahahhahahahahahahaha yoko na sana di na lang ako nakakaramdam ng kahit ano aghhhhh hays happy crush ko pa naman yun tapos ampfffff kakainis hahahahahaha de wala yaan na ala naman pake sakin yun hahahahaha self pity p0ta
3 notes · View notes
cxrdlmcx · 2 years
Text
nandidiri ako putangina feel ko nagpagamit nanaman ako skopo
0 notes
quicklyleftwerewolf · 6 years
Text
Bumabalik
Ito ako nasa isang sitwasyon na wala na dapat ako. Nakatakas na ako sa lungkot na dulot ng damdamin ko pero ito ako bumabalik paikot ikot sa kwarto ng damdamin ko. Akala ko nalagpasan ko na ang isa sa mga masasakit na kayang gawin ng tao sayo. Akala nasanay na ako na walang pakialam sa mundo. Akala ko kaya ko nang pigilin ang mga nararamdaman ko. Ngunit bumabalik ako ulit paulit ulit. Nakakabuang isang linggong puno ng luha mura at pagsisisi. Luha na animo walang bukas, na parang nasa akin ang lahat ng sakit sa mundo. Mura, minumura ko ang sarili ko paulit ulit bakit ako na andito ulit. Mali napakamali ko. Pinagsisihan ko. Oo nagsisisi ako bakit kita nakilala. Bakit ko pinilit ang sarili ko sayo. Ngayon nararamdaman ko na basura na ako. Nararamdaman ko na parang andyan ka dahil tang*ina kailangan mo lang ako sa mga pagkakataong yun. Nagamit ba ako? Nagpagamit ako ulit? Tanong ko sa sarili ko yan. Marahil tapos ka na sa kailangan mo kaya andali mo akong naiwan. Ang dali mo akong nabaliwala. Di mo nga ako kinakausap kahit sa limang oras nating magkasama. Napanis ang laway ko tinulugan mo pa ako. Ang saya ng buhay ko. Kulang na lang magpaparty ako. Bumabalik lahat lahat ng sakit na binaliwala ko. Bumabalik ang luha na tinatago ko. Lahat bumabalik salamat sa mga tulad nyo. Ngunit babalik ako. Iiiyak ko muna to, isisigaw ko muna to. Uubusin ko muna lahat ng mura sa mundo. Isisisi ko muna to sa sarili ko dahil wala namang ibang may mali kundi ako. Ako na nagtiwala sayo ng buo. Pinagkatiwalaan kita akala ko iba ka ngunit di naman pala. Nakakalungkot ang saya ay napalitan na ng pagsisisi. Sayang lang.
1 note · View note
Text
Ginto o Tanso?
Sabihin mo sa akin kung gaano mo katagal mabigkas nang maayos ang mga katagang Ingles na isasagot mo, at sasabihin ko sa iyo kung gaano kataas ang tingin sa iyo ng lipunang ito.
Itanim mo sa isang bata ang kaisipang walang huhusay pa sa isang taong purong Ingles ang tabas ng dila, at makikita mo kung paanong lalaki siya sa isang kolonyalistang pag-iisip.
Subukan mong alamin kung paanong ang kapangyarihan ng isang wika ay nakapagpapabago hindi lamang ng isang tao kundi ng isang buong bansa,
At mas lalo mong nanamnamin ang bawat isinulat ko dito.
Paano makapaghari? Paanong ang dating bisita lamang, ang siya na ngayong nakaupo sa trono? Paano nagawa ng isang bagong-salta ang kontrolin ang dating nagpapalamon sa kanya?
Natatandaan mo pa ba? Ang mga panahong kinakapa pa lamang ng ating mga ninuno kung kakayanin nga ba nilang matutunan ang isang wikang bukod sa napakalayo sa kanilang nakasanayan, ay bagong bago pa sa kanilang kamalayan?Nararamdaman mo ba, kung paanong unti-unting nilunok na lamang ng mga Pilipino ang isang wikang tingin nila'y magdadala sa kanila sa itaas, mula sa laylayan? Natatanaw mo ba? Wala ako roon, tama ka. Tulad ko, marahil hindi pa rin isinisilang sa panahong iyon ang kamalayang panlipunan- ang laksa-laksang tanong at pagdududa na bago ko tanggapin ang isang pagkaing inihahain sa akin, ay susuriin ko munang mabuti, na baka nagtataglay ito ng lasong ilang taon kong pagsisisihan. Hindi pa nga. Hindi pa siguro nila alam, o sadyang alam na ng mga kababayan ko noon ang kapangyarihan ng wikang ito, ngunit mas nangibabawa ang pangarap nila para da kanilang mga sarili.
