Tumgik
alton0117 · 24 days
Text
"Ang Paglalakbay ng Diwagay sa Mundo ng mga Tao"
Sa mundo ng sashayria, na puno ng mahika at diwagay (Diwatang bakla), may isang bukod tanging diwagay na nag ngangalang Reyna Prenseya na siyang namamalakad sa mundong ito, na may taglay na kakaibang ganda na mapang akit sa iba, ang kaniyang mga mata ay napakasingkit, may matambok na pisngi, may matangos na ilong, may mapula-pulang labi, at napaka ganda ng hubog ng kaniyang pangangatawan, siya ay masayahin at may mabuting kalooban sa kaniyang sinasakupan.
Isang gabi ng makaramdam si Reyna Prenseya ng pagkabagot, naisipan nito na maglakad, magmuni-muni, at pagmasdan ang kagandahan ng kaniyang kaarihan, ng biglang may makita siyang kakaibang tulay, tulay na kulay asul na may taglay na kakaibang enerhiya. Dali-daling siya ay nagtungo sa tulay na ito, at sa pag apak palamang niya rito, para bang siya ay kinakain nito, at sa tuloyang pag apak ng Reyna Prenseya, siya nga ay kinain ng tulay at itinapon sa mundo ng mga tao.
Pagkadating ng kaumagaan, laking gulat ng mga ibang diwagay, diwaboy, at diwata na ang reyna prenseya ay wala sa kaniyang kaharian, hindi maaninag ang kaniyang presensya sa kagubatan, harden, at sa buong sashayria. Nangangamba na ang lahat dahil ni isa sa mga naninirahan dito ay walang kaalam-alam kung nasaan ang Reyna Presenya, nang biglang may asong tahol ng tahol at kumakaripas tumatakbo papunta sa kaibigan ni Reyna Prenseya, na si Sisteraka, pinatahan ni sisteraka ang aso at kinausap niya ito
Sisteraka: Ano yon kaibigan naming aso? Tila ba ikaw ay natataranta at nangangamba? Tanong nito sa aso
Aso: Tunay na ako nga ay nangangamba, sapagkat nakita ko kagabi ang reyna prenseya na naglalakad lakad, nagmumuni-muni, at pinagmamasdan ang ating kaharian at biglang naglaho ng umapak siya sa tulay. Wika ng aso na puno ng pangangamba at takot.
Sisteraka: Tulay? Pagtatakang tanong nito.
Aso: Oo, tulay na kulay asul. Paglalarawan ng aso
Dali-daling nag bulongan ang mga kapwa diwata, diwagay at diwaboy sa kanilang narinig, hindi sila naniniwala sa sinasabi ng aso, sapagkat walang tulay na asul ang sashayria.
Manahimik kayong lahat! Sigaw ni Sisteraka. Kung tunay mang meron o walang tulay sa ating kaharian, kailangan nating paniwalaan ang mga sinasambit ng aso, sapagkat siya lamang ang nakakita sa ating reyna sa gabing iyon.
Sisteraka: Maari mo ba kaming dalhin sa tulay na iyong sinasabi mahal naming kaibigan? Dali-daling lumabas ang aso, at sumunod sina sisteraka patungo sa tulay na sinasabi ng aso, ngunit pagkarating nila wala silang makitang tulay, ito ay puno lamang ng halaman at dalampasigan at walang taglay na kakaiba. Na dismaya ang lahat ng wala silang nadatnan na tulay, at kinainisan ang aso dahil sa kaniyang pagsisinungaling, dahil dito mas lalo silang kinabahan at natakot na baka kung may nangyari ng masama sa Reyna, kaya agad-agad ay inutusan ni sisteraka ang lahat na magmasid at hanapin ang reyna sa buong kaharian, walang sinuman ang pwedeng bumalik sa kaharian na ito ng hindi nahahanap ang ating mahal na Reyna, sambit nito. At tuluyan na ngang sila ay naghanap sa bawat sulok ng kaharian.
