Tumgik
eunicecorpuz · 3 years
Text
↷ ⋯ ♡ᵎ
Tumblr media
┊🖇💌 ꒱ Online Classes -- maraming mga tao at kabataan ang naninibago sa ganitong sistema sa pag-aaral, lalo na 'yung mga bata na outgoing o kadalasang nasa mundong labas ang kaligayahan. Sa loob ng Online Classes, para sa akin, sa simula ay mahirap pero exciting. Maraming bagong mga mukha ang nakikita sa screen ng gadget tulad ng mga kaklase at guro. Sa kabila ng mga ito, maraming pinagawang mga task, activities o ILT. Bukod dito, ako rin ay nahihirapan sa paggamit ng laptop noong simula dahil sanay lamang ako sa cellphone, pero masaya naman ang online class dahil nagkaroon ng mga kaibigan na maaasahan at mas naging confident na rin ako sa pagsasalita dahil dati insecure ako sa sarili kong boses at ngayon, sinusubukan ko na magustuhan ito.
Hindi maiiwasan ang pag-iyak o pagkalungkot dahil sa takot na hindi maging proud sa sarili. Hindi rin maiwasan ang pagkapawis ng palad ng mga kamay at lakas ng tibok ng puso sa kaba tuwing magsasalita sa virtual class. Alam kong madaming estudyante rin ang nahihirapan katulad ko, pero dahil lahat naman tayo may inspirasyon tuwing gigising sa pagsikat ng araw, ating kinakaya. Kaya tandaan, mga kapwa ko estudyante diyan, valid na maramdaman ang pagkabigo o disappointment, lalo na kung nakuha mo man sa quiz, activity o task ay hindi ayon sa ating ekspektasyon. 'Wag natin ito gawing kahinaan sa pagbangon. Isipin natin na binigay natin ang lahat ng mga gawain sa abot ng ating makakaya sa ginawa, at iyon ang importante dahil ginawa mo ang iyong best at efforts.
Nakikita ko rin sa mga social media platforms ang mga katagang "nakakapagod na" at "ang tagal naman ng bakasyon." Oo, pati ako natatagalan na kasi gusto ko na rin magbakasyon, pero hindi rin lamang naman tayong mga estudyante and pagod, pati mga teachers at magulang. Partida, nasa pandemya pa tayo. Sa kabila ng lahat ng ito, 'wag susuko at lahat ng mga nangyayari ngayon ang may dahilan, maaring ito ay ang pagsubok kung saan tayo ay maraming matutunan na magaganda, mas magiging malakas tayo bilang tao hindi lamang sa pisikal, kung hindi narin sa mental at emosyonal, at madami pang iba. Maraming pagsubok sa buhay kung saan kailangan natin tapatin. 'Wag susuko, alalahanin natin na 'di tayo nag iisa, andyan ang Maykapal, Pamilya at mga kaibigan.
Tumblr media
0 notes
eunicecorpuz · 3 years
Text
✎↷: ——
Tumblr media
៚ ๑_ Ano nga ba ang Online Class?
- Ang "Online Class" ay Isang platform ng pag-aaral kung saan ay gumagamit ng Internet connection, at ang mga estudyante ay hindi na kailangan umalis pa ng bahay para pumunta sa Eskwelahan kung saan makikita niya nang personal ang mga guro at mga kaklase.Sabi nga po nila, ang edukasyon ay ang tanging yaman na hindi mananakaw ninuman kaya’t kailangang pahalagahan.
Isa ito sa nakitang paraan o naisip na paraan ng Gobyerno, upang ang mga estudyante at mga guro ay makaiwas sa Covid-19 na lumalaganap parin hangang ngayon at upang matuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante na hindi tumigil sa pag-aaral. Nang magkaroon kasi mg lockdown sa bansang apektado ng Covid-19 krisis. Nakapagtuloy pa rin ang mga estudyante mula elementary hangang collage sa kanilang pag- aaral gamit ang mga gadgets katulad ng cellophone o computer.
- Bilang bahagi ng tinawatawag na ‘new normal’ sa sistema ng edukasyon sa bansa, ang online education ang nakikitang daan para maipagpatuloy ang taong panunuran sa darating na pasukan. Humahaba ang usapin patungkol dito at nahahati ang mga pananaw kung ano nga ba ang dapat gawin.
0 notes
eunicecorpuz · 3 years
Text
◛⑅·˚ ༘ ♡ PANIBAGONG DARATING NA VLOG! - NEW UPCOMING BLOG!
Tumblr media
0 notes
eunicecorpuz · 3 years
Text
✧・゚═══❀═══ ・゚✧ ✧・゚═══❀═══ ・゚✧
Tumblr media Tumblr media
◛⑅·˚ ༘ ♡ Ang pandemyang COVID-19 ay nagbago ng marami bagay sa ating pang-araw-araw na buhay sa loob lamang nang mahigit dalawang taon. Sa bansa natin, bagong-bago pa ang sistemang Online Class sa pag-aaral at maraming naninibago at hindi pa makasabay sa mga kailangang gamit at karunungan sa paggamit ng mga teknolohiyang pangklase. Dahil dito, ang mga estudyante ay isa sa mga nakakaranas ng anxiety at dahil din sa Anxiety, napapansin ko na karamihan ng mga estudyante ay hindi na makapag-participate sa klase nang maayos dahil sa kaba nila o pag-alala agad na baka sila ay magkamali. Katulad ko, lumalabas ang Anxiety ko dahil sa nerbyos o kaba kapag kami ay may mga presentasyon sa aming klase at ako ang magsasalita. Namamawis ang aking mga kamay at malakas ang pagtibok ng puso na tila parang aalis na yung puso ko sa dibdib.