At ang lason?
Heto. Matagal nang sinisipsip ang dugong dapat nananalaytay sa atin. Ang dugong sa atin talaga. Ang purong dugo ng ating lahi. Marahil hindi mo nararamdaman sa ngayon, ngunit unti-unti nitong papalitan ang iyong diwang makabansa. Bakit nga ba ganito na lamang katagal ang epekto ng wikang dala ng mga Amerikano? Bakit sa tinagal tagal ng panahon, ganito naman kabilis kumuha ng kaluluwa ang wikang naghihintay lamang sa tabi upang tuklawin ka? Kasi ang tingin mo sa ahas na ito, hindi peste, kundi tagasalba. Tagasalba sa kahirapang matagal mo nang gustong takasan. Tagapagtanggol mo sa lipunang wala nang mas bababa pa ang tingin sa mga taong ni hindi masabi ang "reservoir" sa tamang paraan. Tagapaniwala, tagasalo, at takbuhan.
Takbuhan nga marahil. Dahil sa pagkaripas mo ng takbo papunta sa wikang ito, sadyang napakabilis din ang takbo mo papalayo sa wikang dapat pinagtitibay mo. Kailan ka magigising? Kailan mo maiisip na ang kaunlaran ay wala sa mga dayuhan. Ang kaunlaran ay magsisimula dito, sa iyo. Sa sarili mong lahi, sa sarili mong kultura-sa sarili mong wika. O baka naman gising ka na? Ngunit para kang batang nagtutulog-tulugan upang hindi mapagalitan ni Inang Bayan? Gumising ka. Hindi bukas, hindi sa makalawa. Kung gigising ka, dapat ngayon na.
Hindi ka ba makapaghahari gamit ang sarili mong wika? Iyan ang tanong sa isipan ng marami-ngunit ang mas nakalulungkot isipin, ay nananatili na lamang itong isang tanong. Walang kasagutan at walang kasiguraduhan. Nananatiling isang pagsubok ang pagpapalit ng wikang gamit sa pakikipagtalastasan ng mga nasa istaas. Nasanay? Sinanay. Ginamit? Nagpagamit. Paano magbabago? Iyan ang hamon sa maraming Pilipino. Hamon sa ating mga nagising na. Kung ang paggamit ng wikang Pambansa ang siyang magsisimula ng unti-unting pagsibol ng kamalayan at dahan-dahang pagpapalit ng tunay na ginto sa tanso, bakit mo pa hihintaying unti-unti kang bulagin ng malin akala-nakasisilaw sa una ngunit sa katotohana'y tansong dala ng mga dayuhan?
Pinili kong hindi sabihin kung anong wika ang tinutukoy ko sa mga unang talata. Bakit? Sapagkat alam kong binabasa mo pa lamang ito, alam mo na kung ano ang tinutukoy ko. Nais kong maramdaman mo muna kung gaano ka na nalalayo, nasasakal, ngunit patuloy paring nagpapagamit sa wika ng mga kolonyalista. Wikang Ingles. Oo, madadala ka nito hindi lamang sa iba't ibang bansa, ngunit sa iba't ibang mundo-mundong matagal mo nang gustong marating. Matagal ka na nitong sinilaw.
Huwag kang magpabulag. Hindi iyan ginto.
Mas masarap isiping bago ka makarating sa ibang mundo, ay nasilayan mo muna ang ganda ng mundo kung saan ka isinilang? Ang bawat salitang ni hindi mo alam na ganoon pala ang ibig sabihin, at mamangha ka na lamang na ganito pala ang kagandahan. Bago ka magpatuloy sa pagtakbo, patungo sa tunguhing hindi mo maabot-abot, baka gusto mong huminto sandali, lumingon pabalik, pabalik sa wikang naghihintay lamang ng iyong pagtuklas. Wika ng kapangyarihan, marahil nakuha na nga ng Ingles ang titulong yan sa bansa ni Juan. Ngunit ano nga ba ang mas magandang pag-usapan? Tama na muna sa wikang dapat ikalawa lamang, baka dapat sumaglit ka muna sa wika ng iyong pagkakakilanlan. Hindi pa huli ang lahat. Saan matatagpuan ang tunay na ginto?
Ito ang tutuklasin mo-
at bago ka umalis, sabihin mo sa akin kung anong kagandahan ang makikita mo sa Wikang Filipino, at sasabihin ko sa iyo ang kapangyarihang bubuo sa iyong pagkatao at babago sa pagtingin mo sa mundo.