Pagmulat ng mata ni Reyna Prenseya, nagtataka ito kung bakit wala siya sa kaharian niya at bakit sa matigas na bato siya natulog, nang biglang naalala niya na pagkaapak nga pala niya sa tulay ay kainain siya nito, at siyang dahilan kung bakit siya napadpad sa mundong kaniyang hindi mawari kung anong mundo ito, ng bigla itong tumingin sa kapaligiran at nabigla sa mga nakikita niyang kakaibang anyo ng mga naninirahan dito. Hindi nila katulad ang mga ito sa mga nakasanayan niyang makita sa kanyang mundo ng sashayria, at napagtanto na nasa mundo siya ng mga tao. Siya ay nangangamba sapagkat siguaradong nag-aalala na ang kaniyang mga pinamumunuan sa kaniyang kaharian, at baka siya ay mapahamak rito, sapagkat ngayon niya lamang nalaman na maliban sa kanilang mundo, may mundo pa pala ng mga tao. Ngunit sa kabila ng pagkakaiba, hindi niya maikakaila ang kagandahan at kabutihan ng mga tao sa mundo na ito.
Reyna: napakaganda naman sa mundong ito, napakatahimik, nagbabayanihan, at napaka sariwa ng hangin na tila ba walang kaproblema problema, sambit ng reyna, at kaniyang ikinagulat ng may sumagot sakaniya, at ito ay si Santino, siya ay may angking kagwapuhan, kulay asul ang mga mata, matangos ang ilong, at napakamatso ng katawan.
Santino: Tunay nga kaming mga naninirahan dito ay nagtutulungan at nagkakaisa, ngunit kami ay may madaming suliranin na kinakaharap, kagaya nalamang ng kawalan ng tubig at pagkukuhanan ng sapat na pagkain para sa aming pang araw-araw na pamumuhay.
Nalungkot at natulala ang reyna na isipin na sakabila ng kasaganaan ng buhay niya sa sashayria, may mundo palang naghihirap na humanap ng maiinom na tubig at makakain sa araw-araw. Bumalik nalamang ang reyna sa huwisyo ng bigla siyang tanongin ni Santino.
Santino: Tila ika'y hindi taga rito, ang yong pananamit ay kakaiba. Saan ka nagmula binibini?
Hindi mawari ng reyna kung paano niya ito sasagutin, at sa halip na sagutin niya ito, iniwan nalamang ito at kaniyang nilibot ang kaharian ng mga tao. At bigla-bigla itong sinundan ni Santino at isinantabi mo na ang kaniyang katanongan tungkol sa kung saan nagmula ang reyna ng sa gayon ito ay hindi mahilang sakaniya, at dali-daling nagpresenta si Santino na samahan nalamang si Reyna Prenseya sa paglilibot sa kanilang bayan ng sagayon ito’y hindi maligaw at hindi mapahamak. Laking pasasalamat ng Reyna sa kabaitan ni santino, kaya’t walang pag-aatubili ay sumama siya rito, at dali-dali tinanong ang ngalan nito.
Reyna Prenseya: Maari ko bang malaman ang yong ngalan ginoo?
Ako si Santino, ako ang isa sa tauhan ng kataas-taasan na namamalakad dito. Tila ikaw ay bago rito, ang iyong pananamit at pananalita ay kapansin pansin na hindi ka taga rito, sambit nito. Na siyang ikinagulat ng reyna, at walang alinlangan na sinagot na, hindi mo na kailangan malaman pa kung taga rito ba ako o hindi Santino, ang mabuti pa simulan na natin libutin ang inyong bayan ng lubusan kong malaman ang inyong mga problema at baka sakaling ako ay makatulong sa inyo.
Habang sila ay naglilibot, tila namamangha ang reyna sa kagandahan ng mga tanawin, masisigla ang mga hayop, matatayog na mga puno, at napakasariwa ng hangin, ngunit unti-unti ring natutuklasan ng reyna ang mga suliranin ng mga naninirahan dito. Natuklasan niya ang kahirapan at pangangailangang hinaharap ng mga tao sa mundong ito, walang sapat na tubig sa mga ilog at dalampasigan, walang masyadong pananim, na kung saan unti-unti niyang naramdaman ang pagnanais na makatulong at maglingkod sakanila habang siya ay naririto.
