Tumgik
Text
i l u n ( s a d ).
Sino nga ba ako? Masyado ko raw inilulunsad ang paggamit ng wikang Filipino sa aking mga pinagsasabi. Mula sa tamang pagkakabaybay hanggang sa paggamit ng wastong bantas.
Nakakatuwang isipin na may salitang “sad” sa pandiwang “ilunsad”. Naglulunsad ang isang lalaking nalulunod sa walang hanggang karagatan ng masidhing kalungkutan. Gayunpaman, hindi ko alam ang tunguhin ng ilan sa aking pinagsasabi. Masyado na ata (?) akong nagiging pormal?
Hindi ko rin alam kung sino ako. Kung malalaman mo man; baka pwedeng ipaabot mo sa kanya ang aking nararamdaman. Sapagkat hindi ko pa kaya. Baka gutom lang to. Salamat.
0 notes
Text
m a d a l i a n .
—ANG SAYA KO. TAPOS.
0 notes
Text
s a n g g o l .
Ikaw ang
Labis kong kinahumalingan
Oo,
Isipin mo man nang dalawang beses;
Subalit, nahulog na ata
Ako
2 notes · View notes
Text
m a d a l i .
Kayhirap palang umibig sa ‘di tamang panahon (Misalucha, 2002).
Madali akong madala sa mga pinakikinggan kong awitin. Lalo na, sa lagay ko ngayon; na ang mga tugtugin ay puro pang-sawi. Ngunit, nahihirapan naman akong pakinggan ang tinitibok ng aking puso. Hindi ko naman kasi kayang diktahan ito sapagkat mas malakas pa ito sa akin. Kahit ako ang may-ari nito, may angking lakas ito na tanging siya lang ang makakamanipula.
Madali akong mapaniwala ng mga sarili kong iniisip. Na kung minsan, ay napapaisip na lang din ako kung bakit ko iniisip ang mga ganitong bagay. Ngunit, mahirap akong utuin ng ibang tao--tanging ako lang ang siyang nanloloko sa aking sarili. Nasa sa atin naman iyon, kung magpapauto na lang ba tayo o hindi. Hay, bakit ang lungkot ko? Talaga bang ang mga taong akala natin [sila ang] dahilan ng ating kalungkutan ang tunay na sanhi nitong dinaranas natin? O tayo lang ang nag-iisip ng ganitong mga bagay-bagay?
Madali akong madala sa mga pinakikinggan kong awitin. Ngunit, nahihirapan naman akong pakinggan ang tinitibok ng aking puso. Madali akong mapaniwala ng mga sarili kong iniisip. Ngunit, mahirap akong utuin ng ibang tao--tanging ako lang ang siyang nanloloko sa aking sarili.
0 notes
Text
a k a l a   n a   n a m a n .
Totoo ngang may mga bagay
Na nauulit
Na sa iba’y, kanilang pinagpupugay
At sa iba’y kinakalimutang pilit.
masasabi ko lang sinta,
palalayain na kita.
pero ba’t nga ba kita palalayain,
kung kahit minsan, di ka naman naging akin?
0 notes
Text
k a y a   k o   b a ?
Kaya ko talaga.
              Ito ang lagi kong binubulong sa hangin; dahil, hindi ko naman kayang sabihin ito sa iyo nang direstuhan. Hindi ko kayang banggitin ang tatlong salitang ito sa harapan mo; mata sa mata, tadyang sa tadyang, laman sa laman, puso sa puso. Na umaabot sa puntong, hindi ko na kayang pigilan ang aking bibig na pakawalan ang mga salitang ito mula roon.
              Hanggang sa nagkataon, na naging abo ang kulay ng mga makakapal na ulap. Sa una, inisip kong kaygandang pagmasdan ng ulap na may basbas ng katingkaran ng bughaw. Ngunit, napagtanto ko ring kaakit-akit ang mala-abo na ulap. Hanggang sa nagsimula na itong lumuha at sinabayan ang pag-agos ng ambon mula sa aking mata.
              Habang ninanamnam ko ang aking pag-iisa, marahil ay masaya ka sa piling ng iba. Sa piling niya. (O, piling nila?) Habang binabalikan ko ang alaala nating dalawa, alam kong gumagawa ng mga bagong alaala kasama siya (O, sila?). Gusto kong umiyak pa nang todo, ngunit ayaw ko ito munang pakawalan. Sapagkat, parang sinabi ko na rin sa aking sarili na ako’y tuluyan nang nahulog sa’yo. Tingnan mo, kung anu-ano na ang mga salitang napapagtagpi-tagpi ng mga titik na ito. Baka sa simula pa lang, ay mali na ako.
              Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon.
              Uulitin ko muli ang aking pahayag.
Kaya ko talaga. Hindi ko talaga kaya.
0 notes