1 note · View note
imhappygjane · 4 years
Photo
Tumblr media
_#Repost_ Gusto ko lang e share yong story ko sa pag gamit ng ryxskincerity❤️ Yong unang pic ko hindi ko talaga nakalimutan yong date kung kailan napasakamay ko ang starter kit ng ryx😊 kasi yan yong araw na talagang binilhan ako ng asawa ko, Yes asawa ko ang bumili at nagpagamit sakin nyan nong binigay nya sakin yang starter kit,sabi nya pa sakin mommy may binili ako sayo,naawa na kasi ako sayo kasi everytime na titingin ka sa salamin lagi mong sinasabi na ang panget muna ang itim muna, kaya pinagkasya ko talaga yong kita konsa byahe kanina para makabili akong diaper,milk at itong bigay ko sayo😊 diba subrang nakakatuwa asawa ko😊 Sabi ko pa sa kanya daddy takot ako gumamit ng mga ganyan at baka mas lalong masira tong mukha ko😅😅😅 Sagot nya sakin mommy magtiwala ka sakin maganda ang product na yan madami akong nakitang feedback sa mga gumagamit nyan,nanuod pa nga akong reviews sa YouTube 😅😅😅 Syempre kahit takot ako gimamit ko talaga sya kasi pinaghirapan ng asawa ko yong pinangbili nya para lang gumanda ako charr lang😊 Nong time kasi na yon hindi pa sya nakaakyat ng barko ang inaasahan lang namin non ay yong pag dadrive nya. So ngayon charannnn ayan na kinalabasan talagang di na po ako gumamit ng ibang products kasi yon ang sabi ng hobby ko at nong nagka work na sya sa barko sabi nya Product ng Ryxskincerity na daw gamitin ko kaya Glow up, lotion, kenpaku,ue cream,poreless, glow up,perfume at alcohol lahat ay yon na po gamit ko.👏👏👏👏 #RyxSkinSincerity #SlayTheDay #beYOUTHifulStarterKit #QrBizAndBeHutyExpert #ryxskincerityset (at Davao City) https://www.instagram.com/p/CCD3NJaFaAQ/?igshid=146szqvcmdafe
0 notes
clapahayahay-blog · 4 years
Photo
Tumblr media
"GROWTH HAPPENS WHEN CHANGE EXIST" Ang paglago ay isang mabuting bagay pero ilan lang ang sumusubok na gawin ito. Bakit? dahil ang nagnanais nito ay kailangang dumaan sa pagbabago. The truth is, It's impossible to GROW if there is no CHANGE. Kailangan mo munang magdesisyong magbago at ibigay ang buhay mo sa Diyos at hayaan mong baguhin ka Niya. Kapatid 'di mo kayang magbago ng sa sarili mong kakayahan, kahit ilang new years resolution pa ang gawin mo. Mangyayari lang ang pagbabago kung hahayaan mong baguhin ka ng Diyos, 2 Corinthians:5.17 "Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come!", Kapatid ang pangako ng Diyos ay "BAGONG IKAW" kapag totoo mo Siyang nakilala, wala na ang dating ikaw kundi ang IKAW na binago ng Diyos. Hindi totoong kilala mo si Jesus kung nananatili ka sa dating IKAW. Desire to be transform and let God be glorified in your life. At may pangako ang Diyos na kapag nagpagamit ka sa Kanya sasamahan ka Niya, Matthew:28.20 ...and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with you always, to the very end of the age." Take note, "If we OBEY" sasamahan Niya tayo kung susunod tayo sa kung ano ang kalooban Niya. Yung ministry at growth na hinahanap mo hindi ikaw ang gagawa niyan si Lord_SUMUNOD KA LANG! Hindi ikaw ang magbabago ng buhay ng tao, take note vessel ka lang. Everything shall follow if you learn to OBEY and SUBMIT your life to God. #RecipientOfGodsGrace #DesireToGrow #GodIsTheTransformer
1 note · View note
ezabeee · 4 years
Photo
Tumblr media
Status unlocked!! I. Am. Now. A. Married. Woman. Jehovah surely gave me the most aMAIZing gift... a man to love for a lifetime. And tho the night before our wedding became every bride-to-be's nightmare, exhausting, frustrating, dissapointing, people who loved us so much made a huge turn around. Eto na... First of all i want to thank all our Ushers & Usherettes, they all played a huge part in making this all possible and amazing for all of us to enjoy, KTW, Binangonan & Malanday Congregation... you all were as ready and as willing as the prophet Isaiah and apostle Paul... hands up ako sa inyo! We love you all! Secondly, maraming maraming maraming salamat sa Director of the feast at Wedding coordinator ko, @brynnvrfq & @hampsbarbs sa lahat ng effort nyo to help and make things work lalo sa venue. Grabe wala din ako masabi except hindi nagwork ang sumpa mo kuya 🤣🤣🤣 we love you both so much! Sobra g laking part nyo sa buhay ko. Lalo sa wedding namen. Third, maraming salamat sa buong KU Tagalog West and east Cong. Sa mga umuwi at sa mga nag message na hindi nakauwi pero ramdam namin ang pinaabot na