Nang makaramdam nang pagod at antok ang reyna, inalok ito ni Santino na ihatid na sa kaniyang tahanan, ngunit wika ng reyna wala akong uuwian na tahanan rito, na siyang ipinagtaka at napatunayan ni Santino na hindi nga tagarito ang reyna, ngunit nakakapagtaka man ang kaniyang katauhan hindi naman ito maaaring iwan ni Santino sapagkat baka ito’y mapahamak kung siya ay pakalat-kalat sa daan, kaya hindi nag atubili si Santino na alokin na tumuloy muna siya sa kanilang tirahan hanggat hindi pa siya bumabalik sa tunay niyang tahanan. Laking pasasalamat ng reyna sa kabutihang ipinapakita nito, na kahit na siya ay hindi kilala, hindi niya to hinusgaan bagkus ito ay buong pusong tinulongan, kaya naisip ng reyna na pag sapit ng hating-gabi at tulog na ito, kaniyang bibiyayahan ang kanilang mundo.
Pagsapit ng hating-gabi, tulog na si Santino, at tahimik na lumabas ang reyna, at nagmasid kung wala ng tao, laking tuwa niya ng pagmasdan na tahimik na ang kapaligiran at magagawa niya na ang kaniyang nais, unti-unti niyang ginamit ang kaniyang kapangyarihan at binigyang sapat na tubig ang ilog at dalampasigan at pinagmasdan kung gaano kaganda ang mga alon na nagagawa ng mga ito. Nang magawa niya na ang kaniyang ninanais, agad-agad itong bumalik sa loob ng tahanan ni Santino, at laking gulat nito ng makitang gising ito, at nagmadaling pumasok sa kaniyang silid at dali-daling humiga at pumikit, na siyang mas lalong nagbigay ng dahilan kay Santino para magtaka kung sino nga ba itong tao na kaniyang tinutulungan, kalaunan nakatulog narin ito ng mahimbing.
Pagsapit ng kaumagahan parehas na nagising sina reyna prenseya at santino dahil sa mga sigawan ng mga tao na tila ba parang may kaguluhang nangyayari sa labas, kaya agad-agad na lumabas ang dalawa at laking gulat ni Santino ng makita na punong puno ng tubig ang ilog at dalampasigan, at nagtataka kung paano nangyaring nagkaroon ito ng madaming tubig sa gayong hindi naman umulan, ngunit ganun paman laking pasasalamat niya sa diyos at hindi na sila magkakaproblema pa sa tubig. Sobrang saya ng mga tao dahil dito, na siyang ikinatuwa ng puso ng reyna na makita kahit papaano nabawasan na ang problema ng mga tao. Pagkalipas ng ilang oras napag desisyonan ng reyna na maglakad lakad muna at baka sakaling mahanap niya ang daan pabalik sa kaniyang kahariaan, siya ay nagtungo sa mga kagubatan at hindi nag atubiling pasukin ito kahit ramdam niya ang presensya ng kakaibang enerhiya na nagmumula rito, ngunit sa kasamaang palad kahit nalibot niya na ang buong kagubatan hindi parin niya mahanap ang daan pabalik sa kaniyang minamahal na kaharian.
Sa paglipas ng mga araw, habang patagal ng patagal siyang naniniraan sa mundo ng mga tao, lalo siyang nangungulila sa naiwan niyang kaharian, at lalo niyang napagtatantu na hindi nauubusan ng problema ang mga tao, at tunay ngang limitado lamang ang kanilang pinagkukuhanan ng makakain, kaya naman dahil sa utang na loob ni reyna prenseya kay santino. Pagsapit ng gabi at tahimik na ang kapaligiran siya ay nagtungo sa mga taniman ng mga pagkain, at dali-dali ito ay kaniyang pinamulaklak at pinamunga para sa paglabas ng araw ang mga tao ay may aanihin para sakanilang makakain, at bumalik agad sa kaniyang silid upang hindi na ulit siya makita ni Santino na galing siya sa labas.
