Tumgik
Photo
Tumblr media
Sa kasalukuyan, isa sa pangunahing problema ng bawat Pilipino ay ang pagkaubos ng tubig, kabilang na dito ang Barangay Natunuan. Patungkol dito, ang Barangay na ito ay isang maliit lamang ngunit madami ang naninirahan kaya naman nangangailangan ng pansin. Nakakaramdam sa bawat araw ng pagkabahala kung malinis ba ang tubig na kanilang ginagamit. Siguro sa kadahilanan na ang mga naninirahan ay walang sapat na kaalaman sa kung paano mas mapapalinis ang tubig na ginagamit. 
 Bilang isang mangangalap, napansin ko na ang pinagkukuhanan nila ng tubig ay isang tangke na walang kasiguraduhan kung malinis. Gaya na lamang ng aking naranasan sa Barangay na aming tinitirhan na kung saan pareho ang pinagkukuhanan ng tubig, naranasan namin na nagkaroon ng maduming mga bagay ang loob nito ngunit sa huli na nalaman. Hindi dapat nagiging kampante ang mga tao na naninirahan dito, sapagkat ito ay magdudulot sa kanila ng sakit. May ilan na nagtitinda dito ng malinis na tubig kung saan ligtas inumin. Nakita ko ang hirap ng mga mamamayan na naninirahan dito na kinakailangan pa nilang gumastos upang makabili ng mas sigurado at ligtas na inumin. 
 Sa kabuuan, ang aming pangkat ay nakaisip ng isang solusyon na sa tingin namin ay makakatulong upang makatipid sa tubig, ito ay ang “RainWaterAid” na kung saan ang ulan na dumadaloy sa alulod ng bahay ay didiretso sa drum na masasala upang maging malinis at didiretso sa isa pang drum upang doon iimbak ang tubig na nasala na. Ito aya pwedeng gamitin na panglaba o panghugas ngunit hindi naman kailangan gamitin din na inumin. Sa aking paningin kung magiging matagumpay ito, tunay na malaking tulong ito upang ang mga tao ay higit na makatipid.
1 note · View note