pagibig! Syempre sa aming mga magulang sa pagiging handa sa lahat ng bagay at sa pagmamahal na binigay nila samin para maging kung ano kami! We love you... Sa buong entourage namin! @angeala_1213 @its_eljay.vee @jenvidamo @shierie @hampsbarbs... Sa pagiging masiyahin at game! Kay ate @edenrosedelacruz sa mga pag damay sakin at pag unawa nung sumasabog na ko i love you to the bones!! Lalo na din sa abay kong HMUA ko na higit pa sa bridesmaid ang ginawa sobrang mahal na mahal kita alam mo yan @jeshameii Sa sobrang galing at amazing naming photog at vid, The Paperwall Studio, @ggelow and wife @ingrdvnssa, and company... as we always say, they made a huge turnaround sa vibes nakita namin yung pangarap naming wedding na matupad despite unexpected events! Ang galing. Sobra. Sa mga Masters of Ceremony! Sobrang thank you! Pero the most special love goes to my twin sister @richbartz who made everything work nung lugmok na ko.. mahal na mahal mo talaga ako. And we do likewise. We saw how Jehovah's hand worked sa araw na yun at isa ka sa mga nagpagamit.. - famorsquad😍 https://www.instagram.com/p/B4q_eyvh3-rzgxeK2HvGCoxxF6R0sZb4j8_XM40/?igshid=7015igaupols
0 notes
reinaxpatron · 5 years
Text
Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin.
Mahaba-habang taon din naging alipin ang mga Pilipino sa kamay ng estados unidos. Hindi maikakaila na tayo ay nagpagamit at nagpauto sa mga amerikano at hinayaan silang hubugin tayong mga Pilipino sa kolonyal na pagiisip at paggawa. Kahit naihayag na ang kalayaan ng bansa, tuluyan nga ba tayong nakalaya o tayo ay nabubulag lamang ng mga nagaganap at napapasawalang bahala na ang ating pagiging malaya sa kamay ng emperyalismo ng estados unidos?
Alam nating lahat na tayo ay tinubos ng mga amerikano sa mga sakamay ng espanyol upang sila naman ang manakop sa atin. Ginamit ng mga amerikano ang sistema ng edukasyon upang tayo ay linlangin at pagsamatalahan. Itinuro ng mga ito ang edukasayon upang turuan tayong mamuno ng sarili nating estado na magmumukha nga namang kapaki-pakinabang sa mga pilipino. Edukasyon ang naging susi ng Estados Unidos upang linlangin ang mga pilipino sa paniniwalang ito ang makakatulong at huhubog sa intelektwal na kaisipan ng mga pilipino. Ikinukubli ng mga Amerikanong ito ang kanila totoong hangarin sa likod ng isang mabuting gawain na uuto na syang ipagpapasalamat pa ng mga pilipino.
Sa kasalukuyan ay patuloy paring nagaganap ang ganitong pangyayari, hinuhubog ang mga pilipino gamit ang mga textbook at iba pang basahin na syang nakabatay sa paniniwala, at kasaysayan ng Amerika. Mapapatanong na lang tayo kung totoo nga bang naging malaya ang pilipinas mula sa mga dayuhang mananakop noon. Kahit ang sariling dugo ay sya ring tatraydor at magbebenta sa lupain ng pilipinas. Maraming presidente ng pilipinas na ang syang nagpatunay na hindi pa natatapos ang pagsakop at paglinlang sa atin ng estados unidos, ang mga Marcos na ang tanging nasa isip ay magpayaman at magnakaw ng kaban ng bayan, si Corazon Aquino na hinayaan at pinaglaban pa ang pannanatili ng base-militar ng mga amerikano, si Fidel Ramos na naglagda at pumayag na ganapin ang isang conference na naglalayong magsulong ng Globalisasyon na pakana ng mayayamang bansa upang kontrolin ang ekonimiya nito, at si Joseph Estrada na ikinampanya ang pagbabalik ng visiting forces agreement sa bansa. nakakalungkot isipin na mismong kapwa Pilipino ang magdadala at maghahatid sa atin sa kamay ng makapangyarihang bansa ng estados unidos. Tila nabalewala ang pakikipaglaban.at pakikidigma ng ating mga bayani upang makamtan ang inaasam na kalayaan at ngayon tayo ay nabigyang pagkakataong maging malaya ay bakit tila hinahatid muli tayo ng nasa pwesto sa kamay ng mga dayuhan?. Tumingin sa paligid at magnilay-nilay, hindi na natin alam kung tayo pa ba ang may karapatan sa ating lupang tinatapakan. Ang administrasyong mayroon tayo ngayon at ang sistemang pinapalakad ay naghahatid sa atin sa kamay ng mapangabusong bansa. Tayo rin ay may kasalanan dahil hinayaan nating hugasan ang ating utak ng mapagsamantalang mga bansa. Gaya ng pagiisip natin na mas maganda ang produkto ng ibang bansa at mas magmumukha tayonh matalino at may kung marunong tayong magsalita ng hihigit sa isang lengwahe. Hindi masama ang tumangkilik ng banyagang produkto ngunit wag kakalimutan na tayo rin ay may sariling produkto at maipagmamalaki.