Pagsikat ng araw, na gulantang ang bawat isa dahil sa biglaang pamumulaklak ng mga halaman at pamumunga ng kanilang pananim, na siyang ipinagtataka ng bawat isa lalo na si Santino, kung saan napapatanong na lamang siya kung paano nangyayari lahat ng ito, at biglang sumagi sa kaniyang isipan kung may kinalaman ba ang Reyna Prenseya sa mga nangyayari sa kanilang mundo, ngunit pagsasagot niya sa kaniyang sarili, Imposible! Tunay nga siya ay kakaiba kung manamit at kumilos, pero hindi siya ang may gawa nito sambit niya sa kaniyang sarili. Ganun paman laking tuwa at pasasalamat ng bawat isa sapagkat sila ay biniyayaan ng pagkukuhanan ng makakain nila laban sa kagutoman, na siyang ikanatuwa ng reyna na makita silang hindi na namomroblema sa pagkukuhanan nila ng kakainin para magkaroon ng lakas para mag trabaho para sakanilang pamilya.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi parin mapalitan ang pangungulila ng reyna sa kaniyang sariling mundo. Hindi niya nalilimutan ang kanyang mga nasasakupan at ang mga responsibilidad na kailangan niyang gampanin bilang isang reyna, na kung saan hindi na niya magampanan dahil hangga ngayon hindi padin niya nahahanap ang daan patungo sa kaniyang kahariaan.
Sa paglipas ng araw, napagod at nagsawa na ang reyna kakahanap sa daan patungo sa kaniyang kaharian, kaya tinanggap nalamang niya na ito ang kaniyang kapalaran, ang maging gabay at tagapagtulong sa mga tao sa kanilang mga nagiging problema. At habang tumatagal, at patuloy siyang tinutulungan ni Santino, siya namang pamumuo ng paghanga niya rito, tuwing sila ay nagkakatitigan, tila bang parang yelo, siyaý natutunaw, kapag silay nagkakadikit ang balat, tila ba parang tumatakbo ang kaniyang puso na parang aso, at tuwing naguusap sila, tila ba may lumilipad na paro-paro sa kaniyang tiyan, hindi mawari kung saan o ano ang pinang gagalingan ng kaniyang mga kakaibang nararamdaman.
Sa bawat hakbang na nilalakbay ng Reyna araw-araw sa mundo ng mga tao kasama si Santino, patuloy parin siyang tumutulong patago na solosyunan ang mga problema na kanilang kinakaharap araw-araw. Ganun paman unti-unti namang lumalalim ang pagtitiwala at pagkakaibigan ni Santino at ang Reyna Prenseya, kung saan hindi namalayan ni Reyna Prenseya na unti-unti nang nahuhulog ang kaniyang damdamin kay Santino. Hindi nito alam kung paano niya ito sasabihin, at inilihim nalamang nito ang kaniyang nararamdaman para kay Santino.
Isang araw, napag pasiyahan nani Reyna Prenseya na ipaalam ang pinagmulan nito kay Santino, na kung saan sinabi ng reyna sakanya na siya ay reyna sa kaharian ng sashayria na siyang ikinagulat at bigla ni Santino ng marinig niya ito.
Reyna Prenseya: Totoo ang aking mga sinambit, Santino. Ako nga ay isang Reyna sa Sashayria, ako ang dahilan ng lahat kung bakit kayo nagkaroon ng matubig na ilog at dalampasigan, mabulaklak na halaman at mabungang pananim. Wika ng reyna na siyang ikinagulat lalo ni Santino.
Santino: Nababaliw kana ba? Hindi totoo yan! Isa kalang hamak na normal na tao na naninirahan sa ibang bayan. Ang diyos ang tumulong samin para masulosyunan ang aming problema, hindi ikaw! Pasigaw nitong sambit sa reyna
Reyna Prenseya: Nauunawaan kong hindi kapanipaniwala ang mga sinasambit ko sayo, ngunit maniwala kaman o hindi, ako ay isang diwagay na pinunta ng isang mahiwagang tulay sa inyong mundo.
