Tumgik
axeltacalan-blog ยท 4 years
Text
What a vacation!?
Hindi na ako magpaligoyligoy pa agad ko nang ibabahagi sainyo ang aking mga naging karanasan noong christmas vacation
Last December 14, 2019 itong araw na ito ay isa sa pinakamasaya at inaabangan ng bawat isa saamin dahil nagkaroon kami ng christmaa party at kaming grade 11 and 12 nang pangkat Sining at disenyo ay mas lubos naming nakilala ang bawat isa saamin,may kainan at may mga palaro na nagpasaya ng araw namin.
Pagsapit ng December 24, 2019 kaming pamilya ay naghahanda na para sa pagsalubong sa pagdiriwang ng kaarawan ng ating panginoong hesus.Sabi nila dapat pag christmas kompleto ang pamilya,pero hindi naman kami kompleto nung araw na iyon, dahil siguro nga may kanya kanya na silang pamilya at malayo sa kanilang dating pinanggalingan,ngunit hindi parin nanaig ang kalungkotan mas nangibabaw parin ang kasiyahan at pagmamahalan.Sa ganap na 11:58 nang gabi nakahanda na ang mga pagkain,nakatipon sa hapagkainan habang akoy nagseselpon napatitig ako sa kanila at sinabi ko "Ang saya, sana sa new year kompleto na para mas masaya" pagsapit ng alasdose ng gabi maslalong naging masaya, bati sa mga kaibigan at pamilya ng maligayang pasko at pagpapasalamat sa diyos.sa kaganapang iyong bago kami kumain nagkaroon muna kami ng picture-ran at saka na kami kumain ng may ngiti saaming mga labi.
Nagdaan pa ang mga araw,paglilinis at paghahanda parin ang aming inaatubili para sa paghahanda sa pagsapit ng bagong taon,pero bago pa sumapit ang pagdiriwang na iyon nagkaroon muna kaming magkakaibigan ng "get together" kasi syempre tagal na din namin hindi nagkita dahil sa akoy napalayo na ng paaralan.
December 30, 2019 sa hindi inaasahang pagkakataon nagkaroon ng problema at hindu pagkakaintindihan kaming magkakapatid nang dahil lamang sa isang maliit na walang kwentang bagay,muntik na ngang magkasakitan ng pisikal, malungkot na tinanong ko sa isip ko "lord?bakit ngayon pa?kung kelan malapit na ang bagong taon,wala na inasahan kona na hindi talaga kami makokompleto sa bagong taon. Sa halip na magtipontipon, hindi na nga naguruwian yung iba nagaralisan pa,pilit ko silang sinasabihan at kinakausap na dito nalang magbagong taon,nakakaiyak habang sinasabi ko yun sa kanila pero para hindi mahalata tumakbo ang ng COMFORT ROOM na aking naging "COMFORT ZONE"
December 31,2019 walang media nocheng naganap, kulangkulang ang pamilya,lungkot pa ng paligid.Kumpara noon,maingay, maraming paputok, masaya at may family picture pa.Masasabi kona ito yung pinakamalungkot na new year na nangyari saakin sa buong buhay ko.Siguro nga malas lang talaga ako ngayon taon.
Ibabahagi ko rin yung taong nakilala ko sa social media (fb) nakakilala ako ng gwapo,mabait at mapagmahal na lalaki, masaya ako pagnakakausap ko sya sapalagay ko naman napapasaya ko rin sya, kinikilig ako sa tuwing nagchachat sya...pero dumating na yung kinakatakotan ko yung mawala sya saakin ewan ko ba ang saya.umasa kasi ako kaai sabi nya wala syang jowa,nagtagal haba nang conversation namin hiwalayan rin pala patutunguhan,nagbigay motibo dinaman pala ako gusto,akala ko sya na,akala ko lang pala ang sakit nakakadurog ng puso halos gabi gabi akong umiiyak at nakikiusap sa kaniya pero inignore message na nya ako.Ganum paman pinipilit kong mag move on para makalimutan ko sya,ganun paman kailangan koring mag forget and forgive not because they deserve forgiveness but because i deserve peace.โœจ
Happy new year!!!
Submitted to: Mam Racelis
1 note ยท View note