Kung hindi ngayon kailan? Kung hindi ikaw at ako, sino? Tayo lang din ang magpapalayang tunay sa pinaghirapan at pinagbuhusan ng talino at dugo ng mga bayani. Tayo lang din ang magsasalba sa atin sa kamay ng mapangubusong mga bansa. Kumilos ka at magisip nang mabuti.
0 notes
erikapecoro-blog · 7 years
Text
Tumblr media
Prologue:
"Please, James.. just.. this night." Pagpupumilit ko.
"Madi, you're drunk.."
"James..." inilapit ko pa ang katawan ko sakanya. "This will going to be last. Promise hindi ko na kayo guguluhin." As what I say got my heart stabbed by a millions of needles.
I kissed him and he kissed me back. I wrap my legs to his waist and I feel his arms to my waist to guide me.
Hindi ko mapigilang umiyak. This is just a contract and nothing more. Kasal kami sa papel pero para sakanya ay wala lang yun. Gusto niyang maghiganti sa babaeng pinakamamahal niya which is my bestfriend. He wants her to comeback, using me. At ako naman ay nagpagamit. Wala e, mahal ko kasi.
Tanga na kung tanga, martir kung martir, baliw kung baliw, eh sa nagmahal lang ako ng todo anong magagawa ko?
Ngayong bumalik na nga ang bestfriend ko siguro tapos na ang lahat ng 'to. Six months palang ang tinagal namin at hindi lingid sa kaalaman kong lihim silang nagkikita. I try my best to work this out pero mukhang ako lang yata ang nageeffort.
"James..." I moan as he thrust it harder and faster. And as we reached our climax I feel the hot liquid fulfill inside of me.
Nahiga siya at nakaharap saakin. Titig ang kanyang mga mata at hindi ko mabasa ang mga ekspresyon.
"You're going to regret this." He whispered. Tumalikod ako sakanya para hindi niya makita ang mukha kong sobra nang nasasaktan.
Hindi ko 'to pagsisisihan, James. Dahil kahit kelan wala akong pinagsisihan.
Ramdam kong gumalaw ang kama kaya bahagya akong napalingon. Nakatalikod na siya saakin. Pinilit kong hindi matulog, gusto ko lang magipon ng lakas.
Maingat akong tumayo para hindi siya magising. Nagsimulang iempake ang mga gamit. Nang matapos kong mailagay ang mga damit sa maleta ay nilapitan ko siya.
Hinaplos ko ang mukha niyang himbing na himbing sa pagtulog.
"Alagaan mo ang sarili mo ah. Aalis na ako." Sabi ko na parang kausap ko lang siya.
Hanggang sa muli, James. Sana pagnagkita tayo nakalimutan na kita.
Hinila ko ang dalawang maleta palabas ng kwarto hanggang sa napadpad ako sa dining. Napatingin ako sa papel na naroon. Ang annulment papers.
Nanginig ang kamay ko nang dahan dahan kong pirmahan. Until it was done. Mapait akong napangiti. I'm not Madison De Luna anymore. I'm...
Madison Assuncion again.
Goodbye, James.
Kailangan ko nang bumalik sa pinaggalingan ko.
......
Triny ko lang.. ajaa! 😂
1 note · View note
basicallyjanina · 7 years
Text
Dear you, kung alam mo lang laman ng tumblr ko, puro ikaw. Sinaktan moko eh. Ginago. Ginamit. Ng paulit ulit. Ako naman si tanga, nagpagamit. Hindi nag-iisip. Gaguhan brad
2 notes · View notes
hidemefromhere · 4 years
Text
And once again nagpagamit na naman po tayo opo
8.9.20
0 notes