Hindi tuloyang makapaniwala si Santino sa kaniyang mga naririnig, iniisip nito na parang nababaliw na ang reyna dahil sa kaniyang mga sinasabi, kaya kumaripas ng takbo si Santino at pumunta sa kagubatan para magisip-isip at kumalma, at pagkalipas ng ilang oras, madilim na ang kapaligiran, senyales na gabi na pero hindi padin ito umaalis sa kagubatan, dahil sa pagaalala ng reyna kay Santino, ito ay naghanap-hanap sa paligid at napadpad sa kagubatan at doon sinalubong siya at sinalakay ng isang malaking halimaw na hindi niya mawari kung ano ito, at napasigaw nalamang ng “Santino, tulong!” na siyang ikinagulat ni Santino ng marinig ang boses ng reyna, at agad-agad itong kumaripas ng takbo papunta sa pinang galingan ng sigaw ng reyna, laking gulat ni santino ng makita na ang reyna ay inaatake na ng malaking halimaw kaya naman para mawala ang atensyon ng halimaw sa reyna, pumulot ng kahoy si santino at ibinato ito sa halimaw, na siyang ikinagalit ng halimaw at sinugod si santino, na bago pa man siya sugurin ng halimaw tumalsik na ito sa puno, at gulat na gulat na makita na ang reyna ay lumulutang at may kapangyarihang nanggagaling sa kaniyang mga kamay, na siyang nagging patunay na totoo lahat ng mga tinuran ng reyna sakaniya, ng nasa lupa na ang reyna kumaripas ng takbo si Santino papunta sakaniya at dali-dali itong niyakap dahil sa pangambang kaniyang naramdaman at takot na baka mawala sakaniya ang reyna.
Santino: Nagpapasalamat ako sa diyos at ligtas ka Prenseya bulong nito sa reyna.
Reyna Prenseya: Salamat sayo Santino, dahil kung hindi ka dumating, maaaring ako ay patay na ngayon dahil sa biglang pagsugod ng halimaw sakin. Salamat at ikaw ang aking kasama sa pagsubok na ito, santino, wika ng reyna.
Sa sandaling iyon, napagtanto ni Santino na hindi lang pagkakaibigan ang nararamdaman niya kay Reyna Prenseya, na sakabila ng pagkakaiba nila, alam niyang minamahal niya ito kaya umamin to sa reyna na higit pa sa isang kaibigan lamang, na ikinagulat ng reyna sa pagkat ang alam nito mas matatakot siya dahil sa kaniyang nakita bagkos dahil dito nalaman niyang mahal din pala siya ni Santino. Nagsimulang magtagpo ang kanilang mga labi sa isang matamis na halik at mahigpit na yakap, at doon nagsimula ang kanilang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kanilang kaligayahan, hindi parin mapigilan ni Santino ang kaniyang takot. Alam niyang si Prenseya ay isang diwagay, isang nilalang na hindi kailanman magiging sakaniya dahil sa kanilang pagkakaiba. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi niya kayang pigilan ang kaniyang nararamdaman sakaniya, at hindi niya ito kayang mawala.
Pagkalipas ng ilang buwan sila ay namuhay ng tahimik at masaya na hindi nalalaman ng iba ang tunay na anyo ng reyna, siya parin ay patuloy na tumutlong palihim sa mga tao para solusyonan ang kanilang mga problema.