Bukod pa rito, noong Oktubre 2020, may balita na maraming estudyante ang kumuha ng kanilang sariling buhay dahil sa kahirapan ng modules at pag-aaral. Madaming mga natawa, walang pake at nag-alala. Maaaring nakakatawa sa ilang mga tao, ngunit sa pag-iisip ng isang mag-aaral na nahihirapan sa mga module, hindi nila alam kung ano mismo ang pinagdaraanan ng mga mag-aaral.Para sa akin, kawalan ito ng respeto. Mental health na ang pinag-uusapan at walang nakakatawa rito. Ang mental health ay dapat nating inaalagaan at iniingatan. Kaya ko rin naisipan gawin itong Social Awareness Campaign Blog, para maraming Pilipino pa ang makaalam na hindi biro lamang ang Mental Health.
Tumblr media
0 notes
eunicecorpuz · 3 years
Text
✧・゚═══❀═══ ・゚✧ ✧・゚═══❀═══ ・゚✧
Tumblr media Tumblr media
✧∘* ೃ ⋆。˚. Kaya ako gumawa ng blog at social awareness tungkol dito ay dagil maraming tao ang nakakaranas nito at gusto ko rin iparating sa ibang tao ang mensahe na nakapaloob. Maraming mga Pilipino ang nawalan at natanggalan ng trabaho sa panahong ito. Mahirap sa kanila ang sitwasyon na ito lalo na at meron pang nangyayaring COVID-19 pandemic ngayon.
Noon, sila ang nagbibigay ng mga kailangan ng pamilya, ngunit ngayon, dahil wala nga silang ng trabaho nagbago ang papel nila sa buhay kaya’t nagdulot ito ng depresyon sa kanila.
Ayon nga sa World Health Organization Philippines "Sa panahon ngayon, maaaring tumaas ang panganib na magkaroon ng depresyon kung nababalisa o nagigipit." Hindi rin lamang sa mga nawalan ng trabaho ang nararanasan ang pagkabalisa, pati na ang mga matatanda tulad ng mga lola at lolo na mag-isa sa bahay nila ay sila ring maaari dumanas ng kalungkutan dahil sa quarantine na ito.
Tumblr media
0 notes
eunicecorpuz · 3 years
Text
『••✎••』 ❝ Why worry? If you've done the very best you can, worrying won't make it any better ❞ - Walt Disney
Tumblr media
。゚・ .─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───. 。゚・
✎ᝰ┆ Ano naman ang Anxiety? Ang Anxiety o ang pagkabalisa ay isang pakiramdam tulad ng pag- aalala o takot, na maaaring maging banayad o matindi. Ang pagkabalisa rin ay likas na tugon ng iyong katawan sa stress. Ang bawat isa ay may pakiramdam ng pagkabalisa sa ilang mga punto sa kanilang buhay. Halimbawa, maaari kang makaramdam ng pag-aalala at pagkabalisa tungkol sa pag-upo sa isang pagsusulit, o pagkakaroon ng isang medikal na pagsubok o pakikipanayam sa trabaho.
Ngunit ang ilang mga tao ay nahihirapang kontrolin ang kanilang mga alalahanin. Ang kanilang pakiramdam ng pagkabalisa ay mas pare-pareho at madalas na nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
0 notes
eunicecorpuz · 3 years
Text
『••✎••』 ❝ Yesterday is history, tommorow is mystery, today is a gift of God. Which is why we call it the present ❞ - Bil Keane
Tumblr media
。゚・ .─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───. 。゚・
·˚✎ ﹏ Ano nga ba ang depresyon? Ang depresyon ay isang pangkaraniwan at malubhang sakit sa medikal na negatibong pakiramdam na, nakakaapekto sa iyong pag-iisip at kung paano ka kumilos. Pero ang maganda at mabuti, nagagamot ito. Ang pagkalungkot ay nagdudulot ng mga kalungkutan o/at pagkawala ng interes sa mga bagay bagay at sa mga aktibidad na dating nasisiyahan o kawalan ng interes sa buhay. Ito ay isang normal na reaksyon sa pagkawala o hamon sa buhay.
Pero ang maganda at mabuti, nagagamot ito. Maaari itong humantong sa iba't- ibang mga emosyonal at pisikal na problema at maaaring bawasan ang kakayahan gumana sa trabaho, mag-aral at sa bahay.
0 notes
eunicecorpuz · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media
‧₊ ❁ཻུ۪۪.;:୭̥. Maligayang pagdating sa aking blog!
Ako si Eunice A. Corpuz. Ako ay bagong blogger lamang, sana magustuhan ninyo ang aking ginawa :)
Sa blog na ito, pag-uusapan natin ang depression at anxiety sa mga Pilipino dahil sa pandemyang Covid-19 , at kung ano ano ang nasa loob ng Online Classes, lalo na sa panahon ng pandemyang ito na maraming kabataan ang naninibago.
1 note · View note