Isang araw ng yayain ni Reyna Prenseya si Santino na pumunta sa kagubatan at hanapin ang daan patungo sa kaniyang kaharian ng maipakilala si Santino sa kaniyang kaharian, ngunit sa hindi inaasahan sa gitna ng kagubatan, isang grupo ng mga halimaw ang sumalakay sa kanilang dalawa, na kita sa mga mata ng mga halimaw ang nais na makaganti sa nangyari sa kanilang kapwa halimaw na napatay ng reyna para masagip si Santino. Mabilis na tumakbo si reyna prenseya at santino, ngunit nakapagtataka kung bakit ang reyna lang ang kanilang inaatake, ng mapagtanto ng reyna prenseya na siya lang ang inaatake at sakaniya lang sila naghihiganti, nilagyan niya ng pansamantalang harang si Santino para hindi sumali sa kanilang laban at hindi siya mapahamak, habang inaatake ng mga halimaw ang reyna, ito parin ay patuloy na tumatakbo, at siya ay may naapakan na bato na siyang dahilan para siya ay madapa at malapitan ng mga halimaw, at napilitan ng lumaban at gumamit ng kapangyarihan. Ngunit sa gitna ng labanan, hindi inaasahang nasugatan ang Reyna ng malubha, na siyang dahilan para tuluyan ng mahuli ng mga halimaw at kitilin ang kaniyang buhay, sa kaniyang huling sandali, tinawag niya si Santino at may huling hiling ito.
“Santino, minahmahal kita ng higit pa sa anuman. Ngunit alam kong hindi ako nararapat para sa iyo. Mahalaga kang parte ng aking buhay, ngunit ang tadhana ay hindi tayo magkasama. Huwag kang mag-alala para sa akin. Mahal na mahal kita.”
Sa pangyayaring ito, hindi na kayang pigilan ni Santino and kaniyang lungkot at sakit na nararamdaman. Ang minamahal niyang diwagay na nagbigay ng mas makulay na buhay sakaniya ay binawian na ng buhay. Sa sobrang sakit at pagdadalamhati, hindi rin niya napigilan ang sarili at nagawa niyang sundan ang reyna prenseya sa kabilang buhay.
0 notes
alton0117 · 24 days
Text
Tumblr media
"The Magical Birthday Surprise"
Eversince I was a child, I always witness people celebrating each family members birthday grandly and occasionally, various foods being served, numerous birthday presents given by their relatives and friends, and often heard people singing birthday song for the birthday celebrants, which I never have had experienced growing up. Growing up, I used to celebrate my birthday with loneliness and sadness, I was traumatized by being bullied and hurt by my classmates and neighbors, because of not celebrating my birthday with my family, no foods, and no birthday presents at all, which seems like I do not exist in this world, that makes me shiver in pain.
I still remember the day that everyone seems so happy celebrating their birthdays with their families and friends. Singing and dancing here, eating there, and playing magic all over the place. I never had experience those things, that those scenes feels unreal. I once asked myself, if that's how birthdays were supposed to be celebrated - with family, dancing, eating, and singing together. And if that's the case, did I deserve to celebrate my birthday unhappily?
As my birthday approaches, I still can't feel the excitement and joy of it; it feels like the day I'm waiting for is just another day that people remember because of me being bullied and hurt during my childhood birthday experiences, and no one, including my family, appreciates my existence, which breaks my heart.
One night, as I walked down the street, contemplating how I would celebrate my birthday, feeling alone and without anyone by my side, I saw a black cat. I felt nervous, thinking that seeing a black cat at night will give me misfortune in life. I run faster, and faster and faster! until I reached my home. I was shocked that the cat is right behind my back, staring into my eyes, as if pleading for help. It seems like he was hungry and thirsty, without hesitation i gave him my left over meal and water. The cat happily devoured the food. Seeing him happy makes me happy too. So, I decided to adopt the cat and welcomed him on my home and named it Midnight. After awhile I felt drowsy due to exhaustion, so i went to my bed and take a nap for awhile.
I was awakened by the noise of the sorroundings, people singing "happy birthday" infront of me, and doing some magical tricks. I was shocked that I am celebrating my birthday with a lot of people, together with my love one's, friends and strangers. I was so happy that for the first time I had experienced celebrating my birthday happily, not until i formally woked up and realized that it just a dream, dream that i wished to happen in real. To my surprise I saw the cat used his magical wand in its paws for me, and my room suddenly transformed into an enchanted place resembling the dream I had just experienced, a bunch of people singing "happy birthday", dancing, eating, and doing magical tricks infront of me and presenting me numerous gifts, that makes me cry and felt Im still dreaming, that this scene is unreal. I couldn't believe that the black cat I used to be afraid of seeing at night gives me a wonderful experience in celebrating my birthday.
1 note · View note